The Daily Audio Bible
Today's audio is from the CEB. Switch to the CEB to read along with the audio.
Paghahanda upang ilipat ang kaban.
15 At gumawa si David ng mga bahay sa bayan ni David; at ipinaghanda niya ng isang dako ang kaban ng Dios, at[a] ipinaglagay roon ng isang tolda.
2 Nang magkagayo'y sinabi ni David, Walang makapagdadala ng kaban ng Dios kundi (A)ang mga Levita: sapagka't sila ang pinili ng Panginoon upang magsipagdala ng kaban ng Dios, at upang mangasiwa sa kaniya magpakailan man.
3 At (B)pinisan ni David ang buong Israel sa Jerusalem, upang iahon ang kaban ng Panginoon sa dakong pinaghandaan.
4 At pinisan ni David ang mga anak ni Aaron, at ang mga Levita:
5 Sa mga anak ni (C)Coath: si Uriel na pinuno, at ang kaniyang mga kapatid, isang daan at dalawangpu;
6 Sa mga anak ni Merari: si Asaias na pinuno, at ang kaniyang mga kapatid, dalawang daan at dalawangpu;
7 Sa mga anak ni Gersom: si Joel na pinuno, at ang kaniyang mga kapatid, isang daan at tatlongpu;
8 Sa mga anak ni (D)Elisaphan: si Semeias na pinuno, at ang kaniyang mga kapatid, dalawang daan:
9 Sa mga anak ni (E)Hebron: si Eliel na pinuno, at ang kaniyang mga kapatid, walongpu;
10 Sa mga anak ni Uzziel: si Aminadab na pinuno, at ang kaniyang mga kapatid, isang daan at labing dalawa.
11 At ipinatawag ni David si (F)Sadoc at si Abiathar na mga saserdote, at ang mga Levita, si Uriel, si Asaias, at si Joel, si Semeias, at si Eliel, at si Aminadab,
12 At sinabi sa kanila, Kayo ang mga pinuno sa mga sangbahayan ng mga magulang ng mga Levita: magpakabanal kayo, at gayon din ang inyong mga kapatid, upang inyong maiahon ang kaban ng Panginoon, ng Dios ng Israel, hanggang sa dakong aking pinaghandaan.
13 Sapagka't (G)dahil sa hindi ninyo dinala nang una, ang Panginoon nating Dios ay nagalit sa atin, sapagka't hindi natin hinanap siya ayon sa utos.
14 Sa gayo'y ang mga saserdote at ang mga Levita ay nagpakabanal, upang iahon ang kaban ng Panginoon, ng Dios ng Israel.
15 At pinisan ng mga anak ng mga Levita ang kaban ng Dios sa kanilang mga balikat sa pamamagitan ng mga (H)pingga niyaon, gaya (I)ng iniutos ni Moises ayon sa salita ng Panginoon.
Ang kaban ay dinala ng mga Levita sa Jerusalem.
16 At si David ay nagsalita sa pinuno ng mga Levita, na ihalal ang kanilang mga kapatid na mangaawit, na may mga panugtog ng tugtugin, mga salterio, at mga alpa, at mga simbalo, upang magsitugtog ng malakas, at maglakas ng tinig na may kagalakan.
17 Sa gayo'y inihalal ng mga Levita (J)si Heman na anak ni Joel; at sa kaniyang mga kapatid (K)ay si Asaph na anak ni Berechias; at sa mga anak ni Merari na kanilang mga kapatid (L)ay si Ethan na anak ni Cusaias;
18 At kasama nila, ang kanilang mga kapatid sa ikalawang hanay, si Zacharias, si Ben, at si Jaaziel, at si Semiramoth, at si Jehiel, at si Unni, si Eliab, at si Benaias, at si Maasias, at si Mathithias, at si Eliphelehu, at si Micnias, at si Obed-edom, at si Jehiel, na mga tagatanod-pinto.
