Print Page Options Listen to Reading
Previous Prev Day Next DayNext

The Daily Audio Bible

This reading plan is provided by Brian Hardin from Daily Audio Bible.
Duration: 731 days

Today's audio is from the NLT. Switch to the NLT to read along with the audio.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
1 Cronica 28-29

Ang talumpati ni David.

28 At pinulong ni (A)David ang lahat na prinsipe sa Israel, ang mga (B)prinsipe ng mga lipi, at (C)ang mga punong kawal ng mga pulutong na nagsisipaglingkod sa hari ayon sa halinhinan, at ang mga punong kawal ng lilibuhin, at ang mga punong kawal ng dadaanin, at ang mga (D)katiwala sa lahat ng tinatangkilik at pagaari ng hari at ng kaniyang mga anak, na kasama ng mga pinuno at ng mga makapangyarihang lalake, lahat na (E)makapangyarihang lalaking matapang, sa Jerusalem.

Nang magkagayo'y tumayo si David na hari sa kaniyang mga paa, at nagsabi, Dinggin ninyo ako: mga kapatid ko, at bayan ko (F)sa ganang akin, na sa aking puso ang ipagtayo ng isang bahay na pahingahan ang kaban ng tipan ng Panginoon, at (G)upang tungtungan ng mga paa ng ating Dios; at ako'y humanda sa pagtatayo.

Nguni't sinabi ng Dios sa akin, (H)Huwag mong ipagtatayo ng bahay ang aking pangalan, sapagka't ikaw ay lalaking mangdidigma, at nagbubo ka ng dugo.

Gayon ma'y pinili ako ng Panginoon, ng Dios ng Israel, sa buong sangbahayan ng aking ama upang maging hari sa Israel (I)magpakailan man: sapagka't kaniyang pinili ang Juda upang maging pangulo: at sa sangbahayan ng Juda, ang (J)sangbahayan ng aking ama; at sa gitna ng mga anak ng aking ama ay kinaluguran niya ako upang gawin akong hari sa buong Israel:

(K)At sa lahat ng aking mga anak (sapagka't binigyan ako ng Panginoon ng maraming anak,) pinili niya si Salomon na aking anak upang umupo sa luklukan ng kaharian ng Panginoon sa Israel.

At kaniyang sinabi sa akin, (L)Si Salomon na iyong anak ay siyang magtatayo ng aking bahay at ng aking mga looban; sapagka't aking pinili siya upang maging anak ko, at ako'y magiging kaniyang ama.

At aking itatatag ang kaniyang kaharian magpakailan man, kung kaniyang pamamalagiang sundin ang aking mga utos at ang aking mga kahatulan, gaya sa araw na ito.

Ngayon nga'y sa paningin ng buong Israel, ng kapisanan ng Panginoon, at sa pakinig ng ating Dios, sundin at suriin ang lahat na utos ng Panginoon ninyong Dios: upang inyong ariin ang mabuting lupaing ito, at maiwang pinakamana sa inyong mga anak pagkamatay ninyo, magpakailan man.

At ikaw, Salomon na aking anak, (M)kilalanin mo ang Dios ng iyong ama, at paglingkuran mo siya ng (N)sakdal na puso at ng kusang pagiisip: sapagka't sinasaliksik ng (O)Panginoon ang lahat na puso, at naaalaman ang lahat na akala ng pagiisip: kung iyong hanapin siya, ay masusumpungan siya sa iyo; nguni't (P)kung pabayaan mo siya, kaniyang itatakwil ka magpakailan man.

10 Magingat ka ngayon; sapagka't pinili ka ng Panginoon upang ipagtayo mo ng bahay ang santuario; magpakalakas ka, at gawin mo.

Ibinigay ni David kay Salomon ang anyo ng gagawing templo.

