Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

M’Cheyne Bible Reading Plan

The classic M'Cheyne plan--read the Old Testament, New Testament, and Psalms or Gospels every day.
Duration: 365 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
2 Samuel 22

Awit ng pagpupuri ni David.

22 At sinalita ni (A)David ang mga salita ng awit na ito sa Panginoon nang araw na iligtas ng Panginoon siya sa kamay ng lahat ng kaniyang mga kaaway, at sa kamay ni Saul.

(B)At kaniyang sinabi,
Ang Panginoo'y aking malaking bato at aking katibayan, at tagapagligtas sa akin, sa makatuwid baga'y akin;
Ang Dios, ang (C)aking malaking bato, na sa (D)kaniya ako'y manganganlong:
Aking (E)kalasag, at siyang (F)sungay ng aking kaligtasan, aking matayog na moog at (G)ampunan sa akin;
Tagapagligtas sa akin, ikaw ang nagliligtas sa akin sa karahasan.
Ako'y tatawag sa Panginoon na (H)karapatdapat purihin:
Sa ganya'y maliligtas ako sa aking mga kaaway.
Sapagka't ang mga alon ng kamatayan ay kumulong sa akin;
Ang mga baha ng kalikuan ay tumakot sa akin.
Ang mga panali ng Sheol ay lumibid sa akin:
Ang mga silo ng kamatayan ay nagsisapit sa akin.
Sa aking pagkahapis ay tumawag ako sa Panginoon;
Oo, ako'y tumawag sa aking Dios:
At kaniyang dininig ang aking tinig mula sa kaniyang templo,
At ang aking daing (I)ay sumapit sa kaniyang mga pakinig.
(J)Nang magkagayo'y umuga ang lupa at nayanig.
(K)Ang mga pinagtitibayan ng langit ay nangakilos.
At nangauga, sapagka't siya'y nagalit.
Umilanglang ang usok mula sa kaniyang mga butas ng ilong,
At apoy na mula sa kaniyang bibig ay nanupok:
Mga baga ay nagalab sa pamamagitan niyaon.
10 (L)Kaniyang pinayukod din naman ang langit at bumaba:
(M)At salimuot na kadiliman ay nasa ilalim ng kaniyang mga paa.
11 At siya'y sumakay sa isang querubin at lumipad:
Oo, siya'y nakita (N)sa mga pakpak ng hangin.
12 At ang kadiliman ay kaniyang ginawang mga (O)kulandong sa palibot niya.
Na nagpisan ng tubig, ng masisinsing alapaap sa langit.
13 Sa kaningningan sa harap niya
Mga bagang apoy ay nagsipagalab.
14 (P)Ang Panginoo'y kumulog sa langit,
At ang Kataastaasan ay nagbigkas ng tinig niya.
15 (Q)At nagpahilagpos ng mga palaso, at pinangalat niya sila;
Kumidlat, at (R)nangatulig sila.
16 Nang magkagayo'y ang mga kalaliman sa dagat ay nangalitaw,
Ang mga pinagtibayan ng sanglibutan ay nangakita.
Dahil sa saway ng Panginoon,
Sa hihip ng hinga ng kaniyang mga butas ng ilong.
17 (S)Siya'y nagsugo mula sa itaas, kaniyang kinuha ako;
(T)kaniyang kinuha ako sa maraming tubig;
18 Kaniyang iniligtas ako sa aking malakas na kaaway,
Sa nangagtatanim sa akin; sapagka't sila'y totoong malakas kay sa akin.
19 (U)Sila'y nagsidating sa akin sa kaarawan ng sakuna ko:
Nguni't ang Panginoon ay siyang alalay sa akin.
20 (V)Kaniyang dinala din ako sa maluwang na dako:
Kaniyang iniligtas ako, (W)sapagka't kaniyang kinalugdan ako.
21 (X)Ginanti ako ng Panginoon ayon sa aking katuwiran:
Ayon sa (Y)kalinisan ng aking mga kamay ay kaniyang ginanti ako.
22 Sapagka't aking iningatan ang mga daan ng Panginoon,
At hindi ako humiwalay na may kasamaan sa aking Dios.
23 Sapagka't ang lahat niyang kahatulan ay (Z)nasa harap ko:
At tungkol sa kaniyang mga palatuntunan ay hindi ko hiniwalayan.
24 Ako rin nama'y sakdal sa harap niya,
