M’Cheyne Bible Reading Plan
Si Achab at si Josaphat ay magkaanib laban sa Siria.
22 At sila'y nagpatuloy na tatlong taon na walang pagdidigma ang Siria at ang Israel.
2 (A)At nangyari, nang ikatlong taon, na binaba ni (B)Josaphat na hari sa Juda ang hari sa Israel.
3 At sinabi ng hari sa Israel sa kaniyang mga lingkod, Di ba talastas ninyo na ang (C)Ramoth-galaad ay atin, at tayo'y tatahimik, at hindi natin aagawin sa kamay ng hari sa Siria?
4 At sinabi niya kay Josaphat, Sasama ka ba sa akin sa pagbabaka sa Ramoth-galaad? At sinabi ni Josaphat sa hari sa Israel, (D)Ako'y gaya mo, ang aking bayan ay gaya ng iyong bayan, ang aking mga kabayo ay gaya ng iyong mga kabayo.
Nagtanong sa propeta.
5 At sinabi ni Josaphat sa hari sa Israel, Sumangguni ka, isinasamo ko sa iyo, sa salita ng Panginoon ngayon.
6 Nang magkagayo'y (E)pinisan ng hari sa Israel ang mga propeta na may apat na raang lalake, at nagsabi sa kanila, Yayaon ba akong laban sa Ramoth-galaad upang bumaka, o uurong ako? At sinabi nila, Umahon ka: sapagka't ibibigay ng Panginoon sa kamay ng hari.
7 Nguni't (F)sinabi ni Josaphat, Wala ba ritong ibang propeta ng Panginoon upang makapagusisa tayo sa kaniya?
8 At sinabi ng hari sa Israel kay Josaphat, May isa pang lalake na mapaguusisaan natin sa Panginoon, si Micheas na anak ni Imla: nguni't kinapopootan ko siya; sapagka't hindi siya nanghuhula ng mabuti tungkol sa akin, kundi kasamaan. At sinabi ni Josaphat: Huwag sabihing gayon ng hari.
9 Nang magkagayo'y tumawag ang hari sa Israel ng isang punong kawal, at nagsabi, Dalhin mo ritong madali si Micheas na anak ni Imla.
10 Ang hari nga sa Israel at si Josaphat na hari sa Juda, ay nagsiupo kapuwa sa kanikaniyang luklukan, na nakapanamit hari sa isang (G)hayag na dako sa pasukan ng pintuang-bayan ng (H)Samaria; at ang lahat na propeta ay nagsipanghula sa harap nila.
11 At si Sedechias na anak ni Chanaana ay gumawa ng mga (I)sungay na bakal, at nagsabi, Ganito ang sabi ng Panginoon, Sa pamamagitan ng mga ito ay iyong (J)itutulak ang mga taga Siria hanggang sa mangalipol.
12 At ang lahat na propeta ay nagsisipanghulang gayon, na nagsisipagsabi, Umahon ka sa Ramoth-galaad, at guminhawa ka: sapagka't ibibigay ng Panginoon sa kamay ng hari.
Ang hula ni Micheas laban kay Achab.
13 At ang sugo na yumaong tumawag kay Micheas ay nagsalita sa kaniya, na nagsasabi, Narito ngayon, ang mga salita ng mga propeta ay mabuti sa hari na magkakaisa: isinasamo ko sa iyo na ang iyong bibig ay maging gaya ng isa sa kanila, at magsalita ka ng mabuti.
14 At sinabi ni Micheas, (K)Buháy ang Panginoon (L)kung ano ang sabihin ng Panginoon sa akin, yaon ang aking sasalitain.
15 At nang siya'y dumating sa hari, sinabi ng hari sa kaniya, Micheas, paroroon ba kami sa Ramoth-galaad upang bumaka, o uurong kami? At kaniyang isinagot sa kaniya, Ikaw ay yumaon, at guminhawa; at ibibigay ng Panginoon yaon sa kamay ng hari.
16 At sinabi ng hari sa kaniya, Makailang manunumpa ako sa iyo, na ikaw ay huwag magsalita ng anoman sa akin, kundi ng katotohanan sa pangalan ng Panginoon?
17 At kaniyang sinabi, Aking nakita ang buong Israel na (M)nangangalat sa mga bundok, na gaya ng mga tupa na walang pastor: at sinabi ng Panginoon, Ang mga ito ay walang panginoon; umuwi ang bawa't lalake sa kaniyang bahay na payapa.
