Bible in 90 Days
18 Kung kayo'y kinapopootan ng sanglibutan, ay inyong (A)talastas na ako muna ang kinapootan bago kayo.
19 Kung kayo'y taga sanglibutan, ay (B)iibigin ng sanglibutan ang kaniyang sarili: nguni't (C)sapagka't kayo'y hindi taga sanglibutan, kundi kayo'y hinirang ko sa sanglibutan, kaya napopoot sa inyo ang sanglibutan.
20 Alalahanin ninyo ang salitang sa inyo'y aking sinabi, (D)Ang alipin ay hindi dakila kay sa kaniyang panginoon. Kung ako'y kanilang pinagusig, kayo man ay kanilang paguusigin din; kung tinupad nila ang aking salita, ang inyo man ay tutuparin din.
21 Datapuwa't ang lahat ng mga bagay na ito ay gagawin nila sa inyo (E)dahil sa aking pangalan, (F)sapagka't hindi nila nakikilala ang sa akin ay nagsugo.
22 Kung hindi sana ako naparito (G)at nagsalita sa kanila, ay hindi sila magkakaroon ng kasalanan: datapuwa't ngayo'y wala na silang madadahilan sa kanilang kasalanan.
23 Ang napopoot sa akin ay napopoot din naman sa aking Ama.
24 Kung ako sana'y hindi gumawa sa gitna nila (H)ng mga gawang hindi ginawa ng sinomang iba, ay hindi sana sila nangagkaroon ng kasalanan: datapuwa't ngayon ay kanilang nangakita at kinapootan nila ako at ang aking Ama.
25 Nguni't nangyari ito, upang matupad ang salitang nasusulat sa (I)kanilang kautusan, (J)Ako'y kinapootan nila na walang kadahilanan.
26 Datapuwa't pagparito (K)ng Mangaaliw, na aking susuguin sa inyo mula sa Ama, sa makatuwid baga'y ang Espiritu ng katotohanan, na nagbubuhat sa Ama, ay siyang magpapatotoo sa akin:
27 At kayo naman ay magpapatotoo, sapagka't kayo'y nangakasama ko (L)buhat pa nang una.
16 (M)Ang mga bagay na ito'y aking sinalita sa inyo, (N)upang kayo'y huwag mangatisod.
2 Kayo'y palalayasin nila sa mga sinagoga: (O)oo, dumarating ang oras, (P)na ang sinomang pumatay sa inyo ay aakalaing naghahandog siya ng paglilingkod sa Dios.
3 At ang mga bagay na ito'y gagawin nila, sapagka't hindi nila nakikilala ang Ama, ni ako man.
4 Datapuwa't ang mga bagay na ito'y sinalita ko sa inyo, upang kung dumating ang kanilang oras, ay inyong mangaalaala, kung paanong sinabi ko sa inyo. At ang mga bagay na ito'y hindi ko sinabi sa inyo buhat pa nang una, sapagka't ako'y sumasa inyo.
5 Datapuwa't ngayong (Q)ako'y paroroon sa nagsugo sa akin; at (R)sinoman sa inyo ay walang nagtatanong sa akin, Saan ka paroroon?
6 Nguni't sapagka't sinalita ko ang mga bagay na ito sa inyo, ay napuno (S)ng kalumbayan ang inyong puso.
7 Gayon ma'y sinasalita ko sa inyo ang katotohanan: Nararapat sa inyo na ako'y yumaon; sapagka't kung hindi ako yayaon, (T)ang Mangaaliw ay hindi paririto sa inyo; nguni't kung ako'y yumaon, siya'y susuguin ko sa inyo.
8 At siya, pagparito niya, ay kaniyang susumbatan ang sanglibutan tungkol sa kasalanan, at sa katuwiran, at sa paghatol:
9 (U)Tungkol sa kasalanan, sapagka't hindi sila nagsisampalataya sa akin;
10 (V)Tungkol sa katuwiran, sapagka't ako'y paroroon sa Ama, at hindi na ninyo ako makikita;
11 Tungkol sa paghatol, (W)sapagka't ang prinsipe ng sanglibutang ito ay hinatulan na.
12 Mayroon pa akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, (X)nguni't ngayon ay hindi ninyo mangatitiis.
13 Gayon ma'y kung siya, ang (Y)Espiritu ng katotohanan ay dumating, (Z)ay papatnubayan niya kayo sa buong katotohanan: sapagka't hindi siya magsasalita ng mula sa kaniyang sarili; kundi ang anomang bagay na kaniyang marinig, ang mga ito ang kaniyang sasalitain: at kaniyang ipahahayag sa inyo ang mga bagay na magsisidating.
14 Luluwalhatiin niya ako: sapagka't kukuha siya sa nasa akin, at sa inyo'y ipahahayag.
15 Ang lahat ng mga bagay na nasa Ama (AA)ay akin: kaya sinabi ko, na siya'y kukuha sa nasa akin, at sa inyo'y ipahahayag.
16 Sangdali na lamang, (AB)at ako'y hindi na ninyo makikita; at muling sandali pa, at ako'y inyong makikita.
17 Ang ilan sa kaniyang mga alagad nga ay nangagsangusapan, Ano itong sinasabi niya sa atin, Sangdali na lamang, at ako'y hindi na ninyo makikita; at muling sangdali pa, at ako'y inyong makikita: at, Sapagka't ako'y paroroon sa Ama?
18 Sinabi nga nila, Ano nga itong sinasabi niya, Sangdali na lamang? Hindi namin nalalaman kung ano ang sinasabi niya.
19 Natalastas ni Jesus na sa kaniya'y ibig nilang itanong, at sa kanila'y sinabi niya, Nangagtatanungan kayo tungkol dito sa aking sinabi, Sangdali na lamang, at ako'y hindi na ninyo makikita, at muling sangdali pa, at ako'y inyong makikita?
20 Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, na kayo'y magsisiiyak at magsisipanaghoy, datapuwa't ang sanglibutan ay magagalak: kayo'y mangalulumbay, datapuwa't (AC)ang inyong kalumbayan ay magiging kagalakan.
21 Ang babae pagka nanganganak (AD)ay nalulumbay, sapagka't dumating ang kaniyang oras: nguni't pagkapanganak niya sa sanggol, ay hindi na niya naalaala ang hirap dahil sa kagalakan sa pagkapanganak sa isang tao sa sanglibutan.
22 At kayo nga sa ngayon ay may kalumbayan: nguni't muli ko kayong makikita, at magagalak ang inyong puso, at walang makapagaalis sa inyo ng inyong kagalakan.
23 (AE)At sa araw na yaon ay hindi kayo magtatanong sa akin ng anomang tanong. (AF)Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Kung kayo'y hihingi ng anoman sa Ama, ay ibibigay niya sa inyo sa aking pangalan.
24 Hanggang ngayo'y wala pa kayong hinihinging anoman sa pangalan ko: kayo'y magsihingi, at kayo'y tatanggap, (AG)upang malubos ang inyong kagalakan.
25 Sinalita ko sa inyo ang mga bagay na ito sa malalabong pananalita: darating ang oras, na hindi ko na kayo pagsasalitaan sa malalabong pananalita, kundi (AH)maliwanag na sa inyo'y sasaysayin ko ang tungkol sa Ama.
26 Sa araw na yao'y magsisihingi kayo sa aking pangalan: at sa inyo'y hindi ko sinasabi, na kayo'y idadalangin ko sa Ama;
27 Sapagka't (AI)ang Ama rin ang umiibig sa inyo, sapagka't ako'y inyong inibig, (AJ)at kayo'y nagsisampalataya na ako'y nagbuhat sa Ama.
28 Nagbuhat ako sa Ama, (AK)at naparito ako sa sanglibutan: muling iniiwan ko ang sanglibutan, at (AL)ako'y paroroon sa Ama.
29 Sinasabi ng kaniyang mga alagad, Narito, ngayo'y nagsasalita kang malinaw, at wala kang sinasalitang anomang malabong pananalita.
30 Ngayon ay nakikilala namin na nalalaman mo ang lahat ng mga bagay, at hindi nangangailangan na tanungin ka ng sinoman: dahil dito'y nagsisisampalataya kami na ikaw ay nagbuhat sa Dios.
31 Sinagot sila ni Jesus, Ngayon baga'y nagsisisampalataya kayo?
32 Narito, ang oras ay dumarating, (AM)oo, dumating na, na kayo'y mangangalat, ang bawa't tao sa kanikaniyang sarili, at ako'y iiwan ninyong magisa: (AN)at gayon ma'y hindi ako nagiisa, sapagka't ang Ama ay sumasa akin.
33 Ang mga bagay na ito ay sinalita ko sa inyo, upang kayo'y magkaroon (AO)sa akin ng kapayapaan. (AP)Sa sanglibutan ay mayroon kayong kapighatian: nguni't laksan ninyo ang loob; (AQ)aking dinaig ang sanglibutan.
17 Ang mga bagay na ito ay sinalita ni Jesus; (AR)at sa pagtingala ng kaniyang mga mata sa langit, ay sinabi niya, Ama, dumating na ang oras; (AS)luwalhatiin mo ang iyong Anak, upang ikaw ay luwalhatiin ng Anak:
2 Gaya ng ibinigay mo (AT)sa kaniya ang kapamahalaan sa lahat ng laman, upang bigyan niya ng buhay na walang hanggan (AU)ang lahat ng ibinigay mo sa kaniya.
3 At ito ang buhay na walang hanggan, na ikaw ay makilala nila na iisang (AV)Dios na tunay, (AW)at siyang iyong sinugo, sa makatuwid baga'y si Jesucristo.
4 Niluwalhati (AX)kita sa lupa, (AY)pagkaganap ko ng gawa na ipinagawa mo sa akin.
5 At ngayon, Ama, (AZ)luwalhatiin mo ako sa iyo rin ng kaluwalhatiang (BA)aking tinamo sa iyo (BB)bago ang sanglibutan ay naging gayon.
6 Ipinahayag ko ang iyong pangalan sa mga tao (BC)na ibinigay mo sa akin mula sa sanglibutan: sila'y iyo, at sila'y ibinigay mo sa akin; at (BD)tinupad nila ang iyong salita.
