Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

M’Cheyne Bible Reading Plan

The classic M'Cheyne plan--read the Old Testament, New Testament, and Psalms or Gospels every day.
Duration: 365 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
1 Samuel 18

Si Saul ay nainggit kay David.

18 At nangyari, nang siya'y makatapos na magsalita kay Saul, na (A)ang kaluluwa ni Jonathan ay nalakip sa kaluluwa ni David, (B)at minahal ni Jonathan siya na gaya ng kaniyang sariling kaluluwa.

At kinuha siya ni Saul nang araw na yaon, (C)at hindi na siya tinulutang umuwi sa bahay ng kaniyang ama.

Nang magkagayo'y si Jonathan at si David ay nagtibay ng isang tipan, sapagka't minahal niya siya na gaya ng kaniyang sariling kaluluwa.

At hinubad ni Jonathan ang kaniyang balabal na nakasuot sa kaniya, at ibinigay kay David, at ang kaniyang kasuutan pati ng kaniyang tabak, at ng kaniyang busog at ng kaniyang pamigkis.

At lumalabas si David saan man suguin ni Saul, at siya'y nagpakabait: at inilagay ni Saul siya sa mga lalaking mangdidigma, at minabuti ng paningin ng buong bayan, at gayon din ng paningin ng mga lingkod ni Saul.

At nangyari pagdating nila, nang bumalik si David mula sa pagpatay sa Filisteo, na ang mga babae ay (D)lumabas mula sa lahat ng mga bayan ng Israel, na nagaawitan at nagsasayawan, upang salubungin ang haring si Saul, ng mga pandereta, ng kagalakan, at ng panugtog ng tugtugin.

(E)At nagaawitan ang mga babae sa kanilang pagtugtog, at sinasabi,

Pinatay ni (F)Saul ang kaniyang libolibo,
At ni David ang kaniyang laksa-laksa.

at nagalit na mainam si Saul at ang sabing ito ay isinama niya ng loob; at kaniyang sinabi, Kanilang inilagay kay David ay laksalaksa, at sa akin ay kanilang inilagay ang libolibo lamang: (G)at ano na lamang ang kaniyang tatangkilikin kundi ang kaharian?

At inirapan ni Saul si David mula sa araw na yaon.

10 At nangyari nang kinabukasan, na ang masamang (H)espiritu na mula sa Dios ay dumating na makapangyarihan kay Saul, (I)at siya'y nanghula sa gitna ng bahay: at si David ay (J)tumugtog ng kaniyang kamay, gaya ng kaniyang ginagawa araw-araw; (K)at hawak ni Saul ang kaniyang sibat sa kaniyang kamay.

11 (L)At inihagis ni Saul ang sibat; sapagka't kaniyang sinabi, Aking tutuhugin si David sa dinding. At tumanan si David sa kaniyang harap na makalawa.

12 At natakot si Saul kay David, (M)sapagka't ang Panginoon ay sumasakaniya, (N)at nahiwalay na kay Saul.

13 Kaya't inihiwalay ni Saul siya sa kaniya, at siya'y ginawa niyang punong kawal sa isang libo; (O)at siya'y naglalabas pumasok sa harap ng bayan.

14 Nagpakabait si David sa lahat ng kaniyang kilos; at ang Panginoon ay sumasakaniya.

15 At nang makita ni Saul na siya'y nagpakabait, siya'y natakot sa kaniya.

16 (P)Nguni't minamahal ng buong Israel at Juda si David; sapagka't siya'y naglalabas pumasok sa harap nila.

Ipinakipagtipan si Merab kay David.

17 At sinabi ni Saul kay David, Narito ang aking lalong matandang anak na babae na si (Q)Merab; siya'y aking ibibigay sa iyo na (R)asawa: magpakatapang ka lamang dahil sa akin, at iyong ilaban ang mga (S)pagbabaka ng Panginoon. Sapagka't sinabi ni Saul, (T)Huwag pagbuhatan siya ng aking kamay, kundi ang kamay ng mga Filisteo, ang magbuhat sa kaniya.