18 At sinabi ng hari sa Israel kay Josaphat, (N)Di ba isinaysay ko sa iyo na siya'y hindi manghuhula ng mabuti tungkol sa akin, kundi ng kasamaan?
19 At sinabi ni Micheas, Kaya't iyong dinggin ang salita ng Panginoon: (O)Aking nakita ang Panginoon na nakaupo sa kaniyang luklukan, at ang (P)buong hukbo ng langit ay nakatayo sa siping niya sa kaniyang kanan at sa kaniyang kaliwa.
20 At sinabi ng Panginoon, Sinong dadaya kay Achab, upang siya'y umahon at mabuwal sa Ramoth-galaad? At ang isa'y nagsalita ng ganitong paraan; at ang iba'y nagsalita ng gayong paraan.
21 At lumabas ang isang espiritu at tumayo sa harap ng Panginoon, at nagsabi, Aking dadayain siya.
22 At sinabi ng Panginoon sa kaniya, Paano? At kaniyang sinabi, Ako'y lalabas, at magiging magdarayang (Q)espiritu sa bibig ng lahat niyang mga propeta. At kaniyang sinabi, Iyong dadayain siya, at mananaig ka rin: lumabas ka, at gawin mong gayon.
23 Ngayon nga, narito, inilagay ng Panginoon ang magdarayang espiritu sa bibig ng lahat ng iyong mga propetang ito: at ang Panginoon ay nagsalita ng kasamaan tungkol sa iyo.
24 Nang magkagayo'y lumapit si (R)Sedechias na anak ni Chanaana, at sinampal si Micheas, at sinabi, Saan nagdaan ang Espiritu ng Panginoon na mula sa akin, upang magsalita sa iyo?
25 At sinabi ni Micheas, Narito, iyong makikita sa araw na yaon pagka ikaw ay papasok sa pinakaloob na silid upang magkubli.
26 At sinabi ng hari sa Israel, Kunin mo si Micheas, at ibalik mo kay Amon na tagapamahala ng bayan, at kay Joas na anak ng hari;
27 At iyong sabihin, Ganito ang sabi ng hari, (S)Ilagay ninyo ang taong ito sa bilangguan, at pakanin ninyo siya ng tinapay ng kadalamhatian at ng tubig ng kadalamhatian (T)hanggang sa ako'y dumating na payapa.
28 At sinabi ni Micheas, Kung ikaw ay bumalik sa anomang paraan na payapa, ang (U)Panginoon ay hindi nagsalita sa pamamagitan ko. At kaniyang sinabi, Dinggin ninyo, ninyong mga bayan, ninyong lahat.
Sinalakay ang Ramoth-galaad.
29 Sa gayo'y ang hari sa Israel, at si Josaphat na hari sa Juda ay nagsiahon sa Ramoth-galaad.
30 At sinabi ng hari sa Israel kay Josaphat, Ako'y magpapakunwaring iba, at paroroon sa pagbabaka; nguni't ikaw ay magsuot ng iyong mga balabal-hari. At ang hari ng Israel ay (V)nagpakunwaring iba, at naparoon sa pagbabaka.
31 Ang hari nga ng Siria ay nagutos sa (W)tatlong pu't dalawang punong kawal ng kaniyang mga karo, na nagsasabi, Huwag kayong magsilaban kahit sa maliit o sa malaki man, liban lamang sa hari sa Israel.
32 At nangyari, nang makita ng mga punong kawal ng mga karo si Josaphat na kanilang sinabi, Walang pagsalang hari sa Israel; at sila'y nagsibalik upang magsilaban sa kaniya: at si Josaphat ay (X)humiyaw.
33 At nangyari, nang makita ng mga punong kawal ng mga karo na hindi siyang hari sa Israel, na sila'y humiwalay ng paghabol sa kaniya.
34 At inihilagpos ng isang lalake ang kaniyang pana sa pagbabakasakali, at tinamaan ang hari sa Israel sa pagitan ng mga pagkakasugpong ng sakbat; kaya't kaniyang sinabi sa nagpapatakbo ng kaniyang karo, Ipihit mo ang iyong kamay, at ihiwalay mo ako sa hukbo; sapagka't ako'y nasugatan ng malubha.
