Bible in 90 Days
28 At kaniyang sinabi sa kanila, Sumunod kayo sa akin; sapagka't ibinigay ng (A)Panginoon ang inyong mga kaaway na mga Moabita sa inyong kamay. At sila'y nagsilusong na kasunod niya, at sinakop ang mga (B)tawiran sa Jordan laban sa mga Moabita, at hindi nila pinayagang tumawid doon ang sinomang tao.
29 At sila'y sumakit sa Moab nang panahong yaon ng may sangpung libong lalake, bawa't lalaking may loob, at bawa't lalaking may tapang; at doo'y walang nakatakas na lalake.
30 Gayon napasuko ang Moab nang araw na yaon, sa ilalim ng kapangyarihan ng kamay ng Israel: (C)at ang lupa'y nagpahingang walong pung taon.
Samgar ang tumalo sa Filisteo.
31 At pagkatapos niya'y si (D)Samgar, na anak ni Anat, ay siyang nanakit sa mga Filisteo, ng anim na raang lalake, sa pamamagitan ng panundot sa baka: (E)at kaniya ring iniligtas ang (F)Israel.
Si Debora at si Barac ay nanagumpay kay Sisara.
4 At ginawa uli ng (G)mga anak ni Israel ang masama sa paningin ng Panginoon, nang mamatay si Aod.
2 At (H)ipinagbili sila ng Panginoon sa kamay ni (I)Jabin na hari sa Canaan, na naghahari sa Asor; na ang puno sa hukbong yaon ay si (J)Sisara, na siyang tumatahan sa Haroseth ng mga bansa.
3 At dumaing ang mga anak ni Israel sa Panginoon: sapagka't siya'y may siyam na raan na (K)karong bakal; at dalawang pung taong (L)pinighati niyang mainam ang mga anak ni Israel.
4 Si Debora nga, na propetisa, asawa ni Lapidoth, ay naghukom sa Israel nang panahong yaon.
5 At siya'y tumahan sa ilalim ng puno ng palma ni Debora, sa pagitan ng (M)Rama at Beth-el, sa lupaing (N)maburol ng Ephraim; at sinampa siya ng mga anak ni Israel upang pahatol.
6 At kaniyang ipinatawag si Barac, na anak ni Abinoam mula sa (O)Cedes-nephtali, at sinabi sa kaniya, Hindi ba ang Panginoon, ang Dios ng Israel, ay nagutos na sinasabi, Yumaon ka, at pumaroon ka sa bundok ng (P)Tabor, at magsama ka ng sangpung libong lalake sa mga anak ni Nephtali at sa mga anak ni Zabulon?
7 At aking isusulong sa iyo sa (Q)ilog Cison, si Sisara, na puno sa hukbo ni Jabin, pati ng kaniyang mga karo at ng kaniyang karamihan; at aking ibibigay siya sa iyong kamay.
8 At sinabi ni Barac sa kaniya, Kung ikaw ay sasama sa akin ay paroroon nga ako: nguni't kung hindi ka sasama sa akin, ay hindi ako paroroon.
9 At kaniyang sinabi, Walang pagsalang sasama ako sa iyo: gayon ma'y ang lakad na iyong ipagpapatuloy ay hindi magiging sa iyong kapurihan; sapagka't ipagbibili ng Panginoon si Sisara sa kamay ng isang babae. At si Debora ay tumindig at sumama kay Barac sa Cedes.
10 At tinawag ni Barac ang (R)Zabulon at ang Nephtali na magkasama sa Cedes; at doo'y umahon ang sangpung libong lalake na (S)kasunod niya: at si Debora ay umahong kasama niya.
11 Si Heber nga na (T)Cineo ay humiwalay sa mga Cineo, sa makatuwid baga'y sa mga anak ni (U)Hobab, na biyanan ni Moises, at itinayo ang kaniyang tolda hanggang sa encina sa Zaananim, na nasa siping ng Cedes.
12 At kanilang isinaysay kay Sisara na si Barac na anak ni Abinoam ay umahon sa bundok ng Tabor.
13 At pinapagpisang magkakasama ni Sisara ang lahat niyang mga karo, na siyam na raang karong bakal, at ang buong bayan na kasama niya, mula sa Haroseth ng mga bansa hanggang sa ilog Cison.
14 At sinabi ni Debora kay Barac, Tumindig ka; sapagka't ito ang araw na ibinigay ng Panginoon si Sisara sa iyong kamay: (V)hindi ba lumabas ang Panginoon sa harap mo? Sa gayo'y lumusong si Barac mula sa bundok ng Tabor, at sangpung libong lalake ang kasunod niya.
15 At nilansag ng (W)Panginoon si Sisara, at lahat ng mga karo niya, at ang buong hukbo niya, ng talim ng tabak sa harap ni Barac; at lumunsad si Sisara sa kaniyang karo, at tumakas na tumakbo.
16 Nguni't hinabol ni Barac ang mga karo, at ang hukbo, hanggang sa Haroseth ng mga bansa: at ang buong hukbo ni Sisara ay nahulog sa talim ng tabak; walang lalaking nalabi.
Pinatay ni Jael si Sisara.
17 Gayon ma'y tumakas si Sisara na tumakbo sa tolda ni Jael na asawa ni Heber na Cineo; sapagka't may kapayapaan si Jabin na hari sa Asor at ang sangbahayan ni Heber na Cineo.
18 At sinalubong ni Jael si Sisara, at sinabi sa kaniya, Lumiko ka, panginoon ko, lumiko ka rito sa akin: huwag kang matakot. At siya'y lumiko sa kaniya sa loob ng tolda, at siya'y tinalukbungan niya ng isang banig.
19 At sinabi niya sa kaniya, Isinasamo ko sa iyo na bigyan mo ako ng kaunting tubig na mainom; sapagka't ako'y nauuhaw. At binuksan niya ang isang balat na sisidlan ng gatas, at pinainom niya siya, at tinakpan siya.
20 At sinabi ni Sisara sa kaniya, Tumayo ka sa pintuan ng tolda, at mangyayari, na pagka ang sinoman ay darating at magtatanong sa iyo, at magsasabi, May tao ba riyan? na iyong sasabihin, Wala.
21 Nang magkagayo'y kumuha si Jael na asawa ni Heber ng isang tulos ng tolda, at kumuha ng isang pamukpok sa kaniyang kamay at naparoong dahandahan sa kaniya, at itinusok ang tulos sa kaniyang pilipisan, at pinalagpasan siya hanggang sa lupa; sapagka't siya'y nakatulog ng mahimbing; sa gayo'y nanglupaypay siya at namatay.
22 At, narito, sa paraang (X)hinahabol ni Barac si Sisara, ay lumabas si Jael na sinalubong siya, at sinabi sa kaniya: Parito ka, at ituturo ko sa iyo ang lalake na iyong hinahanap. At siya'y naparoon sa kaniya, at, narito, si Sisara ay nakabulagtang patay, at ang tulos ay nasa kaniyang ulo.
23 Gayon pinasuko ng Dios nang araw na yaon si Jabin na hari sa Canaan sa harap ng mga anak ni Israel.
24 At nanaig ang kamay ng mga anak ni Israel ng higit at higit laban kay Jabin na hari sa Canaan, hanggang sa naigiba nila si Jabin na hari sa Canaan.
Ang awit ni Debora.
5 Nang magkagayo'y (Y)umawit si Debora at si Barac na anak ni Abinoam nang araw na yaon, na sinasabi,
2 (Z)Sapagka't namatnubay ang mga tagapatnubay sa Israel,
(AA)Sapagka't ang bayan ay humandog na kusa,
Purihin ninyo ang Panginoon.
3 (AB)Dinggin ninyo, Oh ninyong mga hari; pakinggan ninyo, Oh ninyong mga prinsipe;
Ako, ako'y aawit sa Panginoon,
Ako'y aawit ng pagpupuri sa Panginoon, na Dios ng Israel.
4 (AC)Panginoon, nang ikaw ay lumabas sa Seir,
Nang ikaw ay yumaon mula sa bukid ng Edom,
(AD)Ang lupa'y nayanig, ang langit naman ay pumatak,
Oo, ang mga alapaap ay nagpatak ng tubig.
5 (AE)Ang mga bundok ay humuho sa harap ng Panginoon,
Pati yaong Sinai, sa harap ng Panginoon, ng Dios ng Israel.
6 Sa mga kaarawan ni (AF)Samgar na anak ni Anat,
Sa mga kaarawan ni Jael, ang mga paglalakbay ay naglikat,
At ang mga manglalakbay ay (AG)bumagtas sa mga lihis na landas.
7 Ang mga pinuno ay naglikat sa Israel, sila'y naglikat,
Hanggang sa akong si Debora, ay bumangon,
Na ako'y bumangon na isang ina sa Israel.
8 (AH)Sila'y nagsipili ng mga bagong dios;
Nang magkagayo'y nagkaroon ng digma sa mga pintuang-bayan:
(AI)May nakita kayang kalasag o sibat sa apat na pung libo sa Israel?
9 Ang aking (AJ)puso ay nasa mga gobernador sa Israel,
Na nagsihandog na kusa sa bayan;
Purihin ninyo ang Panginoon!
10 (AK)Saysayin ninyo, ninyong mga nakasakay sa mapuputing asno,
Ninyong nangakaupo sa maiinam na latag,
At ninyong nangagsisilakad sa daan.
11 Malayo sa ingay ng mga manghuhutok, sa mga dakong igiban ng tubig,
Doon sila magpapanibagong magsanay sa mga matuwid na gawa ng Panginoon,
Ng mga matuwid na gawa ng kaniyang pagpupuno sa Israel.
Bumaba nga ang bayan ng Panginoon sa mga pintuang-bayan.
12 (AL)Gumising ka, gumising ka, Debora; gumising ka, gumising ka, bumigkas ka ng awit:
Bumangon ka, Barac, at (AM)ihatid mo ang iyong mga bihag, ikaw na anak ni Abinoam.
13 Nagsibaba nga ang nalabi sa mga mahal, at ang bayan; (AN)Ang Panginoon ay bumaba dahil sa akin laban sa mga makapangyarihan.
14 (AO)Sa Ephraim nangagmula silang nasa (AP)Amalec ang ugat;
Sa likuran mo, ay ang Benjamin, na kasama ng iyong mga bayan;
Sa (AQ)Machir nangagmula ang mga gobernador,
At sa Zabulon yaong nangaghahawak ng tungkod ng pagpupuno.
15 At ang mga prinsipe sa Issachar ay kasama ni Debora;
Na kung paano si Issachar ay (AR)gayon si Barac,
Sa libis nagsisubasob sa kaniyang paanan.
Sa tabi ng mga agusan ng tubig ng Ruben ay nagkaroon ng mga dakilang pasiya ng puso.
16 Bakit ka nakaupo sa gitna ng mga kulungan ng tupa,
Upang makinig ba ng mga tawag sa mga kawan?
Sa agusan ng tubig ng Ruben
Nagkaroon ng mga dakilang pasiya ng puso.
