M’Cheyne Bible Reading Plan
Ang awit na pagpapasalamat ni Ana.
2 At si Ana ay nanalangin, at nagsabi:
(A)Nagagalak ang aking puso sa Panginoon;
(B)Ang aking sungay ay pinalaki ng Panginoon;
Binigyan ako ng bibig sa aking mga kaaway;
Sapagka't ako'y (C)nagagalak sa iyong pagliligtas.
2 (D)Walang banal na gaya ng Panginoon;
(E)Sapagka't walang iba liban sa iyo,
Ni may (F)bato mang gaya ng aming Dios.
3 Huwag na kayong magsalita ng totoong (G)kapalaluan;
Huwag mabuka ang kahambugan sa inyong bibig;
Sapagka't ang Panginoon ay Dios ng kaalaman,
At sa pamamagitan niya'y sinusukat ang mga kilos.
4 (H)Ang mga busog ng mga makapangyarihang tao ay nasisira;
At yaong nangatisod ay nabibigkisan ng kalakasan.
5 Yaong mga busog ay nagpaupa dahil sa tinapay;
At yaong mga gutom ay hindi na gutom:
(I)Oo, ang baog ay nanganak ng pito;
(J)At yaong may maraming anak ay nanghihina.
6 Ang Panginoo'y pumapatay, at bumubuhay:
Siya ang nagbababa sa Sheol, at nagsasampa.
7 Ang Panginoo'y nagpapadukha at nagpapayaman:
(K)Siya ang nagpapababa, at siya rin naman ang nagpapataas.
8 (L)Kaniyang ibinabangon ang dukha mula sa alabok,
Kaniyang itinataas ang mapagkailangan mula sa dumihan,
Upang sila'y palukluking kasama ng mga prinsipe,
At magmana ng luklukan ng kaluwalhatian:
(M)Sapagka't ang mga haligi ng lupa ay sa Panginoon,
At kaniyang ipinatong ang sanglibutan sa kanila.
9 (N)Kaniyang iingatan ang mga paa ng kaniyang mga banal;
Nguni't ang masama ay patatahimikin sa mga kadiliman;
Sapagka't sa pamamagitan ng kalakasan ay walang lalaking mananaig.
10 Yaong makipagkaalit sa Panginoon ay (O)malalansag;
Laban sa kanila'y kukulog siya (P)mula sa langit:
(Q)Ang Panginoon ang huhukom sa mga wakas ng lupa;
At bibigyan niya ng kalakasan ang kaniyang hari,
At (R)palalakihin ang sungay ng kaniyang pinahiran ng langis.
11 At si Elcana ay umuwi sa (S)Ramatha sa kaniyang bahay. At ang bata'y nangangasiwa sa Panginoon sa harap ni Eli na saserdote.
Ang kasalanan ng mga anak ni Eli.
12 (T)Ngayo'y ang mga anak ni Eli ay mga hamak na lalake; hindi nila nakikilala ang Panginoon.
13 At ang kaugalian ng mga saserdote sa bayan, ay, na pagka ang sinoma'y naghahandog ng hain, lumalapit ang bataan ng saserdote, samantalang ang laman ay niluluto, na may hawak sa kamay na pang-ipit na may tatlong ngipin;
14 At kaniyang dinuduro sa kawali, o sa kaldera, o sa kaldero, o sa palyok; at (U)lahat ng nadadala ng pang-ipit ay kinukuha ng saserdote para sa kaniya. Gayon ang ginagawa nila sa Silo sa lahat ng mga Israelita na naparoroon.
15 Oo, (V)bago nila sunugin ang taba, ay lumalapit ang bataan ng saserdote, at sinasabi sa lalake na naghahain, Magbigay ka ng lamang maiihaw para sa saserdote, sapagka't hindi siya tatanggap sa iyo ng lamang luto, kundi hilaw.
