M’Cheyne Bible Reading Plan
Ang kaban ay iniahon.
8 Nang magkagayo'y pinisan ni Salomon ang mga matanda ng Israel (A)at ang lahat na pangulo sa mga lipi, ang mga (B)prinsipe sa mga sangbahayan ng mga magulang ng mga anak ni Israel, sa haring Salomon sa Jerusalem, upang iahon ang kaban (C)ng tipan ng Panginoon mula sa bayan ni David (D)na siyang Sion.
2 At ang lahat na lalake sa Israel ay nagpisan kay haring Salomon (E)sa kapistahan, sa buwan ng Ethanim, na siyang ikapitong buwan.
3 At ang lahat na matanda sa Israel ay naparoon, at (F)binuhat ng mga saserdote ang kaban.
4 At kanilang iniahon ang kaban ng Panginoon, at ang tabernakulo ng kapisanan, at ang lahat na banal na kasangkapan na nasa Tolda; iniahon nga ang mga ito ng mga saserdote at ng mga Levita.
5 At ang haring Salomon at ang buong kapulungan ng Israel na nangagpisan sa kaniya, ay mga kasama niya sa harap ng kaban, na naghahain ng mga tupa at mga baka, (G)na di masasaysay o mabibilang man dahil sa karamihan.
6 At ipinasok ng mga saserdote ang kaban ng tipan ng Panginoon (H)sa karoroonan, (I)sa loob ng sanggunian ng bahay, sa kabanalbanalang dako, sa ilalim ng mga (J)pakpak ng mga querubin.
7 Sapagka't nangakabuka ang mga pakpak ng mga querubin sa dako ng kaban, at ang mga querubin ay nagbibigay kanlong sa kaban at sa mga pingga niyaon sa ibabaw.
8 At ang mga pingga ay nangapakahaba, (K)na ang mga dulo ng mga pingga ay nakikita mula sa (L)dakong banal sa harap ng sanggunian; nguni't hindi nangakikita sa labas: at nandoon hanggang sa araw na ito.
9 (M)Walang anomang bagay sa kaban liban sa dalawang tapyas na bato na inilagay ni Moises doon sa Horeb, nang ang Panginoon ay makipagtipan sa mga anak ni Israel, (N)nang sila'y lumabas sa lupain ng Egipto.
10 At nangyari, nang ang mga saserdote ay magsilabas sa dakong banal, na (O)napuno ng ulap ang bahay ng Panginoon.
11 Na anopa't ang mga saserdote ay hindi makatayo upang mangasiwa dahil sa ulap: sapagka't napuno ng kaluwalhatian ng Panginoon ang bahay ng Panginoon.
Talumpati ni Salomon.
12 (P)Nang magkagayo'y nagsalita si Salomon, Ang Panginoo'y nagsabi na siya'y tatahan sa salimuot na (Q)kadiliman.
13 Tunay na ipinagtayo kita ng isang bahay (R)na tahanan, (S)ng isang dako upang iyong tahanan magpakailan man.
14 At ipinihit ng hari ang kaniyang mukha, at (T)binasbasan ang buong kapisanan ng Israel: at ang buong kapisanan ng Israel ay tumayo.
15 At kaniyang sinabi, Purihin (U)ang Panginoon, ang Dios ng Israel, na nagsalita ng kaniyang bibig kay David na aking ama, at tinupad ng kaniyang kamay, (V)na sinasabi,
16 Mula nang araw na aking ilabas ang aking bayang Israel sa Egipto, hindi ako pumili ng bayan sa lahat ng mga lipi ng Israel upang magtayo ng bahay, upang ang aking pangalan ay dumoon; (W)nguni't aking pinili si David upang maging pangulo (X)sa aking bayang Israel.
17 Nasa (Y)puso nga ni David na aking ama ang ipagtayo ng isang bahay ang pangalan ng Panginoon, ang Dios ng Israel.
18 Nguni't sinabi ng Panginoon kay David na aking ama, Sa paraang nasa iyong puso ang ipagtayo ng isang bahay ang aking pangalan, mabuti ang iyong ginawa na inakala mo sa iyong puso;
19 Gayon ma'y hindi mo itatayo ang bahay; kundi ang iyong anak na lalabas sa iyong mga balakang, (Z)siyang magtatayo ng bahay na ukol sa aking pangalan.
20 At pinagtibay ng Panginoon ang kaniyang salita na kaniyang sinalita: sapagka't ako'y bumangon na kahalili ni David na aking ama, at nakaupo sa luklukan ng Israel, gaya ng ipinangako ng Panginoon, at nagtayo ako ng bahay na ukol sa pangalan ng Panginoon, ng Dios ng Israel.