17 (AS)Ang Galaad ay tumahan sa dako roon ng Jordan:
(AT)At ang Dan, bakit siya'y natira sa mga sasakyan sa tubig?
(AU)Ang Aser ay nanatili sa mga baybayin ng dagat,
At nanahan sa kaniyang mga daong.
18 (AV)Ang Zabulon ay isang bayan na isinapanganib ang kanilang buhay sa ikamamatay,
At ang Nephtali, ay sa matataas na dako ng bukiran.
19 Ang mga hari ay nagsiparito at nagsilaban;
Nang magkagayo'y nagsilaban ang mga hari ng Canaan,
Sa Taanach na nasa tabi ng tubig sa Megiddo:
Sila'y hindi nagdala ng mga pakinabang na salapi.
20 Ang mga bituin ay nakipaglaban mula sa langit,
Sa kanilang paglakad sila'y nakipaglaban kay Sisara.
21 (AW)Tinangay sila ng ilog Cison,
Ng matandang ilog na yaon, ng ilog Cison.
Oh kaluluwa ko, lumakad kang may lakas.
22 Nang magkagayo'y nagsiyabag ang mga kuko ng mga kabayo,
Dahil sa mga pagdamba, sa pagdamba ng kanilang mga malakas.
23 Sumpain ninyo si Meroz, sabi ng anghel ng Panginoon,
Sumpain ninyo ng kapaitpaitan ang mga tagaroon sa kaniya;
(AX)Sapagka't sila'y hindi naparoon na tumulong (AY)sa Panginoon,
Na tumulong sa Panginoon, laban sa mga makapangyarihan.
24 Pagpalain sa lahat ng babae si Jael,
Ang asawa ni Heber na Cineo,
Pagpalain siya sa lahat ng babae sa tolda.
25 (AZ)Siya'y humingi ng tubig, at binigyan niya ng gatas;
Kaniyang binigyan siya ng mantekilya sa pinggang mahal.
26 Kaniyang hinawakan ng kaniyang kamay ang tulos,
At ng kaniyang kanang kamay ang pamukpok ng mga manggagawa;
At sa pamamagitan ng pamukpok ay kaniyang sinaktan si Sisara, pinalagpasan niya sa kaniyang ulo,
Oo, kaniyang tinarakan at pinalagpasan ang kaniyang pilipisan.
27 Sa kaniyang paanan ay nasubasob, siya'y nabuwal, siya'y nalugmok:
Sa kaniyang paanan siya'y nasubasob, siya'y nabuwal.
Kung saan siya sumubasob, doon siya nalugmok na patay.
28 Sa dungawan ay sumungaw, at sumigaw;
Ang ina ni Sisara ay humiyaw mula sa mga silahia:
Bakit kaya ang kaniyang karo ay nagluluwat ng pagdating?
Bakit kaya bumabagal ang mga gulong ng kaniyang mga karo?
29 Ang kaniyang mga pantas na babae ay sumagot sa kaniya,
Oo, siya'y nagbalik ng sagot sa kaniyang sarili,
30 Hindi ba sila nakasumpong, hindi ba nila binahagi ang samsam?
Isang dalaga, dalawang dalaga sa bawa't lalake;
Kay Sisara ay samsam na damit na may sarisaring kulay,
Samsam na sarisaring kulay ang pagkaburda,
Na sarisaring kulay, na burda sa dalawang tagiliran,
Na suot sa leeg ng mga bihag?
31 (BA)Gayon malipol ang lahat ng iyong mga kaaway, Oh Panginoon:
Nguni't yaong mga umiibig sa kaniya ay (BB)maging parang araw (BC)pagka lumalabas sa kaniyang kalakasan.
(BD)At ang lupain ay nagpahinga na apat na pung taon.
Ang Israel ay napasa kamay ng Madian.
6 At ginawa ng (BE)mga anak ni Israel yaong masama sa paningin ng Panginoon: at ibinigay sila ng Panginoon sa kamay ng (BF)Madian na pitong taon.
2 At ang kamay ng Madian ay nanaig laban sa Israel: at dahil sa Madian ay gumawa ang mga anak ni Israel ng mga kutang nangasa bundok, at ng mga yungib, at ng mga dakong matibay.
3 At ganito ang nangyari, noong ang Israel ay nakapaghasik, na nagsiahon ang mga Madianita, at ang mga (BG)Amalecita, (BH)at ang mga anak sa silanganan; sila'y nagsiahon laban sa kanila;
4 At sila'y humantong laban sa kanila, at kanilang (BI)sinira ang bunga ng lupa, hanggang sa sila'y dumating sa Gaza, at wala silang iniwang anoman sa Israel, maging tupa, o baka man, o asno man.
5 Sapagka't sila'y nagsiahong dala nila ang kanilang kawan at ang kanilang mga tolda; at sila'y nagsipasok na parang balang sa (BJ)karamihan; sila at ang kanilang mga kamelyo ay walang bilang: at kanilang pinasok ang lupain upang gibain.
6 At ang Israel ay huminang (BK)totoo dahil sa Madian; at ang mga anak ni Israel ay dumaing sa Panginoon.
7 At nangyari, nang dumaing sa Panginoon ang mga anak ni Israel, dahil sa Madian.
8 Ay nagsugo ang Panginoon ng isang propeta sa mga anak ni Israel: at kaniyang sinabi sa kanila, Ganito ang sabi ng Panginoon ng Dios ng Israel, Kayo'y aking (BL)iniahon mula sa Egipto, at inilabas ko kayo sa bahay ng pagkaalipin;
9 At pinapaging laya ko kayo sa kamay ng mga taga Egipto, at sa kamay ng mga pumipighati sa inyo, at aking pinalayas sila sa harap ninyo, at ibinigay ko sa inyo ang kanilang lupain;
10 At aking sinabi sa inyo, Ako ang Panginoon ninyong Dios; kayo'y (BM)huwag matatakot sa mga dios ng mga Amorrheo, na siyang lupaing inyong tinatahanan: nguni't hindi ninyo dininig ang aking tinig.
Si Gedeon ay dinalaw ng anghel ng Panginoon.
11 At ang anghel ng Panginoon ay naparoon at umupo sa ilalim ng encina na nasa Ophra, na kay Joas na (BN)Abiezerita: at ang kaniyang anak na si (BO)Gedeon ay pumapalo ng trigo sa ubasan, upang itago sa mga Madianita.
12 At napakita ang anghel ng Panginoon sa kaniya, at sinabi sa kaniya, Ang (BP)Panginoo'y sumasaiyo, ikaw lalaking makapangyarihang may tapang.
13 At sinabi ni Gedeon sa kaniya, Oh Panginoon ko, kung ang Panginoon ay sumasaamin, bakit nga ang lahat ng ito ay sumapit sa amin? at (BQ)saan naroon ang lahat niyang kababalaghang gawa (BR)na isinaysay sa amin ng aming mga magulang, na sinasabi, Hindi ba tayo iniahon ng Panginoon mula sa Egipto? nguni't ngayo'y hiniwalayan kami ng Panginoon at ibinigay kami sa kamay ng Madian.
14 At tiningnan siya ng Panginoon, at sinabi, (BS)Yumaon ka sa kalakasan mong ito, at iligtas mo ang Israel sa kamay ng Madian: (BT)hindi ba kita sinugo?
15 At sinabi niya sa kaniya, Oh Panginoon, paanong ililigtas ko ang Israel? narito, ang (BU)aking angkan ay siyang pinakadukha sa Manases, at ako ang pinakamaliit sa bahay sangbahayan ng aking ama.
16 At sinabi ng Panginoon sa kaniya, (BV)Walang pagsalang ako'y sasaiyo; at iyong sasaktan ang mga Madianita na parang isang lalake.
17 At sinabi niya sa kaniya, Kung ngayo'y (BW)nakasumpong (BX)ako ng biyaya sa iyong paningin, ay bigyan mo nga ako ng isang tanda, na ikaw ang nakikipagusap sa akin.
18 (BY)Isinasamo ko sa iyo na huwag kang umalis dito, hanggang sa ako'y parito sa iyo, at ilabas ko ang aking handog, at ilapag ko sa harap mo. At kaniyang sinabi, Ako'y maghihintay hanggang sa ikaw ay bumalik.
19 (BZ)At si Gedeon ay pumasok, at naglutong madali ng isang anak ng kambing, at ng isang efa ng harina, ng mga munting tinapay na walang lebadura: inilagay ang karne sa isang buslo, at kaniyang inilagay ang sabaw sa isang palyok, at inilabas sa kaniya sa ilalim ng encina, at inihain.
20 At sinabi ng anghel ng Dios sa kaniya, Kunin mo ang karne at ang mga munting tinapay na walang lebadura (CA)at ipatong mo sa batong ito at (CB)ibuhos mo ang sabaw. At kaniyang ginawang gayon.
21 Nang magkagayo'y iniunat ng anghel ng Panginoon ang dulo ng tungkod, na nasa kaniyang kamay, at sinalang ang karne at ang mga munting tinapay na walang lebadura; at (CC)napailanglang ang apoy sa bato, at pinugnaw ang karne at ang mga munting tinapay na walang lebadura; at ang anghel ng Panginoon ay nawala sa kaniyang paningin.
22 At (CD)nakita ni Gedeon na siya ang anghel ng Panginoon; at sinabi ni Gedeon, Aba, Oh Panginoon Dios! (CE)sapagka't aking nakita ang anghel ng Panginoon na mukhaan.
23 At sinabi ng Panginoon sa kaniya, (CF)Kapayapaan ang sumaiyo; huwag kang matakot: hindi ka mamamatay.
24 Nang magkagayo'y nagtayo roon si Gedeon ng isang dambana sa Panginoon, at tinawag na Jehova-salom: hanggang sa araw na ito ay nasa sa (CG)Ophra pa ng mga Abiezerita.
Iginiba ni Gedeon ang Altar ni Baal.
25 At nangyari nang gabi ring yaon, na sinabi ng Panginoon sa kaniya, Kunin mo ang toro ng iyong ama, ang ikalawang toro na may pitong taong katandaan, at iwasak mo ang dambana ni Baal na tinatangkilik ng iyong ama, at putulin mo ang (CH)Asera na nasa siping niyaon.
26 At ipagtayo mo, sa isang paraang maayos ng isang dambana ang Panginoon mong Dios sa taluktok nitong matibay na dako; at kunin mo ang ikalawang toro, at maghandog ka ng isang handog na susunugin sangpu ng kahoy ng Asera na iyong puputulin.
27 Nang magkagayo'y kumuha si Gedeon ng sangpung lalake sa kaniyang mga bataan, at ginawa ang ayon sa sinalita ng Panginoon sa kaniya: at nangyari, na sapagka't siya'y natakot sa sangbahayan ng kaniyang ama at sa mga lalake sa bayan, kaya't hindi niya nagawa sa araw ay kaniyang ginawa sa gabi.