35 At ang pagbabaka ay lumala nang araw na yaon; at ang hari ay natigil sa kaniyang karo sa harap ng mga taga Siria, at namatay sa kinahapunan: at ang dugo ay bumuluwak sa sugat sa pinakaloob ng karo.
36 At nagkaroon ng hiyawan sa buong hukbo sa may paglubog ng araw, na nagsasabi, Bawa't lalake ay sa kaniyang bayan, at bawa't lalake ay sa kaniyang lupain.
Si Achab ay napatay sa digma.
37 Sa gayo'y namatay ang hari at dinala sa Samaria; at kanilang inilibing ang hari sa Samaria.
38 At kanilang hinugasan ang karo sa tabi ng tangke ng Samaria; at hinimuran ng mga aso ang kaniyang dugo (ang mga masamang babae nga ay nagsipaligo roon;) (Y)ayon sa salita ng Panginoon na kaniyang sinalita.
39 Ang iba nga sa mga gawa ni Achab, at ang lahat niyang ginawa, at ang (Z)bahay na garing na kaniyang itinayo, at ang lahat na bayan na kaniyang itinayo, di ba nasusulat sa aklat ng mga alaala sa mga hari sa Israel?
40 Sa gayo'y natulog si Achab na kasama ng kaniyang mga magulang; at si Ochozias na kaniyang anak ay naghari na kahalili niya.
Si Josaphat ay naghari sa Juda.
41 At si (AA)Josaphat na anak ni Asa ay nagpasimulang maghari sa Juda, nang ikaapat na taon ni Achab na hari sa Israel.
42 Si Josaphat ay tatlong pu't limang taon nang magpasimulang maghari; at siya'y nagharing dalawang pu't limang taon sa Jerusalem. At ang pangalan ng kaniyang ina ay Azuba na anak ni Silai.
43 (AB)At siya'y lumakad ng buong lakad ni Asa na kaniyang ama; hindi siya lumiko sa paggawa ng matuwid sa mga mata ng Panginoon: gayon ma'y ang mga mataas na dako ay hindi inalis; ang bayan ay nagpatuloy na naghahain, at nagsusunog ng kamangyan sa mga mataas na dako.
44 (AC)At si Josaphat ay nakipagpayapaan sa hari ng Israel.
45 Ang iba nga sa mga gawa ni Josaphat, at ang kaniyang kapangyarihan na kaniyang ipinakita, at kung paanong siya'y nakidigma, (AD)di ba nangasusulat sa aklat ng mga alaala sa mga hari sa Juda?
46 At ang nangalabi sa mga (AE)sodomita na nangalabi sa mga kaarawan ng kaniyang ama na si Asa, ay pinaalis niya sa lupain.
47 (AF)At walang hari sa Edom: isang kinatawan ay hari.
48 (AG)Si Josaphat ay gumawa ng mga (AH)sasakyang dagat sa Tharsis, upang pumaroon (AI)sa Ophir dahil sa ginto: nguni't hindi sila nagsiparoon; sapagka't ang mga sasakyan ay nangasira sa (AJ)Ezion-geber.
49 Nang magkagayo'y sinabi ni Ochozias na anak ni Achab kay Josaphat, Magsiyaon ang aking mga lingkod na kasama ng iyong mga lingkod sa mga sasakyan. Nguni't tumanggi si Josaphat.
50 (AK)At si Josaphat ay natulog na kasama ng kaniyang mga magulang, at nalibing na kasama ng kaniyang mga magulang sa bayan ni David na kaniyang magulang: at si Joram na kaniyang anak ay naghari na kahalili niya.
Si Ochozias ay naghari sa Israel.
51 Si Ochozias na anak ni Achab ay nagpasimulang maghari sa Israel sa Samaria, nang ikalabing pitong taon ni Josaphat na hari sa Juda, at siya'y nagharing dalawang taon sa Israel.
52 At siya'y gumawa ng masama sa paningin ng Panginoon, at (AL)lumakad sa lakad ng kaniyang ama, at sa lakad ng kaniyang ina, at (AM)sa lakad ni Jeroboam na anak ni Nabat, na ipinagkasala niya sa Israel.
53 At siya'y naglingkod kay Baal, at sumamba sa kaniya, at minungkahi sa galit ang Panginoon, ang Dios ng Israel, ayon sa lahat na ginawa ng kaniyang ama.
