Book of Common Prayer
Ang kahangahangang gawa ng Panginoon ng dahil sa Israel.
105 Oh magpasalamat kayo (A)sa Panginoon, kayo'y magsitawag sa kaniyang pangalan;
(B)Ipabatid ninyo ang kaniyang mga gawain sa mga bayan.
2 Magsiawit kayo sa kaniya, magsiawit kayo sa kaniya ng mga pagpuri;
(C)Salitain ninyo ang lahat niyang kagilagilalas na mga gawa.
3 Lumuwalhati kayo sa kaniyang banal na pangalan:
Mangagalak ang puso nila na nagsisihanap sa Panginoon.
4 Hanapin ninyo ang Panginoon at ang kaniyang kalakasan;
(D)Hanapin ninyo ang kaniyang mukha magpakailan man.
5 Alalahanin ninyo ang kaniyang kagilagilalas na mga gawa na kaniyang ginawa:
Ang kaniyang mga kababalaghan at ang mga kahatulan ng kaniyang bibig;
6 Oh ninyong binhi ni Abraham na kaniyang lingkod,
Ninyong mga anak ni Jacob, na kaniyang mga hirang.
7 Siya ang Panginoon nating Dios: Ang kaniyang mga kahatulan ay nangasa buong lupa.
8 Kaniyang inalaala ang kaniyang tipan magpakailan man,
Ang salita na kaniyang iniutos sa libong sali't saling lahi;
9 (E)Ang tipan na kaniyang ginawa kay Abraham,
At ang kaniyang sumpa kay Isaac;
10 At pinagtibay yaon kay Jacob na pinakapalatuntunan,
Sa Israel na pinakawalang hanggang tipan:
11 Na sinasabi, Sa iyo'y ibibigay ko ang lupain ng Canaan,
Ang kapalaran na iyong mana;
12 Nang sila'y kaunti lamang tao sa bilang;
Oo, totoong kaunti, at nangakikipamayan doon;
13 At sila'y nagsiyaon sa bansa at bansa,
Mula sa isang kaharian hanggang sa ibang bayan.
14 Hindi niya tiniis ang sinomang tao na gawan sila ng kamalian;
Oo, kaniyang sinaway ang mga hari dahil sa kanila;
15 Na sinasabi, (F)Huwag ninyong galawin ang mga pinahiran ko ng langis.
At huwag ninyong gawan ng masama ang mga propeta ko.
16 (G)At siya'y nagdala ng kagutom sa lupain;
Kaniyang binali ang buong (H)tukod ng tinapay.
17 (I)Siya'y nagsugo ng isang lalake sa unahan nila;
(J)Si Jose ay naipagbiling pinakaalipin:
18 Ang kaniyang mga paa (K)ay sinaktan nila ng mga pangpangaw;
Siya'y nalagay sa mga tanikalang bakal:
19 Hanggang sa panahon na nangyari ang (L)kaniyang salita;
Tinikman siya ng salita ng Panginoon.
20 (M)Ang hari ay nagsugo, at pinawalan siya;
Sa makatuwid baga'y ang pinuno ng mga bayan, at pinalaya niya siya.
21 (N)Ginawa niya siyang panginoon sa kaniyang bahay,
At pinuno sa lahat niyang pagaari:
22 (O)Upang talian ang kaniyang mga pangulo sa kaniyang kaligayahan,
At turuan ang kaniyang mga kasangguni ng karunungan.
23 (P)Si Israel naman ay nasok sa Egipto;
At si Jacob ay nakipamayan sa (Q)lupain ng Cham.
24 (R)At kaniyang pinalagong mainam ang kaniyang bayan,
At pinalakas sila kay sa kanilang mga kaaway.
25 (S)Kaniyang pinapanumbalik ang kanilang puso upang mangagtanim sa kaniyang bayan,
Upang magsigawang may katusuhan sa kaniyang mga lingkod.
26 (T)Kaniyang sinugo si Moises na kaniyang lingkod,
At si Aaron na kaniyang hirang.
27 (U)Kanilang inilagay sa gitna nila ang kaniyang mga tanda,
At mga kababalaghan sa lupain ng Cham.
28 Siya'y nagsugo ng mga kadiliman, at nagpadilim;
At sila'y hindi nagsipanghimagsik laban sa kaniyang mga salita.
29 Kaniyang pinapaging dugo ang kanilang tubig,
At pinatay ang kanilang mga isda.
30 Ang kanilang lupain ay binukalan ng mga palaka,
Sa mga silid ng kanilang mga hari.
31 Siya'y nagsalita, at dumating ang mga pulutong na mga langaw,
At kuto sa lahat ng kanilang mga hangganan.
32 (V)Ibinigay niya sa kanila na pinakaulan ay graniso,
At liyab ng apoy sa kanilang lupain.
