Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

M’Cheyne Bible Reading Plan

The classic M'Cheyne plan--read the Old Testament, New Testament, and Psalms or Gospels every day.
Duration: 365 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
2 Cronica 26

Ang digmaan ni Uzzias at ang kaniyang kagamitan.

26 At kinuha ng buong bayan ng Juda si Uzzias na may labing anim na taon, at ginawa siyang hari na kahalili ng kaniyang ama na si Amasias.

Kaniyang itinayo ang Eloth at isinauli sa Juda, pagkatapos na ang hari ay makatulog na kasama ng kaniyang mga magulang.

(A)May labing anim na taon si Uzzias nang siya'y magpasimulang maghari; at siya'y nagharing limangpu't dalawang taon sa Jerusalem: at ang pangalan ng kaniyang ina ay Jecholia na taga Jerusalem.

At siya'y gumawa ng matuwid sa harap ng mga mata ng Panginoon, ayon sa lahat na ginawa ng kaniyang amang si Amasias.

(B)At siya'y tumalagang hanapin ang Dios sa mga kaarawan ni Zacharias, (C)na siyang maalam sa pangitain sa Dios: at habang kaniyang hinahanap ang Panginoon, pinagiginhawa siya ng Dios.

At siya'y lumabas at nakipagdigma laban sa mga Filisteo, at ibinagsak ang kuta ng (D)Gath, at ang kuta ng Jabnia, at ang kuta ng Asdod; at siya'y nagtayo ng mga bayan sa lupain ng (E)Asdod, at sa gitna ng mga Filisteo.

At tinulungan siya ng Dios laban sa mga Filisteo, at laban sa (F)mga taga Arabia na nagsisitahan sa Gurbaal, at sa mga Meunim.

At ang mga Ammonita ay nagsipagbigay ng mga (G)kaloob kay Uzzias; at ang kaniyang pangalan ay lumaganap hanggang sa pasukan ng Egipto; sapagka't siya'y lumakas na mainam.

Bukod dito'y si Uzzias ay nagtayo ng mga moog sa Jerusalem sa pintuang-bayan (H)na nasa panulok, at sa (I)pintuang-bayan sa libis, at sa pagliko ng kuta, at mga pinagtibay.

10 At siya'y nagtayo ng mga moog sa ilang, at humukay ng maraming balon, sapagka't siya'y nagkaroon ng maraming kawan; sa mababang lupa rin naman, at sa kapatagan; at siya'y may mangbubukid at manggagawa sa ubasan sa mga bundok at sa mga mabungang bukid; sapagka't siya'y may hilig sa bukiran.

11 Bukod dito'y si Uzzias ay may hukbo ng mga manglalaban, na nagsisilabas sa pakikipagdigma na (J)pulupulutong ayon sa bilang ng kanilang kabilangan na ginawa ni Jehiel na kalihim, at ni Maasias na pinuno, sa kapangyarihan ni Hananias, na isa sa mga punong kawal ng hari.

12 Ang buong bilang ng mga pangulo ng mga sangbahayan ng mga magulang, na mga makapangyarihang lalaking matatapang, ay dalawang libo at anim na raan.

13 At sa kapangyarihan ng kanilang kamay ay may isang maayos na hukbo, na (K)tatlong daan at pitong libo at limang daan, na nakikipagdigmang may malakas na kapangyarihan, upang tulungan ang hari laban sa kaaway.

14 At ipinaghanda sila ni Uzzias sa makatuwid baga'y ang buong hukbo, ng mga kalasag, at mga sibat, at ng mga turbante, at ng mga (L)sapyaw, at ng mga busog, at ng mga bato na ukol sa panghilagpos.

15 At siya'y gumawa sa Jerusalem ng mga makina, na katha ng mga bihasang tao, upang malagay sa mga moog at sa kuta upang magpahilagpos ng mga pana at mga malaking bato. At ang kaniyang pangalan ay lumaganap na mainam: sapagka't siya'y tinulungang kagilagilalas hanggang sa siya'y lumakas.

Si Uzzias ay naging ketongin dahil sa pagsusunog ng kamangyan.

