M’Cheyne Bible Reading Plan
Si Josaphat ang humalili kay Asa.
17 At si (A)Josaphat na kaniyang anak ay naghari, na kahalili niya, at nagpakalakas laban sa Israel.
2 At siya'y naglagay ng mga kawal sa (B)lahat ng bayang nakukutaan ng Juda, at naglagay ng mga pulutong sa lupain ng Juda, at sa mga bayan ng Ephraim, na sinakop ni Asa sa (C)kaniyang ama.
3 At ang Panginoon ay sumasa kay Josaphat, sapagka't siya'y lumakad ng mga unang lakad ng kaniyang magulang na si David, at hindi hinanap ang mga Baal;
4 Kundi hinanap ang Dios ng kaniyang ama, at lumakad sa kaniyang mga utos, at hindi ayon sa (D)mga gawa ng Israel.
5 Kaya't itinatag ng Panginoon ang kaharian sa kaniyang kamay; at ang buong Juda ay (E)nagdala kay Josaphat ng mga kaloob; at siya'y nagkaroon ng mga kayamanan at dangal na sagana.
6 At ang kaniyang puso ay nataas sa mga daan ng Panginoon: at bukod dito'y (F)inalis niya ang mga mataas na dako at ang mga Asera sa Juda.
7 Nang ikatlong taon naman ng kaniyang paghahari ay kaniyang sinugo ang kaniyang mga prinsipe, sa makatuwid baga'y si Ben-hail, at si Obdias, at si Zacharias, at si Nathaniel, at si Micheas, (G)upang mangagturo sa mga bayan ng Juda.
8 At kasama nila ang mga Levita, na si Semeias, at si Nethanias, at si Zebadias, at si Asael, at si Semiramoth, at si Jonathan, at si Adonias, at si Tobias, at si Tob-adonias, na mga Levita; at kasama nila si Elisama, at si Joram na mga saserdote.
9 At sila'y nangagturo sa Juda, na may aklat ng kautusan ng Panginoon; at sila'y nagsiyaon sa palibot ng lahat na bayan ng Juda, at nangagturo sa gitna ng bayan.
Ang paghahari ni Josaphat. Ang kaniyang kapangyarihan.
10 At ang takot sa Panginoon ay (H)nahulog sa lahat ng kaharian ng mga lupain na nangasa palibot ng Juda, na anopa't sila'y hindi nangakipagdigma laban kay Josaphat.
11 At ang ilan sa mga (I)Filisteo ay nangagdala ng mga kaloob kay Josaphat, at pilak na pinakabuwis; ang mga taga Arabia man ay nangagdala rin sa kaniya ng mga kawan, na pitong libo at pitong daang lalaking tupa, at pitong libo at pitong daang kambing na lalake.
12 At si Josaphat ay dumakilang mainam; at siya'y nagtayo sa Juda ng mga kastilyo at mga (J)bayang kamaligan.
13 At siya'y nagkaroon ng maraming mga gawain sa mga bayan ng Juda; at ng mga lalaking mangdidigma, na mga makapangyarihang lalaking matatapang, sa Jerusalem.
14 At ito ang bilang nila ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang: sa Juda, ang mga pinunong kawal ng lilibuhin; si Adna na pinunong kawal, at ang kasama niya na mga makapangyarihang lalaking matatapang ay tatlong daang libo:
15 At sumusunod sa kaniya ay si Johanan na pinunong kawal, at kasama niya'y dalawang daan at walong pung libo;
16 At sumusunod sa kaniya ay si Amasias na anak ni (K)Zichri, na humandog na kusa sa Panginoon; at kasama niya ay dalawang daang libo na mga makapangyarihang lalaking matatapang:
17 At sa Benjamin; si Eliada na makapangyarihang lalaking matapang, at kasama niya ay dalawang daang libong may sakbat na busog at kalasag:
18 At sumusunod sa kaniya ay si Jozabad, at kasama niya ay isang daan at walong pung libo na handa sa pakikipagdigma.
19 Ang mga ito ang nangaglingkod sa hari (L)bukod doon sa inilagay ng hari sa mga bayang nakukutaan sa buong Juda.
6 At nakita ko (A)nang buksan ng Cordero ang isa sa pitong tatak, at narinig ko sa isa sa apat na nilalang na buhay, na nagsalitang gaya ng tunog ng kulog, Halika.
