Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

M’Cheyne Bible Reading Plan

The classic M'Cheyne plan--read the Old Testament, New Testament, and Psalms or Gospels every day.
Duration: 365 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
1 Samuel 17

Ang paghamon ni Goliath.

17 Ngayo'y pinisan ng mga Filisteo ang kanilang hukbo upang bumaka at sila'y nagpipisan sa Socho, na nauukol sa Juda, at nagsihantong sa pagitan ng Socho at ng Azeca, sa Ephesdammim.

At nagpipisan si Saul at ang mga lalake ng Israel, at nagsihantong sa (A)libis ng Ela, at nagsihanay sa pakikipagbaka laban sa mga Filisteo.

At nagsitayo ang mga Filisteo sa isang dako sa bundok, at tumayo ang Israel sa kabilang dako sa bundok: at may isang libis sa pagitan nila.

At lumabas ang isang bayani sa kampamento ng mga Filisteo na nagngangalang Goliath, taga (B)Gath, na ang taas ay anim na siko at isang dangkal.

At siya'y mayroong isang turbanteng tanso, sa kaniyang ulo, at siya'y nasusuutan ng isang baluti sa katawan; at ang bigat ng baluti ay limang libong siklong tanso.

At siya'y mayroong kasuutang tanso sa kaniyang mga hita, at isang sibat na tanso sa pagitan ng kaniyang mga balikat.

At ang puluhan ng kaniyang sibat ay gaya ng panghabi ng manghahabi; at ang dulo ng kaniyang sibat ay may anim na raang siklong bakal ang bigat: at ang kaniyang tagadala ng kalasag ay nauuna sa kaniya.

At siya'y tumayo at humiyaw sa mga hukbo ng Israel, at nagsabi sa kanila, Bakit kayo'y lumabas na nagsihanay sa pakikipagbaka? hindi ba ako'y Filisteo, at kayo'y (C)mga lingkod ni Saul? pumili kayo ng isang lalake sa inyo, at pababain ninyo siya sa akin.

Kung siya'y makalaban sa akin at mapatay ako, magiging alipin nga ninyo kami; nguni't kung ako'y manaig laban sa kaniya, at mapatay ko siya ay magiging alipin nga namin kayo at maglilingkod sa amin.

10 At sinabi ng Filisteo, (D)Aking hinahamon ang mga hukbo ng Israel sa araw na ito; bigyan ninyo ako ng isang lalake, upang maglaban kami.

11 At nang marinig ni Saul at ng buong Israel ang mga salitang yaon ng Filisteo, sila'y nanglupaypay, at natakot na mainam.

12 (E)Si David nga ay anak niyaong (F)Ephrateo sa Beth-lehem-juda, na ang pangala'y Isai; at may (G)walong anak: at ang lalaking yaon ay matanda na sa mga kaarawan ni Saul na totoong napakatanda sa gitna ng mga tao.

13 At ang tatlong pinakamatandang anak ni Isai ay naparoong sumunod kay Saul sa pakikipagbaka: (H)at ang mga pangalan ng kaniyang tatlong anak na naparoon sa pakikipagbaka ay si Eliab na panganay, at ang kasunod niya ay si Abinadab, at ang ikatlo ay si Samma.

14 At si David ang bunso: at ang tatlong pinakamatanda ay sumunod kay Saul.

15 Nguni't si David ay nagpaparoo't parito mula kay Saul (I)upang pasabsabin ang mga tupa ng kaniyang ama sa Beth-lehem.

16 At lumalapit ang Filisteo sa umaga at hapon, at humarap na apat na pung araw.

Si David ay dumalaw sa kampamento at narinig ang hamon ni Goliath.

17 At sinabi ni Isai kay David na kaniyang anak, Dalhin mo ngayon sa iyong mga kapatid ang isang epa nitong trigo na sinangag, at itong sangpung tinapay, at dalhin mong madali sa kampamento, sa iyong mga kapatid;

18 At dalhin mo ang sangpung kesong ito sa kapitan ng kanilang libo, (J)at tingnan mo kung ano ang kalagayan ng iyong mga kapatid, at kumuha ka ng pinakakatunayan.