16 Nguni't (M)nang siya'y lumakas, ang (N)kaniyang puso ay nagmataas, na anopa't siya'y gumawa ng kapahamakan, at siya'y sumalangsang laban sa Panginoon niyang Dios; sapagka't siya'y pumasok sa templo ng Panginoon upang magsunog ng kamangyan sa ibabaw ng dambana ng kamangyan.

17 At si Azarias na saserdote ay (O)pumasok pagkatapos niya, at kasama niya'y walong pung saserdote ng Panginoon, na mga matapang na lalake:

18 At kanilang hinadlangan si Uzzias na hari, at nagsipagsabi sa kaniya, (P)Hindi nauukol sa iyo, Uzzias, na magsunog ng kamangyan sa Panginoon, kundi sa (Q)mga saserdote na mga anak ni Aaron, na mga itinalaga na magsunog ng kamangyan: lumabas ka sa santuario; sapagka't ikaw ay sumalangsang; ni di magiging karangalan sa iyo sa ganang Panginoong Dios.

19 Nang magkagayo'y si Uzzias ay naginit; at siya'y may suuban sa kaniyang kamay upang magsunog ng kamangyan; at habang siya'y nagiinit sa mga saserdote, ang ketong ay lumabas sa kaniyang noo sa harap ng mga saserdote sa bahay ng Panginoon, sa siping ng dambana ng kamangyan,

20 At si Azarias na punong saserdote, at ang lahat ng mga saserdote, ay nagsitingin sa kaniya, at narito, siya'y may ketong sa kaniyang noo, at kanilang itinulak siya na madalian mula roon; oo, siya nama'y nagmadaling lumabas (R)sapagka't sinaktan siya ng Panginoon.

21 At si Uzzias na hari ay nagkaketong hanggang sa araw ng kaniyang kamatayan, at tumahan sa bahay na (S)bukod dahil sa may ketong: sapagka't siya'y nahiwalay sa bahay ng Panginoon; at si Joatham na kaniyang anak ay katiwala ng bahay ng hari, na humahatol sa bayan ng lupain.

22 Ang iba nga sa mga gawa ni Uzzias, na una at huli, isinulat ni (T)Isaias na propeta, na anak ni Amos.

23 Sa gayo'y natulog si Uzzias na kasama ng kaniyang mga magulang; at inilibing nila siya na kasama ng kaniyang mga magulang sa parang na libingan na ukol sa mga hari; sapagka't kanilang sinabi, Siya'y may ketong: at si Joatham na kaniyang anak ay naghari na kahalili niya.

Apocalipsis 13

13 At siya'y tumayo sa buhanginan ng dagat.

At nakita ko ang (A)isang hayop na umaahon sa dagat, (B)na may sangpung sungay at pitong ulo, at sa kanilang mga sungay ay may sangpung diadema, at sa kaniyang mga ulo ay mga pangalan ng kapusungan.

At ang hayop na aking nakita (C)ay katulad ng isang leopardo, (D)at ang kaniyang mga paa ay gaya ng sa oso, at (E)ang kaniyang bibig ay gaya ng bibig ng leon: at ibinigay sa kaniya (F)ng dragon ang kaniyang kapangyarihan, at ang kaniyang luklukan, at dakilang kapamahalaan.

At nakita ko ang isa sa kaniyang mga ulo na waring sinugatan ng ikamamatay; at ang kaniyang sugat na ikamamatay ay gumaling: at ang buong (G)lupa'y nanggilalas sa hayop;

At sila'y nangagsisamba sa dragon, sapagka't ibinigay niya ang kaniyang kapamahalaan sa hayop; at nangagsisamba sa hayop, na nangagsasabi, Sino ang kagaya ng hayop? at sinong makababaka sa kaniya?

At binigyan siya ng isang (H)bibig na nagsasalita ng malalaking bagay at mga kapusungan: at binigyan siya ng kapamahalaan, upang magpatuloy na (I)apat na pu't dalawang buwan.

At binuka niya ang kaniyang bibig sa mga kapusungan laban sa Dios, upang pusungin ang kaniyang pangalan, at ang kaniyang tabernakulo, gayon din naman ang mga nananahan sa langit.

At ipinagkaloob sa kaniya na makipagbaka sa mga banal, at pagtagumpayan sila; at binigyan siya ng kapamahalaan sa bawa't angkan at bayan at wika at bansa.