21 At doo'y aking ipinaghanda ng isang dako ang kaban, na kinaroroonan ng tipan ng Panginoon (AA)na kaniyang ginawa sa ating mga magulang, nang kaniyang ilabas sila sa lupain ng Egipto.
22 (AB)At si Salomon ay tumayo sa harap ng dambana ng Panginoon, sa harapan ng buong kapisanan ng Israel, at iginawad ang (AC)kaniyang mga kamay sa dakong langit:
23 At kaniyang sinabi, Oh Panginoong Dios ng Israel, walang Dios na gaya mo, (AD)sa langit sa itaas, o sa lupa sa ibaba; na siyang nagiingat ng tipan at ng kaawaan sa iyong mga lingkod, (AE)na lumalakad sa harap mo ng kanilang buong puso.
24 Na siyang nagingat sa iyong lingkod na kay David na aking ama ng iyong ipinangako sa kaniya: oo, ikaw ay nagsalita ng iyong bibig, at ginanap mo ng iyong kamay, gaya sa araw na ito.
25 Ngayon nga, Oh Panginoon, na Dios ng Israel, tuparin mo sa iyong lingkod na kay David na aking ama ang iyong ipinangako sa kaniya, na iyong sinasabi, (AF)Hindi magkukulang sa iyo ng lalake sa aking paningin, na uupo sa luklukan ng Israel, kung ang iyong mga anak lamang ay magsisipagingat ng kanilang lakad, na magsisilakad sa harap ko na gaya ng inilakad mo sa harap ko.
26 Ngayon nga, Oh Dios ng Israel, idinadalangin ko sa iyo na papangyarihin mo ang iyong salita na iyong sinalita sa iyong lingkod na kay David na aking ama.
Ang kaniyang panalangin ng pagtatalaga.
27 Nguni't katotohanan bang tatahan ang Dios sa lupa? (AG)Narito, sa langit at sa langit ng mga langit ay (AH)hindi ka magkasiya; gaano pa sa bahay na ito na aking itinayo!
28 Gayon ma'y iyong pakundanganan ang dalangin ng iyong lingkod at ang kaniyang pamanhik, Oh Panginoon kong Dios, na dinggin ang daing at dalangin na idinadalangin ng iyong lingkod sa harap mo sa araw na ito:
29 Na anopa't ang iyong mga mata ay idilat sa dako ng bahay na ito gabi at araw, sa dakong iyong sinabi, Ang aking pangalan ay doroon; (AI)upang dinggin ang panalangin na idadalangin ng iyong lingkod sa (AJ)dakong ito.
30 At dinggin mo ang pamanhik ng iyong lingkod, at ng iyong bayang Israel, pagka sila'y mananalangin sa dakong ito: oo, dinggin mo sa langit na iyong tahanang dako; at pagka iyong narinig patawarin mo.
31 Kung ang isang tao ay magkasala laban sa kaniyang kapuwa, at papanumpain siya upang siya'y sumumpa, (AK)at siya'y pumarito at manumpa sa harap ng iyong dambana sa bahay na ito:
32 Dinggin mo nga sa langit, at iyong gawin, at hatulan mo ang iyong mga lingkod, na iyong parusahan ang masama, (AL)upang iyong dalhin ang kaniyang lakad sa kaniyang sariling ulo; at ariing-ganap ang matuwid, upang bigyan siya ng ayon sa kaniyang katuwiran.
33 Pagka ang iyong bayang Israel ay nasaktan sa harap ng kaaway, (AM)dahil sa sila'y nagkasala laban sa iyo; kung sila'y bumalik sa iyo, at ipahayag ang iyong pangalan, (AN)at dumalangin at pumanhik sa iyo sa bahay na ito:
34 Dinggin mo nga sa langit, at ipatawad mo ang sala ng iyong bayang Israel, at dalhin mo sila uli sa lupain na iyong ibinigay sa kanilang mga magulang.
35 Pagka ang langit ay nasarhan, at walang ulan, (AO)dahil sa sila'y nagkasala laban sa iyo; kung sila'y dumalangin sa dakong ito, at ipahayag ang iyong pangalan, at talikdan ang kanilang kasalanan, pagka iyong pinighati sila:
36 Dinggin mo nga sa langit, at ipatawad mo ang sala ng iyong mga lingkod, at ng iyong bayang Israel, pagka iyong tuturuan sila (AP)ng mabuting daan na kanilang dapat lakaran; at paulanan mo ang iyong lupain na iyong ibinigay sa iyong bayan na pinakamana.