11 Nang magkagayo'y (Q)ibinigay ni David kay Salomon na kaniyang anak ang anyo ng (R)portiko ng templo, at ng mga (S)kabahayan niyaon, at ng mga ingatang-yaman niyaon, at ng mga mataas na silid niyaon, at ng mga pinakaloob na silid niyaon, at ng dakong luklukan ng awa:

12 At ang anyo ng lahat na kaniyang naisip sa pamamagitan ng Espiritu tungkol sa mga looban ng bahay ng Panginoon, at tungkol sa lahat ng (T)silid sa palibot, (U)tungkol sa mga ingatang-yaman ng bahay ng Dios, at tungkol sa mga ingatang-yaman ng mga natalagang bagay:

13 Tungkol din naman sa mga (V)bahagi ng mga saserdote at ng mga (W)Levita, at tungkol sa lahat na gawain sa paglilingkod sa bahay ng Panginoon, at tungkol sa lahat na kasangkapan na ipinaglilingkod sa bahay ng Panginoon.

14 Sa ginto na ang timbang na ukol sa mga kasangkapang ginto, sa lahat na kasangkapan ng sarisaring paglilingkod; sa pilak na ukol sa lahat ng kasangkapan na pilak ang timbang, sa lahat na kasangkapan ng sarisaring paglilingkod:

15 Na ang timbang din naman na ukol sa mga (X)kandelero na ginto, at sa mga (Y)ilawan niyaon, na ginto: na ang timbang sa bawa't kandelero at sa mga ilawan niyaon: at sa mga kandelerong pilak, pilak na ang timbang sa bawa't kandelero, at sa mga ilawan niyaon, ayon sa kagamitan sa bawa't kandelero:

16 At ang ginto na ang timbang na ukol sa mga dulang ng tinapay na handog, na ukol sa bawa't dulang; at pilak na ukol sa mga dulang na pilak:

17 At ang mga (Z)panduro, at ang mga mangkok, at ang mga saro, na taganas na ginto: at sa mga gintong taza ay ang timbang sa bawa't taza; at sa mga pilak na taza ay ang timbang sa bawa't taza;

18 At sa (AA)dambana ng kamangyan ay gintong dalisay ayon sa timbang: at ginto sa anyo ng karo, sa makatuwid baga'y (AB)ang mga querubin na nakabuka ang mga pakpak at lumililim sa kaban ng tipan ng Panginoon.

19 Lahat ng ito'y, sabi ni David, (AC)aking naalaman sa sulat na mula sa kamay ng Panginoon, sa makatuwid baga'y lahat ng gawain sa anyong ito.

Ang katapusang bilin.

20 At sinabi ni David kay Salomon na kaniyang anak, Ikaw ay magpakalakas at magpakatapang, at gawin mo: huwag kang matakot, o manglupaypay man; sapagka't ang Panginoong Dios, na aking Dios, ay (AD)sumasaiyo; hindi ka niya iiwan, o pababayaan man, hanggang sa ang lahat na gawain sa paglilingkod sa bahay ng Panginoon ay matapos.

21 (AE)At, narito, may mga bahagi sa mga saserdote at sa mga Levita, na ukol sa lahat na paglilingkod sa bahay ng Dios: at magkakaroon sa iyo sa lahat ng sarisaring gawain ng bawa't may kusang kaloobang tao (AF)na bihasa sa sarisaring paglilingkod: ang mga punong kawal naman at ang buong bayan ay lubos na sasa iyong utos.

Mga inihandang gagamitin sa pagtatayo ng templo.

29 At sinabi ni David na hari sa buong kapisanan, Si Salomon na aking anak na siya lamang pinili ng Dios (AG)ay bata pa at sariwa, at ang gawain ay malaki; sapagka't ang templo ay hindi ukol sa tao, kundi sa Panginoong Dios.

Akin ngang ipinaghanda ng aking buong kaya ang bahay ng aking Dios, ng ginto na ukol sa mga bagay na ginto, at ng pilak na ukol sa mga bagay na pilak, at ng tanso na ukol sa mga bagay na tanso, ng bakal na ukol sa mga bagay na bakal, at ng kahoy na ukol sa mga bagay na kahoy; ng mga (AH)batong onix, at mga batong pangkalupkop, ng mga batong panggayak, at may sarisaring kulay, at ng lahat na sarisaring mahalagang bato, at ng mga batong marmol na sagana.

