Book of Common Prayer
Awit ni David.
101 Aking aawitin ang kagandahang-loob at kahatulan:
Sa iyo, Oh Panginoon, aawit ako ng mga pagpupuri.
2 Ako'y magpapakapantas sa sakdal na lakad:
Oh kailan ka pasasa akin?
Ako'y lalakad sa loob ng aking bahay na (A)may sakdal na puso.
3 Hindi ako maglalagay (B)ng hamak na bagay sa harap ng aking mga mata:
(C)Aking ipinagtanim ang gawa nilang lisya:
Hindi kakapit sa akin.
4 (D)Ang suwail na puso ay hihiwalay sa akin:
(E)Hindi ako makakaalam ng masamang bagay.
5 Ang sumisirang puri na lihim sa kaniyang kapuwa (F)ay aking ibubuwal:
Siya na may mapagmataas na tingin at may palalong puso ay hindi ko titiisin.
6 Ang mga mata ko'y itititig ko sa mga tapat sa lupain, upang sila'y makatahan na kasama ko:
Siya na lumalakad sa sakdal na daan, siya'y mangangasiwa sa akin.
7 Siyang gumagawa ng karayaan ay hindi tatahan sa loob ng aking bahay:
Siyang nagsasalita ng kabulaanan ay hindi matatatag sa harap ng aking mga mata.
8 Tuwing umaga ay aking lilipulin ang lahat na masama sa lupain;
Upang ihiwalay ang lahat na manggagawa ng kasamaan (G)sa bayan ng Panginoon.
Sa Pangulong Manunugtog. Awit ni David.
109 Huwag kang mapayapa, (A)Oh Dios na aking kapurihan;
2 Sapagka't ang bibig ng masama at ang bibig ng magdaraya ay ibinuka nila laban sa akin:
Sila'y nangagsalita sa akin na may sinungaling na dila.
3 Kanilang kinulong ako sa palibot ng mga salitang pagtatanim,
At nagsilaban sa akin (B)ng walang kadahilanan.
4 Sa kabayaran ng aking pagibig ay mga kaaway ko sila:
Nguni't ako'y tumatalaga sa dalangin.
5 At iginanti nila sa akin ay kasamaan sa mabuti,
At pagtatanim sa pagibig ko.
6 (C)Lagyan mo ng masamang tao siya:
At tumayo nawa ang isang (D)kaaway sa kaniyang kanan.
7 (E)Pagka siya'y nahatulan, lumabas nawa siyang salarin;
At maging kasalanan nawa ang (F)kaniyang dalangin.
8 (G)Maging kaunti nawa ang kaniyang mga kaarawan;
At kunin nawa ng iba ang kaniyang katungkulan.
9 (H)Maulila nawa ang kaniyang mga anak,
At mabao ang kaniyang asawa.
10 (I)Magsilaboy nawa ang kaniyang mga anak, at mangagpalimos;
At hanapin nila ang kanilang pagkain sa kanilang mga dakong guho.
11 Kunin nawa ng manglulupig ang lahat niyang tinatangkilik;
At samsamin ng mga (J)taga ibang lupa ang kaniyang mga gawa.
12 Mawalan nawa ng maawa sa kaniya;
At mawalan din ng maawa sa kaniyang mga anak na ulila.
13 Mahiwalay nawa ang (K)kaniyang kaapuapuhan;
Sa lahing darating ay mapawi ang kaniyang pangalan.
14 (L)Maalaala nawa ng Panginoon ang kasamaan ng kaniyang mga magulang;
At huwag mapawi ang kasalanan ng kaniyang ina,
15 Mangalagay nawa silang lagi sa harap ng Panginoon,
Upang ihiwalay (M)niya ang alaala sa kanila sa lupa.
16 Sapagka't hindi niya naalaalang magpakita ng kaawaan,
Kundi hinabol ang (N)dukha at mapagkailangan,
At ang may bagbag na puso, upang patayin.