At iningatan ko ang aking sarili mula sa kasamaan.
25 Kaya't ginanti ng Panginoon ako ayon sa aking katuwiran;
Ayon sa aking kalinisan sa kaniyang paningin.
26 (AA)Sa maawain ay magpapakamaawain ka;
Sa sakdal ay magpapakasakdal ka;
27 Sa dalisay ay magpapakadalisay ka;
At sa mga walang payo ay magwawalang payo ka.
28 At ang (AB)nagdadalamhating bayan ay iyong ililigtas:
Nguni't ang iyong mga mata ay nasa mga mapagmataas, upang iyong papagpakumbabain.
29 Sapagka't ikaw ang aking ilawan, Oh Panginoon:
At liliwanagan ng Panginoon ang aking kadiliman.
30 Sapagka't sa pamamagitan mo ay aking tatakbuhin ang pulutong:
Sa pamamagitan ng aking Dios ay aking luluksuhin ang kuta.
31 Tungkol sa Dios, ang kaniyang lakad ay sakdal;
(AC)Ang salita ng Panginoon ay subok;
(AD)Siya'y kalasag sa lahat ng sa kaniya'y kumakanlong.
32 (AE)Sapagka't sino ang Dios, liban sa Panginoon?
At sino ang malaking bato liban sa ating Dios?
33 Ang Dios ay aking matibay na katibayan:
At pinapatnubayan (AF)niya ang sakdal sa kaniyang lakad.
34 Kaniyang ginagawa ang mga paa niya na gaya ng sa mga usa;
At inilalagay niya ako sa aking matataas na dako.
35 (AG)Kaniyang tinuturuan ang aking mga kamay ng pakikidigma.
Na anopa't binabaluktok ng aking mga kamay ang busog na tanso.
36 Binigyan mo rin ako ng kalasag mong pangligtas:
At pinadakila ako ng iyong kaamuan.
37 (AH)Iyong pinalaki ang aking mga hakbang sa tinutungtungan ko,
At ang aking mga paa ay hindi nadulas.
38 Aking hinabol ang aking mga kaaway at akin silang pinapagpapatay;
Ni hindi ako bumalik uli hanggang sa sila'y nalipol.
39 At aking pinaglilipol, at aking pinagsasaktan sila, na anopa't sila'y hindi nangakabangon:
Oo, sila'y nangabuwal sa paanan ko.
40 Sapagka't (AI)ako'y binigkisan mo
ng kalakasan sa pagbabaka:
Iyong pinasuko sa akin yaong nagsisibangon laban sa akin.
41 (AJ)Iyo ring pinatalikod sa akin ang aking mga kaaway,
Upang aking mangaihiwalay ang nangagtatanim sa akin.
42 Sila'y nagsitingin, nguni't walang mangagligtas:
(AK)Sa Panginoon, nguni't hindi niya sinagot sila.
43 Nang magkagayo'y pinagbabayo ko sila na gaya ng alabok sa lupa;
Aking pinagyurakan sila na gaya ng (AL)putik sa mga lansangan, at akin silang pinapangalat.
44 (AM)Iniligtas mo rin ako sa mga pakikipagtalo sa aking bayan:
Iningatan mo ako na maging (AN)pangulo sa mga bansa;
Ang bayan na hindi ko nakilala ay maglilingkod sa akin.
45 (AO)Ang mga taga ibang lupa ay magsisisuko sa akin.
Pagkarinig nila tungkol sa akin, sila'y magsisitalima sa akin.
46 Ang mga taga ibang lupa ay manganglulupaypay,
At magsisilabas na nanganginginig (AP)sa kanilang mga kublihan.
47 Ang Panginoon ay buháy; at purihin nawa ang aking malaking bato;
At itanghal nawa ang Dios na malaking bato (AQ)ng aking kaligtasan,
48 Sa makatuwid baga'y ang Dios na ipinanghihiganti ako.
At pinangangayupapa sa akin (AR)ang mga bayan,
49 At inilalabas ako sa aking mga kaaway:
Oo, iyong pinapangingibabaw ako sa kanila na nagsisibangon laban sa akin:
Inililigtas mo ako sa (AS)marahas na lalake.
50 (AT)Kaya't pasasalamat ako sa iyo, Oh Panginoon, sa gitna ng mga bansa,
At aawit ako ng mga pagpuri sa iyong pangalan.
51 (AU)Dakilang pagliligtas ang ibinibigay niya sa kaniyang hari:
At nagmamagandang loob sa kaniyang (AV)pinahiran ng langis,
Kay David (AW)at sa kaniyang binhi magpakailan man.

