Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Book of Common Prayer

Daily Old and New Testament readings based on the Book of Common Prayer.
Duration: 861 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Mga Awit 56-58

Sa Pangulong Manunugtog; itinugma sa Jonath-elem-rehokim. Awit ni David: Michtam: nang hulihin siya ng mga (A)Filisteo sa Gat.

56 (B)Maawa ka sa akin, Oh Dios: sapagka't sasakmalin ako ng tao:
Buong araw ay nangbababag siya na pinipighati ako.
Ibig akong sakmalin ng aking mga kaaway buong araw:
Sapagka't sila'y maraming may kapalaluan na nagsisilaban sa akin.
Sa panahong ako'y matakot,
Aking ilalagak ang aking tiwala sa iyo.
Sa Dios (ay pupuri ako ng kaniyang salita),
Sa Dios ay inilagak ko ang aking tiwala, (C)hindi ako matatakot;
Anong magagawa ng laman sa akin?
Buong araw ay binabaligtad nila ang aking mga salita:
Lahat ng kanilang mga pagiisip ay laban sa akin sa ikasasama.
Sila'y nagpipisan, (D)sila'y nagsisipagkubli,
Kanilang tinatandaan ang aking mga hakbang,
Gaya ng kanilang (E)pagaabang sa aking kaluluwa.
Tatakas ba sila sa pamamagitan ng masama?
Sa galit ay ilugmok mo ang mga bayan, Oh Dios.
Iyong isinasaysay ang aking mga paggagala:
(F)Ilagay mo ang aking mga luha sa iyong botelya;
(G)Wala ba sila sa iyong aklat?
Tatalikod nga ang aking mga kaaway sa kaarawan na ako'y tumawag:
Ito'y nalalaman ko, sapagka't ang (H)Dios ay kakampi ko.
10 Sa Dios (ay pupuri ako ng salita),
Sa Panginoon (ay pupuri ako ng salita),
11 Sa Dios ay inilagak ko ang aking tiwala, (I)hindi ako matatakot;
Anong magagawa ng tao sa akin?
12 Ang iyong mga panata ay sa akin, Oh Dios:
Ako'y magbabayad ng mga handog na pasalamat sa iyo.
13 Sapagka't (J)iniligtas mo ang aking kaluluwa sa kamatayan:
Hindi mo ba iniligtas ang aking mga paa sa pagkahulog?
Upang ako'y makalakad sa harap ng Dios
(K)Sa liwanag ng buhay.

Sa Pangulong Manunugtog; itinugma sa Al-tashheth. (L)Awit ni David. Michtam; nang kaniyang takasan si Saul, sa yungib.

57 (M)Maawa ka sa akin, Oh Dios, maawa ka sa akin;
Sapagka't ang aking kaluluwa ay nanganganlong sa iyo.
Oo, sa (N)lilim ng iyong mga pakpak ay manganganlong ako,
(O)Hanggang sa makaraan ang mga kasakunaang ito.
Ako'y dadaing sa Dios na Kataastaasan;
Sa Dios na nagsagawa ng lahat na mga bagay sa akin.
(P)Siya'y magsusugo mula sa langit, at ililigtas ako,
Pagka yaong lulunok sa akin ay dumuduwahagi; (Selah)
(Q)Susuguin ng Dios ang kaniyang kagandahang-loob at ang kaniyang katotohanan.
Ang aking kaluluwa ay nasa gitna ng mga leon:
Ako'y nahihiga sa gitna niyaong mga pinaningasan ng apoy,
Sa mga anak ng tao, na ang mga ngipin ay sibat at mga pana,
At ang kanilang dila ay (R)matalas na tabak.
(S)Mabunyi ka, Oh Dios, sa itaas ng mga langit;
Mataas ang iyong kaluwalhatian sa buong lupa.
Kanilang hinandaan ng (T)silo ang aking mga hakbang.
Ang aking kaluluwa ay nakayuko:
Sila'y nagsihukay ng isang (U)lungaw sa harap ko.
Sila'y nangahulog sa gitna niyaon. (Selah)
(V)Ang aking puso ay matatag, Oh Dios, ang aking puso ay matatag:
Ako'y aawit, oo, ako'y aawit ng mga pagpuri.
(W)Gumising ka, (X)kaluwalhatian ko; gumising ka, salterio at alpa:
Ako'y gigising na maaga.
Ako'y magpapasalamat sa iyo, Oh Panginoon, sa gitna ng mga bayan:
Ako'y aawit sa iyo ng mga pagpuri sa gitna ng mga bansa.
10 (Y)Sapagka't ang iyong kagandahang-loob ay dakila hanggang sa mga langit,
At ang iyong katotohanan hanggang sa mga alapaap.
11 Mabunyi ka, Oh Dios, sa itaas ng mga langit;
Mataas ang iyong kaluwalhatian sa buong lupa.