37 Kung magkaroon ng kagutom sa lupain, kung magkaroon ng salot, kung magkaroon ng pagkakatuyot, o amag, balang o tipaklong, (AQ)kung kulungin sila ng kanilang kaaway sa lupain ng kanilang mga bayan; anomang salot, anomang sakit na magkaroon,
38 Anomang dalangin at pamanhik na gawin ng sinomang tao, o ng iyong buong bayang Israel, na makikilala ng bawa't tao ang salot sa kaniyang sariling puso, at iuunat ang kaniyang mga kamay sa dako ng bahay na ito:
39 Dinggin mo nga sa langit na iyong tahanang dako, at ikaw ay magpatawad at gumawa, at gumanti ka sa bawa't tao ayon sa lahat niyang mga lakad na ang puso ay iyong natataho; (sapagka't ikaw, ikaw lamang ang nakakataho ng mga puso ng lahat (AR)ng mga anak ng mga tao;)
40 Upang sila'y matakot sa iyo sa (AS)lahat ng kaarawan na kanilang ikabubuhay sa lupain na iyong ibinigay sa aming mga magulang.
41 Bukod dito'y tungkol sa taga ibang lupa, na hindi sa iyong bayang Israel, pagka siya'y magbubuhat sa isang malayong lupain dahil sa iyong pangalan
42 (Sapagka't kanilang mababalitaan ang iyong dakilang pangalan, at ang iyong makapangyarihang kamay, (AT)at ang iyong unat na bisig:) pagka siya'y paririto at dadalangin sa dako ng bahay na ito;
43 Dinggin mo nga sa langit na iyong tahanang dako, at gawin mo ang ayon sa lahat na idalangin sa iyo ng taga ibang lupa; (AU)upang makilala ng lahat ng mga bayan sa lupa ang iyong pangalan, upang matakot sa iyo, (AV)gaya ng iyong bayang Israel, at upang kanilang makilala na ang bahay na ito na aking itinayo ay tinatawag sa pamamagitan ng iyong pangalan.
44 Kung ang iyong bayan ay lumabas sa pakikipagbaka laban sa kaniyang mga kaaway, saan mo man sila suguin, at manalangin sa Panginoon sa dako ng bayan na iyong pinili, at sa dako ng bahay na aking itinayo na ukol sa iyong pangalan:
45 Dinggin mo nga sa langit ang kanilang dalangin at ang kanilang pamanhik, at alalayan mo ang kanilang usap.
46 Kung sila'y magkasala laban sa iyo, (AW)(sapagka't walang tao na di nagkakasala,) at ikaw ay magalit sa kanila, at ibigay mo sila sa kaaway, na anopa't sila'y dalhing bihag (AX)sa lupain ng kaaway sa malayo o sa malapit;
47 Gayon ma'y kung sila'y magbulay sa kanilang sarili (AY)sa lupain na pagdadalhang bihag sa kanila, at magbalik-loob, at mamanhik sa iyo sa lupaing pinagdalhan sa kanila na bihag, na magsabi, (AZ)Kami ay nagkasala, at kami ay gumawa ng kalikuan, kami ay gumawa ng kasamaan;
48 Kung sila'y bumalik sa iyo ng buong puso nila (BA)at ng buong kaluluwa nila sa lupain ng kanilang mga kaaway, na nagdala sa kanilang bihag, at manalangin sa iyo sa dako ng kanilang lupain, (BB)na iyong ibinigay sa kanilang mga magulang, na bayang pinili mo, at bahay na aking itinayo na ukol sa iyong pangalan:
49 Dinggin mo nga ang kanilang dalangin at ang kanilang pamanhik sa langit na iyong tahanang dako, at alalayan mo ang kanilang usap;
50 At patawarin mo ang iyong bayan, na nagkasala laban sa iyo, at ang lahat nilang pagsalangsang na kanilang isinalangsang laban sa iyo; at mahabag ka sa kanila sa harap (BC)niyaong mga nagdalang bihag sa kanila, upang sila'y mahabag sa kanila
51 (Sapagka't sila'y iyong bayan at iyong mana, (BD)na iyong inilabas sa Egipto (BE)sa gitna ng hurnong bakal):
52 (BF)Upang ang iyong mga mata'y madilat sa dalangin ng iyong lingkod, at sa dalangin ng iyong bayang Israel, upang iyong dinggin sila sa anomang panahong kanilang idaing sa iyo.
53 (BG)Sapagka't iyong inihiwalay sila sa gitna ng lahat ng mga bayan sa lupa upang maging iyong mana, gaya ng iyong sinalita sa pamamagitan ni Moises na iyong lingkod nang iyong ilabas ang aming mga magulang sa Egipto, Oh Panginoong Dios.
Ang basbas ni Salomon.