Galacia 2

Nang makaraan nga ang labing-apat na taon (A)ay umahon akong muli sa Jerusalem na kasama si (B)Bernabe, at isinama ko rin naman si (C)Tito.

At ako'y umahon (D)dahil sa pahayag; (E)at isinaysay ko sa harapan nila ang evangelio na aking ipinangangaral sa gitna ng mga Gentil, datapuwa't sa harapan ng mga may dangal ay sa lihim, (F)baka sa anomang paraan ako'y tatakbo, o tumakbo, ng walang kabuluhan.

Datapuwa't maging si Tito man na kasama ko, bagama't Griego, ay hindi (G)napilit na patuli.

At yaon ay dahil sa mga (H)hindi tunay na kapatid na (I)ipinasok ng lihim, na nagsipasok ng lihim upang tiktikan ang aming (J)kalayaan na taglay namin kay Cristo Jesus, (K)upang kami'y ilagay nila sa pagkaalipin:

Sa mga yaon ay hindi kami napahinuhod na supilin kami, kahit isang oras; upang ang katotohanan ng evangelio ay manatili sa inyo.

Datapuwa't ang mga wari'y may dangal ng kaunti (maging anoman sila, ay walang anoman sa akin: ang Dios ay hindi tumatanggap ng anyo ninoman)—silang may dangal, sinasabi ko, ay hindi nagbahagi sa akin ng anoman:

Kundi bagkus (L)nang makita nila na (M)sa akin ay ipinagkatiwala ang evangelio ng di-pagtutuli, gaya rin naman ng pagkakatiwala kay Pedro ng evangelio ng pagtutuli

(Sapagka't ang naghanda kay Pedro sa pagkaapostol sa pagtutuli ay (N)naghanda rin naman sa akin sa pagkaapostol sa mga Gentil);

At nang makita nila ang biyayang sa akin ay ipinagkaloob, ang mga kanang kamay ng pakikisama ay ibinigay sa akin at kay (O)Bernabe ni (P)Santiago at ni (Q)Cefas at ni Juan, sila na mga (R)inaaring (S)haligi, upang kami ay magsiparoon sa mga Gentil, at sila'y sa pagtutuli;

10 Ang kanila lamang hinihiling (T)ay aming alalahanin ang mga dukha; na ang bagay ring ito'y aking pinagsisikapan gawain.

11 Nguni't nang dumating si Cefas sa (U)Antioquia, ay sumalansang ako sa kaniya ng mukhaan, sapagka't siya'y nararapat hatulan.

12 Sapagka't bago nagsidating ang ilang mula kay Santiago, ay (V)nakisalo siya sa mga Gentil; nguni't nang sila'y magsidating na, siya'y umurong, at humiwalay sa mga Gentil, palibhasa'y natatakot sa (W)mga sa pagtutuli.

13 At ang ibang mga Judio ay nangagpakunwari rin namang kasama niya: ano pa't pati si Bernabe ay nabuyo sa kanilang pagkukunwari.

14 Nguni't nang aking makita na hindi sila nagsisilakad ng matuwid ayon sa katotohanan ng evangelio, sinabi ko kay Cefas sa harapan nilang lahat, Kung ikaw, na Judio, ay namumuhay gaya ng mga Gentil, at di gaya ng mga Judio, bakit mo pinipilit ang mga Gentil na mamuhay na gaya ng mga Judio?

15 Tayo'y mga Judio sa katutubo, at hindi mga (X)makasalanang Gentil,

16 Bagama't naaalaman (Y)na ang tao ay hindi inaaring-ganap sa mga gawang ayon sa kautusan, maliban na (Z)sa pamamagitan ng pananampalataya kay Jesucristo, tayo rin ay nagsisampalataya kay Cristo Jesus, upang tayo'y ariing-ganap sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo, at hindi dahil sa mga gawang ayon sa kautusan: sapagka't sa mga gawang ayon sa kautusan ay hindi aariing-ganap ang sinomang laman.