16 At kung sabihin ng lalake sa kaniya, Walang pagsalang kanila munang susunugin ang taba, at saka mo kunin kung gaano ang nasain ng iyong kaluluwa; kaniya ngang sinasabi, Hindi, kundi ibibigay mo sa akin ngayon: at kung hindi ay aking kukuning sapilitan.
17 At ang kasalanan ng mga binatang yaon ay totoong malaki sa harap ng Panginoon; (W)sapagka't niwawalan ng kabuluhan ng mga tao ang handog sa Panginoon.
18 Nguni't si Samuel ay nangangasiwa sa harap ng Panginoon, sa bagay ay bata pa, (X)na may bigkis na isang kayong linong epod.
19 Bukod sa rito'y iginagawa siya ng kaniyang ina ng isang munting balabal, at dinadala sa kaniya taon-taon, pagka siya'y umaahon na kasama ng kaniyang asawa upang maghandog ng hain sa taon-taon.
20 At binasbasan ni (Y)Eli si Elcana at ang kaniyang asawa, at sinabi, Bigyan ka nawa ng Panginoon ng binhi sa babaing ito sa lugar ng (Z)hingi na kaniyang hiningi sa Panginoon. At sila'y umuwi sa kanilang sariling bahay.
21 At (AA)dinalaw ng Panginoon si Ana, at siya'y naglihi, at nagkaanak ng tatlong lalake at dalawang babae. At ang batang si Samuel ay lumalaki sa harap ng Panginoon.
22 Si Eli nga ay totoong matanda na; at kaniyang nababalitaan ang lahat ng (AB)ginagawa ng kaniyang mga anak sa buong Israel, at kung paanong sila'y sumisiping sa mga babae na naglilingkod sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan.
23 At sinabi niya sa kanila, Bakit ginagawa ninyo ang mga ganiyang bagay? sapagka't aking nababalitaan sa buong bayang ito ang inyong mga masamang kilos.
24 Huwag, mga anak ko; sapagka't hindi mabuting balita ang aking naririnig: inyong pinasasalangsang ang bayan ng Panginoon.
25 Kung ang isang tao ay magkasala laban sa iba, ay hahatulan siya ng (AC)Dios; nguni't kung ang isang tao ay magkasala laban sa Panginoon, sino ang mamamagitan sa kaniya? Gayon ma'y hindi nila dininig ang tinig ng kanilang ama, (AD)sapagka't inakalang patayin sila ng Panginoon.
26 At ang batang si Samuel ay lumalaki, at (AE)kinalulugdan ng Panginoon at ng mga tao rin naman.
Ang hula laban sa sangbahayan ni Eli.
27 At (AF)naparoon ang isang lalake ng Dios kay Eli, at sinabi sa kaniya, Ganito ang sabi ng Panginoon, (AG)Napakita ba ako ng hayag sa sangbahayan ng iyong ama, nang sila'y nasa Egipto sa pagkaalipin sa sangbahayan ni Faraon?
28 (AH)At pinili ko ba siya sa lahat ng mga lipi ng Israel upang maging saserdote ko, upang maghandog sa aking dambana, upang magsunog ng kamangyan, at upang (AI)magsuot ng epod sa harap ko? at (AJ)ibinigay ko ba sa sangbahayan ng iyong ama ang lahat ng mga handog ng mga anak ni Israel na pinaraan sa apoy?
29 (AK)Bakit nga kayo'y tumututol sa aking hain at sa aking handog, na aking iniutos sa aking (AL)tahanan, at iyong pinararangalan ang iyong mga anak ng higit kaysa akin, upang kayo'y magpakataba sa mga pinakamainam sa lahat ng mga handog ng Israel na aking bayan?
30 Kaya't sinasabi ng Panginoon, ng Dios ng Israel, (AM)Aking sinabi nga na ang iyong sangbahayan, at ang sangbahayan ng iyong ama, ay lalakad sa harap ko magpakailan man: nguni't (AN)sinasabi ngayon ng Panginoon, Malayo sa akin; sapagka't yaong mga nagpaparangal sa akin ay aking pararangalin, at yaong mga humahamak sa akin ay mawawalan ng kabuluhan.
