Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Bible in 90 Days

An intensive Bible reading plan that walks through the entire Bible in 90 days.
Duration: 88 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Deuteronomio 23:12-34

12 Ikaw ay magkakaroon naman, ng isang pook sa labas ng kampamento, na iyong lalabasan:

13 At ikaw ay magkakaroon din ng isang pala sa kasamahan ng iyong mga kasangkapan; at mangyayari, na pagka ikaw ay palilikod sa labas ay huhukay ka, at ikaw ay babalik at tatabunan mo ang ipinalikod mo:

14 Sapagka't ang Panginoon mong Dios ay (A)lumalakad sa gitna ng iyong kampamento, upang iligtas ka, at ibigay ang iyong mga kaaway sa harap mo; kaya't ang iyong kampamento ay magiging banal: upang huwag siyang makakita ng anomang maruming bagay sa iyo, at baka humiwalay sa iyo.

15 (B)Huwag mong ibibigay sa kaniyang panginoon ang isang aliping nagtanan sa kaniyang panginoon na napasa iyo:

16 Siya'y tatahang kasama mo, sa gitna mo, sa dakong kaniyang pipiliin sa loob ng isa sa iyong mga pintuang-daan na kaniyang magalingin: (C)huwag mo siyang pipighatiin.

17 (D)Huwag kang magkakaroon ng masamang babae sa mga anak ng Israel, ni magkakaroon ng (E)sodomita sa mga anak ng Israel.

18 Huwag mong dadalhin ang bayad sa isang masamang babae, o ang kaupahan sa isang aso, sa bahay ng Panginoon mong Dios sa anomang panata: sapagka't ang mga ito ay kapuwa karumaldumal sa Panginoon mong Dios.

Batas tungkol sa pagpapahiram na may tubo.

19 (F)Huwag kang magpapahiram na may tubo sa iyong kapatid; tubo ng salapi, tubo ng kakanin, tubo ng anomang bagay na ipinahihiram na may tubo:

20 (G)Sa isang taga ibang lupa ay makapagpapahiram ka na (H)may tubo; nguni't sa iyong kapatid ay huwag kang magpapahiram na may tubo: upang pagpalain ka ng Panginoon mong Dios sa lahat ng pagpapatungan mo ng iyong kamay, sa lupain na iyong pinapasok upang ariin.

Tungkol sa panata.

21 (I)Pagka ikaw ay magpapanata ng isang panata sa Panginoon mong Dios, ay huwag kang magluluwat ng pagtupad: sapagka't walang pagsalang uusisain sa iyo ng Panginoon mong Dios; at magiging kasalanan sa iyo.

22 Nguni't kung ikaw ay magbawang manata, ay hindi magiging kasalanan, sa iyo:

23 Ang nabuka sa iyong mga labi ay (J)iyong gaganapin at gagawin; ayon sa iyong ipinanata sa Panginoon mong Dios, na isang kusang handog, na ipinangako mo ng iyong bibig.

24 Pagka ikaw ay pumasok sa ubasan ng iyong kapuwa, ay (K)makakakain ka nga ng mga ubas sa iyong kagustuhan hanggang sa ikaw ay mabusog; nguni't huwag kang maglalagay sa iyong sisidlan.

25 Pagka ikaw ay pumasok sa nangakatayong trigo ng iyong kapuwa, ay makikitil mo nga ng iyong kamay ang mga uhay; nguni't huwag mong gagalawin ng karit ang nakatayong trigo ng iyong kapuwa.

Batas tungkol sa paghihiwalay; Bayad sa kaupahan; Maling paghatol.

24 Pagka ang (L)isang lalake ay kumuha ng isang babae at pinakasalan, ay mangyayari nga, na kung ang babae ay hindi kalugdan ng kaniyang mga mata, sapagka't kinasumpungan niya ng isang kahiyahiyang bagay, ay lalagda siya ng isang kasulatan ng paghihiwalay, at ibibigay niya sa kaniyang kamay, at papagpapaalamin niya siya sa kaniyang bahay.

At pagkaalis niya sa bahay ng lalake, ay makayayaon siya at makapagaasawa sa ibang lalake.

At kung kapootan siya ng huling asawa, at lagdaan siya ng isang kasulatan ng paghihiwalay, at ibigay sa kaniyang kamay, at papagpaalamin siya sa kaniyang bahay; o kung mamatay ang huling asawa, na kumuha sa kaniya upang maging asawa niya;

(M)Hindi na siya makukuhang muling maging asawa ng kaniyang unang asawa na humiwalay sa kaniya, pagkatapos na kaniyang mapangayupapa siya; sapagka't yao'y karumaldumal sa harap ng Panginoon: at huwag mong papagkakasalahin ang lupain na ibinibigay na pinakamana sa iyo ng Panginoon mong Dios.

(N)Pagka ang isang lalake ay bagong kasal, ay huwag lalabas na sasama sa hukbo ni mamamahala ng anomang katungkulan; siya'y magiging laya sa bahay na isang taon at kaniyang pasasayahin ang kaniyang asawa na kaniyang kinuha.

Walang taong kukuha ng gilingan o ng batong nasa itaas ng gilingan na pinakasangla: sapagka't parang (O)kaniyang kinuhang pinakasangla ang buhay ng tao.

(P)Kung ang sinoman ay masumpungang nagnanakaw ng sinoman sa kaniyang mga kapatid, sa mga anak ni Israel, at kaniyang inalipin siya, o ipinagbili siya; ang magnanakaw ngang yaon ay papatayin: (Q)gayon mo aalisin ang kasamaan sa gitna mo.

Magingat ka sa (R)salot na ketong, na iyong isagawang masikap at gawin ang ayon sa lahat na ituturo sa iyo ng mga saserdote na mga Levita: kung paanong iniutos ko sa kanila ay gayon mo isasagawa.

Alalahanin mo ang ginawa ng Panginoon mong Dios (S)kay Miriam sa daan nang kayo'y lumalabas sa Egipto.

10 Pagka ikaw ay magpapahiram sa iyong kapuwa ng anomang bagay na hiram, ay huwag kang papasok sa kaniyang bahay upang kumuha ng kaniyang sangla.

11 Ikaw ay tatayo sa labas, at ang taong iyong pinahihiram ay maglalabas ng sangla sa iyo.

12 At kung siya'y taong mahirap ay huwag kang matutulog na may sangla niya:

13 (T)Iyo ngang isasauli sa kaniya ang sangla paglubog ng araw, upang siya'y matulog sa kaniyang damit, at (U)pagpalain ka: at (V)magiging katuwiran mo sa harap ng Panginoon mong Dios.

14 (W)Huwag mong pipighatiin ang isang nagpapaupang dukha at salat, maging siya'y sa iyong mga kapatid, o sa mga iyong taga ibang bayan na nangasa iyong bayan sa loob ng iyong mga pintuang-daan:

15 Sa kaniyang kaarawan ay (X)ibibigay mo sa kaniya ang kaniyang kaupahan, ni huwag lulubugan ng araw (sapagka't siya'y mahirap, at siyang inaasahan ng kaniyang puso); (Y)baka siya'y dumaing sa Panginoon laban sa iyo at maging kasalanan sa iyo.

16 (Z)Hindi papatayin ang mga magulang dahil sa mga anak, ni ang mga anak ay papatayin dahil sa mga magulang; bawa't tao'y papatayin dahil sa kaniyang sariling kasalanan.

17 (AA)Huwag mong ililiko ang matuwid ng taga ibang bayan, ni ng ulila; ni huwag mong kukuning sangla ang damit ng babaing bao:

18 Kundi (AB)aalalahanin mo na ikaw ay naging alipin sa Egipto, at tinubos ka ng Panginoon mong Dios mula roon: kaya't iniuutos ko sa iyong gawin mo ang bagay na ito.

19 (AC)Pagka iyong aanihin ang iyong ani sa bukid, at nakalimot ka ng isang bigkis sa bukid, ay huwag mong pagbabalikang kunin: magiging sa taga ibang lupa, sa ulila, at sa babaing bao: upang pagpalain ka ng Panginoon mong Dios sa lahat ng gawa ng iyong mga kamay.

20 Pagka iyong papaspasan ang iyong puno ng olibo, ay huwag mong pagbabalikan ang mga nalagpasan; magiging sa taga ibang bayan, sa ulila, at sa babaing bao.

21 Pagka ikaw ay namimitas sa iyong ubasan, ay (AD)huwag mong pupulutin ang nasa likuran mo; magiging sa taga ibang bayan, sa ulila, at sa babaing bao.

22 At (AE)iyong aalalahanin na naging alipin ka sa lupain ng Egipto: kaya't iniuutos ko sa iyong gawin ang bagay na ito.

Batas sa paghatol at sa pagkamatay ng asawa.

25 Kung magkaroon ng (AF)pagkakaalit ang mga tao, at sila'y dumating sa hukuman, at sila'y hatulan ng mga hukom; ay kanila ngang (AG)mamatuwirin ang may matuwid at hahatulan ang salarin:

At mangyayari, na kung ang salarin ay marapat paluin, ay padadapain siya ng hukom sa lupa, at papaluin sa kaniyang harap, ayon sa kaniyang sala na may bilang,

(AH)Apat na pung palo ang maibibigay niya sa kaniya, huwag niyang lalagpasan: baka kung siya'y lumagpas, at paluin niya ng higit sa mga ito ng maraming palo, ay maging hamak nga sa iyo ang iyong kapatid.

(AI)Huwag mong lalagyan ng pugong ang baka pagka gumigiik.

(AJ)Kung ang magkapatid ay tumahang magkasama, at isa sa kanila'y mamatay, at walang anak, ang asawa ng patay ay huwag magaasawa ng iba sa labas: ang (AK)kapatid ng kaniyang asawa ay sisiping sa kaniya, at kukunin siya niyang asawa, at tutuparin sa kaniya ang tungkulin ng pagkakapatid ng asawa.

At mangyayari, na ang panganay na (AL)kaniyang ipanganganak ay hahalili sa pangalan ng kaniyang kapatid na namatay, upang (AM)ang kaniyang pangalan ay huwag mapawi sa Israel.