28 At nang bumangong maaga ang mga lalake sa bayan ng kinaumagahan narito, ang dambana ni Baal ay wasak, at ang Asera na nasa siping niyaon ay putol, at ang ikalawang toro ay inihandog sa dambana na itinayo.
29 At sila'y nangagsalitaan, Sino ang gumawa ng bagay na ito? At nang kanilang usisain at itanong ay kanilang sinabi, Ginawa ni Gedeon na anak ni Joas ang bagay na ito.
30 Nang magkagayo'y sinabi kay Joas ng mga lalake sa bayan, Ilabas mo ang iyong anak upang siya'y mamatay: sapagka't kaniyang iniwasak ang dambana ni Baal, at sapagka't kaniyang pinutol ang Asera na nasa siping niyaon.
31 At sinabi ni Joas sa lahat na nakatayong laban sa kaniya, Ipagsasanggalang ba ninyo si Baal? o ililigtas ba ninyo siya? yaong magsasanggalang sa kaniya ay papatayin samantalang umaga pa; kung siya'y dios ay magsanggalang siya sa kaniyang sarili, sapagka't may nagwasak ng kaniyang dambana.
32 Kaya't nang araw na yaon ay (CI)tinawag siyang Jerobaal, na sinasabi, Magsanggalang si Baal laban sa kaniya, sapagka't iniwasak niya ang kaniyang dambana.
33 Nang magkagayo'y lahat ng mga (CJ)Madianita, at mga Amalecita at mga anak sa silanganan ay nagpulong; at sila'y nagtuloy at humantong sa (CK)libis ng Jezreel.
34 (CL)Nguni't ang Espiritu ng Panginoon ay suma kay Gedeon; at (CM)humihip siya ng isang pakakak; at ang mga Abiezerita ay nangagkapisan sa kaniya.
35 At nagsugo ng mga sugo sa buong Manases; at sila man ay nangakipisan sa kaniya: at siya'y nagsugo ng mga sugo sa Aser, at sa Zabulon, at sa Nephtali, at sila'y umahong sumalubong sa kanila.
Ang tanda ng balat na lana.
36 At sinabi ni Gedeon sa Dios, Kung iyong ililigtas ang Israel sa pamamagitan ng aking kamay, gaya ng iyong sinalita.
37 (CN)Narito, aking ilalagay ang isang balat na lana sa giikan; kung dumoon lamang sa balat ang hamog, at maging tuyo ang buong lupa, ay malalaman ko nga na iyong ililigtas ang Israel sa pamamagitan ng aking kamay, gaya ng iyong sinalita.
38 At nagkagayon: sapagka't siya'y bumangong maaga ng kinaumagahan, at hinigpit ang buong balat, at piniga ang hamog sa balat, na isang tasang malaki ng tubig.
39 At sinabi ni Gedeon sa Dios, (CO)Huwag magalab ang iyong galit laban sa akin, at magsasalita na lamang ako ng minsan pa: isinasamo ko sa iyo na ipasubok mo pa sa aking minsan sa pamamagitan ng balat: tuyuin mo ngayon ang balat lamang, at sa buong lupa ay magkaroon ng hamog.
40 At ginawang gayon ng Dios nang gabing yaon: sapagka't natuyo ang balat lamang, at nagkaroon ng hamog sa buong lupa.
Ang tatlong daang mangdidigma.
7 Nang magkagayo'y si (CP)Jerobaal na siyang Gedeon, at ang buong bayan na kasama niya ay bumangong maaga, at humantong sa bukal ng Harod: at ang kampamento ng Madian ay nasa dakong hilagaan nila, sa (CQ)dako roon ng Moreh, sa libis.
2 At sinabi ng Panginoon kay Gedeon, Ang bayang kasama mo ay totoong marami sa akin upang aking ibigay ang mga Madianita sa kanilang kamay, baka ang Israel ay (CR)magmalaki laban sa akin, na sabihin, Aking sariling kamay ang nagligtas sa akin.
3 Kaya't ngayo'y yumaon ka, ipagpatawag mo sa mga pakinig ng bayan, na iyong sabihin, (CS)Sinomang matatakutin at mapanginig, ay bumalik at pumihit mula sa bundok ng Galaad. At bumalik sa bayan ang dalawang pu't dalawang libo; at naiwan ang sangpung libo.
4 At sinabi ng Panginoon kay Gedeon, Ang bayan ay totoong marami pa; palusungin mo sila sa tubig, at doo'y aking susubukin sila sa iyo: at mangyayari, na sinomang aking sabihin sa iyo, Ito'y sumama sa iyo, yaon sumama sa iyo; at sa sinomang sabihin ko sa iyo, Ito'y huwag sumama sa iyo, yao'y huwag sumama sa iyo.
5 Sa gayo'y kaniyang inilusong ang bayan sa tubig: at sinabi ng Panginoon kay Gedeon, Bawa't humimod sa tubig ng kaniyang dila, gaya ng paghimod ng aso, ay iyong ihihiwalay: gayon din ang bawa't yumukong lumuhod upang uminom.
6 At ang bilang ng mga humimod, na inilalagay ang kanilang kamay sa kanilang bibig, ay tatlong daang lalake: nguni't ang buong labis ng bayan ay yumukong lumuhod upang uminom ng tubig.
7 At sinabi ng Panginoon kay Gedeon, (CT)Sa pamamagitan ng tatlong daang lalake na humimod ay ililigtas ko kayo, at ibibigay ko ang mga Madianita sa iyong kamay: at pabayaan mong ang buong bayan ay yumaon bawa't isa sa kanikaniyang dako.
8 Sa gayo'y nagbaon ang bayan sa kanilang kamay ng mga pagkain at ng kanilang mga pakakak: at kaniyang sinugo ang lahat ng mga lalake sa Israel na bawa't isa ay umuwi sa kanikaniyang tolda, nguni't pinigil ang tatlong daang lalake: at ang kampamento ng Madian ay nasa ibaba niya (CU)sa libis.
9 At nangyari nang (CV)gabi ring yaon, na sinabi ng Panginoon sa kaniya, Bumangon ka, lusungin mo ang kampamento; sapagka't (CW)aking ibinigay sa iyong kamay.
10 Nguni't kung ikaw ay natatakot na lumusong, ay lumusong ka sa kampamento na kasama ni Phara na iyong lingkod.
11 (CX)At iyong maririnig kung ano ang kanilang sinasabi, at pagkatapos ang iyong mga kamay ay lalakas na lumusong sa kampamento. Nang magkagayo'y lumusong siyang kasama si Phara na kaniyang lingkod sa pinakahangganan ng mga lalaking may sakbat na nangasa kampamento.
12 At ang mga Madianita at ang mga Amalecita at ang (CY)lahat ng mga anak sa silanganan ay nalalatag sa libis na parang balang dahil sa karamihan; at ang kanilang mga kamelyo ay walang bilang, na (CZ)gaya ng buhangin na nasa tabi ng dagat dahil sa karamihan.
13 At nang dumating si Gedeon, narito, may isang lalake na nagsasaysay ng isang panaginip sa kaniyang kasama, at kaniyang sinabi, Nanaginip ako ng isang panaginip; at, narito, isang munting tinapay na sebada, ay gumulong hanggang sa kampamento ng Madian, at umabot sa tolda, at tinamaan yaon ng malakas na tuloy bumagsak, at natiwarik, na ang tolda'y lumagpak.
14 At sumagot ang kaniyang kasama, at nagsabi, Ito'y hindi iba, kundi ang tabak ni Gedeon, na anak ni Joas, isang lalaking Israelita, na ibinigay ng Dios sa kaniyang kamay ang Madian at ang buong hukbo niya.
Ang paggamit ng pakakak.
15 At nangyari, nang marinig ni Gedeon ang salaysay tungkol sa panaginip, at ang pagkapaliwanag niyaon, na siya'y sumamba; at siya'y bumalik sa kampamento ng Israel, at sinabi, Tumindig kayo; sapagka't ibinigay ng Panginoon sa inyong kamay ang hukbo ng Madian.
16 At binahagi niya ang tatlong daang lalake ng tatlong pulutong, at kaniyang nilagyan ang mga kamay nilang lahat ng mga pakakak, at mga bangang walang laman at mga sulo sa loob ng mga banga.
17 At kaniyang sinabi sa kanila, Masdan ninyo ako, at inyong parisan: at, narito, pagka ako'y dumating sa pinakahuling bahagi ng kampamento, ay mangyayari, na kung anong aking gawin ay siya ninyong gagawin.
18 Pagka ako'y hihihip ng pakakak, ako at lahat na kasama ko, ay humihip nga naman kayo ng mga pakakak, sa buong palibot ng buong kampamento, at sabihin ninyo, Ang tabak ng Panginoon at ni Gedeon.
Nalupig ang Madian.
19 Sa gayo'y si Gedeon, at ang isang daang lalake na kasama niya ay napasa pinakahuling bahagi ng kampamento sa pasimula ng pagbabantay sa hating gabi, ng halos kahahalili lamang ng bantay: at sila'y humihip ng mga pakakak, at kanilang binasag ang mga banga na nasa kanilang mga kamay.
20 At hinipan ng tatlong pulutong ang mga pakakak, at binasag ang mga banga, at itinaas ang mga sulo sa kanilang kaliwang kamay, at ang mga pakakak sa kanilang kanang kamay na kanilang hinihipan, at sila'y naghiyawan, Ang tabak ng Panginoon at ni Gedeon.
21 At (DA)sila'y nangakatayo, bawa't isa, sa kaniyang dako sa (DB)palibot ng kampamento: at ang buong hukbo ay tumakbo; at sila'y sumigaw at pinatakas nila.
22 At (DC)hinipan nila ang tatlong daang pakakak at inilagay ng (DD)Panginoon ang (DE)tabak ng bawa't isa laban sa kaniyang kasama, at laban sa buong hukbo: at tumakas ang hukbo hanggang sa Beth-sitta sa dakong Cerera, hanggang sa hangganan ni (DF)Abelmehola, sa siping ng Tabbat.
23 At ang mga lalake ng Israel ay nagpipisan, ang sa (DG)Nephtali, at ang sa Aser, at sa buong Manases, at hinabol ang Madian.
24 At nagsugo si Gedeon ng mga sugo sa buong lupaing (DH)maburol ng Ephraim, na sinasabi, Lusungin ninyo ang Madian, at agapan ninyo ang tubig, hanggang sa Beth-bara, at ang Jordan. Sa gayo'y ang lahat ng mga lalake ng Ephraim ay nagkapisan, at (DI)inagapan ang tubig hanggang sa Beth-bara, at ang Jordan.
25 At kanilang hinuli ang (DJ)dalawang prinsipe sa Madian, si Oreb at si Zeeb: at kanilang pinatay si Oreb sa (DK)batuhan ni Oreb at si Zeeb ay kanilang pinatay sa pisaan ng ubas ni Zeeb, at hinabol ang Madian: at kanilang dinala ang mga ulo ni Oreb at ni Zeeb kay Gedeon sa dako roon ng Jordan.
Pinapanahimik ni Gedeon ang Ephraimita.
