Print Page Options Listen to Reading
Previous Prev Day Next DayNext

The Daily Audio Bible

This reading plan is provided by Brian Hardin from Daily Audio Bible.
Duration: 731 days

Today's audio is from the CEB. Switch to the CEB to read along with the audio.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
1 Cronica 12:19-14:17

19 Sa Manases naman ay nagsihilig ang ilan kay David, (A)nang siya'y pumaroong kasama ng mga Filisteo laban kay Saul upang bumaka: nguni't hindi nila tinulungan sila: sapagka't pinapagpaalam siya ng mga panginoon ng mga Filisteo sa payo na sinasabi, Siya'y mahihilig sa kaniyang panginoong kay Saul sa pamumuhunan ng ating mga ulo.

20 Sa pagparoon niya sa Siclag, ay nagsihilig sa kaniya mula sa Manases, si Adnas, at si Jozabad, at si Jediaiel, at si Michael, at si Jozabad at si Eliu, at si Sillethai, na mga pinunong kawal ng mga lilibuhin na nasa Manases.

21 At kanilang tinulungan si David laban sa pulutong (B)ng mga magnanakaw: sapagka't silang lahat ay mga makapangyarihang lalake na may tapang, at mga pinunong kawal sa hukbo.

22 Sapagka't araw-araw ay may naparoon kay David upang tumulong sa kaniya, hanggang sa naging malaking hukbo, na gaya ng hukbo ng Dios.

Ang ibang mga kaibigan ni David.

23 At ito ang bilang ng mga ulo nila na mga may sandata na handa sa pakikidigma, na (C)nagsiparoon kay David sa Hebron, upang ibalik ang kaharian ni Saul sa kaniya, ayon sa salita ng Panginoon.

24 Ang mga anak ni Juda na nagsisihawak ng kalasag at sibat ay anim na libo at walong daan, na may mga sandata sa pakikipagdigma.

25 Sa mga anak ni Simeon, na mga makapangyarihang lalake na may tapang na handa sa pakikipagdigma, pitong libo at isang daan.

26 Sa mga anak ni Levi ay apat na libo at anim na raan.

27 At si Joiada ang tagapamatnugot ng sangbahayan ni Aaron, at kasama niya'y tatlong libo at pitong daan;

28 At si Sadoc, na isang binatang makapangyarihan na may tapang, at sa sangbahayan ng kaniyang magulang ay dalawang pu at dalawang pinunong kawal.

29 At sa mga anak ni Benjamin, na mga kapatid ni Saul, tatlong libo: sapagka't ang kalakhang bahagi sa kanila ay nagsisipagingat ng kanilang pakikipagkasundo sa sangbahayan ni Saul.

30 At sa mga anak ni Ephraim, dalawang pung libo at walong daan, na mga makapangyarihang lalaking may tapang, mga bantog na lalake sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang.

31 At sa kalahating lipi ng Manases ay labing walong libo, na mga nasaysay sa pamamagitan ng pangalan, upang magsiparoon at gawing hari si David.

32 At sa mga anak ni Issachar, na mga lalaking maalam ng mga panahon, upang matalastas kung ano ang marapat gawin ng Israel; ang mga pinuno sa kanila ay dalawang daan; at ang lahat nilang kapatid ay nasa kanilang utos.

33 Sa Zabulon, yaong mga makalalabas sa hukbo, na makahahanay sa pagbabaka na may sarisaring kasangkapang pangdigma, ay limangpung libo; at makapagaayos sa hanay sa pagbabaka, at hindi nagaalinlangan ang loob.

34 At sa Nephtali ay isang libong pinunong kawal, at may kasama silang mga may kalasag at sibat na tatlong pu't pitong libo.

35 At sa mga Danita na makahahanay sa pagbabaka ay dalawangpu't walong libo at anim na raan.

36 At sa Aser, yaong mga makalalabas sa hukbo, na makahahanay sa pagbabaka, apat na pung libo.

37 At sa kabilang dako ng Jordan, sa mga Rubenita, at sa mga Gadita, at sa kalahating lipi ni Manases, na may sarisaring kasangkapang pangdigma sa pakikipagbaka, isang daan at dalawangpung libo.