18 At sinabi ni David kay Saul, (U)Sino ako at ano ang aking buhay, o ang sangbahayan ng aking ama sa Israel, upang maging manugang ako ng hari?

19 Nguni't nangyari na sa panahong ibibigay kay David si Merab na anak na babae ni Saul, ay ibinigay na asawa kay (V)Adriel na Meholatita.

20 At sinisinta ni (W)Michal na anak na babae ni Saul si David: at kanilang isinaysay kay Saul, at ang bagay ay ikinalugod niya.

21 At sinabi ni Saul, Aking ibibigay sa kaniya siya, upang siya'y maging silo sa kaniya, at upang (X)ang kamay ng mga Filisteo ay maging laban sa kaniya. Kaya't sinabing ikalawa ni Saul kay David: Ikaw ay magiging aking manugang sa araw na ito.

22 At iniutos ni Saul sa kaniyang mga lingkod, na sinasabi, Makipagusap kayo kay David ng lihim, at inyong sabihin, Narito, kinatutuwaan ka ng hari at minamahal ka ng lahat ng kaniyang mga lingkod: ngayon nga ay maging manugang ka ng hari.

23 At sinalita ng mga lingkod ni Saul ang mga salitang yaon sa pakinig ni David. At sinabi ni David, (Y)Inaakala ba ninyo na magaang bagay ang maging manugang ng hari, dangang ako'y isang dukhang tao at niwawalang kabuluhan?

24 At isinaysay ng mga lingkod ni Saul sa kaniya, na sinabi, Ganitong paraan nagsalita si David.

25 At sinabi ni Saul, Ganito ang inyong sasabihin kay David: (Z)Hindi nagnanasa ang hari ng anomang bigaykaya, kundi isang daang balat ng masama ng mga Filisteo, upang mapanghigantihan ang mga kaaway ng hari. (AA)Ang balak nga ni Saul ay maibuwal si David sa pamamagitan ng kamay ng mga Filisteo.

26 At nang saysayin ng kaniyang mga lingkod kay David ang mga salitang ito, ay ikinalugod na mabuti ni David na maging manugang siya ng hari. (AB)At ang mga araw ay hindi pa nagaganap;

27 At tumindig si David at yumaon, siya at (AC)ang kaniyang mga lalake, at pumatay sa mga Filisteo ng dalawang daang lalake; (AD)at dinala ni David ang kanilang mga balat ng masama, at kaniyang ibinigay ng buong bilang sa hari, upang siya'y maging manugang ng hari. At ibinigay na asawa sa kaniya ni Saul si Michal na kaniyang anak na babae.

28 At nakita at nalaman ni Saul na ang (AE)Panginoon ay sumasa kay David; at sinisinta si David ni Michal na anak ni Saul.

29 At si Saul ay lalong natatakot kay David; at naging kaaway ni David si Saul na palagi.

30 Nang magkagayo'y lumabas ang mga pangulo ng mga Filisteo: at nangyari, na sa tuwing sila'y lumalabas ay nagpakabait si David kay sa lahat ng mga lingkod ni Saul; sa gayon ang kaniyang pangalan ay lalong (AF)namahal.

Roma 16

16 Ipinagtatagubilin ko sa inyo si Febe na ating kapatid na babae, na lingkod sa iglesia na nasa (A)Cencrea:

Upang tanggapin ninyo siya sa Panginoon, (B)ayon sa nararapat sa (C)mga banal, at tulungan ninyo siya sa anomang bagay na magiging kailangan niya sa inyo: sapagka't siya nama'y naging katulong ng marami, at (D)ng aking sarili naman.

Batiin ninyo si (E)Prisca at si Aquila na aking mga kamanggagawa kay Cristo Jesus,

Na ipinain ang kanilang mga leeg dahil sa aking buhay; na sa kanila'y hindi lamang ako ang nagpapasalamat, kundi naman ang lahat ng mga iglesia ng mga Gentil:

At batiin ninyo (F)ang iglesia na nasa kanilang bahay. Batiin ninyo si Epeneto na minamahal ko, (G)na siyang pangunahing bunga ng Asia kay Cristo.

