M’Cheyne Bible Reading Plan
Si Salomon ay sumamba sa Gabaon.
1 At si Salomon na (A)anak ni David ay tumibay sa kaniyang kaharian, at ang Panginoon niyang Dios ay sumakaniya, at pinadakila siyang mainam.
2 At si Salomon ay nagsalita sa buong Israel, sa mga (B)pinunong kawal ng lilibuhin at dadaanin, at sa mga hukom, at sa bawa't prinsipe sa buong Israel, na mga pangulo ng mga sangbahayan ng mga magulang.
3 Sa gayo'y si Salomon, at ang buong kapisanan na kasama niya, ay naparoon sa (C)mataas na dako na nasa Gabaon; sapagka't nandoon ang tabernakulo ng kapisanan ng Dios, (D)na ginawa sa ilang ni Moises na lingkod ng Panginoon.
4 Nguni't (E)ang kaban ng Dios ay iniahon ni David mula sa (F)Chiriath-jearim hanggang sa dakong pinaghandaan ni David: sapagka't kaniyang ipinagtayo ng tolda sa Jerusalem.
5 Bukod dito'y (G)ang dambanang tanso na ginawa ni (H)Bezaleel na anak ni Uri, na anak ni Hur, ay nandoon sa harap ng tabernakulo ng Panginoon: at doo'y sumangguni si Salomon at ang buong kapisanan.
6 At si Salomon ay sumampa roon sa dambanang tanso sa harap ng Panginoon, na nasa tabernakulo ng kapisanan, at (I)naghandog ng isang libong handog na susunugin doon.
Ang paghingi ng karunungan.
7 (J)Nang gabing yaon ay napakita ang Dios kay Salomon, at nagsabi sa kaniya, Hingin mo kung ano ang ibibigay ko sa iyo.
8 At sinabi ni Salomon sa Dios, Ikaw ay nagpakita ng malaking kagandahang loob kay David na aking ama, at ginawa mo akong hari na kahalili niya.
9 Ngayon, Oh Panginoong Dios, itatag mo ang iyong pangako kay David na aking ama: sapagka't ginawa mo akong hari sa bayang gaya ng alabok ng lupa sa karamihan.
10 Bigyan mo ako ngayon ng karunungan at kaalaman, upang ako'y makapaglabas pumasok sa harap ng bayang ito: sapagka't sinong makahahatol dito sa iyong bayan na totoong malaki?
11 At sinabi ng Dios kay Salomon, Sapagka't ito ang sumaiyong puso, at hindi ka humingi ng kayamanan, pagaari o karangalan o ng buhay man ng nangapopoot sa iyo, o humingi ka kaya ng mahabang buhay; kundi humingi ka ng karunungan at kaalaman sa ganang iyong sarili, upang iyong mahatulan ang aking bayan, na aking pinaggawan sa iyo na hari:
12 Karunungan at kaalaman ay nabigay sa iyo; at bibigyan kita ng kayamanan, at pagaari, at karangalan (K)na walang hari na una sa iyo na nagkaroon ng ganyan, o sinoman ay magkakaroon ng gayong pagkamatay mo.
13 Sa gayo'y dumating si Salomon mula sa (L)mataas na dako na nasa Gabaon, mula sa harap ng tabernakulo ng kapisanan hanggang sa Jerusalem; at siya'y naghari sa Israel.
Ang kaniyang kayamanan.
14 (M)At si Salomon ay nagpisan ng mga karo at mga mangangabayo: at siya'y mayroong (N)isang libo at apat na raang karo, at labing dalawang libong mangangabayo, na kaniyang inilagay sa (O)bayan ng mga karo, at kasama ng hari sa Jerusalem.
15 At ginawa ng hari ang pilak at ginto na maging gaya ng mga bato sa Jerusalem, at ang mga sedro na maging gaya ng mga sikomoro na nangasa mababang lupa dahil sa kasaganaan.
16 At ang mga kabayo na tinatangkilik ni Salomon ay inilabas sa Egipto; ang mga mangangalakal ng hari ay nagsitanggap sa kanila ng mga kawan, na bawa't kawan ay sa halaga.
17 At kanilang iniaahon at inilalabas sa Egipto ang isang karo sa halagang anim na raang siklong pilak, at ang isang kabayo sa isang daan at limangpu: at gayon sa lahat na hari ng mga Hetheo, at sa mga hari sa Siria, kanilang mga inilalabas sa pamamagitan nila.