Sa Pangulong Manunugtog; itinugma sa Al-tashheth. Awit ni David. Michtam.

58 Tunay bang kayo'y nangagsasalita ng katuwiran Oh kayong mga makapangyarihan?
Nagsisihatol ba kayo ng matuwid, Oh kayong mga anak ng mga tao?
Oo, sa puso ay nagsisigawa kayo ng kasamaan;
Inyong tinitimbang ang pangdadahas ng inyong mga kamay sa lupa.
Ang masama ay naliligaw mula sa bahay-bata:
Sila'y naliligaw pagkapanganak sa kanila, na nagsasalita ng mga kasinungalingan.
(Z)Ang kanilang kamandag ay parang kamandag ng ahas:
Sila'y (AA)gaya ng binging ahas na nagtatakip ng kaniyang pakinig;
At hindi nakakarinig ng tinig (AB)ng mga enkantador,
Na kailan man ay hindi umeenkanto ng gayon na may karunungan.
Iyong bungalin ang kanilang mga ngipin, (AC)Oh Dios, sa kanilang bibig:
Iyong bungalin ang mga malaking ngipin ng mga batang leon, Oh Panginoon.
(AD)Mangatunaw nawa silang parang tubig na umaagos:
Pagka inihilagpos niya ang kaniyang mga palaso, maging gaya nawa ng nangaluray.
Maging gaya nawa ng laman ng suso na natutunaw at napapawi:
(AE)Na gaya ng naagas sa babae na hindi nakakita ng araw.
(AF)Bago makaramdam ang inyong mga palyok ng mga dawag na panggatong,
(AG)Kaniyang kukunin ang mga yaon ng ipoipo, ang sariwa at gayon din ang nagniningas.
10 (AH)Magagalak ang matuwid pagka nakita niya (AI)ang higanti:
Kaniyang huhugasan (AJ)ang kaniyang mga paa sa dugo ng masama.
11 (AK)Na anopa't sasabihin ng mga tao, Katotohanang may kagantihan sa matuwid:
Katotohanang may Dios na (AL)humahatol sa lupa.

Mga Awit 64-65

Sa Pangulong Manunugtog. Awit ni David.

64 Dinggin mo ang tinig ko. Oh Dios, sa aking hibik:
Ingatan mo ang buhay ko sa pagkatakot sa kaaway.
Ikubli mo ako sa lihim na payo ng mga manggagawa ng kasamaan;
Sa panggugulo ng mga manggagawa ng kasamaan:
(A)Na siyang nangaghasa ng kanilang dila na parang tabak,
At pinahilagpos ang kanilang mga (B)palaso, sa makatuwid baga'y ang masasakit na salita:
Upang kanilang maihilagpos sa sakdal sa mga lihim na dako:
Biglang inihihilagpos nila sa kaniya at hindi natatakot.
Sila'y nagpapakatapang sa masamang akala;
Sila'y nagsasangusapan ng paglalagay ng lihim na silo;
Sinasabi nila, (C)Sinong makakakita?
Sila'y nagsisipagsiyasat ng mga kasamaan;
Aming naganap, sabi nila, ang masikap na pagsiyasat;
At ang pagiisip sa loob ng bawa't isa, at ang puso ay malalim.
(D)Nguni't pahihilagpusan sila ng Dios;
Sila'y masusugatang bigla ng isang palaso.
Sa gayo'y sila'y (E)matitisod palibhasa't ang kanilang sariling dila ay laban sa kanila:
Ang lahat na makakita sa kanila ay (F)mangaguuga ng ulo.
At lahat ng mga tao ay (G)mangatatakot;
At kanilang ipahahayag ang salita ng Dios,
At may karunungang kanilang bubuhayin ang kanilang gawa.
10 Ang matuwid ay (H)matutuwa sa Panginoon, at manganganlong sa kaniya;
At lahat ng mga matuwid sa puso ay magsisiluwalhati.