At ang lahat ng nangananahan sa lupa ay magsisisamba sa kaniya, na ang kanikaniyang pangalan ay hindi nasusulat sa (J)aklat ng buhay (K)ng Cordero na pinatay (L)buhat nang itatag ang sanglibutan.

Kung ang sinoman ay may pakinig, (M)ay makinig.

10 (N)Kung ang sinoman ay sa pagkabihag, ay sa pagkabihag paroroon siya: (O)kung ang sinoman ay papatay sa tabak, ay dapat siyang mamatay sa tabak. (P)Narito ang pagtitiyaga at ang pananampalataya ng mga banal.

11 At nakita ko ang (Q)ibang hayop (R)na umaahon sa lupa; at may dalawang sungay na katulad (S)ng sa isang kordero, at siya'y nagsasalitang gaya ng dragon.

12 At kaniyang isinasagawa (T)ang buong kapamahalaan ng unang hayop sa kaniyang paningin. At pinasasamba niya ang lupa at ang nangananahan dito sa unang hayop, (U)na gumaling ang sugat na ikamamatay.

13 At (V)siya'y gumagawa ng mga dakilang tanda, (W)na ano pa't nakapagpapababa ng kahit apoy mula sa langit hanggang sa lupa sa paningin ng mga tao.

14 At (X)nadadaya niya ang mga nananahan sa lupa (Y)dahil sa mga tanda na sa kaniya'y ipinagkaloob na magawa sa paningin ng hayop; na sinasabi sa mga nananahan sa lupa, na dapat silang gumawa ng isang larawan ng hayop na mayroon ng sugat ng tabak at nabuhay.

15 At siya'y pinagkaloobang makapagbigay ng hininga sa larawan ng hayop, upang ang larawan ng hayop ay makapangusap, at maipapatay naman ang lahat ng hindi (Z)sumasamba sa larawan ng hayop.

16 At ang lahat, maliliit at malalaki, at mayayaman at mga dukha, at ang mga laya at ang mga alipin (AA)ay pinabigyan ng isang tanda sa kanilang kanang kamay, o sa noo;

17 At nang huwag makabili o makapagbili ang sinoman, kundi siyang mayroong tanda, sa makatuwid ay ng pangalan ng hayop (AB)o bilang ng kaniyang pangalan.

18 Dito'y may karunungan. Ang may pagkaunawa ay bilangin ang bilang ng hayop; sapagka't (AC)siyang bilang ng isang tao: at ang kaniyang bilang ay Anim na raan at anim na pu't anim.

Zacarias 9

Ang ibang mga bansa ay hahanap sa Panginoon.

(A)Ang hula na salita ng Panginoon laban sa lupain ng Hadrach, at Damasco ang magiging pahingahang dako niyaon, (sapagka't ang mata ng tao at ang lahat ng mga lipi ng Israel ay nasa Panginoon);

At gayon din sa (B)Hamath, na kahangganan nito; sa (C)Tiro at (D)Sidon, (E)sapagka't sila'y totoong pantas.

At ang Tiro ay nagtayo ng katibayan, at nagbunton ng pilak na parang alabok, at ng mainam na ginto na parang putik sa mga lansangan.

Narito, aalisan siya ng Panginoon, (F)at kaniyang sisirain sa dagat ang kapangyarihan niya; at siya'y lalamunin ng apoy.

Makikita ng Ascalon, at matatakot; ng (G)Gaza rin, at mamamanglaw na mainam, at ng Ecron, sapagka't ang kaniyang pagasa ay mapapahiya; at ang hari ay mamamatay sa Gaza, at ang Ascalon ay hindi tatahanan.

At isang anak sa ligaw ay tatahan sa (H)Asdod, at aking puputulin ang kapalaluan ng mga Filisteo.

At aking aalisin ang (I)kaniyang dugo sa kaniyang bibig, at ang kaniyang mga kasuklamsuklam sa pagitan ng kaniyang mga ngipin; at siya nama'y maiiwan para sa ating Dios: at siya'y magiging gaya ng pangulo sa Juda, at ang Ecron ay gaya (J)ng Jebuseo.