At kung ayaw kunin ng lalake ang asawa ng kaniyang kapatid, ay sasampa nga ang asawa ng kaniyang kapatid sa (AN)pintuang-bayan sa mga matanda, at sasabihin, Ang kapatid ng aking asawa ay tumatangging itindig ang pangalan ng kaniyang kapatid sa Israel; ayaw niyang tuparin sa akin ang tungkulin ng pagkakapatid ng asawa.

Kung magkagayo'y tatawagin siya ng mga matanda sa kaniyang bayan at pangungusapan siya: at kung siya'y tumayo at sabihin niya, (AO)Ayaw kong kunin siya;

Ang asawa nga ng kapatid ay paroroon sa kaniya sa harap ng mga matanda at (AP)huhubarin ang panyapak niya sa kaniyang mga paa, at luluran siya sa mukha; at siya'y sasagot at sasabihin, Ganyan ang gagawin sa lalake, na ayaw (AQ)magtayo ng sangbahayan ng kaniyang kapatid.

10 At ang kaniyang pangala'y tatawagin sa Israel, Ang bahay ng hinubaran ng panyapak.

11 Pag may dalawang lalaking nag-away, at ang asawa ng isa ay lumapit upang iligtas ang kaniyang asawa sa kamay ng nananakit sa kaniya, at iniunat niya ang kaniyang kamay at hinawakan niya ang mga sangkap na lihim:

12 Ay iyo ngang puputulin ang kaniyang kamay; ang iyong mata'y (AR)huwag manghihinayang.

13 (AS)Huwag kang magkakaroon sa iyong supot ng iba't ibang panimbang, ng isang malaki at ng isang maliit.

14 Huwag kang magkakaroon sa iyong bahay ng iba't ibang takalan, ng isang malaki at ng isang maliit.

15 Isang tunay at tapat na panimbang magkakaroon ka; isang tunay at tapat na takalan magkakaroon ka: (AT)upang ang iyong mga araw ay tumagal sa ibabaw ng lupaing ibinibigay sa iyo ng Panginoon mong Dios.

16 Sapagka't yaong lahat na gumagawa ng gayong mga bagay, sa makatuwid baga'y yaong lahat ng gumagawa ng di matuwid ay (AU)kasuklamsuklam sa Panginoon mong Dios.

Si Amalec ay lilipulin.

17 (AV)Alalahanin mo ang ginawa sa iyo ng Amalec sa daan nang ikaw ay lumabas sa Egipto;

18 Na kung paanong sinalubong ka niya sa daan, at sinaktan niya ang mga kahulihulihan sa iyo, yaong lahat na mahina sa hulihan mo, nang ikaw ay pagod at pagal; at siya'y hindi natakot sa Dios.

19 Kaya't mangyayari, na (AW)pagka binigyan ka ng Panginoon mong Dios ng kapahingahan sa lahat ng iyong mga kaaway sa palibot, sa lupain na ibinibigay sa iyo ng Panginoon mong Dios na pinakamana upang ariin, ay (AX)iyong papawiin ang pagalaala sa Amalec sa silong ng langit; huwag mong lilimutin.

Ang paghahandog ng unang bunga.

26 At mangyayari, pagka nakapasok ka sa lupain na ibinibigay sa iyo ng Panginoon mong Dios na pinakamana, at iyong inaari, at iyong tinatahanan;

(AY)Na iyong kukunin ang mga una sa lahat ng bunga ng lupain, na iyong mga pipitasin sa lupain na ibinibigay sa iyo ng Panginoon mong Dios: at iyong isisilid sa isang buslo, (AZ)at ikaw ay paroroon sa dakong pipiliin ng Panginoon mong Dios, na patatahanan sa kaniyang pangalan:

At paroroon ka sa saserdote sa mga araw na yaon, at sasabihin mo sa kaniya, Aking ipinahahayag sa araw na ito sa Panginoon mong Dios, na ako'y nasok sa lupain na isinumpa ng Panginoon sa aming mga magulang, upang ibigay sa amin.

At kukunin ng saserdote ang buslo sa iyong kamay at ilalagay sa harap ng dambana ng Panginoon mong Dios.

At ikaw ay sasagot, at magsasabi sa harap ng Panginoon mong Dios, (BA)Isang taga Siria na (BB)kamunti nang mamatay ang aking ama; siyang bumaba sa Egipto, at nakipamayan doon, na (BC)kaunti sa bilang; at doo'y naging isang bansang malaki, makapangyarihan, at makapal:

At kami ay tinampalasan ng (BD)mga taga Egipto, at pinighati kami at inatangan kami ng isang mabigat na pagkaalipin:

At (BE)kami ay dumaing sa Panginoon, sa Dios ng aming mga magulang at dininig ng Panginoon ang aming tinig, at nakita ang aming kadalamhatian, at ang aming gawa, at ang aming kapighatian;

At (BF)inilabas kami ng Panginoon sa Egipto ng kamay na makapangyarihan, at ng unat na bisig, at ng malaking kakilabutan, at ng mga tanda, at ng mga kababalaghan:

At kaniyang dinala kami sa lupaing ito, at ibinigay sa amin ang (BG)lupaing binubukalan ng gatas at pulot.

10 At ngayon, narito, aking dala ang mga una sa bunga ng lupa, na ibinigay mo sa akin, Oh Panginoon. At iyong ilalapag sa harap ng Panginoon mong Dios, at sasamba ka sa harap ng Panginoon mong Dios:

11 At (BH)magagalak ka sa lahat ng magaling na ibinigay sa iyo ng Panginoon mong Dios, at sa iyong sangbahayan, ikaw, at ang Levita, at ang taga ibang lupa na nasa gitna mo.

12 Pagkatapos mo ng pagbibigay ng (BI)buong ikasangpung bahagi ng iyong pakinabang sa ikatlong taon, na (BJ)siyang taon ng pagbibigay ng ikasangpung bahagi, ay magbibigay ka nga rin sa Levita, sa taga ibang lupa, sa ulila, at sa babaing bao, upang sila'y makakain sa loob ng iyong mga pintuang-daan, at mabusog;

13 At iyong sasabihin sa harap ng Panginoon mong Dios, Aking inalis ang mga pinapaging banal na bagay sa aking bahay, at akin ding ibinigay sa Levita, at sa taga ibang lupa, sa ulila at sa babaing bao, ayon sa iyong madlang utos (BK)na iyong iniutos sa akin: hindi ko sinalangsang ang anoman sa iyong mga utos, ni kinalimutan ko:

14 (BL)Hindi ko kinain sa aking pagluluksa, ni inilabas ko nang ako'y marumi, ni ibinigay ko upang gamitin sa patay: aking dininig ang tinig ng Panginoon kong Dios; aking ginawa ayon sa buong iniutos mo sa akin.

15 (BM)Tumungo ka mula sa iyong banal na tahanan, mula sa langit, at pagpalain mo ang iyong bayang Israel, at ang lupa na iyong ibinigay sa amin, gaya ng iyong isinumpa sa aming mga magulang, na isang lupang binubukalan ng gatas at pulot.

16 Sa araw na ito ay iniuutos sa iyo ng Panginoon mong Dios, na tuparin mo ang mga palatuntunan at mga hatol na ito: iyo ngang gaganapin at tutuparin ng iyong buong puso, at ng iyong buong kaluluwa.

17 Iyong ipinahayag sa araw na ito na ang Panginoo'y iyong Dios, at ikaw ay lalakad sa kaniyang mga daan, at iyong gaganapin ang kaniyang mga palatuntunan, at ang kaniyang mga utos, at ang kaniyang mga hatol, at iyong didinggin ang kaniyang tinig:

18 At inihayag ka ng (BN)Panginoon sa araw na ito, na maging isang bayan sa kaniyang sariling pagaari, gaya ng ipinangako niya sa iyo, upang iyong ganapin ang lahat ng kaniyang utos;

19 At upang (BO)itaas ka sa lahat ng bansa na kaniyang nilikha, sa ikapupuri, at sa ikababantog, at sa ikararangal; at upang ikaw ay maging isang banal na (BP)bayan sa Panginoon mong Dios, gaya ng kaniyang sinabi.

Susulatin ang mga batas sa bundok ng Ebal.

27 At si Moises at ang mga matanda sa Israel ay nagutos sa bayan, na sinasabi, Ganapin mo ang lahat ng utos na iniuutos ko sa iyo sa araw na ito.

At mangyayaring sa araw (BQ)na iyong tatawirin ang Jordan na patungo sa lupain na ibinibigay sa iyo ng Panginoon mong Dios, ay (BR)maglalagay ka ng malalaking bato, at iyong tatapalan ng argamasa;

At iyong isusulat sa mga ito ang lahat ng mga salita ng kautusang ito, pagka iyong naraanan; upang iyong mapasok ang lupain na ibinibigay sa iyo ng Panginoon mong Dios, na isang (BS)lupaing binubukalan ng gatas at pulot, na gaya ng ipinangako sa iyo ng Panginoon, ng Dios ng iyong mga magulang.

At mangyayari na pagtawid mo ng Jordan, na iyong ilalagay ang mga batong ito, na iniuutos ko sa iyo sa araw na ito, (BT)sa bundok ng Ebal, at iyong tatapalan ng argamasa.

At doo'y magtatayo ka ng isang dambana sa Panginoon mong Dios, ng isang dambana na mga bato; (BU)huwag mong pagbubuhatan ang mga ito ng kasangkapang bakal.

Iyong itatayo na buong bato ang dambana ng Panginoon mong Dios, at maghahandog ka roon ng mga handog na susunugin, sa Panginoon mong Dios.

At ikaw ay maghahain ng mga handog tungkol sa kapayapaan, at iyong kakanin doon; at ikaw ay magagalak sa harap ng Panginoon mong Dios;

At iyong isusulat na malinaw sa mga batong yaon, ang lahat ng mga salita ng kautusang ito.

