Book of Common Prayer
Sa Pangulong Manunugtog; itinugma sa Sosannim Eduth. Awit ni Asaph.
80 Dinggin mo, Oh Pastor ng Israel,
Ikaw na pumapatnubay (A)sa Jose na (B)parang kawan;
(C)Ikaw na nauupo sa ibabaw ng mga querubin, sumilang ka.
2 Sa harap ng Ephraim, ng Benjamin at ng Manases, ay (D)mapukaw nawa ang kapangyarihan mo,
At parito kang iligtas mo kami.
3 Papanumbalikin mo kami, (E)Oh Dios;
At pasilangin mo ang iyong mukha, at maliligtas kami.
4 (F)Oh Panginoong Dios ng mga hukbo,
Hanggang kailan magagalit ka laban sa dalangin ng iyong bayan?
5 (G)Iyong pinakain sila ng tinapay na mga luha,
At binigyan mo sila ng mga luha upang inumin ng sagana.
6 (H)Iyong ginawa kaming kaalitan sa aming mga kalapit bansa:
At ang mga kaaway namin ay nagtatawanan.
7 Ibalik mo kami, Oh Dios ng mga hukbo;
At pasilangin mo ang iyong mukha at kami ay maliligtas.
8 Ikaw ay nagdala ng (I)isang puno ng ubas mula sa Egipto;
(J)Iyong pinalayas ang mga bansa, at itinanim mo yaon.
9 Ikaw ay naghanda ng dako sa harap niya,
At napailalim ang ugat, at pinuno ang lupain.
10 Ang mga bundok ay natakpan ng lilim niyaon,
At ang mga sanga niyaon ay gaya ng mga sedro ng Dios.
11 Kaniyang pinaabot ang kaniyang mga sanga hanggang sa dagat,
At ang kaniyang mga suwi hanggang (K)sa ilog.
12 (L)Bakit mo ibinagsak ang kaniyang mga bakod,
Na anopa't siya'y binubunot nilang lahat na nangagdadaan?
13 Sinisira ng baboy-ramo.
At sinasabsab ng mailap na hayop sa parang.
14 Bumalik ka uli, isinasamo ko sa iyo, Oh Dios ng mga hukbo:
Tumungo ka mula sa langit, at iyong masdan, at dalawin mo ang puno ng ubas na ito,
15 At ang ubasan na itinanim ng iyong kanan,
At ang (M)suwi na iyong pinalakas para sa iyong sarili.
16 (N)Nasunog ng apoy, at naputol:
Sila'y nalipol sa saway ng iyong mukha.
17 (O)Mapatong nawa ang iyong kamay sa tao na iyong kinakanan.
(P)Sa anak ng tao na iyong pinalakas sa iyong sarili.
18 Sa gayo'y hindi kami magsisitalikod sa iyo:
Buhayin mo kami, at tatawagan namin ang iyong pangalan.
19 (Q)Papanumbalikin mo kami, Oh Panginoong Dios ng mga hukbo;
Pasilangin mo ang iyong mukha at maliligtas kami.
Sa Pangulong Manunugtog; ayon sa paraan ni Jeduthun. Awit ni Asaph.
77 Ako'y dadaing ng aking tinig sa Dios;
Sa Dios ng aking tinig; at kaniyang didinggin ako.
2 (A)Sa kaarawan ng aking kabagabagan ay hinahanap ko ang Panginoon:
Ang kamay ko'y nakaunat sa gabi, at hindi nangangalay;
(B)Tumatangging maaliw ang kaluluwa ko.
3 Naaalaala ko ang Dios, at ako'y nababalisa:
Ako'y (C)nagdaramdam, at ang diwa ko'y nanglulupaypay. (Selah)
4 Iyong pinupuyat ang mga mata ko:
Ako'y totoong nababagabag na hindi ako makapagsalita.
5 (D)Aking ginunita ang mga araw ng una,
Ang mga taon ng dating mga panahon.
6 Aking inaalaala ang awit ko (E)sa gabi:
Sumasangguni ako sa aking sariling puso;
At ang diwa ko'y masikap na nagsiyasat.
7 (F)Magtatakuwil ba ang Panginoon magpakailan man?
At (G)hindi na baga siya lilingap pa?
8 Ang kaniya bang kagandahangloob ay lubos na nawala magpakailan man?
Natapos na bang walang hanggan (H)ang kaniyang pangako?