At (K)ako'y magtitirik ng kampamento sa palibot ng aking bahay laban sa hukbo, (L)na walang makadadaan ni makababalik; at (M)walang mamimighati na daraan pa sa mga yaon: sapagka't ngayo'y tumingin ako ng aking mga mata.

Ang mapagpakumbabang hari ng Sion at malawak na kaharian.

(N)Magalak kang mainam, (O)Oh anak na babae ng Sion; humiyaw ka, Oh anak na babae ng Jerusalem: (P)narito, ang (Q)iyong hari ay naparirito sa iyo; siya'y ganap at may pagliligtas; (R)mapagmababa, at nakasakay sa isang asno, sa isang batang asno na anak ng asnong babae.

10 At (S)aking ihihiwalay ang karo mula sa Ephraim, at ang kabayo'y mula sa Jerusalem; at ang mga busog na pangbaka ay mapuputol; at siya'y magsasalita ng (T)kapayapaan sa mga bansa: at ang kaniyang kapangyarihan ay magiging (U)sa dagat at dagat, at mula sa ilog hanggang sa mga wakas ng lupa.

11 Tungkol sa iyo naman, dahil (V)sa dugo ng iyong tipan ay aking pinalabas ang iyong mga bilanggo sa hukay na walang tubig.

12 Mangagbalik kayo sa katibayan, kayong mga (W)bilanggo na may pag-asa, ngayo'y aking (X)inihahayag na aking igagawad sa inyo na makalawa.

13 Sapagka't aking binaluktot ang Juda para sa akin, aking inakmaan ang Ephraim ng busog; at aking gigisingin ang iyong mga anak, Oh Sion, laban sa iyong mga anak, (Y)Oh Grecia, at gagawin kitang parang tabak ng makapangyarihang lalake.

14 At ang Panginoo'y makikita sa itaas nila; at lalabas ang kaniyang pana na parang kidlat; at ang (Z)Panginoong Dios ay hihihip ng pakakak, at yayaon (AA)na kasama ng mga ipoipo sa timugan.

15 Ipagsasanggalang sila ng Panginoon ng mga hukbo; at sila'y mangananakmal, at kanilang yayapakan ang mga batong panghilagpos; at sila'y magsisiinom, at mangagiingay na gaya ng sa alak; at sila'y mangapupunong parang mga (AB)taza, parang mga sulok ng dambana.

16 At ililigtas sila ng Panginoon nilang Dios (AC)sa araw na yaon na gaya ng kawan ng kaniyang bayan; sapagka't (AD) magiging gaya ng mga bato ng isang putong na nataas sa mataas sa (AE)kaniyang lupain.

17 Sapagka't pagkalaki ng kaniyang kabutihan, at pagkalaki ng kaniyang kagandahan! pagiginhawahin ng trigo ang mga binata, at ng bagong alak ang mga dalaga;

Juan 12

12 Anim na araw nga bago (A)magpaskua ay naparoon (B)si Jesus sa Betania, na kinaroroonan ni (C)Lazaro, na ibinangon ni Jesus mula sa mga patay.

(D)Kaya't iginawa siya doon ng isang hapunan: at si Marta ay naglilingkod; datapuwa't si Lazaro ay isa sa nangakaupo sa pagkain na kasalo niya.

Si Maria nga'y kumuha ng (E)isang libra ng unguentong taganas na nardo, na totoong mahalaga, at (F)pinahiran ang mga paa ni Jesus, at kinuskos ang kaniyang mga paa ng kaniyang mga buhok: at ang bahay ay napuno ng amoy ng unguento.

Datapuwa't (G)si Judas Iscariote, na isa sa kaniyang mga alagad, na sa kaniya'y magkakanulo, ay nagsabi,

Bakit hindi ipinagbili ang unguentong ito ng tatlong daang denario, at ibigay sa mga dukha?

Ito'y sinabi nga niya, hindi sapagka't ipinagmalasakit niya ang mga dukha; kundi sapagka't siya'y magnanakaw, (H)at yamang nasa kaniya ang supot ay kinukuha niya ang doon ay inilalagay.

Sinabi nga ni Jesus, Pabayaan ninyong (I)ilaan niya ito ukol sa araw ng paglilibing sa akin.

Sapagka't ang mga dukha ay laging nasa inyo; nguni't ako'y hindi laging nasa inyo.