33 Sinaktan naman niya ang kanilang mga puno ng ubas, at ang kanilang mga puno ng higos;
At binali ang mga punong kahoy ng kanilang mga hangganan.
34 (W)Siya'y nagsalita at ang mga balang ay nagsidating,
At ang mga higad, ay yao'y walang bilang,
35 At kinain ang lahat na gugulayin sa kanilang lupain,
At kinain ang bunga ng kanilang lupa.
36 (X)Sinaktan din niya ang lahat na panganay sa kanilang lupain,
Ang puno ng lahat nilang kalakasan.
37 (Y)At kaniyang inilabas sila na may pilak at ginto:
At hindi nagkaroon ng mahinang tao sa kaniyang mga lipi.
38 Natuwa ang Egipto nang sila'y magsialis;
(Z)Sapagka't ang takot sa kanila ay nahulog sa kanila.
39 (AA)Kaniyang inilatag ang ulap na pinakakubong;
At apoy upang magbigay liwanag sa gabi,
40 (AB)Sila'y nagsihingi, at dinalhan niya ng mga pugo,
At binusog niya sila ng (AC)pagkain na mula sa langit.
41 (AD)Kaniyang ibinuka ang bato at binukalan ng tubig;
Nagsiagos sa tuyong mga dako na parang ilog.
42 Sapagka't kaniyang naalaala ang kaniyang banal na salita,
(AE)At si Abraham na kaniyang lingkod.
43 At kaniyang inilabas ang kaniyang bayan na may kagalakan,
At ang kaniyang hirang na may awitan.
44 (AF)At ibinigay niya sa kanila ang mga lupain ng mga bansa;
At kinuha nila ang gawa ng mga bayan na pinakaari:
45 (AG)Upang kanilang maingatan ang kaniyang mga palatuntunan,
At sundin ang kaniyang mga kautusan.
Purihin ninyo ang Panginoon.
Ang kandelero at ang kahoy na olibo sa pangitain.
4 At (A)ang anghel na nakipagusap sa akin ay bumalik, at ginising ako, na gaya ng tao na nagigising sa kaniyang pagkakatulog.
2 At sinabi niya sa akin, Ano ang iyong nakikita? At aking sinabi, Ako'y tumingin, at, narito, (B)isang kandelero na taganas na ginto, na may taza sa ibabaw niyaon, (C)at ang pitong ilawan niyaon sa ibabaw; may pitong tubo sa bawa't isa sa mga ilawan na nasa ibabaw niyaon;
3 At may dalawang puno ng olibo sa siping niyaon, isa sa dakong kanan ng taza, at ang isa'y sa dakong kaliwa niyaon.
4 At ako'y sumagot at nagsalita sa anghel na nakikipagusap sa akin, na aking sinabi, Anong mga bagay ito, panginoon ko?
5 Nang magkagayo'y ang anghel na nakikipagusap sa akin ay sumagot na nagsabi sa akin, Hindi mo baga nalalaman kung ano ang mga ito? At aking sinabi, Hindi, panginoon ko.
6 Nang magkagayo'y siya'y sumagot at nagsalita sa akin, na nagsasabi, Ito ang salita ng Panginoon kay Zorobabel, na sinasabi, Hindi sa pamamagitan ng (D)kalakasan, ni ng kapangyarihan, kundi (E)sa pamamagitan ng aking Espiritu, sabi ng Panginoon ng mga hukbo.
7 Sino ka, (F)Oh malaking bundok? sa harap ni Zorobabel (G)ay magiging kapatagan ka; at kaniyang ilalabas (H)ang pangulong bato na (I)may hiyawan, Biyaya, biyaya sa kaniya.
8 Bukod dito'y ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsasabi,
9 Ang mga kamay ni Zorobabel ay siyang naglagay ng mga tatagang-baon ng bahay na ito; ang kaniyang mga kamay ay siya ring tatapos; at iyong malalaman na ang Panginoon ng mga hukbo ay siyang nagsugo sa akin sa inyo.
10 Sapagka't sinong nagsihamak sa araw (J)ng maliliit na bagay? sapagka't ang pitong ito ay mangagagalak, at makikita nila ang pabatong tingga sa kamay ni Zorobabel; (K)ang mga ito'y mga mata ng Panginoon, na nangagpaparoo't parito sa buong lupa.
11 Nang magkagayo'y sumagot ako, at nagsabi sa kaniya, Ano itong dalawang puno ng olibo sa dakong kanan kandelero, at sa dakong kaliwa?
12 At ako'y sumagot na ikalawa, at nagsabi sa kaniya: Ano ang dalawang sangang olibong ito na nasa siping ng dalawang gintong padaluyan, na dinadaluyan ng langis na ginintuan?