19 Si Saul nga, at sila at ang lahat ng mga lalake ng Israel ay nasa libis ng Ela, na nakikipaglaban sa mga Filisteo.

20 At si David ay bumangong maaga sa kinaumagahan, at iniwan ang tupa na may isang tagapagalaga, at nagdala at yumaon, na gaya ng iniutos sa kaniya ni Isai; (K)at siya'y naparoon sa kinaroroonan ng mga karo, habang ang hukbo na lumalabas sa pakikipaglaban ay sumisigaw ng pakikipagbaka.

21 At ang Israel at ang mga Filisteo ay nakahanay na sa pagbabaka, hukbo laban sa hukbo.

22 At iniwan ni David ang kaniyang daladalahan sa kamay ng tagapagingat ng (L)daladalahan, at tumakbo sa hukbo, at naparoon, at bumati sa kaniyang mga kapatid.

23 At sa kaniyang pakikipagusap sa kanila, narito, dumating (M)ang bayani, ang Filisteo na taga Gath, na Goliath ang pangalan, mula sa hanay ng mga Filisteo, (N)at nagsalita ng ayon sa mga gayon ding salita: at narinig ni David.

24 At lahat ng mga lalake sa Israel pagkakita sa lalaking yaon ay tumakas mula sa kaniyang harapan, at natakot na mainam.

25 At ang mga lalake ng Israel ay nagsabi, Nakita ba ninyo ang lalaking iyan na sumasampa? Tunay na sumasampa siya upang manghamon sa Israel: at mangyayari, na (O)ang lalaking makapatay sa kaniya, ay payayamanin ng hari ng malaking kayamanan, at ibibigay sa kaniya ang kaniyang anak na babae, at palalayain sa Israel ang sangbahayan ng kaniyang ama.

26 At nagsalita si David sa mga lalaking nakatayo sa siping niya, na nagsasabi, (P)Ano ang gagawin sa lalaking makapatay sa Filisteong ito, at mag-alis sa Israel ng kadustaang ito? sapagka't sinong Filisteong ito na (Q)hindi tuli na siya'y humahamon sa mga hukbo ng (R)buhay na Dios?

27 At sumagot sa kaniya ang bayan, ng ganitong paraan, na sinabi, (S)Ganito ang gagawin sa lalake na makapatay sa kaniya.

28 At narinig ni Eliab na kaniyang pinakamatandang kapatid, nang siya'y magsalita sa mga lalake; at ang galit ni Eliab ay nagalab laban kay David, at kaniyang sinabi, Bakit ka lumusong dito? at kanino mo iniwan ang ilang tupang yaon sa ilang? Talastas ko ang iyong kahambugan, at ang kalikutan ng iyong puso; sapagka't ikaw ay lumusong upang iyong makita ang pagbabaka.

29 At sinabi ni David, Anong aking ginawa ngayon? Wala bang dahilan?

30 At tinalikdan niya siya na napatungo sa iba, at siya'y (T)nagsalita ng gayon ding paraan: at sinagot siya uli ng bayan na gaya ng una.

Si David ang sumagot sa hamon ni Goliath.

31 At nang marinig ang mga salita na sinalita ni David, ay sinaysay nila sa harap ni Saul; at siya'y ipinasundo niya.

32 At sinabi ni David kay Saul, Huwag manglupaypay ang puso ng sinoman dahil sa kaniya; ang (U)iyong lingkod ay yayaon at makikipaglaban sa Filisteong ito.

33 At sinabi ni Saul kay David: Hindi ka makaparoroon laban sa Filisteong ito upang makipaglaban sa kaniya: sapagka't ikaw ay isang bata, at siya'y isang lalaking mangdidigma mula sa kaniyang pagkabata.