Ang karaniwang mga tao nga sa mga Judio ay naalaman na siya'y naroroon: at sila'y nagsiparoon, hindi dahil kay Jesus lamang, kundi upang makita nila si Lazaro naman, (J)na muling ibinangon niya mula sa mga patay.

10 Datapuwa't nangagsanggunian ang mga pangulong saserdote upang kanilang maipapatay pati si Lazaro;

11 Sapagka't dahil sa kaniya'y marami sa mga Judio ang nagsisialis at nagsisipanampalataya kay Jesus.

12 Nang kinabukasan (K)ang isang malaking karamihan na nagsiparoon sa pista, pagkabalita nila na si Jesus ay dumarating sa Jerusalem,

13 Ay nagsikuha ng mga palapa ng mga puno ng palma, at nagsilabas na sumalubong sa kaniya, na nagsisigawan, Hosanna: Mapalad ang pumaparito sa pangalan ng Panginoon, sa makatuwid baga'y ang Hari ng Israel.

14 At si Jesus, pagkasumpong sa isang batang asno, ay sumakay doon, gaya ng nasusulat,

15 Huwag kang matakot, (L)anak na babae ng Sion: narito, ang iyong Hari ay pumaparito, na nakasakay sa isang anak ng asno.

16 Ang mga bagay na ito ay (M)hindi napagunawa ng kaniyang mga alagad sa pasimula: (N)nguni't nang si Jesus ay maluwalhati na, ay saka nila naalaala na ang mga bagay na ito ay sinulat tungkol sa kaniya, at kanilang ginawa ang mga bagay na ito sa kaniya.

17 Ang karamihan ngang kasama niya nang tawagin niya si Lazaro mula sa libingan, at siya'y ibangon sa mga patay, ay siyang nangagpapatotoo.

18 (O)Dahil dito rin naman ang karamihan ay nagsiyaon at sumalubong sa kaniya, sapagka't nabalitaan nila na siyang gumawa ng tandang ito.

19 Ang mga Fariseo nga'y nangagsangusapan, (P)Tingnan ninyo kung paanong kayo'y walang anomang ikapanaig; narito, ang sanglibutan ay sumusunod sa kaniya.

20 Mayroon (Q)ngang ilang (R)Griego sa (S)nagsiahon sa kapistahan upang magsisamba:

21 Ang mga ito nga'y nagsilapit kay (T)Felipe, na taga Betsaida ng Galilea, at nagsipamanhik sa kaniya, na sinasabi, Ginoo, ibig sana naming makita si Jesus.

22 Lumapit si Felipe at sinabi kay Andres: lumapit si Andres, at si Felipe, at kanilang sinabi kay Jesus.

23 At sinagot sila ni Jesus, na nagsasabi, Dumating na (U)ang oras, na ang Anak ng tao ay luluwalhatiin.

24 Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, (V)Maliban ang butil ng trigo ay mahulog sa lupa at mamatay, ay natitira siyang magiisa; nguni't kung mamatay, ay nagbubunga ng marami.

25 Ang umiibig sa (W)kaniyang buhay ay mawawalan nito; at ang (X)napopoot sa kaniyang buhay sa sanglibutang ito ay maiingatan yaon sa buhay na walang hanggan.

26 Kung ang sinomang tao'y naglilingkod sa akin, ay sumunod sa akin; at (Y)kung saan ako naroroon, ay doon naman doroon ang lingkod ko: kung ang sinomang tao'y maglingkod sa akin, ay siya'y pararangalan ng Ama.

27 Ngayon ay (Z)nagugulumihanan ang aking kaluluwa; at ano ang aking sasabihin? Ama, iligtas mo ako sa oras na ito. Nguni't dahil dito ay naparito ako sa oras na ito.

28 Ama, luwalhatiin mo ang iyong pangalan. (AA)Dumating nga ang isang tinig na mula sa langit, na nagsasabi, Niluwalhati ko na, at muli kong luluwalhatiin.

29 Ang karamihan ngang nangaroroon, at nangakarinig, ay nagsipagsabing kumulog: sinabi ng mga iba, Isang anghel ang nakipagusap sa kaniya.