7 Ngayon ay (BE)nangakilala nila na ang lahat ng mga bagay na sa akin ay ibinigay mo ay mula sa iyo:
8 Sapagka't ang mga salitang sa akin ay ibinigay mo ay ibinigay ko sa kanila; at kanilang tinanggap, at nangakilala nilang tunay na nagbuhat ako sa iyo, at nagsipaniwalang ikaw ang nagsugo sa akin.
9 (BF)Idinadalangin ko sila: (BG)hindi ang sanglibutan ang idinadalangin ko, kundi yaong mga sa akin ay ibinigay mo; (BH)sapagka't sila'y iyo:
10 At ang lahat ng mga bagay ay iyo, at ang mga iyo ay akin: at ako'y lumuluwalhati sa kanila.
11 At wala na ako sa sanglibutan, at ang mga ito ay nasa sanglibutan, at ako'y paririyan sa iyo. Amang Banal, ingatan mo sila sa iyong pangalan yaong mga ibinigay mo sa akin, (BI)upang sila'y maging isa, (BJ)na gaya naman natin.
12 Samantalang ako'y sumasa kanila, ay iningatan ko sila sa iyong pangalan yaong mga ibinigay mo sa akin: at sila'y binantayan ko, at (BK)isa man sa kanila'y walang napahamak, kundi (BL)ang anak ng kapahamakan; (BM)upang matupad ang kasulatan.
13 Nguni't ngayon ay napaririyan ako sa iyo; at sinasalita ko ang mga bagay na ito sa sanglibutan, upang sila'y mangagtamo ng (BN)aking kagalakang ganap sa kanila rin.
14 Ibinigay ko sa kanila ang iyong salita: (BO)at kinapootan sila ng sanglibutan, sapagka't hindi sila taga sanglibutan, gaya ko naman na hindi taga sanglibutan.
15 Hindi ko idinadalangin na alisin mo sila sa sanglibutan, kundi ingatan mo sila (BP)mula sa masama.
16 Hindi sila taga sanglibutan, na gaya ko naman na hindi taga sanglibutan.
17 (BQ)Pakabanalin mo sila (BR)sa katotohanan: (BS)ang salita mo'y katotohanan.
18 Kung paanong (BT)ako'y iyong sinugo sa sanglibutan, sila'y gayon ding sinusugo ko sa sanglibutan.
19 At dahil sa kanila'y (BU)pinabanal ko ang aking sarili, upang sila naman ay mangagpakabanal sa katotohanan.
20 Hindi lamang sila ang idinadalangin ko, kundi sila rin naman na mga nagsisisampalataya sa akin sa pamamagitan ng kanilang salita;
21 Upang silang lahat ay maging (BV)isa; na gaya mo, Ama, sa akin, at ako'y sa iyo, (BW)na sila nama'y suma atin: upang ang sanglibutan ay sumampalataya na ako'y sinugo mo.
22 At (BX)ang kaluwalhatiang sa aki'y ibinigay mo (BY)ay ibinigay ko sa kanila; upang sila'y maging isa, na gaya naman natin na iisa;
23 Ako'y sa kanila, at ikaw ay sa akin, (BZ)upang sila'y malubos sa pagkakaisa; (CA)upang makilala ng sanglibutan na ikaw ang sa akin ay nagsugo, at sila'y iyong inibig, na gaya ko na inibig mo.
24 Ama, (CB)yaong mga ibinigay mo sa akin ay ibig kong kung saan ako naroroon, sila naman ay dumoong kasama ko, (CC)upang makita nila ang kaluwalhatian ko, na ibinigay mo sa akin: sapagka't ako'y iyong inibig (CD)bago natatag ang sanglibutan.
25 Oh Amang banal, hindi ka nakikilala ng sanglibutan, nguni't nakikilala kita; at nakikilala ng mga ito na ikaw ang nagsugo sa akin;
26 At ipinakilala ko sa kanila ang (CE)iyong pangalan, at ipakikilala ko; upang ang pagibig (CF)na sa akin ay iniibig mo ay mapasa kanila, at ako'y sa kanila.
18 Nang masalita ni Jesus ang mga salitang ito, (CG)siya'y umalis na kasama ng kaniyang mga alagad na nagsitawid ng batis ng Cedron, na doo'y may isang halamanan, na pinasok niya at ng kaniyang mga alagad.
2 Si Judas nga rin naman, na sa kaniya'y nagkanulo, ay nalalaman ang dako: sapagka't madalas na si (CH)Jesus ay nakikipagkatipon sa kaniyang mga alagad doon.
3 Si Judas nga, (CI)pagkatanggap ng pulutong ng mga kawal, at mga punong kawal na mula sa mga pangulong saserdote at mga Fariseo, ay nagsiparoon na may mga ilawan at mga sulo at mga sandata.
4 Si Jesus nga, na nakatataho ng lahat ng mga bagay na sasapit sa kaniya, ay lumabas, at sa kanila'y sinabi, Sino ang inyong hinahanap?
5 Sinagot niya sila, Si Jesus na taga Nazaret. Sinabi sa kanila ni Jesus, Ako nga. At si Judas din naman, na sa kaniya'y nagkanulo, ay nakatayong kasama nila.
6 Pagkasabi nga niya sa kanila, Ako nga, ay nagsiurong sila, at nangalugmok sa lupa.
7 Muli ngang sila'y tinanong niya, Sino ang inyong hinahanap? At sinabi nila, Si Jesus na taga Nazaret.
8 Sumagot si Jesus, Sinabi ko sa inyo na ako nga; kung ako nga ang inyong hinahanap, ay pabayaan ninyo ang mga ito na magsiyaon sa kanilang lakad.
9 Upang matupad ang salitang sinalita niya, (CJ)Sa mga ibinigay mo sa akin ay hindi ko iniwala kahit isa.
10 Si Simon Pedro nga na may tabak ay nagbunot nito, at sinugatan ang alipin ng dakilang saserdote, at tinagpas ang kaniyang kanang tainga. Ang pangalan ng aliping yaon ay Malco.
11 Sinabi nga ni Jesus kay Pedro, Isalong mo ang iyong tabak: (CK)ang sarong sa akin ay ibinigay ng Ama, ay hindi ko baga iinuman?
12 Kaya dinakip si Jesus ng pulutong at ng pangulong kapitan, at ng mga punong kawal ng mga Judio, at siya'y ginapos.
13 At (CL)siya'y dinala muna (CM)kay Anas; sapagka't siya'y biyenan ni (CN)Caifas, na dakilang saserdote nang taong yaon.
14 Si Caifas nga (CO)na siyang nagpayo sa mga Judio, na dapat na ang isang tao'y mamatay dahil sa bayan.
15 At sumunod si (CP)Simon Pedro kay Jesus, at gayon din ang isa pang alagad. Ang alagad ngang yaon ay kilala ng dakilang saserdote, at pumasok na kasama ni Jesus sa looban ng dakilang saserdote;
16 Nguni't si Pedro ay (CQ)nakatayo sa pintuan sa labas. Kaya't ang isang alagad, na kilala ng dakilang saserdote ay lumabas at kinausap ang babaing tanod-pinto, at ipinasok si Pedro.
17 Sinabi nga kay Pedro ng dalagang tanod-pinto, Pati baga ikaw ay isa sa mga alagad ng taong ito? Sinabi niya, Ako'y hindi.
18 Nangakatayo nga doon ang mga alipin at ang mga punong kawal, na nangagpapaningas ng sigang uling; sapagka't maginaw; at sila'y nangagpapainit: at si Pedro rin naman ay kasama nila, na nakatayo at nagpapainit.
19 (CR)Tinanong nga ng dakilang saserdote si Jesus tungkol sa kaniyang mga alagad, at sa kaniyang pagtuturo.
20 Sinagot siya ni Jesus, Ako'y hayag na nagsalita sa sanglibutan; ako'y laging nagtuturo (CS)sa mga sinagoga, at sa templo, na siyang pinagkakatipunan ng lahat ng mga Judio; at wala akong sinalita sa lihim.
21 Bakit ako'y iyong tinatanong? tanungin mo silang nangakarinig sa akin, kung anong sinalita ko sa kanila: narito, ang mga ito ang nangakakaalam ng mga bagay na sinabi ko.
22 At nang kaniyang masabi ito, ay sinampal si Jesus ng isa sa mga punong kawal na nakatayo roon, na nagsasabi, (CT)Ganyan ang pagsagot mo sa dakilang saserdote?
23 Sinagot siya ni Jesus, Kung ako'y nagsalita ng masama, patotohanan mo ang kasamaan; datapuwa't kung mabuti, bakit mo ako sinasampal?
24 Ipinadala nga siyang gapos ni Anas kay Caifas na dakilang saserdote.
25 Nakatayo nga si Pedro na nagpapainit. (CU)Sinabi nga nila sa kaniya, Ikaw baga ay isa rin naman sa kaniyang mga alagad? Siya'y kumaila, at sinabi, Ako'y hindi.
26 Ang isa sa mga alipin ng dakilang saserdote, na kamaganak (CV)niyaong tinagpas ni Pedro ang tainga, ay nagsabi, Hindi baga ikaw ay nakita kong kasama niya sa halamanan?
27 Muli ngang kumaila si Pedro: at (CW)pagdaka'y tumilaok ang manok.
28 Dinala nga nila si Jesus mula kay Caifas hanggang sa Pretorio: at niyao'y maaga pa; (CX)at sila'y hindi nagsipasok sa Pretorio, upang huwag silang madungisan, (CY)upang sila'y mangyaring makakain ng kordero ng paskua.
29 (CZ)Nilabas nga sila ni Pilato, at sinabi, Anong sakdal ang dala ninyo laban sa taong ito?
30 Sila'y nagsisagot at sinabi sa kaniya, Kung ang taong ito'y hindi manggagawa ng masama, ay hindi sana namin dinala sa iyo.
31 Sa kanila nga'y sinabi ni Pilato, Kunin ninyo siya, at siya'y inyong hatulan ayon sa inyong kautusan. Ang mga Judio'y nangagsabi sa kaniya, Sa amin ay hindi naaayon sa kautusan na magpapatay ng sinomang tao:
32 Upang matupad (DA)ang salitang sinalita ni Jesus, na ipinaalam kung sa anong paraan ng kamatayan siya mamamatay.
33 Si Pilato nga'y muling pumasok sa Pretorio, at tinawag si Jesus, at sa kaniya'y sinabi, Ikaw baga ang Hari ng mga Judio?
