Bible in 90 Days
Ang katapusang pagkakatayo ng bayan ng Panginoon.
11 (A)Sa araw na yaon ay ibabangon (B)ko ang tabernakulo ni David na buwal, at tatakpan ko ang mga sira niyaon; at ibabangon ko ang mga guho niyaon, at aking itatayo na gaya ng mga araw ng una;
12 Upang kanilang ariin ang nalabi sa Edom, at ang lahat na bansa na mga tinatawag sa aking pangalan, sabi ng Panginoon na gumagawa nito,
13 Narito, ang mga kaarawan ay dumarating, sabi ng Panginoon, na aabutan ng mangaararo ang mangaani, at (C)ng mamimisa ng ubas ang magtatanim ng binhi; at ang mga bundok ay papatak ng matamis na alak, at lahat na burol (D)ay mangatutunaw.
14 At akin uling ibabalik ang (E)nangabihag sa aking bayang Israel, at (F)kanilang itatayo ang mga wasak na bayan, at tatahanan nila; at sila'y mangaguubasan, at magsisiinom ng alak niyaon; magsisigawa rin sila ng mga halamanan, at magsisikain ng bunga ng mga yaon.
15 At aking itatatag sila sa kanilang lupain; at hindi na sila mabubunot pa sa kanilang lupain, na aking ibinigay sa kanila, sabi ng Panginoon mong Dios.
Ang pagmamataas ng Edom ay pabababain.
1 Ang pangitain ni Obadias.
Ganito ang sabi ng Panginoong Dios (G)tungkol sa Edom, Kami ay (H)nakarinig ng mga balita na mula sa Panginoon, at isang sugo ay sinugo sa mga bansa, na nagsasabi, Magsibangon kayo, at tayo'y mangagtindig laban sa kaniya sa pakikipagbaka.
2 Narito, ginawa kitang maliit sa mga bansa: ikaw ay lubhang hinamak.
3 Dinaya ka ng kapalaluan ng iyong puso, Oh ikaw na tumatahan sa mga bitak ng bato, na ang tahanan ay matayog; na nagsasabi sa kaniyang puso, Sinong magbababa sa akin sa lupa?
4 Bagaman ikaw ay pailanglang sa itaas na parang aguila, at (I)bagaman ang iyong pugad ay malagay sa gitna ng mga bituin, aking ibababa ka mula roon, sabi ng Panginoon.
5 Kung ang mga magnanakaw ay nagsiparoon sa iyo, (J)kung mga mangloloob sa gabi (paano kang nahiwalay!) di baga sila sana'y nangagnakaw hanggang sa sila'y nangagkaroon ng sapat? kung mga mamimitas ng ubas ay nagsiparoon sa iyo, (K)di baga sila sana'y nangagiwan ng laglag na ubas?
6 Paano nasiyasat ang mga bagay ng Esau! paano nasumpungan ang kaniyang mga kayamanang natago!
7 Lahat na lalake na iyong kaalam ay dinala ka sa iyong lakad, hanggang sa hangganan: ang mga lalake na nangasa kapayapaan sa iyo ay dinaya ka, at nanaig laban sa iyo; silang nagsisikain ng iyong tinapay ay naglagay ng silo sa ilalim mo: (L)walang paguunawa sa kaniya.
8 Di ko baga lilipulin (M)sa araw na yaon, sabi ng Panginoon, ang mga pantas na tao sa Edom, at papawiin ang unawa sa bundok ng Esau?
9 At ang iyong mga makapangyarihang tao, Oh (N)Teman, ay manglulupaypay, palibhasa'y bawa't isa'y mahihiwalay sa bundok ng Esau sa pamamagitan ng patayan.
10 (O)Dahil sa karahasan na ginawa (P)sa iyong kapatid na Jacob ay kahihiyan ang tatakip sa iyo, at ikaw ay mahihiwalay magpakailan man.
11 Nang araw na ikaw ay tumayo sa kabilang dako, nang araw na dalhin ng mga taga ibang bayan ang kaniyang kayamanan, at magsipasok ang mga mangingibang bayan sa kaniyang mga pintuang-bayan at (Q)pagsapalaran ang Jerusalem, ikaw man ay naging gaya ng isa sa kanila.
12 Huwag ka ngang magmasid sa (R)araw ng iyong kapatid sa kaarawan ng kaniyang kasakunaan, at huwag mong ikagalak ang mga anak ni Juda sa kaarawan ng kanilang pagkabuwal; ni magsalita mang may kapalaluan sa kaarawan ng pagkahapis.
13 Huwag kang pumasok sa pintuan ng aking bayan sa kaarawan ng kanilang kasakunaan; oo, huwag mong masdan ang kanilang pagdadalamhati sa kaarawan ng kanilang kasakunaan, o pakialaman man ninyo ang kanilang kayamanan sa kaarawan ng kanilang kasakunaan.
14 At huwag kang tumayo sa mga salubungang daan na ihiwalay ang kaniya na tumatanan; at huwag mong ibigay ang kaniya na nalabi sa kaarawan ng kapanglawan.