Batiin ninyo si Maria, na lubhang nagpagal sa inyo.

Batiin ninyo si Andronico at si Junias, (H)na aking mga kamaganak, at mga kasama ko sa pagkabilanggo, na siyang mga bantog sa mga apostol, (I)na sila nama'y nangauna sa akin kay Cristo.

Batiin ninyo si Ampliato na aking minamahal sa Panginoon.

Batiin ninyo si Urbano na aming kamanggagawa kay Cristo, at si Estaquis na minamahal ko.

10 Batiin ninyo si Apeles na subok kay Cristo. Batiin ninyo ang mga kasangbahay ni Aristobulo.

11 Batiin ninyo si Herodion na aking kamaganak. Batiin ninyo ang mga kasangbahay ni Narciso, yaong nangasa Panginoon.

12 Batiin ninyo si Trifena at si Trifosa, na nangagpapagal sa Panginoon. Batiin ninyo si Persida na minamahal, na lubhang nagpagal sa Panginoon.

13 Batiin ninyo si (J)Rufo na hinirang sa Panginoon, at ang kaniyang ina at akin.

14 Batiin ninyo si Asincrito, si Flegonte, si Hermes, si Patrobas, si Hermas, at ang mga kapatid na kasama nila.

15 Batiin ninyo si Filologo at si Julia, si Nereo at ang kaniyang kapatid na babae, at si Olimpas, at ang lahat (K)ng mga banal na kasama nila.

16 (L)Mangagbatian kayo ng banal na halik. Binabati kayo ng lahat ng mga iglesia ni Cristo.

17 Ngayo'y ipinamamanhik ko sa inyo, mga kapatid, na tandaan ninyo yaong mga pinanggagalingan ng (M)pagkakabahabahagi at ng mga (N)katitisuran, laban sa mga aral na inyong nangapagaralan: at (O)kayo'y magsilayo sa kanila.

18 Sapagka't ang mga gayon ay hindi nagsisipaglingkod sa Cristong Panginoon, kundi (P)sa kanilang sariling tiyan; at sa pamamagitan ng kanilang mabuting pananalita at maiinam na mga talumpati ay dinadaya ang mga puso ng mga walang malay.

19 Sapagka't ang (Q)inyong pagtalima ay naging bantog sa lahat ng mga tao. Kaya't nagagalak ako tungkol sa inyo: datapuwa't ibig ko (R)na kayo'y maging marunong sa kabutihan, at musmos sa kasamaan.

20 At si Satanas ay dudurugin ng Dios (S)ng kapayapaan sa madaling panahon sa ilalim ng inyong mga paa. (T)Ang biyaya nawa ng ating Panginoong Jesucristo ay sumainyo.

21 Binabati kayo ni Timoteo na (U)aking kamanggagawa; at ni (V)Lucio at ni (W)Jason at ni (X)Sosipatro, na aking mga kamaganak.

22 Akong si Tercio, (Y)na sumusulat ng sulat na ito, ay bumabati sa inyo sa Panginoon.

23 Binabati kayo ni (Z)Gayo na pinanunuluyanan ko, at ng buong iglesia. Binabati kayo ni (AA)Erasto na ingat-yaman ng bayan, at ng kapatid na si Cuarto.

24 Ang biyaya ng ating Panginoong Jesucristo ay sumainyong lahat. Siya nawa.

25 At ngayon sa kaniya na (AB)makapangyarihan na sa inyo'y makapagpapatibay (AC)ayon sa aking evangelio at sa pangangaral ni Jesucristo, (AD)ayon sa pahayag ng hiwaga na (AE)natago sa katahimikan nang panahong walang hanggan.