5 Datapuwa't tungkol sa (A)mga kapanahunan at mga bahagi ng panahon, mga kapatid, (B)hindi ninyo kailangan na isulat ko pa sa inyo ang anoman.
2 Sapagka't kayo rin ang mga lubos na nangakakaalam, na ang pagdating (C)ng kaarawan ng Panginoon ay (D)gaya ng magnanakaw sa gabi.
3 Pagka sinasabi ng mga tao, Kapayapaan at katiwasayan, kung magkagayo'y (E)darating sa kanila ang biglang pagkawasak, na gaya ng pagdaramdam, sa panganganak ng babaing nagdadalang-tao; at sila'y hindi mangakatatanan sa anomang paraan.
4 Nguni't kayo, (F)mga kapatid, ay wala sa kadiliman, upang sa araw na yaon ay masubukan kayong gaya ng magnanakaw:
5 Sapagka't kayong lahat (G)ay pawang mga anak ng kaliwanagan, at mga anak ng araw: tayo'y hindi ng gabi, ni ng kadiliman man;
6 (H)Huwag nga tayong mangatulog, gaya ng mga iba, kundi (I)tayo'y mangagpuyat at mangagpigil.
7 Sapagka't ang nangatutulog ay nangatutulog sa gabi; (J)at ang nangaglalasing ay nangaglalasing sa gabi.
8 Datapuwa't palibhasa'y mga anak tayo ng araw, mangagpigil tayo, (K)na isuot ang baluti ng pananampalataya at ng pagibig; at ang maging turbante ay ang pagasa ng kaligtasan.
9 Sapagka't tayo'y (L)hindi itinalaga ng Dios sa galit, kundi sa pagtatamo ng pagkaligtas sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesucristo,
10 Na (M)namatay dahil sa atin, upang tayo, sa gising o tulog man, ay mangabuhay tayong kasama niya.
11 Dahil dito (N)kayo'y mangagpangaralan, at mangagpatibayan sa isa't isa sa inyo, gaya ng inyong ginagawa.
12 Datapuwa't ipinamamanhik namin sa inyo, mga kapatid, (O)na inyong kilalanin ang nangagpapagal sa inyo, at (P)nangamumuno sa inyo sa Panginoon, at nangagpapaalaala sa inyo;
13 At inyong lubos na pakamahalin sila sa pagibig, dahil sa kanilang gawa. (Q)Magkaroon kayo-kayo ng kapayapaan.
14 At aming ipinamamanhik sa inyo, mga kapatid, na inyong paalalahanan ang mga manggugulo, palakasin ang mga mahihinang-loob, (R)alalayan ang mga mahihina, (S)at maging mapagpahinuhod kayo sa lahat.
15 (T)Tingnan nga ninyo na huwag gumanti ang sinoman ng masama sa masama; nguni't sundin ninyong lagi ang mabuti, ang isa'y sa iba, at sa lahat.
16 (U)Mangagalak kayong lagi;
17 Magsipanalangin kayong (V)walang patid;
18 Sa lahat ng mga bagay ay (W)magpasalamat kayo; sapagka't ito (X)ang kalooban ng Dios kay Cristo tungkol sa inyo.
19 Huwag ninyong patayin (Y)ang ningas ng Espiritu;
20 Huwag ninyong hamakin (Z)ang mga panghuhula;
21 Subukin ninyo ang (AA)lahat ng mga bagay, ingatan ninyo ang mabuti;
22 Layuan ninyo ang (AB)bawa't anyo ng masama.
23 At pakabanalin (AC)kayong lubos ng Dios din ng kapayapaan; at ang inyong (AD)espiritu at kaluluwa at katawan ay ingatang buo, na walang kapintasan (AE)sa pagparito ng ating Panginoong Jesucristo.
24 (AF)Tapat yaong sa inyo'y tumatawag, na gagawa rin naman nito.
25 Mga kapatid, (AG)idalangin ninyo kami.
26 Batiin ninyo ang lahat ng mga kapatid ng (AH)banal na halik.
27 Idinadaing ko sa inyo alangalang sa Panginoon na basahin sa lahat ng mga kapatid (AI)ang sulat na ito.
28 Ang biyaya ng ating Panginoong Jesucristo ay sumainyo nawa.
Si Nabucodonosor ay nanaginip ng isang kahoy.
4 Si Nabucodonosor na hari, (A)sa lahat na bayan, bansa, at wika, na nagsisitahan sa buong lupa: (B)Kapayapaa'y managana sa inyo.
