Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

M’Cheyne Bible Reading Plan

The classic M'Cheyne plan--read the Old Testament, New Testament, and Psalms or Gospels every day.
Duration: 365 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
1 Samuel 3

Ang panaginip ni Samuel.

At ang batang si Samuel ay nangangasiwa sa Panginoon sa harap ni Eli. At (A)ang salita ng Panginoon ay mahalaga noong mga araw na yaon; walang hayag na pangitain.

At nangyari nang panahon na yaon, nang si Eli ay mahiga sa kaniyang dako, (ang kaniya ngang mata'y nagpasimulang lumabo, na siya'y hindi nakakita,)

At ang (B)ilawan ng Dios ay hindi pa namamatay, at si Samuel ay nakahiga upang matulog, sa (C)templo ng Panginoon, na kinaroroonan ng kaban ng Dios;

Na tinawag ng Panginoon si Samuel: at kaniyang sinabi, Narito ako.

At siya'y tumakbo kay Eli, at nagsabi, Narito ako; sapagka't tinawag mo ako. At kaniyang sinabi, Hindi ako tumawag; mahiga ka uli. At siya'y yumaon at nahiga.

At tumawag pa uli ang Panginoon, Samuel. At bumangon si Samuel at naparoon kay Eli, at nagsabi, Narito ako: sapagka't ako'y tinawag mo. At siya'y sumagot, Hindi ako tumawag, anak ko; mahiga ka uli.

Hindi pa nga nakikilala ni Samuel ang Panginoon, o ang salita man ng Panginoon ay nahahayag pa sa kaniya.

At tinawag uli ng Panginoon na ikaitlo. At siya'y bumangon, at naparoon kay Eli, at nagsabi, Narito ako; sapagka't ako'y iyong tinawag. At nahalata ni Eli na tinatawag ng Panginoon ang bata.

Kaya't sinabi ni Eli kay Samuel, Yumaon ka, mahiga ka: at mangyayari, na kung tatawagin ka niya, ay iyong sasabihin, Magsalita ka, Panginoon; sapagka't dinirinig ng iyong lingkod. Sa gayo'y yumaon si Samuel at nahiga sa kaniyang dako.

10 At ang Panginoon ay naparoon, at tumayo, at tumawag na gaya ng una, Samuel, Samuel. Nang magkagayo'y sinabi ni Samuel, Magsalita ka; sapagka't dinirinig ng iyong lingkod.

11 At sinabi ng Panginoon kay Samuel, Narito, gagawa ako ng isang bagay sa Israel, na[a] ang dalawang tainga ng bawa't isa na nakikinig ay magpapanting.

12 Sa araw na yaon ay aking tutuparin kay Eli ang[b] lahat na aking sinalita tungkol sa kaniyang sangbahayan, mula sa pasimula hanggang sa wakas.

13 Sapagka't aking isinaysay sa kaniya na aking (D)huhukuman ang kaniyang sangbahayan magpakailan man, dahil sa kasamaan na kaniyang nalalaman, (E)sapagka't ang kaniyang mga anak ay nagdala ng sumpa sa kanilang sarili, at (F)hindi niya sinangsala sila.

14 At kaya't ako'y sumumpa sa sangbahayan ni Eli, na ang kasamaan ng sangbahayan ni Eli ay (G)hindi mapapawi ng hain, o handog man magpakailan man.

15 At nahiga si Samuel hanggang sa kinaumagahan, at ibinukas ang mga pinto ng bahay ng Panginoon. At natakot si Samuel na saysayin kay Eli ang panaginip.

16 Nang magkagayo'y tinawag ni Eli si Samuel, at nagsabi, Samuel, anak ko. At kaniyang sinabi, Narito ako.

17 At kaniyang sinabi, Ano ang bagay na sinalita sa iyo? isinasamo ko sa iyo na huwag mong ilihim sa akin: (H)hatulan ka ng Dios, at lalo na, kung iyong ililihim sa akin ang anomang bagay sa lahat ng mga bagay na kaniyang sinalita sa iyo.

18 At isinaysay sa kaniya ni Samuel ang buong sinalita, at hindi naglihim ng anoman sa kaniya. At kaniyang sinabi, (I)Panginoon nga: gawin niya ang inaakala niyang mabuti.

19 At si Samuel ay lumalaki at ang (J)Panginoon ay sumasakaniya, (K)at walang di pinapangyari sa kaniyang mga salita.

20 At nakilala ng buong Israel mula sa (L)Dan hanggang sa Beer-seba na si Samuel ay (M)itinatag na maging propeta ng Panginoon.

21 At napakilala uli ang Panginoon sa (N)Silo, sapagka't ang Panginoo'y napakilala kay Samuel sa Silo sa pamamagitan ng (O)salita ng Panginoon.