54 At nangyari, na pagkatapos ni Salomon na makapanalangin nitong lahat na dalangin at pamanhik sa Panginoon, siya'y tumindig mula sa harap ng dambana ng Panginoon, (BH)sa pagkaluhod ng kaniyang mga tuhod na ang kaniyang mga kamay ay nakagawad sa dakong langit.
55 At siya'y tumayo, at binasbasan (BI)ang buong kapisanan ng Israel ng malakas na tinig, na sinasabi,
56 Purihin ang Panginoon na nagbigay kapahingahan sa kaniyang bayang Israel, ayon sa lahat na kaniyang ipinangako: (BJ)walang nagkulang na isang salita sa lahat niyang mabuting pangako, na kaniyang ipinangako sa pamamagitan ni Moises na kaniyang lingkod.
57 Sumaatin nawa ang Panginoon nating Dios, kung paanong siya'y sumaating mga magulang: huwag niya tayong iwan o pabayaan man;
58 Upang kaniyang ihilig ang ating mga puso sa kaniya, (BK)upang magsilakad sa lahat ng kaniyang mga daan, at ingatan ang kaniyang mga utos, at ang kaniyang mga palatuntunan, at ang kaniyang mga kahatulan, na kaniyang iniutos sa ating mga magulang.
59 At ang mga salitang ito na aking idinalangin sa harap ng Panginoon ay malapit nawa sa Panginoon nating Dios sa araw at gabi, na kaniyang alalayan ang usap ng kaniyang lingkod, at ang usap ng kaniyang bayang Israel, ayon sa kailangan sa araw araw;
60 Upang maalaman ng lahat na bayan sa lupa, (BL)na ang Panginoon ay siyang Dios: (BM)walang iba.
61 Kaya't maging sakdal nawa (BN)ang inyong puso sa Panginoon nating Dios, na magsilakad sa kaniyang mga palatuntunan, at ingatan ang kaniyang mga utos, gaya sa araw na ito.
62 At ang hari, (BO)at ang buong Israel na kasama niya, ay naghandog ng hain sa harap ng Panginoon.
63 At naghandog si Salomon ng haing mga handog tungkol sa kapayapaan ng kaniyang inihandog sa Panginoon, na dalawang pu't dalawang libong baka, at isang daan at dalawang pung libong tupa. Ganito itinalaga ng hari at ng lahat ng mga anak ni Israel ang bahay ng Panginoon.
64 Nang araw ding yaon ay pinapaging banal ng hari ang gitna ng looban na nasa harap ng bahay ng Panginoon: sapagka't doon niya inihandog ang handog na susunugin, at ang handog na harina, at ang taba ng mga handog tungkol sa kapayapaan, sapagka't ang tansong dambana (BP)na nasa harap ng Panginoon ay totoong maliit na hindi magkasya roon ang handog na susunugin, at ang handog na harina, at ang taba ng mga handog tungkol sa kapayapaan.
65 Sa gayo'y ipinagdiwang ni Salomon ang kapistahan nang panahong yaon (BQ)at ang buong Israel na kasama niya, isang malaking kapisanan na mula sa pasukan sa Hamath (BR)hanggang sa batis ng Egipto (BS)sa harap ng Panginoon nating Dios, na pitong araw, (BT)at pitong araw, sa makatuwid baga'y labing apat na araw.
66 Nang ikawalong araw, ay kaniyang pinapagpaalam ang bayan: (BU)at kanilang pinuri ang hari, at naparoon sa kanilang mga (BV)tolda na galak at may masayang puso dahil sa lahat na kabutihan na ipinakita ng Panginoon kay David na kaniyang lingkod, at sa Israel na kaniyang bayan.
5 Kayo (A)nga'y magsitulad sa Dios, na gaya ng mga anak na minamahal;
2 At magsilakad kayo sa pagibig, (B)gaya rin naman ng pagibig ni Cristo sa inyo, at ibinigay dahil sa atin ang kaniyang sarili, na (C)hain at handog sa Dios upang maging samyo ng masarap na amoy.
3 Nguni't ang (D)pakikiapid, at ang lahat ng karumihan, o kasakiman, ay huwag man lamang masambit sa inyo, gaya ng nararapat sa mga banal;
4 O (E)ang karumihan man, o mga mangmang na pananalita, o ang mga pagbibiro, na di nangararapat: kundi kayo'y magpasalamat.
5 Sapagka't talastas ninyong lubos, na sinomang mapakiapid, o mahalay, o masakim, (F)na isang mapagsamba sa mga diosdiosan, (G)ay walang anomang mamanahin sa kaharian ni Cristo at ng Dios.