34 At sinabi ni David kay Saul, Ang iyong lingkod ay nagaalaga ng mga tupa ng kaniyang ama; at pagka pumaroon ang isang leon, o isang oso, at kinukuha ang isang kordero sa kawan,

35 Ay lumalabas akong hinahabol ko siya, at aking sinasaktan, at aking inililigtas sa kaniyang bibig: at pagka dinadaluhong ako ay aking pinapangahan, at aking sinasaktan, at aking pinapatay.

36 Pinapatay ng iyong lingkod ang leon at gayon din ang oso: at ang Filisteong ito na (V)hindi tuli ay magiging isa sa kanila, yamang kaniyang hinahamon ang mga hukbo ng Dios na buhay.

37 (W)At sinabi ni David, Ang Panginoon na nagligtas sa akin sa mga pangamot ng leon, at sa pangamot ng oso, ay siyang magliligtas sa akin sa kamay ng Filisteong ito. At sinabi ni Saul kay David, Yumaon ka, at ang (X)Panginoon ay sasa iyo.

38 At sinandatahan ni Saul si David ng kaniyang mga sandata, at kaniyang inilagay ang isang turbanteng tanso sa kaniyang ulo, at kaniyang sinuutan siya ng isang baluti sa katawan.

39 At ibinigkis ni David, ang tabak niya sa kaniyang sandata, at kaniyang tinikmang yumaon; sapagka't hindi pa niya natitikman. At sinabi ni David kay Saul, Hindi ako makayayaon na dala ko ang mga ito; sapagka't hindi ko pa natitikman. At pawang hinubad ni David sa kaniya.

40 At tinangnan niya ang kaniyang tungkod sa kaniyang kamay, at pumili siya ng limang makinis na bato mula sa batis, at isinilid sa supot na kaniyang dala, sa makatuwid baga'y sa kaniyang supot pastor; at ang kaniyang panghilagpos ay nasa kaniyang kamay: at siya'y lumapit sa Filisteo.

Pinatay si Goliath.

41 At nagpatuloy ang Filisteo at lumapit kay David; at (Y)ang lalake na may dala ng kalasag ay nangunguna sa kaniya.

42 At nang tumingin ang Filisteo, at makita si David, ay kaniyang niwalan ng kabuluhan siya; sapagka't siya'y bata pa, at (Z)mapula ang pisngi, at may magandang bikas.

43 At sinabi ng Filisteo kay David, (AA)Ako ba ay aso, na ikaw ay paririto sa akin na may mga tungkod? At nilait ng Filisteo si David sa pamamagitan ng kaniyang mga dios.

44 At sinabi ng Filisteo kay David, Halika, at aking ibibigay ang iyong laman sa mga ibon sa himpapawid at sa mga hayop sa parang.

45 Nang magkagayo'y sinabi ni David sa Filisteo, Ikaw ay naparirito sa akin na may tabak, at may malaking sibat at may (AB)kalasag; nguni't ako'y naparirito laban sa iyo sa pangalan ng Panginoon ng mga hukbo, ng Dios ng mga kawal ng Israel (AC)na iyong hinahamon.

46 Sa araw na ito ay ibibigay ka ng Panginoon sa aking kamay; at sasaktan kita, at pupugutin ko ang ulo mo; at ibibigay ko ang mga bangkay sa hukbo ng mga Filisteo sa mga ibon sa himpapawid sa araw na ito, at sa mababangis na hayop sa lupa; (AD)upang maalaman ng buong lupa na may Dios sa Israel:

47 At upang maalaman ng (AE)buong kapisanang ito na hindi nagliligtas ang Panginoon sa pamamagitan ng tabak o ng sibat: (AF)sapagka't ang pagbabakang ito ay sa Panginoon, at ibibigay niya kayo sa aming kamay.

48 At nangyari, nang bumangon ang Filisteo, at sumulong at lumapit upang salubungin si David, na si David ay nagmadali, at tumakbo sa dako ng kawal upang salubungin ang Filisteo.

49 At isinuot ni David ang kaniyang kamay sa kaniyang supot; at kumuha roon ng isang bato, at inihilagpos, at tinamaan ang Filisteo sa kaniyang noo; at ang bato ay bumaon sa kaniyang noo, at nabuwal na pasubsob sa lupa.