Roma 3

Ano nga ang kahigitan ng Judio? o ano ang mapapakinabang sa pagtutuli?

Marami sa anomang paraan: ang una sa lahat, ay (A)ipinagkatiwala sa kanila (B)ang mga aral ng Dios.

Ano nga (C)kung ang ilan ay hindi nangagsisampalataya? ang di pananampalataya nila ay nagpapawalang halaga baga sa (D)pagtatapat ng Dios?

Huwag nawang mangyari: oo, bagkus pa nga ang (E)Dios ay tapat, datapuwa't ang (F)bawa't tao'y sinungaling; gaya ng nasusulat,

(G)Upang ikaw ay ariing ganap sa iyong mga salita,
At makapagtagumpay ka kung ikaw ay mahatulan.

Datapuwa't kung ang ating kalikuan (H)ay nagbibigay dilag sa katuwiran ng Dios, ano ang ating sasabihin? Liko baga ang Dios na dumadalaw na may poot? ((I)nagsasalita akong ayon sa pagkatao.)

Huwag nawang mangyari: sapagka't kung gayo'y paanong paghatol ng Dios sa sanglibutan?

Datapuwa't kung (J)ang katotohanan ng Dios sa pamamagitan ng aking kasinungalingan ay sumagana sa ikaluluwalhati niya, bakit pa naman ako'y hinahatulang tulad sa isang makasalanan?

At bakit hindi (gaya ng pagkalibak sa atin, at gaya ng pinatotohanan ng ilan na ating sinasabi), (K)Magsigawa tayo ng masama upang dumating ang mabuti? ang kaparusahan sa mga gayon ay matuwid.

Ano nga? tayo baga'y lalong mabuti kay sa kanila? Hindi, sa anomang paraan: sapagka't ating kapuwa isinasakdal na muna ang mga Judio at ang mga Griego, (L)na silang lahat ay nangasa ilalim ng kasalanan;

10 Gaya ng nasusulat,

(M)Walang matuwid, wala, wala kahit isa;
11 Walang nakatatalastas,
Walang humahanap sa Dios;
12 Silang lahat ay nagsilihis, magkakasamang nawalan ng kasaysayan;
Walang gumagawa ng mabuti, wala, wala kahit isa:
13 Ang kanilang lalamunan (N)ay isang libingang bukas;
Nagsigamit ng daya sa pamamagitan ng kanilang mga dila:
(O)Ang kamandag ng mga ulupong ang siyang nasa ilalim ng kanilang mga labi:
14 Ang kanilang bibig (P)ay puno ng panunumpa at ng kapaitan:
15 Ang kanilang mga paa (Q)ay matulin sa pagbububo ng dugo;
16 Kagibaan at kahirapan ang nasa kanilang mga daan;
17 At ang daan ng kapayapaan ay hindi nila nakilala;
18 Walang pagkatakot sa Dios (R)sa harap ng kanilang mga mata.

19 Ngayon ay nalalaman natin na ang anomang sinasabi ng kautusan, yaon ay sinasabi sa nangasa ilalim ng kautusan; (S)upang matikom ang bawa't bibig, at (T)ang buong sanglibutan ay mapasa ilalim ng hatol ng Dios:

20 Sapagka't sa pamamagitan ng mga gawa (U)ng kautusan ay walang laman na aariing-ganap sa paningin niya; sapagka't (V)sa pamamagitan ng kautusan ay ang pagkakilala ng kasalanan.

21 Datapuwa't ngayon (W)bukod sa kautusan ay ipinahahayag ang isang katuwiran ng Dios, na sinasaksihan ng kautusan at ng mga propeta;

22 Sa makatuwid baga'y ang katuwiran ng Dios (X)sa pamamagitan ng pananampalataya kay Jesucristo sa lahat ng mga nagsisisampalataya; sapagka't (Y)walang pagkakaiba;

23 Sapagka't ang lahat ay nangagkasala nga, at hindi nangakaabot sa kaluwalhatian ng Dios;

24 Palibhasa'y inaring-ganap na walang bayad (Z)ng kaniyang biyaya (AA)sa pamamagitan ng pagtubos na nasa kay Cristo Jesus:

25 Na siyang inilagay ng Dios (AB)na maging pangpalubagloob, sa pamamagitan ng pananampalataya, sa (AC)kaniyang dugo, upang maipakilala ang kaniyang katuwiran dahil sa hindi pagpansin sa mga (AD)kasalanan na nagawa nang nagdaang panahon sa pagpapahinuhod ng Dios;

26 Sa pagpapakilala'y aking sinasabi, ng kaniyang katuwiran sa panahong kasalukuyan, upang siya'y maging ganap at tagaaring-ganap sa may pananampalataya kay Cristo.