6 Huwag kayong madaya ng sinoman ng mga salitang walang kabuluhan: sapagka't (H)dahil sa mga bagay na ito'y dumarating ang galit ng Dios (I)sa mga anak ng pagsuway.
7 Huwag kayong makibahagi sa kanila;
8 Sapagka't noong panahon (J)kayo'y kadiliman, datapuwa't ngayon (K)kayo'y kaliwanagan sa Panginoon: magsilakad kayong gaya ng mga (L)anak ng kaliwanagan
9 (Sapagka't (M)ang bunga ng kaliwanagan ay nabubuo ng kabutihan at katuwiran at katotohanan),
10 Na inyong pinatutunayan (N)ang kinalulugdan ng Panginoon;
11 At huwag kayong makibahagi sa (O)mga walang mapapakinabang na gawa ng kadiliman, kundi bagkus inyong sawatain;
12 Sapagka't ang mga bagay na (P)ginagawa nila sa lihim ay mahalay na salitain man lamang.
13 Datapuwa't ang lahat ng mga bagay pagka sawata ay itinatanyag ng kaliwanagan: sapagka't ang lahat ng mga bagay na itinatanyag ay kaliwanagan.
14 Kaya sinasabi niya, (Q)Gumising kang natutulog, at magbangon ka sa gitna ng mga patay, at liliwanagan ka ni Cristo.
15 Mangagingat (R)nga kayong lubos kung paano kayo lumalakad, huwag gaya ng mga mangmang, kundi gaya ng marurunong;
16 Na inyong samantalahin ang panahon, sapagka't ang mga araw ay masasama.
17 Kaya huwag kayong maging mga mangmang, (S)kundi unawain ninyo kung ano ang kalooban ng Panginoon.
18 At (T)huwag kayong magsipaglasing ng alak na kinaroroonan ng kaguluhan, kundi kayo'y mangapuspos ng Espiritu;
19 Na kayo'y mangagusapan (U)ng mga salmo at mga himno at mga awit na ukol sa espiritu, na nangagaawitan at nangagpupuri sa inyong mga puso sa Panginoon;
20 Na kayo'y laging magpasalamat (V)sa lahat ng mga bagay (W)sa pangalan ng ating Panginoong Jesucristo sa (X)Dios na ating Ama;
21 Na pasakop kayo sa isa't isa sa takot kay Cristo.
22 Mga babae, (Y)pasakop kayo sa inyo-inyong sariling asawa, na (Z)gaya ng sa Panginoon.
23 Sapagka't ang lalake (AA)ay pangulo ng kaniyang asawa, gaya naman ni Cristo na pangulo ng iglesia, na siya rin ang tagapagligtas (AB)ng katawan.
24 Datapuwa't kung paanong ang iglesia ay nasasakop ni Cristo, ay gayon din naman ang mga babae ay pasakop sa kani-kaniyang asawa sa lahat ng mga bagay.
25 Mga lalake, (AC)ibigin ninyo ang inyo-inyong asawa, gaya naman ni Cristo na umibig sa iglesia, at (AD)ibinigay ang kaniyang sarili dahil sa kaniya;
26 Upang kaniyang pakabanalin ito, na nilinis (AE)sa pamamagitan ng paghuhugas ng tubig (AF)na may salita,
27 Upang ang iglesia ay maiharap sa kaniyang sarili na (AG)maluwalhati, na (AH)walang dungis o kulubot o anomang gayong bagay; (AI)kundi ito'y nararapat maging banal at walang kapintasan.
28 Gayon din naman nararapat ibigin ng mga lalake ang kani-kaniyang sariling asawa, na gaya ng kanilang sariling mga katawan. Ang umiibig sa kaniyang sariling asawa ay umiibig sa kaniyang sarili:
29 Sapagka't walang sinoman na napoot kailan man sa kaniyang sariling katawan; kundi kinakandili at minamahal, gaya naman ni Cristo sa iglesia;
30 Sapagka't (AJ)tayo ay mga sangkap ng kaniyang katawan.
31 Dahil dito'y (AK)iiwan ng lalake ang kaniyang ama at ina, at makikisama sa kaniyang asawa; at ang dalawa ay magiging isang laman.
32 Ang hiwagang ito ay dakila: datapuwa't sinasalita ko ang tungkol kay Cristo at tungkol sa iglesia.
33 (AL)Gayon man ay umibig naman ang bawa't isa sa inyo sa kani-kaniyang sariling asawa gaya ng sa kaniyang sarili; at ang babae ay (AM)gumalang sa kaniyang asawa.
Ang hula tungkol sa Gog. Sasalakay sa Israel.