Sa Pangulong Manunugtog. Salmo. Awit ni David.

65 Ang kapurihan ay naghihintay sa iyo, Oh Dios, sa Sion:
At sa iyo'y maisasagawa ang panata.
Oh ikaw na dumidinig ng dalangin,
(I)Sa iyo'y paroroon ang lahat ng laman.
Mga kasamaan ay nangananaig laban sa akin:
Tungkol sa aming pagsalangsang, ay (J)lilinisin mo.
(K)Mapalad ang tao na (L)iyong pinipili, at pinalalapit mo sa iyo,
(M)Upang siya'y makatahan sa iyong mga looban:
(N)Kami ay mangasisiyahan sa kabutihan ng iyong bahay,
Ng iyong banal na templo.
Sasagutin mo kami sa katuwiran sa pamamagitan ng mga kakilakilabot na bagay,
Oh Dios ng aming kaligtasan;
Ikaw na katiwalaan ng (O)lahat na wakas ng lupa,
At nila na malayo sa dagat:
Na naglalagay na matibay ng mga bundok sa pamamagitan ng kaniyang kalakasan;
Palibhasa't nabibigkisan sa palibot ng kapangyarihan:
(P)Na nagpapatigil ng hugong ng mga dagat,
Ng hugong ng kanilang mga alon,
(Q)At ng kaingay ng mga bayan.
Sila naman na nagsisitahan sa mga pinakadulong bahagi ay nangatatakot sa iyong mga tanda:
Ikaw ang nagbibigay galak sa pagbubukang liwayway at pagtatakip-silim.
(R)Iyong dinadalaw ang lupa, at (S)dinidilig mo,
Iyong pinayayamang mainam;
(T)Ang ilog ng Dios ay puno ng tubig:
Iyong pinagtataanan sila ng trigo, pagka't inihanda mo ang lupa.
10 Iyong dinidilig ang kaniyang bungkal ng sagana;
Iyong pinapantay ang kaniyang mga bungkal;
Iyong mga pinalalambot ng ambon;
Iyong pinagpapala ang pagsibol niyaon.
11 Iyong dinudulutan ang taon ng iyong kabutihan;
At ang iyong mga landas ay pumapatak ng katabaan.
12 Nagsisipatak sa mga (U)pastulan sa ilang;
At ang mga burol ay nabibigkisan ng kagalakan.
13 Ang mga[a] pastulan ay nangabihisan ng mga kawan;
Ang mga libis naman ay nangatatakpan ng trigo;
Sila'y magsisihiyaw sa kagalakan, sila naman ay nagsisiawit.

Levitico 16:1-19

Rituwal tungkol sa taonang pagsisisi.

16 At sinalita ng Panginoon kay Moises, (A)pagkamatay ng dalawang anak ni Aaron, noong nagsilapit sa harap ng Panginoon, at namatay;

At sinabi ng Panginoon kay Moises, Salitain mo kay Aaron na iyong kapatid (B)na huwag pumasok tuwina sa dakong banal, sa loob ng tabing, sa harap ng luklukan ng awa na nasa ibabaw ng kaban; upang siya'y huwag mamatay: (C)sapagka't ako'y pakikitang nasa ulap sa ibabaw ng luklukan ng awa.