At si Moises at ang mga saserdote na ang mga Levita ay nagsalita sa buong Israel, (BV)na sinasabi, Tumahimik ka at dinggin mo, Oh Israel; sa araw na ito ay naging bayan ka ng Panginoon mong Dios.

10 Iyo ngang susundin ang tinig ng Panginoon mong Dios, at tutuparin mo ang kaniyang mga utos at ang kaniyang mga palatuntunan na aking iniuutos sa iyo sa araw na ito.

11 At ibinilin ni Moises sa bayan nang araw ding yaon, na sinasabi,

12 Ang mga ito'y tatayo (BW)sa ibabaw ng bundok ng Gerizim, upang basbasan ang bayan, pagka inyong naraanan na ang Jordan; ang Simeon, at ang Levi, at ang Juda, at ang Issachar at ang Jose, at ang Benjamin:

13 At ang mga ito'y tatayo sa ibabaw ng bundok ng Ebal upang sumumpa; ang Ruben, ang Gad, at ang Aser, at ang Zabulon, ang Dan, at ang Nephtali.

14 At (BX)ang mga Levita ay sasagot, at magsasabi ng malakas na tinig sa lahat ng mga lalake sa Israel.

Sumpang sasalitain sa bundok ng Ebal.

15 (BY)Sumpain ang taong gumagawa ng larawang inanyuan o binubo, bagay na karumaldumal sa Panginoon, na gawa ng mga kamay ng manggagawa, at inilagay sa dakong lihim. (BZ)At ang buong bayan ay sasagot at magsasabi, Siya nawa.

16 (CA)Sumpain yaong sumira ng puri sa kaniyang ama o sa kaniyang ina. At ang buong bayan ay magsasabi, Siya nawa.

17 (CB)Sumpain yaong bumago ng muhon ng kaniyang kapuwa. At ang buong bayan ay magsasabi, Siya nawa.

18 (CC)Sumpain yaong magligaw ng bulag sa daan. At ang buong bayan ay magsasabi, Siya nawa.

19 (CD)Sumpain yaong magliko ng matuwid ng taga ibang bayan, ng ulila at ng babaing bao. At ang buong bayan ay magsasabi, Siya nawa.

20 (CE)Sumpain yaong sumiping sa asawa ng kaniyang ama; sapagka't kaniyang inilitaw ang balabal ng kaniyang ama. At ang buong bayan ay magsasabi, Siya nawa.

21 (CF)Sumpain yaong sumiping sa alinmang hayop. At ang buong bayan ay magsasabi, Siya nawa.

22 (CG)Sumpain yaong sumiping sa kaniyang kapatid na babae, sa anak ng kaniyang ama, o sa anak na babae ng kaniyang ina. At ang buong bayan ay magsasabi, Siya nawa.

23 (CH)Sumpain yaong sumiping sa kaniyang biyanan. At ang buong bayan ay magsasabi, Siya nawa.

24 (CI)Sumpain yaong sumakit ng lihim sa kaniyang kapuwa. At ang buong bayan ay magsasabi, Siya nawa.

25 (CJ)Sumpain yaong tumanggap ng suhol upang pumatay ng isang taong walang sala. At ang buong bayan ay magsasabi, Siya nawa.

26 (CK)Sumpain yaong hindi umayon sa mga salita ng kautusang ito upang gawin. At ang buong bayan ay magsasabi, Siya nawa.

Pagpapala ay sasalitain sa bundok ng Gerizim.

28 At (CL)mangyayaring kung iyong didingging masikap ang tinig ng Panginoon mong Dios, upang isagawa ang lahat niyang utos na aking iniuutos sa iyo sa araw na ito, ay itataas (CM)ka ng Panginoon mong Dios sa lahat ng mga bansa sa lupa:

At ang lahat ng pagpapalang ito ay darating sa iyo at (CN)aabot sa iyo, kung iyong didinggin ang tinig ng Panginoon mong Dios.

Magiging mapalad ka sa bayan, at magiging (CO)mapalad ka sa parang.

Magiging mapalad (CP)ang bunga ng iyong katawan, at ang bunga ng iyong lupa, at ang bunga ng iyong mga hayop, ang karagdagan sa iyong bakahan at ang mga anak ng iyong kawan.

Magiging mapalad ang iyong buslo at ang iyong palayok.

Magiging (CQ)mapalad ka sa iyong pagpasok, at magiging mapalad ka sa iyong paglabas.

(CR)Pasasaktan ng Panginoon sa harap mo ang iyong mga kaaway na nagbabangon laban sa iyo: sila'y lalabas laban sa iyo sa isang daan at tatakas sa harap mo sa pitong daan.

Igagawad sa iyo ng Panginoon ang kaniyang pagpapala sa iyong mga kamalig, at sa lahat ng pagpatungan mo ng iyong kamay at pagpapalain ka niya sa lupain na ibinibigay sa iyo ng Panginoon mong Dios.

(CS)Itatatag ka ng Panginoon na isang banal na bayan sa kaniya, gaya ng kaniyang isinumpa sa iyo; kung iyong gaganapin ang mga utos ng Panginoon mong Dios, at lalakad ka sa kaniyang mga daan.

10 At makikita ng lahat ng mga bayan sa lupa, na ikaw ay tinawag sa pamamagitan (CT)ng pangalan ng Panginoon at sila'y (CU)matatakot sa iyo.

11 At ikaw ay pasasaganain ng Panginoon, sa ikabubuti mo, sa bunga ng iyong katawan, at sa bunga ng iyong mga hayop, at sa bunga ng iyong lupa, sa lupain na isinumpa ng Panginoon sa iyong mga magulang upang ibigay sa iyo.

12 (CV)Bubuksan ng Panginoon sa iyo ang kaniyang mabuting kayamanan, ang langit, upang ibigay ang ulan sa iyong lupain sa kapanahunan, at upang (CW)pagpalain ang buong gawa ng iyong kamay; at ikaw ay magpapahiram sa maraming bansa, at ikaw ay hindi hihiram.

13 At gagawin ka ng Panginoon na (CX)ulo at hindi buntot, at ikaw ay magiging sa ibabaw lamang, at hindi ka mapapasailalim; kung iyong didinggin ang mga utos ng Panginoon mong Dios, na aking iniuutos sa iyo sa araw na ito, na iyong sundin at gawin;

14 (CY)At huwag kang lilihis sa anoman sa mga salita na aking iniuutos sa inyo sa araw na ito, sa kanan o sa kaliwa, upang sumunod sa ibang mga dios na paglilingkuran sila.

Katakotakot na kahihinatnan kung sumuway.

15 Nguni't mangyayari, na kung (CZ)hindi mo didinggin ang tinig ng Panginoon mong Dios, na isasagawa ang lahat ng kaniyang mga utos at ang kaniyang palatuntunan na aking iniuutos sa iyo sa araw na ito, na ang lahat ng sumpang ito ay darating sa iyo at aabot sa iyo.

16 Susumpain ka (DA)sa bayan, at susumpain ka sa parang.

17 Susumpain ang iyong buslo at ang iyong palayok.

18 Susumpain ang bunga ng iyong katawan, at ang bunga ng iyong lupa, ang karagdagan ng iyong bakahan at ang mga anak ng iyong kawan.

19 Susumpain ka sa iyong pagpasok, at susumpain ka sa iyong paglabas.

20 Ibubugso ng Panginoon sa iyo (DB)ang sumpa, ang kalituhan, at (DC)ang saway, sa lahat ng pagpapatungan ng iyong kamay na iyong gagawin, hanggang sa ikaw ay mabuwal, at hanggang sa ikaw ay malipol na madali; dahil sa kasamaan ng iyong mga gawa, na sa gayo'y pinabayaan mo ako.

21 (DD)Ikakapit sa iyo ng Panginoon ang salot hanggang sa maubos ka sa lupa, na iyong pinapasok upang ariin.

22 (DE)Sasalutin ka ng Panginoon ng sakit na tuyo, at ng lagnat, at ng pamamaga, at ng nagaapoy na init, at ng tabak, at ng (DF)salot ng hangin, at ng sakit sa pagani; at kanilang hahabulin ka hanggang sa ikaw ay malipol.

23 (DG)At ang iyong langit na nasa itaas ng iyong ulo, ay magiging tanso, at ang lupa na nasa ilalim mo ay magiging bakal.

24 Ang ipauulan ng Panginoon sa iyong lupa ay abo at alabok; mula sa langit ay bababa sa iyo, hanggang sa ikaw ay magiba.

25 Pasasaktan ka (DH)ng Panginoon sa harap ng iyong mga kaaway; ikaw ay lalabas sa isang daan laban sa kanila, at tatakas sa pitong daan sa harap nila: at (DI)ikaw ay papagpaparoo't parituhin sa lahat ng mga kaharian sa lupa.

26 At ang (DJ)iyong bangkay ay magiging pagkain sa lahat ng mga ibon sa himpapawid, at sa mga hayop sa lupa; at walang taong bubugaw sa kanila.

27 Sasalutin ka ng Panginoon ng (DK)bukol sa Egipto, at ng mga (DL)grano, at ng kati, at ng galis, na hindi mapagagaling.

28 Sasaktan ka ng Panginoon ng (DM)pagkaulol, at ng pagkabulag, at ng (DN)pagkagulat ng puso;

29 At (DO)ikaw ay magaapuhap sa katanghaliang tapat na gaya ng bulag na nagaapuhap sa kadiliman, at hindi ka giginhawa sa iyong mga lakad: at ikaw ay mapipighati at sasamsaman kailan man, at walang taong magliligtas sa iyo.

30 (DP)Ikaw ay magaasawa, at ibang lalake ang sisiping sa kaniya: (DQ)ikaw ay magtatayo ng isang bahay, at hindi mo tatahanan: ikaw ay maguubasan, at hindi mo mapapakinabangan ang bunga niyaon.

31 Ang iyong baka ay papatayin sa harap ng iyong mga mata, at hindi mo makakain yaon; ang iyong asno ay aagawin sa harap ng iyong mukha, at hindi na masasauli sa iyo: ang iyong tupa ay mabibigay sa iyong mga kaaway, at walang magliligtas sa iyo.