2 Inaakala kong mabuti na ipahayag ang mga tanda at mga kababalaghan (C)na ginawa sa akin ng Kataastaasang Dios.
3 Kay dakila ang kaniyang mga tanda! at pagka makapangyarihan ng kaniyang mga kababalaghan! ang kaniyang kaharian ay walang hanggang (D)kaharian, at ang kaniyang kapangyarihan ay sa sali't saling lahi.
4 Akong si Nabucodonosor ay nagpapahinga sa aking bahay, at gumiginhawa sa aking palasio.
5 Ako'y nakakita ng isang pangitain na tumakot sa akin; (E)at ang pagiisip ko sa aking higaan at ang mga pangitain na suma aking ulo ay bumagabag sa akin.
6 (F)Kaya't nagpasiya ako na iharap sa akin ang lahat (G)na pantas sa Babilonia, upang kanilang maipaaninaw sa akin ang kahulugan ng panaginip.
7 Nang magkagayo'y nagsidating ang mga mahiko, ang mga enkantador, ang mga Caldeo, at ang mga manghuhula; at isinaysay ko ang panaginip sa harap nila; nguni't hindi nila maipaaninaw sa akin ang kahulugan niyaon.
8 Nguni't sa kahulihuliha'y dumating sa harap ko si Daniel, (H)na ang pangala'y Beltsasar, ayon sa pangalan ng aking dios, (I)at siyang kinaroroonan ng espiritu ng mga banal na dios: at aking isinaysay ang panaginip sa harap niya, na aking sinasabi,
9 Oh Beltsasar, na (J)pangulo ng mga mahiko, sapagka't talastas ko na ang espiritu ng mga banal na dios ay sumasaiyo, at walang lihim na bumabagabag sa iyo, isaysay mo sa akin ang mga pangitain ng aking panaginip na aking nakita, at ang kahulugan niyaon.
10 Ganito ang mga pangitain ng aking ulo sa aking higaan, Ako'y tumitingin, at narito, ang isang punong kahoy (K)sa gitna ng lupa, at ang taas niyao'y di kawasa.
11 Ang punong kahoy ay lumaki, at tumibay, at ang taas niyao'y umaabot hanggang sa langit, at ang tanaw niyaon hanggang sa wakas ng buong lupa.
12 Ang mga dahon niyao'y magaganda, at ang bunga niyao'y marami, at pagkain sa lahat; (L)ang mga hayop sa parang ay may lihim sa ilalim niyaon, at ang mga ibon sa himpapawid ay nagsisitahan sa mga sanga niyaon, at ang lahat na laman ay nangabubusog doon.
13 May nakita ako sa mga pangitain ng aking ulo sa aking higaan, at, narito, (M)isang bantay at isang (N)banal ay bumaba mula sa langit.
14 Siya'y sumigaw ng malakas, at nagsabi ng ganito, (O)Ibuwal ang kahoy, at putulin ang mga sanga niyan, lagasin ang mga dahon niyan, at isambulat ang mga bunga niyan: paalisin ang mga hayop sa ilalim niyan, at ang mga ibon sa mga sanga niyan.
15 Gayon ma'y inyong iwan ang tuod ng kaniyang mga ugat sa lupa, na magkatali ng bakal at tanso, sa murang damo sa parang; at bayaang mabasa siya ng hamog ng langit, at makasalo siya ng mga hayop sa damo sa lupa:
16 Bayaang ang kaniyang puso na pusong tao ay mapalitan at ang puso ng hayop ay mabigay sa kaniya; at (P)mangyaring makapito sa kaniya.
17 Ang hatol ay sa pamamagitan ng pasiya ng (Q)mga bantay, at ang utos ay sa pamamagitan ng salita ng mga banal; (R)upang makilala ng mga may buhay (S)na ang Kataastaasan ay nagpupuno sa kaharian ng mga tao, at ibinibigay niya ito sa kanino mang kaniyang ibigin, at itinataas niya sa kaniya ang pinakamababa sa mga tao.
18 Akong si Nabucodonosor na hari ay nakakita ng panaginip na ito: at ikaw, Oh Beltsasar, ipahayag ang kahulugan, (T)sapagka't lahat na pantas sa aking kaharian ay hindi makapagpaaninaw sa akin ng kahulugan; nguni't maipaaaninaw mo; sapagka't ang espiritu ng mga banal na dios ay sumasa iyo.