34 Sumagot si Jesus, Sinasabi mo baga ito sa iyong sarili, o sinabi sa iyo ng mga iba tungkol sa akin?
35 Si Pilato ay sumagot, Ako baga'y Judio? Ang iyong sariling bansa at ang mga pangulong saserdote ang sa iyo'y nagdala sa akin: anong ginawa mo?
36 Sumagot si Jesus, (DB)Ang kaharian ko ay hindi (DC)sa sanglibutang ito: kung ang kaharian ko ay sa sanglibutang ito, ang aking mga alipin nga ay makikipagbaka, upang ako'y huwag (DD)maibigay sa mga Judio: nguni't ngayo'y ang aking kaharian ay hindi rito.
37 Sinabi nga sa kaniya ni Pilato, Ikaw nga baga'y hari? Sumagot si Jesus, (DE)Ikaw ang nagsasabing ako'y hari. (DF)Ako'y ipinanganak dahil dito, dahil dito ako naparito sa (DG)sanglibutan, upang bigyang patotoo ang katotohanan. (DH)Ang bawa't isang ayon sa katotohanan ay nakikinig ng aking tinig.
38 Sinabi sa kaniya ni Pilato, Ano ang katotohanan?
At nang masabi niya ito ay (DI)lumabas siyang muli sa mga Judio, at sa kanila'y sinabi, Wala akong masumpungang anomang kasalanan sa kaniya.
39 Nguni't kayo'y (DJ)may ugali, na pawalan sa inyo ang isa sa paskua: ibig nga baga ninyong sa inyo'y pawalan ko ang Hari ng mga Judio?
40 Sila nga'y nagsigawang muli, na nangagsasabi, Huwag ang taong ito, kundi si Barrabas. Si Barrabas nga'y isang tulisan.
19 Nang magkagayon nga'y tinangnan ni Pilato si Jesus, at siya'y hinampas.
2 (DK)At ang mga kawal ay nangagkamakama ng isang putong na tinik, at ipinutong sa kaniyang ulo, at siya'y sinuutan ng isang balabal na kulay-ube;
3 At sila'y nagsilapit sa kaniya, at nangagsabi, Magalak, Hari ng mga Judio! at siya'y kanilang pinagsuntukanan.
4 At si Pilato ay lumabas na muli, at sa kanila'y sinabi, Narito, siya'y inilabas ko sa inyo, upang inyong matalastas na (DL)wala akong masumpungang anomang kasalanan sa kaniya.
5 Lumabas nga si Jesus, na may putong na tinik at balabal na kulay-ube. Sa kanila'y sinabi ni Pilato, Narito, ang tao!
6 Pagkakita nga sa kaniya ng mga pangulong saserdote at ng mga punong kawal, ay sila'y nangagsigawan, na sinasabi, Ipako siya sa krus, ipako siya sa krus! Sinabi sa kanila ni Pilato, Kunin ninyo siya, at ipako ninyo siya sa krus: sapagka't ako'y walang masumpungang kasalanan sa kaniya.
7 Nagsisagot sa kaniya ang mga Judio, (DM)Kami'y mayroong isang kautusan, at ayon sa kautusang yaon ay nararapat siyang mamatay, sapagka't siya'y nagpapanggap na Anak ng Dios.
8 Pagkarinig nga ni Pilato ng salitang ito, (DN)ay lalong sinidlan siya ng takot;
9 At siya'y muling pumasok sa Pretorio, at sinabi kay Jesus, Taga saan ka? (DO)Nguni't hindi siya sinagot ni Jesus.
10 Sinabi nga sa kaniya ni Pilato, Sa akin ay hindi ka nagsasalita? Hindi mo baga nalalaman na ako'y may kapangyarihang sa iyo'y magpawala, at may kapangyarihang sa iyo'y magpako sa krus?
11 Sumagot si Jesus sa kaniya, Anomang kapangyarihan ay hindi ka magkakaroon laban sa akin malibang ito'y ibinigay (DP)sa iyo mula sa itaas: kaya't (DQ)ang nagdala sa iyo sa akin ay may lalong malaking kasalanan.
12 Dahil dito'y pinagsisikapan ni Pilato na siya'y pawalan: nguni't ang mga Judio ay nagsisigawan, na nangagsasabi, Kung pawalan mo ang taong ito, ay hindi ka kaibigan ni Cesar: (DR)ang bawa't isang nagpapanggap na hari ay nagsasalita ng laban kay Cesar.
13 Nang marinig nga ni Pilato ang mga salitang ito, (DS)ay inilabas niya si Jesus, at siya'y naupo sa hukuman sa dakong tinatawag na Pavimento, datapuwa't sa Hebreo ay Gabbatha.
14 (DT)Noon nga'y Paghahanda ng paskua: at noo'y (DU)magiikaanim ng oras. At sinabi niya sa mga Judio, Narito, ang inyong Hari!
15 Sila nga'y nagsigawan, Alisin siya, alisin siya, ipako siya sa krus! Sinabi sa kanila ni Pilato, Ipapako ko baga sa krus ang inyong Hari? Nagsisagot ang mga pangulong saserdote, Wala kaming hari kundi si Cesar.
16 Nang magkagayon nga'y ibinigay siya sa kanila upang maipako sa krus.
17 (DV)Kinuha nga nila si Jesus: at siya'y lumabas, (DW)na pasan niya ang krus, hanggang sa dakong tinatawag na Dako ng bungo, na sa wikang Hebreo ay tinatawag na Golgota:
18 Na doo'y ipinako nila siya sa krus, at kasama niya ang dalawa pa, isa sa bawa't tagiliran, at si Jesus sa gitna.
19 At sumulat din naman (DX)si Pilato ng isang pamagat, at inilagay sa ulunan ng krus. At ang nasusulat ay, JESUS NA TAGA NAZARET, ANG HARI NG MGA JUDIO.
20 Marami nga sa mga Judio ang nakabasa ng pamagat na ito, sapagka't ang dakong pinagpakuan kay Jesus ay malapit sa bayan; at ito'y nasusulat sa Hebreo, at sa Latin, at sa Griego.
21 Sinabi nga kay Pilato ng mga pangulong saserdote ng mga Judio, Huwag mong isulat, Ang Hari ng mga Judio; kundi, ang kanyang sinabi, Hari ako ng mga Judio.
22 Sumagot si Pilato, Ang naisulat ko ay naisulat ko.
23 (DY)Ang mga kawal nga, nang si Jesus ay kanilang maipako na sa krus, ay kanilang kinuha ang kaniyang mga kasuutan at pinagapat na bahagi, sa bawa't kawal ay isang bahagi; at gayon din naman ang tunika: at ang tunika ay (DZ)walang tahi, na hinabing buo mula sa itaas.
24 Nangagsangusapan nga sila, Huwag natin itong punitin, kundi ating pagsapalaranan, kung mapapakanino: upang matupad ang kasulatan, na nagsasabi,
(EA)Binahagi nila sa kanila ang aking mga kasuutan,
At ang aking balabal ay kanilang pinagsapalaran.
25 Ang mga bagay ngang ito ay ginawa ng mga kawal. Datapuwa't (EB)nangakatayo sa piling ng krus ni Jesus ang kaniyang ina, at ang kapatid ng kaniyang ina, na si Maria na asawa ni Cleopas, at si Maria Magdalena.
26 Pagkakita nga ni Jesus sa kanyang ina, at (EC)sa nakatayong alagad na kaniyang iniibig, ay sinabi niya sa kaniyang ina, (ED)Babae, narito, ang iyong anak!
27 Nang magkagayo'y sinabi niya sa alagad, Narito, ang iyong ina! At buhat nang oras na yaon ay tinanggap siya ng alagad sa kaniyang sariling tahanan.
28 Pagkatapos nito, pagkaalam ni Jesus na ang lahat ng mga bagay ay naganap na nga, (EE)upang matupad ang kasulatan, ay sinabi, Nauuhaw ako.
29 Mayroon doong isang sisidlang puno ng suka: kaya't (EF)naglagay sila ng isang esponghang basa ng suka sa isang tukod na isopo, at kanilang inilagay sa kaniyang bibig.
30 Nang matanggap nga ni Jesus ang suka, ay sinabi niya, (EG)Naganap na: at iniyukayok ang kaniyang ulo, at nalagot ang kaniyang hininga.
31 Ang mga Judio nga, (EH)sapagka't noo'y Paghahanda, (EI)upang ang mga katawan ay huwag mangatira sa krus sa sabbath (sapagka't (EJ)dakila ang araw ng sabbath na yaon), ay hiniling nila kay Pilato na mangaumog ang kanilang mga hita, at upang sila'y mangaalis doon.
32 Nagsiparoon na ang mga kawal, at inumog ang mga hita ng una, at ng sa isa na ipinako sa krus na kasama niya:
33 Nguni't nang magsiparoon sila kay Jesus, at makitang siya'y patay na, ay hindi na nila inumog ang kaniyang mga hita:
34 Gayon ma'y pinalagpasan ang kaniyang tagiliran ng isang sibat ng isa sa mga kawal, at pagdaka'y lumabas ang (EK)dugo at tubig.
35 At ang nakakita ay nagpatotoo, at ang kaniyang patotoo ay totoo: at (EL)nalalaman niyang siya'y nagsasabi ng totoo, upang kayo naman ay magsisampalataya.
36 Sapagka't ang mga bagay na ito ay nangyari, upang matupad ang kasulatan, Ni isa mang (EM)buto niya'y hindi mababali.
37 At sinabi naman sa ibang kasulatan, (EN)Magsisitingin sila sa kaniya na kanilang pinagulusanan.
38 At pagkatapos ng mga bagay na ito (EO)si Jose na taga Arimatea, palibhasa'y alagad ni Jesus, bagama't lihim dahil sa katakutan sa mga Judio, ay namanhik kay Pilato na makuha niya ang bangkay ni Jesus; at ipinahintulot ni Pilato sa kaniya. Naparoon nga siya, at inalis ang kaniyang bangkay.
39 At naparoon naman si Nicodemo, (EP)yaong naparoon nang una sa kaniya nang gabi, na may dalang isang pinaghalong (EQ)mirra at mga aloe, na may mga isang daang (ER)libra.