Ang mga tumulong kay David upang maging hari.

38 Lahat ng mga ito na mga lalaking mangdidigma na makahahanay sa pagbabaka, ay nagsiparoong may sakdal na puso sa Hebron, upang gawing hari si David sa buong Israel: at ang lahat na nangalabi sa Israel ay nagkaisang loob din naman upang gawing hari si David.

39 At sila'y dumoong kasama ni David na tatlong araw, na kumain at uminom: sapagka't ipinaghanda sila ng kanilang mga kapatid.

40 Bukod dito'y silang malapit sa kaniya, sa makatuwid baga'y hanggang sa Issachar, at Zabulon at Nephtali, ay nagsipagdala ng tinapay na nasa ibabaw ng mga asno, at ng mga kamelyo, at ng mga mula, at ng mga baka, mga pagkaing harina, at mga binilong igos, at mga buwig ng pasas, at alak, at langis, at mga baka, at mga tupa na sagana: sapagka't may kagalakan sa Israel.

Ang kaban ay dinala sa bahay ni Obed-edom.

13 At sumangguni si David sa mga pinunong kawal ng mga lilibuhin, at mga dadaanin, sa bawa't tagapamatnugot.

At sinabi ni David sa buong kapisanan ng Israel, Kung inaakala ninyong mabuti, at kung sa Panginoon nating Dios, ay pasuguan natin sa bawa't dako ang ating mga kapatid na nangaiwan sa buong lupain ng Israel, na makasama nila ang mga saserdote at mga Levita sa kanilang mga bayan na may mga nayon, upang sila'y mapapisan sa atin;

At (D)ating dalhin uli ang kaban ng ating Dios sa atin: (E)sapagka't hindi natin hinanap ng mga kaarawan ni Saul.

At ang buong kapulungan ay nagsabi na kanilang gagawing gayon: sapagka't ang bagay ay matuwid sa harap ng mga mata ng buong bayan.

(F)Sa gayo'y pinisan ni David ang buong Israel, mula sa Sihor, na batis ng Egipto hanggang sa pasukan sa Hamath, upang dalhin ang kaban ng Dios mula sa (G)Chiriath-jearim.

At si David ay (H)umahon, at ang buong Israel sa (I)Baala, sa makatuwid baga'y sa Chiriath-jearim, na nauukol sa Juda, upang iahon mula roon ang kaban ng Dios, ng Panginoon na nauupo sa mga querubin, na tinatawag ayon sa Pangalan.

At kanilang dinala ang kaban ng Dios na nakasakay sa isang bagong karo, at inilabas sa bahay ni Abinadab: at pinalakad ni Uzza at ni Ahio ang karo.

At si David at ang buong Israel ay tumugtog sa harap ng Dios ng kanilang buong lakas: sa pamamagitan ng mga awit, at ng mga alpa, at ng mga salterio, at ng mga pandereta at ng mga simbalo, at ng mga pakakak.

(J)At nang sila'y dumating sa giikan ng Chidon, ay iniunat ni Uzza ang kaniyang kamay upang hawakan ang kaban; sapagka't ang mga baka ay natisod.

10 At ang galit ng Panginoon ay nagalab laban kay Uzza, at sinaktan niya siya, sapagka't kaniyang iniunat ang kaniyang kamay sa kaban; at doo'y namatay siya sa harap ng Dios.

11 At sumama ang loob ni David, sapagka't nagalit ang Panginoon kay Uzza: at kaniyang tinawag ang dakong yaon na Perez-uzza hanggang sa araw na ito.

12 At si David ay natakot sa Dios nang araw na yaon, na nagsasabi, Paanong aking iuuwi ang kaban ng Dios?

13 Sa gayo'y hindi inilipat ni David ang kaban sa kaniya sa bayan ni David, kundi nilihisan ang daan at dinala sa bahay ni Obed-edom na Getheo.