2 At tumingin ako, at narito, ang (B)isang kabayong maputi, at (C)yaong nakasakay dito ay may isang busog; (D)at binigyan siya ng isang putong: at siya'y yumaong nagtatagumpay, at upang magtagumpay.
3 At nang buksan niya ang ikalawang tatak, ay narinig ko sa ikalawang nilalang na buhay, na sinasabi, Halika.
4 At may (E)lumabas na ibang kabayo, na kabayong mapula: at ang nakasakay dito, ay pinagkaloobang (F)magalis sa lupa ng kapayapaan, at upang mangagpatayan ang isa't isa: at binigyan siya ng isang malaking tabak.
5 At nang buksan niya ang ikatlong tatak, ay narinig ko sa ikatlong nilalang na buhay, na nagsasabi, Halika. At tumingin ako, at narito, ang (G)isang kabayong maitim; at yaong nakasakay dito ay may (H)isang timbangan sa kaniyang kamay.
6 At narinig ko ang gaya ng isang tinig sa gitna ng apat na nilalang na buhay na nagsasabi, Sa isang denario ay isang takal na trigo, at sa isang denario ay tatlong takal na sebada; at (I)huwag mong ipahamak ang langis at ang alak.
7 At nang buksan niya ang ikaapat na tatak, ay narinig ko ang tinig ng ikaapat na nilalang na buhay na nagsasabi, Halika.
8 At tumingin ako, at (J)narito, ang isang kabayong maputla: at ang nakasakay dito ay may pangalang Kamatayan; at ang Hades ay sumusunod sa kaniya. At sila'y pinagkalooban ng kapamahalaan sa ikaapat na bahagi ng lupa, (K)na pumatay sa pamamagitan ng tabak, at ng gutom, at ng salot, at ng mga ganid na hayop sa lupa.
9 At nang buksan niya ang ikalimang tatak, ay nakita ko sa ilalim ng (L)dambana (M)ang mga kaluluwa ng mga pinatay (N)dahil sa salita ng Dios, at dahil sa patotoong sumakanila:
10 At sila'y sumigaw ng tinig na malakas, na nagsasabi, Hanggang kailan, Oh Panginoong banal at totoo, (O)hindi mo hahatulan at ipaghihiganti ang aming dugo, sa mga nananahan sa ibabaw ng lupa?
11 At binigyan (P)ang bawa't isa sa kanila ng isang maputing balabal; at sa kanila'y sinabi, (Q)na mangagpahinga pa ng kaunting panahon, hanggang sa maganap ang bilang ng kanilang mga kapuwa alipin at ng kanilang mga kapatid, na mga papatayin namang gaya nila.
12 At nakita ko nang buksan niya ang ikaanim na tatak, (R)at nagkaroon ng malakas na lindol; at (S)ang araw ay umitim na gaya ng isang magaspang na kayong buhok na maitim, at ang buong buwan ay naging gaya ng dugo;
13 At ang mga bituin sa langit ay (T)nangahulog sa lupa, gaya ng puno ng igos na isinasambulat ang kaniyang mga bungang bubot pagka hinahampas ng malakas na hangin.
14 At ang langit ay nahawi na gaya (U)ng isang lulong aklat kung nalululon; at ang bawa't (V)bundok at (W)pulo ay naalis sa kanilang kinatatayuan.