Ang mga Filisteo ay nangalat.

50 (AG)Sa gayo'y nanaig si David sa Filisteo sa pamamagitan ng isang panghilagpos at ng isang bato, at sinaktan ang Filisteo at pinatay niya siya; nguni't walang tabak sa kamay ni David.

51 Nang magkagayo'y tumakbo si David, at tinunghan ang Filisteo, at kinuha ang kaniyang tabak, at binunot sa kaniyang kaluban, at pinatay siya, at (AH)ipinagpugot ng kaniyang ulo. At nang makita ng mga Filisteo na ang kanilang bayani ay patay na, sila'y tumakas.

52 At nagsibangon ang mga lalake ng Israel at ng Juda, at humiyaw at hinabol ang mga Filisteo hanggang sa Gath, at sa mga pintuang-bayan ng (AI)Ecron. At ang mga sugatan sa mga Filisteo ay nabuwal sa daang patungo sa (AJ)Saraim, hanggang sa Gath, at sa Ecron.

53 At nagsibalik ang mga anak ni Israel sa paghabol sa mga Filisteo, at kanilang sinamsam ang kanilang kampamento.

54 At kinuha ni David ang ulo ng Filisteo, at dinala sa (AK)Jerusalem; nguni't kaniyang inilagay ang sandata niya sa kaniyang tolda.

Si David ay dinala kay Saul.

55 At nang makita ni Saul si David na lumalabas laban sa Filisteo, kaniyang sinabi kay (AL)Abner, na kapitan ng hukbo, Abner, (AM)kaninong anak ang batang ito? At sinabi ni Abner, (AN)Buhay ang iyong kaluluwa, Oh hari, hindi ko masabi.

56 At sinabi ng hari, Usisain mo kung kaninong anak ang (AO)batang ito.

57 At pagbalik ni David sa pagpatay sa Filisteo, kinuha siya ni Abner, at dinala siya sa harap ni Saul (AP)na dala ang ulo ng Filisteo sa kaniyang kamay.

58 At sinabi ni Saul sa kaniya, Kaninong anak ka, binata? At sumagot si David, Ako'y anak ng iyong lingkod na si Isai na Beth-lehemita.

Roma 15

15 (A)Tayo ngang malalakas ay nararapat mangagbata ng (B)kahinaan ng mahihina, at huwag tayong mangagbigay lugod sa ating sarili.

Bawa't isa sa atin ay (C)magbigay lugod sa kaniyang kapuwa, sa kaniyang ikabubuti (D)sa ikatitibay.

(E)Sapagka't si Cristo man ay hindi nagbigay lugod sa kaniyang sarili; kundi gaya ng nasusulat, (F)Ang mga pagalipusta ng mga nagsisialipusta sa iyo, ay nangahulog sa akin.

Sapagka't (G)ang anomang mga bagay na isinulat nang una ay nangasulat dahil sa ikatututo natin, upang sa pamamagitan ng pagtitiis (H)at pagaliw ng mga kasulatan ay mangagkaroon tayo ng pagasa.

Loobin nawa ng Dios ng pagtitiis at paggiliw, (I)na kayo ay magkaisa ng pagiisip sa isa't isa ayon kay Cristo Jesus:

Upang kayo na may isang pagiisip sa pamamagitan ng isang bibig ay luwalhatiin ninyo (J)ang Dios at Ama ng ating Panginoong Jesucristo.

Sa ganito'y (K)mangagtanggapan kayo, gaya naman ni Cristo na tinanggap kayo sa kaluwalhatian ng Dios.

Sapagka't sinasabi ko na (L)si Cristo ay ginawang ministro ng pagtutuli dahil sa katotohanan ng Dios, (M)upang kaniyang mapagtibay ang mga pangakong ibinigay sa mga magulang,

At upang ang mga Gentil ay makaluwalhati sa Dios dahil sa kaniyang kahabagan; gaya ng nasusulat,

(N)Kaya nga't ikaw ay aking pupurihin sa gitna ng mga Gentil.
At aawit ako sa iyong pangalan.