40 Kinuha nga nila ang bangkay ni Jesus, at binalot nila ng mga kayong lino na may mga pabango, ayon sa kaugalian ng mga Judio sa paglilibing.
41 Sa dako nga ng pinagpakuan sa kaniya ay may isang halamanan; at sa halamana'y may isang bagong libingan na kailan ma'y hindi pa napaglalagyan ng sinoman.
42 (ES)Doon nga, dahil sa Paghahanda ng mga Judio (sapagka't malapit ang libingan) ay kanilang inilagay si Jesus.
20 (ET)Nang unang araw nga ng sanglinggo ay naparoong maaga sa libingan si Maria Magdalena, samantalang madilim pa, at nakita (EU)ang bato na naalis na sa libingan.
2 Tumakbo nga siya, at naparoon kay Simon Pedro, at sa isang (EV)alagad na iniibig ni Jesus, at sa kanila'y sinabi, Kinuha nila sa libingan ang Panginoon, at hindi namin maalaman kung saan nila siya inilagay.
3 Umalis nga si Pedro, (EW)at ang isang alagad, at nagsitungo sa libingan.
4 At sila'y kapuwa tumakbong magkasama: at ang isang alagad ay tumakbong matulin kay sa kay Pedro, at dumating na una sa libingan;
5 At nang kaniyang tunghan at tingnan ang loob, (EX)ay nakita niyang nangakalatag ang mga kayong lino; gayon ma'y hindi siya pumasok sa loob.
6 Dumating naman nga si Simon Pedro, na sumusunod sa kaniya, at pumasok sa libingan; at nakita niyang nangakalatag ang mga kayong lino,
7 At ang panyo na nasa kaniyang ulo, ay hindi kasamang nakalatag ng mga kayong lino, kundi bukod na natitiklop sa isang tabi.
8 Nang magkagayo'y pumasok din naman nga ang isang alagad, na unang dumating sa libingan, at siya'y nakakita at sumampalataya.
9 Sapagka't hindi pa nila napaguunawa ang (EY)kasulatan, na kinakailangang siya'y muling magbangon sa mga patay.
10 Kaya't ang mga alagad ay muling nagsitungo sa kanikanilang sariling tahanan.
11 Nguni't si Maria ay nakatayo (EZ)sa labas ng libingan na umiiyak: sa gayon, samantalang siya'y umiiyak, siya'y yumuko at tumingin sa loob ng libingan;
12 At nakita niya ang dalawang anghel na nararamtan na nangakaupo, ang isa'y sa ulunan, at ang isa'y sa paanan, ng kinalalagyan ng bangkay ni Jesus.
13 At sinabi nila sa kaniya, Babae, bakit ka umiiyak? Sinabi niya sa kanila, Sapagka't kinuha nila ang aking Panginoon, at hindi ko maalaman kung saan nila inilagay siya.
14 Pagkasabi niya ng gayon, siya'y lumingon, at nakitang nakatayo si Jesus, (FA)at hindi nalalaman na yaon ay si Jesus.
15 Sinabi sa kaniya ni Jesus, Babae, bakit ka umiiyak? sino ang iyong hinahanap? Siya, sa pagaakalang yao'y maghahalaman, ay nagsabi sa kaniya, Ginoo, kung ikaw ang kumuha sa kaniya, ay sabihin mo sa akin kung saan mo siya inilagay, at akin siyang kukunin.
16 Sinabi sa kaniya ni Jesus, Maria. Lumingon siya, at nagsabi sa kaniya sa wikang Hebreo, Raboni; na ang ibig sabihin ay, Guro.
17 Sinabi sa kaniya ni Jesus, Huwag mo akong hipuin; sapagka't hindi pa ako nakakaakyat sa Ama, nguni't pumaroon ka sa (FB)aking mga kapatid, at sabihin mo sa kanila, Aakyat ako (FC)sa aking Ama at inyong Ama, at (FD)aking Dios at inyong Dios.
18 Naparoon si Maria Magdalena (FE)at sinabi sa mga alagad, Nakita ko ang Panginoon; at kung paanong sinabi niya sa kaniya ang mga bagay na ito.
19 Nang kinahapunan nga, nang araw na yaon, (FF)na unang araw ng sanglinggo, at nang nangapipinid ang mga pintong kinaroroonan ng mga alagad, dahil sa katakutan sa mga Judio ay dumating si Jesus at tumayo sa gitna, at sa kanila'y sinabi, (FG)Kapayapaan ang sumainyo.
20 At nang masabi niya ito, ay kaniyang ipinakita sa kanila ang kaniyang mga kamay at ang kaniyang tagiliran. (FH)Ang mga alagad nga'y nangagalak, nang makita nila ang Panginoon.
21 Sinabi ngang muli sa kanila ni Jesus, Kapayapaan ang sumainyo: (FI)kung paanong pagkasugo sa akin ng Ama, ay gayon din naman sinusugo ko kayo.
22 At nang masabi niya ito, (FJ)sila'y hiningahan niya, at sa kanila'y sinabi, Tanggapin ninyo ang Espiritu Santo:
23 Sinomang inyong patawarin ng mga (FK)kasalanan, ay ipinatatawad sa kanila; sinomang hindi ninyo patawarin ng mga kasalanan, ay hindi pinatatawad.
24 Nguni't si Tomas, isa sa labingdalawa, (FL)na tinatawag na Didimo, ay wala sa kanila nang dumating si Jesus.
25 Sinabi nga sa kaniya ng ibang mga alagad, Nakita namin ang Panginoon. Nguni't sinabi niya sa kanila, (FM)Malibang aking makita sa kaniyang mga kamay ang butas ng mga pako, at maisuot ko ang aking daliri sa butas ng mga pako, at maisuot ko ang aking kamay sa kaniyang tagiliran, ay hindi ako sasampalataya.
26 At pagkaraan ng walong araw ay muling nasa loob ng bahay ang kaniyang mga alagad, at kasama nila si Tomas. Dumating si Jesus, nang nangapipinid (FN)ang mga pinto, at tumayo sa gitna, at sinabi, Kapayapaan ang sumainyo.
27 Nang magkagayo'y sinabi niya kay Tomas, Idaiti mo rito ang iyong daliri, at tingnan mo ang aking mga kamay; at idaiti mo rito ang iyong kamay, at isuot mo siya sa aking tagiliran: at huwag kang di mapanampalatayahin, kundi mapanampalatayahin.
28 Sumagot si Tomas, at sa kaniya'y sinabi, Panginoon ko at Dios ko.
29 Sinabi sa kaniya ni Jesus, Sapagka't ako'y nakita mo ay sumampalataya ka: (FO)mapapalad yaong hindi nangakakita, at gayon ma'y nagsisampalataya.
30 Gumawa rin nga si Jesus (FP)ng iba't ibang maraming tanda sa harap ng kaniyang mga alagad, na hindi nangasusulat sa aklat na ito:
31 Nguni't ang mga ito ay nangasulat, (FQ)upang kayo'y magsisampalataya na si Jesus ay ang Cristo, ang Anak ng Dios; (FR)at sa inyong pagsampalataya ay magkaroon kayo ng buhay (FS)sa kaniyang pangalan.
21 Pagkatapos ng mga bagay na ito ay napakitang muli si Jesus sa mga alagad sa tabi ng dagat ng Tiberias; at siya'y napakita sa ganitong paraan.
2 Samasama nga si Simon Pedro, at si Tomas na tinatawag na Didimo, at (FT)si Natanael na taga (FU)Cana ng Galilea, at (FV)ang mga anak ni Zebedeo, at dalawa pa sa kaniyang mga alagad.
3 Sinabi sa kanila ni Simon Pedro, Mangingisda ako. Sinabi nila sa kaniya, Kami man ay magsisisama sa iyo. Sila'y nagsiyaon, at nagsilulan sa daong; at nang gabing yaon ay wala silang nahuling anoman.
4 Nguni't nang nagbubukang liwayway na, si Jesus ay tumayo sa baybayin: gayon ma'y (FW)hindi napagalaman ng mga alagad na yaon ay si Jesus.
5 Sa kanila nga'y sinabi ni Jesus, Mga anak, mayroon baga kayong anomang makakain? Nagsisagot sila sa kaniya, Wala.
6 At kaniyang sinabi sa kanila, (FX)Ihulog ninyo ang lambat sa dakong kanan ng daong, at makakasumpong kayo. Inihulog nga nila, at hindi na nila mahila dahil sa karamihan ng mga isda.
7 (FY)Yaong alagad nga na iniibig ni Jesus ay nagsabi kay Pedro, Ang Panginoon nga. Kaya't pagkarinig nga ni Simon Pedro na yao'y ang Panginoon, ay nagbigkis siya ng kaniyang tunika (sapagka't siya'y hubo't hubad), at tumalon sa dagat.
8 Datapuwa't ang ibang mga alagad ay nagsilapit sa maliit na daong (sapagka't sila'y hindi lubhang malayo sa lupa, kundi may mga dalawangdaang siko), na hinihila ang lambat na puno ng mga isda.
9 Kaya't nang sila'y magsilunsad sa lupa, ay nakakita sila doon ng mga bagang uling, at isda ang nakalagay sa ibabaw, at tinapay.
10 Sinabi sa kanila ni Jesus, Mangagdala kayo rito ng mga isdang inyong nangahuli ngayon.
11 Umahon nga si Simon Pedro, at hinila ang lambat sa lupa, puno ng malalaking isda, na isang daan at limangpu at tatlo, at sa ganoong karami ay hindi napunit ang lambat.
12 Sinabi sa kanila ni Jesus, Magsiparito kayo at mangagpawing gutom. At sinoman sa mga alagad ay hindi nangahas na siya'y tanungin, Sino ka? sa pagkaalam na yaon ang Panginoon.
13 Lumapit si Jesus, at dinampot ang tinapay, at sa kanila'y ibinigay, (FZ)at gayon din ang isda.
14 Ito'y (GA)ang ikatlong pagpapakita ni Jesus sa mga alagad, pagkatapos na siya'y magbangon sa mga patay.
15 Kaya't nang mangakapagpawing gutom sila, ay sinabi ni Jesus kay Simon Pedro, Simon, anak ni Juan, iniibig mo baga ako (GB)ng higit kay sa mga ito? Sinabi niya sa kaniya, Oo, Panginoon; nalalaman mo na kita'y iniibig. Sinabi niya sa kaniya, Pakanin mo ang aking mga kordero.