9 Nakalimot na ba ang Dios na (I)magmaawain?
Kaniya bang tinakpan ng kagalitan ang kaniyang malumanay na mga kaawaan? (Selah)
10 At aking sinabi, (J)Ito ang sakit ko;
Nguni't aalalahanin ko ang mga taon ng kanan ng Kataastaasan.
11 (K)Babanggitin ko ang mga gawa ng Panginoon;
Sapagka't aalalahanin ko ang mga kabagabagan mo ng una.
12 Bubulayin ko ang lahat ng iyong gawa,
At magmumuni tungkol sa iyong mga gawa.
13 Ang iyong daan, Oh Dios, ay (L)nasa santuario:
(M)Sino ang dakilang dios na gaya ng Dios?
14 Ikaw ay Dios na gumagawa ng mga kagilagilalas:
Iyong ipinakilala ang kalakasan mo sa gitna ng mga tao.
15 Iyong tinubos (N)ng kamay mo ang iyong bayan,
Ang mga anak ng Jacob (O)at ng Jose. (Selah)
16 (P)Nakita ka ng tubig, Oh Dios;
Nakita ka ng tubig, sila'y nangatakot:
Ang mga kalaliman din naman ay nanginig.
17 Ang mga alapaap ay nangaglagpak ng tubig;
(Q)Ang langit ay humugong:
Ang mga (R)pana mo naman ay nagsihilagpos.
18 Ang (S)tinig ng iyong kulog, ay nasa ipoipo;
Tinanglawan (T)ng mga kidlat ang sanglibutan:
Ang lupa ay nayanig at umuga.
19 Ang daan mo'y (U)nasa dagat,
At ang mga landas mo'y nasa malalawak na tubig,
At ang bakas mo'y hindi nakilala.
20 (V)Iyong pinapatnubayan ang iyong bayan na (W)parang kawan,
Sa pamamagitan ng kamay ni Moises at ni Aaron.
Hinagpis dahil sa pagka sira ng Jerusalem, at panalangin sa paghingi ng tulong. Awit ni Asaph.
79 Oh Dios, (A)ang mga bansa ay dumating sa (B)iyong mana;
(C)Ang iyong banal na templo ay kanilang nilapastangan;
(D)Kanilang pinapaging bunton ang Jerusalem.
2 Ang mga bangkay ng iyong mga lingkod ay (E)ibinigay nila na pagkain sa mga ibon sa himpapawid,
Ang laman ng iyong mga banal ay sa mga hayop sa lupa.
3 Ang kanilang dugo ay ibinubo nila na parang tubig sa palibot ng Jerusalem;
(F)At walang naglibing sa kanila.
4 (G)Kami ay naging kadustaan sa aming kalapit,
Kasabihan at kakutyaan nilang nangasa palibot namin.
5 Hanggang kailan, Oh Panginoon, magagalit ka magpakailan man?
(H)Magaalab ba ang iyong paninibugho na parang apoy?
6 (I)Ibugso mo ang iyong pagiinit sa mga bansa na hindi nangakakakilala sa iyo,
At sa mga kaharian na hindi nagsisitawag sa iyong pangalan.
7 Sapagka't kanilang nilamon ang Jacob,
At inilagay na sira ang kaniyang tahanan.
8 (J)Huwag mong alalahanin laban sa amin ang kasamaan ng aming mga magulang:
Magmadali ang iyong mga malumanay na kaawaan na tulungan kami:
Sapagka't kami ay totoong hinamak.
9 Iyong tulungan kami, Oh Dios ng aming kaligtasan, dahil sa kaluwalhatian ng iyong pangalan:
At iyong iligtas kami, at linisin mo ang aming mga kasalanan, (K)dahil sa iyong pangalan.
10 (L)Bakit sasabihin ng mga bansa,
Saan nandoon ang kanilang Dios?
Ang (M)kagantihan sa dugo na nabubo sa iyong mga lingkod
Maalaman nawa ng mga bansa sa aming paningin.
11 (N)Dumating nawa sa harap mo ang buntong-hininga ng bihag;
Ayon sa kadakilaan ng iyong kapangyarihan ay palagiin mo yaong nangatakda sa kamatayan:
12 At ibalik mo sa aming mga kalapit-bansa sa (O)makapito (P)sa kanilang sinapupunan,
Ang kanilang pagduwahagi na kanilang idinuwahagi sa iyo, Oh Panginoon.
13 Sa gayo'y (Q)kaming iyong bayan at mga tupa sa pastulan mo
Mangagpapasalamat sa iyo magpakailan man:
Aming ipakikilala ang iyong kapurihan sa lahat ng mga lahi.
