Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

M’Cheyne Bible Reading Plan

The classic M'Cheyne plan--read the Old Testament, New Testament, and Psalms or Gospels every day.
Duration: 365 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
2 Cronica 10

Si Roboam ay sumunod sa masamang payo.

10 At si Roboam ay (A)naparoon sa Sichem: sapagka't ang buong Israel ay naparoon sa Sichem upang gawin siyang hari.

At nangyari, nang mabalitaan ni Jeroboam na anak ni Nabat (sapagka't siya'y nasa Egipto, (B)na siya niyang tinakasan mula sa harap ng haring Salomon,) na si Jeroboam ay bumalik mula sa Egipto.

At sila'y nangagsugo at ipinatawag nila siya; at si Jeroboam at ang buong Israel ay nagsiparoon, at sila'y nagsipagsalita kay Roboam, na nagsisipagsabi,

Pinabigat ng iyong ama ang atang sa amin: ngayon nga'y pagaanin mo ang mabigat na paglilingkod sa iyong ama, at ang mabigat niyang atang na iniatang niya sa amin, at kami ay magsisipaglingkod sa iyo.

At sinabi niya sa kanila, Magsiparito uli kayo sa akin pagkatapos ng tatlong araw. At ang bayan ay yumaon.

At ang haring Roboam ay kumuhang payo sa mga matanda na nagsitayo sa harap ni Salomon na kaniyang ama samantalang siya'y nabubuhay pa, na sinasabi, Anong payo ang ibinibigay ninyo sa akin upang magbalik ng sagot sa bayang ito?

At sila'y nagsipagsalita sa kaniya, na nagsisipagsabi, Kung ikaw ay magmagandang loob sa bayang ito, at iyong pagbigyang loob sila, at magsalita ng mga mabuting salita sa kanila, iyo ngang magiging lingkod sila magpakailan man.

Nguni't iniwan niya ang payo ng mga matanda na kanilang ibinigay sa kaniya, at kumuhang payo sa mga binata na nagsilaking kasabay niya, na nagsitayo sa harap niya.

At sinabi niya sa kanila, Anong payo ang ibinibigay ninyo, upang maibalik nating sagot sa bayang ito, na nagsalita sa akin, na sinasabi, Pagaanin mo ang atang na iniatang ng iyong ama sa amin?

10 At ang mga binata na nagsilaki na kasabay niya, ay nagsipagsalita sa kaniya, na nagsisipagsabi, Ganito ang iyong sasabihin sa bayan na nagsalita sa iyo, na sinasabi, Pinabigat ng iyong ama ang atang sa amin, nguni't pagaanin mo sa amin; ganito ang iyong sasabihin sa kanila, Ang aking kalingkingan ay makapal kay sa mga balakang ng aking ama.

11 At sa paraan ngang inatangan kayo ng aking ama ng mabigat na atang, aking dadagdagan pa ang atang sa inyo: pinarusahan kayo ng aking ama ng mga panghagupit, nguni't parurusahan ko kayo ng mga tila alakdan.

Nanghimagsik ang Israel sa pamamatnugot ni Jeroboam.

12 Sa gayo'y naparoon si Jeroboam at ang buong bayan kay Roboam sa ikatlong araw, gaya ng iniutos ng hari na sinasabi, Magsibalik kayo sa akin sa ikatlong araw.

13 At ang hari ay sumagot sa kanila na may katigasan, at iniwan ng haring Roboam ang payo ng mga matanda.

14 At nagsalita sa kanila ayon sa payo ng mga binata, na sinasabi, Pinabigat ng aking ama ang atang sa inyo, nguni`t aking dadagdagan pa: pinarusahan kayo ng aking ama ng mga panghagupit, nguni't parurusahan ko kayo ng mga tila alakdan.

15 Sa gayo'y hindi dininig ng hari ang bayan: sapagka't buhat sa Dios, upang itatag ng Panginoon ang kaniyang sinalita (C)sa pamamagitan ni Ahias na Silonita kay Jeroboam na anak ni Nabat.

16 At nang makita ng buong Israel na hindi sila dininig ng hari, sumagot ang bayan sa hari, na sinasabi, Anong bahagi mayroon kami kay David? wala man kaming mana sa anak ni Isai: bawa't tao sa inyo-inyong tolda, Oh Israel: ngayo'y ikaw ang bahala ng iyong sariling sangbahayan, David. Sa gayo'y yumaon ang buong Israel sa kanikanilang tolda.