10 At muling sinasabi niya,

(O)Makigalak kayo, kayong mga Gentil, sa kaniyang bayan.

11 At muli,

(P)Purihin ninyo ang Panginoon, kayong lahat ng mga Gentil;
At purihin siya ng lahat ng mga bayan.

12 At muli, sinasabi ni Isaias,

(Q)Magkakaroon ng ugat kay Jesse,
At siya'y lilitaw upang maghari sa mga Gentil;
Ay sa kaniya magsisiasa ang mga Gentil.

13 Puspusin nga kayo ng Dios ng pagasa ng buong kagalakan at kapayapaan sa pananampalataya, upang kayo'y managana sa pagasa sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo.

14 (R)At ako naman sa aking sarili ay naniniwalang lubos tungkol sa inyo mga kapatid ko, na kayo naman ay mangapuspos ng kabutihan, pinuspos ng lahat ng kaalaman, na ano pa't makapagpapaalaala naman kayo sa isa't isa.

15 Nguni't sinulatan ko kayo na may dakilang kalayaan na bilang pagpapaalaala sa inyo, dahil sa (S)biyaya na sa akin ay ibinigay ng Dios,

16 (T)Upang ako'y maging ministro ni Cristo Jesus sa mga Gentil, na nangangasiwa sa evangelio ng Dios, upang ang mga Gentil ay maging (U)kalugodlugod na handog, palibhasa'y pinapaging banal ng Espiritu Santo.

17 Mayroon nga akong ipinagmamapuri kay Cristo Jesus sa mga bagay na nauukol sa Dios.

18 Sapagka't hindi ako nangangahas magsalita ng anomang mga bagay, (V)maliban na sa mga ginawa ni Cristo sa pamamagitan ko, (W)sa pagtalima ng mga Gentil, sa salita at sa gawa,

19 Sa bisa ng mga tanda (X)at ng mga kababalaghan, sa kapangyarihan ng Espiritu ng Dios; ano pa't buhat sa Jerusalem, at sa palibotlibot hanggang sa Ilirico, ay aking ipinangaral na lubos ang evangelio ni Cristo;

20 Aking nilayon na maipangaral ang evangelio, hindi doon sa napagbalitaan na kay Cristo, (Y)upang huwag akong magtayo sa ibabaw ng pinagsaligan ng iba;

21 Kundi, gaya ng nasusulat,

(Z)Makakakita silang mga hindi dinatnan ng mga balita tungkol sa kaniya,
At silang hindi nangakapakinig, ay mangakakatalastas.

22 Kaya't madalas namang (AA)napigil ako ng pagpariyan sa inyo:

23 Datapuwa't ngayon, na wala nang dako sa mga (AB)lupaing ito, (AC)at malaon nang panahong ako'y may nasang pumariyan sa inyo,

24 Pagparoon ko sa Espana ay paririyan ako (sapagka't inaasahan kong makikita ko kayo sa aking paglalakbay, (AD)at ako'y sasamahan ninyo patungo doon, pagkatapos na magkamit ng kaunting kasiyahan sa pakikisama sa inyo)—

25 Nguni't ngayon, sinasabi ko, (AE)ako'y pasasa-Jerusalem, upang mamahagi sa mga banal.

26 Sapagka't (AF)minagaling ng (AG)Macedonia at ng Acaya na gumawa ng isang ambagang laan sa mga dukha sa mga banal na nasa Jerusalem.

27 Oo, ito'y kalugodlugod sa kanila; at sila'y may utang na loob sa kanila. (AH)Sapagka't kung ang mga Gentil ay naging mga kabahagi sa kanilang mga bagay na ayon sa Espiritu, nararapat naman nilang paglingkuran ang mga yaon sa mga bagay na ayon sa laman.

28 Kung maganap ko nga ito, at aking matatakan na sa kanila (AI)ang bungang ito, ay magdaraan ako sa inyong patungo sa Espana.