32 Ang iyong mga anak na lalake at babae ay magbibigay sa ibang bayan; at ang iyong mga mata ay titingin, at (DR)mangangalay ng paghihintay sa kanila sa buong araw: at ang iyong kamay ay walang magagawa.

33 Ang bunga ng iyong lupa, at lahat ng iyong gawa ay kakanin ng bansang di mo nakikilala; at ikaw ay mapipighati at magigipit na palagi:

34 Na anopa't (DS)ikaw ay mauulol dahil sa makikita ng paningin ng iyong mga mata.

35 (DT)Sasaktan ka ng Panginoon sa mga tuhod at sa mga hita, ng isang masamang bukol na hindi mo mapagagaling, mula sa talampakan ng iyong paa hanggang sa bao ng iyong ulo.

36 (DU)Dadalhin ka ng Panginoon, at ang iyong haring ilalagay mo sa iyo, sa isang bansang hindi mo nakilala, ninyo ng iyong mga magulang (DV)at doo'y maglilingkod ka sa ibang mga dios, na kahoy at bato.

37 (DW)At ikaw ay magiging isang kamanghaan, isang kawikaan, at isang (DX)kabiruan sa lahat ng bayang pagdadalhan sa iyo ng Panginoon.

38 (DY)Kukuha ka ng maraming binhi sa bukid, at kaunti ang iyong titipunin; sapagka't uubusin (DZ)ng balang.

39 Ikaw ay maguubasan at iyong aalagaan, nguni't ni hindi ka iinom ng alak, ni mamimitas ng ubas; sapagka't kakanin yaon ng uod.

40 Magkakaroon ka ng mga puno ng olibo sa lahat ng iyong mga hangganan, nguni't hindi ka magpapahid ng langis; sapagka't ang iyong olibo ay malalagasan ng buko.

41 Ikaw ay magkakaanak ng mga lalake at mga babae, nguni't sila'y hindi magiging iyo; sapagka't (EA)sila'y yayaon sa pagkabihag.

42 Lahat ng iyong puno ng kahoy at bunga ng iyong lupa ay aariin ng balang.

43 Ang taga ibang lupa na nasa gitna mo ay tataas ng higit at higit sa iyo, at ikaw ay pababa ng pababa ng pababa.

44 Siya'y magpapahiram sa iyo, at ikaw ay hindi makapagpapahiram sa kaniya: (EB)siya'y magiging ulo, at ikaw ay magiging buntot.

45 At lahat ng mga sumpang ito ay darating sa iyo at hahabulin ka, at aabutan ka, hanggang sa magiba ka; sapagka't hindi mo dininig ang tinig ng Panginoon mong Dios, upang tuparin ang kaniyang mga utos at ang kaniyang mga palatuntunan na kaniyang iniutos sa iyo:

46 At ang mga yao'y magiging (EC)isang tanda at isang kababalaghan sa iyo, at sa iyong lahi magpakailan man:

47 Sapagka't hindi ka naglingkod sa Panginoon mong Dios na (ED)may kagalakan, at may kasayahan ng puso, (EE)dahil sa kasaganaan ng lahat ng mga bagay:

48 Kaya't maglilingkod ka sa iyong mga kaaway na susuguin ng Panginoon laban sa iyo, na may gutom, at uhaw, at kahubaran, at sa kakulangan ng lahat ng mga bagay: at (EF)lalagyan ka niya ng isang pamatok na bakal sa iyong leeg hanggang sa maibuwal ka niya.

49 (EG)Magdadala ang Panginoon ng isang bansang laban sa iyo mula sa malayo, mula sa katapusan ng lupa, (EH)na gaya ng lumilipad ang aguila; isang bansang ang wika'y hindi mo nababatid;

50 Bansang mukhang mabangis, (EI)na hindi igagalang ang pagkatao ng matanda, ni magpapakundangan sa bata:

51 At (EJ)kaniyang kakanin ang anak ng iyong hayop at ang bunga ng iyong lupa, hanggang sa maibuwal ka; na wala ring matitira sa iyong trigo, alak, o langis, ng karagdagan ng iyong bakahan, o ng anak ng iyong kawan, hanggang sa ikaw ay maipalipol.

52 (EK)At kaniyang kukubkubin ka sa lahat ng iyong mga pintuang-daan, hanggang sa ang iyong mataas at nakababakod na kuta ay malagpak, na siyang iyong inaasahan, sa iyong buong lupain; at kaniyang kukubkubin ka sa lahat ng iyong mga pintuang-bayan sa iyong buong lupain, na ibinibigay sa iyo ng Panginoon mong Dios.

53 (EL)At kakain ka ng bunga ng iyong sariling katawan, ng laman ng iyong mga anak na lalake at babae, na ibinigay sa iyo ng Panginoon mong Dios, sa pagkakubkob at sa kagipitan, na igigipit sa iyo ng iyong mga kaaway.

54 Ang lalaking mahabagin sa gitna mo, at totoong maramdamin, ay magiging masama ang kaniyang mata sa kaniyang kapatid, at sa asawa ng kaniyang sinapupunan, at sa labis sa kaniyang mga anak na ititira:

55 Na anopa't hindi niya ibibigay sa kaninoman sa kanila ang laman ng kaniyang mga anak na kaniyang kakanin, sapagka't walang natira sa kaniya, sa pagkubkob at sa kagipitan na igigipit sa iyo ng iyong mga kaaway sa lahat ng iyong mga pintuang-bayan.

56 (EM)Ang mahabagin at maramdaming babae sa gitna mo, na hindi pa natitikmang itungtong ang talampakan ng kaniyang paa sa lupa dahil sa kahinhinan at pagkamahabagin, ay magiging masama ang kaniyang mata sa asawa ng kaniyang sinapupunan, at sa kaniyang anak na lalake, at babae;

57 At sa kaniyang sanggol na lumalabas (EN)sa pagitan ng kaniyang mga paa at sa kaniyang mga anak na kaniyang ipanganganak; sapagka't kaniyang kakanin ng lihim sila dahil sa kakulangan ng lahat ng mga bagay, sa pagkubkob at sa kagipitan, na igigipit sa iyo ng iyong mga kaaway sa iyong mga pintuang-bayan.

58 Kung hindi mo isasagawa ang lahat ng mga salita ng kautusang ito na nasusulat sa aklat na ito, upang ikaw ay matakot (EO)dito sa maluwalhati at kakilakilabot na pangalang, Ang Panginoon Mong Dios.

59 Kung magkagayo'y gagawin ng Panginoon na kamanghamangha ang salot sa iyo, at ang salot sa iyong binhi, malaking salot, at totoong malaon, at kakilakilabot na sakit, at totoong malaon.

60 At kaniyang pararatingin uli sa iyo ang lahat (EP)ng mga sakit sa Egipto, na iyong kinatakutan at kakapit sa iyo.

61 Bawa't sakit din naman, at bawa't salot, na hindi nasusulat sa aklat ng kautusang ito'y pararatingin nga sa iyo ng Panginoon, hanggang sa ikaw ay maibuwal.

62 At (EQ)kayo'y malalabing kaunti sa bilang, pagkatapos na kayo'y naging (ER)gaya ng mga bituin sa langit sa karamihan; sapagka't hindi ninyo dininig ang tinig ng Panginoon mong Dios.

63 At mangyayari, na kung paanong ang Panginoon (ES)ay nagagalak sa inyo na gawin kayong mabuti at paramihin kayo: ay gayon (ET)magagalak ang Panginoon sa inyo na ipalipol kayo, at ibuwal kayo; at kayo'y palalayasin sa lupa na inyong pinapasok upang ariin.

64 At pangangalatin (EU)ka ng Panginoon sa lahat ng mga bayan, mula sa isang dulo ng lupa hanggang sa kabilang dulo ng lupa; at (EV)doo'y maglilingkod ka sa ibang mga dios, na hindi mo nakilala, ninyo ng inyong mga magulang, sa makatuwid baga'y sa mga dios na kahoy at bato.

65 At (EW)sa gitna ng mga bansang ito ay hindi ka makakasumpong ng ginhawa, at mawawalan ng kapahingahan ang talampakan ng iyong paa: (EX)kundi bibigyan ka ng Panginoon doon ng sikdo ng puso, at pangangalumata, at (EY)panglalambot ng kaluluwa:

66 At ang iyong buhay ay mabibitin sa pagaalinglangan sa harap mo; at ikaw ay matatakot gabi't araw, at mawawalan ng katiwalaan ang iyong buhay.

67 (EZ)Sa kinaumagaha'y iyong sasabihin, Kahi manawari ay gumabi na! at sa kinagabiha'y iyong sasabihin, Kahi manawari ay umumaga na! dahil sa takot ng iyong puso na iyong ikatatakot, at dahil sa paningin ng iyong mga mata na iyong ikakikita.

68 At (FA)pababalikin ka ng Panginoon sa Egipto sa pamamagitan ng sasakyan, sa daan na aking sinabi sa iyo, (FB)Hindi mo na uli makikita; at doo'y pabibili kayo sa inyong mga kaaway na pinaka aliping lalake, at babae, at walang taong bibili sa inyo.

Ang tipan na ginawa sa Moab.

29 Ito ang mga salita ng tipan na iniutos ng Panginoon kay Moises na gawin sa mga anak ni Israel sa lupain ng Moab, bukod (FC)sa tipang kaniyang ginawa sa kanila sa Horeb.

At tinawag ni Moises ang buong Israel, at sinabi sa kanila, (FD)Inyong nakita yaong lahat na ginawa ng Panginoon sa harap ng inyong mga mata sa lupain ng Egipto, kay Faraon at sa lahat ng kaniyang lingkod at kaniyang buong lupain;

(FE)Ang mga dakilang tukso na nakita ng iyong mga mata, ang mga tanda, at yaong mga dakilang kababalaghan:

Nguni't hindi kayo binigyan (FF)ng Panginoon ng pusong ikakikilala at ng mga matang ikakikita, at ng mga pakinig na ikaririnig, hanggang sa araw na ito.