8 At (DL)sinabi ng mga lalake ng Ephraim sa kaniya, Bakit ginawa mo sa amin ang ganyan, na hindi mo kami tinawag nang ikaw ay yumaong makipaglaban sa Madian? At siya'y pinagwikaan nilang mainam.
2 At sinabi niya sa kanila, Ano ang aking ginawa ngayon na paris ng inyo? Di ba mainam ang pagsimot ng ubas ng Ephraim kay sa pagaani ng sa Abiezer?
3 (DM)Ibinigay ng Dios sa inyong kamay ang mga prinsipe sa Madian, si Oreb, at si Zeeb, at ano ang aking magagawa na paris ng inyo? Nang magkagayo'y ang kanilang galit sa kaniya ay lumamig, nang kaniyang sabihin yaon.
4 At si Gedeon ay dumating sa Jordan, at siya'y tumawid, siya, at ang (DN)tatlong daang lalake na mga kasama niya, mga pagod na, ay humahabol pa.
5 At sinabi niya sa mga lalake sa (DO)Succoth, Isinasamo ko sa inyo na bigyan ninyo ng mga tinapay ang bayan na sumusunod sa akin; sapagka't sila'y mga pagod, at aking hinahabol si Zeba at si Zalmunna, na mga hari sa Madian.
6 At sinabi ng mga prinsipe sa Succoth, (DP)Nasa iyo na bang kamay ngayon ang mga kamay ni Zeba at ni Zalmunna, upang bigyan namin ng tinapay ang iyong hukbo?
7 At sinabi ni Gedeon, Kaya, pagka ibinigay ng Panginoon, si Zeba at si Zalmunna sa aking kamay, ay (DQ)akin ngang gagalusan ang inyong laman ng mga tinik sa ilang at ng mga dawag.
8 At inahon niya mula roon ang (DR)Penuel, at siya'y nagsalita sa kanila ng gayon din: at sinagot siya ng mga lalake sa Penuel na gaya ng isinagot ng mga lalake sa Succoth.
9 At sinalita niya naman sa mga lalake sa Penuel, na sinasabi, (DS)Pagbabalik kong payapa, ay aking (DT)ilalagpak ang moog na ito.
10 Ngayo'y si Zeba at si Zalmunna ay nasa Carcor, at ang kanilang mga hukbo na kasama nila, na may labing limang libong lalake, yaong lahat na nalabi sa buong (DU)hukbo ng mga (DV)anak sa silanganan: sapagka't nabuwal ang isang daan at dalawang pung libong lalake na (DW)humahawak ng tabak.
11 At si Gedeon ay umahon sa daan ng mga tumatahan sa mga tolda sa silanganan ng (DX)Noba at Jogbea, at sinaktan ang (DY)hukbo; sapagka't ang hukbo ay tiwasay.
12 At si Zeba at si Zalmunna ay tumakas; at kaniyang hinabol sila: at kaniyang (DZ)hinuli ang dalawang hari sa Madian, na si Zeba at si Zalmunna, at nalito ang buong hukbo.
13 At tinalikdan ni Gedeon na anak ni Joas ang pagbabaka, mula sa sampahan sa Heres.
14 At hinuli niya ang isang may kabataan sa mga lalake sa Succoth, at nagusisa siya sa kaniya: at ipinaalam sa kaniya ang mga prinsipe sa Succoth, at ang mga matanda niyaon na pitong pu't pitong lalake.
15 At sila'y naparoon sa mga lalake sa Succoth, at sinabi, Narito si Zeba at si Zalmunna, na tungkol sa kanila, ay inyo akong tinuya na inyong sinasabi, (EA)Nasa iyo na bang kamay ngayon ang mga kamay ni Zeba at ni Zalmunna, upang bigyan namin ng tinapay ang iyong mga lalake na mga pagod?
16 At kaniyang kinuha ang mga matanda sa bayan, at mga tinik sa ilang at mga dawag, at sa pamamagitan ng mga yaon ay kaniyang tinuruan ang mga lalake sa Succoth.
17 At kaniyang (EB)inilagpak ang moog ng Penuel, at pinatay ang mga lalake sa bayan.
Si Zeba at si Zalmunna ay nahuli at pinatay.
18 Nang magkagayo'y kaniyang sinabi kay Zeba at kay Zalmunna. Anong mga lalake yaong inyong pinatay sa (EC)Tabor? At sila'y sumagot, Kung ano ikaw ay gayon sila; bawa't isa'y nahuhuwad sa mga anak ng isang hari.
19 At kaniyang sinabi, Sila'y aking mga kapatid, na mga anak ng aking ina: (ED)buhay ang Panginoon, kung inyong iniligtas sana silang buhay, disin hindi ko kayo papatayin.
20 At sinabi niya kay Jether na kaniyang panganay, Bangon, at patayin mo sila. Nguni't ang bata'y hindi humawak ng tabak: sapagka't siya'y natakot, dahil sa siya'y bata pa.
21 Nang magkagayo'y sinabi ni Zeba at ni Zalmunna, Bumangon ka, at daluhungin mo kami: sapagka't kung paano ang pagkalalake ay gayon ang kaniyang lakas. At bumangon si Gedeon, at pinatay si Zeba at si Zalmunna, at kinuha ang mga pahiyas na may anyong kalahating buwan na nasa mga leeg ng kanilang mga kamelyo.
22 Nang magkagayo'y sinabi ng mga lalake ng Israel kay Gedeon, Magpuno ka sa amin ngayon, ikaw at ang iyong anak, sapagka't iniligtas mo kami sa kamay ng Madian.
23 At sinabi ni Gedeon sa kanila, Hindi ako magpupuno sa inyo, o magpupuno man ang aking anak sa inyo: ang (EE)Panginoon ang magpupuno sa inyo.
24 At sinabi ni Gedeon sa kanila, Hangad ko ang isang kahilingan sa inyo, na bigyan ako ng bawa't isa sa inyo ng mga hikaw na kaniyang samsam. (Sapagka't sila'y may mga gintong hikaw, dahil sa (EF)sila'y mga Ismaelita.)
25 At sumagot sila, Ibibigay namin ng buong pagibig. At sila'y naglatag ng isang balabal, at inilagay roon ng bawa't isa ang mga hikaw na kaniyang samsam.
26 At ang timbang ng mga gintong hikaw na kaniyang hiniling, ay isang libo at pitong daang siklong ginto; bukod pa ang mga pahiyas na may anyong kalahating buwan, at ang mga hikaw at ang mga (EG)damit na morado na suot ng mga hari sa Madian, at bukod pa ang mga (EH)tanikala na nangasa leeg ng mga kamelyo.
27 At (EI)ginawang epod ni Gedeon at inilagay sa kaniyang bayan, sa makatuwid baga'y sa (EJ)Ophra: at ang buong Israel ay naparoroon na sumasamba sa (EK)kaniya roon: at siyang naging (EL)ikinasilo ni Gedeon at ng kaniyang sangbahayan.
28 Gayon napasuko ang Madian sa harap ng mga anak ni Israel, at hindi na nila itinaas pa ang kanilang ulo. (EM)At ang lupain ay nagpahingang apat na pung taon sa mga araw ni Gedeon.
29 At si Jerobaal na anak ni Joas ay yumaon at tumahan sa kaniyang sariling bahay.
30 At nagkaroon si Gedeon ng (EN)pitong pung anak na lumabas sa kaniyang mga balakang: sapagka't siya'y mayroong maraming asawa.
31 (EO)At ang kaniyang babae na nasa Sichem ay nagkaanak naman sa kaniya ng isang lalake, at kaniyang tinawag ang pangalan na Abimelech.
32 At namatay si Gedeon na anak ni Joas na may mabuting katandaan at inilibing sa libingan ni Joas na kaniyang ama, (EP)sa Ophra ng mga Abiezerita.
33 At (EQ)nangyari, pagkamatay ni Gedeon, na ang mga anak ni Israel ay bumalik at (ER)sumamba sa mga Baal, (ES)at ginawang kanilang dios ang Baal-berith.
34 At hindi (ET)naalaala ng mga anak ni Israel ang Panginoon nilang Dios, na siyang nagpapaging laya sa kanila sa kamay ng lahat nilang mga kaaway sa buong palibot:
35 (EU)O gumanti man lamang ng kagandahang loob sa sangbahayan ni Jerobaal, na siyang Gedeon ayon sa lahat ng kabutihan na kaniyang ipinakita sa Israel.
Pinatay ni Abimelech ang mga anak ni Gedeon.
9 At si Abimelech na anak ni Jerobaal ay napasa Sichem, sa mga (EV)kapatid ng kaniyang ina, at nagsalita sa kanila, at sa lahat ng angkan ng sangbahayan ng ama ng kaniyang ina, na nagsasabi,
2 Isinasamo ko sa inyo na inyong salitain sa mga pakinig ng lahat ng mga lalake sa Sichem, Kung ano ang magaling sa inyo, na lahat na anak ni Jerobaal na (EW)pitong pung lalake ay magpuno sa inyo, o isa ang magpuno sa inyo? alalahanin din naman ninyo na ako ay inyong (EX)buto at inyong laman.
3 At tungkol sa kaniya ay sinalita ng mga kapatid ng ina niya, sa mga pakinig ng lahat ng mga lalake sa Sichem ang lahat ng mga salitang ito at ang kanilang puso ay kumiling na sumunod kay Abimelech, sapagka't kanilang sinabi, Siya'y (EY)ating kapatid.
4 At nagbigay sila ng pitong pung putol na pilak, mula sa bahay ng (EZ)Baal-berith, na siyang (FA)iniupa ni Abimelech sa mga taong hampas lupa at mga palaboy, na siyang mga sumunod sa kaniya.
5 At siya'y naparoon sa bahay ng kaniyang ama sa (FB)Ophra, at pinatay ang kaniyang mga kapatid na mga anak ni Jerobaal, na pitong pung katao, sa ibabaw ng isang bato: nguni't si Jotham na bunsong anak ni Jerobaal ay nalabi; sapagka't siya'y nagtago.
6 At lahat ng mga lalake sa Sichem ay nagpupulong at ang buong (FC)sangbahayan ni Millo, at yumaon at ginawang hari si Abimelech sa tabi ng encina ng haliging nasa Sichem.
Ang talinhaga ni Jotham.
7 At nang kanilang saysayin kay Jotham, siya'y yumaon at tumayo sa taluktok ng (FD)bundok Gerizim, at inilakas ang kaniyang tinig, at sumigaw, at sinabi sa kanila, Dinggin ninyo ako, ninyong mga lalake sa Sichem, upang dinggin kayo ng Dios.
8 (FE)Ang mga puno ng kahoy ay naghalal ng hari na minsan; at kanilang sinabi sa puno ng olibo, (FF)Maghari ka sa amin.
9 Nguni't sinabi ng puno ng olibo sa kanila, (FG)Akin bang iiwan ang aking katabaan, na siyang sa akin ay nakapagpaparangal sa Dios at sa tao, (FH)at makipagindayunan sa mga puno ng kahoy?