31 Narito, ang mga araw ay (AO)dumarating, na aking ihihiwalay ang iyong bisig, at ang bisig ng sangbahayan ng iyong ama, upang huwag magkaroon ng matanda sa iyong sangbahayan.
32 At iyong mamasdan ang kadalamhatian sa aking tahanan, sa buong kayamanan na ibibigay ng Dios sa Israel; (AP)at mawawalan ng matanda sa iyong sangbahayan magpakailan man.
33 At ang lalaking iyo, na hindi ko ihihiwalay sa aking dambana, ay magiging upang lunusin ang iyong mga mata at papanglawin ang iyong puso; at ang madlang mararagdag sa iyong sangbahayan ay mamamatay sa kanilang kabataan.
34 At ito ang magiging tanda (AQ)sa iyo, na darating sa iyong dalawang anak, kay Ophni at kay Phinees: (AR)sa isang araw, sila'y kapuwa mamamatay.
35 At (AS)ako'y magbabangon para sa akin ng isang tapat na saserdote, na gagawa ng ayon sa nasa aking puso at nasa aking pagiisip: (AT)at ipagtatayo ko siya ng panatag na sangbahayan; at siya'y lalakad sa harap (AU)ng aking pinahiran ng langis, magpakailan man.
36 At mangyayari, na bawa't isa na naiwan sa iyong sangbahayan, ay paroroon at yuyukod sa kaniya dahil sa isang putol na pilak at sa isang putol na tinapay, at magsasabi, Isinasamo ko sa iyong ilagay mo ako sa isa sa mga katungkulang pagkasaserdote, upang makakain ako ng isang subong tinapay.
2 Dahil dito'y wala kang madadahilan, Oh tao, sino ka man na humahatol: (A)sapagka't sa iyong paghatol sa iba, ay ang iyong sarili ang hinahatulan mo; sapagka't ikaw na humahatol ay gumagawa ka ng gayon ding mga bagay.
2 At nalalaman natin na ang hatol ng Dios ay ayon sa katotohanan laban sa kanila na mga nagsisigawa ng gayong mga bagay.
3 At iniisip mo baga ito, Oh tao, na humahatol sa mga nagsisigawa ng gayong mga bagay, at ginagawa mo ang gayon din, na ikaw ay makatatanan sa hatol ng Dios?
4 O hinahamak mo ang (B)mga kayamanan ng kaniyang kabutihan at (C)pagtitiis (D)at pagpapahinuhod, (E)na hindi mo nalalaman na ang kabutihan ng Dios ay siyang umaakay sa iyo sa pagsisisi?
5 Datapuwa't ayon sa iyong katigasan at iyong pusong hindi nagsisisi ay (F)nagtitipon ka sa iyong sarili ng poot sa kaarawan ng kapootan at pagpapahayag ng tapat na paghuhukom ng Dios;
6 (G)Na siya ang magbibigay sa bawa't tao ayon sa kaniyang mga gawa:
7 Sa mga nagsisipagtiyaga sa mabubuting gawa sa paghanap ng kaluwalhatian at puri at ng di pagkasira, ay (H)ang buhay na walang hanggan:
8 Datapuwa't ang sa mga palaaway, at mga (I)hindi nagsisitalima sa katotohanan, kundi bagkus nagsisisunod sa kalikuan, ay ang kagalitan at kapootan,
9 Kapighatian at kahapisan, ang sa bawa't kaluluwa ng tao na gumagawa ng masama, (J)ng Judio (K)una-una, at gayon din ng Griego;
10 Datapuwa't kaluwalhatian at karangalan at kapayapaan ang sa bawa't taong gumagawa ng mabuti, sa Judio ang una-una, at gayon din sa Griego:
