Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Bible in 90 Days

An intensive Bible reading plan that walks through the entire Bible in 90 days.
Duration: 88 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
2 Samuel 12:11-22:18

11 Ganito ang sabi ng Panginoon, Narito, ako'y magtitindig ng kasamaan laban sa iyo na mula sa iyong sariling sangbahayan, (A)at aking kukunin ang iyong mga asawa sa harap ng iyong mga mata, at aking ipagbibigay sa iyong kapuwa, at kaniyang sisipingan ang iyong mga asawa sa sikat ng araw na ito.

12 Sapagka't iyong ginawa na lihim: (B)nguni't aking gagawin ang bagay na ito sa harap ng buong Israel, at sa harap ng araw.

13 (C)At sinabi ni David kay Nathan, (D)Ako'y nagkasala laban sa Panginoon. At sinabi ni Nathan kay David, (E)Inalis din ng Panginoon ang iyong kasalanan; hindi ka mamamatay.

14 Gayon ma'y sapagka't sa gawang ito'y iyong binigyan ng malaking pagkakataon ang mga kaaway ng Panginoon (F)upang magsipanungayaw, ang bata naman na ipinanganak sa iyo ay walang pagsalang mamamatay.

Ang kamatayan ng anak ni David.

15 At si Nathan ay umuwi sa kaniyang bahay. At sinaktan ng Panginoon ang bata na ipinanganak ng asawa ni Uria kay David, at totoong malubha.

16 Ipinanalangin nga ni David sa Dios ang bata; at si David ay nagaayuno, at pumapasok, (G)at humihiga buong gabi sa lupa.

17 At bumabangon ang mga matanda sa kaniyang bahay, at tumatayo sa siping niya, upang itindig siya sa lupa; nguni't siya'y ayaw kahit kumain ng tinapay na kasalo nila.

18 At nangyari, nang ikapitong araw, na ang bata ay namatay. At nangatakot ang mga lingkod ni David na saysayin sa kaniya na ang bata ay patay na: sapagka't kanilang sinabi, Narito, samantalang ang bata ay buháy pa, tayo ay nakipagsalitaan sa kaniya, at hindi siya nakinig sa ating tinig: gaano ngang ikababagabag niya kung ating sasabihin sa kaniya na ang bata ay patay na?

19 Nguni't nang makita ni David na ang kaniyang mga lingkod ay nagbubulong-bulungan, nahalata ni David na ang bata ay patay na: at sinabi ni David sa kaniyang mga lingkod, Patay na ba ang bata? At kanilang sinabi, Siya'y patay na.

20 Nang magkagayo'y bumangon si David sa lupa at naligo, at nagpahid ng langis, at nagbihis ng kaniyang suot; at siya'y naparoon sa bahay ng Panginoon, (H)at sumamba: saka naparoon siya sa kaniyang sariling bahay; at nang siya'y humingi, hinainan nila ng tinapay siya sa harap, at siya'y kumain.

21 Nang magkagayo'y sinabi ng kaniyang mga lingkod sa kaniya, Anong bagay ito na iyong ginawa? ikaw ay nagaayuno at umiiyak dahil sa bata, samantalang siya'y buháy; ngunit nang mamatay ang bata, ikaw ay bumangon at kumain ng tinapay.

22 At kaniyang sinabi, Samantalang ang bata'y buháy pa, ako'y nagaayuno at umiiyak: sapagka't aking (I)sinabi, Sino ang nakakaalam kung maaawa sa akin ang Panginoon, na anopa't ang bata'y mabuhay?

23 Nguni't ngayo'y patay na siya; bakit pa ako magaayuno? Maibabalik ko pa ba siya? Ako'y paroroon sa kaniya, (J)nguni't siya'y hindi babalik sa akin.

Ang kapanganakan ni Salomon.

24 At inaliw ni David si Bath-sheba na kaniyang asawa, at lumapit sa kaniya, at sumiping sa kaniya: (K)At siya'y nanganak ng isang lalake, (L)at tinawag niya ang kaniyang pangalan na Salomon. At minahal siya ng Panginoon.

25 At nagsugo siya sa pamamagitan ng kamay ni Nathan na propeta, at tinawag niya ang kaniyang pangalan na Jedidiah[a] alang-alang sa Panginoon.

Si David ay pumunta sa Rabba.

26 Nakipaglaban nga si (M)Joab, sa (N)Rabba sa mga anak ni Ammon, at sinakop ang bayang hari.

27 At nagsugo si Joab ng mga sugo kay David, at nagsabi, Ako'y nakipaglaban sa Rabba, oo, aking sinakop ang bayan ng mga bukal ng tubig.

28 Ngayon nga'y pisanin mo ang nalabi sa bayan, at humantong ka laban sa bayan, at sakupin mo: baka aking sakupin ang bayan, at tawagin ayon sa aking pangalan.

29 At pinisan ni David ang buong bayan, at naparoon sa Rabba, at bumaka laban doon, at sinakop.

30 (O)At inalis ang putong ng kanilang hari sa kaniyang ulo: at ang bigat niyaon ay isang talentong ginto, at may mga mahalagang bato; at ipinutong sa ulo ni David. At siya'y naglabas ng samsam sa bayan na totoong marami.

31 At kaniyang inilabas ang bayan na nandoon, at inilagay sa ilalim ng mga lagari, at ng mga suyod na bakal, at ng mga palakol na bakal, at mga pinaraan sa mga lutuan ng laryo: at gayon ang ginawa niya sa lahat ng mga bayan ng mga anak ni Ammon. At si David at ang buong bayan ay bumalik sa Jerusalem.

Ang pagsasamantala ni Amnon kay Thamar.

13 At nangyari, pagkatapos nito, na si (P)Absalom na anak ni David ay mayroong isang kapatid na babae na maganda, na ang pangala'y (Q)Thamar; at sininta siya ni Amnon na anak ni David.

At si Amnon ay totoong nagdamdam, na anopa't siya'y nagkasakit dahil sa kaniyang kapatid na kay Thamar; sapagka't siya'y dalaga; at inaakala ni Amnon na mahirap gawan siya ng anomang bagay.

Nguni't si Amnon ay may isang kaibigan na ang pangala'y Jonadab, na (R)anak ni Simea na kapatid ni David: at si Jonadab ay isang lalaking totoong magdaraya.

At sinabi niya sa kaniya, Bakit, Oh anak ng hari, sa araw araw ay nangangayayat kang ganyan? hindi mo ba sasaysayin sa akin? At sinabi ni Amnon sa kaniya, Aking sinisinta si Thamar na kapatid ng aking kapatid na si Absalom.

At sinabi ni Jonadab sa kaniya, Mahiga ka sa iyong higaan, at magsakitsakitan ka: at pagka ang iyong ama ay naparoon upang tingnan ka, sabihin mo sa kaniya, Isinasamo ko sa iyo na bayaang ang aking kapatid na si Thamar ay pumarito, at bigyan ako ng tinapay na makakain, at maghanda ng pagkain sa aking paningin upang aking makita, at kanin sa kaniyang kamay.

Sa gayo'y nahiga si Amnon at nagsakitsakitan: at nang pumaroon ang hari upang tingnan siya, sinabi ni Amnon sa hari, Isinasamo ko sa iyo na bayaang pumarito ang aking kapatid na si Thamar, at igawa ako ng dalawang tinapay na maliit sa aking paningin upang aking makain sa kaniyang kamay.

Nang magkagayo'y nagsugo si David sa bahay kay Thamar, na sinasabi, Pumaroon ka ngayon sa bahay ng iyong kapatid na si Amnon, at ipaghanda mo siya ng pagkain.

Sa gayo'y naparoon si Thamar sa bahay ng kaniyang kapatid na si Amnon; at siya'y nakahiga. At siya'y kumuha ng isang masa, at minasa, at ginawang mga binilong tinapay sa kaniyang paningin, at niluto na mga munting tinapay.

At kinuha niya ang kawali, at mga ibinuhos sa harap niya; nguni't kaniyang tinanggihang kanin. At sinabi ni Amnon: Palabasin ang lahat na tao sa harap ko. At silang lahat ay lumabas, bawa't isa mula sa harap niya.

10 At sinabi ni Amnon kay Thamar: Dalhin mo rito sa silid ang pagkain, upang aking makain sa iyong kamay. At kinuha ni Thamar ang mga munting tinapay na kaniyang ginawa, at mga dinala sa silid kay Amnon na kaniyang kapatid.

11 At nang ilapit niya sa kaniya upang kanin, kaniyang tinangnan siya, at sinabi niya sa kaniya, Halika, sumiping ka sa akin, kapatid ko.

12 At sumagot siya sa kaniya, Huwag kapatid ko, (S)huwag mo akong dahasin; sapagka't hindi marapat gawin sa Israel ang ganyang bagay: huwag kang gumawa ng ganitong kaululan.

13 At ako, saan ko dadalhin ang aking hiya? at tungkol sa iyo, ikaw ay magiging gaya ng isa sa mga mangmang sa Israel. Ngayon nga, isinasamo ko sa iyo, magsalita ka sa hari, sapagka't hindi ipagkakait ako sa iyo.

14 Gayon ma'y hindi niya dininig ang kaniyang tinig: kundi palibhasa't siya'y malakas kay sa kaniya, dinahas niya siya, at sumiping sa kaniya.

15 Nang magkagayo'y kinapootan siya ni Amnon na may mahigpit na poot; sapagka't ang kapootan na kaniyang ikinapoot sa kaniya ay malaki kay sa pagsinta na kaniyang isininta sa kaniya. At sinabi ni Amnon sa kaniya, Bumangon ka, ikaw ay yumaon.

16 At sinabi niya sa kaniya, Huwag ganyan, sapagka't itong malaking kasamaan sa pagpapalabas mo sa akin ay higit kay sa iba na iyong ginawa sa akin. Nguni't ayaw niyang dinggin siya.

17 Nang magkagayo'y tinawag niya ang kaniyang alipin na nagaalaga sa kaniya, at sinabi, Ilabas mo ang babaing ito sa harap ko, at itrangka mo ang pintuan pagkalabas niya.

18 At (T)siya'y may suot na sarisaring kulay: sapagka't ang mga gayong kasuutan ang isinusuot ng mga anak na dalaga ng hari. Nang magkagayo'y inilabas siya ng kaniyang alipin at tinarangkahan ang pintuan pagkalabas niya.

19 At (U)binuhusan ni Thamar ng mga abo ang kaniyang ulo, at hinapak ang kaniyang suot na sarisaring kulay na nakasuot sa kaniya; at kaniyang ipinatong ang (V)kaniyang kamay sa kaniyang ulo, at ipinagpatuloy ang kaniyang lakad, na umiiyak ng malakas habang siya'y yumayaon.