Ganito papasok nga si Aaron sa loob ng dakong banal, (D)may dalang isang guyang toro na handog dahil sa kasalanan, at isang tupang lalake na handog na susunugin.

(E)Siya'y magsusuot ng kasuutang banal, na lino at ng salawal na lino sa kaniyang laman, at magbibigkis siya ng pamigkis na lino, at ang mitra na lino ay kaniyang isusuot: ito ang mga bihisang banal; (F)at paliliguan niya ang kaniyang laman sa tubig at pawang isusuot niya.

(G)At siya'y kukuha sa kapisanan ng mga anak ni Israel, ng dalawang kambing na lalake na pinaka handog dahil sa kasalanan, at ng isang tupang lalake na pinaka handog na susunugin.

At ihaharap ni Aaron ang toro na handog dahil sa kasalanan na patungkol sa kaniyang sarili, (H)at itutubos niya sa kaniya at sa kaniyang sangbahayan.

At kukunin niya ang dalawang kambing at ilalagay niya sa harap ng Panginoon sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan.

At pagsasapalaran ni Aaron ang dalawang kambing; ang isang kapalaran ay sa Panginoon at ang isang kapalaran ay kay Azazel.

At ihaharap ni Aaron ang kambing na kinahulugan ng kapalaran sa Panginoon, at ihahandog na pinaka handog dahil sa kasalanan.

10 Nguni't ang kambing na kinahulugan ng kapalaran kay Azazel ay ilalagay na buháy sa harap ng Panginoon, upang itubos sa kaniya, at payaunin kay Azazel sa ilang.

11 At ihaharap ni Aaron (I)ang toro na handog dahil sa kasalanan, na patungkol sa kaniyang sarili, at itutubos sa kaniyang sarili at sa kaniyang sangbahayan, at papatayin ang toro na handog dahil sa kasalanan na patungkol sa kaniyang sarili:

12 (J)At kukuha siya mula sa dambana na nasa harap ng Panginoon ng isang suuban na puno ng mga baga; at kukuha ng dalawang dakot (K)ng masarap na kamangyan na totoong dikdik, at kaniyang dadalhin sa loob ng tabing:

13 (L)At ilalagay niya ang kamangyan sa ibabaw ng apoy sa harap ng Panginoon, upang ang mga usok ng kamangyan ay tumakip sa luklukan ng awa na (M)nasa ibabaw ng kaban ng patoo, upang huwag siyang mamatay:

14 (N)At siya'y kukuha ng dugo ng toro at iwiwisik ng kaniyang daliri sa ibabaw ng luklukan ng awa, sa dakong silanganan: at sa harap ng luklukan ng awa ay iwiwisik niyang makapito ng kaniyang daliri ang dugo.

15 (O)Kung magkagayo'y papatayin niya ang kambing na handog dahil sa kasalanan, na patungkol sa bayan, (P)at dadalhin ang dugo niyaon sa loob ng tabing, at ang gagawin sa dugo niyaon ay gaya ng ginawa sa dugo ng toro, at iwiwisik sa ibabaw ng luklukan ng awa at sa harap ng luklukan ng awa:

16 (Q)At itutubos niya sa dakong banal dahil sa mga karumalan ng mga anak ni Israel, at dahil sa kanilang mga pagsalangsang, sa makatuwid baga'y sa lahat nilang kasalanan: at gayon ang kaniyang gagawin sa tabernakulo ng kapisanan na nasa kanila, sa gitna ng kanilang mga karumalan,

17 At (R)huwag magkakaroon ng sinomang tao sa tabernakulo pagka siya'y papasok upang itubos sa loob ng dakong banal, hanggang sa lumabas siya, at matubos ang sarili, at ang kaniyang kasangbahay, at ang buong kapisanan ng Israel.

