The Daily Audio Bible
Today's audio is from the EHV. Switch to the EHV to read along with the audio.
Ang Pangitain tungkol sa Apat na Karwahe
6 Muli akong tumingin at may nakita akong apat na karwaheng lumabas sa pagitan ng dalawang malalaking bundok na tanso. 2 Pula ang mga kabayong humihila sa unang karwahe, kulay itim naman sa pangalawa, 3 mga(A) kabayong kulay puti ang sa pangatlo, at mga kabayong batik-batik ang sa pang-apat. 4 Itinanong ko sa anghel, “Ano po ang kahulugan ng mga karwaheng ito?”
5 Sumagot(B) siya, “Ang mga iyan ay ang apat na hangin ng himpapawid na nagmula kay Yahweh na Panginoon ng buong daigdig. 6 Ang hila ng mga kabayong kulay itim ay pupunta sa hilaga, sa kanluran naman ang hila ng puti, at sa timog naman ang hila ng may batik-batik.” 7 Nang lumabas ang mga kabayong may batik-batik na pula, sila'y nagpipiglas upang siyasatin ang daigdig. Kaya sinabi ng anghel, “Sulong, siyasatin na ninyo ang daigdig!” At gayon nga ang ginawa ng mga ito. 8 Walang anu-ano, isinigaw sa akin ng anghel, “Ang poot ni Yahweh ay pinayapa na ng mga kabayong nagpunta sa Babilonia!”
Ang Kahulugan ng Pagpuputong kay Josue
9 Sinabi sa akin ni Yahweh, 10 “Puntahan mo sina Heldai, Tobias at Jedaias na kasama ng mga bihag na dinala sa Babilonia. Pagkatapos, tumuloy ka kay Josias na anak ni Sefanias. Kunin mo ang kanilang mga handog na pilak at ginto, 11 at gawin mong korona para sa pinakapunong paring si Josue na anak ni Jehozadak. 12 Sabihin(C) mo sa kanya, ‘Narito ang isang taong ang pangala'y Sanga. Tutubo siya mula sa kanyang kinalalagyan at ipatatayo niya ang templo ni Yahweh. 13 Siya nga ang magtatayo ng templo, uupo sa trono, at manunungkulan bilang hari. Tutulungan siya ng isang pari at maghahari sa kanila ang mabuting pag-uunawaan. 14 Ang korona ay mananatili sa templo bilang pag-alala kina Heldai,[a] Tobias, Jedaias at Josias.’”[b]
15 Magsisiparito ang mga taong taga-malayong lupain upang tumulong sa pagtatayo ng templo ni Yahweh. Sa gayon, mapapatunayan ninyong isinugo nga ako ni Yahweh na Makapangyarihan sa lahat. Mangyayari ang lahat ng ito kung tutuparin ninyo ang kanyang mga utos.
Tinuligsa ang Pakunwaring Pag-aayuno
7 Noong ikaapat na taon ng pamamahala ni Haring Dario, muling nagpahayag kay Zacarias si Yahweh. Naganap ito noong ikaapat na araw ng ikasiyam na buwan ng taon. 2 Ang mga pangkat nina Sarezer at Regemmelec ay sinugo ng mga taga-Bethel upang makiusap kay Yahweh 3 at itanong sa mga pari at sa mga propeta kung kailangan pa nilang magluksa sa ika-5 buwan, tulad ng dati nilang ginagawa.
4-5 Ito ang mga mensaheng ibinigay sa akin ni Yahweh na Makapangyarihan sa lahat para sa mga mamamayan ng buong lupain at sa mga pari: “Ang pagluluksa at pag-aayunong ginagawa ninyo tuwing ika-5 at ika-7 buwan sa loob ng pitumpung taon ay hindi parangal sa akin. 6 Hindi ba't nagkakainan at nag-iinuman kayo para lamang mabusog at masiyahan?”
7 Hindi ba't ito rin ang sinabi ni Yahweh sa pamamagitan ng mga unang propeta, nang ang Jerusalem at ang mga lunsod sa paligid nito kasama ang Negeb at mga bulubunduking lalawigan ay hindi pa nawawasak at nasa panahon ng kaunlaran.
Ang Dahilan ng Pagkabihag
8 Pinahayag ni Yahweh kay Zacarias, “Sabihin mo sa kanila, 9 ‘Pairalin ninyo ang katarungan at maging mahabagin kayo sa isa't isa. 10 Huwag ninyong aapihin ang mga biyuda, ang mga ulila, ang mga dayuhan o ang mahihirap. Huwag kayong magbabalak ng masama laban sa inyong kapwa.’
11 “Ngunit hindi nila ito pinakinggan; matigas ang kanilang ulo at sila'y nagbingi-bingihan. 12 Ipinilit nila ang sariling kagustuhan at hindi dininig ang sinabi ni Yahweh na Makapangyarihan sa lahat sa pamamagitan ng mga propeta. Dahil dito, labis siyang nagalit sa kanila. 13 ‘Nang magsalita ako sa kanila, hindi nila ako pinakinggan, kaya ganoon din ang ginawa ko nang sila naman ang magsalita sa akin. 14 At ipinakalat ko sila sa lahat ng panig ng daigdig, sa mga lugar na di nila dating napupuntahan. Dahil dito, napabayaan ang dating magandang lupain; wala na ring dumaraan at naninirahan doon.’”