17 Nguni't tungkol sa mga anak ni Israel na nagsisitahan sa mga bayan ng Juda, pinagharian sila ni Roboam.

18 Nang magkagayo'y sinugo ng haring Roboam si (D)Adoram, na nasa buwisan; at binato siya ng mga bato ng mga anak ni Israel, na anopa't siya'y namatay. At ang haring Roboam ay nagmadaling sumampa sa kaniyang karo, upang tumakas sa Jerusalem.

19 Gayon nanghimagsik ang Israel laban sa sangbahayan ni David, hanggang sa araw na ito.

Apocalipsis 1

Ang (A)Apocalipsis ni Jesucristo, na ibinigay ng (B)Dios sa kaniya upang ipahayag sa kaniyang mga alipin, sa makatuwid ay ang mga bagay na nararapat mangyaring madali: at kaniyang ipinadala at ipinaalam (C)sa pamamagitan ng kaniyang anghel sa kaniyang alipin na si Juan;

Na sumaksi (D)sa salita ng Dios, at sa patotoo ni Jesucristo, sa lahat ng mga bagay na nakita niya.

Mapalad (E)ang bumabasa, at ang nangakikinig ng mga salita ng hula, at tumutupad ng mga bagay na nangasusulat doon: sapagka't (F)ang panaho'y malapit na.

Si Juan sa (G)pitong iglesia na nasa Asia: (H)Biyaya ang sumainyo nawa, at kapayapaang mula (I)doon sa kaniya na ngayon, at nang nakaraan at darating; at mula sa (J)pitong Espiritu na nasa harapan ng kaniyang luklukan;

At mula kay Jesucristo na siyang (K)saksing tapat, (L)na panganay sa mga patay, at pangulo ng mga hari sa lupa. (M)Doon sa umiibig sa atin, at sa nagkalag (N)sa atin sa ating mga kasalanan sa pamamagitan ng kaniyang dugo;

At ginawa (O)tayong kaharian, mga saserdote sa kaniyang Dios at Ama; sumakaniya nawa ang kaluwalhatian at ang paghahari magpakailan kailan man. Siya nawa.

Narito, (P)siya'y pumaparitong (Q)nasasa mga alapaap; at makikita siya ng bawa't mata, at (R)ng nangagsiulos sa kaniya; at ang lahat ng mga angkan sa lupa ay magsisitaghoy dahil sa kaniya. Gayon din, Siya nawa.

Ako ang Alpha (S)at ang Omega, sabi ng Panginoong Dios, (T)ngayon at nang nakaraan at sa darating, ang Makapangyarihan sa lahat.

Akong si Juan, na inyong kapatid at inyong karamay sa kapighatian at sa kaharian at sa pagtitiis na kay Jesus, ay nasasa pulo na tinatawag na Patmos, (U)dahil sa salita ng Dios at sa patotoo ni Jesus.

10 Ako'y (V)nasa Espiritu (W)nang araw ng Panginoon, at narinig ko sa aking likuran ang (X)dakilang tinig, na tulad sa isang pakakak.

11 Na nagsasabi, Ang iyong nakikita, ay isulat mo sa isang aklat at iyong ipadala sa (Y)pitong iglesia: sa (Z)Efeso, at sa (AA)Smirna, at sa (AB)Pergamo, at sa (AC)Tiatira, at sa (AD)Sardis, at sa (AE)Filadelfia, at sa (AF)Laodicea.

12 At ako'y lumingon upang makita ang tinig na nagsasalita sa akin. At nang ako'y lumingon ay (AG)nakita ko ang pitong kandelerong ginto:

13 At sa gitna ng mga kandelero ay may (AH)isang katulad ng isang anak ng tao, (AI)na may suot na (AJ)damit hanggang sa paa, at (AK)may bigkis ang dibdib na isang pamigkis na ginto.

14 At ang kaniyang ulo at ang (AL)kaniyang buhok ay mapuputing gaya ng balahibong maputi ng tupa, gaya ng niebe; at ang (AM)kaniyang mga mata ay gaya ng ningas ng apoy;

15 At ang kaniyang mga paa ay katulad ng (AN)tansong binuli, na gaya ng dinalisay sa isang lutuang-bakal; at ang (AO)kaniyang tinig ay gaya ng lagaslas ng maraming tubig.

16 At sa kaniyang kanang kamay ay may pitong bituin: at sa kaniyang bibig ay lumabas ang isang matalas na tabak na may dalawang talim: at ang kaniyang mukha ay gaya ng araw na sumisikat ng matindi.

17 At (AP)nang siya'y aking makita, ay nasubasob akong waring patay sa kaniyang paanan. At (AQ)ipinatong niya sa akin ang kaniyang kanang kamay, na sinasabi, Huwag kang matakot; (AR)ako'y ang una at ang huli,

18 At ang Nabubuhay; at ako'y namatay, at narito, ako'y nabubuhay magpakailan man, at (AS)nasa akin ang mga susi ng (AT)kamatayan at ng Hades.