29 At nalalaman ko (AJ)na, pagpariyan ko sa inyo, ay darating akong puspos ng pagpapala ng evangelio ni Cristo.

30 Ngayo'y ipinamamanhik ko sa inyo, mga kapatid, alangalang sa Panginoon nating Jesucristo, at sa pagibig ng Espiritu, (AK)na kayo'y makipagsikap na kasama ko sa inyong mga pananalangin sa Dios patungkol sa akin;

31 Upang ako'y maligtas (AL)sa mga hindi nagsisisampalataya na nangasa Judea, at nang ang aking pamamahagi sa Jerusalem ay maging (AM)kalugodlugod sa mga banal;

32 Upang (AN)sa pamamagitan ng kalooban ng Dios, ako'y makarating sa inyo na may kagalakan, at ako'y makipamahinga sa inyo.

33 Ngayon (AO)ang Dios ng kapayapaan ay sumainyo nawang lahat. Siya nawa.

Mga Panaghoy 2

Ang kapanglawan ng Sion ay nagmumula sa Panginoon.

(A)Ano't tinakpan ng Panginoon ang anak na babae ng Sion ng alapaap sa kaniyang galit!
(B)Kaniyang inihagis mula sa langit hanggang sa lupa (C)ang kagandahan ng Israel,
At hindi inalaala ang kaniyang (D)tungtungan ng paa sa kaarawan ng kaniyang galit.
Nilamon ng Panginoon ang lahat na tahanan ng Jacob, at siya'y hindi naawa:
Kanyang ibinagsak sa kaniyang poot ang mga katibayan ng anak na babae ng Juda;
Kaniyang inilugmok ang mga yaon sa lupa: (E)kaniyang ipinahamak ang kaharian at ang mga prinsipe niyaon.
Kaniyang inihiwalay sa pamamagitan ng mabangis na galit ang buong (F)sungay ng Israel;
(G)Kaniyang iniurong ang kaniyang kanang kamay sa harap ng kaaway:
At kaniyang sinilaban ang Jacob na parang maalab na apoy, na namumugnaw sa palibot.
Kaniyang iniakma ang kaniyang busog na parang kaaway, (H)kaniyang iniyamba ang kaniyang kanan na parang kalaban,
At pinatay ang lahat na maligaya sa mata:
Sa tolda ng anak na babae ng Sion ay kaniyang ibinuhos ang kaniyang kapusukan na parang apoy.
Ang Panginoon ay naging parang kaaway, kaniyang nilamon ang Israel;
Kaniyang nilamon ang lahat niyang palacio, kaniyang iginiba ang kaniyang mga katibayan;
At kaniyang pinarami sa anak na babae ng Juda ang panangis at panaghoy.
At (I)kaniyang inalis na may karahasan ang tabernakulo niya na gaya ng nasa halamanan; kaniyang sinira ang kaniyang (J)mga dako ng kapulungan:
Ipinalimot ng Panginoon ang takdang kapulungan at (K)sabbath sa Sion,
At (L)hinamak sa pagiinit ng kaniyang galit ang hari at ang saserdote.
Iniwasak ng Panginoon ang kaniyang dambana, kaniyang kinayamutan ang kaniyang santuario;
Kaniyang ibinigay sa kamay ng kaaway ang mga pader ng kaniyang mga palacio:
(M)Sila'y nangagingay sa bahay ng Panginoon, na parang kaarawan ng takdang kapulungan.
Ipinasiya ng Panginoon na gibain ang kuta ng anak na babae ng Sion;
(N)Kaniyang iniladlad ang lubid, hindi niya iniurong ang kaniyang kamay sa paggiba:
At kaniyang pinapanaghoy ang moog at ang kuta; (O)nanganglulupaypay kapuwa.
Ang kaniyang mga pintuangbayan ay nangabaon sa lupa; kaniyang giniba at nasira ang kaniyang mga halang:
(P)Ang kaniyang hari at ang kaniyang mga prinsipe ay nangasa gitna ng mga bansa na (Q)hindi kinaroroonan ng kautusan;
Oo, (R)ang kaniyang mga propeta ay hindi nangakakasumpong ng pangitaing mula sa Panginoon.
10 Ang mga matanda ng anak na babae ng Sion ay nangauupo sa lupa, (S)sila'y nagsisitahimik;