20 At sinabi ni Absalom na kaniyang kapatid sa kaniya, Napasa iyo ba si Amnon na iyong kapatid? nguni't ngayo'y tumahimik ka, kapatid ko: siya'y iyong kapatid; huwag mong isapuso ang bagay na ito. Sa gayo'y si Thamar ay nagpighati sa bahay ng kaniyang kapatid na si Absalom.

21 Nguni't nang mabalitaan ng haring si David ang lahat ng mga bagay na ito, siya'y totoong napoot.

22 At hindi nagsalita si Absalom (W)kay Amnon kahit mabuti o masama man; sapagka't pinagtaniman ni Absalom si Amnon dahil sa kaniyang dinahas ang kaniyang kapatid na si Thamar.

Ang pagpatay kay Amnon.

23 At nangyari, pagkatapos ng dalawang buong taon, (X)na nagpagupit ng mga tupa si Absalom sa Baal-hasor na nasa siping ng Ephraim: at inanyayahan ni Absalom ang lahat ng mga anak ng hari.

24 At naparoon si Absalom sa hari, at sinabi niya, Narito ngayon, ang iyong lingkod ay nagpapagupit ng mga tupa; isinasamo ko sa iyo na ang hari at ang kaniyang mga lingkod ay magsiyaong kasama ng iyong lingkod.

25 At sinabi ng hari kay Absalom, Huwag anak ko, huwag tayong magsiyaong lahat, baka maging mabigat na pasan sa iyo. At pinilit niya siya: gayon ma'y hindi siya yumaon, kundi binasbasan siya.

26 Nang magkagayo'y sinabi ni Absalom, Kung hindi isinasamo ko sa iyo, pasamahin mo sa amin ang aking kapatid na si Amnon. At sinabi ng hari sa kaniya, Bakit siya sasama sa iyo?

27 Nguni't pinilit siya ni Absalom, na anopa't kaniyang pinasama sa kaniya si Amnon at ang lahat ng mga anak ng hari.

28 At iniutos ni Absalom sa kaniyang mga lingkod na sinasabi, Tandaan ninyo ngayon, pagka ang puso ni Amnon ay sumaya dahil sa alak; at pagka ang aking sinabi sa inyo, Saktan ninyo si Amnon, patayin nga ninyo siya: huwag kayong mangatakot: hindi ba ako ang nagutos sa inyo? kayo nga'y magpakalakas, at magpakatapang.

29 At ginawa ng mga lingkod ni Absalom kay Amnon kung ano ang iniutos ni Absalom. Nang magkagayo'y nagsitindig ang lahat ng mga anak ng hari, at sumakay bawa't lalake sa kaniyang mula, at tumakas.

30 At nangyari, samantalang sila'y nasa daan, na ang balita ay dumating kay David, na sinasabi, Pinatay ni Absalom ang lahat ng mga anak ng hari, at walang nalabi isa man sa kanila.

31 Nang magkagayo'y bumangon (Y)ang hari at hinapak ang kaniyang mga suot, at (Z)humiga sa lupa; at lahat niyang mga lingkod ay nakatayo sa palibot na hapak ang kanilang mga suot.

32 At si (AA)Jonadab na anak ni Simea na kapatid ni David, ay sumagot at nagsabi, Huwag akalain ng aking panginoon na kanilang pinatay ang lahat ng mga binatang anak ng hari, sapagka't si Amnon lamang ang patay: sapagka't sa pasiya ni Absalom ay pinasiyahan ito mula sa araw na kaniyang dahasin ang kaniyang kapatid na si Thamar.

33 Ngayon nga'y (AB)huwag isapuso ng aking panginoon na hari ang bagay, na akalain ang lahat ng mga anak ng hari ay patay: sapagka't si Amnon lamang ang patay.

Si Absalom ay tumakas sa Gessur.

34 Nguni't si (AC)Absalom ay tumakas. At ang bataan na nagbabantay ay tumanaw ng kaniyang mga mata, at tumingin, at, narito, dumarating ay maraming tao sa daan na mula sa burol, sa likuran niya.

35 At sinabi ni Jonadab sa hari, Narito, ang mga anak ng hari ay nagsisidating: kung ano ang sinabi ng inyong lingkod, ay nagkagayon.

36 At nangyari pagkatapos niyang makapagsalita, na, narito, ang mga anak ng hari ay nagsidating, at inilakas ang kanilang tinig at nagsiiyak: at ang hari naman at ang lahat niyang mga lingkod ay nagsiiyak na mainam.

37 Nguni't tumakas si Absalom at naparoon kay (AD)Talmai na anak ni Amiud na hari sa Gessur. At tinangisan ni David ang kaniyang anak araw araw.

38 Sa gayo'y tumakas si Absalom at naparoon sa Gessur, at dumoong tatlong taon.

39 At pinanabikan ng haring David na paroonan si Absalom: sapagka't siya'y (AE)naaliw na tungkol kay Amnon yamang patay na.

Ginawa ni Joab na mapabalik si Absalom sa Jerusalem.

14 Nahalata nga ni Joab, na anak ni Sarvia, na ang puso ng hari ay nahihilig (AF)kay Absalom.

At nagsugo si Joab sa (AG)Tecoa, at nagdala mula roon ng isang pantas na babae, at sinabi sa kaniya, Isinasamo ko sa iyong ikaw ay magpakunwari na tagapanaghoy at magluksa, at huwag kang magpahid ng langis, kundi ikaw ay magpakunwaring isang (AH)babae na mahabang panahon na tumatangis dahil sa isang namatay:

At pasukin mo ang hari, at magsalita ka ng ganitong paraan sa kaniya. Sa gayo'y inilagay ni Joab ang mga salita sa kaniyang bibig.

At nang magsalita ang babae sa Tecoa sa hari, ay (AI)nagpatirapa sa lupa, at nagbigay galang, at nagsabi: Tulungan mo ako, (AJ)Oh hari.

At sinabi ng hari sa kaniya, Anong mayroon ka? At siya'y sumagot: Sa katotohanan (AK)ako'y bao, at ang aking asawa ay patay na.

At ang iyong lingkod ay may dalawang anak, at silang dalawa'y nagaway sa parang at walang maghiwalay sa kanila, kundi sinaktan ng isa ang isa, at pinatay siya.

At, narito, (AL)ang buong angkan ay bumangon laban sa iyong lingkod, at sila'y nagsabi, Ibigay mo siya na sumakit sa kaniyang kapatid, upang siya'y mapatay namin dahil sa buhay ng kaniyang kapatid na kaniyang pinatay, at sa gayo'y iwasak namin ang tagapagmana naman; ganito nila papatayin ang aking baga na nalabi; at walang iiwan sa aking asawa kahit pangalan o anomang labi sa balat ng lupa.

At sinabi ng hari sa babae, Umuwi ka sa iyong bahay, at ako'y magbibilin tungkol sa iyo.

At ang babae sa Tecoa ay nagsabi sa hari: Panginoon ko, Oh hari, ang kasamaan ay suma akin nawa, at sa sangbahayan ng aking ama: at ang hari at ang kaniyang luklukan ay mawalan nawa ng sala.

10 At sinabi ng hari, Sinomang magsabi sa iyo ng anoman, dalhin mo sa akin, at hindi ka na niya gagalawin pa.

11 Nang magkagayo'y sinabi niya, Isinasamo ko sa iyo, na alalahanin ng hari ang Panginoon mong Dios, na huwag patayin ng mapanghiganti sa dugo kailan man, baka kanilang ibuwal ang aking anak. At kaniyang sinabi: (AM)Buhay ang Panginoon, walang buhok ng iyong anak na mahuhulog sa lupa.

12 Nang magkagayo'y sinabi ng babae: Pahintulutan mo ang iyong lingkod, isinasamo ko sa iyo, na magsalita ng isang salita sa aking panginoon na hari. At kaniyang sinabi, Sabihin mo.

13 At sinabi ng babae, Bakit nga iyong inakala ang gayong bagay laban sa bayan ng Dios? sapagka't sa pagsasalita ng ganitong salita ay parang may sala ang hari, dangang hindi ipinabalik ng hari ang (AN)kaniyang sariling itinapon.

14 Sapagka't tayo'y mamamatay na walang pagsala at gaya ng tubig na mabubuhos sa lupa, na hindi mapupulot uli: ni nagaalis man ang Dios ng buhay, kundi humahanap ng paraan na siya na itinapon ay huwag mamalagi na tapon sa kaniya.

15 Ngayon nga'y kung kaya't ako'y naparito upang salitain ang salitang ito sa aking panginoon na hari, ay sapagka't tinakot ako ng bayan: at sinabi ng iyong lingkod, Ako'y magsasalita sa hari; marahil ay gagawin ng hari ang kahilingan ng kaniyang lingkod.

16 Sapagka't didinggin ng hari upang iligtas ang kaniyang lingkod sa kamay ng lalake na nagiibig magbuwal sa akin at sa aking anak na magkasama sa (AO)mana ng Dios.

17 Nang magkagayo'y sinabi ng iyong lingkod, Isinasamo ko sa iyo na ang salita ng aking panginoon na hari ay sa ikaaaliw: (AP)sapagka't kung paano ang anghel ng Dios, ay gayon ang aking panginoon na hari na magdilidili ng mabuti at masama: at ang Panginoong iyong Dios ay sumaiyo nawa.

18 Nang magkagayo'y sumagot ang hari at nagsabi sa babae, Huwag mong ikubli sa akin, isinasamo ko sa iyo, ang anoman na aking itatanong sa iyo. At sinabi ng babae, Magsalita nga ang aking panginoon na hari.

19 At sinabi ng hari, sumasaiyo ba ang kamay ni Joab sa bagay na ito? At sumagot ang babae at nagsabi, (AQ)Buhay ang iyong kaluluwa, panginoon ko na hari, walang makaliliko sa kanan o sa kaliwa sa anoman na sinalita ng aking panginoon na hari, sapagka't ang iyong lingkod na si Joab ay siyang nagutos sa akin, at siyang (AR)naglagay ng lahat ng mga salitang ito sa bibig ng iyong lingkod:

20 Upang baguhin ang anyo ng bagay ay ginawa ng iyong lingkod na si Joab ang bagay na ito: at ang aking panginoon ay pantas ayon sa karunungan ng anghel ng Dios, na makaalam ng lahat ng mga bagay na nasa lupa.