26 Datapuwa't nahayag na ngayon, (AF)at sa pamamagitan ng mga kasulatan ng mga propeta, ayon sa ipinagutos ng Dios na walang hanggan, ay ipinakilala sa lahat ng mga bansa upang magsitalima sa pananampalataya:

27 Sa iisang (AG)Dios na marunong, sa pamamagitan ni Jesucristo, na sumasa kaniya ang kaluwalhatian magpakailan man. Siya nawa.

Mga Panaghoy 3

Mga panaghoy ng mga naghihirap.

Ako ang tao na (A)nakakita ng pagdadalamtahi (B)sa pamalo ng iyong poot.
Ako'y kaniyang pinatnubayan at (C)pinalakad sa kadiliman, at hindi sa liwanag.
Tunay na laban sa akin ay kaniyang iginagalaw ang kaniyang kamay na muli't muli buong araw
(D)Ang aking laman at aking balat ay pinatanda niya; (E)kaniyang binali ang aking mga buto.
Ako'y kinalaban niya, at kinulong ako ng hirap at pagdaramdam.
Kaniyang pinatahan ako sa mga madilim na dako, (F)gaya ng nangamatay nang malaon.
Kaniyang binakuran ako (G)na anopa't ako'y hindi makalabas; kaniyang pinabigat ang aking tanikala.
Oo, (H)pagka ako'y dumadaing, at humihinging tulong, kaniyang pinagsasarhan ang aking daing.
Kaniyang binakuran ang aking mga daan ng tinabas na bato, kaniyang iniliko ang aking mga landas.
10 Siya'y parang (I)oso na nagaabang sa akin, parang leon sa mga kubling dako.
11 Kaniyang iniligaw ang aking mga lakad, at ako'y pinagwaraywaray niya; kaniyang ipinahamak ako;
12 Kaniyang iniakma ang kaniyang busog, at (J)ginawa akong pinaka tanda sa pana.
13 (K)Ang mga pana ng kaniyang lalagyan ng pana ay kaniyang isinasaksak sa aking mga bato ng katawan.
14 Ako'y naging kakutyaan sa aking buong bayan, at kanilang (L)awit buong araw.
15 Kaniyang pinuspos ako ng kapanglawan, (M)kaniyang sinuya ako ng ajenjo.
16 Kaniya namang biningot ang aking mga ngipin ng mga (N)maliliit na grava; kaniyang tinabunan ako ng mga abo.
17 At iyong inilayo ang aking kaluluwa sa kapayapaan; ako'y nakalimot ng kaginhawahan.
18 At aking sinabi, Ang lakas ko'y nawala, at ang aking pagasa sa Panginoon.

Ang pagasa sa tulong ay sa pamamagitan lamang ng habag ng Panginoon.