(T)Sila'y nangagsabog ng alabok sa kanilang mga ulo; sila'y nangagbigkis ng kayong magaspang:
Itinungo ng mga dalaga sa Jerusalem ang kanilang mga ulo sa lupa.
11 Pinangangalumata ng mga luha ang aking mga mata, namamanglaw ang aking puso,
Ako'y lubhang nahahapis, (U)dahil sa pagkapahamak ng anak na babae ng aking bayan,
Dahil sa ang mga bata at ang mga pasusuhin ay nanganglulupaypay sa mga langsangan ng bayan.
12 Kanilang sinasabi sa kanilang mga ina,
Saan nandoon ang trigo at alak?
Pagka sila'y nanganglulupaypay na parang sugatan sa mga lansangan sa bayan,
Pagka ang kanilang kaluluwa ay nanglulupaypay sa kandungan ng kanilang mga ina.
13 Ano ang aking patototohanan sa iyo? (V)sa ano kita iwawangis, Oh anak na babae ng Jerusalem?
Ano ang ihahalintulad ko sa iyo, upang maaliw kita, Oh anak na dalaga ng Sion?
Sapagka't ang iyong sira ay (W)malaking parang dagat: sinong makapagpapagaling sa iyo?
14 Ang iyong mga propeta ay (X)nakakita para sa iyo ng mga pangitain na walang kabuluhan at kamangmangan;
At hindi nila (Y)inilitaw ang iyong kasamaan, (Z)upang bawiin ang iyong pagkabihag,
Kundi nakarinig para sa iyo ng mga hulang (AA)walang kabuluhan at mga kadahilanan ng pagkatapon.
15 Lahat na nangagdaraan ay (AB)ipinapakpak ang kanilang kamay sa iyo;
Sila'y nagsisisutsot at iginagalaw ang kanilang ulo sa anak na babae ng Jerusalem, na sinasabi,
Ito baga ang bayan na tinatawag ng mga tao (AC)Ang kasakdalan ng kagandahan, Ang kagalakan ng buong lupa?
16 Ibinukang maluwang ng (AD)lahat mong kaaway ang kanilang bibig laban sa iyo:
Sila'y nagsisisutsot at nagsisipagngalit ng ngipin; kanilang sinasabi, Aming nilamon siya;
Tunay na ito ang kaarawan na aming hinihintay; aming nasumpungan, (AE)aming nakita.
17 Ginawa ng Panginoon ang (AF)kaniyang ipinasiya; kaniyang tinupad ang kaniyang salita na kaniyang iniutos (AG)nang mga kaarawan nang una;
Kaniyang ibinagsak, at hindi naawa:
At kaniyang pinapagkatuwa sa iyo ang kaaway; kaniyang pinataas ang (AH)sungay ng iyong mga kalaban.
18 Ang kanilang puso ay nagsisidaing sa Panginoon:
(AI)Oh kuta ng anak na babae ng Sion, dumaloy ang mga luha na parang ilog araw at gabi;
Huwag kang magpahinga; huwag maglikat (AJ)ang itim ng iyong mata.
19 Bumangon ka, humiyaw ka sa gabi, sa pasimula ng (AK)mga pagpupuyat;
(AL)Ibuhos mo ang iyong puso na parang tubig sa harap ng mukha ng Panginoon:
Igawad mo ang iyong mga kamay sa kaniya dahil sa buhay ng (AM)iyong mga batang anak, na nanglulupaypay sa gutom sa dulo ng lahat na lansangan.
20 Tingnan mo, Oh Panginoon, at masdan mo, kung kanino mo ginawa ang ganito!
(AN)Kakanin baga ng mga babae ang kanilang ipinanganak, ang mga anak na kinakalong sa mga kamay?
Papatayin baga ang saserdote at ang propeta sa santuario ng Panginoon?
21 Ang binata at ang matanda ay humihiga (AO)sa lupa sa mga lansangan;
Ang aking mga dalaga at ang aking mga binata ay nangabuwal sa tabak:
Iyong pinatay sila sa kaarawan ng iyong galit; (AP)iyong pinatay at hindi ka naawa.
22 Tinawag mo, gaya ng sa kaarawan ng takdang kapulungan, ang aking mga kakilabutan ay sa bawa't dako;
At walang nakatanan, o nalabi sa kaarawan ng galit ng Panginoon:
Yaong aking mga kinalong at pinalaki ay nilipol ng aking kaaway.