38 At ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsasabi,
2 (A)Anak ng tao, iharap mo ang iyong mukha (B)sa dako ni Gog, sa lupain ng Magog, na prinsipe sa Ros, sa (C)Mesech, at sa Tubal, at manghula ka laban sa kaniya,
3 At iyong sabihin, ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Narito, ako'y laban sa iyo, Oh Gog, na pangulo sa Ros, sa Mesech, at sa Tubal:
4 At aking ipipihit ka sa palibot, (D)at kakawitan ko ng mga pangbingwit ang iyong mga panga, at ilalabas kita, at ang iyong buong kawal, mga kabayo at mga mangangabayo, na nasusuutan silang lahat ng buong kasakbatan, na malaking pulutong na may longki at kalasag, silang lahat ay nangagtatangan ng mga tabak:
5 (E)Ang Persia, ang Cus, at ang Phut ay kasama nila; silang lahat na may kalasag at turbante;
6 (F)Ang Gomer at ang lahat niyang mga pulutong; ang sangbahayan ni (G)Togarma sa mga pinakahuling bahagi ng hilagaan, at lahat niyang mga pulutong; maraming bayan na kasama mo.
7 Humanda ka, oo, humanda ka, ikaw, at ang lahat ng iyong mga pulutong na napisan ko sa iyo, at maging bantay ka sa kanila.
8 (H)Pagkatapos ng maraming araw ay dadalawin ka: sa mga huling taon ay papasok ka sa lupain na ibinalik na mula sa paghabol ng tabak na (I)napisan mula sa maraming bayan, sa mga bundok ng Israel, na naging laging giba; nguni't nalabas sa mga bayan, at sila'y (J)magsisitahang tiwasay, silang lahat.
9 At ikaw ay sasampa, ikaw ay darating (K)na parang bagyo, ikaw ay magiging parang (L)ulap na tatakip sa lupain, ikaw, at ang lahat mong mga pulutong, at ang maraming tao na kasama mo.
10 Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Mangyayari sa araw na yaon, na mga bagay ay darating sa iyong pagiisip, at ikaw ay magpapanukala ng masamang panukala:
11 At iyong sasabihin, Ako'y sasampa sa lupaing may mga nayong walang kuta; sasampahin ko sila na nasa katahimikan, na nagsisitahang tiwasay, silang lahat na nagsisitahang walang kuta, at wala kahit mga halang o mga pintuang-bayan man;
12 (M)Upang kumuha ng samsam, at upang kumuha ng huli; upang ibalik ang iyong kamay laban sa mga gibang dako na tinatahanan ngayon, at laban sa bayan na napisan mula sa mga bansa, na nagtangkilik ng mga hayop at mga pagaari, na nagsisitahan sa gitna ng lupa.
13 Ang Seba, (N)at ang (O)Dedan, at ang mga (P)mangangalakal sa Tarsis, sangpu ng (Q)lahat ng batang leon niyaon, ay magsasabi sa iyo, Naparito ka baga upang kumuha ng samsam? pinisan mo baga ang iyong pulutong upang kumuha ng samsam? upang magdala ng pilak at ginto, upang magdala ng mga hayop at mga pagaari, upang kumuha ng malaking samsam?
14 Kaya't, anak ng tao, ikaw ay manghula, at sabihin mo kay Gog, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Sa araw na ang aking bayang Israel ay tatahang tiwasay, hindi mo baga malalaman?
15 At ikaw ay darating na mula sa iyong dako, (R)mula sa mga kahulihulihang bahagi ng hilagaan, ikaw, at ang maraming tao na kasama mo, silang lahat na nangakasakay sa mga kabayo, malaking pulutong at makapangyarihang hukbo;
16 At ikaw ay sasampa laban sa aking bayang Israel, na parang ulap na tatakip sa lupain: mangyayari (S)sa mga huling araw, na dadalhin kita laban sa aking lupain, upang makilala ako ng mga bansa, (T)pagka ako'y aariing banal sa iyo, Oh Gog, sa harap ng kanilang mga mata.
Ang galit ng Panginoon laban sa Gog.
17 Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Ikaw baga yaong aking sinalita nang una sa pamamagitan ng aking mga lingkod na mga propeta ng Israel, na nagsipanghula nang mga araw na yaon, ng tungkol sa malaong panahon, na aking dadalhin ka laban sa kanila?
18 At mangyayari sa araw na yaon, pagka si Gog ay paroroon laban sa lupain ng Israel, sabi ng Panginoong Dios, na ang aking kapusukan ay (U)sasampa sa aking mga butas ng ilong.