14 At ang kaban ng Dios ay naiwan sa sangbahayan ni Obed-edom sa kaniyang bahay na tatlong buwan: at (K)pinagpala ng Panginoon ang sangbahayan ni Obed-edom, at ang buo niyang tinatangkilik.

Ang sangbahayan ni David.

14 At si (L)Hiram na hari sa Tiro ay nagsugo ng mga sugo kay David, at nagpadala ng mga puno ng sedro, at mga mananabas ng bato, at mga anluwagi, upang ipagtayo siya ng bahay.

At nahalata ni David na itinatag siyang hari ng Panginoon sa Israel; sapagka't ang kaniyang kaharian ay itinaas ng mataas, dahil sa kaniyang bayang Israel.

At si David ay kumuha pa ng mga asawa sa Jerusalem: at si David ay nagkaanak pa ng mga lalake at mga babae.

At (M)ito ang mga pangalan ng mga naging anak niya sa Jerusalem: si Smua, at si Sobab, si Nathan, at si Salomon.

At si Ibhar, at si Elisua, at si Elphelet;

At si Noga, at si Nepheg, at si Japhias;

At si Elisama, at si (N)Beeliada, at si Eliphelet.

At (O)nang mabalitaan ng mga Filisteo na si David ay pinahiran ng langis na maging hari sa buong Israel, ay nagsiahon ang lahat ng Filisteo upang hanapin si David: at nabalitaan ni David, at nilabas sila.

Ang mga Filisteo nga ay nagsidating at nanganamsam sa libis ng Raphaim.

10 At si David ay sumangguni sa Dios, na nagsasabi, Aahon ba ako laban sa mga Filisteo? at iyo bang ibibigay sila sa aking kamay? At sinabi ng Panginoon sa kaniya, Umahon ka: sapagka't aking ibibigay sila sa iyong kamay.

11 Sa gayo'y nagsiahon sila sa Baalperasim, at sinaktan sila ni David doon; at sinabi ni David, Nilansag ng Dios ang aking mga kaaway na gaya ng baha ng tubig. Kaya't kanilang tinawag ang pangalan ng dakong yaon na Baal-perasim.

12 At kanilang iniwan doon ang kanilang mga dios; at nagutos si David, at (P)sinunog sa apoy ang mga yaon.

13 At nanganamsam pa uli ang mga Filisteo sa libis.

14 At si David ay sumangguni uli sa Dios; at sinabi ng Dios sa kaniya, Huwag kang aahong kasunod nila; lihisan mo sila, at pumaroon ka sa kanila sa tapat ng mga puno ng morales.

15 At mangyayari, na pagka iyong narinig ang hugong ng lakad sa mga dulo ng mga puno ng morales, na ikaw nga ay lalabas sa pakikipagbaka: sapagka't ang Dios ay yumaon sa unahan mo upang saktan ang hukbo ng mga Filisteo.

16 At ginawa ni David kung ano ang iniutos sa kaniya ng Dios: at kanilang sinaktan ang hukbo ng mga Filisteo (Q)mula sa Gabaon hanggang sa Gezer.

17 At ang kabantugan ni David ay lumaganap sa lahat ng lupain; at sinidlan ng Panginoon ng (R)takot sa kaniya ang lahat na bansa.

Roma 1:1-17

Si Pablo na alipin ni Jesucristo, (A)na tinawag na maging apostol, (B)ibinukod sa evangelio ng Dios,

Na kaniyang ipinangako nang una (C)sa pamamagitan ng kaniyang mga propeta sa mga banal na kasulatan,

Tungkol sa kaniyang Anak, (D)na ipinanganak sa binhi ni David ayon sa laman,

Na (E)ipinahayag na Anak ng Dios na may kapangyarihan (F)ayon sa espiritu ng kabanalan, sa pamamagitan ng pagkabuhay na maguli ng mga patay, sa makatuwid baga'y si Jesucristo na Panginoon natin,

Na sa pamamagitan niya'y (G)tinanggap namin ang biyaya at pagkaapostol, sa pagtalima sa pananampalataya sa lahat ng mga bansa, dahil sa kaniyang pangalan;

Sa mga ito kayo naman, ay (H)tinawag kay Jesucristo:

Sa lahat ninyong nangasa Roma, mga iniibig ng Dios, tinawag na mangagbanal: (I)Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaang mula sa Dios na ating Ama at Panginoong Jesucristo.