17 Nguni't kung, samantalang ating pinagsisikapan na tayo'y ariing-ganap kay Cristo, ay tayo rin naman ay nangasusumpungang mga makasalanan, si Cristo baga ay ministro ng kasalanan? Huwag nawang mangyari.

18 Kung akin ngang muling itayo ang mga bagay na aking sinira, sa aking sarili ay pinatutunayan ko na ako'y suwail.

19 Sapagka't ako (AA)sa pamamagitan ng kautusan (AB)ay namatay, sa kautusan, (AC)upang ako'y mabuhay sa Dios.

20 Ako'y napako sa krus na (AD)kasama ni Cristo; at hindi na ako ang nabubuhay, kundi si Cristo ang nabubuhay sa akin: at ang buhay na ikinabubuhay ko ngayon sa laman ay ikinabubuhay ko sa pananampalataya, ang pananampalataya na ito'y sa Anak ng Dios, na sa akin ay (AE)umibig, at (AF)ibinigay ang kaniyang sarili dahil sa akin.

21 Hindi ko niwawalan ng halaga ang biyaya ng Dios: (AG)sapagka't kung sa pamamagitan ng kautusan ay ang katuwiran, kung gayo'y si Cristo ay namatay ng walang kabuluhan.

Ezekiel 29

Ang hula laban sa Egipto.

29 Nang ikasangpung taon, nang ikasangpung buwan, nang ikalabing dalawang araw ng buwan, ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsasabi,

Anak ng tao, ititig mo ang iyong mukha laban kay Faraon na hari sa Egipto, at manghula ka laban sa kaniya, at (A)laban sa buong Egipto;

Iyong salitain, at iyong sabihin, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Narito, ako'y lalaban sa iyo, Faraong hari sa Egipto, na malaking (B)buwaya na nahihiga sa gitna ng kaniyang mga ilog, na nagsabi: Ang ilog ko ay aking sarili, at aking ginawa sa ganang aking sarili.

At (C)kakawitan kita ng mga pangbingwit sa iyong mga panga, at aking padidikitin ang isda ng iyong mga ilog sa iyong mga kaliskis; at isasampa kita mula sa gitna ng iyong mga ilog, na kasama ng lahat na isda ng iyong mga ilog na magsisidikit sa iyong mga kaliskis.

At ikaw ay aking iiwan tapon sa ilang, ikaw at ang lahat na isda ng iyong mga ilog: ikaw ay mabubuwal sa luwal na parang; (D)ikaw ay hindi pipisanin, o pupulutin man; aking ibinigay kang pagkain sa mga hayop sa lupa, at sa mga ibon sa himpapawid.

At lahat ng nananahan sa Egipto ay makakaalam na ako ang Panginoon, sapagka't sila'y naging (E)tukod na tambo sa sangbahayan ni Israel.

Nang kanilang pigilan (F)ka sa iyong kamay, iyong binali, at iyong nilabnot ang kanilang mga balikat; at nang sila'y sumandal sa iyo, iyong binalian, at iyong pinapanghina ang kanilang mga balakang.

Kaya't ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Narito, pagdadalhan kita ng tabak sa iyo, at aking ihihiwalay sa iyo ang tao at hayop.

At ang lupain ng Egipto ay magiging giba at sira; at kanilang malalaman na ako ang Panginoon. Sapagka't kaniyang sinabi, Ang ilog ay akin, at aking ginawa;

10 Kaya't, narito, ako'y laban sa iyo, at laban sa iyong mga ilog, (G)at aking lubos na gigibain at sisirain ang lupain ng Egipto, (H)mula sa moog ng Seveneh hanggang sa hangganan ng Etiopia.

11 Walang paa ng tao na daraan doon, o paa man ng hayop ay daraan doon, o tatahanan man siyang apat na pung taon.

12 At aking gagawing sira ang lupain (I)ng Egipto sa gitna ng mga lupain na sira; at ang kaniyang mga bayan sa gitna ng mga bayang giba ay magiging sira na apat na pung taon; (J)at aking pangangalatin ang mga taga Egipto sa gitna ng mga bansa, at aking pananabugin sila sa mga lupain.