17 (O)Oo, kaniyang inibig ang sumpa, at dumating sa kaniya;
At hindi siya nalulugod sa pagpapala, at malayo sa kaniya.
18 (P)Nagsusuot naman siya ng sumpa na parang kaniyang damit,
At nasok sa kaniyang mga loob na bahagi na parang tubig,
At parang langis sa kaniyang mga buto.
19 Sa kaniya'y maging gaya nawa ng balabal na ibinabalabal,
At gaya ng bigkis na ibinibigkis na lagi.
20 Ito ang kagantihan sa aking mga kaaway na mula sa Panginoon,
At sa kanilang nangagsasalita ng kasamaan laban sa aking kaluluwa.
21 Nguni't gumawa kang kasama ko, Oh Dios na Panginoon, (Q)alang-alang sa iyong pangalan:
(R)Sapagka't ang iyong kagandahang-loob ay mabuti, iligtas mo ako,
22 Sapagka't ako'y dukha at mapagkailangan,
At ang aking puso ay nasaktan sa loob ko.
23 Ako'y yumayaong (S)gaya ng lilim pagka kumikiling:
Ako'y itinataas at ibinababa ng hangin na parang balang.
24 Ang aking mga (T)tuhod ay mahina sa pagaayuno,
At ang aking laman ay nagkukulang ng katabaan.
25 Ako nama'y naging (U)kadustaan sa kanila:
Pagka kanilang nakikita ako, kanilang (V)pinagagalawgalaw ang kanilang ulo.
26 (W)Tulungan mo ako, Oh Panginoon kong Dios;
Oh iligtas mo ako ayon sa iyong kagandahang-loob:
27 Upang kanilang maalaman na ito'y iyong kamay;
Na ikaw, Panginoon, ang may gawa.
28 Sumumpa sila, nguni't magpapala ka:
Pagka sila'y nagsibangon, sila'y mangapapahiya,
Nguni't ang iyong lingkod ay (X)magagalak.
29 (Y)Manamit ng kasiraang puri ang mga kaaway ko,
At matakpan sila ng kanilang sariling kahihiyan na parang balabal.
30 Ako'y magpapasalamat ng marami ng aking bibig sa Panginoon;
Oo, aking pupurihin (Z)siya sa gitna ng karamihan.
AIN.
121 Ako'y gumawa ng kahatulan at kaganapan:
Huwag mo akong iwan sa mga mangaapi sa akin.
122 (A)Maging tagapatnugot ka ng iyong lingkod sa ikabubuti:
Huwag mong ipapighati ako sa palalo.
123 Pinangangalumatahan (B)ng aking mga mata ang iyong pagliligtas,
At ang iyong matuwid na salita.
124 Gawan mo ang lingkod mo ng ayon sa iyong kagandahang-loob,
At ituro mo sa akin ang mga palatuntunan mo.
125 (C)Ako'y lingkod mo; bigyan mo ako ng unawa;
Upang aking maalaman ang mga patotoo mo,
126 Kapanahunan sa Panginoon na gumawa;
Sapagka't kanilang niwalang kabuluhan ang kautusan mo.
127 (D)Kaya't aking iniibig ang mga utos mo
Ng higit sa ginto, oo, higit sa dalisay na ginto.
128 Kaya't aking pinahahalagahan na matuwid ang lahat mong mga tuntunin tungkol sa lahat ng mga bagay;
At ipinagtatanim ko ang bawa't sinungaling na lakad.
PE.
129 Ang mga patotoo mo'y kagilagilalas;
Kayat sila'y iniingatan ng aking kaluluwa.
130 (E)Ang bukas ng iyong mga salita ay nagbibigay ng liwanag;
(F)Nagbibigay ng unawa sa walang muwang.
131 Aking binuka ng maluwang ang bibig ko, at ako'y nagbuntong-hininga;
Sapagka't aking pinanabikan ang mga utos mo.