19 Alalahanin mo ang aking pagdadalamhati at ang aking karalitaan, ang ajenjo at ng apdo.
20 Ang kaluluwa ko'y naaalaala pa nila, at napangumbaba sa loob ko.
21 Ito ang ginugunita ko sa aking pagiisip; (O)kaya't may pagasa ako.
22 Sa mga kaawaan nga ng (P)Panginoon ay hindi tayo nalipol, sapagka't ang kaniyang mga habag ay hindi nauubos.
23 Ang mga yao'y bago (Q)tuwing umaga, (R)dakila ang inyong pagtatapat.
24 Ang Panginoon ay aking bahagi, (S)sabi ng aking kaluluwa; kaya't ako'y aasa sa kaniya.
25 Ang Panginoon ay mabuti sa (T)kanila na nangaghihintay sa kaniya, sa kaluluwa na humahanap sa kaniya.
26 Mabuti nga na ang tao ay umasa at maghintay na (U)tahimik sa pagliligtas ng Panginoon.
27 (V)Mabuti nga sa tao (W)na magpasan ng pamatok sa kaniyang kabataan.
28 Maupo siyang magisa at tumahimik, sapagka't kaniyang iniatang sa kaniya.
29 Sumubsob siya (X)sa alabok, kung gayo'y magkakaroon siya ng pagasa.
30 Ibigay niya ang kaniyang pisngi (Y)sa sumasakit sa kaniya; mapuspos siya ng kadustaan.
31 Sapagka't ang Panginoon ay hindi magtatakuwil magpakailan man.
32 Sapagka't bagaman siya'y nagpapapanglaw, gayon ma'y magpapakita siya ng habag ayon sa kasaganaan ng kaniyang mga kaawaan.
33 Sapagka't siya'y (Z)hindi kusang dumadalamhati, o nagpapapanglaw man sa mga anak ng mga tao.
34 Na yapakan sa ilalim ng paa ang lahat ng bihag sa lupa.
35 Na iliko ang matuwid ng tao sa harap ng mukha ng Kataastaasan,
36 Na iligaw ang tao sa kaniyang usap, hindi kinalulugdan ng Panginoon.
37 Sino siya (AA)na nagsasabi, at nangyayari, kung hindi iniuutos ng Panginoon?
38 Hindi baga sa bibig ng Kataastaasan nanggagaling ang masama't mabuti?
39 Bakit dumadaing ang taong may buhay, (AB)ang tao dahil sa parusa sa kaniyang mga kasalanan?
40 Ating usisain at suriin ang ating mga lakad, at manumbalik sa Panginoon.
41 Igawad natin (AC)ang ating puso sangpu ng ating mga kamay sa Dios sa langit.
42 Kami ay sumalangsang at nanghimagsik; ikaw ay hindi nagpatawad.
43 Tinakpan mo ang iyong sarili ng galit at hinabol mo kami; (AD)ikaw ay pumatay, ikaw ay hindi naawa.
44 Tinakpan mo ang iyong sarili ng alapaap, na (AE)anopa't hindi makadaan ang anomang panalangin.
45 Iyong ginawa (AF)kaming parang tapon at dumi sa gitna ng mga bayan.
46 (AG)Ibinukang maluwang ng lahat naming kaaway ang kanilang bibig laban sa amin.
47 Takot at ang hukay ay dumating sa amin, ang pagkasira at pagkagiba.
48 Ang mata ko'y dumadaloy ng mga (AH)ilog ng tubig, dahil sa pagkapahamak ng anak na babae ng aking bayan.
49 Ang mata ko'y dinadaluyan at hindi naglilikat, na walang pagitan.
50 Hanggang sa ang Panginoon ay tumungo, at tumingin mula sa langit.
51 Kinikilos ng aking mata ang aking kaluluwa, dahil sa lahat na anak na babae ng aking bayan.
52 Lubha nila akong hinahabol na (AI)parang ibon, na mga kaaway kong (AJ)walang kadahilanan.
53 Kanilang pinaikli ang aking buhay (AK)sa bilangguan at (AL)hinagis ako ng bato.
54 (AM)Tubig ay nagsisihuho sa (AN)aking ulo; aking sinabi, Ako'y nahiwalay.
55 Ako'y tumawag sa iyong pangalan, Oh Panginoon, mula sa kababababaang hukay.
56 Iyong dininig ang aking tinig; huwag mong ikubli ang iyong pakinig sa aking hingal, sa aking daing.
57 Ikaw ay lumapit sa araw (AO)na ako'y tumawag sa iyo; iyong sinabi, Huwag kang matakot.
58 Oh Panginoon, iyong ipinagsanggalang ang mga usap ng aking kaluluwa; iyong tinubos ang aking buhay.
59 Oh Panginoon, iyong nakita ang aking pagkakamali; (AP)hatulan mo ang aking usap.
60 Iyong nakita ang lahat nilang panghihiganti, at ang lahat nilang (AQ)pasiya laban sa akin.
61 Iyong narinig ang kanilang pagduwahagi, Oh Panginoon, at lahat nilang pasiya laban sa akin,
62 Ang mga labi ng nagsisibangon laban sa akin, at ang kanilang pasiya laban sa akin buong araw.
63 Masdan mo ang kanilang pagupo, (AR)at ang kanilang pagtayo; (AS)ako ang kanilang awit.
64 Ikaw ay magbibigay sa kanila ng kagantihan, Oh Panginoon, (AT)ayon sa gawa ng kanilang mga kamay.
65 (AU)Iyong papagmamatigasin ang kanilang puso, ang iyong sumpa sa kanila.
66 Iyong hahabulin sila sa galit, (AV)at iyong lilipulin sila mula sa silong ng langit ng Panginoon.