21 At sinabi ng hari kay Joab, Narito, ngayon, aking ginawa ang bagay na ito: yumaon ka nga, dalhin mo rito uli ang binatang si Absalom.

22 At nagpatirapa si Joab sa lupa, at nagbigay galang, at binasbasan ang hari: at sinabi ni Joab, Ngayo'y talastas ng iyong lingkod na ako'y nakasumpong ng biyaya sa iyong paningin, panginoon ko, Oh hari, sa paraang pinayagan ng hari ang kahilingan ng kaniyang lingkod.

23 Sa gayo'y bumangon si Joab at naparoon sa (AS)Gessur, at dinala si Absalom sa Jerusalem.

24 At sinabi ng hari, Bumalik siya sa kaniyang sariling bahay, nguni't huwag makita ang aking mukha. Sa gayo'y bumalik si Absalom sa kaniyang sariling bahay, at hindi nakita ang mukha ng hari.

Ang kagandahan ni Absalom.

25 Sa buong Israel nga'y walang gaya ni Absalom na pinakakapuri dahil sa kagandahan: mula sa talampakan ng kaniyang paa hanggang sa tuktok ng kaniyang ulo, ay walang ipipintas sa kaniya.

26 At pagka kaniyang (AT)ipinagugupit ang kaniyang buhok (sa bawa't katapusan nga ng bawa't taon siya ay nagpapagupit: sapagka't mabigat sa kaniya ang buhok kaya't kaniyang ipinagugupit:) kaniyang tinitimbang ang buhok ng kaniyang ulo na may dalawang daang siklo, ayon sa timbangan ng hari.

27 At (AU)ipinanganak kay Absalom ay tatlong lalake, at isang babae, na ang pangala'y Thamar: siya'y isang babae na may magandang mukha.

28 At tumahan si Absalom na dalawang buong taon sa Jerusalem; at hindi niya nakita ang mukha ng hari.

29 Nang magkagayo'y pinasuguan ni Absalom si Joab, upang suguin sa hari: nguni't hindi siya naparoon sa kaniya: at siya'y nagsugo na ikalawa, nguni't siya'y ayaw paroon.

30 Kaya't kaniyang sinabi sa kaniyang mga alipin: Tingnan ninyo, ang bukid ni Joab ay malapit sa akin, at siya'y may sebada roon; yumaon kayo, at silaban ninyo. At sinilaban ng mga alipin ni Absalom ang bukid.

31 Nang magkagayo'y bumangon si Joab, at naparoon kay Absalom sa kaniyang bahay, at nagsabi sa kaniya, Bakit sinilaban ng iyong alipin ang aking bukid?

32 At sinagot ni Absalom si Joab, Narito, ako'y nagpasugo sa iyo, na nagpasabi, Parito ka, upang aking masugo ka sa hari, na magsabi, Sa anong kapararakan naparoon ako mula sa Gessur? lalong mabuti sa akin na tumigil doon. Ngayon nga'y ipakita mo sa akin ang mukha ng hari; at kung may kasamaan sa akin, patayin niya ako.

33 Sa gayo'y naparoon si Joab sa hari at isinaysay sa kaniya: at nang kaniyang matawag na si Absalom, siya'y naparoon sa hari, at nagpatirapa sa lupa sa harap ng hari; at (AV)hinagkan ng hari si Absalom.

Si Absalom sa harapan ni David.

15 At nangyari, pagkatapos nito, na (AW)naghanda si Absalom ng isang karo at mga kabayo, at limang pung lalaking tatakbo sa unahan niya.

At bumangong maaga si Absalom, at tumayo sa tabi ng daan sa pintuang-bayan; at nangyari, na pagka ang sinomang tao ay mayroong usap na ilalapit sa hari upang hatulan, na tinatawag nga ni Absalom, at sinabi, Taga saang bayan ka? At kaniyang sinabi, Ang iyong lingkod ay isa sa mga lipi ng Israel.

At sinabi ni Absalom sa kaniya, Tingnan mo, ang iyong usap ay mabuti at matuwid: nguni't walang kinatawan ang hari na duminig sa iyong usap.

Sinabi ni Absalom bukod dito: Oh maging hukom sana ako sa lupain, upang ang bawa't tao na may anomang usap, o anomang bagay, ay pumarito sa akin at siya'y aking magawan ng katuwiran!

At nangyayari na pagka ang sinoman ay lumalapit upang magbigay galang sa kaniya, na kaniyang iniuunat ang kaniyang kamay at hinahawakan siya at hinahalikan siya.

At ganitong paraan ang ginagawa ni Absalom sa buong Israel na naparoroon sa hari sa pagpapahatol: sa gayo'y ginanyak ni Absalom ang mga kalooban ng mga tao ng Israel.

Ang panghihimagsik ni Absalom.

At nangyari, sa katapusan ng apat na pung taon, na sinasabi ni Absalom sa hari, Isinasamo ko sa iyo na payaunin mo ako at ako'y tumupad ng aking panata na aking ipinanata sa Panginoon, sa Hebron.

Sapagka't ang iyong lingkod ay (AX)nanata ng isang panata samantalang ako'y (AY)tumatahan sa Gesur sa Siria, na nagsabi, Kung tunay na dadalhin uli ako ng Panginoon sa Jerusalem, maglilingkod nga ako sa Panginoon.

At sinabi ng hari sa kaniya, (AZ)Yumaon kang payapa. Sa gayo'y bumangon siya, at naparoon sa Hebron.

10 Nguni't si Absalom ay nagsugo ng mga tiktik sa lahat ng mga lipi ng Israel, na sinasabi, Pagkarinig ninyo ng tunog ng pakakak, inyo ngang sasabihin, Si Absalom ay hari sa Hebron.

11 At lumabas sa Jerusalem na kasama ni Absalom ay dalawang daang lalake (BA)na mga inanyayahan, at nangaparoon silang walang malay; at wala silang nalalamang anoman.

12 At pinagsuguan ni Absalom si (BB)Achitophel na Gilonita, (BC)na kasangguni ni David, mula sa kaniyang bayan, mula sa Gilo samantalang siya'y naghahandog ng mga hain. At mahigpit ang pagbabanta: sapagka't ang bayan na kasama ni Absalom ay dumadami ng dumadami.

Si David ay tumanan mula sa Jerusalem.

13 At naparoon ang isang sugo kay David, na nagsasabi, (BD)Ang mga puso ng mga lalake ng Israel ay sumusunod kay Absalom.

14 At sinabi ni David sa lahat ng kaniyang mga lingkod na nasa kaniya sa Jerusalem, magsibangon kayo, (BE)at tayo'y magsitakas; sapagka't liban na rito ay walang makatatanan sa atin kay Absalom: mangagmadali kayo ng pagtakas, baka sa pagmamadali ay abutan tayo, at dalhan tayo ng kasamaan, at sugatan ang bayan ng talim ng tabak.

15 At sinabi ng mga lingkod ng hari sa hari, Narito, ang iyong mga lingkod ay handa na gumawa ng anoman na pipiliin ng aming panginoon na hari.

16 At lumabas ang hari at ang buong sangbahayan niya na sumunod sa kaniya. At nagiwan ang hari ng (BF)sangpung babae, na mga kinakasama niya, upang magingat ng bahay.

17 At lumabas ang hari at ang buong bayan na kasunod niya: at sila'y nagpahinga sa Beth-merac.

18 At ang lahat niyang mga lingkod ay nagsidaan sa siping niya; at ang lahat na (BG)Ceretheo, at ang lahat na (BH)Peletheo, at ang lahat ng mga Getheo, na anim na raang lalake na nagsisunod sa kaniya mula sa (BI)Gath, na nangagpapauna sa hari.

19 Nang magkagayo'y sinabi ng hari kay (BJ)Ittai na Getheo, Bakit pati ikaw ay sumasama sa amin? bumalik ka at tumahan kang kasama ng hari: sapagka't ikaw ay taga ibang lupa at tapon pa: bumalik ka sa iyong sariling dako.

20 Yamang kahapon ka lamang dumating ay papagpapanhik manaugin na ba kita sa araw na ito na kasama namin, dangang ako'y (BK)yumayaon kung saan maaari? bumalik ka, at ibalik mo ang iyong mga kapatid; kaawaan at katotohanan nawa ang sumaiyo.

21 At sumagot si Ittai sa hari, at nagsabi, (BL)Buhay ang Panginoon, at buhay ang aking panginoon na hari, tunay na kung saan dumoon ang aking panginoon na hari, maging sa kamatayan o sa kabuhayan ay doroon naman ang iyong lingkod.

22 At sinabi ni David kay Ittai, Ikaw ay yumaon at magpauna. At si Ittai na Getheo ay nagpauna, at ang lahat niyang lalake, at ang lahat na bata na kasama niya.

23 At ang buong lupain ay umiyak ng malakas, at ang buong bayan ay tumawid: ang hari man ay tumawid din sa (BM)batis ng Cedron, at ang buong bayan ay tumawid, sa daan ng (BN)ilang.

Si Sadoc, Abiathar, at si Husai ay pinabalik.

24 At, narito, pati si (BO)Sadoc at ang lahat na Levita na kasama niya, na may dala ng kaban ng tipan ng Dios; at kanilang inilapag ang kaban ng Dios, at sumampa si (BP)Abiathar, hanggang sa ang buong bayan ay nakalabas sa bayan.

25 At sinabi ng hari kay Sadoc, Ibalik mo ang kaban ng Dios sa bayan: kung ako'y makakasumpong ng biyaya sa mga mata ng Panginoon, kaniyang ibabalik (BQ)ako at ipakikita sa akin ang kaban at gayon din ang (BR)kaniyang tahanan.

26 Nguni't kung sabihin niyang ganito, Hindi kita (BS)kinalulugdan; narito, ako'y nandito, gawin niya; sa akin ang inaakala niyang mabuti.

27 Sinabi rin ng hari kay Sadoc na saserdote, Hindi ka ba (BT)tagakita? bumalik kang payapa sa bayan, at ang (BU)iyong dalawang anak na kasama ninyo, si Ahimaas na iyong anak, at si Jonathan na anak ni Abiathar.

28 Tingnan mo, ako'y maghihintay (BV)sa mga tawiran sa ilang, hanggang sa may dumating na salita na mula sa inyo na magpatotoo sa akin.

29 Dinala nga uli sa Jerusalem ni Sadoc at ni Abiathar ang kaban ng Dios: at sila'y nagsitahan doon.

30 At umahon si David sa ahunan sa bundok ng mga Olibo, at umiiyak habang siya'y umaahon; (BW)at ang kaniyang ulo ay may takip, at lumalakad siya na (BX)walang suot ang paa; at ang buong bayan na kasama niya ay may takip ang ulo ng bawa't isa, at sila'y nagsisiahon, na nagsisiiyak habang sila'y nagsisiahon.