11 Sapagka't ang Dios (L)ay hindi nagtatangi ng mga tao.
12 Sapagka't ang (M)lahat ng nangagkasala ng walang kautusan ay mangapapahamak din naman ng walang kautusan: at ang lahat na nangagkasala sa ilalim ng kautusan ay sa kautusan din sila hahatulan;
13 Sapagka't hindi (N)ang mga tagapakinig ng kautusan ang siyang mga ganap sa harapan ng Dios, kundi ang nangagsisitalima sa kautusan (O)ay aariing mga ganap;
14 (Sapagka't kung ang mga Gentil na walang kautusan sa katutubo, ay nagsisigawa ng mga bagay ng kautusan, ang mga ito, na walang kautusan, ay siyang kautusan sa kanilang sarili;
15 Na nangagtatanyag ng gawa ng kautusang nasusulat sa kanilang puso, na pinatotohanan ito pati ng kanilang budhi, at ang (P)kanilang mga pagiisip ay nangagsusumbungan o nangagdadahilanan sa isa't isa);
16 Sa araw na (Q)hahatulan ng Dios ang mga lihim ng mga tao, (R)ayon sa aking evangelio, (S)sa pamamagitan ni Jesucristo.
17 Nguni't kung (T)ikaw na may taglay na pangalang Judio, at (U)nasasalig sa kautusan, at (V)nagmamapuri sa Dios,
18 At (W)nakaaalam ng kaniyang kalooban, at sumasangayon sa mga bagay na magagaling, palibhasa'y tinuruan ka ng kautusan,
19 At nagkakatiwala ka na ikaw ay tagaakay ng mga bulag, ilaw ng mga nasa kadiliman,
20 Tagasaway sa mga di nakaaalam, guro ng mga bata, (X)na sa kautusan ay mayroon kang anyo ng pagkakilala at ng katotohanan;
21 Ikaw nga (Y)na nagtuturo sa iba, hindi mo tinuturuan ang iyong sarili? ikaw na nangangaral sa tao na huwag magnanakaw, ay nagnanakaw ka?
22 Ikaw na nagsasabing ang tao ay huwag mangalunya, ay nangangalunya ka? ikaw na nasusuklam sa mga diosdiosan, ay (Z)nanakawan mo ang mga templo?
23 Ikaw na nagmamapuri sa kautusan, sa iyong pagsuway sa kautusan ay niwawalan mo ng puri ang Dios?
24 Sapagka't ang pangalan ng Dios ay nalalait ng mga Gentil dahil sa iyo, (AA)gaya ng nasusulat.
25 Sapagka't ang pagtutuli'y tunay na (AB)pinakikinabangan, kung tinutupad mo ang kautusan; datapuwa't kung ikaw ay masuwayin sa kautusan, ang iyong pagtutuli ay nagiging di pagtutuli.
26 (AC)Kung ang di pagtutuli nga ay tumutupad ng katuwiran ng kautusan, hindi baga aariing pagtutuli ang kaniyang di pagtutuli?
27 At ang di pagtutuli sa katutubo, kung tumupad ng kautusan, ay hindi baga (AD)hahatol sa iyo na (AE)may titik at may pagtutuli na masuwayin sa kautusan?
28 Sapagka't siya'y (AF)hindi Judio kung sa labas lamang; ni magiging pagtutuli yaong hayag sa laman;
29 Datapuwa't siya'y Judio sa loob; at (AG)ang pagtutuli ay yaong sa puso, (AH)sa Espiritu hindi sa titik; ang kaniyang kapurihan ay hindi sa mga tao, kundi sa Dios.
Iningatan ni Gedalias ang mga natirang hindi dinalang bihag.
40 Ang salita na dumating kay Jeremias na mula sa Panginoon, (A)pagkatapos na mapayaon siya mula sa Rama ni Nabuzaradan na kapitan ng bantay, nang dalhin siya na siya'y natatanikalaan sa gitna ng lahat na bihag sa Jerusalem at sa Juda, na nadalang bihag sa Babilonia.