At aking pinatnubayan kayong apat na pung taon sa ilang: (FG)ang inyong mga damit ay hindi naluma sa inyo, at ang iyong panyapak ay hindi naluma sa iyong paa.

(FH)Hindi kayo kumain ng tinapay, ni uminom ng alak o inuming nakalalasing: upang inyong makilala na ako ang Panginoon ninyong Dios.

At nang kayo'y dumating sa dakong ito, (FI)ay lumabas si Sehon na hari sa Hesbon at si Og na hari sa Basan, laban sa atin sa pakikibaka, at ating sinugatan sila;

At ating sinakop ang kanilang lupain at ating (FJ)ibinigay na pinaka mana sa mga Rubenita, at sa mga Gadita, at sa kalahating lipi ni Manases.

(FK)Ganapin nga ninyo ang mga salita ng tipang ito, at inyong gawin, upang kayo'y (FL)guminhawa sa lahat ng inyong ginagawa.

10 Kayo'y tumatayong lahat sa araw na ito, sa harap ng Panginoon ninyong Dios; ang inyong mga pangulo, ang inyong mga lipi, ang inyong mga matanda, at ang inyong mga puno, sa makatuwid baga'y lahat ng mga lalake sa Israel,

11 Ang inyong mga bata, ang inyong mga asawa at ang iyong taga ibang lupa na nasa gitna ng iyong mga kampamento mula sa (FM)iyong mangangahoy hanggang sa iyong mananalok:

12 Upang ikaw ay pumasok sa tipan ng Panginoon mong Dios, at (FN)sa kaniyang sumpa na ginagawa sa iyo ng Panginoon mong Dios sa araw na ito:

13 (FO)Upang kaniyang itatag ka sa araw na ito na isang bayan, at upang siya'y maging iyong Dios, (FP)na gaya ng kaniyang sinalita sa iyo, at (FQ)gaya ng kaniyang isinumpa sa iyong mga magulang, kay Abraham, kay Isaac, at kay Jacob.

14 At hindi lamang sa inyo (FR)ginagawa ko ang tipang ito at ang sumpang ito;

15 Kundi doon sa nakatayo ritong kasama natin sa araw na ito sa harap ng Panginoon nating Dios, (FS)at gayon din sa hindi natin kasama sa araw na ito:

16 (Sapagka't talastas ninyo kung paanong tumahan tayo sa lupain ng Egipto; at kung paanong tayo'y pumasok sa gitna ng mga bansang inyong dinaanan;

17 At inyong nakita ang kanilang mga karumaldumal, at ang kanilang mga idolo, na kahoy at bato, pilak at ginto na nasa gitna nila:)

18 Baka magkaroon sa gitna ninyo ng lalake, o babae, o angkan, o lipi, na ang puso'y humiwalay sa araw na ito, sa Panginoon nating Dios, na yumaong maglingkod sa mga dios ng mga bansang yaon; (FT)baka magkaroon sa gitna ninyo ng isang ugat na nagbubunga ng nakakalason at ng (FU)ajenjo;

19 At mangyari, na pagka kaniyang narinig ang mga salita ng sumpang ito, na kaniyang basbasan ang kaniyang sarili sa kaniyang puso, na magsabi, Ako'y magkakaroon ng kapayapaan, bagaman ako'y lumalakad sa pagmamatigas ng aking puso (FV)upang ilakip ang paglalasing sa kauhawan:

20 Ay hindi siya patatawarin ng Panginoon, kundi ang galit nga ng Panginoon at ang (FW)kaniyang paninibugho ay (FX)maguusok laban sa taong yaon, at ang lahat ng sumpa na nasusulat sa aklat na ito ay hihilig sa kaniya, at (FY)papawiin ng Panginoon ang kaniyang pangalan sa silong ng langit.

21 At ihihiwalay siya ng Panginoon sa lahat ng mga lipi sa Israel sa kasamaan, ayon sa lahat ng mga sumpa ng tipan na nasusulat sa aklat na ito ng kautusan.

22 At ang mga lahing darating, ang inyong mga anak na magsisibangon pagkamatay ninyo, at ang taga ibang bayan na magmumula sa malayong lupain, ay magsasabi, pagka nakita nila ang mga salot ng lupaing yaon, at ang sakit na inilagay ng Panginoon, na ipinagkasakit;

23 At ang buong lupaing yaon ay asupre, (FZ)at asin, at sunóg, na hindi nahahasikan, at walang ibubunga, ni walang tumutubong damo, na (GA)gaya ng nangyari sa pagkagiba ng Sodoma at Gomorra, Adma at Seboim, na giniba ng Panginoon sa kaniyang kagalitan at sa kaniyang maningas na pagiinit;

24 Na anopa't lahat ng mga bansa ay magsasabi, (GB)Bakit ginawa ito ng Panginoon sa lupaing ito? ano ang kahulugan ng init nitong malaking kagalitan?

25 Kung magkagayo'y sasabihin ng mga tao, Sapagka't kanilang pinabayaan ang tipan ng Panginoon, ng Dios ng kanilang mga magulang, na kaniyang ginawa sa kanila, nang kaniyang kunin sila sa lupain ng Egipto;

26 At (GC)sila'y yumaon at naglingkod sa ibang mga dios, at sinamba nila, na mga dios na hindi nila nakilala, at hindi niya ibinigay sa kanila:

27 Kaya't ang galit ng Panginoon ay nagalab laban sa lupaing ito, upang dalhin sa kaniya ang buong sumpa na nasusulat sa aklat na ito:

28 At sila'y binunot ng Panginoon sa kanilang lupain, sa kagalitan, at sa pagiinit, at sa malaking pagkagalit, at sila'y itinaboy sa ibang lupain gaya sa araw na ito.

29 Ang mga bagay na lihim ay nauukol sa Panginoon nating Dios: nguni't ang mga bagay na hayag ay nauukol sa atin at sa ating mga anak magpakailan man, upang ating magawa ang lahat ng mga salita ng kautusang ito.

Tapat na paalaala at pangako.

30 At (GD)mangyayari, na pagka (GE)ang lahat ng mga bagay na ito ay darating sa iyo, ang pagpapala at ang sumpa na inilagay ko sa harap mo, at (GF)iyong mga didilidilihin sa gitna ng lahat ng mga bansa na pinagtabuyan sa iyo ng Panginoon mong Dios.

At (GG)magbabalik ka sa Panginoon mong Dios, at iyong susundin ang kaniyang tinig ayon sa lahat na iniuutos ko sa iyo sa araw na ito, ninyo at ng iyong mga anak, ng iyong buong puso at ng iyong buong kaluluwa;

Ay babawiin nga (GH)ng Panginoon mong Dios ang iyong pagkabihag, at mahahabag sa iyo, at ibabalik, at (GI)titipunin ka sa lahat ng mga bayang pinagkalatan sa iyo ng Panginoon mong Dios.

(GJ)Kung ang bihag sa iyo ay nasa kaduluduluhang bahagi ng langit, mula roo'y titipunin ka ng Panginoon mong Dios, at mula roo'y kukunin ka.

At dadalhin ka ng Panginoon mong Dios sa lupain na inari ng iyong mga magulang, at iyong aariin, at gagawan (GK)ka niya ng mabuti at pararamihin ka niya ng higit kay sa iyong mga magulang.

At (GL)tutuliin ng Panginoon mong Dios ang iyong puso, at ang puso ng iyong binhi, upang ibigin mo ang Panginoon mong Dios ng iyong buong puso, at ng iyong buong kaluluwa, upang ikaw ay mabuhay.

At lahat ng mga sumpang ito ng Panginoon mong Dios ay isasa iyong mga kaaway at sa kanila na nangapopoot sa iyo, na nagsiusig sa iyo.

At ikaw ay babalik at susunod sa tinig ng Panginoon, at iyong gagawin ang lahat ng kaniyang mga utos na aking iniuutos sa iyo sa araw na ito.

(GM)At pasasaganain ka ng Panginoon mong Dios sa lahat ng gawa ng iyong kamay, sa bunga ng iyong katawan, at sa anak ng iyong bakahan, at sa bunga ng iyong lupa, sa ikabubuti: sapagka't pagagalakin ka (GN)uli ng Panginoon, sa ikabubuti mo, gaya ng kaniyang iginalak sa iyong mga magulang:

10 Kung iyong susundin ang tinig ng Panginoon mong Dios, upang tuparin mo ang kaniyang mga utos at ang kaniyang mga palatuntunan na nasusulat sa aklat na ito ng kautusan; kung ikaw ay manunumbalik sa Panginoon mong Dios ng iyong buong puso, at ng iyong buong kaluluwa.

11 Sapagka't ang utos na ito na aking iniuutos sa iyo sa araw na ito, (GO)ay hindi totoong mabigat sa iyo, ni malayo.

12 (GP)Wala sa langit, upang huwag mong sabihin, Sinong sasampa sa langit para sa atin, at magdadala niyaon sa atin, at magpaparinig sa atin, upang ating magawa?

13 Ni wala sa dako roon ng dagat, upang huwag mong sabihin, Sino ang daraan sa dagat para sa atin, at magdadala niyaon sa atin, at magpaparinig sa atin, upang ating magawa?

14 Kundi ang salita ay totoong malapit sa iyo, sa iyong bibig, at sa iyong puso, upang iyong magawa.

15 Tingnan mo, na inilagay ko sa harap mo sa araw na ito ang buhay at ang kabutihan, at ang kamatayan at ang kasamaan;

16 Na iniuutos ko sa iyo sa araw na ito (GQ)na ibigin mo ang Panginoon mong Dios, na lumakad ka sa kaniyang mga daan, at tuparin mo ang kaniyang mga utos, at ang kaniyang mga palatuntunan, at ang kaniyang mga kahatulan, upang ikaw ay mabuhay at dumami, at upang pagpalain ka ng Panginoon mong Dios sa lupain na iyong pinapasok upang ariin.