19 Sapagka't sa aking paninibugho at sa sigalbo ng aking poot ay nagsalita ako, (V)Tunay na sa araw na yaon ay magkakaroon ng malaking panginginig sa lupain ng Israel;
20 Na anopa't ang mga isda sa dagat, at ang mga ibon sa himpapawid, at ang mga hayop sa parang, at lahat na nagsisiusad na bagay na nagsisiusad sa ibabaw ng lupa, at lahat ng tao na nangasa ibabaw ng lupa, magsisipanginig sa aking harapan, at ang mga bundok ay mangaguguho at ang mga matarik na dako ay mangabababa, at bawa't kuta ay mangababagsak sa lupa.
21 At aking tatawagin sa lahat ng aking mga bundok ang tabak laban sa kaniya, sabi ng Panginoong Dios: ang tabak ng bawa't lalake ay magiging laban sa kaniyang kapatid.
22 (W)At ako'y makikipaglaban sa kaniya sa pamamagitan ng salot at ng dugo; at pauulanan ko siya, at ang kaniyang mga (X)pulutong, at ang maraming bayan na kasama niya, ng napakalakas na ulan, at ng mga malaking granizo, ng apoy, at ng azufre.
23 At ako'y pakikitang dakila (Y)at banal, at ako'y pakikilala sa harap ng mga mata ng maraming bansa; at kanilang malalaman na ako ang Panginoon.
Masquil ni (A)Ethan na Azrahita.
89 Aking aawitin ang (B)kagandahang-loob ng Panginoon magpakailan man:
Aking ipababatid ng aking bibig ang iyong pagtatapat sa lahat ng sali't saling lahi.
2 Sapagka't aking sinabi, Kaawaan ay matatayo magpakailan man:
Ang pagtatapat mo'y iyong itatatag sa mga kalangitlangitan.
3 Ako'y nakipagtipan sa aking hirang,
(C)Aking isinumpa kay David na aking lingkod;
4 Ang binhi mo'y itatatag ko magpakailan man,
At aking itatayo ang luklukan mo sa lahat ng (D)sali't saling lahi. (Selah)
5 At (E)pupurihin ng langit ang iyong mga kababalaghan, Oh Panginoon;
Ang pagtatapat mo naman sa kapulungan ng (F)mga banal.
6 Sapagka't sino sa langit ang maitutulad sa Panginoon?
Sino sa gitna (G)ng mga anak ng makapangyarihan ang gaya ng Panginoon,
7 Isang Dios na kakilakilabot sa kapulungan ng mga banal,
At kinatatakutan ng higit sa lahat na nangasa palibot niya?
8 Oh Panginoong Dios ng mga hukbo,
(H)Sino ang makapangyarihang gaya mo, Oh JAH?
At ang pagtatapat mo'y nasa palibot mo.
9 (I)Iyong pinagpupunuan ang kapalaluan sa dagat:
Pagka nagsisibangon ang mga alon niyaon ay pinatatahimik mo.
10 (J)Iyong pinagwaraywaray ang Rahab na parang napatay;
Iyong pinangalat ang iyong mga kaaway ng bisig ng iyong kalakasan.
11 Ang langit ay (K)iyo, ang lupa ay iyo rin:
Ang sanglibutan at ang buong narito ay iyong (L)itinatag,
12 Ang hilagaan at ang timugan ay iyong nilikha;
Ang (M)Tabor at ang (N)Hermon ay nangagagalak sa iyong pangalan.
13 Ikaw ay may makapangyarihang bisig:
Malakas ang iyong kamay, at mataas ang iyong kanang kamay.
14 (O)Katuwiran at kahatulan ay patibayan ng iyong luklukan:
(P)Kagandahang-loob at katotohanan ay nagpapauna sa iyong mukha.
15 Mapalad (Q)ang bayan na nakakaalam ng masayang tunog:
Sila'y nagsisilakad, Oh Panginoon, sa liwanag ng iyong mukha.
16 Sa iyong pangalan ay nangagagalak sila buong araw:
At sa iyong katuwiran ay nangatataas sila.
17 Sapagka't ikaw ang kaluwalhatian ng kanilang kalakasan:
At sa iyong lingap ay matataas ang (R)aming sungay.
18 Sapagka't ang aming kalasag ay ukol sa Panginoon;
At ang aming hari ay (S)sa Banal ng Israel.
19 (T)Nang magkagayo'y nagsalita ka sa pangitain sa iyong mga banal,
At iyong sinabi, Aking (U)ipinagkatiwala ang saklolo sa isang (V)makapangyarihan;
Aking itinaas ang isang hirang mula sa bayan.
20 (W)Aking nasumpungan si David na aking lingkod;
Aking pinahiran siya ng aking banal na langis:
21 Na siyang itatatag ng aking kamay;
Palakasin naman siya ng aking bisig.