27 (AE)Kaya nga saan naroon ang pagmamapuri? Ito'y inihiwalay na. Sa pamamagitan ng anong kautusan? ng mga gawa? Hindi: kundi sa pamamagitan ng kautusan ng pananampalataya.

28 Kaya nga maipasisiya natin na ang tao ay inaaring-ganap sa pananampalataya (AF)na hiwalay sa mga gawa ng kautusan.

29 O ang Dios baga ay Dios ng mga Judio lamang? hindi baga siya ang Dios din ng mga Gentil? Oo, ng mga Gentil din naman:

30 Kung gayon (AG)nga na iisa ang Dios, at kaniyang aariing-ganap ang pagtutuli sa pamamagitan ng pananampalataya, at ang di pagtutuli sa pamamagitan ng pananampalataya.

31 Niwawalan kaya nating kabuluhan ang kautusan sa pamamagitan ng pananampalataya? Huwag nawang mangyari: kundi (AH)pinagtitibay pa nga natin ang kautusan.

Jeremias 41

Pinatay ni Ismael si Gedalias, at kinuhang bihag ang mga nanahanan sa Mizpa.

41 Nangyari nga, (A)nang ikapitong buwan, (B)na si Ismael na anak ni Nethanias, na anak ni Elisama, na lahing hari, at isa sa mga punong oficial ng hari, at sangpung lalake na kasama niya, ay nagsiparoon kay Gedalias na anak ni Ahicam sa Mizpa; at doo'y magkasama silang nagsikain ng tinapay sa Mizpa.

Nang magkagayo'y tumindig si Ismael na anak ni Nethanias, at ang sangpung lalake na kasama niya, at sinugatan ng tabak, si Gedalias na anak ni Ahicam na anak ni Saphan, at pinatay siya, (C)na ginawang tagapamahala sa lupain ng hari sa Babilonia.

Pinatay rin naman ni Ismael ang lahat na Judio na kasama niya, na kasama ni Gedalias, sa Mizpa, at ang mga Caldeo na nangasumpungan doon, sa makatuwid baga'y ang mga lalaking mangdidigma.

At nangyari, nang ikalawang araw, pagkatapos na kaniyang mapatay si Gedalias, at wala pang lalaking nakakaalam,

Na nagsiparoon ang mga lalake na mula sa Sichem, mula sa Silo, at mula sa Samaria, sa makatuwid baga'y walong pung lalake, (D)na may mga ahit na balbas at may mga hapak na kasuutan, at may mga kudlit, may mga alay at mga kamangyan sa kanilang kamay, upang dalhin (E)sa bahay ng Panginoon.

At si Ismael na anak ni Nethanias ay lumabas na mula sa Mizpa upang salubungin sila, na umiiyak siya habang lumalakad: at nangyari, pagkasalubong niya sa kanila, sinabi niya sa kanila, Magsiparoon kayo kay Gedalias na anak ni Ahicam.

At nangyari, na nang sila'y pumasok sa gitna ng bayan, na pinatay sila ni Ismael na anak ni Nethanias at inihagis sila sa hukay, niya at ng mga lalake na kasama niya.

Nguni't sangpung lalake ay nangasumpungan sa kanila na nangagsabi kay Ismael, Huwag mo kaming patayin; sapagka't kami ay may mga kayamanan na kubli sa parang, na trigo, at cebada, at langis, at pulot. Sa gayo'y nagpigil siya, at hindi niya pinatay sila sa gitna ng kanilang mga kapatid

Ang hukay nga na pinagtapunan ni Ismael ng lahat ng bangkay ng mga tao na kaniyang pinatay, sa siping ni Gedalias, (siya ring ginawa ni Asa na hari dahil sa takot kay Baasa na hari sa Israel), pinuno ni Ismael na anak ni Nethanias ng nangapatay.

10 Nang magkagayo'y dinalang bihag ni Ismael ang lahat na nangalabi sa bayan na nangasa Mizpa, sa makatuwid baga'y (F)ang mga anak na babae ng hari, at ang buong bayan na nalabi sa Mizpa, (G)na siyang mga ibinilin ni Nabuzaradan na kapitan ng bantay kay Gedalias na anak ni Ahicam; sila'y dinalang bihag ni Ismael na anak ni Nethanias, at nagpatuloy na yumaon sa mga anak ni (H)Ammon.

11 Nguni't nang mabalitaan ni (I)Johanan na anak ni Carea, at ng lahat na kapitan sa mga kawal na kasama niya, ang buong kasamaan na ginawa ni Ismael na anak ni Nethanias,

12 Ipinagsama nga nila ang lahat na lalake, at sila'y nagsiyaong lumaban kay Ismael na anak ni Nethanias, at nasumpungan nila siya sa tabi ng (J)malaking bukal na nasa Gabaon.