10 At sinabi ng mga punong kahoy sa puno ng igos, Halika, at maghari ka sa amin.
11 Nguni't sinabi ng puno ng igos sa kanila, Akin bang iiwan ang aking katamisan, at ang aking mabuting bunga, at yayaong makipagindayunan sa mga puno ng kahoy?
12 At sinabi ng mga puno ng kahoy sa puno ng ubas, Halika, at maghari ka sa amin.
13 At sinabi ng puno ng ubas sa kanila, (FI)Akin bang iiwan ang aking alak, na nagpapasaya sa Dios at sa tao, at yayaong makipagindayunan sa mga puno ng kahoy?
14 Nang magkagayo'y sinabi ng lahat ng mga puno ng kahoy sa dawag, Halika, at maghari ka sa amin.
15 At sinabi ng dawag sa mga puno ng kahoy, Kung tunay na ako'y inyong inihahalal na hari ninyo, pumarito nga kayo at manganlong kayo sa aking (FJ)lilim: at kung hindi ay labasan ng (FK)apoy ang dawag at pugnawin ang mga (FL)sedro ng Libano.
16 Ngayon nga'y kung tapat at matuwid mong ginawang hari si Abimelech, at kung gumawa kayo ng mabuti kay Jerobaal at sa kaniyang sangbahayan, at kayo'y gumawa sa kaniya ng (FM)ayon sa marapat sa kaniyang mga kamay;
17 (Sapagka't ipinakipaglaban kayo ng aking ama at inihadlang ang kaniyang buhay, at pinapaging laya kayo sa kamay ni Madian:
18 (FN)At kayo'y bumangon laban sa sangbahayan ng aking ama sa araw na ito, at pinatay ninyo ang kaniyang mga anak, na pitong pung lalake, sa ibabaw ng isang bato, at ginawa ninyong hari si Abimelech, na (FO)anak ng kaniyang aliping babae, sa mga lalake sa Sichem, (FP)sapagka't siya'y inyong kapatid;)
19 Kung tapat nga at matuwid na kayo'y gumanti kay Jerobaal at sa kaniyang sangbahayan sa araw na ito, (FQ)magalak nga kayo kay Abimelech at magalak naman siya sa inyo:
20 Nguni't kung hindi ay labasan ng (FR)apoy si Abimelech, at pugnawin ang mga lalake sa (FS)Sichem, at ang sangbahayan ni Millo, at labasan ng apoy ang mga lalake sa Sichem, at ang sangbahayan ni Millo, at pugnawin si Abimelech.
21 At si Jotham ay tumakbong umalis, at tumakas, at napasa Beer, at tumahan doon, dahil sa takot kay Abimelech na kaniyang kapatid.
22 At si Abimelech ay naging prinsipe sa Israel na tatlong taon.
23 (FT)At nagsugo ang Dios ng isang masamang espiritu kay Abimelech at sa mga lalake sa Sichem; at ang mga lalake sa Sichem ay (FU)naglilo kay Abimelech.
24 (FV)Upang ang dahas na ginawa sa pitong pung anak ni Jerobaal ay dumating, at upang ang kanilang dugo ay malagpak kay Abimelech na kanilang kapatid, na siyang pumatay sa kanila, at sa mga lalake sa Sichem, na nagpalakas ng kaniyang mga kamay upang patayin ang kaniyang mga kapatid.
25 At binakayan siya ng mga lalake sa Sichem sa mga taluktok ng mga bundukin, at kanilang pinagnakawan yaong lahat na dumaan sa daang yaon na malapit sa kanila; at naibalita kay Abimelech.
Pagtatangkang pagsalangsang ni Gaal kay Abimelech.
26 At dumating si Gaal na anak ni Ebed na kasama ng kaniyang mga kapatid, at dumaan sa Sichem: at inilagak ng mga lalake sa Sichem ang kanilang tiwala sa kaniya.
27 At sila'y lumabas sa bukid, at namitas sa kanilang mga ubasan, at pinisa, (FW)at nagpapista, at (FX)napasa bahay ng kanilang dios, at nagkainan at naginuman, at sinumpa si Abimelech.
28 At sinabi ni Gaal na anak ni Ebed, (FY)Sino si Abimelech at sino si Sichem, upang, aming paglingkuran siya? hindi ba siya ang anak ni Jerobaal? at si Zebul ay kaniyang pinuno? Maglingkod kayo sa mga lalake ni (FZ)Hamor na ama ni Sichem: nguni't bakit kami maglilingkod sa kaniya?
29 (GA)At kahi manawari ang bayang ito'y mapasa ilalim ng aking kamay. Kung magkagayo'y aking hahalinhan si Abimelech. At kaniyang sinabi kay Abimelech, Dagdagan mo ang iyong kawal at lumabas ka.
30 At nang marinig ni Zebul na puno ng bayan ang mga salita ni Gaal na anak ni Ebed, ay nagalab ang kaniyang galit.
31 At lihim na nagsugo siya ng mga sugo kay Abimelech, na nagsabi, Narito, si Gaal na anak ni Ebed at ang kaniyang mga kapatid ay naparoon sa Sichem; at, narito, kanilang pinilit ang bayan laban sa iyo.
32 Ngayon nga'y bumangon ka sa gabi, ikaw at ang bayan na kasama mo, at bakayan mo sa bukid:
33 At mangyayari, na sa kinaumagahan, pagsikat ng araw, ay babangon kang maaga, at isasalakay mo ang bayan: at, narito, pagka siya at ang bayan na kasama niya ay lumabas laban sa iyo, ay (GB)magagawa mo nga sa kanila ang magalingin mo.
Nanagumpay si Abimelech laban kay Gaal.
34 At bumangon si Abimelech, at ang buong bayan na kasama niya, sa kinagabihan at sinalakay nila ang Sichem, na sila'y apat na pulutong.
35 At lumabas si Gaal na anak ni Ebed, at tumayo sa pasukan ng pintuang-bayan; at si Abimelech ay bumangon sa pagbakay at ang bayan na kasama niya.
36 At nang makita ni Gaal ang bayan, ay kaniyang sinabi kay Zebul, Narito, bumababa ang bayan mula sa taluktuk ng mga bundok. At sinabi ni Zebul sa kaniya, Iyong nakikita'y mga (GC)lilim ng mga bundukin, na parang mga lalake.
37 At nagsalita uli si Gaal, at nagsabi, Tignan mo, bumababa ang bayan sa kalagitnaan ng lupain, at isang pulutung ay dumarating sa daan ng encina ng Meonenim.
38 Nang magkagayo'y sinabi ni Zebul sa kaniya, Saan nandoon ngayon ang iyong bibig, na iyong ipinagsabi, (GD)Sino si Abimelech upang tayo'y maglingkod sa kaniya? hindi ba ito ang bayan na iyong niwalan ng kabuluhan? lumabas ka ngayon at lumaban sa kanila.
39 At lumabas si Gaal sa harap ng mga lalake sa Sichem, at lumaban kay Abimelech.
40 At hinabol ni Abimelech siya, at siya'y tumakas sa harap niya, at nabuwal ang maraming sugatan hanggang sa pasukan ng pintuang-bayan.
41 At si Abimelech ay tumahan sa Aruma: at pinalayas ni Zebul si Gaal at ang kaniyang mga kapatid, upang sila'y huwag tumahan sa Sichem.
42 At nangyari nang kinaumagahan, na ang baya'y lumabas sa parang; at kanilang isinaysay kay Abimelech.
43 At kaniyang kinuha ang bayan, at binahagi niya ng tatlong pulutong, at bumakay sa parang; at siya'y tumingin, at narito, ang bayan ay lumabas sa kabayanan; at siya'y bumangon laban sa kanila, at sila'y sinaktan niya.
44 At si Abimelech at ang mga pulutong na kasama niya ay nagsidaluhong at nagsitayo sa pasukan ng pintuan ng bayan: at ang dalawang pulutong ay nagsidaluhong doon sa lahat ng nasa bukid, at sila'y sinaktan nila.
45 At lumaban si Abimelech sa bayan nang buong araw na yaon; at sinakop ang bayan, at pinatay ang bayan na nasa loob niyaon: at iginiba ang (GE)kabayanan at hinasikan ng asin.
Binihag ang Sichem at ang Thebes.
46 At nang mabalitaan yaon ng lahat ng mga lalake sa (GF)moog ng Sichem, ay pumasok sila sa (GG)kuta ng bahay ng (GH)El-berith.
47 At nasaysay kay Abimelech, na ang lahat ng mga tao sa moog ng Sichem ay nagpipisan.
48 At umahon si Abimelech sa bundok ng (GI)Salmon, siya at ang buong bayan na kasama niya; at sumunggab si Abimelech ng isang palakol sa kaniyang kamay, at pumutol ng isang sanga sa mga kahoy at itinaas, at ipinasan sa kaniyang balikat: at sinabi niya sa bayan na kasama niya, Kung ano ang makita ninyo na gawin ko, magmadali kayo, at gawin ninyo ang aking ginawa.
49 At ang buong bayan ay pumutol na gayon din ang bawa't lalake ng kanikaniyang sanga, at sumunod kay Abimelech, at ipinaglalagay sa kuta, at sinilaban ang kuta sa pamamagitan niyaon; na ano pa't ang lahat ng mga lalake sa moog ng Sichem ay namatay rin, na may isang libong lalake at babae.
50 Nang magkagayo'y naparoon si Abimelech sa Thebes, at humantong ng laban sa Thebes, at sinakop.
51 Nguni't may isang matibay na moog sa loob ng bayan, at doo'y nagsitakas ang lahat na lalake at babae at ang lahat na nasa bayan, at (GJ)sinarhan, at nagsisampa sa bubungan ng moog.
52 At naparoon si Abimelech sa moog, at lumaban, at lumapit sa pintuan ng moog, upang sunugin ng apoy.
53 (GK)At hinagis ng isang babae, ng isang pangibabaw na (GL)bato ng gilingan ang ulo ni Abimelech at nabasag ang kaniyang bungo.
54 Nang magkagayo'y (GM)tinawag niyang madali ang bataang kaniyang tagadala ng almas, at sinabi niya sa kaniya, Kunin mo ang iyong tabak, at patayin mo ako, upang huwag sabihin tungkol sa akin ng mga tao, Isang babae ang pumatay sa kaniya. At pinalagpasan siya ng kaniyang bataan, at siya'y namatay.
55 At nang makita ng Israel na namatay si Abimelech, ay yumaon ang bawa't lalake sa kanikaniyang dako.
56 (GN)Ganito pinaghigantihan ng Dios ang kasamaan ni Abimelech, na kaniyang ginawa sa kaniyang ama, sa pagpatay ng kaniyang pitong pung kapatid:
57 At ang buong kasamaan ng mga lalake sa Sichem ay pinaghigantihan ng Dios sa kanilang mga ulo: at dumating sa kanila ang (GO)sumpa ni Jotham na anak ni Jerobaal.
Si Tola at si Jair.