22 (X)Hindi dadahas sa kaniya ang kaaway;
Ni dadalamhatiin man siya ng anak ng kasamaan.
23 At ibubuwal ko ang kaniyang mga kaaway sa harap niya,
At sasaktan ko ang nangagtatanim sa kaniya.
24 Nguni't ang pagtatapat ko at ang kagandahang-loob ko ay sasa kaniya;
At sa pangalan ko'y (Y)matataas ang kaniyang sungay.
25 (Z)Akin namang ilalapag ang kaniyang kamay sa dagat,
At ang kaniyang kanan ay sa mga ilog.
26 Siya'y dadaing sa akin, (AA)Ikaw ay Ama ko,
Dios ko, at malaking bato ng aking kaligtasan.
27 Akin namang gagawin siyang (AB)panganay ko,
Na pinakamataas (AC)sa mga hari sa lupa.
28 Ang kagandahang-loob ko'y aking iingatan sa kaniya magpakailan man,
At ang tipan ko'y mananayong matibay sa kaniya.
29 Ang kaniya namang binhi ay pananatilihin ko magpakailan man,
At ang luklukan niya'y (AD)parang mga araw ng langit.
30 (AE)Kung pabayaan ng kaniyang mga anak ang kautusan ko,
At hindi magsilakad sa aking mga kahatulan;
31 Kung kanilang salangsangin ang mga palatuntunan ko,
At hindi ingatan ang mga utos ko;
32 Kung magkagayo'y aking dadalawin ng pamalo ang kanilang mga pagsalangsang,
At ng mga hampas ang kanilang kasamaan.
33 Nguni't ang aking kagandahang-loob ay hindi ko lubos na aalisin sa kaniya,
Ni akin mang titiisin na ang pagtatapat ko'y magkulang.
34 Ang tipan ko'y hindi ko sisirain,
Ni akin mang babaguhin ang bagay na lumabas sa aking mga labi.
35 Minsan ay sumampa ako (AF)sa pamamagitan ng aking kabanalan.
Hindi ako magbubulaan kay David;
36 Ang kaniyang binhi ay mananatili magpakailan man;
At ang kaniyang luklukan ay (AG)parang araw sa harap ko.
37 Matatatag magpakailan man na parang buwan,
At tapat na (AH)saksi sa langit. (Selah)
38 Nguni't iyong (AI)itinakuwil at tinanggihan,
Ikaw ay napoot sa iyong pinahiran ng langis.
39 Iyong kinayamutan ang tipan ng iyong lingkod:
(AJ)Iyong nilapastangan ang kaniyang putong sa pagtatapon sa lupa.
40 (AK)Iyong ibinuwal ang lahat niyang mga bakod:
Iyong dinala sa pagkaguho ang kaniyang mga katibayan.
41 Lahat na nagsisidaan sa lansangan ay nagsisisamsam sa kaniya.
(AL)Siya'y naging kadustaan sa kaniyang mga kalapit.
42 Iyong itinaas ang kanan ng kaniyang mga kaaway;
Iyong pinagalak ang lahat niyang mga kaaway.
43 Oo, iyong ibinaligtad ang talim ng kaniyang tabak,
At hindi mo itinayo siya sa pakikibaka.
44 Iyong pinapaglikat ang kaniyang kakinangan.
At iyong ibinagsak ang kaniyang luklukan sa lupa.
45 (AM)Iyong pinaikli ang mga kaarawan ng kaniyang kabinataan:
Iyong tinakpan siya ng kahihiyan. (Selah)
46 (AN)Hanggang kailan, Oh Panginoon, magkukubli ka magpakailan man?
Hanggang kailan magniningas ang iyong poot na parang apoy?
47 (AO)Oh alalahanin mo kung gaano kaikli ang aking panahon:
Sa anong pagkawalang kabuluhan nilalang mo ang lahat ng mga anak ng mga tao.
48 Sinong tao ang mabubuhay at hindi makakakita ng kamatayan,
Na magliligtas ng kaniyang kaluluwa sa kapangyarihan ng Sheol? (Selah)
49 Panginoon, saan nandoon ang iyong dating mga kagandahang-loob,
(AP)Na iyong isinumpa kay David sa iyong pagtatapat?
50 (AQ)Alalahanin mo Panginoon, ang kadustaan ng iyong mga lingkod;
Kung paanong taglay ko (AR)sa aking sinapupunan ang pagdusta ng lahat na makapangyarihang bayan;
51 Na idinusta ng iyong mga kaaway, Oh Panginoon,
Na kanilang idinusta sa (AS)mga bakas ng iyong pinahiran ng langis.
52 (AT)Purihin ang Panginoon, magpakailan man.
Siya nawa, at Siya nawa.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978