1 Yaong (A)buhat sa pasimula, yaong aming narinig, (B)yaong nakita ng aming mga mata, (C)yaong aming namasdan, at (D)nahipo ng aming mga kamay, tungkol sa salita ng buhay
2 (at (E)ang buhay ay nahayag, at aming nakita, at (F)pinatotohanan, (G)at sa inyo'y aming ibinabalita ang buhay, ang buhay na walang hanggan, (H)na kasama ng Ama at sa atin ay nahayag);
3 Yaong aming nakita at narinig ay siya rin naming ibinabalita sa inyo, upang kayo naman ay magkaroon ng pakikisama sa amin: oo, at (I)tayo ay may pakikisama sa Ama, at sa kaniyang Anak na si Jesucristo:
4 At ang mga bagay na ito ay aming isinusulat, (J)upang ang ating kagalakan ay malubos.
5 At (K)ito ang pasabing aming narinig sa kaniya at sa inyo'y aming ibinabalita, (L)na ang Dios ay ilaw, at sa kaniya'y walang anomang kadiliman.
6 Kung sinasabi nating (M)tayo'y may pakikisama sa kaniya at (N)nagsisilakad tayo sa kadiliman, ay nangagbubulaan tayo, at hindi tayo nagsisigawa ng katotohanan:
7 Nguni't kung tayo'y nagsisilakad sa liwanag, na gaya niyang nasa liwanag, ay may pakikisama tayo sa isa't isa, at nililinis (O)tayo (P)ng dugo ni Jesus na kaniyang Anak sa lahat ng kasalanan.
8 Kung sinasabi nating tayo'y walang kasalanan, ay ating dinadaya ang ating sarili, at ang katotohanan ay (Q)wala sa atin.
9 Kung ipinahahayag natin ang (R)ating mga kasalanan, ay tapat at banal siya na tayo'y patatawarin sa ating mga kasalanan, at tayo'y lilinisin sa lahat ng kalikuan.
10 Kung sinasabi nating tayo'y hindi nangagkasala, (S)ay ating ginagawang sinungaling siya, at ang kaniyang salita ay wala sa atin.
Ang kasalanang moral ng bansa.
7 Sa aba ko! sapagka't ako'y gaya ng kanilang pisanin ang mga bunga sa (A)taginit, gaya ng mga pamumulot ng ubas sa ubasan: walang kumpol na makain; (B)ako'y nananabik sa unang bunga ng igos.
2 Ang mabuting tao ay namatay (C)sa lupa, at wala nang matuwid sa mga tao: silang lahat ay nagsisibakay upang magbubo ng dugo; hinuhuli ng bawa't isa ang kaniyang kapatid sa pamamagitan ng silo.
3 Ang kanilang mga kamay ay nangasa kasamaan upang sikaping isagawa; (D)ang prinsipe ay humihingi, at (E)ang hukom ay maagap sa suhol; at ang dakilang tao ay nangagsasalita ng masamang hangad ng kaniyang kaluluwa: ganito nila nilalala.
4 Ang pinakamahusay sa kanila (F)ay parang dawag; ang pinakamatuwid ay masama kay sa isang bakod na tinikan: ang araw ng inihula sa iyo ng mga (G)bantay, sa makatuwid baga'y ang araw ng pagdalaw sa iyo, ay dumating; ngayo'y mangatitigilan sila.
5 Huwag kayong magsitiwala sa kalapit bahay; (H)huwag kayong magkatiwala sa kaibigan; ingatan mo ang mga pinto ng inyong bibig sa kaniya na humihiga sa inyong sinapupunan.
6 Sapagka't sinisiraang puri ng anak na lalake (I)ang ama, ang anak na babae ay tumitindig laban sa kaniyang ina, ang manugang na babae ay laban sa kaniyang biyanang babae; ang mga kaaway ng tao ay ang kaniyang sariling kasangbahay.
Ang mga unang kaawaan ng Panginoon ay muling ibibigay.
7 Nguni't sa ganang akin, ako'y titingin sa Panginoon; ako'y maghihintay sa Dios ng aking kaligtasan: didinggin ako ng aking Dios.
8 Huwag kang magalak laban sa akin, Oh aking kaaway: pagka ako'y nabuwal, ako'y babangon; (J)pagka ako'y naupo sa kadiliman, (K)ang Panginoo'y magiging ilaw sa akin.
9 Aking babatahin ang kagalitan ng Panginoon, (L)sapagka't ako'y nagkasala laban sa kaniya, hanggang sa kaniyang ipagsanggalang ang aking usap, at lapatan ako ng kahatulan: (M)kaniyang ilalabas ako sa liwanag, at aking mamasdan ang kaniyang katuwiran.