19 Sa gayo'y ang mga mangaawit, si Heman, si Asaph, at si Ethan, ay nangahalal na may mga simbalong tanso upang patunuging malakas;
20 At si Zacharias, at si Jaaziel, at si Semiramoth, at si Jehiel, at si Unni, at si Eliab, at si Maasias, at si Benaias, na may mga salterio na (M)itinugma sa Alamoth;
21 At si Mathithias, at si Eliphelehu, at si Micnias, at si Obed-edom, at si Jehiel, at si Azazias, na may mga alpa na itinugma sa Seminit, upang magayos sa pagawit.
22 At si Chenanias, na pinuno ng mga Levita, nasa pamamahala sa awitan: siya ang nagtuturo tungkol sa pagawit, sapagka't siya'y bihasa.
23 At si Berechias, at si Elcana ay mga tagatanod sa kaban.
24 At si Sebanias, at si Josaphat, at si Nathanael, at si Amasai, at si Zacharias, at si Benaias at si Eliezer na mga saserdote, ay (N)nagsihihip ng mga pakakak sa harap ng Dios: at si Obed-edom, at si Jehias ay mga tagatanod sa kaban.
25 (O)Sa gayo'y si David, at ang mga matanda sa Israel, at ang mga punong kawal sa mga lilibuhin, ay nagsiyaon upang iahong may sayahan ang kaban ng tipan ng Panginoon mula sa bahay ni Obed-edom:
26 At nangyari, na pagka tinulungan ng Dios ang mga Levita na nangagdadala ng kaban ng tipan ng Panginoon, na sila'y naghahain ng pitong baka at pitong tupa.
27 At si David ay nababalot ng isang balabal na mainam na kayong (P)lino, at ang lahat na Levita na nagsisipasan ng kaban, at ang mga mangaawit, at si Chenanias na tagapagturo ng awit na kasama ng mga mangaawit: at si David ay mayroong isang epod na lino.
28 Gayon iniahon ng buong Israel ang kaban ng tipan ng Panginoon na may mga hiyawan, at may mga tunog ng korneta, at mga pakakak, at may mga simbalo, na tumutunog ng malakas na may mga salterio at mga alpa.
29 (Q)At nangyari, samantalang ang kaban ng tipan ng Panginoon ay dumarating sa bayan ni David, na si Michal na anak ni Saul ay tumanaw sa dungawan, at nakita niya ang haring David na sumasayaw at tumutugtog; at kaniyang niwalang kabuluhan siya sa kaniyang puso.
Naghandog ng mga handog na susunugin.
16 At kanilang ipinasok ang kaban ng Dios, at inilagay sa gitna ng tolda na itinayo ni David para roon: at sila'y nagsipaghandog ng mga handog na susunugin, at mga handog tungkol sa kapayapaan sa harap ng Dios.
2 At nang si David ay makatapos na maghandog ng handog na susunugin at ng mga handog tungkol sa kapayapaan, ay kaniyang binasbasan ang bayan sa pangalan ng Panginoon.
3 At siya'y nagbigay sa bawa't isa sa Israel, sa lalake at gayon din sa babae, sa bawa't isa ng isang tinapay, at ng isang bahaging laman, at isang binilong pasas.
4 At siya'y naghalal ng ilan sa mga Levita upang (R)magsipangasiwa sa harap ng kaban ng Panginoon, at upang magsipagdiwang at magagpasalamat, at mangagpuri sa Panginoon, sa Dios ng Israel:
5 (S)Si Asaph ang pinuno, at ang ikalawa niya'y si Zacharias, si Jeiel, at si Semiramoth, at si Jehiel, at si Eliab, at si Benaias, at si Obed-edom, at si Jeiel, na may mga salterio at mga alpa; at si Asaph na may mga simbalo, na tumutunog ng malakas;
6 At si Benaias at si Jahaziel na mga saserdote na mga may pakakak na palagi, sa harap ng kaban ng tipan ng Dios.
7 Nang magkagayo'y nang araw na yao'y unang iniutos ni David ang (T)magpasalamat sa Panginoon, sa pamamagitan ng kamay ni Asaph at ng kaniyang mga kapatid.