2 At kinuha si Jeremias ng kapitan ng bantay, (B)at nagsabi sa kaniya, Ang Panginoon mong Dios ay nagbadya ng kasamaang ito sa dakong ito;
3 At pinapangyari, at ginawa ng Panginoon ayon sa kaniyang sinalita: sapagka't kayo'y nangagkasala laban sa Panginoon, at hindi nagsitalima ng kaniyang tinig, kaya't ang bagay na ito ay dumating sa inyo.
4 At ngayon, narito, aking kinakalagan ka sa araw na ito ng mga tanikala na nangasa iyong kamay. Kung inaakala mong mabuti na sumama sa akin sa Babilonia, halina, at lilingapin kitang mabuti; nguni't kung inaakala mong masama na sumama sa akin sa Babilonia, tanggihan mo; narito, ang buong lupain ay nasa harap mo, kung saan inaakala mong mabuti at marapat sa iyo na pumaroon, doon ka pumaroon.
5 Samantala ngang hindi pa siya bumabalik. Bumalik ka nga, sabi niya, kay (C)Gedalias na anak ni Ahicam, na anak ni Saphan, (D)na ginawang tagapamahala ng hari sa Babilonia sa mga bayan ng Juda, at tumahang kasama niya sa gitna ng bayan, o pumaroon ka kung saan mo inaakalang mabuting pumaroon. Sa gayo'y binigyan siya ng kapitan ng bantay ng pagkain at (E)kaloob, at pinayaon siya.
6 Nang magkagayo'y naparoon si Jeremias kay Gedalias na anak ni Ahicam sa (F)Mizpa, at tumahang kasama niya sa gitna ng bayan na naiwan sa lupain.
7 (G)Nang mabalitaan nga ng lahat ng kapitan sa mga kawal na nangasa mga parang, sa makatuwid baga'y nila, at ng kanilang mga lalake na ginawang tagapamahala ng hari sa Babilonia si Gedalias na anak ni Ahicam sa lupain, at ipinagbilin sa kaniya ang mga lalake, at ang mga babae, at ang mga bata, at ang mga pinakadukha sa lupain, yaong hindi nangadalang bihag sa Babilonia;
8 Nagsiparoon nga sila kay Gedalias sa Mizpa, sa makatuwid baga'y si (H)Ismael na anak ni Nethanias at si (I)Johanan at si Jonathan na mga anak ni Carea, at si Seraias na anak ni Tanhumeth, at ang mga anak ni Ephi na Netophatita, at si Jezanias na anak ng Maachatita, sila, at ang kanilang mga lalake.
9 At si Gedalias na anak ni Ahicam na anak ni Saphan, ay sumumpa sa kanila at sa kanilang mga lalake, na sinasabi, Huwag kayong mangatakot na magsipaglingkod sa mga Caldeo; kayo'y magsitahan sa lupain, at magsipaglingkod sa hari sa Babilonia, at ikabubuti ninyo.
10 Tungkol sa akin, narito, ako'y tatahan sa Mizpa, upang tumayo sa harap ng mga Caldeo, na paririto sa atin: nguni't kayo, mangagpisan kayo ng alak at ng mga bunga sa taginit at ng langis, at inyong ilagay sa inyong mga sisidlan, at kayo'y magsitahan sa inyong mga bayan na inyong sinakop.
11 Gayon din nang mabalitaan ng lahat ng Judio na nangasa Moab, at sa gitna ng mga anak ni Ammon, at sa Edom, at ng nangasa lahat ng lupain, na ang hari sa Babilonia ay nagiwan ng labi sa Juda, at inilagay niya sa kanila si Gedalias na anak ni Ahicam, na anak ni Saphan:
12 (J)Lahat ng Judio nga ay nagsibalik na mula sa lahat ng dakong kinatabuyan sa kanila, at naparoon sa lupain ng Juda kay Gedalias, sa Mizpa, at nagpisan ng alak at ng mga bunga sa taginit na totoong marami.