16 Sinabi niya sa kaniyang muli sa ikalawa, Simon anak ni Juan, Iniibig mo baga ako? Sinabi niya sa kaniya, Oo, Panginoon; nalalaman mo na kita'y iniibig. (GC)Sinabi niya sa kaniya, Alagaan mo ang aking mga tupa.
17 Sinabi niya sa kaniya sa ikatlo, Simon, anak ni Juan, Iniibig mo baga ako? Nalumbay si Pedro sapagka't sa kaniya'y sinabing (GD)makaitlo, Iniibig mo baga ako? At sinabi niya sa kaniya, Panginoon, nalalaman mo ang lahat ng mga bagay; nalalaman mo na kita'y iniibig. Sinabi sa kaniya ni Jesus, Pakanin mo ang aking mga tupa.
18 Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa iyo, Nang ikaw ay bata pa, ikaw ay nagbibihis, at ikaw ay lumalakad kung saan mo ibig; nguni't pagtanda mo'y iuunat mo ang iyong mga kamay, at bibigkisan ka ng iba, at dadalhin ka kung saan hindi mo ibig.
19 Ito nga'y sinalita niya, na ipinaalam (GE)kung sa anong kamatayan ang iluluwalhati niya sa Dios. At pagkasalita niya nito, ay sinabi niya sa kaniya, (GF)Sumunod ka sa akin.
20 Si Pedro, paglingon, ay nakita yaong alagad na (GG)iniibig ni Jesus na sumusunod; na siya ring humilig sa kaniyang dibdib sa paghapon, at nagsabi, Panginoon, sino ang sa iyo'y magkakanulo?
21 Pagkakita nga ni Pedro sa kaniya ay nagsabi kay Jesus, Panginoon, at ano ang gagawin ng taong ito?
22 Sinabi sa kaniya ni Jesus, Kung ibig kong siya'y manatili (GH)hanggang sa ako'y pumarito, ay ano nga sa iyo? sumunod ka sa akin.
23 Kumalat nga ang sabing ito sa gitna ng (GI)mga kapatid, na ang alagad na yaon ay hindi mamamatay: gayon ma'y hindi sinabi ni Jesus, sa kaniya na hindi siya mamamatay; kundi, Kung ibig kong siya'y manatili hanggang sa ako'y pumarito, ay ano nga sa iyo?
24 Ito ang alagad na nagpapatotoo sa mga bagay na ito, at sumulat ng mga bagay na ito; at (GJ)nalalaman namin na ang kaniyang patotoo ay totoo.
25 At mayroon ding (GK)iba't ibang mga bagay na ginawa si Jesus, na kung susulating isa-isa, ay inaakala ko na kahit sa sanglibutan ay hindi magkakasiya ang mga aklat na susulatin.
1 Ang unang kasaysayan na ginawa ko, Oh (GL)Teofilo, ay tungkol sa lahat na pinasimulang ginawa at itinuro ni Jesus,
2 Hanggang sa araw na tanggapin siya sa kaitaasan, (GM)pagkatapos na makapagbigay siya ng mga utos sa pamamagitan ng Espiritu Santo, (GN)sa mga apostol na kaniyang hinirang;
3 Na sa kanila nama'y napakita rin siyang buhay, sa pamamagitan ng maraming mga katunayan, (GO)pagkatapos na siya'y makapaghirap, na napakikita sa kanila sa loob ng apat na pung araw, at nagpahayag ng mga bagay tungkol sa kaharian ng Dios:
4 At, palibhasa'y nakikipagpulong sa kanila, ay ipinagutos niya sa kanila (GP)na huwag silang magsialis sa Jerusalem, kundi hintayin (GQ)ang pangako ng Ama, na sinabi niyang narinig ninyo sa akin:
5 Sapagka't tunay na si Juan ay (GR)nagbautismo ng tubig; datapuwa't kayo'y (GS)babautismuhan sa Espiritu Santo na di na malalaunan pa.
6 Tinanong nga siya nila nang sila'y nangagkakatipon, na nangagsasabi, Panginoon, (GT)isasauli mo baga ang kaharian sa Israel sa panahong ito?
7 At sinabi niya sa kanila, (GU)Hindi ukol sa inyo ang pagkaalam ng mga panahon o ng mga bahagi ng panahon, na itinakda ng Ama sa kaniyang sariling kapamahalaan.
8 Datapuwa't tatanggapin ninyo ang kapangyarihan, pagdating sa inyo ng Espiritu Santo: at kayo'y magiging mga (GV)saksi ko sa Jerusalem, at sa buong Judea at (GW)Samaria, at hanggang sa kahulihulihang hangganan ng lupa.
9 At pagkasabi niya ng mga bagay na ito, nang siya'y tinitingnan nila, (GX)ay dinala siya sa itaas; at siya'y tinanggap ng isang alapaap at ikinubli sa kanilang mga paningin.
10 At samantalang tinititigan nila ang langit habang siya'y lumalayo, narito may dalawang (GY)lalaking nangakatayo sa tabi nila (GZ)na may puting damit;
11 Na nangagsabi naman, Kayong mga lalaking taga Galilea, bakit kayo'y nangakatayong tumitingin sa langit? itong si Jesus, na tinanggap sa langit mula sa inyo, ay paparitong (HA)gaya rin ng inyong nakitang pagparoon niya sa langit.
12 Nang magkagayon ay (HB)nangagbalik sila sa Jerusalem buhat sa tinatawag na bundok ng mga Olivo, na malapit sa Jerusalem, (HC)na isang araw ng sabbath lakarin.
13 At nang sila'y magsipasok sa bayan, ay nagsiakyat sila (HD)sa silid sa itaas, na kinatitirahan nila; ni (HE)Pedro at ni Juan at ni Santiago at ni Andres, ni Felipe at ni Tomas, ni Bartolome at ni Mateo, ni Santiago na anak ni Alfeo, at ni Simong Masikap, at ni Judas na anak ni Santiago.
14 Ang lahat ng mga ito'y (HF)nagsisipanatiling matibay na (HG)nangagkakaisa sa pananalangin (HH)na kasama ang mga babae, at si Maria na ina ni Jesus, at pati ng mga kapatid (HI)niya.
15 At nang mga araw na ito'y nagtindig si Pedro sa gitna ng mga kapatid, at nagsabi (at nangagkakatipon ang karamihang mga tao, na may isang daa't dalawangpu),
16 Mga kapatid, kinakailangang matupad ang kasulatan, (HJ)na nang una ay sinalita ng Espiritu Santo, sa pamamagitan ng bibig ni David tungkol kay Judas, (HK)na siyang pumatnugot sa nagsihuli kay Jesus.
17 Sapagka't siya'y (HL)ibinilang sa atin, at siya'y tumanggap ng kaniyang bahagi sa ministeriong (HM)ito.
18 (HN)(Kumuha nga ang taong ito ng isang parang sa pamamagitan ng (HO)ganti sa kaniyang katampalasanan; at sa pagpapatihulog ng patiwarik, ay pumutok siya sa gitna, at sumambulat ang lahat ng mga laman ng kaniyang tiyan.
19 At ito'y nahayag sa lahat ng mga nagsisitahan sa Jerusalem; ano pa't tinawag ang parang na yaon sa kanilang wika na Aceldama, sa makatuwid baga'y, (HP)Ang parang ng Dugo.)
20 Sapagka't nasusulat sa aklat ng Mga Awit,
(HQ)Bayaang mawalan nawa ng tao ang kaniyang tahanan,
At huwag bayaang manahan doon ang sinoman;
at,
(HR)Bayaang kunin ng iba ang kaniyang katungkulan.
21 Sa mga taong ito nga na nangakisama sa atin sa buong panahon na ang Panginoong si Jesus ay pumapasok at lumalabas sa atin,
22 Magmula sa pagbautismo ni Juan, hanggang sa araw na (HS)siya'y tanggapin sa itaas mula sa atin, ay nararapat na ang isa sa mga ito'y maging saksi (HT)na kasama natin sa kaniyang pagkabuhay na maguli.
23 At kanilang ibinukod ang dalawa, si Jose na tinatawag na Barsabas, na pinamagatang Justo, at si Matias.
24 At (HU)sila'y nagsipanalangin, at nagsipagsabi, Ikaw, Panginoon, na nakatataho ng mga puso ng lahat ng mga tao, ay ipakilala mo kung alin sa dalawang ito ang iyong hinirang,
25 Upang tanggapin ang katungkulan sa ministeriong ito at (HV)pagkaapostol na kinahulugan ni Judas, upang siya'y makaparoon (HW)sa kaniyang sariling kalalagyan.
26 At sila'y pinagsapalaran nila; at nagkapalad si Matias; at siya'y ibinilang sa labingisang apostol.
2 At nang dumating nga (HX)ang araw ng Pentecostes, silang lahat (HY)ay nangagkakatipon sa isang dako.
2 At biglang dumating mula sa langit ang isang ugong na (HZ)gaya ng sa isang humahagibis na hanging malakas, at pinuno ang buong bahay na kanilang kinauupuan.
3 At sa kanila'y may napakitang mga dilang kawangis ng (IA)apoy, na nagkabahabahagi; at dumapo sa bawa't isa sa kanila.
4 At silang lahat (IB)ay nangapuspos ng Espiritu Santo, at nangagpasimulang (IC)magsalita ng iba't ibang wika, ayon sa ipinagkakaloob ng Espiritu na kanilang salitain.
5 May mga nagsisitahan nga sa Jerusalem na mga Judio, mga lalaking religioso, na buhat sa bawa't bansa sa ilalim ng langit.
6 At nang marinig ang ugong na ito, ay nangagkatipon ang karamihan, at nangamaang, sapagka't sa kanila'y narinig ng bawa't isa na sinasalita ang kaniyang sariling wika.
7 At silang lahat ay nangagtaka at nagsipanggilalas, na nangagsasabi, Narito, hindi baga (ID)mga Galileong lahat ang mga nagsisipagsalitang ito?