132 Manumbalik ka sa akin, at maawa ka sa akin,
Gaya ng iyong kinauugaliang gawin sa nagsisiibig ng iyong pangalan.
133 (G)Itatag mo ang mga hakbang ko sa iyong salita;
At huwag magkaroon ng kapangyarihan sa akin ang (H)anomang kasamaan.
134 Tubusin mo ako sa pagpighati ng tao:
Sa gayo'y aking tutuparin ang mga tuntunin mo.
135 (I)Pasilangin mo ang mukha mo sa iyong lingkod;
At ituro mo sa akin ang mga palatuntunan mo.
136 Ang mga mata ko'y nagsisiagos ng mga (J)ilog ng tubig;
Sapagka't hindi nila tinutupad ang kautusan mo.
TZADDI.
137 (K)Matuwid ka, Oh Panginoon,
At matuwid ang mga kahatulan mo.
138 Iniutos mo ang (L)mga patotoo mo sa katuwiran
At totoong may pagtatapat.
139 Tinunaw ako ng (M)aking sikap,
Sapagka't kinalimutan ng aking mga kaaway ang mga salita mo.
140 Ang salita mo'y (N)totoong malinis;
Kaya't iniibig ito ng iyong lingkod.
141 Ako'y maliit at hinahamak:
Gayon ma'y hindi ko kinalilimutan ang mga tuntunin mo.
142 Ang katuwiran mo ay walang hanggang katuwiran,
At ang kautusan mo'y (O)katotohanan.
143 Kabagabagan at kahirapan ay humawak sa akin:
Gayon ma'y ang mga utos mo'y aking kaaliwan.
144 Ang mga patotoo mo'y matuwid magpakailan man:
(P)Bigyan mo ako ng unawa at mabubuhay ako.
Ang mga natira ay maliligtas.
2 Sa araw na yaon ay magiging maganda at maluwalhati (A)ang sanga ng Panginoon, at ang bunga ng lupain ay magiging magaling at mainam sa kanilang mga taga Israel na nangakatanan.
3 At mangyayari, na siyang naiwan sa Sion, at siyang nalabi sa Jerusalem, (B)tatawaging banal, sa makatuwid baga'y bawa't (C)nasusulat sa mga nabubuhay sa Jerusalem:
4 (D)Pagka huhugasan ng Panginoon ang karumhan ng mga anak na babae ng Sion, at lilinisin ang dugo ng Jerusalem sa gitna ng bayan sa pamamagitan ng bisa ng kahatulan, at sa pamamagitan ng bisa ng pagniningas.
5 At ang Panginoon ay lilikha sa itaas ng buong tahanan ng bundok ng Sion, at sa itaas ng kaniyang mga kapulungan ng isang (E)ulap at usok sa araw, at ng (F)liwanag ng nagniningas na apoy sa gabi: sapagka't sa itaas ng lahat ng kaluwalhatian ay magkakaroon ng isang kubong na kayo.
6 At magkakaroon ng kanlungan upang maging lilim sa kaarawan laban sa init, at (G)upang maging kanlungan at kublihan sa bagyo at sa ulan.
4 Namamanhik nga (A)sa inyo akong (B)bilanggo sa Panginoon, na kayo'y magsilakad ng nararapat sa pagkatawag na sa inyo'y itinawag,
2 Ng buong kapakumbabaan (C)at kaamuan, na may pagpapahinuhod, na mangagbatahan kayo-kayo sa pagibig;
3 Na pagsakitan ninyong ingatan ang pakikipagkaisa sa Espiritu (D)sa tali ng kapayapaan.
4 May (E)isang katawan, at (F)isang Espiritu, gaya naman ng pagkatawag sa inyo sa isang (G)pagasa ng pagtawag sa inyo;
5 Isang (H)Panginoon, (I)isang pananampalataya, isang bautismo,
6 (J)Isang Dios at Ama ng lahat, na siyang (K)sumasa ibabaw sa lahat, at sumasa lahat, at nasa lahat.