Ipinaliwanag ni Daniel ang panaginip.
19 Nang magkagayo'y si Daniel na ang pangala'y Beltsasar, natigilang sangdali, at binagabag siya ng kaniyang mga pagiisip. Ang hari ay sumagot, at nagsabi, Beltsasar, huwag kang bagabagin ng panaginip, o ng kahulugan. Si Beltsasar ay sumagot, at nagsabi, Panginoon ko, (U)ang panaginip ay mangyari nawa sa napopoot sa iyo, at ang kahulugan niyao'y mangyari nawa sa iyong mga kaaway,
20 Ang punong kahoy na iyong nakita (V)na tumutubo, at tumitibay na ang taas ay umaabot sa langit, at ang tanaw niyao'y sa buong lupa;
21 Na ang mga daho'y magaganda, at ang bunga niyao'y marami, at pagkain sa lahat; na ang lilim ay tinatahanan ng mga hayop sa parang, at ang kaniyang mga sanga'y dinadapuan ng mga ibon sa himpapawid:
22 Ay ikaw, Oh hari, na lumalaki at nagiging malakas; sapagka't ang iyong kadakilaan ay lumaki, at umaabot hanggang sa langit, (W)at ang iyong kapangyarihan ay hanggang sa wakas ng lupa.
23 At yamang nakita ng hari ang isang bantay at isang banal na bumababa mula sa langit, at nagsasabi, Ibuwal ninyo ang punong kahoy, at inyong lipulin; gayon ma'y itira ninyo ang tuod ng mga ugat niyaon sa lupa na magkatali ng bakal at tanso, sa murang damo sa parang, at bayaang mabasa siya ng hamog ng langit, at makasalo siya ng mga hayop sa parang, hanggang sa mangyari sa kaniya na makapito;
24 Ito ang kahulugan, Oh hari, at siyang pasiya ng kataastaasan na sumapit sa aking panginoon na hari:
25 Na ikaw ay (X)mahihiwalay sa mga tao, at ang iyong tahanan ay mapapasama sa mga hayop sa parang, at ikaw ay (Y)pakakanin ng damo na gaya ng mga baka, at mababasa ka ng hamog ng langit, at makapitong mangyayari sa iyo; hanggang sa iyong maalaman na ang kataastaasan ay nagpupuno sa kaharian ng mga tao, at nagbibigay niyaon sa kanino mang ibigin niya.
26 At yamang kanilang iniutos na iwan ang tuod ng mga ugat ng kahoy; ang iyong kaharian ay tunay na magiging iyo, pagkatapos na iyong maalaman na ang mga langit ay nagpupuno.
27 Kaya't, Oh hari, tanggapin mo ang aking payo, at lansagin mo ng katuwiran ang iyong mga kasalanan, at ng pagpapakita ng kaawaan sa dukha ang iyong katampalasanan; baka sakaling ikatibay ng iyong katiwasayan.
Ang panaginip ng hari ay natupad.
28 Lahat ng ito'y sumapit sa haring Nabucodonosor.
29 Sa katapusan ng labing dalawang buwan ay lumalakad siya sa palacio ng hari sa Babilonia.
30 Ang hari ay nagsalita, (Z)at nagsabi, Hindi baga ito ang dakilang Babilonia na aking itinayo na pinaka (AA)tahanang hari, sa pamamagitan ng lakas ng aking kapangyarihan at sa ikaluluwalhati ng aking kamahalan?
31 Samantalang ang salita ay nasa bibig pa ng hari, ay may isang tinig na nanggaling sa langit, na nagsasabi, Oh haring Nabucodonosor, sa iyo'y sinalita: Ang kaharian ay mahihiwalay sa iyo.
32 At ikaw ay palalayasin (AB)sa mga tao; at ang iyong tahanan ay mapapasama sa mga hayop sa parang; ikaw ay pakakanin ng damo na gaya ng mga baka; at makapitong mangyayari sa iyo; hanggang sa iyong maalaman na ang Kataastaasan ay nagpupuno sa kaharian ng mga tao, at ibinibigay sa kanino mang kaniyang ibigin.