Ang awit ng pagpapasalamat.
8 (U)Oh kayo'y mangagpasalamat sa Panginoon, magsitawag kayo sa kaniyang pangalan;
(V)Ipakilala ninyo sa mga bayan ang kaniyang mga gawa.
9 Magsiawit kayo sa kaniya, magsiawit kayo ng mga pagpuri sa kaniya;
Salitain ninyo ang lahat niyang mga kamanghamanghang gawa.
10 Mangagpakaluwalhati kayo sa kaniyang banal na pangalan:
Mangagalak ang puso niyaong nagsisihanap sa Panginoon.
11 Hanapin ninyo ang Panginoon at ang kaniyang lakas;
Hanapin ninyo ang kaniyang mukha na palagi.
12 Alalahanin ninyo ang kaniyang kamanghamanghang mga gawa na kaniyang ginawa;
Ang kaniyang mga kababalaghan, at ang mga kahatulan ng kaniyang bibig;
13 Oh kayong binhi ng Israel na kaniyang lingkod,
Kayong mga anak ni Jacob na kaniyang pinili.
14 Siya ang Panginoon nating Dios;
(W)Ang kaniyang mga kahatulan ay nasa sangkalupaan.
15 Alalahanin ninyo ang kaniyang tipan magpakailan man,
Ang salita na kaniyang iniutos sa libolibong sali't saling lahi;
16 (X)Ang tipan na kaniyang ginawa kay Abraham,
At ang kaniyang sumpa kay Isaac:
17 At pinatotohanan din kay Jacob na pinaka palatuntunan,
Kay Israel na pinaka walang hanggang tipan:
18 Na sinasabi, (Y)Sa iyo'y ibibigay ko ang lupain ng Canaan,
Ang kapalaran ng inyong mana:
19 Noong kayo'y kakaunting tao sa bilang;
Oo, totoong kaunti, at nangakikipamayan doon;
20 At sila'y nagsiyaon sa bansa at bansa,
At mula sa isang kaharian hanggang sa ibang bayan.
21 Hindi niya tiniis na gawan sila nino man ng kasamaan;
Oo, kaniyang sinaway ang mga hari dahil sa kanila;
22 Na sinasabi, Huwag ninyong galawin ang aking mga pinahiran ng langis,
At huwag ninyong saktan ang aking mga propeta.
23 (Z)Kayo'y magsiawit sa Panginoon, buong lupa,
Ihayag ninyo ang kaniyang pagliligtas sa araw-araw.
24 Ipahayag ninyo ang kaniyang kaluwalhatian sa gitna ng mga bansa,
Ang kaniyang mga kamanghamanghang gawa sa gitna ng lahat ng mga bayan.
25 Sapagka't dakila ang Panginoon, at marapat na purihing mainam:
Siya rin nama'y marapat na katakutan (AA)ng higit sa lahat na dios.
26 Sapagka't lahat ng dios ng mga bayan ay mga diosdiosan:
Nguni't nilikha ng Panginoon ang mga langit.
27 Karangalan at kamahalan ang nangasa harap niya:
Kalakasan at kasayahan ang nangasa kaniyang tahanan.
28 Mangagbigay kayo sa Panginoon, kayong mga angkan ng mga bayan,
Mangagbigay kayo sa Panginoon ng kaluwalhatian at ng kalakasan.
29 Inyong ibigay sa Panginoon ang kaluwalhatiang marapat sa kaniyang pangalan:
Mangagdala kayo ng handog, at magsiparoon kayo sa harap niya:
Inyong sambahin ang Panginoon sa (AB)ganda ng kabanalan.