10 Kung magkagayo'y makikita ng aking kaaway, at kahihiyan ang tatakip sa kaniya, na nagsabi sa akin, (N)Saan nandoon ang Panginoon mong Dios? Makikita ng aking mga mata ang nais ko sa kaniya; siya nga'y yayapakan na parang putik sa mga lansangan.
11 Kaarawan ng pagtatayo ng (O)iyong mga kuta! sa kaarawang yaon ay malalayo ang pasiya.
12 Sa kaarawang yaon ay magsisiparoon sila sa iyo mula sa Asiria at sa mga bayan ng Egipto, at mula sa Egipto hanggang sa ilog, at mula sa dagat at dagat, at sa bundok at bundok.
13 Gayon ma'y masisira ang lupain dahil sa kanila na nagsisitahan doon, dahil sa bunga ng kanilang mga gawa.
14 Pakanin mo ang iyong bayan sa pamamagitan ng iyong tungkod, (P)ang kawan na iyong mana, (Q)na tumatahang magisa, sa (R)gubat sa gitna ng Carmelo: pakanin mo sila sa Basan at sa Galaad, gaya ng mga araw nang una.
15 Gaya ng mga araw ng iyong paglabas sa lupain ng Egipto ay aking pagpapakitaan (S)sila ng mga kagilagilalas na bagay.
16 Makikita ng mga bansa, at mangapapahiya sa buo nilang kapangyarihan; kanilang ilalagay ang kanilang kamay sa kanilang bibig, ang kanilang mga pakinig ay mabibingi.
17 Sila'y magsisihimod sa (T)alabok na parang ahas; parang nagsisiusad na hayop sa lupa sila'y magsisilabas na nagsisipanginig mula sa kanilang mga kulungan; sila'y magsisilapit na may takot sa Panginoon nating Dios, at mangatatakot dahil sa iyo.
18 (U)Sino ang Dios na gaya mo, (V)na nagpapatawad ng kasamaan, at pinalalagpas ang pagsalansang ng nalabi sa kaniyang mana? hindi niya pinipigil ang kaniyang galit ng magpakailan man, sapagka't siya'y nalulugod sa kagandahang-loob.
19 Siya'y muling magtataglay ng habag sa atin; (W)kaniyang yayapakan ang ating kasamaan: at kaniyang ihahagis ang lahat nilang kasalanan sa mga kalaliman ng dagat.
20 Iyong isasagawa (X)ang katotohanan kay Jacob, at ang kagandahang-loob kay Abraham, na iyong isinumpa sa aming mga magulang mula sa mga araw nang una.
16 At sinabi rin naman niya sa mga alagad, May isang taong mayaman, na may (A)isang katiwala; at ito'y isinumbong sa kaniya na siya'y nagsisira ng kaniyang mga pagaari.
2 At tinawag niya siya, at sa kaniya'y sinabi, Ano ito na nababalitaan ko tungkol sa iyo? magbigay sulit ka ng pagiging katiwala; sapagka't hindi ka na maaaring maging katiwala pa.
3 At sinabi ng katiwala sa kaniyang sarili, Anong gagawin ko, yamang inaalis sa akin ng panginoon ko ang pagiging katiwala? Magdukal ng lupa'y wala akong kaya; magpalimos ay nahihiya ako.
4 Nalalaman ko na ang gagawin ko, upang, kung mapaalis ako sa pagiging katiwala, ako ay matanggap nila sa kanilang mga bahay.
5 At pagtawag niya sa bawa't isa sa mga may utang sa kaniyang panginoon, ay sinabi niya sa una, Gaano ang utang mo sa aking panginoon?
6 At sinabi niya, Isang daang takal na langis. At sinabi niya sa kaniya, Abutin mo ang iyong kasulatan, at maupo kang madali at isulat mong limangpu.
7 Nang magkagayon ay sinabi niya sa iba, At ikaw, gaano ang utang mo? At sinabi niya, Isang daang takal na trigo. Sinabi niya sa kaniya, Abutin mo ang iyong kasulatan, at isulat mong walongpu.
8 At pinuri ng kaniyang panginoon ang lilong katiwala, sapagka't siya'y gumawang may katalinuhan: sapagka't (B)ang mga anak ng sanglibutang ito, sa kanilang sariling lahi, ay matatalino kay sa (C)mga anak ng ilaw.
9 At sinabi ko sa inyo, (D)Makipagkaibigan kayo sa pamamagitan ng kayamanan ng kasamaan; upang, kung kayo'y magkulang, (E)ay kanilang tanggapin kayo sa mga walang hanggang tabernakulo.