15 At ang mga hari sa lupa, at ang mga prinsipe, at ang mga pangulong kapitan, at ang mayayaman, at ang mga makapangyarihan, at ang bawa't alipin at ang bawa't laya, (X)ay nagsipagtago sa mga yungib at sa mga bato sa mga bundok;
16 At sinasabi nila sa mga bundok (Y)at sa mga bato, Mahulog kayo sa amin, at kami'y inyong itago sa mukha (Z)noong nakaupo sa luklukan, at sa galit ng Cordero:
17 Sapagka't dumating na (AA)ang dakilang araw ng kanilang kagalitan; (AB)at sino ang makatatayo?
Ang habag na pangako sa Sion.
2 At aking itinanaw ang aking mga mata, at aking nakita at, narito, ang (A)isang lalake na may panukat na pisi sa kaniyang kamay.
2 Nang magkagayo'y sinabi ko, Saan ka paroroon? At sinabi niya sa akin, (B)Upang sukatin ang Jerusalem, upang tingnan kung gaano ang luwang, at kung gaano ang haba.
3 At, narito, (C)ang anghel na nakikipagusap sa akin ay umalis, at ibang anghel ay lumabas na sumalubong sa kaniya,
4 At sinabi sa kaniya, Tumakbo ka, iyong salitain sa binatang ito, na sabihin, Ang Jerusalem ay tatahanan na parang mga nayon na (D)walang mga kuta, (E)dahil sa karamihan ng mga tao at hayop doon.
5 Sapagka't ako, sabi ng Panginoon, ay magiging sa kaniya'y isang kutang apoy sa palibot, (F)at ako'y magiging kaluwalhatian sa gitna niya.
6 Oy, oy, (G)magsitakas kayo (H)mula sa lupain ng hilagaan, sabi ng Panginoon; sapagka't kayo'y aking pinangalat na parang apat na hangin sa himpapawid, sabi ng Panginoon.
7 Oy Sion, tumanan ka, ikaw na tumatahan na kasama ng anak na babae ng Babilonia.
8 Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo: Dahil sa kaluwalhatian ay sinugo niya ako sa mga bansa na nanamsam sa inyo; (I)sapagka't ang humihipo sa inyo, ay humihipo sa itim ng kaniyang mata.
9 Sapagka't narito, aking (J)ikukumpas ang aking kamay sa kanila, at sila'y magiging samsam niyaong nangaglilingkod sa kanila; at (K)inyong malalaman na ang Panginoon ng mga hukbo ang nagsugo sa akin.
10 (L)Ikaw ay umawit at magalak, Oh anak na babae ng Sion; sapagka't (M)narito, ako'y naparirito, at (N)ako'y tatahan sa gitna mo, sabi ng Panginoon.
11 At maraming bansa ay (O)magpipisan sa Panginoon (P)sa araw na yaon, at magiging aking bayan; at ako'y tatahan sa gitna mo, at iyong malalaman na ang Panginoon ng mga hukbo ay siyang nagsugo sa akin sa iyo.
12 At mamanahin ng Panginoon ang Juda na pinaka bahagi niya sa banal na lupain (Q)at pipiliin pa ang Jerusalem.
13 Tumahimik ang lahat na tao, (R)sa harap ng Panginoon; sapagka't siya'y gumising na sa kaniyang banal na tahanan.
5 Pagkatapos ng mga bagay na ito'y nagkaroon ng pista ang mga Judio; at umahon si Jesus sa Jerusalem.
2 Sa Jerusalem nga'y may isang tangke sa tabi ng pintuan ng mga tupa, na sa wikang Hebreo ay tinatawag na Betesda, na may limang portiko.
3 Na sa mga ito ay nangaghandusay ang marami sa kanilang mga maysakit, mga bulag, mga pilay, mga[a]natutuyo.
5 At naroon ang isang lalake, na may tatlongpu't walong taon nang maysakit.
6 Nang makita ni Jesus na siya'y nakahandusay, at mapagkilalang siya'y malaon nang panahong maysakit, ay sinabi niya sa kaniya, Ibig mo bagang gumaling?
7 Sumagot sa kaniya ang lalaking maysakit, Ginoo, wala ng taong maglusong sa akin sa tangke, pagkalawkaw sa tubig: datapuwa't samantalang ako'y naparoroon, ay nakalusong na muna ang iba bago ako.