10 At pagkamatay ni Abimelech ay (GP)bumangon doon, upang magligtas sa Israel, si Tola na anak ni Pua, na anak ni Dodo, na lalake ng Issachar; at siya'y tumahan sa Samir sa lupaing maburol ng Ephraim.
2 At siya'y naghukom sa Israel na dalawang pu't tatlong taon; at namatay, at inilibing sa Samir.
3 At pagkamatay niya'y bumangon si Jair, na Galaadita; at siya'y naghukom sa Israel na dalawang pu't dalawang taon.
4 At siya'y may tatlong pung anak na (GQ)sumasakay sa tatlong pung asno, at sila'y may tatlong pung bayan (GR)na tinatawag na Havot-jair hanggang sa araw na ito, na nangasa lupain ng Galaad.
5 At namatay si Jair, at inilibing sa Camon.
Ang Israel ay muling tumalikod sa Dios.
6 At ginawa uli ng (GS)mga anak ni Israel ang kasamaan sa paningin ng Panginoon, at (GT)naglingkod sa mga Baal, at kay Astaroth, at sa mga dios sa Siria, at sa mga dios sa (GU)Sidon, at sa mga dios sa Moab, at sa mga dios ng mga anak ni Ammon, at sa mga dios ng mga (GV)Filisteo; at pinabayaan nila ang Panginoon, at hindi naglingkod sa kaniya.
7 At ang galit ng Panginoon ay nagalab laban sa Israel, (GW)at ipinagbili niya sila sa kamay ng mga Filisteo, at sa kamay ng mga anak ni (GX)Ammon.
8 At kanilang pinahirapan at pinighati ang mga anak ni Israel nang taong yaon: labing walong taong pinighati ang lahat ng mga anak ni Israel na nangasa dako roon ng Jordan sa lupain ng mga Amorrheo, na nasa Galaad.
9 At ang mga anak ni Ammon ay tumawid sa Jordan upang lumaban naman sa Juda, at sa Benjamin, at sa sangbahayan ni Ephraim; na ano pa't ang Israel ay totoong pinapaghinagpis.
10 (GY)At dumaing ang mga anak ni Israel sa Panginoon, na sinasabi, Kami ay nagkasala laban sa iyo, sapagka't aming pinabayaan ang aming Dios, at kami ay naglingkod sa mga Baal.
11 At sinabi ng Panginoon sa mga anak ni Israel, (GZ)Di ba pinapaging laya ko kayo sa mga taga Egipto, at sa mga (HA)Amorrheo, sa mga anak ni (HB)Ammon, at sa mga (HC)Filisteo?
12 Ang mga Sidonio man, at ang mga (HD)Amalecita, at ang mga Maonita ay pumighati rin sa iyo; at kayo'y dumaing sa akin, at pinapaging laya ko kayo sa kanilang mga kamay.
13 Gayon ma'y pinabayaan ninyo ako, at kayo'y naglingkod sa ibang mga dios: kaya't hindi ko na kayo palalayain.
14 Kayo'y yumaon at (HE)dumaing sa mga dios na inyong pinili; palayain kayo nila sa panahon ng inyong kapighatian.
15 At sinabi ng mga anak ni Israel sa Panginoon, Kami ay nagkasala: gawin mo sa amin anomang iyong (HF)mabutihin; isinasamo namin sa iyo, na iligtas mo lamang kami sa araw na ito.
16 At kanilang inihiwalay ang (HG)mga dios ng iba sa kanila, at naglingkod sa Panginoon: (HH)at ang kaniyang kaluluwa ay nagdalamhati dahil sa karalitaan ng Israel.
17 Nang magkagayon ang mga anak ni Ammon ay nagpipisan, at humantong sa Galaad. At ang mga anak ni Israel ay nagpipisan, at humantong sa (HI)Mizpa.
18 At ang bayan, at ang mga prinsipe sa Galaad, ay nagsangusapan, Sinong tao ang magpapasimulang lumaban sa mga anak ni Ammon? (HJ)siya'y magiging pangulo ng lahat na taga Galaad.
Si Jephte ay ginawang pinuno.
11 Si (HK)Jephte nga na Galaadita ay (HL)lalaking makapangyarihang may tapang, at siya'y anak ng isang patutot: at si Jephte ay naging anak ni Galaad.
2 At ang asawa ni Galaad ay nagkaanak sa kaniya ng mga lalake; at nang magsilaki ang mga anak ng kaniyang asawa ay kanilang pinalayas si Jephte, at sinabi nila sa kaniya, Ikaw ay hindi magmamana sa sangbahayan ng aming ama; sapagka't ikaw ay anak ng ibang babae.
3 Nang magkagayo'y tumakas si Jephte sa harap ng kaniyang mga kapatid, at tumahan sa lupain ng (HM)Tob: (HN)at doo'y nakipisan kay Jephte ang mga lalaking walang kabuluhan, at nagsilabas na kasama niya.
4 At nangyari pagkaraan ng ilang panahon, na ang mga anak ni Ammon ay nakipagdigma sa Israel.
5 At nangyari, nang lumaban ang mga anak ni Ammon sa Israel, na ang mga (HO)matanda sa Galaad ay naparoon upang sunduin si Jephte mula sa lupain ng Tob:
6 At kanilang sinabi kay Jephte, Halika't ikaw ay maging aming pinuno, upang kami ay makalaban sa mga anak ni Ammon.
7 At sinabi ni Jephte sa mga matanda sa Galaad, (HP)Di ba kayo'y napoot sa akin at pinalayas ninyo ako sa bahay ng aking ama? at bakit kayo'y naparirito sa akin ngayon, pagka kayo'y nasa paghihinagpis?
8 At sinabi ng mga matanda sa Galaad kay Jephte, Kaya't kami ay bumabalik sa iyo ngayon, upang ikaw ay makasama namin, at makipaglaban sa mga anak ni Ammon, at ikaw ay magiging pangulo naming lahat na taga Galaad.
9 At sinabi ni Jephte sa mga matanda sa Galaad, Kung pauuwiin ninyo ako upang makipaglaban sa mga anak ni Ammon, at ibigay ng Panginoon sila sa harap ko, magiging pangulo ba ninyo ako?
10 At sinabi ng mga matanda sa Galaad kay Jephte, Ang (HQ)Panginoon ang maging saksi natin: tunay na ayon sa iyong salita ay siya naming gagawin.
11 Nang magkagayo'y si Jephte ay yumaong kasama ng mga matanda sa Galaad, at ginawa nila siyang (HR)pangulo at pinuno: at sinalita ni Jephte sa (HS)Mizpa ang lahat ng kaniyang salita sa (HT)harap ng Panginoon.
Ang sugo sa hari sa Ammon.
12 At nagsugo si Jephte ng mga sugo sa hari ng mga anak ni Ammon, na nagsasabi, Anong ipinakikialam mo sa akin, na ikaw ay naparito sa akin upang lumaban sa aking lupain?
13 At isinagot ng hari ng mga anak ni Ammon sa mga sugo ni Jephte, (HU)Sapagka't sinakop ng Israel ang aking lupain, nang siya'y umahong galing sa Egipto, mula sa Arnon hanggang sa (HV)Jaboc, at hanggang sa Jordan: kaya't ngayo'y ibalik mo ng payapa ang mga lupaing yaon.
14 At nagsugo uli si Jephte ng mga sugo sa hari ng mga anak ni Ammon:
15 At kaniyang sinabi sa kaniya, Ganito ang sabi ni Jephte, Hindi sumakop ang (HW)Israel ng lupain ng Moab, o ng lupain ng mga anak ni Ammon;
16 Kundi nang sila'y umahon mula sa Egipto, at ang Israel ay naglakad sa ilang hanggang sa Dagat na Mapula, at (HX)napasa Cades:
17 (HY)Nagsugo nga ang Israel ng mga sugo sa hari sa Edom, na nagsasabi, Isinasamo ko sa iyong paraanin mo ako sa iyong lupain: nguni't hindi dininig ng hari sa Edom. (HZ)At gayon din nagsugo siya sa hari sa Moab; nguni't ayaw siya: at ang Israel ay (IA)tumahan sa Cades:
18 Nang magkagayo'y naglakad sila sa ilang, at (IB)lumiko sa lupain ng Edom, at sa lupain ng Moab, (IC)at napasa dakong silanganan ng lupain ng Moab, (ID)at sila'y humantong sa kabilang dako ng Arnon; nguni't hindi sila pumasok sa hangganan ng Moab, sapagka't ang Arnon ay siyang hangganan ng Moab.
19 At (IE)nagsugo ang Israel ng mga sugo kay Sehon na hari ng mga Amorrheo, na hari sa Hesbon; at sinabi ng Israel sa kaniya, Isinasamo namin sa iyo na paraanin mo kami sa iyong lupain hanggang sa aking dako.
20 Nguni't si Sehon ay hindi tumiwala sa Israel upang paraanin sa kaniyang hangganan: kundi pinisan ni Sehon ang kaniyang buong bayan, at humantong sa Jaas, at lumaban sa Israel.
21 At ibinigay ng Panginoon, ng Dios ng Israel si Sehon, at ang kaniyang buong bayan sa kamay ng Israel, (IF)at sinaktan nila sila: sa gayo'y inari ng Israel ang buong lupain ng mga Amorrheo, na mga taga-roon sa lupaing yaon.
22 (IG)At kanilang inari ang buong hangganan ng mga Amorrheo, mula sa Arnon hanggang sa Jaboc, at mula sa ilang hanggang sa Jordan.
23 Ngayon nga'y inalisan ng ari ng Panginoon, ng Dios ng Israel ang mga Amorrheo sa harap ng bayang Israel, at iyo bang aariin ang mga iyan?
24 (IH)Hindi mo ba aariin ang ibinigay sa iyo ni Chemos na iyong dios upang ariin? Sinoman ngang inalisan ng ari ng Panginoon naming Dios sa harap namin, ay aming (II)aariin.
25 (IJ)At ngayo'y gagaling ka pa ba sa anomang paraan kay Balac na anak ni Zippor, na hari sa Moab? siya ba'y nakipagkaalit kailan man sa Israel o lumaban kaya sa kanila?
26 Samantalang ang Israel ay tumatahan sa (IK)Hesbon at sa mga bayan nito, at sa (IL)Aroer at sa mga bayan nito, at sa lahat ng mga bayang nangasa tabi ng Arnon, na (IM)tatlong daang taon; bakit hindi ninyo binawi nang panahong yaon?
27 Ako nga'y hindi nagkasala laban sa iyo, kundi ikaw ang gumawa ng masama sa pakikidigma mo sa akin: ang Panginoon, (IN)ang Hukom, ay maging hukom sa araw na ito sa mga anak ni Israel at sa mga anak ni Ammon.
28 Nguni't hindi dininig ng hari ng mga anak ni Ammon ang mga salita ni Jephte na ipinaalam sa kaniya.
Ang pananagumpay ni Jephte at ang kaniyang panata.