31 At isinaysay ng isa kay David na sinasabi, Si Achitophel ay nasa nanganghihimagsik na kasama ni Absalom. At sinabi ni (BY)David, Oh Panginoon, isinasamo ko sa iyo, na iyong gawing kamangmangan ang payo ni Achitophel.

32 At nangyari na nang si David ay dumating sa taluktok ng bundok, na doon sinasamba ang Dios, narito, si Husai na (BZ)Arachita ay sumalubong sa kaniya, na ang kaniyang suot ay (CA)hapak, at may lupa sa kaniyang ulo:

33 At sinabi ni David sa kaniya, Kung ikaw ay magpatuloy na kasama ko ay (CB)magiging isang pasan ka nga sa akin.

34 Nguni't kung ikaw ay bumalik sa bayan, at sabihin mo kay Absalom, (CC)Ako'y magiging iyong lingkod, Oh hari; kung paanong ako'y naging lingkod ng iyong ama nang panahong nakaraan, ay gayon magiging lingkod mo ako ngayon: kung magkagayo'y iyo ngang masasansala ang payo ni Achitophel sa ikabubuti ko.

35 At hindi ba kasama mo roon si Sadoc at si Abiathar na mga saserdote? kaya't mangyayari, na anomang bagay ang iyong marinig sa sangbahayan ng hari, iyong (CD)sasaysayin kay Sadoc at kay Abiathar na mga saserdote.

36 Narito (CE)nasa kanila roon ang kanilang dalawang anak, si Ahimaas na anak ni Sadoc, at si Jonathan na anak ni Abiathar; at sa pamamagitan nila ay inyong maipadadala sa akin ang bawa't bagay na inyong maririnig.

37 Sa gayo'y si Husai na (CF)kaibigan ni David ay pumasok sa bayan; at si Absalom ay pumasok sa Jerusalem.

Ang pagbubulaan ni Siba tungkol kay Mephiboseth.

16 At nang si (CG)David ay makaraan sa dako pa noon ng kaunti ng taluktok ng bundok, narito, si (CH)Siba na lingkod ni Mephiboseth ay sumalubong sa kaniya, na may handang isang tuwang na asno, at sa ibabaw ng mga yaon ay dalawang daang tinapay, at isang daang (CI)kumpol na pasas, at isang daang bunga sa taginit, at isang sisidlang balat ng alak.

At sinabi ng hari kay Siba, Ano ang iyong ibig sabihin sa mga ito? At sinabi ni Siba, Ang mga asno ay upang sakyan ng sangbahayan ng hari; at ang tinapay at ang bunga sa taginit ay upang mangakain ng mga binata; at ang alak ay upang mainom ng (CJ)nangapapagod sa ilang.

At sinabi ng hari, At nasaan ang anak ng iyong panginoon? At sinabi ni (CK)Siba sa hari, Narito, siya'y tumatahan sa Jerusalem; sapagka't kaniyang sinabi, Ngayo'y ibabalik sa akin ang sangbahayan ng Israel, ang kaharian ng aking ama.

Nang magkagayo'y sinabi ng hari kay Siba, Narito, iyo ang buong nauukol kay Mephiboseth. At sinabi ni Siba, Ako'y yumuyukod; makasumpong nawa ako ng biyaya sa paningin mo, panginoon ko, Oh hari.

At nang dumarating ang hari sa (CL)Bahurim, narito, lumalabas na mula roo'y isang lalake sa angkan ng sangbahayan ni Saul, na ang pangala'y (CM)Semei, na anak ni Gera: siya'y lumalabas, at manunumpa habang siya'y lumalabas.

At kaniyang hinagis ng mga bato si David, at ang lahat ng lingkod ng haring si David: at ang buong bayan, at ang lahat na malalakas na lalake ay nasa kaniyang kanan, at sa kaniyang kaliwa.

At ganito ang sinabi ni Semei nang siya'y nanunumpa, Lumayas ka, lumayas ka, ikaw na lalaking mabagsik, at hamak na lalake:

(CN)Ibinalik sa iyo ng Panginoon ang buong (CO)dugo ng sangbahayan ni Saul na siya mong hinalinhan ng pagkahari; at ibinigay ng Panginoon ang kaharian sa kamay ni Absalom na iyong anak: at, narito, ikaw ay nasa iyong sariling kasamaan, sapagka't ikaw ay lalaking mabagsik.

Kabutihan ni David kay Semei.

Nang magkagayo'y sinabi ni Abisai na anak ni Sarvia sa hari, Bakit (CP)susumpain nitong asong patay ang aking panginoon na hari? payaunin mo ako, isinasamo ko sa iyo, at pugutin ang kaniyang ulo.

10 At sinabi ng hari, (CQ)Anong ipakikialam ko sa inyo, kayong mga (CR)anak ni Sarvia? Sapagka't siya'y nanunumpa, at sapagka't sinabi ng Panginoon sa kaniya, Sumpain mo si David, sino nga ang magsasabi, Bakit ka gumawa ng ganyan?

11 At sinabi ni David kay Abisai, at sa lahat niyang mga lingkod, Narito, ang anak ko, na lumabas sa aking tiyan, siyang humahanap ng aking buhay: gaano pa nga kaya ang gagawin ngayon ng Benjamitang ito? bayaan ninyo siya at manumpa siya: sapagka't iniutos ng Panginoon sa kaniya.

12 (CS)Marahil ay titingnan ng Panginoon ang kasamaang ginagawa sa akin, at gagawan ako ng mabuti ng Panginoon sa sumpa niya sa akin sa araw na ito.

13 Sa gayo'y nagpatuloy ng lakad si David at ang kaniyang mga lalake: at si Semei ay yumaon sa tagiliran ng bundok sa tapat niya, at sumusumpa habang siya'y yumayaon, at hinahagis ng bato siya, at nananaboy ng alabok.

14 At ang hari at ang buong bayan na nasa kaniya ay nagsidating na pagod; at siya'y nagpahinga roon.

Pumanig si Husai kay Absalom.

15 At si (CT)Absalom at ang buong bayan, na mga lalake ng Israel, ay nagsidating sa Jerusalem at si Achitophel na kasama niya.

16 At nangyari, nang si Husai na (CU)Arachita, na kaibigan ni David, ay dumating kay Absalom, na sinabi ni Husai kay Absalom, (CV)Mabuhay ang hari, mabuhay ang hari.

17 At sinabi ni Absalom kay Husai, Ito ba ang iyong kagandahang loob sa iyong kaibigan? (CW)bakit hindi ka sumama sa iyong kaibigan?

18 At sinabi ni Husai kay Absalom, Hindi; kundi kung sinong piliin ng Panginoon, at ng bayang ito, at ng lahat na lalake sa Israel, doroon ako, at sa kasamahan noon tatahan ako.

19 At saka, (CX)kanino ako maglilingkod? hindi ba sa harap ng kaniyang anak? kung paanong ako'y naglingkod sa harap ng iyong ama, ay magiging gayon ako sa iyong harap.

20 Nang magkagayo'y sinabi ni Absalom kay Achitophel, Magbigay payo kayo kung ano ang ating gagawin.

21 At sinabi ni Achitophel kay Absalom, (CY)Sipingan mo ang mga babae ng iyong ama, na kaniyang iniwan na magsipagingat ng bahay; at mababalitaan ng buong Israel na ikaw ay makayayamot sa iyong ama: kung magkagayo'y lalakas ang (CZ)mga kamay ng lahat na nasa iyo.

22 Sa gayo'y kanilang ipinagladlad si Absalom ng isang tolda sa bubungan ng bahay; at sinipingan ni Absalom ang mga babae ng kaniyang ama (DA)sa paningin ng buong Israel.

23 At ang payo ni Achitophel, na kaniyang ipinapayo sa mga araw na yaon, ay gaya ng kung ang isang lalake ay nagsisiyasat sa salita ng Dios: (DB)gayong lahat ang payo ni Achitophel kay David at gayon din kay Absalom.

Ang payo ni Husai ay isinagawa.

17 Bukod dito'y sinabi ni Achitophel kay Absalom, Papiliin mo ako ng labing dalawang libong lalake, at ako'y titindig at aking hahabulin si David sa gabing ito:

At ako'y darating sa kaniya samantalang siya'y pagod at may mahinang kamay, at akin siyang tatakutin: at ang buong bayan na nasa kaniya ay tatakas; at ang hari lamang ang aking sasaktan:

At aking ibabalik sa iyo ang buong bayan: ang lalake na iyong inuusig ay parang kung ang lahat ay nagbabalik: sa gayo'y ang buong bayan ay mapapayapa.

At ang sabi ay nakalugod na mabuti kay Absalom, at sa lahat ng matanda sa Israel.

Nang magkagayo'y sinabi ni Absalom, Tawagin mo naman ngayon si (DC)Husai na Arachita, at atin ding dinggin ang kaniyang sasabihin.

At nang dumating si Husai kay Absalom, ay sinalita ni Absalom sa kaniya, na sinasabi, Nagsalita si Achitophel ng ganitong paraan: atin bang gagawin ang ayon sa kaniyang sabi? Kung hindi, magsalita ka.

At sinabi ni Husai kay Absalom, Ang payo na ibinigay ni Achitophel ngayon ay hindi mabuti.

Sinabi ni Husai bukod sa rito, Iyong kilala ang iyong Ama at ang kaniyang mga lalake, na sila'y makapangyarihang lalake at sila'y (DD)nagngingitngit sa kanilang mga pagiisip na (DE)gaya ng isang oso na ninakawan sa parang ng kaniyang mga anak: at ang iyong ama ay lalaking mangdidigma, at hindi tatahan na kasama ng bayan.

Narito, siya'y nagkukubli ngayon sa isang hukay o sa ibang dako: at mangyayari, na pagka ang ilan sa kanila ay nabuwal sa pasimula, sinomang makarinig ay magsasabi, May patayan sa bayang sumusunod kay Absalom.

10 At pati ng matapang, na ang puso ay gaya ng puso ng leon, ay lubos na (DF)manglulupaypay: sapagka't kilala ng buong Israel na ang iyong ama ay makapangyarihang lalake, at sila na nasa kaniya ay matatapang na lalake.

11 Nguni't aking ipinapayo na ang buong Israel ay mapisan sa iyo, mula sa (DG)Dan hanggang sa Beer-seba, na (DH)gaya ng buhangin na nasa tabi ng dagat ang dami; at ikaw ay pumaroon sa pagbabaka ng iyong sariling pagkatao.