18 At lalabas siya sa dambana na nasa harap ng Panginoon, (S)at itutubos sa ito; at kukuha ng dugo ng toro, at ng dugo ng kambing, at ilalagay sa ibabaw ng mga anyong sungay ng dambana sa palibot.

19 At makapitong magwiwisik siya ng dugo sa dambana ng kaniyang daliri, at lilinisin at babanalin dahil sa mga karumalan ng mga anak ni Israel.

1 Tesalonica 4:13-18

13 Nguni't hindi namin ibig na kayo'y di makaalam, mga kapatid, tungkol sa nangatutulog; upang kayo'y huwag mangalumbay, na gaya ng mga iba, (A)na walang pagasa.

14 Sapagka't kung tayo'y nagsisisampalatayang si Jesus ay namatay at nabuhay na maguli, ay gayon (B)din naman ang nangatutulog kay Jesus ay dadalhin ng Dios na kasama niya.

15 Sapagka't ito'y sinasabi namin sa inyo sa salita ng Panginoon, na (C)tayong nangabubuhay, na nangatitira hanggang sa pagparito ng Panginoon, ay hindi tayo mangauuna sa anomang paraan sa nangatutulog.

16 Sapagka't (D)ang Panginoon din ang bababang mula sa langit, na may isang sigaw, may tinig ng (E)arkanghel, at may (F)pakakak ng Dios: at ang nangamatay kay Cristo ay (G)unang mangabubuhay na maguli;

17 Kung magkagayon, tayong nangabubuhay, na nangatitira, ay aagawing kasama nila (H)sa mga alapaap, upang salubungin ang Panginoon sa hangin: at sa ganito'y (I)sasa Panginoon tayo magpakailan man.

18 Kaya't mangagaliwan kayo sa isa't isa ng mga salitang ito.

Mateo 6:1-6

Mangagingat kayo na huwag magsigawa ng katuwiran sa harap ng mga tao, upang kanilang makita: sa ibang paraan ay wala kayong ganti ng inyong Ama na nasa langit.

Kaya nga pagka ikaw ay naglilimos, ay huwag kang tutugtog ng pakakak sa harap mo, na gaya ng ginagawa ng mga mapagpaimbabaw sa mga sinagoga at sa mga daan, upang sila'y mangagkapuri sa mga tao. Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Tinanggap na nila ang sa kanila'y ganti.

Datapuwa't pagka ikaw ay naglilimos, ay huwag maalaman ng iyong kaliwang kamay ang ginagawa ng iyong kanang kamay:

Upang ang iyong paglilimos ay malihim: at ang iyong Ama na nakakikita sa lihim ay gagantihin ka.

At pagka kayo ay nagsisidalangin, ay huwag kayong gaya ng mga mapagpaimbabaw: sapagka't iniibig nila ang magsidalangin ng patayo sa mga sinagoga at sa mga likuang daan, upang sila'y mangakita ng mga tao. Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Tinanggap na nila ang sa kanila'y ganti.

Datapuwa't ikaw, pagka ikaw ay mananalangin, pumasok ka sa iyong silid, at kung mailapat mo na ang iyong pinto, ay manalangin ka sa iyong Ama na nasa lihim, at ang iyong Ama na nakakikita sa lihim ay gagantihin (A)ka.

Mateo 6:16-18

16 Bukod dito, (A)pagka kayo'y nangagaayuno, ay huwag kayong gaya ng mga mapagpaimbabaw, na may mapapanglaw na mukha: sapagka't kanilang pinasasama ang mga mukha nila, upang makita ng mga tao na sila'y nangagaayuno. Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Tinanggap na nila ang sa kanila'y ganti.

17 Datapuwa't ikaw, sa pagaayuno mo, ay (B)langisan mo ang iyong ulo, at hilamusan mo ang iyong mukha;

18 Upang huwag kang makita ng mga tao na ikaw ay nagaayuno, kundi ng Ama mo na nasa lihim: at ang Ama mo, na nakakikita sa lihim, ay gagantihin ka.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978