8 Sinabi sa kaniya ni Jesus, (A)Magtindig ka, buhatin mo ang iyong higaan, at lumakad ka.
9 At pagdaka'y gumaling ang lalake, at binuhat ang kaniyang higaan at lumakad. (B)Noon nga'y araw ng sabbath.
10 Kaya sinabi ng mga Judio sa kaniya na pinagaling, Ito'y araw ng sabbath, at (C)hindi matuwid na buhatin mo ang iyong higaan.
11 Nguni't sila'y sinagot niya, Ang nagpagaling sa akin, ang siya ring sa akin ay nagsabi, Buhatin mo ang iyong higaan, at lumakad ka.
12 Tinanong nila siya, Sino ang taong sa iyo'y nagsabi, Buhatin mo ang iyong higaan, at lumakad ka?
13 Nguni't hindi nakikilala ng pinagaling kung sino siya; sapagka't si Jesus ay humiwalay, palibhasa'y may isang karamihan sa dakong yaon.
14 Pagkatapos ay nasumpungan siya ni Jesus sa templo, at sa kaniya'y sinabi, Narito, ikaw ay gumaling na: (D)huwag ka nang magkasala, baka mangyari pa sa iyo ang lalong masama.
15 Umalis ang tao, at sinaysay sa mga Judio na si Jesus ang sa kaniya'y nagpagaling.
16 At dahil dito'y pinagusig ng mga Judio si Jesus, sapagka't ginagawa niya ang mga bagay na ito sa araw ng sabbath.
17 Datapuwa't sinagot sila ni Jesus, Hanggang ngayo'y gumagawa ang (E)aking Ama, at ako'y gumagawa.
18 Dahil dito nga'y lalo nang pinagsikapan ng mga Judio na siya'y patayin, sapagka't hindi lamang sinira ang araw ng sabbath, kundi tinatawag din naman na kaniyang sariling Ama ang Dios, (F)na siya'y nakikipantay sa Dios.
19 Sumagot nga si Jesus at sinabi sa kanila, Katotohanan, (G)katotohanang sinasabi ko sa inyo, Hindi makagagawa ang Anak ng anoman sa kaniyang sarili kundi ang makita niyang gawin ng Ama; sapagka't ang lahat ng mga bagay na kaniyang ginagawa, ay ang mga ito rin naman ang ginagawa ng Anak sa gayon ding paraan.
20 Sapagka't (H)sinisinta ng Ama ang Anak, at sa kaniya'y ipinakikita ang lahat ng mga bagay na kaniyang ginagawa: at lalong dakilang mga gawa kay sa mga ito ang sa kaniya'y ipakikita niya, upang kayo'y magsipanggilalas.
21 Sapagka't kung paanong ibinabangon ng Ama ang mga patay at (I)sila'y binubuhay, gayon din naman binubuhay ng Anak ang kaniyang mga ibigin.
22 Sapagka't ang Ama'y hindi humahatol sa kanino mang tao, kundi ipinagkaloob niya sa Anak ang (J)buong paghatol;
23 Upang papurihan ng lahat ang Anak, na gaya rin ng kanilang pagpapapuri sa Ama. (K)Ang hindi nagpapapuri sa Anak ay hindi nagpapapuri sa Ama na sa kaniya'y nagsugo.
24 Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, (L)Ang dumirinig ng aking salita, at sumasampalataya sa kaniya na nagsugo sa akin, ay may buhay na walang hanggan, at hindi mapapasok sa paghatol, (M)kundi lumipat na sa kabuhayan mula sa kamatayan.
25 Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Dumarating ang panahon, at ngayon nga, na maririnig (N)ng mga patay (O)ang tinig ng Anak ng Dios; at ang mangakarinig ay mangabubuhay.