33 (AC)Nang oras ding yaon ay natupad ang bagay kay Nabucodonosor: at siya'y pinalayas sa mga tao, at kumain ng damo na gaya ng mga baka, at ang (AD)kaniyang katawan ay nabasa ng hamog ng langit, hanggang sa ang kaniyang buhok ay lumagong parang balahibo ng mga aguila, at ang kaniyang mga kuko ay parang mga kuko ng mga ibon.
34 At sa katapusan ng mga kaarawan, akong si Nabucodonosor ay nagtaas ng aking mga mata sa langit, at ang aking unawa ay nanumbalik sa akin, at aking pinuri ang Kataastaasan, at aking pinuri at pinarangalan ko (AE)siya na nabubuhay magpakailan man; sapagka't ang kaniyang kapangyarihan ay walang hanggang kapangyarihan, at ang kaniyang kaharian ay sa sali't saling lahi;
35 At ang lahat na mananahan sa lupa ay nabilang sa wala; at kaniyang ginagawa ang ayon sa kaniyang kalooban sa hukbo ng langit, at sa mga mananahan sa lupa; (AF)at walang makahahadlang sa kaniyang kamay, o makapagsasabi sa kaniya, (AG)Anong ginagawa mo?
36 Sa oras ding yaon ay nanumbalik sa akin ang aking unawa; at sa ikaluluwalhati ng aking kaharian, ay nanumbalik sa akin ang aking kamahalan at kakinangan; at hinanap ako ng aking mga kasangguni at mga mahal na tao; at ako'y natatag sa aking kaharian, at marilag na kadakilaan ay nadagdag sa akin.
37 Ngayo'y akong si Nabucodonosor ay (AH)pumupuri, at nagbubunyi, at nagpaparangal sa Hari ng langit; (AI)sapagka't ang lahat niyang gawa ay katotohanan, at ang kaniyang mga daan ay kahatulan; at (AJ)yaong nagsisilakad sa kapalaluan ay kaniyang mapabababa.
Awit, Salmo ni David.
108 Ang aking (A)puso'y matatag, Oh Dios;
Ako'y aawit, oo, ako'y aawit ng mga pagpuri, ng aking kaluwalhatian.
2 Kayo'y gumising, salterio at alpa:
Ako ma'y gigising na maaga.
3 Ako'y magpapasalamat sa iyo, Oh Panginoon, sa gitna ng mga bayan:
At ako'y aawit ng mga pagpuri sa iyo sa gitna ng mga bansa.
4 (B)Sapagka't ang iyong kagandahang-loob ay dakila sa itaas sa mga langit,
At ang iyong katotohanan ay umaabot sa mga (C)alapaap.
5 Mabunyi ka, Oh Dios, sa itaas sa mga langit:
At ang iyong kaluwalhatian sa ibabaw ng buong lupa.
6 (D)Upang ang iyong minamahal ay maligtas,
Magligtas ka ng iyong kanan, at sagutin mo kami.
7 Nagsalita ang Dios sa kaniyang kabanalan; ako'y magsasaya:
Aking hahatiin ang Sichem, at susukatin ko ang libis ng Sucoth.
8 Galaad ay akin; Manases ay akin;
Ang Ephraim naman ay sanggalang ng aking ulo:
Juda'y aking cetro.
9 Moab ay aking hugasan;
Sa Edom ay ihahagis ko ang aking panyapak:
(E)Sa Filistia ay hihiyaw ako.
10 Sinong magpapasok sa akin sa (F)bayang nakukutaan?
Sinong papatnubay sa akin hanggang sa Edom?
11 Hindi ba ikaw Oh Dios na nagtakuwil sa amin,
(G)At hindi lumalabas, Oh Dios, na kasama ng aming mga hukbo?
12 Gawaran mo kami ng tulong laban sa kaaway;
Sapagka't walang kabuluhan ang tulong ng tao.
13 (H)Sa tulong ng Dios ay gagawa kaming may katapangan:
Sapagka't siya ang yayapak sa aming mga kaaway.
Sa Pangulong Manunugtog. Awit ni David.
109 Huwag kang mapayapa, (I)Oh Dios na aking kapurihan;
2 Sapagka't ang bibig ng masama at ang bibig ng magdaraya ay ibinuka nila laban sa akin:
Sila'y nangagsalita sa akin na may sinungaling na dila.
3 Kanilang kinulong ako sa palibot ng mga salitang pagtatanim,
At nagsilaban sa akin (J)ng walang kadahilanan.