Bukod din naman dito, sapagka't aking inilagak ang aking loob sa bahay ng aking Dios, na yamang may tinatangkilik ako na aking sariling ginto at pilak, ay aking ibinibigay sa bahay ng aking Dios, bukod sa lahat na aking inihanda na ukol sa banal na bahay;

Sa makatuwid baga'y (AI)tatlong libong talentong ginto, na ginto sa (AJ)Ophir, at pitong libong talentong dalisay na pilak upang ibalot sa mga panig ng mga bahay:

Ginto na ukol sa mga bagay na ginto, at pilak na ukol sa mga bagay na pilak at sa lahat na sarisaring gawain na yayariin ng mga kamay ng mga manggagawa. Sino nga ang naghahandog na kusa upang magtalaga sa Panginoon sa araw na ito?

Ang handog ng mga magulang, ng mga prinsipe at pinunong kawal sa gawain ng hari.

(AK)Nang magkagayo'y naghandog na kusa ang mga prinsipe ng mga sangbahayan ng mga magulang, at ang mga prinsipe ng mga lipi ng Israel, at ang mga pinunong kawal ng lilibuhin at ng dadaanin, pati ng mga (AL)tagapamahala sa gawain ng hari;

At ibinigay nila sa paglilingkod sa bahay ng Dios, ay ginto, na limang libong talento, at sangpung libong (AM)dariko, at pilak na sangpung libong talento, at tanso na labing walong libong talento, at bakal na isang daang libong talento.

At sila'y nangasumpungang may mga mahalagang bato ay nagsipagbigay sa kayamanan ng bahay ng Panginoon, sa ilalim ng kapangyarihan ng kamay ni Jehiel na Gersonita.

Nang magkagayo'y nagalak ang bayan, dahil sa sila'y nangaghandog na kusa, sapagka't sila'y may dalisay na puso na (AN)nangaghandog na kusa sa Panginoon: at si David naman na hari ay nagalak ng dakilang pagkagalak.

Ang pagpapasalamat ni David.

10 Kaya't pinuri ni David ang Panginoon sa harap ng buong kapisanan; at sinabi ni David, (AO)Purihin ka, Oh Panginoon, na Dios ng Israel na aking ama, magpakailan kailan man.

11 Iyo, Oh Panginoon ang (AP)kadakilaan, at ang (AQ)kapangyarihan, at ang kaluwalhatian, at ang pagtatagumpay, at ang karangalan: sapagka't lahat na nangasa langit at nangasa lupa ay iyo: iyo ang kaharian, Oh Panginoon, at ikaw ay nataas na pangulo sa lahat.

12 (AR)Ang mga kayamanan at gayon din ang karangalan ay nangagmumula sa iyo, at ikaw ang nagpupuno sa lahat; at (AS)nasa iyong kamay ang kapangyarihan at kalakasan; at nasa iyong kamay ang pagpapadakila, at pagpapalakas sa lahat.

13 Kaya't ngayon, aming Dios, kami ay napasasalamat sa iyo, at aming pinupuri ang iyong maluwalhating pangalan.

14 Nguni't sino ako, at ano ang aking bayan, na makapaghahandog na ganyang kusa ayon sa ganitong paraan? sapagka't ang lahat na bagay ay nangagmumula sa iyo, at ang iyong sarili ay aming ibinigay sa iyo.

15 (AT)Sapagka't kami ay mga taga ibang lupa sa harap mo, at mga nakikipamayan, gaya ng lahat naming mga magulang: (AU)ang aming mga kaarawan sa lupa ay gaya ng anino, at hindi nagtatagal.

16 Oh Panginoon naming Dios, lahat ng bagay na ito na aming inihanda upang ipagtayo ka ng bahay na ukol sa iyong banal na pangalan ay nangagmumula sa iyong kamay, at iyong sariling lahat.

17 Talastas ko rin, Dios ko na iyong (AV)sinusubok ang puso, at nalulugod sa katuwiran. Sa ganang akin, sa katuwiran ng aking puso ay aking inihandog na kusa ang lahat na bagay na ito: at ngayo'y nakita kong may kagalakan ang iyong bayan na nahaharap dito, na naghahandog na kusa sa iyo.

18 Oh Panginoon, na Dios ni Abraham, ni Isaac, at ni Israel na aming mga magulang, ingatan mo ito magpakailan man sa (AW)akala ng mga pagiisip ng puso ng iyong bayan, at (AX)ihanda mo ang kanilang puso sa iyo:

19 At bigyan mo naman si Salomon na aking anak ng (AY)sakdal na puso, upang ingatan ang iyong mga utos, ang iyong mga patotoo, at ang iyong mga palatuntunan, at upang gawin ang lahat na bagay na ito, at upang itayo ang (AZ)templo, na siyang (BA)aking ipinaghanda.