Ang pagpapatubo ay ibinabawal.
35 At kung maghirap ang iyong kapatid at manglupaypay sa iyong siping, ay (A)iyo siyang aalalayan na patutuluyin mo, na manunuluyan sa iyong parang taga ibang bayan at nakikipamayan.
36 (B)Huwag kang kukuha sa kaniya ng patubo o pakinabang, (C)kundi matakot ka sa iyong Dios: patuluyin mo ang iyong kapatid.
37 Ang iyong salapi ay huwag mong ibibigay sa kaniya na may patubo, ni ibibigay mo sa kaniya na may pakinabang ang iyong pagkain.
38 (D)Ako ang Panginoon ninyong Dios, na inilabas ko kayo sa lupain ng Egipto, upang ibigay ko sa inyo ang lupain ng Canaan, at ako'y maging inyong Dios.
39 (E)At kung ang iyong kapatid na kasama mo ay maghirap at pabili siya sa iyo: ay huwag mo siyang (F)papaglilingkuring parang alipin;
40 Ipalalagay mo siyang parang lingkod na upahan at parang nakikipamayan; hanggang sa taon ng jubileo ay maglilingkod siya sa iyo:
41 Kung magkagayo'y aalis siya sa iyo, siya at ang kaniyang mga anak (G)na kasama niya, at babalik sa kaniyang sariling sangbahayan, (H)at babalik sa pagaari ng kaniyang mga magulang.
42 (I)Sapagka't sila'y aking mga lingkod, na aking inilabas sa lupain ng Egipto; sila'y hindi maipagbibiling parang mga alipin.
43 (J)Huwag kang papapanginoon sa kaniya na (K)may kabagsikan; kundi ikaw ay matatakot sa iyong Dios.
44 At tungkol sa iyong mga aliping lalake at babae na magkakaroon ka; sa mga bansang nasa palibot ninyo, ay makabibili kayo sa kanila ng mga aliping lalake at babae.
45 Saka sa mga anak ng mga taga ibang lupa na nakikipamayan sa inyo, sa mga ito'y makabibili kayo, at sa kanilang mga sangbahayan na nasa inyo, na mga ipinanganak nila sa inyong lupain: at magiging inyong pagaari.
46 (L)At inyong iiwang pinakapamana sa inyong mga anak pagkamatay ninyo, na pinakapagaari; (M)sa mga iyan kukuha kayo ng inyong mga alipin magpakailan man: nguni't sa inyong mga kapatid na mga anak ni Israel ay huwag kayong magpapanginoonan na (N)may kabagsikan.
Pagtubos sa mga alipin.
47 At kung ang taga ibang lupa o ang nakikipamayan na kasama mo ay yumaman, (O)at ang iyong kapatid ay maghirap sa siping niya, at pabili sa taga ibang bayan o nakikipamayan sa iyo o sa sinomang kasangbahay ng taga ibang lupa;
48 Pagkatapos na siya'y maipagbili ay kaniyang matutubos: isa sa kaniyang mga kapatid (P)ay makatutubos sa kaniya:
49 O ang kaniyang amain o ang anak ng kaniyang amain ay makatutubos sa kaniya; o sinomang kamaganak na malapit niya sa kaniyang sangbahayan ay makatutubos sa kaniya; o (Q)kung yumaman siya ay makatutubos siya sa kaniyang sarili.
50 At kaniyang bibilangan yaong bumili sa kaniya, mula sa taong bilhin siya hanggang sa taon ng jubileo: at ang halaga ng pagkabili sa kaniya ay magiging ayon sa bilang ng mga taon; (R)at gagawin sa kaniya ay ayon sa panahon ng isang lingkod na upahan.
51 Kung maraming taon pa ang kulang niya, (S)ayon sa dami ng mga iyan, ay isasauli ang halaga ng kaniyang pagkatubos sa kaniya na salaping sa kaniya'y ibinili.
52 At kung kaunti ang mga taong nagkukulang hanggang sa taon ng jubileo ay ibibilang sa kaniya; ayon sa kaniyang mga taon na nagkukulang ay isasauli ang halaga ng kaniyang katubusan.
53 Kung paano ang alilang may bayad sa taon-taon, ay gayon matitira sa kaniya: siya'y huwag papapanginoon sa kaniya na may (T)kabagsikan sa iyong paningin.