4 Sa kabayaran ng aking pagibig ay mga kaaway ko sila:
Nguni't ako'y tumatalaga sa dalangin.
5 At iginanti nila sa akin ay kasamaan sa mabuti,
At pagtatanim sa pagibig ko.
6 (K)Lagyan mo ng masamang tao siya:
At tumayo nawa ang isang (L)kaaway sa kaniyang kanan.
7 (M)Pagka siya'y nahatulan, lumabas nawa siyang salarin;
At maging kasalanan nawa ang (N)kaniyang dalangin.
8 (O)Maging kaunti nawa ang kaniyang mga kaarawan;
At kunin nawa ng iba ang kaniyang katungkulan.
9 (P)Maulila nawa ang kaniyang mga anak,
At mabao ang kaniyang asawa.
10 (Q)Magsilaboy nawa ang kaniyang mga anak, at mangagpalimos;
At hanapin nila ang kanilang pagkain sa kanilang mga dakong guho.
11 Kunin nawa ng manglulupig ang lahat niyang tinatangkilik;
At samsamin ng mga (R)taga ibang lupa ang kaniyang mga gawa.
12 Mawalan nawa ng maawa sa kaniya;
At mawalan din ng maawa sa kaniyang mga anak na ulila.
13 Mahiwalay nawa ang (S)kaniyang kaapuapuhan;
Sa lahing darating ay mapawi ang kaniyang pangalan.
14 (T)Maalaala nawa ng Panginoon ang kasamaan ng kaniyang mga magulang;
At huwag mapawi ang kasalanan ng kaniyang ina,
15 Mangalagay nawa silang lagi sa harap ng Panginoon,
Upang ihiwalay (U)niya ang alaala sa kanila sa lupa.
16 Sapagka't hindi niya naalaalang magpakita ng kaawaan,
Kundi hinabol ang (V)dukha at mapagkailangan,
At ang may bagbag na puso, upang patayin.
17 (W)Oo, kaniyang inibig ang sumpa, at dumating sa kaniya;
At hindi siya nalulugod sa pagpapala, at malayo sa kaniya.
18 (X)Nagsusuot naman siya ng sumpa na parang kaniyang damit,
At nasok sa kaniyang mga loob na bahagi na parang tubig,
At parang langis sa kaniyang mga buto.
19 Sa kaniya'y maging gaya nawa ng balabal na ibinabalabal,
At gaya ng bigkis na ibinibigkis na lagi.
20 Ito ang kagantihan sa aking mga kaaway na mula sa Panginoon,
At sa kanilang nangagsasalita ng kasamaan laban sa aking kaluluwa.
21 Nguni't gumawa kang kasama ko, Oh Dios na Panginoon, (Y)alang-alang sa iyong pangalan:
(Z)Sapagka't ang iyong kagandahang-loob ay mabuti, iligtas mo ako,
22 Sapagka't ako'y dukha at mapagkailangan,
At ang aking puso ay nasaktan sa loob ko.
23 Ako'y yumayaong (AA)gaya ng lilim pagka kumikiling:
Ako'y itinataas at ibinababa ng hangin na parang balang.
24 Ang aking mga (AB)tuhod ay mahina sa pagaayuno,
At ang aking laman ay nagkukulang ng katabaan.
25 Ako nama'y naging (AC)kadustaan sa kanila:
Pagka kanilang nakikita ako, kanilang (AD)pinagagalawgalaw ang kanilang ulo.
26 (AE)Tulungan mo ako, Oh Panginoon kong Dios;
Oh iligtas mo ako ayon sa iyong kagandahang-loob:
27 Upang kanilang maalaman na ito'y iyong kamay;
Na ikaw, Panginoon, ang may gawa.
28 Sumumpa sila, nguni't magpapala ka:
Pagka sila'y nagsibangon, sila'y mangapapahiya,
Nguni't ang iyong lingkod ay (AF)magagalak.
29 (AG)Manamit ng kasiraang puri ang mga kaaway ko,
At matakpan sila ng kanilang sariling kahihiyan na parang balabal.
30 Ako'y magpapasalamat ng marami ng aking bibig sa Panginoon;
Oo, aking pupurihin (AH)siya sa gitna ng karamihan.
31 Sapagka't (AI)siya'y tatayo sa kanan ng mapagkailangan,
Upang iligtas sa kanilang nagsisihatol ng kaniyang kaluluwa.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978