13 Nangyari nga, nang makita ng buong bayan na kasama ni Ismael si Johanan na anak ni Carea at ang lahat ng kapitan sa mga kawal na kasama niya, sila nga'y nangatuwa.

14 Sa gayo'y ang buong bayan na dinalang bihag ni Ismael na mula sa Mizpa, ay pumihit at bumalik, at naparoon kay Johanan na anak ni Carea.

15 Nguni't si Ismael na anak ni Nethanias ay tumanan mula kay Johanan na kasama ng walong lalake, at naparoon sa mga anak ni Ammon.

16 Nang magkagayo'y kinuha ni Johanan na anak ni Carea at ng lahat ng kapitan sa mga kawal na kasama niya, ang lahat na nalabi sa bayan na kaniyang nabawi kay Ismael na anak ni Nethanias, mula sa Mizpa, pagkatapos na kaniyang mapatay si Gedalias na anak ni Ahicam, sa makatuwid ang mga lalaking magdidigma, at ang mga babae, at ang mga bata, at ang mga bating, na kaniyang mga ibinalik mula sa Gabaon;

17 At sila'y nagsiyaon at nagsitahan sa (K)Geruth chimham, na malapit sa Beth-lehem upang pumaroong masok sa Egipto.

18 Dahil sa mga Caldeo; sapagka't sila'y nangatakot sa kanila, sapagka't pinatay ni Ismael na anak ni Nethanias si Gedalias na anak ni Ahicam, na ginawang tagapamahala sa lupain ng hari sa Babilonia.

Mga Awit 17

Panalangin laban sa mga manlulupig. Panalangin ni David.

17 Dinggin mo ang matuwid, Oh Panginoon, pakinggan mo ang aking daing;
Ulinigin mo ang aking panalangin, na hindi lumalabas sa mga magdarayang labi.
Manggaling sa iyong harapan ang aking kahatulan;
Masdan ng iyong mga mata (A)ang karampatan.
Iyong sinubok ang aking puso; (B)iyong dinalaw ako sa kinagabihan;
(C)Iyong nilitis ako, at wala kang nasumpungan;
Ako'y nagpasiya na ang aking bibig ay hindi sasalangsang.
Tungkol sa mga gawa ng mga tao, sa pamamagitan ng salita ng iyong mga labi.
Ako'y nagingat sa mga daan ng pangdadahas.
Ang aking mga hakbang ay (D)nagsipanatili sa iyong mga landas,
Ang aking mga paa ay hindi nangadulas.
(E)Ako'y tumawag sa iyo, sapagka't ikaw ay sasagot sa akin, Oh Dios:
Ikiling mo ang iyong pakinig sa akin, at dinggin mo ang aking pananalita.
(F)Ipakita mo ang iyong mga kagilagilalas na kagandahang-loob,
Oh ikaw na nagliligtas sa kanila na nagsisipagkanlong sa iyo.
Sa nagsisibangon laban sa kanila, sa pamamagitan ng iyong kanan.
(G)Ingatan mo ako na gaya ng itim ng mata,
(H)Ikubli mo ako sa lilim ng iyong mga pakpak,
Sa masama na sumasamsam sa akin,
Sa aking mga kaaway na nagsisipatay, na nagsisikubkub sa akin.
10 (I)Sila'y nangabalot sa kanilang sariling taba:
Sila'y nangagsasalita ng kanilang bibig na (J)may kapalaluan.
11 (K)Kanilang kinubkob nga kami sa aming mga hakbang:
Itinititig nila ang kanilang mga mata upang ibuwal kami sa lupa.
12 Sila'y parang leon na masiba sa kaniyang huli,
At parang batang leon na nanunubok sa mga lihim na dako.
13 Bumangon ka, Oh Panginoon,
Harapin mo siya, ilugmok mo siya:
Iligtas mo ang aking kaluluwa sa masama sa pamamagitan ng iyong tabak;
14 Sa mga tao, sa pamamagitan ng iyong kamay, Oh Panginoon,
Sa mga tao ng sanglibutan, (L)na ang bahagi nila ay nasa buhay na ito,
At ang tiyan nila'y pinupuno mo ng iyong kayamanan:
Kanilang binubusog ang kanilang mga anak,
At iniiwan nila ang natira sa kanilang pagaari sa kanilang sanggol.
15 (M)Tungkol sa akin, aking mamasdan ang iyong mukha sa katuwiran:
(N)Ako'y masisiyahan (O)pagka bumangon sa iyong wangis.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978