17 Nguni't kung ang (GR)iyong puso ay lumiko, at hindi mo didinggin, kundi maliligaw ka at sasamba ka sa ibang mga Dios, at maglilingkod ka sa kanila;

18 Ay aking pinatutunayan sa inyo sa araw na ito, na kayo'y tunay na malilipol; (GS)hindi ninyo palalaunin ang inyong mga araw sa ibabaw ng lupain na inyong ipinagtatawid ng Jordan, upang pumasok na ariin.

19 Aking tinatawag ang langit at ang lupa na pinakasaksi laban sa inyo sa araw na ito, na aking ilagay sa harap mo ang buhay at ang kamatayan, ang pagpapala at ang sumpa; kaya't piliin mo ang buhay, upang ikaw ay mabuhay, ikaw at ang iyong binhi;

20 Na iyong ibigin ang Panginoon mong Dios, na sundin ang kaniyang tinig, at (GT)lumakip sa kaniya: sapagka't siya ang iyong (GU)buhay, at ang kalaunan ng iyong mga araw; upang matahanan mo ang lupain na (GV)isinumpa ng Panginoon sa iyong mga magulang, kay Abraham, kay Isaac, at kay Jacob, na ibibigay sa kanila.

Katapusang bilin ni Moises.

31 At si Moises ay yumaon at sinalita ang mga salitang ito sa buong Israel.

At kaniyang sinabi sa kanila, (GW)Ako'y may isang daan at dalawang pung taon sa araw na ito; hindi na ako makapaglalabas at pumasok; at sinabi ng Panginoon sa akin, (GX)Huwag kang tatawid sa Jordang ito.

Magpapauna (GY)ang Panginoon mong Dios at kaniyang lilipulin ang mga bansang ito sa harap mo, at iyong aariin: si Josue ay magpapauna sa iyo, (GZ)gaya ng sinalita ng Panginoon.

At gagawin sa kanila ng Panginoon ang (HA)gaya ng ginawa kay Sehon, at kay Og, na mga hari ng mga Amorrheo, at sa kanilang lupain na kaniyang nilipol.

(HB)At ibibigay sila ng Panginoon sa harap mo, at iyong gagawin sa kanila ang ayon sa buong utos na aking iniutos sa iyo.

(HC)Kayo'y magpakalakas at magpakatapang, huwag kayong (HD)matakot, ni mangilabot sa kanila; sapagka't ang Panginoon mong Dios (HE)ay siyang yumayaong kasama mo; (HF)hindi ka niya iiwan ni pababayaan ka niya.

At tinawag ni Moises si Josue at sinabi sa kaniya sa paningin ng buong Israel, Ikaw ay magpakalakas at magpakatapang: sapagka't ikaw ay yayaong kasama ng bayang ito sa lupain na isinumpa ng Panginoon sa kanilang mga magulang na ibibigay sa kanila; at iyong ipamamana sa kanila.

At ang Panginoon, (HG)ay siyang nagpapauna sa iyo; siya'y sasa iyo, hindi ka niya iiwan, ni pababayaan ka: ikaw ay huwag matatakot ni manglulupaypay.

Ang batas ay ibinigay sa mga saserdote; at inilagay sa tabi ng kaban ng tipan.

At isinulat ni Moises ang kautusang ito, (HH)at ibinigay sa mga saserdote na mga anak ni Levi, (HI)na silang nagdadala ng kaban ng tipan ng Panginoon, at sa lahat ng matanda sa Israel.

10 At iniutos sa kanila ni Moises, na sinabi, Sa katapusan ng bawa't pitong taon, (HJ)sa takdang panahon ng taon ng pagtubos, (HK)sa kapistahan ng mga balag,

11 Pagdating ng buong Israel upang (HL)pakita sa harap ng Panginoon mong Dios sa dakong kaniyang pipiliin ay (HM)iyong babasahin ang kautusang ito sa harap ng buong Israel sa kanilang pakinig.

12 (HN)Pisanin mo ang bayan, ang mga lalake at mga babae at mga bata, at ang iyong taga ibang lupa na nasa loob ng iyong mga pintuang-daan, upang kanilang marinig, at upang kanilang pagaralan, at matakot sa Panginoon mong Dios, at isagawa ang lahat ng mga salita ng kautusang ito;

13 At upang ang kanilang mga anak, (HO)na hindi nakakilala, ay (HP)makarinig at magaral na matakot sa Panginoon ninyong Dios, habang kayo'y nabubuhay sa lupain na inyong pinaroroonan, na inyong itinatawid ng Jordan upang ariin.

14 At sinabi ng Panginoon kay Moises, Narito, ang iyong mga araw na ikamamatay ay nalalapit: tawagin mo si Josue, at magsiharap kayo sa tabernakulo ng kapisanan (HQ)upang siya'y aking mapagbilinan. At si Moises at si Josue ay yumaon at humarap sa tabernakulo ng kapisanan.

15 (HR)At ang Panginoon ay napakita sa Tolda, sa isang tila haliging ulap; at ang tila haliging ulap ay tumayo sa pintuan ng tabernakulo.

16 At sinabi ng Panginoon kay Moises, Narito, ikaw ay (HS)matutulog na kasama ng iyong mga magulang; at ang bayang ito'y babangon, at sasamba (HT)sa kakaibang mga dios sa lupain, na kanilang pinaroroonan upang sumagitna nila, at (HU)ako'y pababayaan, at sisirain ang aking tipan na aking ipinakipagtipan sa kanila.

17 Kung magkagayo'y ang aking galit ay magaalab laban sa kanila sa araw na yaon, (HV)at aking pababayaan sila, at aking ikukubli ang aking mukha (HW)sa kanila, at sila'y sasakmalin, at maraming kasamaan at kabagabagan ang darating sa kanila; na anopa't kanilang sasabihin sa araw na yaon, Hindi ba ang mga kasamaang ito ay dumating sa atin dahil sa ang ating Dios ay (HX)wala sa gitna natin?

18 At (HY)ikukubli ko nga ang aking mukha sa araw na yaon dahil sa buong kasamaang kanilang ginawa, sa paraang sila'y pumihit sa ibang mga dios.

19 Ngayon nga'y sulatin ninyo sa ganang inyo ang awit na ito, at ituro mo sa mga anak ni Israel: ilagay mo sa kanilang mga bibig, upang ang awit na ito'y maging saksi sa akin laban sa mga anak ni Israel.

20 Sapagka't pagka sila'y naipasok ko na sa lupain na aking isinumpa sa kanilang mga magulang, na binubukalan ng gatas at pulot, at sila'y nakakain at nabusog (HZ)at tumaba; ay pipihit nga sila sa ibang mga dios, at paglilingkuran nila, at ako'y lalabagin nila, at sisirain ang aking tipan.

21 At mangyayari na pagka ang maraming kasamaan at kabagabagan ay dumating sa kanila, ay magpapatotoo ang awit na ito sa harap nila na pinakasaksi; sapagka't hindi malilimutan ng mga bibig ng kanilang binhi; sapagka't talastas (IA)ko ang kanilang (IB)iniisip na kanilang inaakala ngayon pa, bago ko sila ipasok sa lupain na isinumpa ko.

22 Kaya't isinulat ni Moises ang awit na ito nang araw ding yaon, at itinuro sa mga anak ni Israel.

23 (IC)At kaniyang pinagbilinan si Josue na anak ni Nun, at sinabi, (ID)Ikaw ay magpakalakas at magpakatapang: sapagka't iyong ipapasok ang mga anak ni Israel sa lupain na isinumpa ko sa kanila; at ako'y sasa iyo.

24 At nangyari, nang matapos ni Moises na masulat ang mga salita ng kautusang ito sa isang aklat, hanggang sa natapos,

25 Na nagutos si Moises sa mga Levita, na may dala ng kaban ng tipan ng Panginoon, na sinasabi,

26 Kunin ninyo ang aklat na ito ng kautusan (IE)at ilagay ninyo sa siping ng kaban ng tipan ng Panginoon ninyong Dios, upang doo'y maging (IF)pinakasaksi laban sa iyo.

27 Sapagka't talastas ko ang iyong panghihimagsik, at ang iyong (IG)matigas na ulo: narito, nabubuhay pa akong kasama ninyo, sa araw na ito, (IH)kayo'y naging mapanghimagsik laban sa Panginoon: at gaano pa kaya pagkamatay ko?

28 Pulungin mo ang mga matanda sa iyong mga lipi at ang inyong mga pinuno upang masalita ko ang mga salitang ito sa kanilang pakinig, (II)at matawag ang langit at ang lupa na pinakasaksi laban sa kanila.

29 Sapagka't talastas ko na pagkamatay ko, (IJ)kayo'y mangagsisisama at mangaliligaw sa daan na aking itinuro sa inyo; at ang kasamaan ay sasapit sa inyo sa mga huling araw; sapagka't inyong gagawin yaong masama sa paningin ng Panginoon, (IK)upang ipamungkahi niya kayo sa kagalitan sa pamamagitan ng mga gawa ng inyong mga kamay.

30 At sinalita ni Moises sa pakinig ng buong kapisanan ng Israel ang mga salita ng awit na ito, hanggang sa natapos.

Ang awit ni Moises.