Ang mga Panghuling Salot
15 Nakita ko rin sa langit ang isa pang kakaiba at kagila-gilalas na palatandaan: may pitong anghel na may dalang pitong salot. Ito ang mga panghuling salot sapagkat dito matatapos ang poot ng Diyos.
2 May nakita akong parang dagat na kristal na nagliliyab. Nakita ko rin ang mga nagtagumpay laban sa halimaw at sa larawan nito, at sa nagtataglay ng bilang na katumbas ng kanyang pangalan. Nakatayo sila sa tabi ng dagat na kristal, hawak ang mga alpang bigay sa kanila ng Diyos. 3 Inaawit(A) nila ang awit ni Moises na lingkod ng Diyos, at ang awit ng Kordero:
“Panginoong Diyos na Makapangyarihan sa lahat,
dakila at kahanga-hanga ang iyong mga gawa!
O Hari ng mga bansa[a],
matuwid at totoo ang iyong mga paraan!
4 Sino(B) ang hindi matatakot sa iyo, Panginoon?
Sino ang hindi magpupuri sa iyong pangalan?
Ikaw lamang ang banal!
Lahat ng mga bansa ay lalapit
at sasamba sa iyo,
sapagkat nakita ng lahat ang matuwid mong mga gawa.”
5 Pagkatapos(C) nito'y nakita ko ring bumukas ang templo sa langit, ang Toldang Tipanan. 6 Lumabas mula sa templo ang pitong anghel na may dalang pitong salot. Nakasuot sila ng damit na malinis at nakakasilaw sa kaputian at may gintong pamigkis sa dibdib. 7 Ibinigay sa kanila ng isa sa apat na nilalang na buháy ang pitong mangkok na ginto na punung-puno ng poot ng Diyos, na siyang nabubuhay magpakailanman. 8 Ang(D) templo ay napuno ng usok na nagmumula sa kaluwalhatian at kapangyarihan ng Diyos at walang makapasok sa templo hangga't hindi natatapos ang pitong salot na dala ng pitong anghel.
Panalangin Upang Tulungan ng Diyos
Awit ni David.
143 Dinggin mo, O Yahweh, ang aking dalangin,
tapat ka't matuwid, kaya ako'y dinggin.
2 Itong(A) iyong lingkod, huwag mo nang subukin,
batid mo nang lahat, kami ay salarin.
3 Ako ay tinugis ng aking kaaway,
lubos na nilupig ng aking kalaban;
sa dilim na dako, ako ay nakulong,
tulad ko'y patay nang mahabang panahon.
4 Ang kaluluwa ko'y halos sumuko na,
sapagkat ang buhay ko'y wala nang pag-asa.
5 Araw na lumipas, aking nagunita,
at naalala ang iyong ginawa,
sa iyong kabutihan, ako ay namangha!
6 Ako'y dumalangin na taas ang kamay,
parang tuyong lupa ang diwa kong uhaw. (Selah)[a]
7 Nawala nang lahat ang aking pag-asa,
kaya naman, Yahweh, ako'y dinggin mo na!
Kung ika'y magkubli, baka ang hantungan
ako ay ituring na malamig na bangkay,
at ang tunguhin ko'y madilim na hukay.
8 Ako ay umasa, sa iyo nagtiwala, sa pagsapit ng umaga ay ipagugunita
yaong pag-ibig mo na lubhang dakila.
Ang aking dalangin na sa iyo'y hibik,
patnubayan ako sa daang matuwid.
9 Iligtas mo ako sa mga kalaban,
ikaw lang, O Yahweh, ang aking kanlungan.
10 Ikaw ang aking Diyos, ako ay turuan
na aking masunod ang iyong kalooban;
ang Espiritu[b] mo'y maging aking tanglaw sa aking paglakad sa ligtas na daan.
11 Ikaw ay nangakong ako'y ililigtas, pagkat dakila ka, iligtas mo agad;
iligtas mo ako sa mga bagabag.
12 Dahilan sa iyong pagtingin sa akin, ang mga kaaway ko'y iyong lipulin;
ang nagpapahirap sa aki'y wasakin,
yamang ang lingkod mo ay iyong alipin.
24 Sa daigdig ay may apat na maliliit na hayop ngunit may pambihirang kaisipan.
25 Ang mga langgam: sila ay mahina subalit nag-iipon
ng pagkain kung tag-araw.
26 Ang mga kuneho: mahihina rin sila subalit nakagagawa
ng kanilang tirahan sa batuhan.
27 Ang mga balang: bagama't walang haring sumusubaybay
ay lumalakad nang maayos at buong inam.
28 Ang mga butiki:[a] maaaring hawakan sa iyong palad dahil sa kaliitan,
subalit nasa palasyo ng hari at doon naninirahan.
by