Nagsunog ng handog.

20 At sinabi ni David sa buong kapisanan, Ngayo'y purihin ninyo ang Panginoon ninyong Dios. At ang buong kapisanan ay (BB)pumuri sa Panginoon, sa Dios ng kanilang mga magulang, at (BC)iniyukod ang kanilang mga ulo, at sumamba sa Panginoon, at sa hari.

21 At sila'y nagsipaghain ng mga hain sa Panginoon, at nagsipaghandog sa Panginoon ng mga handog na susunugin sa kinabukasan, pagkatapos nang araw na yaon, sa makatuwid baga'y isang libong baka, at isang libong tupang lalake, at isang libong kordero, pati ng mga (BD)inuming handog na ukol sa mga yaon, at ng mga hain na sagana ukol sa buong Israel;

Si Salomon ay ginawang hari.

22 At nagkainan at naginuman sa harap ng Panginoon nang araw na yaon na may malaking kasayahan. At kanilang ginawang hari na (BE)ikalawa si Salomon na anak ni David, at pinahiran ng langis siya (BF)sa Panginoon upang maging pangulo, at si Sadoc upang maging saserdote.

23 Nang magkagayo'y naupo si Salomon sa luklukan ng Panginoon na pinaka hari na kahalili ni David na kaniyang ama, at guminhawa; at ang buong Israel ay tumalima sa kaniya.

24 At ang lahat na prinsipe at mga matapang na lalake, at ang lahat ding anak ng haring David, ay sumailalim ng kapangyarihan ng haring Salomon.

25 At pinadakilang mainam ng Panginoon si Salomon sa paningin ng buong Israel, at (BG)isinakaniya ang gayong karangalang pagkahari na hindi napasa kanino mang hari na nauna sa kaniya sa Israel.

Ang pamamahala ni David at kamatayan.

26 Si David nga na anak ni Isai ay naghari sa buong Israel.

27 At ang panahon na kaniyang ipinaghari sa Israel ay (BH)apat na pung taon; (BI)pitong taon na naghari siya sa Hebron, at tatlong pu't tatlong taon na naghari siya sa Jerusalem.

28 At siya'y namatay sa mabuting katandaan, puspus ng mga araw, mga kayamanan, at karangalan: at si Salomon na kaniyang anak ay naghari na kahalili niya.

29 Ang mga gawa nga ni David na hari, na una at huli, narito, nangasusulat sa kasaysayan ni (BJ)Samuel na tagakita, at sa kasaysayan ni (BK)Nathan na propeta, at sa kasaysayan ni (BL)Gad na tagakita;

30 Pati ng buo niyang paghahari, at kaniyang kapangyarihan (BM)at ang mga panahong dinaanan niya, at ng Israel, at ng lahat ng mga kaharian ng mga lupain.

Roma 5:6-21

Sapagka't (A)nang tayo ay mahihina pa ay (B)namatay si Cristo sa kapanahunan dahil sa mga masama.

Sapagka't ang isang tao'y bahagya nang mamatay dahil sa isang taong matuwid: bagama't dahil sa isang taong mabuti marahil ay may mangangahas mamatay.

Datapuwa't ipinagtatagubilin ng Dios ang kaniyang pagibig sa atin, na nang tayo'y mga makasalanan pa, si Cristo ay namatay dahil sa atin.

Lubha pa nga ngayong inaaring-ganap (C)sa pamamagitan ng kaniyang dugo, ay mangaliligtas tayo (D)sa galit ng Dios sa pamamagitan niya.

10 Sapagka't (E)kung, noong tayo'y mga kaaway (F)ay pinakipagkasundo tayo sa Dios sa pamamagitan ng kamatayan ng kaniyang Anak, lubha pa, ngayong nangagkakasundo na, ay mangaliligtas tayo (G)sa kaniyang buhay;

11 At hindi lamang gayon, kundi tayo'y nangagagalak naman sa Dios sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesucristo, na sa pamamagitan niya'y tinamo natin ngayon ang pagkakasundo.