19 Isulat mo nga (AU)ang mga bagay na nakita mo, (AV)at ang mga bagay ngayon, (AW)at ang mga bagay na mangyayari sa darating;

20 Ang hiwaga (AX)ng pitong bituin na iyong nakita sa aking kanang kamay, at (AY)ng pitong kandelerong ginto. Ang pitong bituin ay ang mga anghel ng pitong iglesia: at ang pitong kandelero ay ang pitong iglesia.

Zefanias 2

Ang bayan ay pinagsabihan na hanapin ang Panginoon.

Kayo'y magpipisan, oo, magpipisan, Oh (A)bansang walang kahihiyan;

(B)Bago ang pasiya'y lumabas, bago dumaang parang dayami ang kaarawan, bago dumating sa inyo ang mabangis na galit ng Panginoon, bago dumating sa inyo ang kaarawan ng galit ng Panginoon.

Hanapin ninyo (C)ang Panginoon, ninyong (D)lahat na maamo sa lupa, na nagsigawa ng ayon sa kaniyang kahatulan; hanapin ninyo ang katuwiran, hanapin ninyo ang kaamuan: (E)kaypala ay malilingid kayo sa kaarawan ng galit ng Panginoon.

Sapagka't ang (F)Gaza ay pababayaan, at ang Ascalon ay sa kasiraan; kanilang palalayasin ang Asdod sa katanghaliang tapat, at ang Ecron ay mabubunot.

Sa aba ng mga nananahanan sa baybayin ng (G)dagat, (H)bansa ng mga Chereteo! Ang salita ng Panginoon ay laban sa iyo, Oh Canaan, na lupain ng mga Filisteo; aking gigibain ka, upang mawalan ng mga mananahan.

At ang baybayin ng dagat ay magiging pastulan, na may mga dampa para sa mga pastor, at mga kulungan para sa mga kawan.

(I)At ang baybayin ay mapapasa nalabi sa sangbahayan ni Juda; sila'y mangagpapastol ng kanilang mga kawan doon; sa mga bahay sa Ascalon ay mangahihiga sila sa gabi; sapagka't (J)dadalawin sila ng Panginoon nilang Dios, at (K)ibabalik sila na mula sa kanilang pagkabihag.

Aking narinig (L)ang panunungayaw ng Moab, at ang pagapi ng mga anak ni Ammon, na kanilang ipinanungayaw sa aking bayan, at (M)nagmalaki sila ng kanilang sarili laban sa kanilang hangganan.

Buhay nga ako, sabi ng Panginoon ng mga hukbo, ng Dios ng Israel, Walang pagsalang ang Moab ay magiging parang Sodoma, at ang mga anak ni Ammon ay parang Gomorra, (N)pagaari na mga dawag, at lubak na asin, at isang pagkasira sa tanang panahon: sila'y sasamsamin ng nalabi sa aking bayan, at sila'y mamanahin ng (O)nalabi sa aking bansa.

10 Ito ang kanilang mapapala dahil (P)sa kanilang pagpapalalo, sapagka't sila'y nanungayaw at nagmalaki ng kanilang sarili laban sa bayan ng Panginoon ng mga hukbo.

11 Ang Panginoo'y magiging kakilakilabot sa kanila; sapagka't (Q)kaniyang gugutumin ang lahat ng dios sa lupa; (R)at sasambahin siya ng mga tao; ng bawa't isa mula sa kanikaniyang dako, ng lahat na pulo ng mga bansa.

12 Kayong mga (S)taga Etiopia naman, kayo'y papatayin sa pamamagitan ng aking tabak.

13 At kaniyang iuunat ang kaniyang kamay laban sa hilagaan, at (T)gigibain ang Asiria, at ang (U)Nineve ay sisirain, at tutuyuing gaya ng ilang.

14 At mga bakaha'y (V)hihiga sa gitna niyaon, lahat ng hayop ng mga bansa: ang pelikano at gayon din ang erizo ay tatahan sa mga kapitel niyaon; kanilang tinig ay huhuni sa mga dungawan; kasiraa'y sasapit sa mga pasukan; sapagka't kaniyang sinira (W)ang mga yaring kahoy na cedro.

15 Ito ang masayang bayan na tumahang walang bahala, na nagsasabi sa sarili, (X)Ako nga, at walang iba liban sa akin: ano't siya'y naging sira, naging dakong higaan para sa mga hayop! (Y)lahat na daraan sa kaniya ay magsisisutsot, at ikukumpas ang kaniyang kamay.