32 Makinig kayo, (IL)mga langit, at ako'y magsasalita,
At pakinggan ng lupa ang mga salita ng aking bibig.
Ang aking aral ay (IM)papatak na parang ulan;
Ang aking salita ay bababa na parang hamog;
(IN)Gaya ng ambon sa malambot na damo,
At gaya ng mahinang ambon sa gugulayin:
Sapagka't aking ihahayag ang pangalan ng Panginoon:
(IO)Dakilain ninyo ang ating Dios.
Siya (IP)ang Bato, ang kaniyang gawa ay sakdal;
Sapagka't lahat (IQ)niyang daan ay kahatulan:
(IR)Isang Dios na tapat at walang kasamaan,
Matuwid at banal siya.
Sila'y nagpakasamá, sila'y hindi kaniyang mga anak, itong kanilang kapintasan;
Mga tampalasan at likong (IS)lahi.
Ganyan ba ninyo (IT)ginaganti ang Panginoon,
O mangmang na bayan at hindi pantas?
Hindi ba siya ang (IU)iyong ama na tumangkilik (IV)sa iyo?
(IW)Kaniyang nilalang ka, at itinatag ka.
Alalahanin mo ang mga araw ng una,
Isipin mo ang mga taon ng lahi't lahi:
(IX)Itanong mo sa iyong ama at kaniyang ibabalita sa iyo;
Sa iyong mga matanda, at kanilang sasaysayin sa iyo.
(IY)Nang ibigay ng Kataastaasan sa mga bansa ang kanilang mana,
Nang kaniyang (IZ)ihiwalay ang mga anak ng tao,
Kaniyang inilagay ang mga hangganan ng mga bayan
Ayon sa bilang ng mga anak ni Israel.
Sapagka't ang bahagi ng Panginoon ay ang kaniyang bayan;
Si Jacob ang bahaging mana niya.
10 Kaniyang nasumpungan (JA)sa isang ilang sa lupain,
At sa kapanglawan ng isang umuungal na ilang;
Kaniyang kinanlungan sa palibot, kaniyang nilingap,
(JB)Kaniyang iningatang parang salamin ng kaniyang mata:
11 (JC)Parang aguila na kumikilos ng kaniyang pugad,
Na yumuyungyong sa kaniyang mga inakay,
Kaniyang ibinubuka ang kaniyang mga pakpak, kaniyang kinukuha,
Kaniyang dinadala sa ibabaw ng kaniyang mga pakpak:
12 Ang Panginoon na magisa ang pumatnubay sa kaniya,
At walang ibang dios na kasama siya.
13 (JD)Ipinaari sa kaniya ang matataas na dako ng lupa,
At siya'y kumain ng tubo sa bukid;
At kaniyang pinahitit ng (JE)pulot na mula sa bato,
At ng langis na mula sa batong pinkian;
14 Ng mantika ng baka, at gatas ng tupa,
(JF)Na may taba ng mga kordero,
At ng mga tupang lalake sa Basan, at mga kambing,
Na may taba ng mga butil ng trigo;
At (JG)sa katas ng ubas ay uminom ka ng alak.
15 Nguni't (JH)tumaba si Jeshurun, at (JI)tumutol:
(JJ)Ikaw ay tumataba, ikaw ay lumalapad, ikaw ay naging makinis:
Nang magkagayo'y kaniyang pinabayaan ang Dios na lumalang sa kaniya,
At niwalang kabuluhan ang (JK)Bato na kaniyang kaligtasan.
16 (JL)Siya'y kinilos nila sa paninibugho sa ibang mga dios,
Sa pamamagitan ng mga karumaldumal, minungkahi nila siya sa kagalitan.
17 Kanilang inihain sa mga demonio, na hindi Dios,
Sa mga dios na hindi nila nakilala,
Sa mga bagong dios, na kalilitaw pa lamang,
Na hindi kinatakutan ng inyong mga magulang.
18 (JM)Sa Batong nanganak sa iyo, ay nagwalang bahala ka,
At iyong kinalimutan ang Dios na lumalang sa iyo.
19 At nakita ng Panginoon, at (JN)kinayamutan sila,
(JO)Dahil sa pamumungkahi ng kaniyang mga anak na lalake at babae.
20 At kaniyang sinabi, (JP)Aking ikukubli ang aking mukha sa kanila,
Aking titingnan kung anong mangyayari sa kanilang wakas;
Sapagka't sila'y isang napakasamang lahi,
Na mga anak na walang pagtatapat.
21 Kinilos nila ako sa paninibugho doon sa hindi Dios;
Kanilang minungkahi ako sa galit (JQ)sa kanilang mga walang kabuluhan:
At akin silang kikilusin sa paninibugho sa mga hindi bayan:
(JR)Aking ipamumungkahi sila sa galit, sa pamamagitan ng isang mangmang na bansa.
22 Sapagka't may apoy na nagalab sa aking galit,
At nagniningas hanggang sa Sheol,
At lalamunin ang lupa sangpu ng tubo nito,
At paniningasan ng apoy ang mga tungtungan ng mga bundok.
23 Aking dadaganan sila ng mga kasamaan;
(JS)Aking gugugulin ang aking busog sa kanila:
24 Sila'y mangapupugnaw sa gutom, at lalamunin ng maningas na init,
At ng mapait na pagkalipol;
(JT)At ang mga ngipin ng mga hayop ay susunugin ko sa kanila,
Sangpu ng kamandag ng nangagsisiusad sa alabok.
25 Sa labas ay pipighatiin ng tabak.
At sa mga silid ay kakilabutan;
Malilipol kapuwa ang binata at dalaga,
Ang sanggol sangpu ng lalaking may uban.
26 Aking sinabi, Aking pangangalatin sila sa malayo,
Aking papaglilikatin sa mga tao ang alaala sa kanila;
27 Kundi aking kinatatakutan ang mungkahi ng kaaway;
Baka ang kanilang mga kalaban ay humatol ng mali,
Baka kanilang (JU)sabihin, Ang aming kamay ay tanghal,
At hindi ginawa ng Panginoon ang lahat ng ito.
28 Sapagka't sila'y bansang salat sa payo,
At (JV)walang kaalaman sa kanila.
29 (JW)Oh kung sila'y mga pantas, na kanilang tinalastas ito,
Kung nababatid nila ang kanilang wakas!
30 Kung paanong hahabulin ng isa ang isang libo,
At ang dalawa'y magpapatakas sa sangpung libo,
Malibang ipagbili sila ng kanilang Bato,
At ibigay sila ng Panginoon?
31 Sapagka't (JX)ang kanilang bato ay hindi gaya ng ating Bato,
Kahit ang (JY)ating mga kaaway man ang maging mga hukom.
32 Sapagka't ang kanilang puno ng ubas ay mga puno ng ubas sa Sodoma,
At sa mga parang ng Gomorra:
Ang kanilang ubas ay ubas ng apdo,
Ang kanilang mga buwig ay mapait:
33 Ang kanilang alak ay (JZ)kamandag ng mga dragon,
At mabagsik na kamandag ng mga ahas.
34 Di ba ito'y natatago sa akin,
Na natatatakan sa aking mga kayamanan?
35 Ang panghihiganti ay (KA)akin, at gayon din ang gantingpala,
Sa panahon na madudulas ang kanilang mga paa:
Sapagka't (KB)ang araw ng kanilang pagdadalita ay nalalapit,
At ang mga bagay na darating sa kanila ay mangagmamadali.
36 (KC)Sapagka't hahatulan ng Panginoon ang kaniyang bayan,
At (KD)magsisisi dahil sa kaniyang mga lingkod;
Pagka kaniyang nakitang ang kanilang kapangyarihan ay nawala,
At wala ng natitira na natatakpan o naiwan.
37 At kaniyang sasabihin, (KE)Saan nandoon ang kanilang mga dios,
Ang bato na siya nilang pinanganlungan;
38 Yaong mga kumakain ng taba ng kanilang mga hain,
At umiinom ng alak ng kanilang inuming handog?
Bumangon sila at tumulong sa inyo,
At sila'y maging pagkupkop sa inyo.
39 Tingnan ninyo ngayon, na (KF)ako, sa makatuwid baga'y ako nga,
At walang dios sa akin:
(KG)Ako'y pumapatay, at ako'y bumubuhay;
(KH)Ako'y sumusugat, at ako'y nagpapagaling:
At walang makaliligtas sa aking kamay.
40 Sapagka't aking itinataas ang aking kamay sa langit,
At aking sinasabi, Buháy ako magpakailan man,
41 (KI)Kung aking ihahasa ang aking makintab na tabak,
At ang aking kamay ay hahawak ng kahatulan;
Aking ibibigay ang aking panghihiganti sa aking mga kaaway,
At aking gagantihan yaong nangapopoot sa akin.
42 (KJ)At aking lalanguin ng dugo ang aking tunod,
At ang aking tabak ay sasakmal ng laman;
Sa dugo ng patay at ng mga bihag,
Mula sa ulo ng mga pangulo ng kaaway.
43 Mangagalak kayo, O mga bansa, na kasama ng kaniyang bayan;
Sapagka't (KK)ipanghihiganti ang dugo ng kaniyang mga lingkod,
At (KL)manghihiganti sa kaniyang mga kaalit,
At (KM)patatawarin ang kaniyang lupain, ang kaniyang bayan.

44 At si Moises ay naparoon at sinalita ang lahat ng mga salita ng awit na ito sa pakinig ng bayan, siya, at si Josue[a] na anak ni Nun.

45 At tinapos ni Moises na salitain ang lahat ng mga salitang ito sa buong Israel:

46 At kaniyang sinabi sa kanila, (KN)Ilagak ninyo ang inyong puso sa lahat ng mga salita na aking pinatototohanan sa inyo sa araw na ito, na inyong iuutos sa inyong mga anak upang isagawa ang lahat ng mga salita ng kautusang ito.

47 Sapagka't ito'y hindi hamak na bagay sa inyo; (KO)sapagka't inyong kabuhayan, at sa bagay na ito ay inyong palalaunin ang inyong ipinagtatawid ng Jordan upang ariin.

Si Moises ay pinasampa sa bundok ng Nebo.

48 At sinalita ng Panginoon kay Moises nang araw ding yaon, na sinasabi,

49 (KP)Sumampa ka sa bundok na ito ng Abarim, sa bundok ng Nebo na nasa lupain ng Moab, na nasa tapat ng Jerico; at masdan mo ang lupain ng Canaan, na aking ibinibigay sa mga anak ni Israel, na pinakaari:

50 At mamatay ka sa bundok na iyong sinasampa, at malakip ka sa iyong bayan, (KQ)gaya ni Aaron na iyong kapatid na namatay sa bundok ng Hor, at nalakip sa kaniyang bayan:

51 Sapagka't (KR)kayo'y sumalansang laban sa akin sa gitna ng mga anak ni Israel sa tubig ng Meriba ng Cades, sa ilang ng Zin; sapagka't hindi ninyo ako inaring banal sa gitna ng mga anak ni Israel.