10 Ang mapagtapat (F)sa kakaunti ay mapagtapat din naman sa marami: at ang di matuwid sa kakaunti ay di rin naman matuwid sa marami.
11 Kung kayo nga'y di naging mapagtapat sa masamang kayamanan, sino nga ang magkakatiwala sa inyo ng mga tunay na kayamanan?
12 At kung di kayo naging mapagtapat sa kayamanan ng iba, sino ang sa inyo'y magbibigay ng sa inyong sarili.
13 Walang (G)aliping makapaglilingkod sa dalawang panginoon: sapagka't kapopootan niya ang isa, at iibigin ang ikalawa; o di kaya'y magtatapat sa isa, at pawawalang halaga ang ikalawa. Hindi kayo makapaglilingkod sa Dios at sa mga kayamanan.
14 At ang mga Fariseo, (H)na pawang maibigin sa salapi, ay nangakikinig ng lahat ng mga bagay na ito; at siya'y tinutuya nila.
15 At sinabi niya sa kanila, Kayo ang (I)nangagaaring-ganap sa inyong sarili sa paningin ng mga tao; datapuwa't nakikilala ng Dios ang inyong mga puso; sapagka't ang dinadakila ng mga tao ay kasuklamsuklam sa paningin ng Dios.
16 Ang kautusan (J)at ang mga propeta ay nanatili hanggang kay Juan: mula noo'y ang evangelio ng kaharian ng Dios ay ipinangangaral, at (K)ang bawa't tao ay pumapasok doon na nagpipilit.
17 Nguni't lubhang (L)magaan pa ang mangawala ang langit at ang lupa, kay sa mahulog ang isang kudlit ng kautusan.
18 Ang bawa't lalaki na inihihiwalay (M)ang kaniyang asawa, at magasawa sa iba, ay nagkakasala ng pangangalunya: at ang magasawa sa babaing inihiwalay ng kaniyang asawa ay nagkakasala ng pangangalunya.
19 Mayroon ngang isang taong mayaman, at siya'y nagdaramit ng kulay ube at maselang lino, at sa araw-araw ay kumakain ng sagana:
20 At isang pulubi na ang pangala'y Lazaro, lipos ng mga sugat, ay inilalagay sa kaniyang pintuan,
21 At naghahangad na mapakain ng mga mumo na nangahuhulog mula sa dulang ng mayaman; oo, at lumapit pati ang mga aso at hinihimuran ang kaniyang mga sugat.
22 At nangyari, na namatay ang pulubi at siya'y dinala ng (N)mga anghel sa (O)sinapupunan ni Abraham: at namatay naman ang mayaman, at inilibing.
23 At sa Hades na nasa mga pagdurusa ay itiningin niya ang kaniyang mga mata, at natanaw sa malayo si Abraham, at si Lazaro ay nasa kaniyang sinapupunan.
24 At siya'y sumigaw at sinabi, (P)Amang Abraham, maawa ka sa akin, at suguin mo si Lazaro, upang itubog niya sa tubig ang dulo ng kaniyang daliri, at palamigin ang aking dila; sapagka't (Q)naghihirap ako sa alab na ito.
25 Datapuwa't sinabi ni Abraham, Anak, (R)alalahanin mo na ikaw ay tumanggap ng iyong mabubuting bagay sa iyong pamumuhay, at si Lazaro sa gayon ding paraan ay masasamang bagay: datapuwa't ngayon, ay inaaliw siya rini, at ikaw ay nasa kahirapan.
26 At bukod sa lahat ng ito, ay may isang malaking banging nakalagay sa pagitan namin at ninyo, upang ang mga magibig tumawid buhat dini hanggang sa inyo ay hindi maari, at gayon din walang makatawid mula diyan hanggang sa amin.
27 At sinabi niya, Ipinamamanhik ko nga sa iyo, ama, na suguin mo siya sa bahay ng aking ama;
28 Sapagka't ako'y may limang kapatid na lalake; upang (S)sa kanila'y patotohanan niya, baka pati sila'y mangaparito sa dakong ito ng pagdurusa.
29 Datapuwa't sinabi ni Abraham, Nasa kanila (T)si Moises at ang mga propeta; bayaang sila'y pakinggan nila.
30 At sinabi niya, Hindi amang Abraham: datapuwa't kung ang isang mula sa mga patay ay makaparoon sa kanila, sila'y mangagsisisi.
31 At sinabi niya sa kaniya, (U)Kung di nila pinakikinggan si Moises at ang mga propeta, ay (V)di rin mangahihikayat sila, kahit ang isa'y magbangon sa mga patay.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978