Lucas 24

24 Datapuwa't (A)nang unang araw ng sanglinggo (B)pagkaumagang-umaga, ay nagsiparoon sila sa libingan, na may dalang mga (C)pabango na kanilang inihanda.

At nasumpungan nilang naigulong na ang bato mula sa libingan.

At sila'y nagsipasok, at hindi nila nangasumpungan ang bangkay ng Panginoong Jesus.

At nangyari, na samantalang sila'y nangatitilihan dahil dito, narito, tumayo sa tabi nila ang (D)dalawang (E)lalake na nakasisilaw ang mga damit:

At nang sila'y nangatatakot at nangakatungo ang kanilang mga mukha sa lupa ay sinabi nila sa kanila, Bakit hinahanap ninyo ang buháy sa gitna ng mga patay?

Wala siya rito, datapuwa't nagbangon: alalahanin ninyo ang salita niya sa inyo nang siya'y nasa Galilea (F)pa,

Na sinasabi, Kinakailangan na ang Anak ng tao ay ibigay sa mga kamay ng mga taong makasalanan, at ipako sa krus, at magbangong muli sa ikatlong araw.

At naalaala nila ang kaniyang mga salita,

At nagsibalik mula sa libingan, (G)at ibinalita ang lahat ng mga bagay na ito sa labingisa, at sa lahat ng mga iba pa.

10 Sila nga'y si Maria (H)Magdalena, si (I)Juana, at si Mariang ina ni Santiago: at iba pang mga babaing kasama nila ang nangagbalita ng mga bagay na ito sa mga apostol.

11 At ang mga salitang ito'y (J)inakala nilang walang kabuluhan; at hindi nila pinaniwalaan.

12 Datapuwa't nagtindig si Pedro, (K)at tumakbo sa libingan; at nang siya'y tumungo pagtingin niya sa loob, ay nakita niya ang mga kayong lino na nangasa isang tabi; at umuwi siya sa kaniyang bahay na nanggigilalas sa nangyaring yaon.

13 At narito, (L)dalawa sa kanila ay naparoroon nang araw ding yaon sa isang nayong ngala'y Emaus, na may anim na pung estadio ang layo sa Jerusalem.

14 At kanilang pinaguusapan ang lahat ng mga bagay na nangyari.

15 At nangyari, na samantalang sila'y naguusap at nagtatanongan, na si Jesus din ay lumapit, at nakisabay sa kanila.

16 Datapuwa't sa (M)mga mata nila'y may nakatatakip upang siya'y huwag nilang makilala.

17 At sinabi niya sa kanila, Ano ang mga salitaan ninyong ito sa inyong paglalakad? At sila'y nagsitigil, na nangalulumbay ang mga mukha.

18 At isa sa kanila, na nagngangalang Cleopas, sa pagsagot ay sinabi sa kaniya, Ikaw baga'y nakikipamayan lamang sa Jerusalem, at hindi nakaalam ng mga bagay na doo'y nangyari nang mga araw na ito?

19 At sinabi niya sa kanila, Anong mga bagay? At sinabi nila sa kaniya, Ang mga bagay tungkol kay Jesus na Nazareno, (N)na isang propetang makapangyarihan sa gawa at sa salita sa harap ng Dios at ng buong bayan:

20 At kung paano ang pagkabigay sa kaniya ng mga pangulong saserdote at ng mga pinuno upang hatulan sa kamatayan, at siya'y ipako sa krus.

21 Datapuwa't hinihintay naming (O)siya ang tutubos sa Israel. Oo at bukod sa lahat ng mga ito ay ngayon ang ikatlong araw buhat nang mangyari ang mga bagay na ito.

22 Bukod sa rito (P)iba sa mga babaing kasamahan namin na nagsiparoong (Q)maaga sa libingan, ay nakapagtaka sa amin;

23 At nang hindi mangasumpungan ang kaniyang bangkay, ay nangagbalik sila, na nangagsabing sila nama'y nakakita (R)ng isang pangitain ng mga anghel, na nangagsabing siya'y buháy.

24 At nagsiparoon sa libingan ang (S)ilang kasama namin, at nasumpungan nila alinsunod sa sinabi ng mga babae: datapuwa't siya'y hindi nila nakita.

25 At sinabi niya sa kanila, Oh mga taong haling, at makukupad ang mga pusong magsisampalataya sa lahat ng salita ng mga propeta!

26 (T)Hindi baga kinakailangang si Cristo ay maghirap ng mga bagay na ito, at pumasok sa kaniyang kaluwalhatian?