12 Sa gayo'y aabutin natin siya sa ibang dako na kasusumpungan natin sa kaniya, at tayo'y babagsak sa kaniya na gaya ng hamog na lumalapag sa lupa: at sa kaniya at sa lahat ng mga lalake na nasa kaniya ay hindi tayo magiiwan kahit isa.

13 Bukod dito, kung siya'y umurong sa isang bayan, ang buong Israel ay magdadala nga ng mga lubid sa bayang yaon, at ating babatakin sa ilog, hanggang sa walang masumpungan doon kahit isang maliit na bato.

14 At si Absalom at ang lahat na lalake sa Israel ay nagsipagsabi, Ang payo ni Husai na Arachita ay lalong mabuti kay sa payo ni Achitophel. (DI)Sapagka't ipinasiya ng Panginoon na masansala ang mabuting payo ni Achitophel, upang dalhin ng Panginoon ang kasamaan kay Absalom.

15 Nang magkagayo'y sinabi ni Husai kay (DJ)Sadoc at kay Abiathar na mga saserdote. Ganito't ganito ang ipinayo ni Achitophel kay Absalom at sa mga matanda sa Israel; at ganito't ganito ang aking ipinayo.

16 Ngayon nga'y magsugo kang madali, at saysayin kay David, na sabihin, Huwag kang tumigil ng gabing ito sa mga (DK)tawiran sa ilang, kundi sa anomang paraan ay tumawid ka: baka ang hari ay mapatay at ang buong bayan na nasa kaniya.

17 Si Jonathan at si Ahimaas nga ay nagsitigil sa tabi ng (DL)Enrogel; at isang alilang babae ang pinaparoon at pinapagsaysay sa kanila; at sila'y nagsiparoon, at isinaysay sa haring kay David: sapagka't sila'y hindi makapakitang pumasok sa bayan.

18 Nguni't nakita sila ng isang bata, at isinaysay kay Absalom: at sila'y kapuwa lumabas na nagmadali, at sila'y nagsiparoon sa bahay ng isang lalake sa (DM)Bahurim, na may isang balon sa kaniyang looban; at sila'y nagsilusong doon.

19 At ang babae ay (DN)kumuha ng isang panakip at inilatag sa bunganga ng balon, at nilagyan ng mga (DO)trigo na giniik; at walang bagay na naalaman.

20 At ang mga bataan ni Absalom ay nagsidating sa babae sa bahay; at kanilang sinabi, Saan nandoon si Ahimaas at si Jonathan? (DP)At sinabi ng babae sa kanila, Sila'y tumawid sa batis ng tubig. At nang kanilang mahanap at hindi nila masumpungan ay bumalik sila sa Jerusalem.

Si David ay pinilit na tumawid sa Jordan. Pagpapakamatay ni Achitophel.

21 At nangyari, pagkatapos na sila'y makaalis, na sila'y nagsilabas sa balon, at nagsiyaon at isinaysay sa haring kay David: at kanilang sinabi kay David, Kayo'y magsibangon, at magsitawid na madali sa tubig: sapagka't ganito ang ipinayo ni Achitophel laban sa inyo.

22 Nang magkagayo'y nagsibangon si David, at ang buong bayan na kasama niya, at sila'y tumawid sa Jordan; sa pagbubukang liwayway ay walang naiwan kahit isa sa kanila na hindi tumawid sa Jordan.

23 At nang makita ni Achitophel na ang kaniyang payo ay hindi sinunod, kaniyang siniyahan ang kaniyang asno, at bumangon, at umuwi siya sa bahay, (DQ)sa kaniyang bayan at kaniyang inayos ang kaniyang bahay, at (DR)nagbigti; at siya'y namatay, at nalibing sa libingan ng kaniyang ama.

Sinundan ni Absalom si David.

24 Nang magkagayon ay naparoon si David sa (DS)Mahanaim. At si Absalom ay tumawid sa Jordan, siya at ang lahat na lalake ng Israel na kasama niya.

25 At inilagay ni Absalom si Amasa sa hukbo na kahalili ni Joab. Si Amasa nga ay anak ng isang lalake na ang pangalan ay Itra, na Israelita, na sumiping kay (DT)Abigal na anak na babae ni (DU)Naas, na kapatid ni Sarvia, na ina ni Joab.

26 At ang Israel at si Absalom ay nagsihantong sa lupain ng Galaad.

27 At nangyari, ng si David ay dumating sa Mahanaim, na si (DV)Sobi na anak ni Naas na taga Rabba sa mga anak ni Ammon, at si (DW)Machir na anak ni Ammiel na taga Lodebar, at si (DX)Barzillai na Galaadita na taga Rogelim.

28 Ay nangagdala ng mga higaan, at mga mangkok, at mga sisidlang lupa, at trigo, at sebada, at harina, at butil na sinangag, at habas, at lentehas, at pagkain na sinangag.

29 At pulot pukyutan, at mantekilya, at mga tupa, at keso ng baka para kay David, at sa bayan na kasama niya, upang kanin; sapagka't kanilang sinabi, Ang bayan ay gutom, at pagod, (DY)at uhaw (DZ)sa ilang.

Nagtagumpay si David laban kay Absalom.

18 At binilang ni David ang bayan na kasama niya, at naglagay ng mga puno ng mga libolibo, at puno ng mga daandaan sa kanila.

At pinayaon ni David ang bayan, ang isang ikatlong bahagi ay nasa kamay ni Joab, (EA)at ang ikatlong bahagi ay nasa kamay ni Abisai na anak ni Sarvia, na kapatid ni Joab, at ang ikatlong bahagi ay nasa kamay ni Ittai na Getheo. At sinabi ng hari sa bayan, (EB)Walang pagsalang ako'y lalabas na kasama ninyo.

Nguni't sinabi (EC)ng bayan, Huwag kang lalabas: sapagka't kung kami man ay tumakas, ay hindi nila kami aalumanahin, o kung ang kalahati man namin ay mamatay, ay hindi nila kami aalumanahin: nguni't ikaw ay may halagang sangpung libo sa amin: kaya't ngayo'y lalong maigi na ikaw ay maghanda na iyong saklolohan kami mula sa bayan.

At sinabi ng hari sa kanila, Kung ano ang inaakala ninyong mabuti ay aking gagawin. At ang hari ay tumayo sa tabi ng pintuang-bayan, at ang buong bayan ay lumabas na daan daan at libolibo.

At ang hari ay nagutos kay Joab at kay Abisai, at kay Ittai, na nagsasabi, Inyong gamitan ng kaawaan, alangalang sa akin, ang binata, sa makatuwid baga'y si Absalom. At narinig ng buong bayan nang ipagbilin ng hari sa lahat ng punong kawal ang tungkol kay Absalom.

Sa gayo'y lumabas ang bayan sa parang laban sa Israel; at ang pagbabaka ay nasa (ED)gubat ng Ephraim.

At ang bayan ng Israel ay nasaktan doon sa harap ng mga lingkod ni David, at nagkaroon ng malaking patayan doon sa araw na yaon, na may dalawang pung libong lalake.

Sapagka't doon ang pagbabaka ay nakalat sa ibabaw ng buong lupain: at ang gubat ay lumamon ng higit na bayan sa araw na yaon kay sa nilamon ng tabak.

At nakasagupa ni Absalom ang mga lingkod ni David. At si Absalom ay nakasakay sa kaniyang mula, at ang mula ay nagdaan sa ilalim ng mayabong na mga sanga ng isang malaking ensina, at ang kaniyang ulo ay nasabit sa ensina, at siya'y nabitin; at ang mula na nasa ilalim niya ay nagpatuloy.

10 At nakita siya ng isang lalake at isinaysay kay Joab, at sinabi, Narito, aking nakita si Absalom na nakabitin sa isang ensina.

11 At sinabi ni Joab sa lalaking nagsaysay sa kaniya, At, narito, iyong nakita, at bakit hindi mo sinaktan doon sa lupa? at nabigyan sana kita ng sangpung putol na pilak, at isang (EE)pamigkis.

12 At sinabi ng lalake kay Joab, Bagaman ako'y tatanggap ng isang libong putol na pilak sa aking kamay, gayon ma'y hindi ko iuunat ang aking kamay laban sa anak ng hari: (EF)sapagka't sa aming pakinig ay ibinilin ng hari sa iyo, at kay Abisai, at kay Ittai, na sinabi, Ingatan ninyo na huwag galawin ninoman ang binatang si Absalom.

13 Sa ibang paraan, kung ako'y gumawa ng paglililo laban sa kaniyang buhay (at walang bagay na makukubli sa hari,) ikaw man sa iyong sarili ay mananayong laban sa akin.

14 Nang magkagayo'y sinabi ni Joab, Hindi ako makatitigil ng ganito sa iyo. At siya'y kumuha ng tatlong pana sa kaniyang kamay at pinalagpas sa puso ni Absalom, samantalang siya'y buhay pa sa gitna ng ensina.

15 At sangpung bataan na tagadala ng sandata ni Joab ay kumubkob at sinaktan si Absalom, at pinatay siya.

16 At hinipan ni Joab ang pakakak, at ang bayan ay bumalik na mula sa paghabol sa Israel: sapagka't pinigil ni Joab ang bayan.

17 At kanilang kinuha si Absalom at inihagis nila siya sa malaking hukay sa gubat, at (EG)tinabunan siya ng isang malaking bunton ng bato: at ang buong Israel ay (EH)tumakas bawa't isa sa kaniyang tolda.

18 Si Absalom nga sa kaniyang kabuhayan ay nagpasiya at nagtayo sa ganang kaniya ng (EI)haligi, na pinaka alaala, na nasa (EJ)libis ng hari: sapagka't kaniyang sinasabi, (EK)Wala akong anak na magiingat ng alaala ng aking pangalan: at kaniyang tinawag ang haligi ng ayon sa kaniyang sariling pangalan: at tinawag na monumento ni Absalom, hanggang sa araw na ito.

Nagpadala ng sugo kay David.

19 Nang magkagayo'y sinabi ni (EL)Ahimaas na anak ni Sadoc, Patakbuhin mo ako ngayon, at magdala ng balita sa hari, kung paanong iginanti siya ng Panginoon sa kaniyang kaaway.

20 At sinabi ni Joab sa kaniya, Hindi ka magiging tagapagdala ng balita sa araw na ito: kundi magdadala ka ng balita sa ibang araw: nguni't sa araw na ito ay hindi ka magdadala ng balita, sapagka't ang anak ng hari ay namatay.