13 Bukod dito'y si Johanan na anak ni Carea, at (K)lahat na kapitan ng mga kawal na nangasa mga parang, ay nagsiparoon kay Gedalias sa Mizpa,
14 At nangagsabi sa kaniya, Nalalaman mo baga na sinugo ni (L)Baalis na hari ng mga anak ni Ammon si (M)Ismael na anak ni Nethanias upang kunin ang iyong buhay? Nguni't si Gedalias na anak ni Ahicam ay hindi naniwala.
15 Nang magkagayo'y si Johanan na anak ni Carea ay nagsalita ng lihim kay Gedalias sa Mizpa, na sinabi, Isinasamo ko sa iyo, na payaunin mo ako, at aking papatayin si Ismael na anak ni Nethanias, at walang lalaking makakaalam: bakit niya kikitilin ang iyong buhay, upang ang lahat na Judio na napipisan sa iyo ay mangalat, at malipol ang nalabi sa Juda?
16 Nguni't sinabi ni Gedalias na anak ni Ahicam kay Johanan na anak ni Carea, Huwag mong gagawin ang bagay na ito; sapagka't ikaw ay nagsasalita ng kasinungalingan tungkol kay Israel.
Ang mamamayan sa banal na Bundok. Awit ni David.
15 Panginoon, sinong makapanunuluyan sa iyong tabernakulo?
(A)Sinong tatahan sa iyong banal na (B)bundok?
2 Siyang lumalakad na matuwid, at gumagawa ng katuwiran,
At (C)nagsasalita ng katotohanan sa kaniyang puso.
3 (D)Siyang hindi naninirang puri ng kaniyang dila,
Ni gumagawa man ng kasamaan sa kaniyang kaibigan,
Ni dumudusta man sa kaniyang kapuwa.
4 Na sa mga mata niya ay nasisiphayo ang masama;
Kundi siyang nagbibigay puri sa mga natatakot sa Panginoon,
(E)Siyang sumusumpa sa kaniyang sariling ikasasama at hindi nagbabago,
5 (F)Siyang hindi naglalabas ng kaniyang salapi sa patubo, (G)Ni kumukuha man ng suhol laban sa walang sala.
Siyang gumagawa ng mga bagay na ito ay hindi makikilos kailan man.
Ang Panginoon ay bahagi ng buhay ng mangaawit at tagapagligtas sa kamatayan. Awit ni David.
16 Ingatan mo ako, Oh Dios; sapagka't sa iyo nanganganlong ako.
2 Oh kaluluwa ko, iyong sinabi sa Panginoon, Ikaw ay aking Panginoon:
Ako'y walang kabutihan liban sa iyo.
3 Tungkol sa mga banal na nangasa lupa,
Sila ang maririlag na mga kinalulugdan kong lubos.
4 Ang mga kalumbayan nila ay dadami, na nangaghahandog sa ibang dios:
Ang kanilang inuming handog na dugo ay hindi ko ihahandog,
Ni sasambitin man ang kanilang mga pangalan (H)sa aking mga labi.
5 (I)Ang Panginoon ay siyang bahagi ng aking mana at ng (J)aking saro:
Iyong inaalalayan ang aking kapalaran.
6 Ang pising panukat ay nangahulog sa akin sa mga maligayang dako;
Oo, ako'y may mainam na mana.
7 Aking pupurihin ang Panginoon na nagbibigay sa akin ng payo:
(K)Oo, tinuturuan ako sa gabi ng (L)aking puso.
8 (M)Aking inilagay na lagi ang Panginoon sa harap ko:
Sapagka't kung siya ay (N)nasa aking kanan, hindi ako makikilos.
9 Kaya't ang aking puso ay masaya, at ang aking kaluwalhatian ay nagagalak:
Ang akin namang katawan ay tatahang tiwasay.
10 (O)Sapagka't hindi mo iiwan ang aking kaluluwa sa (P)Sheol;
Ni hindi mo man titiisin ang iyong (Q)banal ay makakita ng kabulukan.
11 Iyong ituturo sa akin (R)ang landas ng buhay:
Nasa iyong harapan (S)ang kapuspusan ng kagalakan;
Sa iyong kanan ay may mga (T)kasayahan magpakailan man.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978