30 Manginig sa harap niya ang buong lupa:
Ang sanglibutan nama'y natatatag na hindi makikilos.
31 Mangagsaya ang mga langit, at magalak ang lupa;
At sabihin nila sa gitna ng mga bansa, Ang Panginoon ay naghahari.
32 (AC)Umugong ang dagat at ang kapunuan niyaon;
Matuwa ang parang at ang lahat na nandoon;
33 Kung magkagayo'y aawit ang mga puno ng kahoy sa gubat dahil sa kagalakan sa harap ng Panginoon,
Sapagka't siya'y naparirito upang hatulan ang lupa.
34 Oh mangagpasalamat kayo sa Panginoon; sapagka't siya'y mabuti:
Sapagka't ang kaniyang kaawaan ay magpakailan man.
35 (AD)At sabihin ninyo, Iligtas mo kami, Oh Dios ng aming kaligtasan,
At pisanin mo kami, at iligtas mo kami sa mga bansa,
Upang kami ay pasalamat sa iyong banal na pangalan,
At magtagumpay sa iyong kapurihan.
36 (AE)Purihin ang Panginoon, ang Dios ng Israel,
Mula sa walang pasimula hanggang sa walang hanggan.
At sinabi ng (AF)buong bayan, Siya nawa: at pinuri ang Panginoon.
18 Sapagka't ang poot ng Dios (A)ay nahahayag mula sa langit laban sa lahat na kasamaan at kalikuan ng mga tao, na mga sinasawata ang katotohanan ng kalikuan;
19 Sapagka't (B)ang nakikilala tungkol sa Dios ay hayag sa kanila; sapagka't ito'y ipinahayag ng Dios sa kanila.
20 Sapagka't ang mga bagay niyang hindi nakikita buhat pa nang lalangin ang sanglibutan ay nakikitang maliwanag, sa pagkatanto sa pamamagitan ng mga bagay na ginawa niya, maging ang walang hanggan niyang kapangyarihan at pagka Dios; upang sila'y (C)walang madahilan:
21 Sapagka't kahit kilala nila ang Dios, siya'y hindi niluwalhati nilang tulad sa Dios, ni pinasalamatan; kundi bagkus (D)niwalang kabuluhan sa kanilang mga pagmamatuwid at ang mangmang nilang puso ay pinapagdilim.
22 Ang mga nangagmamarunong ay naging mga mangmang,
23 At pinalitan nila ang kaluwalhatian ng Dios na hindi nasisira, ng isang katulad (E)ng larawan ng tao na nasisira, at ng mga ibon, at ng mga hayop na may apat na paa, at ng mga nagsisigapang.
24 Dahil dito'y sa karumihan ng mga pita ng kanilang mga puso ay ibinigay sila ng (F)Dios sa kahalayan, (G)upang alisan nila ng puri ang kanilang mga katawan sa kanikanilang sarili:
25 Sapagka't pinalitan nila ang katotohanan ng Dios (H)ng kasinungalingan, at sila'y nagsisamba at nangaglingkod sa nilalang kay sa Lumalang, na siyang pinupuri magpakailan man. Siya nawa.
26 Dahil dito'y ibinigay sila ng Dios sa mga mahahalay na pita: sapagka't pinalitan ng kanilang mga babae ang katutubong kagamitan niyaong nalalaban sa katutubo:
27 At gayon din naman ang mga lalake, na nang iwan na ang katutubong kagamitan sa mga babae, ay nangagningas sa kanilang karumihan ng pita ang isa't isa, na gumagawa ng kahalayan ang mga lalake sa mga kapuwa lalake, at tumatanggap sa kanilang sarili ng kagantihan ng kanilang pagkakamali.