15 (S)Sapagka't ang kaarawan ng Panginoon ay malapit na, laban sa lahat ng bansa: (T)kung ano ang iyong gawin, ay siyang gagawin sa iyo; (U)ang iyong gawa ay babalik sa iyong sariling ulo.
16 Sapagka't (V)kung paanong kayo'y nagsiinom sa aking banal na bundok, gayon magsisiinom na palagi ang lahat na bansa, oo, sila'y magsisiinom, at magsisitungga, at magiging wari baga sila'y hindi nangabuhay.
Ang Israel ay luluwalhatiin.
17 Nguni't sa bundok (W)ng Sion ay doroon yaong nangakatatanan, at magiging banal; at aariin ng sangbahayan ni Jacob ang kaniyang mga pagaari.
18 At ang sangbahayan ni Jacob ay (X)magiging isang apoy, at ang sangbahayan ni Jose ay isang liyab, at ang sangbahayan ni Esau ay dayami, at sila'y kanilang susunugin, at sila'y susupukin; at walang malalabi sa sangbahayan ni Esau; sapagka't sinalita ng Panginoon.
19 At silang sa Timugan, ay (Y)mangagaari ng bundok ng Esau, (Z)at silang sa mababang lupa ay ng mga Filisteo; at kanilang aariin ang parang ng Ephraim, at ang parang ng Samaria; at aariin ng Benjamin ang Galaad.
20 At ang mga bihag sa hukbong ito ng mga anak ni Israel na nasa mga taga Canaan, ay magaari ng (AA)hanggang sa Sarefat; at ang mga bihag sa Jerusalem na nasa Sepharad ay magaari ng mga bayan ng Timugan.
21 At ang mga (AB)tagapagligtas ay magsisisampa sa (AC)bundok ng Sion upang hatulan ang bundok ng Esau; at (AD)ang kaharian ay magiging sa Panginoon.
Si Jonas ay tumakas na patungo sa Tarsis.
1 Ang salita nga ng Panginoon ay dumating kay (AE)Jonas na anak ni Amittai, na nagsasabi,
2 Bumangon ka, pumaroon ka sa (AF)Ninive, sa malaking bayang yaon, at humiyaw ka laban doon; sapagka't ang kanilang kasamaan ay umabot sa harap ko.
3 Nguni't si Jonas ay bumangon upang tumakas na patungo sa (AG)Tarsis mula sa harapan ng Panginoon; at siya'y lumusong sa (AH)Joppe, at nakasumpong ng sasakyan na patungo sa Tarsis: sa gayo'y nagbayad siya ng upa niyaon, at siya'y lumulan, upang yumaong kasama nila sa Tarsis mula (AI)sa harapan ng Panginoon.
4 Nguni't ang Panginoon ay nagpasapit ng malakas na hangin sa dagat, at nagkaroon ng malakas na unos sa dagat, na anopa't ang sasakyan ay halos masira.
5 Nang magkagayo'y nangatakot ang mga taong dagat at dumaing (AJ)ang bawa't tao sa kanikaniyang dios; at kanilang (AK)inihagis sa dagat ang mga daladalahang nangasa sasakyan upang makapagpagaan sa kanila. Nguni't si Jonas ay bumaba sa pinakaloob na bahagi ng sasakyan; at siya'y nahiga at nakatulog ng mahimbing.
6 Sa gayo'y lumapit sa kaniya ang puno ng sasakyan, at sinabi sa kaniya, Ano ang inaakala mo, O matutulugin? bumangon ka, tumawag ka sa iyong Dios, baka sakaling alalahanin ng Dios tayo, upang huwag tayong mangamatay.
7 At sinabi ng bawa't isa sa kanila sa kaniyang kasama, Magsiparito kayo at (AL)tayo'y mangagsapalaran, upang ating maalaman kung dahil kanino dumating ang kasamaang ito sa atin. Sa gayo'y nangagsapalaran sila, at ang palad ay nahulog kay Jonas.
8 Nang magkagayo'y sinabi nila sa kaniya, Isinasamo namin sa iyo na iyong (AM)saysayin sa amin, kung dahil kanino dumating ang kasamaang ito sa atin; ano ang iyong hanap-buhay? at saan ka nanggaling? ano ang iyong lupain? at taga saang bayan ka?
9 At kaniyang sinabi sa kanila, Ako'y isang Hebreo; at ako'y natatakot sa Panginoon, sa Dios ng langit, na siyang gumawa ng dagat at ng tuyong lupain.
10 Nang magkagayo'y nangatakot na mainam ang mga tao, at sinabi sa kaniya, Ano itong iyong ginawa? Sapagka't talastas ng mga tao na siya'y tumatakas mula sa harapan ng Panginoon, sapagka't isinaysay niya sa kanila,
Si Jonas ay itinapon sa dagat at nilamon ng isda.
11 Nang magkagayo'y sinabi nila sa kaniya, Anong gagawin namin sa iyo, upang ang dagat ay tumahimik sa atin? sapagka't ang dagat ay lalo't lalong umuunos.