7 Datapuwa't (L)ang bawa't isa sa atin ay binigyan ng biyaya ayon sa sukat na kaloob ni Cristo.
8 Kaya't sinasabi niya,
(M)Nang umakyat siya sa itaas ay dinala niyang bihag ang pagkabihag,
At nagbigay ng mga kaloob sa mga tao.
9 (Ngayon ito, Umakyat Siya, ano ito, kundi siya'y bumaba rin naman sa (N)mga dakong kalaliman ng lupa?
10 Ang bumaba ay siya rin namang (O)umakyat (P)sa kaitaasan ng buong sangkalangitan, (Q)upang kaniyang mapuspos ang lahat ng mga bagay.)
11 At pinagkalooban niya ang mga iba na maging (R)mga apostol; at ang mga iba'y propeta; at ang mga iba'y (S)evangelista; at ang mga iba'y (T)pastor at (U)mga guro;
12 Sa ikasasakdal ng mga banal, sa gawaing paglilingkod sa ikatitibay (V)ng katawan ni Cristo:
13 Hanggang sa abutin nating lahat ang pagkakaisa ng pananampalataya, at ang pagkakilala sa Anak ng Dios, hanggang sa lubos na paglaki ng tao, hanggang sa sukat ng pangangatawan ng (W)kapuspusan ni Cristo:
14 Upang tayo'y huwag nang maging (X)mga bata pa, (Y)na napapahapay dito't doon at dinadala sa magkabikabila ng lahat na hangin ng aral, sa pamamagitan ng mga daya ng mga tao, sa katusuhan, ayon sa mga lalang ng kamalian;
15 Kundi sa pagsasalita ng katotohanan na may pagibig, (Z)ay mangagsilaki sa lahat ng mga bagay sa kaniya, na siyang pangulo, sa makatuwid baga'y si Cristo;
16 Na dahil sa kaniya'y ang buong katawan (AA)na nakalapat na mabuti at nagkakalakip sa pamamagitan ng tulong ng bawa't kasukasuan, ayon sa paggawang nauukol sa bawa't iba't ibang sangkap, ay nagpapalaki sa katawan sa ikatitibay ng kaniyang sarili sa pagibig.
28 At nang siya'y makarating sa kabilang ibayo sa lupain ng mga Gadareno, ay sinalubong siya ng dalawang inaalihan ng mga demonio na nagsisilabas sa mga libingan, na totoong mababangis, na ano pa't sinoma'y walang makapagdaan sa daang yaon.
29 At narito, sila'y nagsisigaw, na nangagsasabi, Anong aming ipakikialam sa iyo, ikaw na (A)Anak ng Dios? naparito ka baga upang kami'y iyong pahirapan bago dumating ang kapanahunan?
30 Sa malayo sa kanila ay may isang kawan ng maraming baboy na nagsisipanginain.
31 At namanhik sa kaniya ang mga demonio, na nangagsasabi, Kung kami'y palalayasin mo, ay paparoonin mo kami sa kawan ng mga baboy.
32 At sinabi niya sa kanila, Magsiparoon kayo. At sila'y nagsilabas, at nagsipasok sa mga baboy: at narito, ang buong kawan ng mga baboy ay nangapadaluhong sa bangin hanggang sa dagat, at nangamatay sa tubig.
33 At nagsitakas ang mga tagapagalaga ng mga yaon, at nagsitungo sa bayan, at sinabi ang lahat ng mga nangyari, at ang kinahinatnan ng mga inalihan ng mga demonio.
34 At narito, lumabas ang buong bayan upang sumalubong kay Jesus: at pagkakita nila sa kaniya, ay pinamanhikan (B)siyang umalis sa kanilang mga hangganan.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978