28 At palibhasa'y hindi nila minagaling na kilalanin ang Dios, ibinigay sila ng (I)Dios sa isang mahalay na pagiisip, upang gawin yaong mga bagay na hindi nangararapat;
29 Nangapuspus sila ng buong kalikuan, ng kasamaan, ng kasakiman, ng kahalayan; puspos ng kapanaghilian, ng pagpatay sa kapuwa tao, ng pagtatalo, ng pagdaraya, ng mga kasamaan; mga mapagupasala,
30 Mga mapanirang puri, mga napopoot sa Dios, mga manglalait, mga palalo, mga mapagmapuri, mga mangangatha ng mga kasamaan, mga masuwayin sa mga magulang,
31 Mga haling, mga hindi tapat sa tipanan, mga walang katutubong paggiliw, mga walang habag:
32 Na, (J)bagama't nalalaman nila ang kautusan ng Dios, na ang mga nagsisigawa ng gayong mga bagay (K)ay mga karapatdapat sa kamatayan, ay hindi lamang gayon ang ginagawa, kundi naman (L)pinapayagan ang mga nagsisigawa ng mga yaon.
Panalangin upang mabuwal ang masama.
10 Bakit ka tumatayong malayo, Oh Panginoon?
Bakit ka nagtatago sa mga panahon ng kabagabagan?
2 Sa kapalaluan ng masama ang dukha ay hinahabol na mainam;
(A)Mahuli nawa sila sa mga lalang na kanilang inakala.
3 Sapagka't ang masama ay nagmamalaki sa nais ng kaniyang puso,
At ang mapagimbot ay nagtatakuwil, oo, nagwawalang kabuluhan sa Panginoon.
4 Ang masama, sa kapalaluan ng kaniyang mukha, ay nagsasabi, Hindi niya sisiyasatin.
Lahat niyang pagiisip ay, (B)Walang Dios.
5 Ang kaniyang mga lakad ay panatag sa lahat ng panahon;
(C)Ang iyong mga kahatulan ay malayong totoo sa kaniyang paningin:
Tungkol sa lahat niyang mga kaaway, tinutuya niya sila.
6 Sinasabi niya sa kaniyang puso, (D)Hindi ako makikilos:
Sa lahat ng sali't saling lahi ay hindi ako malalagay sa karalitaan.
7 (E)Ang kaniyang bibig ay puno ng panunungayaw, at pagdaraya, at pang-aapi:
Sa ilalim ng kaniyang dila ay kalikuan at kasamaan.
8 Siya'y nauupo sa mga pinakasulok na dako ng mga nayon:
(F)Sa mga kubling dako ay pinapatay niya ang walang sala;
Ang kaniyang mga mata ay natititig laban sa walang nagkakandili.
9 (G)Siya'y bumabakay sa kubli, na parang leon sa kaniyang lungga:
Siya'y nagaabang upang hulihin ang dukha:
Hinuhuli niya ang dukha, pagka kaniyang dinadala siya sa silo niya.
10 Siya'y naninibasib, siya'y nagpapakaliit,
At ang mga walang nagkakandili ay nangahuhulog sa kaniyang mga malakas.
11 Sinasabi niya sa kaniyang puso: Ang Dios ay nakalimot:
(H)Kaniyang ikinukubli ang kaniyang mukha, hindi na niya makikita kailan man.
12 Bumangon ka, Oh Panginoon, Oh Dios, (I)itaas mo ang iyong kamay:
Huwag mong kalimutan ang dukha.
13 Bakit sinusumpa ng masama ang Dios,
At nagsasabi sa kaniyang puso: Hindi mo (J)sisiyasatin?
14 Iyong nakita; sapagka't iyong minamasdan ang pahirap at pangduduwahagi upang mapasa iyong kamay:
Ang walang nagkakandili ay napakukupkop (K)sa iyo; (L)Ikaw ay naging tagakandili sa ulila.
15 (M)Baliin mo ang bisig ng masama:
At tungkol sa masamang tao, pag-usigin mo ang kaniyang kasamaan hanggang sa wala ka nang masumpungan.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978