30 Sumagot si Jesus at sinabi, (AB)Ang tinig na ito'y hindi dumating dahil sa akin, kundi dahil sa inyo.

31 Ngayon (AC)ang paghatol sa sanglibutang ito: ngayon ang prinsipe ng sanglibutang ito ay palalayasin.

32 At ako, kung ako'y mataas na (AD)mula sa lupa, (AE)ang lahat ng mga tao ay palalapitin ko sa akin din.

33 Datapuwa't (AF)ito'y sinabi niya, na ipinaaalam kung sa anong kamatayan ang ikamamatay niya.

34 Sinagot nga siya ng karamihan, Aming narinig sa (AG)kautusan (AH)na ang Cristo ay lumalagi magpakailan man: at paanong sinasabi mo, Kinakailangan na ang Anak ng tao ay mataas? sino ang Anak ng taong ito?

35 Sinabi nga sa kanila ni Jesus, Kaunting panahon na lamang (AI)sasagitna ninyo ang ilaw. (AJ)Kayo'y magsilakad samantalang nasa inyo ang ilaw, upang huwag kayong abutin ng kadiliman: at (AK)ang lumalakad sa kadiliman ay hindi nalalaman kung saan siya tutungo.

36 Samantalang nasa inyo ang ilaw, ay magsisampalataya kayo sa ilaw, upang kayo'y maging mga anak ng ilaw.

Ang mga bagay na ito'y sinalita ni Jesus, at (AL)siya'y umalis at nagtago sa kanila.

37 Nguni't bagaman gumawa siya sa harap nila ng gayon maraming mga tanda, gayon ma'y hindi sila nagsisampalataya sa kaniya:

38 Upang maganap ang salita ng propeta Isaias, na kaniyang sinalita,

(AM)Panginoon, sino ang naniwala sa aming balita?
At kanino nahayag ang bisig ng Panginoon?

39 Dahil dito'y hindi sila makapaniwala, sapagka't muling sinabi ni Isaias,

40 Binulag niya ang kanilang mga mata, (AN)at pinatigas niya ang kanilang mga puso;
Baka sila'y mangakakita ng kanilang mga mata, at mangakaunawa ng kanilang puso
At mangagbalik-loob,
At sila'y mapagaling ko.

41 Ang mga bagay na ito'y sinabi ni Isaias, (AO)sapagka't nakita niya ang kaniyang kaluwalhatian; at siya'y nagsalita ng tungkol sa kaniya.

42 Gayon man (AP)maging sa mga pinuno ay maraming nagsisampalataya sa kaniya; datapuwa't (AQ)dahil sa mga Fariseo ay hindi nila ipinahayag, baka sila'y mapalayas sa sinagoga:

43 Sapagka't iniibig nila ng higit ang kaluwalhatian sa mga tao kay sa kaluwalhatian sa Dios.

44 At si Jesus ay sumigaw at nagsabi, Ang sumasampalataya sa akin, ay hindi sa akin sumasampalataya, kundi doon sa nagsugo sa akin.

45 At (AR)ang nakakita sa akin, ay nakakita doon sa nagsugo sa akin.

46 Ako'y (AS)naparito na isang ilaw sa sanglibutan, upang ang sinomang sumampalataya sa akin ay huwag manatili sa kadiliman.

47 At kung ang sinomang tao'y nakikinig sa aking mga pananalita, at hindi ingatan, (AT)ay hindi ko siya hinahatulan: (AU)sapagka't hindi ako naparito upang humatol sa sanglibutan, kundi upang iligtas ang sanglibutan.

48 Ang nagtatakuwil sa akin, at hindi tumatanggap sa aking mga pananalita, ay mayroong isang hahatol sa kaniya: (AV)ang salitang aking sinalita, ay siyang sa kaniya'y hahatol (AW)sa huling araw.

49 Sapagka't ako'y hindi nagsasalita na mula sa aking sarili; kundi ang Ama na sa akin ay nagsugo, ay siyang nagbigay sa akin ng utos, (AX)kung ano ang dapat kong sabihin, at kung ano ang dapat kong salitain.

50 At nalalaman ko na ang kaniyang utos ay buhay na walang hanggan; ang mga bagay nga na sinasalita ko, ay ayon sa sinabi sa akin ng Ama, gayon ko sinasalita.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978