13 Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Sa katapusan (K)ng apat na pung taon ay aking pipisanin ang mga taga Egipto, mula sa mga bayan na kanilang pinangalatan;

14 At aking ibabalik uli ang mga bihag sa Egipto, at aking pababalikin sila sa lupain ng (L)Patros, na lupain na kinapanganakan sa kanila; at sila'y magiging doo'y isang mababang kaharian.

15 Siyang magiging pinakamababa sa mga kaharian; at hindi na matataas pa man ng higit kay sa mga bansa: at aking babawasan sila, upang huwag na silang magpuno sa mga bansa.

16 At hindi na magiging (M)pagasa pa ng sangbahayan ni Israel, na nagpapaalaala ng kasamaan, pagka kanilang lilingunin sila: at kanilang malalaman na ako ang Panginoong Dios.

17 At nangyari, nang ikadalawang pu't pitong taon, nang unang buwan, nang unang araw ng buwan, ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsasabi:

18 Anak ng tao, (N)pinapaglilingkod ng mabigat ni (O)Nabucodonosor na hari sa Babilonia ang kaniyang kawal laban sa Tiro: lahat ng ulo ay nakalbo, at lahat ng balikat ay nalabnot; gayon ma'y wala siyang kaupahan, o ang kaniyang hukbo man, mula sa Tiro, sa paglilingkod na kaniyang ipinaglingkod laban doon.

19 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Narito, (P)aking ibibigay ang lupain ng Egipto kay Nabucodonosor na hari sa Babilonia; at dadalhin niya ang kaniyang karamihan, at kukunin ang samsam sa kaniya, at kukunin ang huli sa kaniya; at magiging kaupahan para sa kaniyang hukbo.

20 Ibinigay ko sa kaniya ang lupain ng Egipto na pinakaganti sa kaniya dahil sa kaniyang ipinaglingkod, sapagka't sila'y nagsipagpagal ng dahil sa akin, sabi ng Panginoong Dios.

21 Sa araw na yao'y (Q)aking palilitawin ang isang sungay upang tumulong sa sangbahayan ni Israel, at aking papangyayarihin ang (R)iyong salita sa gitna nila: at kanilang malalaman na ako ang Panginoon.

Mga Awit 78:1-37

Ang pagakay ng Panginoon sa kaniyang bayan sa kabila ng pagkawalang tiwala. Masquil ni Asaph.