29 Nang magkagayo'y ang (IO)Espiritu ng Panginoon ay suma kay Jephte, at siya'y nagdaan ng Galaad at Manases, at nagdaan sa Mizpa ng Galaad, at mula sa Mizpa ng Galaad ay nagdaan siya sa mga anak ni Ammon.
30 At nagpanata si Jephte ng isang (IP)panata sa Panginoon, at nagsabi, Kung tunay na iyong ibibigay ang mga anak ni Ammon sa aking kamay,
31 Ay mangyayari nga, na sinomang lumabas na sumalubong sa akin sa mga pintuan ng aking bahay, pagbalik kong payapa na galing sa mga anak ni Ammon, ay (IQ)magiging sa Panginoon, (IR)at aking ihahandog na pinakahandog na susunugin.
32 Sa gayo'y nagdaan si Jephte sa mga anak ni Ammon upang lumaban sa kanila; at sila'y ibinigay ng Panginoon sa kaniyang kamay.
33 At sila'y sinaktan niya ng di kawasang pagpatay mula sa Aroer hanggang sa (IS)Minnith, na may dalawang pung bayan, at hanggang sa Abelkeramim. Sa gayo'y sumuko ang mga anak ni Ammon sa mga anak ni Israel.
34 (IT)At si Jephte ay naparoon sa Mizpa sa kaniyang bahay; at, narito, ang kaniyang (IU)anak na babae ay lumalabas na sinasalubong siya ng (IV)pandereta at ng sayaw: at siya ang kaniyang bugtong na anak: liban sa kaniya'y wala na siyang anak na lalake o babae man.
35 At nangyari, pagkakita niya sa kaniya, na kaniyang (IW)hinapak ang kaniyang damit, at sinabi, Sa aba ko, aking anak! pinapakumbaba mo akong lubos, at ikaw ay isa sa mga bumabagabag sa akin: sapagka't aking ibinuka ang aking bibig sa Panginoon, at (IX)hindi na ako makapanumbalik.
36 At sinabi niya sa kaniya, Ama ko, iyong ibinuka ang iyong bibig sa Panginoon; gawin mo sa akin ang ayon sa ipinangusap ng iyong bibig; yamang ipinanghiganti ka ng Panginoon sa iyong mga kaaway, sa makatuwid baga'y sa mga anak ni Ammon.
37 At sinabi niya sa kaniyang ama, Ipagawa mo ang bagay na ito sa akin: pahintulutan mo lamang akong dalawang buwan, upang ako'y humayo't yumaon sa mga bundukin at aking itangis ang aking pagkadalaga, ako at ang aking mga kasama.
38 At kaniyang sinabi, Yumaon ka. At pinapagpaalam niya siyang dalawang buwan: at siya'y yumaon, siya at ang kaniyang mga kasama, at itinangis ang kaniyang pagkadalaga sa mga bundukin.
39 At nangyari, sa katapusan ng dalawang buwan, na siya'y (IY)nagbalik sa kaniyang ama, na ginawa sa kaniya ang ayon sa kaniyang panata na kaniyang ipinanata: at siya'y hindi nasipingan ng lalake. At naging kaugalian sa Israel,
40 Na ipinagdidiwang taon taon ng mga anak na babae ng Israel ang anak ni Jephte na Galaadita, na apat na araw sa isang taon.
Tumutol ang Ephraimita.
12 At ang (IZ)mga lalake ng Ephraim ay nagpipisan at nagdaan sa dakong hilagaan: at sinabi nila kay Jephte, Bakit ka nagpatuloy na lumaban sa mga anak ni Ammon, at hindi mo kami tinawag upang yumaong kasama mo? susunugin ka namin pati ng iyong bahay.
2 At sinabi ni Jephte sa kanila, Ako at ang aking bayan ay totoong nakipaglaban sa mga anak ni Ammon; at nang tawagan ko kayo ay hindi ninyo ako iniligtas sa kanilang kamay.
3 At nang makita ko na ako'y hindi ninyo iniligtas ay aking (JA)inilagak ang aking buhay sa aking kamay, at ako'y nagdaan laban sa mga anak ni Ammon, at sila'y ibinigay ng Panginoon sa aking kamay: bakit nga inahon ninyo ako sa araw na ito, upang makipaglaban sa akin?
4 Nang magkagayo'y pinisan ni Jephte ang mga lalake sa Galaad, at nakipaglaban sa Ephraim; at sinaktan ng mga lalake ng Galaad ang Ephraim, sapagka't kanilang sinabi, Kayo'y (JB)mga tanan sa Ephraim, kayong mga Galaadita, sa gitna ng Ephraim, at sa gitna ng Manases.
5 At sinakop ng mga Galaadita ang mga (JC)tawiran sa Jordan sa dako ng mga Ephraimita. At nangyari, na pagkasinabi ng mga tanan sa Ephraim na, Paraanin mo ako, ay sinasabi ng mga lalake ng Galaad sa kaniya, Ikaw ba'y Ephraimita? Kung kaniyang sabihin, Hindi;
6 Ay sinabi nga nila sa kaniya, Sabihin mong (JD)Shiboleth; at sinasabi niya, Shiboleth; sapagka't hindi matumpakang sabihing matuwid; kung magkagayo'y kanilang hinuhuli, at pinapatay sa mga tawiran ng Jordan: at nahulog nang panahong yaon sa Ephraim ay apat na pu't dalawang libo.
Ang kamatayan ni Jephte.
7 At naghukom si Jephte sa Israel na anim na taon. Nang magkagayo'y namatay si Jephte na Galaadita, at inilibing sa isang bayan ng Galaad.
8 At pagkamatay niya, si Ibzan na taga (JE)Beth-lehem ang naghukom sa Israel.
9 At siya'y nagkaanak ng tatlong pung lalake, at ang tatlong pung anak na babae ay kaniyang ipinadala sa ibang bayan, at tatlong pung anak na babae ay kaniyang ipinasok mula sa ibang bayan para sa kaniyang mga anak na lalake. At naghukom siya sa Israel na pitong taon.
10 At si Ibzan ay namatay, at inilibing sa Beth-lehem.
11 At pagkamatay niya, si Elon na Zabulonita ang naghukom sa Israel; at naghukom siya sa Israel na sangpung taon.
12 At si Elon na Zabulonita ay namatay, at inilibing sa Ajalon sa lupain ng Zabulon.
13 At pagkamatay niya, si Abdon na anak ni Hillel na Piratonita ang naghukom sa Israel.
14 At siya'y nagkaroon ng apat na pung anak at tatlong pung apo na (JF)sumasakay sa pitong pung asno: at siya'y naghukom sa Israel na walong taon.
15 At si Abdon na anak ni Hillel na Piratonita ay namatay, at inilibing sa Piraton sa lupain ng Ephraim, sa lupaing (JG)maburol ng mga Amalecita.
Ang pagpapahirap ng Filisteo.
13 At ang mga anak ni Israel ay (JH)gumawa uli ng kasamaan sa paningin ng Panginoon; at ibinigay ng Panginoon sila na apat na pung taon sa (JI)kamay ng mga Filisteo.
2 At may isang lalake sa (JJ)Sora sa angkan ng mga Danita, na ang pangala'y Manoa; at ang kaniyang asawa ay (JK)baog, at hindi nagkaanak.
3 At napakita ang (JL)anghel ng Panginoon sa babae, at nagsabi sa kaniya, Narito ngayon, ikaw ay baog at hindi ka nagkakaanak: nguni't ikaw ay maglilihi at manganganak ng isang lalake.
4 Ngayon nga'y magingat ka, isinasamo ko sa iyo, at (JM)huwag kang uminom ng alak o ng inuming nakalalasing, at huwag kang kumain ng anomang maruming bagay:
5 Sapagka't, narito, ikaw ay maglilihi at manganganak ng isang lalake; at walang pangahit na (JN)daraan sa kaniyang ulo: sapagka't ang bata ay magiging Nazareo sa Dios, mula sa tiyan: at kaniyang (JO)pasisimulang iligtas ang Israel sa kamay ng mga Filisteo.
6 Nang magkagayo'y ang babae'y yumaon at isinaysay sa kaniyang asawa, na sinasabi, Isang (JP)lalake ng Dios ay naparito sa akin, at ang kaniyang anyo ay gaya ng (JQ)anyo ng anghel ng Dios, na kakilakilabot: at hindi ko natanong (JR)siya kung siya'y taga saan, ni kaya'y sinaysay niya sa akin ang (JS)kaniyang pangalan:
7 Nguni't sinabi niya sa akin, (JT)Narito, ikaw ay maglilihi, at manganganak ng isang lalake; at ngayo'y huwag kang uminom ng alak o ng inuming nakalalasing man, at huwag kang kumain ng anomang maruming bagay: sapagka't ang bata'y magiging Nazareo sa Dios mula sa tiyan hanggang sa araw ng kaniyang kamatayan.
Ang pangitain ni Manoa at ng kaniyang asawa.
8 Nang magkagayo'y nanalangin si Manoa sa Panginoon, at sinabi niya, Isinasamo ko sa iyo, Oh Panginoon, na pabalikin mo uli ang lalake ng Dios na iyong sinugo sa amin, at ituro sa amin kung ano ang aming gagawin sa bata na ipanganganak.
9 At dininig ng Dios ang tinig ni Manoa; at nagbalik ang anghel ng Dios sa babae habang siya'y nakaupo sa bukid: nguni't si Manoa na kaniyang asawa ay hindi niya kasama.
10 At nagmadali ang babae, at tumakbo, at isinaysay sa kaniyang asawa, at sinabi sa kaniya, Narito, ang lalake ay napakita sa akin, yaong naparito sa akin ng ibang araw.
11 At bumangon si Manoa, at sumunod sa kaniyang asawa, at naparoon sa lalake, at sinabi sa kaniya, Ikaw ba ang lalake na nagsalita sa babaing ito? At kaniyang sinabi, Ako nga.
12 At sinabi ni Manoa, Mano nawa'y mangyari ang iyong mga salita: ano ang ipagpapagawa sa bata, at paanong aming gagawin sa kaniya?
13 At sinabi ng anghel ng Panginoon kay Manoa, Sa lahat ng aking sinabi sa babae ay magingat siya.
14 Siya'y hindi makakakain ng anomang bagay na nanggagaling sa ubasan, ni (JU)uminom man lamang ng alak ni ng inuming nakalalasing, ni kumain man ng anomang maruming bagay; lahat ng iniutos ko sa kaniya ay sundin niya.
15 At sinabi ni Manoa sa anghel ng Panginoon, Isinasamo ko sa iyo (JV)na ikaw ay aming mapigil, upang maipagluto ka namin ng isang anak ng kambing.
16 At sinabi ng anghel ng Panginoon kay Manoa, Bagaman ako'y iyong pigilin, hindi ako kakain ng iyong pagkain: at kung ikaw ay maghahanda ng handog na susunugin, ay iyong nararapat ihandog sa Panginoon. Sapagka't hindi naalaman ni Manoa na siya'y anghel ng Panginoon.