27 (U)At magmula kay (V)Moises at sa (W)mga propeta, ay ipinaaninaw niya sa kanila ang mga bagay tungkol sa kaniya sa lahat ng mga kasulatan.

28 At sila'y malapit na sa nayong kanilang paroroonan: at naganyo siyang wari may paroroonang lalo pang malayo.

29 At siya'y kanilang pinigil, na sinasabi, tumuloy ka sa amin, sapagka't gumagabi na, at kumikiling na ang araw. At pumasok siya upang tumuloy sa kanila.

30 At nangyari, nang siya'y nakaupo na kasalo nila sa dulang ng pagkain, ay (X)kaniyang dinampot ang tinapay at binasbasan; at ito'y pinagputolputol, at ibinigay sa kanila.

31 At (Y)nangabuksan ang kanilang mga mata, at siya'y nakilala nila; at siya'y nawala sa kanilang mga paningin.

32 At sila-sila'y nangagsabihan, Hindi baga nagaalab ang ating puso sa loob natin, habang tayo'y kinakausap niya sa daan, samantalang binubuksan niya sa atin ang mga kasulatan?

33 At sila'y nagsitindig sa oras ding yaon, at nangagbalik sa Jerusalem, (Z)at naratnang nangagkakatipon ang labingisa, at (AA)ang kanilang mga kasama.

34 Na nangagsasabi, Tunay na nagbangong muli ang Panginoon, at (AB)napakita kay Simon,

35 At isinaysay nila ang mga bagay na nangyari sa daan, at (AC)kung paanong siya'y nakilala nila nang pagputolputulin ang tinapay.

36 At (AD)samantalang kanilang pinaguusapan ang mga bagay na ito, siya rin ay tumayo sa gitna nila, at sa kanila'y nagsabi, Kapayapaa'y suma inyo.

37 Datapuwa't sila'y kinilabutan, at nangahintakutan, at inakala nila na nakakakita sila ng isang (AE)espiritu.

38 At sinabi niya sa kanila, Bakit kayo'y nangagugulumihanan? at bakit nangyayari ang pagtatalo sa inyong puso?

39 Tingnan ninyo ang aking mga kamay at ang aking mga paa, ako rin nga: (AF)hipuin ninyo ako, at tingnan; sapagka't ang isang espiritu'y walang laman at mga buto, na gaya ng inyong nakikita na nasa akin.

40 At pagkasabi niya nito, ay ipinakita niya sa kanila ang kaniyang mga kamay at ang kaniyang mga paa.

41 At samantalang hindi pa sila nagsisisampalataya dahil sa galak, at nagsisipanggilalas, ay sinabi niya sa kanila, (AG)Mayroon baga kayo ritong anomang makakain?

42 At binigyan nila siya ng isang putol na isdang inihaw.

43 At kaniyang inabot yaon, (AH)at kumain sa harap nila.

44 At sinabi niya sa kanila, (AI)Ito ang aking mga salitang sinabi ko sa inyo, nang ako'y sumasa inyo pa, na kinakailangang matupad ang lahat ng mga bagay na nangasusulat tungkol sa akin sa (AJ)kautusan ni Moises, at sa mga propeta, at sa (AK)mga awit.

45 Nang magkagayo'y binuksan niya ang kanilang mga pagiisip, upang mapagunawa nila ang mga kasulatan;

46 At sinabi niya sa kanila, Ganyan ang pagkasulat, na (AL)kinakailangang maghirap ang Cristo, at magbangong muli sa mga patay sa ikatlong araw;

47 At ipangaral sa kaniyang pangalan (AM)ang pagsisisi at pagpapatawad ng mga kasalanan (AN)sa lahat ng mga bansa, (AO)magbuhat sa Jerusalem.

48 (AP)Kayo'y mga saksi ng mga bagay na ito.

49 At narito, (AQ)ipadadala ko sa inyo ang pangako ng aking Ama, datapuwa't magsipanatili kayo sa bayan, (AR)hanggang sa kayo'y masangkapan ng (AS)kapangyarihang galing sa itaas.

50 At kaniyang dinala sila sa labas (AT)hanggang sa tapat ng Betania: at itinaas niya ang kaniyang mga kamay, at sila'y binasbasan.

51 At nangyari, (AU)na samantalang sila'y binabasbasan niya, ay iniwan niya sila; at dinala siya sa itaas sa langit.

52 At (AV)siya'y sinamba nila, at nagsibalik sila sa Jerusalem (AW)na may malaking galak:

53 At palaging sila'y (AX)nasa templo, na nangagpupuri sa Dios.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978