8 At bakit nga naririnig ng bawa't isa sa atin, ang ating sariling wikang kinamulatan?
9 Tayong mga Parto, at mga Medo, at mga Elamita, at ang nangananahan sa Mesapotamia, sa Judea, at sa Capadocia, sa Ponto at sa Asia,
10 Sa Frigia at Pamfilia, sa Egipto at sa mga sakop ng Libia na karatig ng Cirene at mga nakikipamayang galing sa Roma, mga Judio, at gayon din ang mga (IE)naging Judio,
11 Mga Cretense at mga Arabe, ay nangaririnig nating nagsisipagsalita sila sa ating mga wika ng mga makapangyarihang gawa ng Dios.
12 At silang lahat ay nangagtaka at nangalito, na sinasabi ng isa sa isa, Anong kahulugan nito?
13 Datapuwa't ang mga iba'y nanganglilibak na nangagsabi, Sila'y puno ng bagong alak.
14 Datapuwa't pagtindig ni Pedro na kasama ang labingisa, ay itinaas ang kaniyang tinig, at sa kanila'y nagsaysay, na sinasabing, Kayong mga lalaking taga Judea, at kayong lahat na nangananahan sa Jerusalem, mangaalaman nawa ninyong lahat ito, at inyong pakinggan ang aking mga salita.
15 Sapagka't ang mga ito'y hindi mga lasing, na gaya ng inyong inaakala; yamang ngayo'y oras na ikatlo lamang ng araw;
16 Datapuwa't ito'y yaong sinalita na sa pamamagitan ng propeta Joel:
17 At mangyayari sa mga huling araw, (IF)sabi ng Dios, Na ibubuhos ko ang aking Espiritu (IG)sa lahat ng laman:
At ang inyong mga anak na lalake at (IH)babae ay manganghuhula,
At ang inyong mga binata ay mangakakakita ng mga pangitain,
Ang inyong mga matatanda ay magsisipanaginip ng mga panaginip:
18 Oo't sa aking mga lingkod na lalake at sa aking mga lingkod na babae, sa mga araw na yaon
Ibubuhos ko ang aking Espiritu; (II)at magsisipanghula sila.
19 At magpapakita ako ng mga kababalaghan sa langit sa itaas,
At mga tanda sa lupa sa ibaba,
Dugo, at apoy, at singaw ng usok:
20 (IJ)Ang araw ay magiging kadiliman,
At ang buwan ay dugo,
Bago dumating ang araw ng Panginoon,
Yaong araw na dakila at tangi:
21 At mangyayari na ang (IK)sinomang tumawag sa pangalan ng Panginoon, ay maliligtas.
22 Kayong mga lalaking taga Israel, pakinggan ninyo ang mga salitang ito: (IL)Si Jesus na taga Nazaret, lalaking pinatunayan ng Dios sa inyo (IM)sa pamamagitan ng mga gawang makapangyarihan at mga kababalaghan at mga tanda na ginawa ng Dios sa pamamagitan niya sa gitna ninyo, gaya rin ng nalalaman ninyo;
23 Siya, na (IN)ibinigay sa takdang pasiya at paunang kaalaman ng Dios, kayo sa pamamagitan ng mga kamay ng mga tampalasan (IO)ay inyong ipinako sa krus at pinatay:
24 Na siya'y binuhay na maguli ng Dios, (IP)pagkaalis sa mga hirap ng kamatayan: sapagka't hindi maaari na siya'y mapigilan nito.
25 Sapagka't sinasabi ni David tungkol sa kaniya,
(IQ)Nakita kong lagi ang Panginoon sa aking harapan;
Sapagka't siya'y nasa aking kanang kamay, upang huwag akong makilos:
26 Dahil dito'y nagalak ang aking puso, at natuwa ang aking dila;
Pati naman ang aking laman ay mananahan sa pagasa:
27 (IR)Sapagka't hindi mo iiwan ang kaluluwa ko sa Hades,
Ni titiisin man na ang iyong Banal ay makakita ng kabulukan.
28 Ipinakilala mo sa akin ang mga daan ng buhay;
Pupuspusin mo ako ng kagalakan sa harap ng iyong mukha.
29 Mga kapatid, malayang masasabi ko sa inyo ang tungkol sa patriarkang si David, na siya'y namatay at inilibing, at nasa atin (IS)ang kaniyang libingan hanggang sa araw na ito.
30 Palibhasa nga'y isang propeta, at sa pagkaalam na may panunumpang isinumpa ng Dios sa kaniya, (IT)na sa bunga ng kaniyang baywang ay iluluklok niya ang isa sa kaniyang luklukan;
31 Palibhasa'y nakikita na niya ito, ay nagsalita tungkol sa pagkabuhay na maguli ng Cristo, (IU)na siya'y hindi pinabayaan sa Hades, ni ang kaniya mang katawan ay hindi nakakita ng kabulukan.
32 Ang Jesus na ito'y (IV)binuhay na maguli ng Dios, at tungkol dito'y (IW)mga saksi kaming lahat.
33 Palibhasa nga'y pinarangal ng kanang kamay ng Dios, at (IX)tinanggap na sa Ama ang pangako ng Espiritu Santo, ay ibinuhos niya ito, na inyong nakikita at naririnig.
34 Sapagka't hindi umakyat si David sa mga langit; datapuwa't siya rin ang nagsabi,
(IY)Sinabi ng Panginoon sa aking Panginoon;
Maupo ka sa kanan ko,
35 Hanggang sa gawin ko ang mga kaaway mo na tuntungan ng iyong mga paa.
36 Pakatalastasin nga ng buong angkan ni Israel, na ginawa ng Dios na (IZ)Panginoon at Cristo itong si Jesus na inyong ipinako sa krus.
37 Nang marinig nga nila ito, (JA)ay nangasaktan ang kanilang puso, at sinabi kay Pedro at sa ibang mga apostol, Mga kapatid, anong gagawin namin?
38 At sinabi sa kanila ni Pedro, (JB)Mangagsisi kayo, at (JC)mangagbautismo ang bawa't isa sa inyo sa pangalan ni Jesucristo (JD)sa ikapagpapatawad ng inyong mga kasalanan; at tatanggapin ninyo (JE)ang kaloob ng Espiritu Santo.
39 Sapagka't sa inyo ang pangako, at (JF)sa inyong mga anak, at sa lahat ng nangasa (JG)malayo, maging ilan man ang tawagin ng Panginoon nating Dios sa kaniya.
40 At sa iba pang maraming salita ay nagpatotoo siya, at nangaral sa kanila, na sinasabi, Magsiligtas kayo sa likong lahing ito.
41 Yaon ngang nagsitanggap ng kaniyang salita ay nangabautismuhan: at nangaparagdag sa kanila nang araw na yaon (JH)ang may tatlong libong kaluluwa.
42 At sila'y nagsipanatiling matibay (JI)sa turo ng mga apostol at sa pagsasamasama, sa (JJ)pagpuputolputol ng tinapay at sa mga pananalangin.
43 (JK)At ang takot ay dumating sa bawa't kaluluwa: at ginawa ang maraming kababalaghan at tanda sa pamamagitan ng mga apostol.
44 At ang lahat ng mga nagsisampalataya ay (JL)nangagkakatipon, at lahat nilang pagaari ay sa kalahatan;
45 At ipinagbili (JM)nila ang kanilang mga pagaari at kayamanan, at ipinamahagi sa lahat, ayon sa pangangailangan ng bawa't isa.
46 At araw-araw sila'y nagsisipanatiling matibay sa pagkakaisa (JN)sa templo, (JO)at sa pagpuputolputol ng tinapay sa bahay-bahay, at nagsisikain sila ng kanilang pagkain na may (JP)galak at may katapatan ng puso.
47 (JQ)Na nangagpupuri sa Dios, at nangagtatamo ng paglingap ng buong bayan. At idinaragdag sa kanila (JR)ng Panginoon araw-araw yaong nangaliligtas.
3 Si Pedro at si Juan nga ay nagsisipanhik (JS)sa templo nang oras ng pananalangin, (JT)na ikasiyam.
2 At isang lalake na pilay buhat pa sa tiyan ng kaniyang ina ay dinadala roon, na siya'y inilalagay nila araw-araw sa pintuan ng templo na tinatawag na Maganda, (JU)upang manghingi ng limos sa nagsisipasok sa templo;
3 Ito, pagkakita kay Pedro at kay Juan na magsisipasok sa templo, ay namanhik upang tumanggap siya ng limos.
4 At pagtitig sa kaniya ni Pedro, na kasama si Juan, ay sinabi, Tingnan mo kami.
5 At kaniyang pinansin sila, na umaasang tatanggap sa kanila ng anomang bagay.
6 Datapuwa't sinabi ni Pedro, Pilak at ginto ay wala ako; datapuwa't ang nasa akin, ay siya kong ibinibigay sa iyo. (JV)Sa pangalan ni Jesucristong taga Nazaret, lumakad ka.
7 At kaniyang hinawakan siya sa kanang kamay, at siya'y itinindig: at pagdaka'y nagsilakas ang kaniyang mga paa at mga bukong-bukong.
8 At (JW)paglukso, siya'y tumayo, at nagpasimulang lumakad; at pumasok na kasama nila sa templo, na lumalakad, at lumulukso, at nagpupuri sa Dios.
9 At nakita ng buong bayang siya'y lumalakad, at nagpupuri sa Dios:
10 At nangakilala nila na siya nga ang nauupo at nagpapalimos sa Pintuang Maganda ng templo; at sila'y nangapuspos ng panggigilalas at pamamangha sa nangyari sa kaniya.
11 At samantalang siya'y nakahawak kay Pedro at kay Juan, ay nagsitakbong samasama sa kanila ang buong bayan (JX)sa tinatawag na portiko ni Salomon na lubhang nanggigilalas.
12 At nang makita ito ni Pedro, ay sumagot sa mga tao, Kayong mga lalaking taga Israel, bakit kayo'y nagsisipanggilalas sa taong ito? o bakit kami ang inyong tinititigan, na sa inyong akala ay dahil sa aming sariling kapangyarihan o kabanalan ay aming napalakad siya?
13 Ang Dios ni Abraham, at ni Isaac, at ni Jacob, (JY)ang Dios ng ating mga magulang, ay (JZ)niluwalhati ang kaniyang Lingkod na si Jesus; na inyong ibinigay, at inyong tinanggihan sa harap ni Pilato, nang pasiyahan nito na siya'y pawalan.