21 Nang magkagayo'y sinabi ni Joab sa Cusita, Yumaon ka na saysayin mo sa hari kung ano ang iyong nakita. At ang Cusita ay yumukod kay Joab, at tumakbo.

22 Nang magkagayo'y nagsabi pa uli si Ahimaas na anak ni Sadoc kay Joab, Nguni't sa anomang kahinatnan, isinasamo ko sa iyo, na ako naman ay iyong patakbuhin na kasunod ng Cusita. At sinabi ni Joab, Bakit tatakbo ka, anak ko, dangang wala kang mapapala ng dahil sa balita?

23 Nguni't sa anomang kahinatnan, ako'y tatakbo. At sinabi niya sa kaniya, Tumakbo ka. Nang magkagayo'y tumakbo si Ahimaas sa daan (EM)ng kapatagan, at inunahan ang Cusita.

24 Si David nga ay nakaupo sa pagitan ng dalawang pintuang-bayan: (EN)at ang bantay ay sumampa sa ibabaw ng pintuang-bayan, sa kuta, at itinanaw ang kaniyang mga mata, at tumingin, at narito, isang lalake ay tumatakbong nagiisa.

25 At sumigaw ang bantay, at isinaysay sa hari. At sinabi ng hari, Kung siya'y nagiisa, may balita sa kaniyang bibig. At siya'y nagpatuloy at lumapit.

26 At ang bantay ay nakakita ng ibang lalake na tumatakbo at tinawag ng bantay ang tanod-pinto, at sinabi, Narito, may ibang lalake na tumatakbong nagiisa. At sinabi ng hari, Siya'y may dala ring balita.

27 At sinabi ng bantay, Inaakala ko na ang takbo ng una ay (EO)gaya ng takbo ni Ahimaas na anak ni Sadoc. At sinabi ng hari, Siya'y mabuting (EP)lalake at napariritong may mabuting balita.

Ang kamatayan ni Absalom ay sinaysay kay David.

28 At tumawag si Ahimaas at nagsabi sa hari, Lahat ay mabuti. At siya'y nagpatirapa sa lupa sa harap ng hari, at nagsabi, Purihin ang Panginoon mong Dios, na (EQ)nagbigay ng mga lalaking nagsipagtaas ng kanilang kamay laban sa aking panginoon na hari.

29 At sinabi ng hari, Ligtas ba ang binatang si Absalom? At sumagot si Ahimaas. Nang suguin ni Joab, ang lingkod ng hari, sa makatuwid baga'y ako na iyong lingkod, ako'y nakakita ng isang malaking pagkakagulo, nguni't hindi ko nalalaman kung ano.

30 At sinabi ng hari, Pumihit ka, at tumayo ka rito. At siya'y pumihit at tumayo.

31 At, narito, ang Cusita ay dumating; at sinabi ng Cusita, Balita sa aking panginoon na hari: sapagka't iginanti ka ng Panginoon sa araw na ito doon sa lahat na nagsibangon laban sa iyo.

32 At sinabi ng hari sa Cusita, Ligtas ba ang binatang si Absalom? At sumagot ang Cusita, Ang mga (ER)kaaway ng aking panginoon na hari, at yaong lahat na nagsibangon laban sa iyo upang gawan ka ng masama ay maging gaya nawa ng binatang yaon.

33 At ang hari ay nagulumihanan, at sumampa sa silid na nasa ibabaw ng pintuang bayan, at umiyak: at habang siya'y yumayaon, ganito ang sinasabi niya, (ES)Oh anak kong Absalom, anak ko, anak kong Absalom! Mano nawa'y ako ang namatay na kahalili mo, Oh Absalom, anak ko, anak ko!

Mga panangis ni David.

19 At nasaysay kay Joab; narito, ang hari ay tumatangis at namamanglaw dahil kay Absalom.

At ang pagtatagumpay sa araw na yaon ay naging kapanglawan sa buong bayan: sapagka't narinig ng bayan na sinasabi sa araw na yaon. Ang hari ay nahahapis dahil sa kaniyang anak.

(ET)At ang bayan ay pumasok sa bayan na patago sa araw na yaon, na gaya ng pagpasok ng bayang napapahiya pagka tumatakas sa pagbabaka.

At (EU)tinakpan ng hari ang kaniyang mukha, at ang hari ay sumigaw ng malakas. Oh anak kong Absalom, Oh Absalom, anak ko, anak ko!

At pumasok si Joab sa bahay, sa hari, at nagsabi, Iyong hiniya sa araw na ito ang mga mukha ng lahat na iyong lingkod na nagligtas sa araw na ito ng iyong buhay, at ng mga buhay ng iyong mga anak na lalake at babae, at ng mga buhay ng iyong mga asawa, at ng mga buhay ng iyong mga babae;

Sa iyong pagibig sa nangapopoot sa iyo, at pagkapoot sa nagsisiibig sa iyo. Sapagka't iyong inihayag sa araw na ito, na ang mga prinsipe at mga lingkod ay walang anoman sa iyo: sapagka't aking nagugunita sa araw na ito, na kung si Absalom ay nabuhay, at kaming lahat ay namatay sa araw na ito, ay disin nakapagpalugod na mabuti sa iyo.

Ngayon nga'y bumangon ka, ikaw ay lumabas, at magsalita na may kagandahang loob sa iyong mga lingkod: sapagka't aking isinusumpa sa pangalan ng Panginoon, na kung ikaw ay hindi lalabas, ay walang matitira sa iyong isang tao sa gabing ito: at yao'y magiging masama sa iyo kay sa lahat ng kasamaan na sumapit sa iyo mula sa iyong kabataan hanggang ngayon.

Nang magkagayo'y tumindig ang hari, at naupo sa pintuang-bayan. At kanilang isinaysay sa buong bayan, na sinasabi, Narito ang hari ay nakaupo sa pintuang-bayan: at ang buong bayan ay naparoon sa harap ng hari. (EV)Nakatakas nga ang Israel bawa't isa sa kaniyang tolda.

At ang buong bayan ay nagtatalo sa lahat ng mga lipi ng Israel, na sinasabi, Iniligtas tayo ng hari sa kamay ng ating mga kaaway; at iniligtas niya tayo sa kamay ng mga Filisteo; at ngayo'y kaniyang tinakasan si Absalom sa lupain.

10 At si Absalom na ating pinahiran ng langis, upang maging hari sa atin ay namatay sa pagbabaka. Ngayon nga'y bakit hindi kayo nagsasalita ng isang salita sa pagbabalik sa hari?

Pinabalik si David.

11 At nagsugo ang haring si David kay (EW)Sadoc at kay Abiathar na mga saserdote, na sinasabi, Magsipagsalita kayo sa mga matanda sa Juda, na magsipagsabi, Bakit kayo ang huli sa pagbabalik sa hari sa kaniyang bahay? dangang ang pananalita ng buong Israel ay dumating sa hari, upang ibalik siya sa kaniyang bahay.

12 Kayo'y aking mga kapatid, kayo'y (EX)aking buto at aking laman: bakit nga kayo ang huli sa pagbabalik sa hari?

13 (EY)At sabihin ninyo kay Amasa, Hindi ka ba aking buto at aking laman? (EZ)Hatulan ng Dios ako, at lalo na, kung ikaw ay hindi maging palaging (FA)punong kawal ng mga hukbo sa harap ko na kahalili ni Joab.

14 At kaniyang ikiniling ang puso ng lahat ng mga lalake ng Juda (FB)na parang puso ng isang tao; na anopa't sila'y nagsipagsugo sa hari, na nagsisipagsabi, Ikaw ay bumalik, at ang lahat ng iyong lingkod.

15 Sa gayo'y bumalik ang hari, at naparoon sa Jordan. At ang Juda ay naparoon sa (FC)Gilgal, upang salubungin ang hari, na itawid ang hari sa Jordan.

16 At si (FD)Semei na anak ni Gera, na Benjamita, na taga (FE)Bahurim, ay nagmadali at lumusong na kasama ang mga lalake ng Juda upang salubungin ang haring si David.

17 At may isang libong lalake ng Benjamin na kasama siya, at si (FF)Siba, na alila sa sangbahayan ni Saul, at ang kaniyang labing limang anak at ang kaniyang dalawang pung alila na kasama niya; at sila'y nagsitawid sa Jordan sa harap ng hari.

18 At may tawiran naman upang tawiran ng sangbahayan ng hari, at gawin ang kaniyang inaakalang mabuti. At si Semei na anak ni Gera ay nagpatirapa sa harap ng hari, nang siya'y makatawid sa Jordan.

19 At sinabi niya sa hari, Huwag paratangan ng kasamaan ako ng aking panginoon, o alalahanin man ang ginawa na may kalikuan ng iyong lingkod sa araw na ang aking panginoon na hari ay lumabas sa Jerusalem, upang (FG)isapuso ng hari.

20 Sapagka't nalalaman ng iyong lingkod na ako'y nagkasala: kaya't, narito, ako'y naparirito sa araw na ito, na una sa lahat ng (FH)sangbahayan ni Jose upang lumusong na salubungin ang aking panginoon na hari.

21 Nguni't si Abisai na anak ni Sarvia ay sumagot, at nagsabi, Hindi ba papatayin si Semei dahil dito, sapagka't kaniyang (FI)isinumpa ang pinahiran ng langis ng Panginoon?

22 At sinabi ni David, (FJ)Ano ang ipakikialam ko sa inyo, mga anak ni Sarvia, na kayo'y magiging mga kaaway ko sa araw na ito? (FK)may sinoman bang papatayin sa araw na ito sa Israel? sapagka't di ko ba talastas na ako'y hari sa araw na ito sa Israel?

23 At (FL)sinabi ng hari kay Semei, Ikaw ay hindi mamamatay. At ang hari ay sumumpa sa kaniya.

Ang pakikipagkita ni David kay Mephiboseth at kay Barzillai.

24 At si (FM)Mephiboseth na anak ni Saul ay lumusong na sinalubong ang hari; at hindi man siya naghugas ng kaniyang mga paa, o naggupit man ng kaniyang balbas, o nilabhan man ang kaniyang mga suot, mula sa araw na ang hari ay umalis hanggang sa araw na siya'y umuwi na payapa sa bahay.

25 At nangyari, nang siya'y dumating sa Jerusalem upang salubungin ang hari, na sinabi ng hari sa kaniya, (FN)Bakit hindi ka yumaong kasama ko, Mephiboseth?

26 At siya'y sumagot, Panginoon ko, Oh hari, dinaya ako ng aking lingkod: sapagka't sinabi ng iyong lingkod, Ako'y maghahanda ng isang asno, upang aking masakyan, at yumaong kasama ng hari; sapagka't ang iyong lingkod ay pilay.