26 Sapagka't kung paanong ang Ama ay may buhay sa kaniyang sarili, (P)ay gayon din namang pinagkalooban niya ang Anak na magkaroon ng buhay sa kaniyang sarili:
27 At (Q)binigyan niya siya ng kapamahalaang makahatol, sapagka't siya'y anak ng tao.
28 Huwag ninyong ipanggilalas ito: sapagka't dumarating ang oras, na ang lahat ng nangasa libingan ay makaririnig ng kaniyang tinig,
29 At (R)magsisilabas; ang mga nagsigawa ng mabuti, ay sa pagkabuhay na maguli sa buhay; at ang mga nagsigawa ng masama, ay sa pagkabuhay na maguli sa paghatol.
30 (S)Hindi ako makagagawa ng anoman sa aking sarili: humahatol ako ayon sa aking naririnig: at ang paghatol ko'y matuwid; sapagka't (T)hindi ko pinaghahanap ang aking sariling kalooban, kundi ang kalooban niyaong nagsugo sa akin.
31 Kung ako'y (U)nagpapatotoo sa aking sarili, ang patotoo ko ay hindi katotohanan.
32 (V)Iba ang nagpapatotoo sa akin; at talastas ko na ang patotoong isinasaksi niya sa akin ay totoo.
33 (W)Kayo'y nangagsugo kay Juan, (X)at siya'y nagpatotoo sa katotohanan.
34 Datapuwa't ang patotoo ay hindi mula sa tao: gayon ma'y sinasabi ko ang mga bagay na ito, upang kayo'y mangaligtas.
35 Siya ang ilawang nagniningas at lumiliwanag; at inibig ninyong kayo'y mangagkatuwang sumandali sa kaniyang liwanag.
36 Datapuwa't ang (Y)aking pagpapatotoo ay lalong dakila kay sa kay Juan; sapagka't (Z)ang mga gawang ibinigay sa akin ng aking Ama upang ganapin, ang gayon ding mga gawa na aking ginagawa, ay nagpapatotoo tungkol sa akin, na ako'y sinugo ng Ama.
37 At (AA)ang Ama na nagsugo sa akin, ay siyang nagpatotoo tungkol sa akin. Kailan ma'y hindi ninyo narinig ang kaniyang tinig, (AB)ni hindi man ninyo nakita ang kaniyang anyo.
38 (AC)At kayo'y walang salita niya na nananatili sa inyo: sapagka't hindi kayo nagsisisampalataya sa kaniyang sinugo.
39 Saliksikin ninyo ang mga kasulatan, sapagka't iniisip ninyo na sa mga yaon ay mayroon kayong buhay na walang hanggan; at (AD)ang mga ito'y siyang nangagpapatotoo tungkol sa akin.
40 At ayaw kayong magsilapit sa akin, (AE)upang kayo'y magkaroon ng buhay.
41 Hindi ako tumatanggap ng kaluwalhatiang mula sa mga tao.
42 Datapuwa't nakikilala ko kayo, na kayo'y walang pagibig ng Dios sa inyong sarili.
43 Naparito ako sa pangalan ng aking Ama, at ayaw ninyo akong tanggapin: kung (AF)iba ang pumarito sa kaniyang sariling pangalan, ay siya ninyong tatanggapin.
44 Paanong kayo'y makapananampalataya, kayong nangagtatanggapan sa isa't isa ng kaluwalhatian at hindi ninyo pinaghahanap ang kaluwalhatiang nanggagaling sa tanging Dios?
45 Huwag ninyong isiping (AG)ako ang sa inyo'y magsusumbong sa Ama: may isang magsusumbong sa inyo, sa makatuwid baga'y si Moises, yaong pinaglagakan ninyo ng inyong pagasa.
46 Sapagka't kung kayo'y nagsisisampalataya kay Moises, ay magsisisampalataya kayo sa akin; (AH)sapagka't tungkol sa akin siya'y sumulat.
47 Nguni't kung hindi kayo nagsisipaniwala sa kaniyang mga sulat, ay (AI)paanong magsisisampalataya kayo sa aking mga salita?
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978