14 Datapuwa't inyong pinakatanggihan (KA)ang Banal at ang Matuwid na Ito, at (KB)inyong hiningi na ipagkaloob sa inyo ang isang mamamatay-tao,
15 At inyong pinatay ang Lumikha ng buhay: na binuhay ng (KC)Dios na maguli sa mga patay; (KD)mga saksi kami ng mga bagay na ito.
16 At sa pamamagitan ng pananampalataya sa (KE)kaniyang pangalan ay pinalakas ng kaniyang pangalan ang taong ito, na inyong nakikita at nakikilala: oo, (KF)ang pananampalataya na sa pamamagitan niya'y nagkaloob sa kaniya nitong lubos na kagalingan sa harapan ninyong lahat.
17 At ngayon, mga kapatid, nalalaman ko na inyong ginawa yaon (KG)sa di pagkaalam, gaya ng ginawa rin naman ng inyong mga pinuno.
18 Datapuwa't ginanap ang mga bagay na ipinagpaunang ibinalita (KH)ng Dios sa pamamagitan ng bibig ng lahat ng mga propeta, na ang kaniyang Cristo ay magbabata.
19 Kaya nga mangagsisi kayo, (KI)at mangagbalik-loob, upang mangapawi ang inyong mga kasalanan, upang kung magkagayon ay magsidating ang mga panahon ng kaginhawahang mula sa harapan ng Panginoon;
20 At upang kaniyang suguin ang Cristo na itinalaga (KJ)sa inyo, na si Jesus:
21 Na siya'y (KK)kinakailangang tanggapin ng langit hanggang sa mga panahon ng pagsasauli sa dati ng lahat ng mga bagay, na sinalita ng Dios sa pamamagitan ng bibig ng kaniyang mga banal na propeta buhat pa nang una.
22 Tunay na sinabi ni Moises, (KL)Ang Panginoong Dios ay magtitindig sa inyo ng isang propetang gaya ko mula sa gitna ng inyong mga kapatid; siya ang inyong pakinggan sa lahat ng mga bagay na sa inyo'y sasalitain niya.
23 At mangyayari, na ang bawa't kaluluwa na hindi makinig sa propetang yaon, ay pupuksaing lubos mula sa gitna ng bayan.
24 Oo at ang lahat ng mga propetang mula kay (KM)Samuel at ang mga nagsisunod, sa dami ng mga nagsipagsalita, sila naman ay nagsipagsaysay rin tungkol sa mga araw na ito.
25 Kayo ang mga anak ng mga propeta, at ng tipang ginawa ng Dios sa inyong mga magulang, na sinasabi kay Abraham, (KN)At sa iyong binhi ay pagpapalain ang lahat ng mga angkan sa lupa.
26 Sa inyo una-una, nang maitindig na ng Dios ang kaniyang Lingkod, (KO)ay sinugo niya upang kayo'y pagpalain, (KP)sa pagtalikod ng bawa't isa sa inyo sa inyong mga katampalasanan.
4 At nang sila'y nangagsasalita pa sa bayan, ay nagsilapit sa kanila ang mga saserdote, at ang (KQ)puno sa templo, at ang mga Saduceo,
2 Palibhasa'y totoong nangabagabag sapagka't tinuruan nila (KR)ang bayan, at ibinalita sa pangalan ni Jesus ang (KS)pagkabuhay na maguli sa mga patay.
3 At sila'y kanilang sinunggaban at kanilang ibinilanggo hanggang sa kinabukasan: sapagka't noon nga'y gabi na.
4 Datapuwa't marami sa nangakarinig ng salita ay nagsisampalataya; at (KT)ang bilang ng mga lalake ay umabot sa mga limang libo.
5 At nangyari nang kinabukasan, na nangagkatipon sa Jerusalem ang kanilang mga pinuno at mga matanda at mga eskriba;
6 At si Anas, na (KU)dakilang saserdote, at (KV)si Caifas, at si Juan, at si Alejandro, at ang lahat ng kalipian ng dakilang saserdote.
7 At nang kanilang mailagay na sila sa gitna nila, ay sila'y tinanong, Sa anong kapangyarihan, o sa anong pangalan ginawa ninyo ito?
8 Nang magkagayo'y si Pedro, na (KW)puspos ng Espiritu Santo, ay nagsabi sa kanila, Kayong mga pinuno sa bayan, at matatanda,
9 Kung kami sa araw na ito'y sinisiyasat tungkol sa mabuting gawa na ginawa sa isang taong may-sakit, na kung sa anong paraan gumaling ito;
10 Talastasin ninyong lahat, at ng buong bayan ng Israel, (KX)na sa pangalan ni Jesucristong taga Nazaret, na inyong ipinako sa krus, (KY)na binuhay ng Dios na maguli sa mga patay, dahil sa kaniya ay nakatindig ang taong ito sa inyong harap na walang sakit.
11 Siya ang bato na itinakuwil (KZ)ninyong mga nagtayo ng bahay, na naging pangulo sa panulok.
12 At sa kanino mang iba ay walang kaligtasan: sapagka't walang ibang pangalan sa silong ng langit, na ibinigay sa mga tao, na sukat nating ikaligtas.
13 Nang makita nga nila ang katapangan ni Pedro at ni Juan, at (LA)pagkatalastas na sila'y mga taong walang pinagaralan at mga (LB)mangmang, ay nangagtaka sila; at nangapagkilala nila, na sila'y nangakasama ni Jesus.
14 At nang mangakita nila ang taong pinagaling (LC)na nakatayong kasama nila, ay wala silang maitutol.
15 Datapuwa't nang sila'y mangautusan na nilang magsilabas sa pulong, ay nangagsangusapan,
16 Na nangagsasabi, (LD)Anong gagawin natin sa mga taong ito? sapagka't tunay na ginawa sa pamamagitan nila (LE)ang himalang hayag sa lahat ng nangananahan sa Jerusalem; at hindi natin maikakaila.
17 Gayon ma'y upang huwag nang lalong kumalat sa bayan, atin silang balaan, na buhat ngayo'y huwag na silang mangagsalita pa sa sinomang tao sa pangalang ito.
18 At sila'y tinawag nila, at binalaan (LF)sila, na sa anomang paraan ay huwag silang magsipagsalita ni magsipagturo tungkol sa pangalan ni Jesus.
19 Datapuwa't si Pedro at si Juan ay (LG)nagsisagot at nagsipagsabi sa kanila, Kung katuwiran sa paningin ng Dios na makinig muna sa inyo kay sa Dios, inyong hatulan:
20 Sapagka't hindi mangyayaring di namin salitain ang mga bagay na aming nangakita at nangarinig.
21 At sila, nang mapagbalaan na nila, ay pinakawalan, palibhasa'y hindi nangakasumpong ng anomang bagay upang sila'y kanilang mangaparusahan, (LH)dahil sa bayan; sapagka't niluluwalhati ng lahat ng mga tao ang Dios dahil sa bagay na (LI)ginawa.
22 Sapagka't may mahigit nang apat na pung taong gulang ang tao, na ginawan nitong himala ng pagpapagaling.
23 At nang sila'y mangapakawalan na, ay nagsiparoon sa kanilang mga kasamahan, at iniulat ang lahat ng sa kanila'y sinabi ng mga pangulong saserdote at ng matatanda.
24 At sila, nang kanilang marinig ito, ay (LJ)nangagkaisang itaas nila ang kanilang tinig sa Dios, at nangagsabi, Oh Panginoon, ikaw na gumawa ng langit at ng lupa at ng dagat, at ng lahat ng nangasa mga yaon:
25 Na sa pamamagitan ng Espiritu Santo, sa pamamagitan ng bibig ng aming amang si David, na iyong lingkod, ay sinabi mo,
(LK)Bakit nangagalit ang mga Gentil,
At nagsipaghaka ang mga tao ng mga bagay na walang kabuluhan?
26 Nagsitayong handa ang mga hari sa lupa,
At ang mga pinuno ay nangagpisanpisan,
Laban sa Panginoon, at laban sa kaniyang Pinahiran.
27 Sapagka't sa katotohanan sa bayang ito'y (LL)laban sa iyong banal na Lingkod na si Jesus, (LM)na siya mong pinahiran, ang dalawa ni (LN)Herodes at ni (LO)Poncio Pilato, kasama (LP)ng mga Gentil at ng (LQ)mga bayan ng Israel, ay nangagpisanpisan,
28 Upang gawin ang anomang naitakda na ng iyong kamay (LR)at ng iyong pasiya upang mangyari.
29 At ngayon, Panginoon, tingnan mo ang kanilang mga bala: at ipagkaloob mo sa iyong mga alipin na salitain ang iyong salita ng buong katapangan,
30 Samantalang iyong iniuunat ang iyong kamay upang magpagaling; at upang mangyari nawa ang mga tanda at mga kababalaghan (LS)sa pangalan ng iyong banal na si Jesus.
31 At nang sila'y makapanalangin na, ay nayanig (LT)ang dakong pinagkakatipunan nila; at nangapuspos silang lahat (LU)ng Espiritu Santo, at kanilang sinalita na may katapangan ang salita ng Dios.
32 At ang karamihan ng mga nagsisampalataya ay nangagkakaisa ang puso at kaluluwa: at sinoma'y walang nagsabing kaniyang sarili ang anoman sa mga bagay na kaniyang inaari: (LV)kundi lahat nilang pagaari ay sa kalahatan.
33 At (LW)pinatotohanan ng mga apostol na may dakilang kapangyarihan, (LX)ang pagkabuhay na maguli ng Panginoong Jesus: at dakilang biyaya ang sumasa kanilang lahat.
34 Sapagka't walang sinomang nasasalat sa kanila: (LY)palibhasa'y ipinagbili ng lahat ng may mga lupa o mga bahay ang mga ito, at dinala ang mga halaga ng mga bagay na ipinagbili,
35 At ang mga ito'y inilagay sa mga paanan ng mga apostol: (LZ)at ipinamamahagi sa bawa't isa, ayon sa kinakailangan ng sinoman.
36 At si Jose, na pinamagatang (MA)Bernabe ng mga apostol (na kung liliwanagin ay Anak ng pangangaral), isang Levita, tubo sa Chipre,
37 Na may isang bukid, ay ipinagbili ito, at dinala ang salapi at inilagay sa mga paanan ng mga apostol.
5 Datapuwa't isang lalake na tinatawag na Ananias, na kasama ng kaniyang asawang si Safira, ay nagbili ng isang pagaari,
2 At inilingid ang isang bahagi ng halaga, na nalalaman din ito ng kaniyang asawa, (MB)at dinala ang isang bahagi, at inilagay sa mga paanan ng mga apostol.