12 Kaya, (H)kung paano na sa pamamagitan ng isang tao ay pumasok ang kasalanan sa sanglibutan, at ang kamataya'y (I)sa pamamagitan ng kasalanan; at sa ganito'y ang kamatayan ay naranasan ng lahat ng mga tao, sapagka't ang lahat ay nangagkasala:—

13 Sapagka't ang kasalanan ay nasa sanglibutan hanggang sa dumating ang kautusan: nguni't (J)hindi ibinibilang ang kasalanan kung walang kautusan.

14 Bagaman ang kamatayan ay naghari mula kay Adam hanggang kay Moises, kahit doon sa hindi nangagkasala man ng tulad sa pagsalangsang ni Adam, (K)na siyang anyo niyaong darating.

15 Datapuwa't gayon din ang kaloob na walang bayad ay hindi gaya ng pagsuway. Sapagka't kung sa pagsuway ng isa ay nangamatay ang marami, lubha pang sumagana sa marami ang biyaya ng Dios, at ang kaloob dahil sa biyaya ng isang lalaking si Jesucristo.

16 At ang kaloob ay hindi gaya ng nangyari sa pamamagitan ng isang nagkasala: sapagka't ang kahatulan ay dumating sa isa sa ipagdurusa, datapuwa't ang kaloob na walang bayad ay dumating sa maraming pagsuway sa ikaaaring ganap.

17 Sapagka't kung, sa pagsuway ng isa, ay naghari ang kamatayan sa pamamagitan ng isa; lubha pang magsisipaghari sa buhay ang nagsisitanggap ng kasaganaan ng biyaya at kaloob ng katuwiran sa pamamagitan ng isa, sa makatuwid baga'y si Jesucristo.

18 Kaya kung paanong sa pamamagitan ng isang pagsuway ay dumating ang hatol sa lahat ng mga tao sa ipagdurusa; gayon din naman sa pamamagitan ng isang gawa ng katuwiran, ang kaloob na walang bayad ay dumating (L)sa lahat ng mga tao sa (M)ikaaaring-ganap ng buhay.

19 Sapagka't kung paanong sa pamamagitan ng pagsuway ng isang tao ang marami ay naging mga makasalanan, gayon din sa pamamagitan ng pagtalima ng isa ang marami ay magiging mga matuwid.

20 At bukod sa rito ay pumasok (N)ang kautusan, upang ang pagsuway ay makapanagana; datapuwa't kung saan nanagana ang kasalanan, ay (O)nanaganang lubha ang biyaya:

21 Upang, kung paanong ang kasalanan ay naghari sa ikamamatay, ay gayon din naman (P)ang biyaya ay makapaghahari sa pamamagitan ng katuwiran sa (Q)ikabubuhay na walang hanggan sa pamamagitan ni Jesucristo na Panginoon natin.

Mga Awit 15

Ang mamamayan sa banal na Bundok. Awit ni David.

15 Panginoon, sinong makapanunuluyan sa iyong tabernakulo?
(A)Sinong tatahan sa iyong banal na (B)bundok?
Siyang lumalakad na matuwid, at gumagawa ng katuwiran,
At (C)nagsasalita ng katotohanan sa kaniyang puso.
(D)Siyang hindi naninirang puri ng kaniyang dila,
Ni gumagawa man ng kasamaan sa kaniyang kaibigan,
Ni dumudusta man sa kaniyang kapuwa.
Na sa mga mata niya ay nasisiphayo ang masama;
Kundi siyang nagbibigay puri sa mga natatakot sa Panginoon,
(E)Siyang sumusumpa sa kaniyang sariling ikasasama at hindi nagbabago,
(F)Siyang hindi naglalabas ng kaniyang salapi sa patubo, (G)Ni kumukuha man ng suhol laban sa walang sala.
Siyang gumagawa ng mga bagay na ito ay hindi makikilos kailan man.

Mga Kawikaan 19:18-19

18 (A)Parusahan mo ang iyong anak, dangang may pagasa;
At huwag mong ilagak ang iyong puso sa kaniyang ikapapahamak.
19 Ang taong may malaking poot ay magtataglay ng parusa:
Sapagka't kung iyong iligtas iyong marapat na gawin uli.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978