54 At kung hindi siya tubusin sa mga paraang ito, ay (U)aalis siya sa taon ng jubileo, siya at ang kaniyang mga anak na kasama niya.
55 Sapagka't sa akin ang mga anak ni Israel ay (V)mga lingkod; sila'y aking mga lingkod na aking inilabas sa lupain ng Egipto: ako ang Panginoon ninyong Dios.
9 Dahil dito'y kami naman, mula nang araw na aming marinig ito, ay hindi kami nagsisitigil ng pananalangin at ng paghingi na patungkol sa inyo, upang kayo'y puspusin ng kaalaman ng kaniyang kalooban, sa buong karunungan at pagkaunawa ayon sa espiritu,
10 Upang kayo'y magsilakad ng nararapat sa Panginoon, (A)sa buong ikalulugod niya, at magsipamunga sa bawa't gawang mabuti, at magsilago sa kaalaman ng Dios;
11 Na kayo'y palakasin ng buong (B)kapangyarihan, ayon sa kalakasan ng kaniyang kaluwalhatian, sa buong pagtitiis at pagpapahinuhod na may galak;
12 (C)Na nagpapasalamat sa Ama, na nagpaging dapat sa atin upang makabahagi sa mana ng mga banal sa kaliwanagan;
13 Na siyang nagligtas sa atin sa (D)kapangyarihan ng kadiliman, at naglipat sa atin sa kaharian ng Anak ng kaniyang pagibig;
14 Na siyang kinaroroonan ng ating katubusan, na siyang kapatawaran ng ating mga kasalanan:
13 Nang araw na yaon ay lumabas si Jesus sa bahay, at (A)naupo sa tabi ng dagat.
2 At nakisama (B)sa kaniya ang lubhang maraming tao, ano pa't lumulan siya sa isang daong, at naupo; at ang buong karamihan ay nangakatayo sa baybayin.
3 At pinagsalitaan niya sila ng maraming mga bagay sa mga talinghaga, na sinasabi, Narito, ang manghahasik ay yumaon upang maghasik.
4 At sa paghahasik niya, ay nangahulog ang ilang binhi sa tabi ng daan, at dumating ang mga ibon at kinain nila;
5 At ang mga iba'y nangahulog sa mga batuhan, na doo'y walang sapat na lupa: at pagdaka'y sumibol, sapagka't hindi malalim ang lupa:
6 At pagsikat ng araw ay nangainitan; at dahil sa walang ugat, ay nangatuyo.
7 At ang mga iba'y nangahulog sa mga dawagan, at nagsilaki ang mga dawag, at ininis ang mga yaon.
8 At ang mga iba'y nangahulog sa mabuting lupa, at nangagbunga, ang ila'y (C)tigisang daan, at ang ila'y tigaanim na pu, at ang ila'y tigtatatlongpu.
9 At ang may mga (D)pakinig, ay makinig.
10 At nagsilapit ang mga alagad, at sinabi nila sa kaniya, Bakit mo sila pinagsasalitaan sa mga talinghaga?
11 At sumagot siya at sinabi sa kanila, (E)Sa inyo'y ipinagkaloob ang mangakaalam ng mga hiwaga ng kaharian ng langit, datapuwa't hindi ipinagkaloob sa kanila.
12 Sapagka't sinomang (F)mayroon ay bibigyan, at siya'y magkakaroon ng sagana: nguni't sinomang wala, pati ng nasa kaniya ay aalisin sa kaniya.
13 Kaya't sila'y pinagsasalitaan ko sa mga talinghaga; sapagka't nagsisitingin ay hindi sila nangakakakita, at nangakikinig ay hindi sila nangakakarinig, ni hindi sila nangakakaunawa.
14 At natutupad sa kanila ang hula ni Isaias, na sinasabi,
(G)Sa pakikinig ay inyong maririnig, at sa anomang paraa'y hindi ninyo mapaguunawa;
At sa pagtingin ay inyong makikita, at sa anomang paraa'y hindi ninyo mamamalas:
15 Sapagka't kumapal ang puso ng bayang ito,
At mahirap na mangakarinig ang kanilang mga tainga,
At kanilang ipinikit ang kanilang mga mata;
Baka sila'y mangakakita ng kanilang mga mata,
At mangakarinig ng kanilang mga tainga,
At mangakaunawa ng kanilang puso,
At muling mangagbalik loob,
At sila'y aking pagalingin.
16 Datapuwa't mapapalad ang inyong mga mata, sapagka't nangakakakita; at ang iyong mga tainga, sapagka't nangakakarinig.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978