3 Datapuwa't sinabi ni Pedro, Ananias, bakit pinuspos ni Satanas ang iyong puso upang magsinungaling sa Espiritu Santo, at upang maglingid ng isang bahagi ng halaga ng lupa?
4 Nang yao'y nananatili pa, hindi baga yao'y nanatiling iyong sarili? at nang maipagbili na, hindi baga nasa iyo ring kapangyarihan? Ano't inisip mo pa ang bagay na ito sa iyong puso? hindi ka nagsinungaling sa mga tao, kundi sa Dios.
5 At nang marinig ni Ananias ang mga salitang ito ay nahandusay at nalagot ang hininga: (MC)at sinidlan ng malaking takot ang lahat ng nangakarinig nito.
6 At nagsitindig ang mga kabinataan at (MD)siya'y binalot, at kanilang dinala siya sa labas at inilibing.
7 At may tatlong oras ang nakaraan, nang ang kaniyang asawa, na di nalalaman ang nangyari, ay pumasok.
8 At sinabi sa kaniya ni Pedro, Sabihin mo sa akin kung ipinagbili ninyo ng gayon ang lupa. At sinabi niya, Oo, sa gayon.
9 Datapuwa't sinabi sa kaniya ni Pedro, Bakit kayo'y nagkasundo upang tuksuhin ang Espiritu ng Panginoon? narito, nangasa pintuan ang mga paa ng mga nagsipaglibing sa iyong asawa, at kanilang dadalhin ka sa labas.
10 At pagdaka'y nahandusay sa paanan niya ang babae, at nalagot ang hininga: at nagsipasok ang mga kabinataan at nasumpungan siyang patay, at siya'y kanilang inilabas at inilibing siya sa siping ng kaniyang asawa.
11 At sinidlan ng malaking takot ang buong iglesia, at ang lahat ng nangakarinig ng mga bagay na ito.
12 At (ME)sa pamamagitan ng mga kamay ng mga apostol ay ginawa ang maraming tanda at kababalaghan sa gitna ng mga tao: at nangaroon silang lahat na (MF)nangagkakaisa sa (MG)portiko ni Salomon.
13 Datapuwa't sinoman sa mga iba ay hindi nangangahas na makisama sa kanila: (MH)bagaman sila'y pinapupurihan ng bayan;
14 At ang mga nagsisisampalataya ay lalo pang nangaparagdag sa Panginoon, ang mga karamihang lalake at babae:
15 Na ano pa't dinala nila (MI)sa mga lansangan ang mga may-sakit, at inilagay sa mga higaan at mga hiligan, (MJ)upang, pagdaan ni Pedro, ay maliliman man lamang ng anino niya ang sinoman sa kanila.
16 At nangagkatipon din naman ang karamihang mula sa mga bayang nangasa palibotlibot ng Jerusalem, na nangagdadala ng mga may-sakit, at ng mga pinahihirapan ng mga karumaldumal na espiritu: at sila'y pawang pinagaling.
17 Datapuwa't nagtindig (MK)ang dakilang saserdote, at ang lahat ng kasama niya (na siyang sekta ng mga Saduceo), at sila'y nangapuspos ng kainggitan,
18 At kanilang sinunggaban ang mga apostol, at kanilang inilagay sila sa bilangguang bayan.
19 Datapuwa't nang gabi na ay binuksan (ML)ng isang anghel ng Panginoon ang mga pintuan ng bilangguan, at sila'y inilabas, at sinabi,
20 Magsihayo kayo, at magsitayo kayo sa (MM)templo, at sabihin ninyo sa bayan ang (MN)lahat ng mga salita ng Buhay na ito.
21 At nang marinig nila ito, ay nagsipasok sila sa templo nang magbubukang liwayway, at nangagturo. Datapuwa't dumating ang dakilang saserdote, at ang mga kasamahan niya, at pinulong ang sanedrin, at (MO)ang buong senado sa mga anak ni Israel, at nagpautos sa bilangguan upang sila'y dalhin doon.
22 Datapuwa't ang mga punong kawal na nagsiparoon ay hindi sila nangasumpungan sa bilangguan; at sila'y nangagbalik, at nangagbigay alam,
23 Na sinasabi, Aming naratnang totoong mabuti ang pagkalapat ng bilangguan, at nangakatayo sa mga pintuan ang mga bantay: datapuwa't ng aming mabuksan, wala kaming nasumpungang sinoman sa loob.
24 Nang marinig nga ang mga salitang ito ng puno sa templo, at (MP)ng mga pangulong saserdote, ay nangalitong totoo tungkol sa mga ito kung ano ang magiging wakas niyaon.
25 At may dumating na isa at nagsabi sa kanila, Narito, ang mga lalaking ibinilanggo ninyo ay nangakatayo sa templo at nangagtuturo sa bayan.
26 Nang magkagayo'y naparoon ang pangulo na kasama ang mga punong kawal, at sila'y dinalang hindi sa pilitan: (MQ)sapagka't nangatatakot sa bayan, baka sila'y batuhin.
27 At nang kanilang mangadala sila, ay kanilang iniharap sa Sanedrin. At tinanong sila ng dakilang saserdote,
28 Na sinasabi: (MR)Ibinala naming mahigpit sa inyo na huwag kayong mangagturo sa pangalang ito: at narito, pinuno ninyo ang Jerusalem ng inyong aral, (MS)at ibig ninyong iparatang sa amin (MT)ang dugo ng taong ito.
29 Datapuwa't nagsisagot si Pedro at ang mga apostol at nangagsabi, (MU)Dapat muna kaming magsitalima sa Dios bago sa mga tao.
30 (MV)Ibinangon ng Dios ng ating mga magulang si Jesus, na siya ninyong pinatay, na ibinitin sa isang punong kahoy.
31 Siya'y pinadakila ng Dios ng kaniyang kanang kamay (MW)upang maging Principe at (MX)Tagapagligtas, (MY)upang magbigay ng pagsisisi sa Israel, at (MZ)kapatawaran ng mga kasalanan.
32 At (NA)kami'y mga saksi ng mga bagay na ito; at gayon din ang Espiritu Santo, (NB)na siyang ibinigay ng Dios sa nagsisitalima sa kaniya.
33 Datapuwa't sila, nang kanilang marinig ito, ay nangasugatan sa puso, at nangagpasiyang sila'y patayin.
34 Datapuwa't nagtindig sa Sanedrin ang isang Fariseo, na nagngangalang (NC)Gamaliel, doktor sa kautusan, na pinapupurihan ng buong bayan, at nagutos na ilabas na sandali ang mga tao.
35 At sinabi niya sa kanila, Kayong mga lalaking taga Israel, ay mangagingat kayo sa inyong sarili tungkol sa mga taong ito, kung ano ang inyong gagawin.
36 Sapagka't bago pa ng mga araw na ito ay lumitaw na si Teudas, na nagsabing siya'y dakila; at sa kaniya'y nakisama ang may apat na raang tao ang bilang: na siya'y pinatay; at ang lahat ng sa kaniya'y nagsisunod, ay pawang nagsipangalat at nangawalang kabuluhan.
37 Pagkatapos ng taong ito ay lumitaw si Judas na taga Galilea nang mga araw ng (ND)pagpapasulat, at nakahila siya ng marami sa bayan: siya'y nalipol rin; at ang lahat ng sa kaniya'y nagsisunod ay pawang nagsipangalat.
38 At ngayo'y sinasabi ko sa inyo, Huwag kayong mangakialam sa mga taong ito, at pabayaan ninyo sila: sapagka't kung ang pasiyang ito, o ang gawang ito ay sa mga tao, ay mawawasak:
39 Datapuwa't kung sa Dios, ay hindi ninyo maiwawasak; baka pa kayo'y mangasumpungan (NE)na nangakikihamok laban sa Dios.
40 At sila'y nagsisangayon sa kaniya: at (NF)pagkatawag nila sa mga apostol, ay (NG)pinalo nila at ibinala sa kanila na huwag silang mangagsalita sa pangalan ni Jesus, at sila'y pinawalan.
41 Sila nga'y nagsialis sa harapan ng Sanedrin, (NH)na nangatutuwang sila'y (NI)nangabilang na karapatdapat na mangagbata ng kaalimurahan dahil sa Pangalan.
42 At sa araw-araw, (NJ)sa templo at sa mga bahay-bahay, ay hindi sila nagsisipagtigil ng pagtuturo at pangangaral, na si Jesus ang siyang Cristo.
6 Nang mga araw ngang ito, (NK)nang dumadami ang bilang ng mga alagad, ay nagkaroon ng bulongbulungan ang mga (NL)Greco-Judio laban sa mga Hebreo, sapagka't ang kanilang mga babaing bao ay pinababayaan (NM)sa pamamahagi sa araw-araw.
2 At tinawag ng labingdalawa ang karamihang mga alagad, at sinabi, Hindi marapat na aming pabayaan ang salita ng Dios, at mangaglingkod sa mga dulang.
3 Magsihanap nga kayo, mga kapatid, sa inyo, (NN)ng pitong lalake na may mabuting katunayan, puspos ng Espiritu at ng karunungan, na ating mailalagay sa gawaing ito.
4 Datapuwa't magsisipanatili kaming matibay sa pananalangin, at sa ministerio ng salita.
5 At minagaling ng buong karamihan ang pananalitang ito: at kanilang inihalal si Esteban, (NO)taong puspos ng pananampalataya at ng Espiritu Santo, (NP)at si Felipe, at si Procoro, at si Nicanor, at si Timon, at si Parmenas, at si Nicolas na taga (NQ)Antioquia (NR)na naging Judio;
6 Na siyang iniharap nila sa mga apostol: at nang sila'y (NS)mangakapanalangin na, ay (NT)ipinatong nila ang kanilang mga kamay sa mga yaon.
7 At lumago ang salita ng Dios; at dumaming lubha sa Jerusalem ang bilang ng mga alagad; at nagsitalima sa pananampalataya ang lubhang maraming (NU)saserdote.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978