78 Makinig kayo, Oh bayan ko, sa aking kautusan:
Ikiling ninyo ang inyong mga pakinig sa mga salita ng aking bibig.
(A)Aking bubukhin ang aking bibig sa isang talinghaga;
Ako'y magsasalita ng mga malabong (B)sabi ng una:
(C)Na aming narinig at naalaman,
At isinaysay sa amin ng aming mga magulang.
(D)Hindi namin ikukubli sa kanilang mga anak,
(E)Na isasaysay sa salin ng lahing darating ang mga pagpuri sa Panginoon,
At ang kaniyang kalakasan, at ang kaniyang mga kagilagilalas na mga gawa na kaniyang ginawa.
Sapagka't siya'y nagtatag ng (F)patotoo sa Jacob,
At nagtakda ng kautusan sa Israel,
Na kaniyang iniutos sa aming mga magulang,
Na kanilang ipabatid sa kanilang mga anak:
(G)Upang maalaman ng lahing darating, sa makatuwid baga'y ng mga anak na ipanganganak;
Na siyang magsisibangon, at mangagsasaysay sa kanilang mga anak:
Upang kanilang mailagak ang kanilang pagasa sa Dios,
At huwag kalimutan ang mga gawa ng Dios,
Kundi ingatan ang kaniyang mga utos:
At huwag maging gaya ng kanilang mga magulang,
(H)May matigas na ulo at mapanghimagsik na lahi;
Isang lahing di naglagay sa matuwid ng kanilang puso,
At ang kanilang diwa ay hindi tapat sa Dios,
Ang mga anak ni Ephraim, gayong may sakbat at may dalang mga busog,
At nagsitalikod sa kaarawan ng pagbabaka.
10 Hindi nila tinupad ang tipan ng Dios,
At nagsitangging magsilakad sa kaniyang kautusan;
11 At kanilang kinalimutan ang kaniyang mga gawa,
At ang kaniyang mga kagilagilalas na mga gawa na kaniyang ipinakita sa kanila.
12 Mga kagilagilalas na mga bagay ay ginawa niya (I)sa paningin ng kanilang mga magulang,
Sa lupain ng Egipto, (J)sa parang ng Zoan.
13 (K)Hinawi niya ang dagat, at pinaraan niya sila;
At kaniyang pinatayo ang tubig na parang bunton.
14 (L)Sa araw naman ay kaniyang pinatnubayan sila sa pamamagitan ng isang ulap,
At buong gabi ay sa pamamagitan ng tanglaw na apoy.
15 (M)Kaniyang pinuwangan ang mga bato sa ilang,
At pinainom niya sila ng sagana na gaya ng mula sa mga kalaliman.
16 Nagpabukal naman siya mula sa bato.
At nagpababa ng tubig na parang mga ilog.
17 Gayon ma'y nagkasala uli sila laban sa kaniya,
(N)Upang manghimagsik laban sa Kataastaasan sa ilang.
18 At kanilang (O)tinukso ang Dios sa kanilang puso,
Sa paghingi ng pagkain sa kanilang pita.
19 Oo, sila'y nagsalita laban sa Dios;
Kanilang sinabi, Makapaghahanda ba ang Dios ng dulang sa ilang?
20 (P)Narito, kaniyang pinalo ang bato, na ang mga tubig ay bumubuluwak,
At mga bukal ay nagsisiapaw;
Makapagbibigay ba siya ng tinapay naman?
Ipaghahanda ba niya ng karne ang kaniyang bayan?
21 Kaya't narinig ng Panginoon, (Q)at napoot:
At isang apoy ay nagalab laban sa Jacob,
At galit naman ay napailanglang laban sa Israel;
22 Sapagka't sila'y hindi nagsisampalataya sa Dios,
At hindi nagsitiwala sa kaniyang pagliligtas.
23 Gayon ma'y nagutos siya sa mga langit sa itaas,
At binuksan ang mga pintuan ng langit;
24 (R)At pinaulanan niya sila ng mana upang makain.
At binigyan sila ng (S)trigo ng langit.
25 Kumain ang tao ng (T)tinapay ng makapangyarihan:
Pinadalhan niya sila ng pagkain Hanggang sa nangabusog.
26 (U)Kaniyang pinahihip ang hanging silanganan sa mga langit:
At sa pamamagitan ng kaniyang kapangyarihan ay pinatnubayan niya ang hanging timugan.
27 Pinaulanan naman niya sila ng karne na parang alabok,
At ng mga ibong parang buhangin sa mga dagat:
28 (V)At pinalagpak niya sa gitna ng kanilang kampamento,
Sa palibot ng kanilang mga tahanan.
29 Sa gayo'y nagsikain sila, at nangabusog na mabuti;
At ibinigay niya sa kanila ang (W)kanilang pita.
30 Hindi sila nagsihiwalay sa kanilang pita,
Ang kanilang pagkain ay nasa kanila pang mga bibig,
31 Nang ang galit ng Dios ay paitaas laban sa kanila,
At (X)pumatay sa mga pinakamataba sa kanila,
At sinaktan ang mga binata sa Israel.
32 Sa lahat ng ito ay (Y)nangagkasala pa sila,
At hindi naniwala sa kaniyang kagilagilalas na mga gawa.
33 (Z)Kaya't kaniyang pinaram ang kanilang mga kaarawan sa (AA)walang kabuluhan,
At ang kanilang mga taon ay sa mga kakilabutan.
34 (AB)Nang kaniyang patayin sila, sila'y nangagusisa sa kaniya: at sila'y nagsibalik, at nagsihanap ng tapat sa Dios.
35 At kanilang naalaala na ang (AC)Dios ay kanilang malaking bato,
At ang Kataastaasang Dios ay (AD)kanilang manunubos.
36 Nguni't tinutuya nila (AE)siya ng kanilang bibig,
At pinagbubulaanan nila siya ng kanilang dila.
37 Sapagka't ang kanilang puso ay hindi matuwid sa kaniya,
Ni tapat man sila sa kaniyang tipan.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978