27 (FO)At kaniyang binintangan ang iyong lingkod sa aking panginoon na hari; nguni't ang panginoon kong hari ay (FP)gaya ng isang anghel ng Dios: gawin mo nga kung ano ang mabuti sa iyong mga mata.

28 Sapagka't ang buong sangbahayan ng aking ama ay mga patay na lalake lamang sa harap ng panginoon kong hari: (FQ)gayon ma'y inilagay mo ang iyong lingkod sa kasamahan ng nagsisikain sa iyong sariling dulang. Ano pa ngang matuwid mayroon ako, na aking maisisigaw pa sa hari?

29 At sinabi ng hari sa kaniya, Bakit nagsasalita ka pa ng iyong mga bagay? Aking sinabi, Ikaw at si Siba ay maghati sa lupa.

30 At sinabi ni Mephiboseth sa hari, Oo, ipakuha mo sa kaniya ang lahat, yamang ang aking panginoon na hari ay dumating na payapa sa kaniyang sariling bahay.

31 At si (FR)Barzillai na Galaadita ay lumusong mula sa Rogelim; at siya'y tumawid sa Jordan na kasama ng hari, upang ihatid niya siya sa dako roon ng Jordan.

32 Si Barzillai nga ay lalaking matanda nang totoo, na may walong pung taon: at kaniyang ipinaghanda ang hari ng (FS)pagkain samantalang siya'y nasa Mahanaim; sapagka't siya'y totoong dakilang tao.

33 At sinabi ng hari kay Barzillai, Tumawid kang kasama ko, at aking pakakanin ka sa Jerusalem.

34 At sinabi ni Barzillai sa hari, Gaano na lamang ang mga araw ng mga taon ng aking buhay, na aahon pa ako sa Jerusalem na kasama ng hari?

35 Ako sa araw na ito'y may walong pung taon na; makapapansin pa ba ako ng mabuti at masama? malalasahan pa ba ng iyong lingkod ang kaniyang kinakain at iniinom? maririnig ko pa ba ang tinig ng mangaawit na lalake at babae? bakit pa nga magiging isang pasan ang iyong lingkod sa aking panginoon na hari?

36 Ang iyong lingkod ay yayaon na lamang ng kaunti sa dako roon ng Jordan na kasama ng hari: at bakit gagantihin ng hari ako ng ganyang ganting pala?

37 Isinasamo ko sa iyo na pabalikin mo ang iyong lingkod, upang ako'y mamatay sa aking sariling bayan, sa siping ng libingan ng aking ama at ng aking ina. Nguni't, narito, ang iyong lingkod na (FT)Chimham: bayaan siyang tumawid na kasama ng aking panginoon na hari; at gawin mo sa kaniya, kung ano ang mamabutihin mo.

38 At sumagot ang hari, Si Chimham ay tatawid na kasama ko, at gagawin ko sa kaniya ang aakalain mong mabuti: at anomang iyong kailanganin sa akin ay aking gagawin alangalang sa iyo.

39 At ang buong bayan ay tumawid sa Jordan, at ang hari ay tumawid: at (FU)hinagkan ng hari si Barzillai, at binasbasan siya; at siya'y bumalik sa kaniyang sariling dako.

Pagkakainggitan ng Israel at Juda.

40 Sa gayo'y tumawid sa Gilgal ang hari, at si Chimham ay tumawid na kasama niya: at itinawid ng buong bayan ng Juda ang hari, at ng kalahati rin naman ng bayan ng Israel.

41 At, narito, ang lahat na lalake ng Israel ay nagsiparoon sa hari, at nagsipagsabi sa hari, Bakit ninakaw (FV)ka ng aming mga kapatid na mga lalake ng Juda, at itinawid ang hari at ang kaniyang sangbahayan sa Jordan, at ang lahat na lalake ni David na kasama niya?

42 At ang lahat na lalake ng Juda ay nagsisagot sa mga lalake ng Israel, Sapagka't ang hari ay (FW)kamaganak na malapit namin: bakit nga kayo mangagagalit dahil sa bagay na ito? nagsikain ba kami ng anoman sa gugol ng hari? o binigyan ba niya kami ng anomang kaloob?

43 At ang mga lalake ng Israel ay nagsisagot sa mga lalake ng Juda, at nagsipagsabi, Kami ay may sangpung bahagi sa hari, at kami ay may higit na matuwid kay David kay sa inyo; bakit nga ninyo niwalan ng kabuluhan kami, na ang aming payo'y hindi siyang una sa pagbabalik sa aming hari? (FX)At ang mga salita ng mga lalake ng Juda ay lalong mababagsik kay sa mga salita ng mga lalake ng Israel.

Paghihimagsik ni Seba.

20 At nagkataon, na may isang (FY)lalake, na ang pangala'y Seba, na anak ni Bichri, na Benjamita: at kaniyang hinipan ang pakakak, at nagsabi, (FZ)Kami ay walang bahagi kay David, o anomang mana sa anak ni Isai: bawa't tao ay sa kaniyang mga tolda, (GA)Oh Israel.

Sa gayo'y lahat ng mga lalake ng Israel ay nagsiahong mula sa pagsunod kay David, at nagsisunod kay Seba na anak ni Bichri: nguni't ang mga anak ni Juda ay nagsisanib sa kanilang hari, mula sa Jordan hanggang sa Jerusalem.

At dumating si David sa kaniyang bahay sa Jerusalem; at kinuha ng hari ang sangpung babae na kaniyang mga (GB)kinakasama, na siyang mga iniwan niya upang magsipagingat ng bahay, at mga inilagay sa pagbabantay at mga hinandaan sila ng pagkain, nguni't hindi sumiping sa kanila. Sa gayo'y nasarhan sila hanggang sa kaarawan ng kanilang kamatayan, na nangamuhay sa pagkabao.

Pinatay ni Joab si Amasa.

Nang magkagayo'y sinabi ng hari kay Amasa, (GC)Pisanin mo sa akin ang mga lalake ng Juda sa loob ng tatlong araw, at humarap ka rito.

Sa gayo'y yumaon si Amasa upang pisanin ang mga lalake sa Juda: nguni't siya'y nagluwa't kay sa panahong takda na kaniyang itinakda sa kaniya.

At sinabi ni David kay Abisai, Gagawa nga si Seba na anak ni Bichri ng lalong masama kay sa ginawa ni Absalom: kunin mo ngayon ang mga lingkod ng iyong panginoon, at habulin ninyo siya, baka siya'y makaagap ng mga bayan na nakukutaan, at makatanan sa ating paningin.

At nagsilabas na hinabol siya ng mga lalake ni Joab, at ang mga (GD)Ceretheo at ang mga Peletheo, at ang lahat na makapangyarihang lalake; at sila'y nagsilabas sa Jerusalem, upang habulin si Seba na anak ni Bichri.

Nang sila'y na sa malaking bato na nasa Gabaon, ay sumalubong sa kanila si Amasa. At si Joab ay nabibigkisan ng kaniyang suot na pangdigma na kaniyang isinuot, at sa ibabaw niyaon ay ang pamigkis na may tabak na sukat sa kaniyang mga balakang sa kaniyang kaloban: at samantalang siya'y lumalabas ay nahulog.

At sinabi ni Joab kay Amasa, Mabuti ba sa iyo, kapatid ko? (GE)At hinawakan ni Joab sa balbas si Amasa ng kaniyang kanang kamay upang hagkan niya siya.

10 Nguni't si Amasa ay hindi nagingat sa tabak na nasa kamay ni Joab; sa gayo'y sinaktan siya sa (GF)tiyan, at lumuwa ang kaniyang bituka sa lupa, at hindi na siya inulit pa; at siya'y namatay. At si Joab at si Abisai na kaniyang kapatid ay humabol kay Seba na anak ni Bichri.

Hinabol si Seba ni Joab.

11 At tumayo sa siping niyaon ang isa sa mga bataan ni Joab, at nagsabi, Siyang nagpapabuti kay Joab at siyang kay David, ay sumunod kay Joab.

12 At si Amasa ay nagugumon sa kaniyang dugo sa gitna ng lansangan. At nang makita ng lalake na ang buong bayan ay nakatayong natitigil, ay kaniyang dinala si Amasa mula sa lansangan hanggang sa parang, at tinakpan siya ng isang kasuutan, nang kaniyang makita na bawa't dumating sa siping niya ay tumitigil.

13 Nang siya'y alisin sa lansangan, ay nagpatuloy ang buong bayan na nagsisunod kay Joab, upang habulin si Seba na anak ni Bichri.

Si Seba ay nakulong at pinatay.

14 At siya ay naparoon sa lahat ng mga lipi ng Israel, sa (GG)Abel, at sa Beth-maacha, at ang lahat na Berita: at sila'y nangagpisan at nagsiyaon namang kasunod niya.

15 At sila'y nagsidating at kinulong nila siya sa Abel ng Beth-maacha, at sila'y nagtindig ng isang (GH)bunton laban sa bayan, at tumayo laban sa kuta: at sinasaksak ang kuta ng buong bayan na kasama ni Joab, upang ibuwal.

16 Nang magkagayo'y sumigaw ang isang pantas na babae sa bayan, Dinggin ninyo, dinggin ninyo: Isinasamo ko sa inyo na inyong sabihin kay Joab, Lumapit ka rito, na ako'y makapagsalita sa iyo.

17 At siya'y lumapit sa kaniya, at sinabi ng babae, Ikaw ba'y si Joab? At siya'y sumagot, Ako nga. Nang magkagayo'y sinabi niya sa kaniya, Dinggin mo ang mga salita ng iyong lingkod. At siya'y sumagot, Aking dinidinig.

18 Nang magkagayo'y nagsalita siya, na sinasabi, Sinasalita noong unang panahon, na sinasabi, Sila'y walang pagsalang hihingi ng payo sa Abel; at gayon nila tinapos ang usap.

19 Ako'y doon sa mga tahimik at tapat sa Israel: ikaw ay nagsisikap na gumiba ng isang bayan at ng isang ina sa Israel: bakit ibig mong (GI)lamunin ang (GJ)mana ng Panginoon?

20 At si Joab ay sumagot, at nagsabi, Malayo, malayo nawa sa akin na aking lamunin o gibain.

21 Ang usap ay hindi ganyan: kundi ang isang lalake sa lupaing maburol ng Ephraim, si Seba na anak ni Bichri ang pangalan, ay nagtaas ng kaniyang kamay laban sa hari, sa makatuwid baga'y laban kay David: ibigay mo lamang siya sa akin, at aking ihihiwalay sa bayan. At sinabi ng babae kay Joab, Narito, ang kaniyang ulo ay mahahagis sa iyo sa kuta.