Kaunaunahan, ay (J)nagpapasalamat ako sa aking Dios sa pamamagitan ni Jesucristo tungkol sa inyong lahat, na ang (K)inyong pananampalataya ay bantog sa buong sanglibutan.

Sapagka't ang Dios ang aking saksi, na siyang pinaglilingkuran ko sa aking espiritu sa evangelio ng kaniyang Anak, na (L)walang patid na aking kayong binabanggit, sa aking mga panalangin,

10 At laging isinasamo ko, (M)kung ngayon sa wakas sa anomang paraan ay magkapalad ako sa kalooban ng Dios na makarating sa inyo.

11 Sapagka't ninanasa kong makita kayo, upang ako'y makapamahagi sa inyo ng kaloob na ukol sa espiritu, upang kayo'y mangagsitibay;

12 Sa makatuwid baga, upang ako't kayo ay maaliw sa inyo, ang bawa't isa sa atin sa pananampalataya ng iba, ang sa inyo at sa akin.

13 At hindi ko ibig, mga kapatid, na hindi ninyo matalastas na (N)madalas kong inaakalang makarating sa inyo (datapuwa't hanggang ngayon ako'y nahahadlangan), upang magkaroon naman ako sa inyo ng anomang bunga, na gaya sa mga ibang Gentil.

14 Ako'y may utang sa mga Griego at gayon din naman (O)sa mga barbaro, sa marurunong at gayon din sa mga mangmang.

15 Kaya nga, sa ganang akin, ay handa akong ipangaral din ang evangelio sa inyong nangasa Roma.

16 Sapagka't hindi ko ikinahihiya ang evangelio: (P)sapagka't siyang kapangyarihan ng Dios sa ikaliligtas ng bawa't sumasampalataya; una'y (Q)sa Judio, at gayon din sa Griego.

17 Sapagka't (R)dito ang katuwiran ng Dios ay nahahayag mula sa pananampalataya hanggang sa pananampalataya: gaya ng nasusulat, Nguni't (S)ang ganap ay mabubuhay sa pamamagitan ng pananampalataya.

Mga Awit 9:13-20

13 Maawa ka sa akin, Oh Panginoon;
Masdan mo ang kadalamhatian na aking tinitiis sa kanila na mangagtatanim sa akin,
Ikaw na nagtataas sa akin mula sa mga (A)pintuan ng kamatayan;
14 Upang aking maipakilala ang iyong buong kapurihan:
Sa mga pintuang-bayan ng anak na babae ng Sion,
(B)Ako'y magagalak sa iyong pagliligtas.
15 Ang mga bansa ay (C)nangahulog sa balon na kanilang ginawa:
Sa silo na kanilang ikinubli ay kanilang sariling paa ang nahuli.
16 Ang Panginoon (D)ay napakilala, siya'y naglapat ng kahatulan:
Ang masama ay nasilo sa mga gawa ng kaniyang sariling mga kamay. (Higgaion. Selah)
17 Ang masama ay mauuwi sa Sheol,
Pati ng lahat ng mga bansa na (E)nagsisilimot sa Dios.
18 Sapagka't ang mapagkailangan ay hindi laging malilimutan,
(F)Ni ang pagasa (G)ng dukha ay mapapawi magpakailan man.
19 Bumangon ka, Oh Panginoon; huwag manaig ang tao:
Mahatulan ang mga bansa sa iyong paningin.
20 Ilagay mo sila sa katakutan Oh, Panginoon:
Ipakilala mo sa mga bansa na sila'y mga tao lamang. (Selah)

Mga Kawikaan 19:4-5

(A)Ang kayamanan ay nagdadagdag ng maraming kaibigan:
Nguni't ang dukha ay hiwalay sa kaniyang kaibigan.
(B)Ang sinungaling na saksi ay walang pagsalang parurusahan;
At ang nagsasalita ng mga kasinungalingan ay hindi makatatahan.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978