13 At siya'y sumagot sa akin, at nagsabi, Hindi mo baga nalalaman kung ano ang mga ito? At aking sinabi, Hindi, panginoon ko.
14 Nang magkagayo'y sinabi niya, (L)Ito ang dalawang anak na pinahiran ng langis, na nakatayo sa siping ng Panginoon ng buong lupa.
17 Ito nga ang sinasabi ko, at sinasaksihan sa Panginoon, (A)na kayo'y hindi na nagsisilakad pa na gaya naman ng lakad ng mga Gentil, (B)sa pagpapalalo sa kanilang pagiisip,
18 Na sa kadiliman ng kanilang pagiisip, (C)ay nangahiwalay sa buhay ng Dios, dahil sa (D)kahangalang nasa kanila, dahil sa pagmamatigas ng kanilang puso;
19 Na sila (E)sa (F)di pagkaramdam ng kahihiyan ay napahikayat sa kalibugan, upang kalakalin ang lahat ng karumihan ng buong kasakiman.
20 Nguni't kayo'y hindi nangatuto ng ganito kay Cristo;
21 Kung tunay na siya'y inyong pinakinggan, (G)at kayo'y tinuruan sa kaniya, gaya ng katotohanan na kay Jesus.
22 At (H)inyong iwan, (I)tungkol sa (J)paraan ng inyong pamumuhay na nakaraan, (K)ang dating pagkatao, na sumama ng sumama ayon sa mga kahalayan ng pagdaraya;
23 At (L)kayo'y mangagbago sa espiritu ng inyong pagiisip,
24 At kayo'y mangagbihis (M)ng bagong pagkatao, na ayon sa Dios ay nilalang sa katuwiran at sa kabanalan ng katotohanan.
25 Kaya nga, pagkatakuwil ng kasinungalingan, (N)ay magsasalita ang bawa't isa sa inyo ng katotohanan sa kaniyang kapuwa: sapagka't tayo'y (O)mga sangkap na isa't isa sa atin.
26 Kayo'y mangagalit (P)at huwag kayong mangakasala: huwag lumubog ang araw sa inyong galit:
27 Ni bigyan daan man ang diablo.
28 Ang nagnanakaw ay huwag nang magnakaw pa: bagkus magpagal, (Q)na igawa ang kaniyang mga kamay ng mabuting bagay, (R)upang siya'y may maibigay sa nangangailangan.
29 (S)Anomang salitang mahalay ay huwag lumabas sa inyong bibig, kundi ang mabuting ikatitibay ayon sa pangangailangan, upang makinabang ng (T)biyaya ang mga nagsisipakinig.
30 At (U)huwag ninyong pighatiin ang Espiritu Santo ng Dios, (V)na sa kaniya kayo'y tinatakan hanggang sa kaarawan ng (W)pagkatubos.
31 Ang lahat ng kapaitan, (X)at kagalitan, at pagkakaalit, at kadaldalan, at panglilibak, ay mangaalis nawa sa inyo, pati ng lahat ng masasamang akala:
32 At (Y)magmagandang-loob kayo sa isa't isa, mga mahabagin, (Z)na mangagpatawaran kayo sa isa't isa, gaya naman ng pagpapatawad sa inyo ng Dios kay Cristo.
9 (A)At lumulan siya sa isang daong, at tumawid, (B)at dumating sa kaniyang sariling bayan.
2 At narito, dinala nila (C)sa kaniya ang isang lumpo, na nakahiga sa isang higaan: at (D)nang makita ni Jesus ang kanilang pananampalataya, ay sinabi sa lumpo, Anak, laksan mo ang iyong loob; ang iyong mga kasalanan ay ipinatatawad na.
3 At narito, ang ilan sa mga eskriba ay nangagsabi sa kanilang sarili, Ang taong ito'y namumusong.
4 At (E)pagkaunawa ni Jesus ng kanilang mga kaisipan, ay sinabi, Bakit nangagiisip kayo ng masama sa inyong mga puso?
5 Sapagka't alin baga ang lalong magaang sabihin, Ipinatatawad na ang iyong mga kasalanan; o sabihin, Magtindig ka, at lumakad ka?
6 Datapuwa't upang maalaman ninyo na ang Anak ng tao'y may kapamahalaan sa lupa na magpatawad ng mga kasalanan (sinabi nga niya sa lumpo), Magtindig ka, buhatin mo ang iyong higaan, at umuwi ka sa iyong bahay.
7 At nagtindig siya, at umuwi sa kaniyang bahay.
8 Datapuwa't nang makita ito ng karamihan, ay nangatakot sila, at kanilang niluwalhati ang Dios, na nagbigay ng gayong kapamahalaan sa mga tao.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978