22 Nang magkagayo'y naparoon ang babae sa buong bayan sa (GK)kaniyang karunungan. At kanilang pinugot ang ulo ni Seba na anak ni Bichri, at inihagis kay Joab. At kaniyang hinipan ang pakakak at sila'y nangalat mula sa bayan, bawa't tao ay sa kaniyang tolda. At si Joab ay bumalik sa Jerusalem sa hari.

23 Si (GL)Joab nga ay na sa buong hukbo ng Israel: at si (GM)Benaia na anak ni Joiada ay na sa mga Ceretheo at sa mga Peletheo:

24 At si Adoram ay (GN)nasa mga magpapabuwis at si (GO)Josaphat na anak ni Ahilud ay kasangguni:

25 At si Seba ay kalihim: at si (GP)Sadoc at si Abiathar ay mga saserdote:

26 (GQ)At si Ira naman sa Jaireo ay pangulong tagapangasiwa kay David.

Ang Gabaonita ay ipinaghiganti kay Saul.

21 At nagkaroon ng kagutom sa mga kaarawan ni David na taon taon, sa tatlong taon; at hinanap ni David ang mukha ng Panginoon. At sinabi ng Panginoon, Dahil kay Saul, at dahil sa kaniyang salaring sangbahayan, sapagka't kaniyang pinatay ang mga Gabaonita.

At tinawag ng hari ang mga Gabaonita at sinabi sa kanila; (ang mga Gabaonita nga ay hindi sa mga anak ni Israel, kundi sa (GR)nalabi sa mga Amorrheo; at ang mga anak ni Israel ay nagsisumpa sa kanila: at pinagsikapan ni Saul na patayin sa kaniyang sikap dahil sa mga anak ni Israel at Juda:)

At sinabi ni David sa mga Gabaonita, Ano ang gagawin ko sa inyo? at ano ang itutubos ko, upang inyong basbasan ang (GS)mana ng Panginoon?

At sinabi ng mga Gabaonita sa kaniya, Hindi kabagayan ng pilak o ginto sa amin at kay Saul, o sa kaniyang sangbahayan; kahit sa amin ang pumatay ng sinomang tao sa Israel. At kaniyang sinabi, Ano ang inyong sasabihin, na aking gagawin sa inyo?

At kanilang sinabi sa hari, Ang lalake na pumupugnaw sa amin, at yaong nagbabanta laban sa amin, na kami ay malipol sa pagtahan sa alinman sa mga hangganan ng Israel,

Ay ibigay sa amin ang pito sa kaniyang mga anak, at aming ibibitin sa Panginoon sa (GT)Gabaa ni Saul na pinili ng Panginoon. At sinabi ng hari, Aking ibibigay sila.

Nguni't ang hari ay nanghinayang kay Mephiboseth na anak ni Jonathan na anak ni Saul, dahil sa (GU)sumpa ng Panginoon na namamagitan sa kanila, kay David at kay Jonathan na anak ni Saul.

Nguni't kinuha ng hari ang dalawang anak ni Rispa, na (GV)anak ni Aja, na kaniyang ipinanganak kay Saul, si Armoni at si Mephiboseth; at ang limang anak ni (GW)Michal na anak na babae ni Saul na kaniyang ipinanganak kay Adriel na anak ni Barzillai, na Molathita:

At ibinigay niya sila sa mga kamay ng mga Gabaonita at mga ibinitin nila sa bundok sa harap ng Panginoon, at nangabuwal ang pito na magkakasama. At sila'y pinatay sa mga kaarawan ng pagaani, sa mga unang araw, sa (GX)pasimula ng pagaani ng sebada.

10 At kumuha si Rispa na anak ni Aja ng isang magaspang na kayong damit, at inilatag niya sa ibabaw ng bato, mula sa (GY)pasimula ng pagaani hanggang sa ang tubig ay nabuhos sa mga yaon na mula sa langit; at hindi niya tiniis sa araw na dapuan yaon ng mga ibon sa himpapawid, o lapitan man sa gabi ng mga hayop sa parang.

11 At nasaysay kay David ang ginawa ni Rispa na anak ni Aja, na babae ni Saul.

12 At yumaon at kinuha ni David ang mga buto ni Saul at ang mga buto ni Jonathan na kaniyang anak sa (GZ)mga lalake ng Jabes-galaad, (HA)na siyang nagsipagnakaw ng mga yaon sa daan ng (HB)Beth-san, na doon sila ibinitin ng mga Filisteo nang araw na patayin ng mga Filisteo si Saul sa Gilboa:

13 At kaniyang iniahon mula roon ang mga buto ni Saul at ang mga buto ni Jonathan na kaniyang anak; at kanilang pinisan ang mga buto ng mga ibinitin.

14 At kanilang ibinaon ang mga buto ni Saul at ni Jonathan na kaniyang anak sa lupain ng Benjamin sa (HC)Sela sa libingan ni Cis na kaniyang ama: at kanilang tinupad yaong lahat na iniutos ng hari. (HD)At pagkatapos ang Dios ay nadalanginan dahil sa lupain.

Mga pakikidigma laban sa Filisteo.

15 At ang mga Filisteo ay nagkaroon ng pakikidigma uli sa Israel; at si David ay lumusong, at ang kaniyang mga lingkod na kasama niya, at nangakipagbaka laban sa mga Filisteo. At si David ay napagod.

16 At si Isbi-benob, na sa mga anak ng higante; na ang bigat ng sibat (HE)niya ay tatlong daang siklong tanso, na palibhasa'y nabibigkisan ng bagong tabak ay nagmunukalang patayin si David.

17 Nguni't sinaklolohan siya ni (HF)Abisai na anak ni Sarvia, at sinaktan ang Filisteo, at pinatay niya. Nang magkagayo'y nagsisumpa sa kaniya ang mga lalake ni David, na nangagsasabi, (HG)Hindi ka na lalabas pa na kasama namin sa pakikipagbaka, upang huwag mong patayin ang tanglaw ng Israel.

18 (HH)At nangyari, pagkatapos nito, na nagkaroon uli ng pakikidigma sa mga Filisteo sa Gob; nang magkagayo'y sinaktan ni (HI)Sibechai na Husathita si Saph, na sa mga (HJ)anak ng higante.

19 At nagkaroon uli ng pakikidigma sa mga Filisteo sa Gob; at pinatay ni Elhanan na anak ni Jaare-oregim, na Bethlehemita, si Goliath na Getheo, (HK)na ang puluhan ng kaniyang sibat ay gaya ng panghabi ng manghahabi.

20 At nagkaroon uli ng pakikipagbaka sa (HL)Gath, na doo'y may isang lalaking lubhang mataas, na mayroon sa bawa't kamay na anim na daliri, at sa bawa't paa'y anim na daliri, na dalawang pu't apat sa bilang: at siya ay ipinanganak din sa higante.

21 At nang kaniyang hamunin[b] ang Israel, ay pinatay siya ni Jonathan na anak ni (HM)Sima na kapatid ni David.

22 Ang apat na ito ay ipinanganak sa higante sa Gath; nangabuwal sa pamamagitan ng kamay ni David, at ng kamay ng kaniyang mga lingkod.

Awit ng pagpupuri ni David.

22 At sinalita ni (HN)David ang mga salita ng awit na ito sa Panginoon nang araw na iligtas ng Panginoon siya sa kamay ng lahat ng kaniyang mga kaaway, at sa kamay ni Saul.

(HO)At kaniyang sinabi,
Ang Panginoo'y aking malaking bato at aking katibayan, at tagapagligtas sa akin, sa makatuwid baga'y akin;
Ang Dios, ang (HP)aking malaking bato, na sa (HQ)kaniya ako'y manganganlong:
Aking (HR)kalasag, at siyang (HS)sungay ng aking kaligtasan, aking matayog na moog at (HT)ampunan sa akin;
Tagapagligtas sa akin, ikaw ang nagliligtas sa akin sa karahasan.
Ako'y tatawag sa Panginoon na (HU)karapatdapat purihin:
Sa ganya'y maliligtas ako sa aking mga kaaway.
Sapagka't ang mga alon ng kamatayan ay kumulong sa akin;
Ang mga baha ng kalikuan ay tumakot sa akin.
Ang mga panali ng Sheol ay lumibid sa akin:
Ang mga silo ng kamatayan ay nagsisapit sa akin.
Sa aking pagkahapis ay tumawag ako sa Panginoon;
Oo, ako'y tumawag sa aking Dios:
At kaniyang dininig ang aking tinig mula sa kaniyang templo,
At ang aking daing (HV)ay sumapit sa kaniyang mga pakinig.
(HW)Nang magkagayo'y umuga ang lupa at nayanig.
(HX)Ang mga pinagtitibayan ng langit ay nangakilos.
At nangauga, sapagka't siya'y nagalit.
Umilanglang ang usok mula sa kaniyang mga butas ng ilong,
At apoy na mula sa kaniyang bibig ay nanupok:
Mga baga ay nagalab sa pamamagitan niyaon.
10 (HY)Kaniyang pinayukod din naman ang langit at bumaba:
(HZ)At salimuot na kadiliman ay nasa ilalim ng kaniyang mga paa.
11 At siya'y sumakay sa isang querubin at lumipad:
Oo, siya'y nakita (IA)sa mga pakpak ng hangin.
12 At ang kadiliman ay kaniyang ginawang mga (IB)kulandong sa palibot niya.
Na nagpisan ng tubig, ng masisinsing alapaap sa langit.
13 Sa kaningningan sa harap niya
Mga bagang apoy ay nagsipagalab.
14 (IC)Ang Panginoo'y kumulog sa langit,
At ang Kataastaasan ay nagbigkas ng tinig niya.
15 (ID)At nagpahilagpos ng mga palaso, at pinangalat niya sila;
Kumidlat, at (IE)nangatulig sila.
16 Nang magkagayo'y ang mga kalaliman sa dagat ay nangalitaw,
Ang mga pinagtibayan ng sanglibutan ay nangakita.
Dahil sa saway ng Panginoon,
Sa hihip ng hinga ng kaniyang mga butas ng ilong.
17 (IF)Siya'y nagsugo mula sa itaas, kaniyang kinuha ako;
(IG)kaniyang kinuha ako sa maraming tubig;
18 Kaniyang iniligtas ako sa aking malakas na kaaway,
Sa nangagtatanim sa akin; sapagka't sila'y totoong malakas kay sa akin.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978