Mga Awit 34

Ang Panginoon ay taga pagbigay at taga pagligtas. (A)Awit ni David; nang siya'y magbago ng kilos sa harap ni Abimelek, na siyang nagpalayas sa kaniya, at siya'y yumaon.

34 Aking pupurihin (B)ang Panginoon sa buong panahon:
Ang pagpuri sa kaniya ay laging sasa aking bibig.
Ang aking kaluluwa ay maghahambog (C)sa Panginoon:
Maririnig ng maamo at masasayahan.
Oh dakilain ninyo na kasama ko ang Panginoon,
At tayo'y mangagbunyi na magkakasama ng kaniyang pangalan.
(D)Aking hinanap ang Panginoon, at sinagot niya ako,
At iniligtas niya ako sa lahat ng aking mga katakutan.
Sila'y nagsitingin sa kaniya, at (E)nangaliwanagan:
At ang kanilang mukha ay hindi malilito kailan man.
Itong abang tao'y dumaing, at dininig siya ng Panginoon.
At iniligtas siya sa lahat niyang mga kabagabagan.
(F)Ang anghel ng Panginoon ay (G)humahantong sa buong palibot ng nangatatakot sa kaniya,
At ipinagsasanggalang sila.
(H)Oh inyong tikman at tingnan ninyo na ang Panginoon ay mabuti:
(I)Mapalad ang tao na nanganganlong sa kaniya.
Oh mangatakot kayo sa Panginoon, kayong mga banal niya:
Sapagka't walang kakulangan sa kanila na nangatatakot sa kaniya.
10 Ang mga (J)batang leon ay kinakapos at nagtitiis ng gutom.
(K)Nguni't silang nagsisihanap sa Panginoon ay hindi kukulangin ng anomang mabuting bagay.
11 Magsiparito kayo, kayong mga anak, dinggin ninyo ako:
Aking tuturuan kayo ng pagkatakot sa Panginoon.
12 (L)Sinong tao ang nagnanasa ng buhay,
At umiibig sa maraming kaarawan upang makakita siya ng mabuti?
13 Ingatan mo ang iyong dila mula sa masama.
At ang iyong mga labi (M)sa pagsasalita ng karayaan.
14 (N)Lumayo ka sa kasamaan, at gumawa ka ng mabuti;
(O)Hanapin mo ang kapayapaan at habulin mo.
15 (P)Ang mga mata ng Panginoon ay nakatitig sa mga matuwid,
At ang kaniyang mga pakinig ay nakabukas sa kanilang daing.
16 (Q)Ang mukha ng Panginoon ay laban sa kanila na nagsisigawa ng kasamaan,
(R)Upang ihiwalay ang alaala sa kanila sa lupa.
17 Ang matuwid ay nagsidaing, at dininig ng Panginoon,
At iniligtas sila sa lahat nilang mga kabagabagan.
18 Ang Panginoon ay malapit (S)sa kanila na may bagbag na puso,
At inililigtas ang mga may pagsisising diwa.
19 (T)Marami ang kadalamhatian ng matuwid;
Nguni't inililigtas ng Panginoon sa lahat.
20 Kaniyang iniingatan ang lahat niyang mga buto:
(U)Wala isa man sa mga yaon na nababali.
21 Papatayin ng kasamaan ang masama:
At silang nangagagalit sa matuwid na tao ay kikilanling may sala.
22 (V)Tinutubos ng Panginoon ang kaluluwa ng kaniyang mga lingkod:
At wala sa nagsisipagkanlong sa kaniya ay kikilanling may sala.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978