17 At sinabi ni Manoa sa anghel ng Panginoon, (JW)Ano ang iyong pangalan, upang pangyayari ng iyong mga salita ay mabigyan ka namin ng karangalan?
18 At sinabi ng anghel ng Panginoon sa kaniya, (JX)Bakit mo itinatanong ang aking pangalan, dangang kagilagilalas?
19 Sa gayo'y kumuha si Manoa ng isang anak ng kambing pati ng handog na harina, (JY)at inihandog sa Panginoon sa ibabaw ng bato: at gumawa ng kamanghamangha ang anghel, at minasdan ni Manoa at ng kaniyang asawa.
20 Sapagka't nangyari, nang (JZ)umilanglang sa langit ang alab mula sa dambana, na ang anghel ng Panginoon ay napailanglang sa alab ng dambana: at minasdan ni Manoa at ng kaniyang asawa; at sila'y (KA)nangapasubasob sa lupa.
Si Samson ay ipinanganak.
21 Nguni't hindi na napakita ang anghel ng Panginoon kay Manoa o sa kaniyang asawa. (KB)Nang magkagayo'y naalaman ni Manoa na siya'y anghel ng Panginoon.
22 At sinabi ni Manoa sa kaniyang asawa, (KC)Walang pagsalang tayo'y mamamatay, sapagka't ating nakita ang Dios.
23 Nguni't sinabi ng asawa niya sa kaniya, Kung nalulugod ang Panginoon na patayin tayo, hindi sana niya tinanggap ang (KD)handog na sinunog at ang handog na harina sa ating kamay, ni ipinakita man sa atin ang lahat ng mga bagay na ito ni nasaysay man sa panahong ito, ang mga bagay na gaya nito.
24 At nanganak ang babae ng isang lalake, at tinawag ang kaniyang pangalan na (KE)Samson. At ang bata'y (KF)lumaki, at pinagpala ng Panginoon.
25 At pinasimulang kinilos siya ng (KG)Espiritu ng Panginoon sa Mahanedan, sa (KH)pagitan ng Sora at Esthaol.
Si Samson ay nagasawa sa babaing Filisteo.
14 At lumusong si Samson sa (KI)Timnah, at nakita ang isang babae sa Timnah sa mga anak ng mga Filisteo.
2 At siya'y umahon, at isinaysay sa kaniyang ama at sa kaniyang ina, at sinabi, Aking nakita ang isang babae sa Timnah, sa mga anak ng mga Filisteo: (KJ)ngayon nga'y papagasawahin ninyo ako sa kaniya.
3 Nang magkagayo'y sinabi ng kaniyang ama at ng kaniyang ina sa kaniya, Wala na bang babae sa mga anak ng iyong (KK)kapatid, o sa aking buong bayan, na ikaw ay yayaong magaasawa sa mga di tuling (KL)Filisteo? At sinabi ni Samson sa kaniyang ama, Papag-asawahin mo ako sa kaniya; sapagka't siya'y lubhang nakalulugud sa akin.
4 Nguni't hindi naalaman ng kaniyang ama at ng kaniyang ina, na kalooban ng (KM)Panginoon; (KN)sapagka't siya'y humahanap ng pagkakataon laban sa mga Filisteo. Nang panahong yaon nga'y nagpupuno ang mga Filisteo sa Israel.
Si Samson ay pumatay ng lion.
5 Nang magkagayo'y lumusong si Samson, at ang kaniyang ama, at ang kaniyang ina, sa Timnah, at naparoon sa ubasan ng Timnah: at, narito, isang batang (KO)leon ay umuungal laban sa kaniya,
6 At ang (KP)Espiritu ng Panginoon ay makapangyarihang sumakaniya, at nilamuray niya siya na parang naglamuray ng isang batang kambing, at siya'y walang anoman sa kaniyang kamay; nguni't hindi niya sinaysay sa kaniyang ama o sa kaniyang ina kung ano ang kaniyang ginawa.
7 At siya'y lumusong at nakipagusap sa babae, at siya'y lubhang nakalulugod kay Samson.
8 At pagkaraan ng sandali ay bumalik siya upang kunin niya siya, at siya'y lumiko upang tingnan ang patay na leon: at, narito, may isang kawan ng pukyutan sa loob ng bangkay ng leon, at pulot-pukyutan.
9 At kaniyang dinala sa kaniyang kamay at yumaon, na kinakain niya samantalang siya'y yumayaon, at siya'y naparoon sa kaniyang ama at ina, at ibinigay sa kanila, at kanilang kinain; nguni't hindi niya sinaysay sa kanila na kaniyang kinuha ang pulot sa bangkay ng leon.
Ang bugtong ni Samson sa piging sa pagkakasal.
10 At nilusong ng kaniyang ama ang babae: at gumawa si Samson ng isang kasayahan doon; sapagka't kinaugaliang ginagawang gayon ng mga binata.
11 At nangyari, pagkakita nila sa kaniya, na sila'y nagdala ng tatlong pung kasama, upang maging kasama niya.
12 At sinabi ni Samson sa kanila, (KQ)Pagbubugtungan ko kayo: kung maisaysay ninyo sa akin sa loob ng (KR)pitong araw na kasayahan, at inyong maturingan, ay bibigyan ko nga kayo ng tatlong pung (KS)kasuutang lino at tatlong pung bihisan:
13 Nguni't kung hindi ninyo maisaysay sa akin, ay bibigyan nga ninyo ako ng tatlong pung kasuutang lino at ng tatlong pung bihisan. At kanilang sinabi sa kaniya, Ipagbadya mo ang iyong bugtong, upang aming marinig.
14 At sinabi niya sa kanila,
Sa mangangain ay lumabas ang pagkain,
At sa malakas ay lumabas ang katamisan.
At hindi nila maisaysay sa tatlong araw.
15 At nangyari, nang ikapitong araw, na kanilang sinabi sa asawa ni Samson, (KT)Dayain mo ang iyong asawa, upang maisaysay niya sa amin ang bugtong, (KU)baka ikaw ay sunugin namin at ang sangbahayan ng iyong ama: inanyayahan ba ninyo kami upang papaghirapin? di ba gayon?
16 At umiyak ang asawa ni Samson sa harap niya, at nagsabi, (KV)Kinapopootan mo lamang ako, at hindi mo ako iniibig: ikaw ay nagbugtong ng isang bugtong sa mga anak ng aking bayan, at hindi mo isinaysay sa akin. At sinabi niya sa kaniya, Narito, hindi ko isinaysay sa aking ama, o sa aking ina man, at akin bang sasaysayin sa iyo?
17 At umiyak siya sa harap niya na pitong araw, habang hindi natapos ang kanilang kasayahan: at nangyari nang ikapitong araw, na isinaysay niya sa kaniya, sapagka't (KW)pinilit niya siya: at isinaysay niya ang bugtong sa mga anak ng kaniyang bayan.
18 At sinabi ng mga lalake sa bayan kay Samson nang ikapitong araw bago lumubog ang araw. Alin kaya ang lalong matamis kay sa pulot? at ano pa kaya ang lalong malakas kay sa leon? At sinabi niya sa kanila.
Kung hindi kayo nag-araro ng aking dumalaga,
Hindi sana ninyo naturingan ang aking bugtong.
19 (KX)At ang Espiritu ng Panginoon ay makapangyarihang sumakaniya, at siya'y lumusong sa (KY)Ascalon, at pumatay ng tatlong pung lalake sa kanila, at kinuha ang samsam sa kanila, at ibinigay ang mga bihisan sa mga nakaturing ng bugtong at ang kaniyang galit ay nagalab, at siya'y umahon sa bahay ng kaniyang ama.
20 Nguni't ang asawa ni Samson ay (KZ)ibinigay sa kaniyang (LA)kasama, na siya niyang inaaring parang kaniyang kaibigan.
Sinunog ni Samson ang trigohan ng mga Filisteo.
15 Nguni't nangyari pagkatapos ng sangdaling panahon, sa panahon ng pagaani ng trigo, na dumalaw si Samson na may dalang isang anak ng (LB)kambing sa kaniyang asawa; at kaniyang sinabi, Aking papasukin ang aking asawa sa loob ng silid. Nguni't ayaw papasukin siya ng kaniyang biyanang lalake.
2 At sinabi ng kaniyang biyanang lalake, Aking tunay na inisip na iyong lubos na kinapootan siya; kaya't aking ibinigay siya sa iyong kasama: di ba ang kaniyang kapatid na bata ay maganda kay sa kaniya? Isinasamo ko sa iyo na kunin mong kahalili niya.
3 At sinabi ni Samson sa kanila, Ngayon ay wala akong ipagkakasala sa mga Filisteo, kung gawan ko man sila ng kasamaan.
4 At yumaon si Samson at humuli ng tatlong daang zorra at kumuha ng mga sigsig at pinag-kabitkabit ang mga buntot, at nilagyan ng isang (LC)sigsig sa gitna ng pagitan ng bawa't dalawang buntot.
5 At nang kaniyang masulsulan ang mga sigsig, ay kaniyang binitiwan sa nakatayong trigo ng mga Filisteo at (LD)sinunog kapuwa ang mga mangdala at ang nakatayong trigo, at gayon din ang mga olibohan.
6 Nang magkagayo'y sinabi ng mga Filisteo, Sinong gumawa nito? At kanilang sinabi, Si Samson na manugang ni Timnateo, sapagka't kaniyang kinuha ang asawa niya at ibinigay sa kaniyang kasama. (LE)At sumampa ang mga Filisteo, at sinunog ang babae at ang kaniyang ama.
7 At sinabi ni Samson sa kanila, Kung ginawa ninyo ang ganito ay walang pagsalang aking igaganti sa inyo; at pagkatapos ay magtitigil ako.
8 At sinaktan niya sila, sa hita at sasapnan ng di kawasang pagpatay: at siya'y bumaba at tumahan sa isang (LF)guwang ng bato ng Etam.
Dalawang bagong lubid ang iginapos kay Samson.
9 Nang magkagayo'y nagsisampa ang mga Filisteo, at humantong sa Juda, at (LG)nagsikalat sa (LH)Lehi.
10 At sinabi ng mga lalake sa Juda, Bakit kayo nagsisampa laban sa amin? At kanilang sinabi, Upang gapusin si Samson kung kaya't kami ay nagsisampa upang gawin sa kaniya ang gaya ng ginawa niya sa amin.
11 Nang magkagayo'y ang tatlong libong lalake sa Juda ay nagsilusong sa guwang ng bato ng Etam, at sinabi kay Samson, Hindi mo ba nalalaman na ang mga Filisteo ay (LI)nagpupuno sa atin? ano nga itong ginawa mo sa amin? At sinabi niya sa kanila, Kung paano ang ginawa nila sa akin ay gayon ang ginawa ko sa kanila.
12 At sinabi nila sa kaniya, Kami ay nagsilusong upang gapusin ka, upang maibigay ka namin sa kamay ng mga Filisteo. At sinabi ni Samson sa kanila, Sumumpa kayo sa akin, na hindi kayo ang dadaluhong sa akin.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978