Mga Awit 33

Papuri sa Lumalang at sa tagaingat.

33 Mangagalak kayo sa Panginoon, (A)Oh kayong mga matuwid:
Pagpuri ay maganda (B)sa ganang matuwid.
Kayo'y mangagpasamalat sa Panginoon na may alpa:
Magsiawit kayo ng mga pagpuri sa kaniya na may salterio na sangpung kuerdas.
(C)Magsiawit kayo sa kaniya ng bagong awit;
Magsitugtog kayong matalino na may malaking ingay.
Sapagka't ang salita ng Panginoon ay matuwid;
At lahat niyang gawa ay ginawa sa pagtatapat.
(D)Iniibig niya ang katuwiran at kahatulan:
Ang lupa ay puno (E)ng kagandahang-loob ng Panginoon.
(F)Sa pamamagitan ng salita ng Panginoon ay nayari ang mga langit;
At lahat ng natatanaw roon ay sa pamamagitan ng hinga ng kaniyang bibig.
(G)Kaniyang pinipisan ang tubig ng dagat na parang isang bunton:
Inilalagay niya ang mga kalaliman sa mga kalawakan.
Matakot nawa ang buong lupa sa Panginoon:
Magsitayo nawang may takot ang lahat ng taga sanglibutan sa kaniya.
Sapagka't (H)siya'y nagsalita, at nangyari;
Siya'y nagutos, at tumayong matatag.
10 (I)Dinadala ng Panginoon sa wala ang payo ng mga bansa:
Kaniyang niwawalang halaga ang mga pagiisip ng mga bayan.
11 Ang payo ng Panginoon ay nanganayong matibay magpakailan man,
Ang mga pagiisip ng kaniyang puso sa lahat ng sali't saling lahi.
12 (J)Mapalad ang bansa na ang Dios ay ang Panginoon;
Ang bayan na kaniyang pinili sa ganang kaniyang sariling mana.
13 Ang Panginoon ay tumitingin mula sa langit;
Kaniyang minamasdan ang lahat na anak ng mga tao;
14 Mula sa dakong kaniyang tahanan ay tumitingin siya
Sa lahat na nangananahan sa lupa;
15 Siyang naghuhugis ng mga puso nilang lahat,
Na nagmamasid sa lahat nilang mga gawa.
16 (K)Walang hari na nakaliligtas sa pamamagitan ng karamihan ng hukbo:
Ang makapangyarihang tao ay hindi naliligtas sa pamamagitan ng malaking kalakasan.
17 Ang kabayo ay (L)walang kabuluhang bagay sa pagliligtas:
Ni hindi niya iniligtas ang sinoman sa pamamagitan ng kaniyang malaking kalakasan;
18 (M)Narito, ang mata ng Panginoon ay nasa kanila na nangatatakot sa kaniya,
Sa kanila na nagsisiasa sa kaniyang kagandahang-loob;
19 Upang iligtas ang kaniyang kaluluwa sa kamatayan,
At (N)upang ingatan silang buháy sa kagutom.
20 Hinintay ng aming kaluluwa ang Panginoon:
(O)Siya'y aming saklolo at aming kalasag.
21 Sapagka't ang aming puso ay magagalak (P)sa kaniya,
Sapagka't kami ay nagsitiwala sa kaniyang banal na pangalan.
22 Sumaamin nawa ang iyong kagandahang-loob, Oh Panginoon,
Ayon sa aming pagasa sa iyo.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978