52 Sapagka't iyong matatanaw ang lupain sa harap mo; nguni't doo'y hindi ka makapapasok, sa lupain na aking ibinibigay sa mga anak ni Israel.

Ang basbas ni Moises.

33 At ito (KS)ang basbas na ibinasbas ni Moises, (KT)tao ng Dios, sa mga anak ni Israel bago siya namatay.

At kaniyang sinabi,
(KU)Ang Panginoo'y nanggaling sa Sinai,
At bumangon mula sa Seir na patungo sa kanila;
Siya'y lumiwanag mula sa bundok ng Paran,
At siya'y nanggaling sa (KV)laksa-laksa ng mga banal:
Sa kaniyang kanan, ay may hawak na isang mahigpit na kautusan sa kanila.
Oo't (KW)kaniyang iniibig ang bayan:
Lahat ng kaniyang mga banal ay nasa iyong kamay:
At sila'y (KX)umupo sa iyong paanan;
Na bawa't isa'y tatanggap ng iyong mga salita.
Si Moises ay nagutos sa atin ng (KY)isang kautusan,
(KZ)Na mana sa kapisanan ng Jacob.
At siya'y (LA)hari sa (LB)Jeshurun,
Nang magkatipon ang mga pangulo ng bayan,
Sangpu ng lahat ng mga lipi ni Israel.
(LC)Mabuhay nawa ang Ruben, at huwag mamatay;
Gayon ma'y kumaunti nawa ang kaniyang mga tao.
At ito ang basbas sa Juda; at kaniyang sinabi,
Dinggin mo, Panginoon, ang tinig ng Juda,
At padatnin mo sa kaniyang bayan:
Sukat na sa kaniya ang kaniyang mga kamay;
At ikaw ay maging tulong laban sa kaniyang mga kaalit.
At tungkol sa Levi ay kaniyang sinabi,
(LD)Ang iyong Thummim at ang iyong Urim ay sumaiyong (LE)banal,
(LF)Na siyang iyong sinubok sa Massa,
Na siya mong kinatunggali sa tubig ng Meriba;
Na siyang nagsabi tungkol sa kaniyang ama, at tungkol sa kaniyang ina, (LG)Hindi ko siya nakita;
(LH)Ni kinilala niya ang kaniyang mga kapatid,
Ni kinilala niya ang kaniyang sariling mga anak;
Sapagka't kanilang sinunod ang iyong salita,
At ginaganap ang iyong tipan.
10 (LI)Sila'y magtuturo sa Jacob ng iyong mga kahatulan,
At ng iyong mga kautusan, sa Israel;
(LJ)Sila'y maglalagay ng kamangyan sa harap mo,
At ng buong handog na susunugin sa ibabaw ng iyong dambana.
11 Basbasan mo, Panginoon, ang kaniyang tinatangkilik,
At (LK)tanggapin mo ang gawa ng kaniyang mga kamay;
Saktan mo ang mga balakang niyaong nagsisibangon laban sa kaniya,
At niyaong nangapopoot sa kaniya, upang sila'y huwag bumangon uli.
12 Tungkol sa Benjamin, ay kaniyang sinabi,
Ang minamahal ng Panginoon ay tatahang ligtas sa siping niya;
Siya'y kakanlungan niya buong araw,
At siya'y mananahan sa pagitan ng kaniyang mga balikat.
13 At tungkol sa Jose ay kaniyang sinabi,
(LL)Pagpalain nawa ng Panginoon ang kaniyang lupain,
Sa mga mahalagang bagay ng langit, (LM)sa hamog,
At sa kalaliman na nasa ilalim niya,
14 At sa mga mahalagang bagay na pinatubo ng araw,
At sa mga mahalagang bagay na pinatubo ng buwan,
15 At sa pinakamarikit na mga bagay ng matandang bundok,
At sa mga mahalagang bagay ng (LN)mga burol na walang hanggan,
16 At sa mga mahalagang bagay ng lupa at ng kapunuan niyaon,
At (LO)ang mabuting kalooban niyaong tumahan sa mababang punong kahoy:
(LP)Sumaulo nawa ni Jose ang kapalaran,
At sa tuktok ng ulo niya na hiwalay sa kaniyang mga kapatid.
17 (LQ)Ang panganay ng kaniyang baka, na may kamahalan;
At ang mga sungay niyaon ay parang mga sungay ng mabangis na toro:
Siya niyang (LR)ipantutulak sa mga bayan, lahat sa kanila, kahit na nasa mga hangganan ng lupa:
At (LS)sila ang laksa-laksa ng Ephraim,
At sila ang libolibo ng Manases.

18 At tungkol sa Zabulon ay kaniyang sinabi,

(LT)Magalak ka, Zabulon, sa iyong paglabas;
At ikaw, Issachar, sa iyong mga tolda.
19 (LU)Kanilang tatawagin ang mga bayan sa bundok;
Doo'y (LV)maghahandog sila ng mga hain ng katuwiran:
Sapagka't kanilang hihititin ang mga kasaganaan ng mga dagat,
At ang natatagong kayamanan sa buhanginan.

20 At tungkol sa Gad, ay kaniyang sinabi,

Pagpalain yaong magpalaki sa Gad:
Siya'y tumatahan (LW)parang isang leona,
At dudurog ng bisig, sangpu ng bao ng ulo.
21 At (LX)kaniyang inagap ang unang bahagi para sa kaniya,
Sapagka't doon natago ang bahagi ng (LY)gumagawa ng kautusan;
At siya'y (LZ)pumaroong kasama ng mga pangulo ng bayan,
Kaniyang isinagawa ang katuwiran ng Panginoon,
At ang kaniyang mga kahatulan sa Israel.

22 At tungkol sa Dan ay kaniyang sinabi,

Ang Dan ay (MA)anak ng leon,
Na (MB)lumukso mula sa Basan.

23 At tungkol sa Nephtali ay kaniyang sinabi,

Oh (MC)Nephtali, busog ng lingap,
At puspos ng pagpapala ng Panginoon:
(MD)Ariin mo ang kalunuran at ang timugan.

24 At tungkol sa Aser ay kaniyang sinabi,

(ME)Pagpalain nawa sa mga anak ang Aser,
Mahalin nawa siya ng kaniyang mga kapatid,
At ilubog ang kaniyang paa sa langis.
25 Ang iyong mga halang ay magiging bakal at tanso;
At kung paano ang iyong mga kaarawan ay magkagayon nawa ang iyong lakas.
26 (MF)Walang gaya ng Dios, Oh (MG)Jeshurun,
(MH)Na sumasakay sa langit dahil sa pagtulong sa iyo,
At sa himpapawid dahil sa kaniyang karangalan.
27 Ang walang hanggang Dios ay iyong (MI)dakong tahanan,
At sa ibaba'y ang walang hanggang mga bisig:
At kaniyang itinutulak sa harap mo ang kaaway,
At sinabi, Lansagin mo.
28 (MJ)At ang Israel ay tumatahang tiwala,
(MK)Ang bukal ng Jacob na nagiisa,
Sa (ML)isang lupain ng trigo at alak;
Oo't, ang kaniyang mga langit ay (MM)nagbababa ng hamog.
29 Maginhawa ka, Oh Israel:
Sino ang gaya mo, bayang iniligtas ng Panginoon,
(MN)Ng kalasag na iyong tulong,
At siyang tabak ng iyong karangalan!
At ang iyong mga kaaway ay (MO)susuko sa iyo:
At ikaw ay tutungtong sa kanilang mga matataas na dako.

Ang kamatayan ni Moises.

34 At sumampa si Moises mula sa mga kapatagan ng Moab (MP)sa bundok ng Nebo, sa taluktok ng Pisga, na nasa tapat ng Jerico. At itinuro ng Panginoon ang buong lupain ng Galaad (MQ)hanggang sa Dan,

At ang buong Nephtali at ang lupain ng Ephraim at ng Manases, at ang buong lupain ng Juda (MR)hanggang sa dagat kalunuran,

At ang Timugan at ang (MS)Kapatagan ng libis ng Jerico na (MT)bayan ng mga puno ng palma hanggang sa (MU)Soar.

At sinabi ng Panginoon sa kaniya, (MV)Ito ang lupain na aking isinumpa kay Abraham, kay Isaac, at kay Jacob, na sinasabi, Aking ibibigay sa iyong binhi: (MW)aking pinatingnan sa iyo ng iyong mga mata, nguni't hindi ka daraan doon.

Sa gayo'y si Moises na lingkod ng Panginoon ay namatay roon sa lupain ng Moab ayon sa salita ng Panginoon.

At kaniyang inilibing siya sa libis sa lupain ng Moab na nasa tapat ng Beth-peor; nguni't (MX)sinomang tao ay hindi nakaaalam ng libingan niya hanggang sa araw na ito.

(MY)At si Moises ay may isang daan at dalawang pung taong gulang nang siya'y mamatay: (MZ)ang kaniyang mata'y hindi lumabo, ni ang kaniyang talagang lakas ay humina.

At iniyakan ng mga anak ni Israel si Moises sa mga kapatagan ng Moab, na (NA)tatlong pung araw: sa gayon, natapos ang mga araw ng pagtangis sa pagluluksa kay Moises.

At si Josue na anak ni Nun ay napuspos ng (NB)diwa ng karunungan: sapagka't ipinatong ni (NC)Moises ang kaniyang mga kamay sa kaniya; at dininig siya ng mga anak ni Israel, at ginawa nila ang gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises.

10 At (ND)wala pang bumangong propeta sa Israel na gaya ni Moises, (NE)na kilala ng Panginoon sa mukhaan,

11 Sa lahat ng mga tanda at mga kababalaghan na iniutos ng Panginoon gawin sa lupain ng Egipto kay Faraon at sa lahat ng kaniyang mga lingkod, at sa kaniyang buong lupain,

12 At sa buong makapangyarihang kamay at sa buong dakilang kakilabutan, na ginawa ni Moises sa paningin ng buong Israel.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978