12 At sinabi niya sa kanila, Ako'y inyong buhatin, at ihagis ninyo ako sa dagat; sa gayo'y ang dagat ay tatahimik sa inyo: sapagka't talastas ko na dahil sa akin dumating ang malaking unos na ito sa inyo.
13 Gayon ma'y ang mga lalake ay nagsisigaod na mainam upang bumalik sa lupa; nguni't hindi nila magawa; sapagka't ang dagat ay lalo't lalong umuunos laban sa kanila.
14 Kaya't sila'y nagsidaing (AN)sa Panginoon, at nangagsabi, Ipinamamanhik namin sa iyo, Oh Panginoon, ipinamamanhik namin sa iyo, huwag mo kaming ipahamak dahil sa buhay ng lalaking ito, (AO)at huwag mong ihulog sa amin ang walang salang dugo; sapagka't ikaw, Oh Panginoon, iyong ginawa ang nakalulugod sa iyo.
15 Sa gayo'y kanilang binuhat si Jonas, at inihagis sa dagat; at ang dagat ay tumigil sa kaniyang poot.
16 Nang magkagayo'y nangatakot na mainam ang mga tao sa Panginoon; at sila'y nangaghandog ng isang hain sa Panginoon, at nagsipanata.
17 At inihanda ng Panginoon ang isang malaking isda upang lamunin si Jonas; at si Jonas ay napasa tiyan ng isda na (AP)tatlong araw at tatlong gabi.
Ang panalangin ni Jonas.
2 Nang magkagayo'y nanalangin si Jonas sa Panginoon niyang Dios mula sa tiyan ng isda.
2 At kaniyang sinabi,
Tinawagan ko ang Panginoon dahil sa aking pagdadalamhati,
At siya'y sumagot sa akin;
Mula sa tiyan ng Sheol ako'y sumigaw,
At iyong dininig ang aking tinig.
3 Sapagka't inihagis mo ako sa kalaliman, sa gitna ng dagat,
At ang tubig ay nasa palibot ko;
(AQ)Ang lahat ng iyong alon at lahat ng iyong malaking alon ay umaapaw sa akin.
4 At (AR)aking sinabi, Ako'y nahagis mula sa harap ng iyong mga mata;
Gayon ma'y titingin ako uli sa (AS)iyong banal na templo.
5 Kinukulong (AT)ako ng tubig sa palibot (AU)hanggang sa kaluluwa;
Ang kalaliman ay nasa palibot ko;
Ang mga damong dagat ay pumilipit sa aking ulo.
6 Ako'y bumaba sa mga kaibaibabaan ng mga bundok;
Ang lupa sangpu ng kaniyang halang ay tumakip sa akin magpakailan man:
Gayon ma'y isinampa mo ang aking buhay (AV)mula sa hukay, Oh Panginoon kong Dios.
7 Nang ang (AW)aking kaluluwa ay nanglupaypay sa loob ko; naaalaala ko ang Panginoon;
(AX)At ang aking dalangin ay umabot sa loob ng iyong banal na templo.
8 Ang nagsisilingap ng mga walang kabuluhang magdaraya
Binabayaan ang (AY)kanilang sariling kaawaan.
9 Nguni't ako'y maghahain sa iyo ng tinig ng (AZ)pasasalamat;
Aking tutuparin yaong aking ipinanata.
Kaligtasa'y sa Panginoon.
10 At ang Panginoon ay nagsalita sa isda, at iniluwa si Jonas sa tuyong lupa.
Siya ay nangaral sa mga taga Ninive, at sila'y nagsisi.
3 At ang salita ng Panginoon ay dumating kay Jonas na ikalawa, na nagsasabi,
2 Bumangon ka, pumaroon ka sa (BA)Ninive, sa malaking bayang yaon, at ipangaral mo ang pangaral na aking iniutos sa iyo.
3 Sa gayo'y bumangon si Jonas, at naparoon sa Ninive, ayon sa salita ng Panginoon. Ang Ninive nga ay totoong malaking bayan, na tatlong araw na lakarin.
4 At pumasok si Jonas sa bayan na may isang araw na gumagala, at siya'y sumigaw, at nagsasabi, Apat na pung araw pa at ang Ninive ay mawawasak.
5 At ang bayan ng Ninive ay (BB)sumampalataya sa Dios; at sila'y nangaghayag ng ayuno, at nangagsuot ng kayong magaspang, mula sa kadakidakilaan sa kanila hanggang sa kaliitliitan sa kanila.
6 At ang mga balita ay dumating sa hari sa Ninive, at siya'y tumindig sa kaniyang luklukan, at hinubad niya ang kaniyang balabal, at (BC)nagbalot siya ng kayong magaspang, at naupo sa mga abo.
7 At kaniyang inihayag at itinanyag sa boong Ninive sa pasiya ng hari at ng kaniyang mga mahal na tao, na sinasabi, Huwag lumasa maging tao ni (BD)hayop man, bakahan ni kawan man, ng anomang bagay: huwag silang magsikain, ni magsiinom man ng tubig;
8 Kundi mangagbalot sila ng kayong magaspang, ang tao at gayon din ang hayop, at magsidaing silang mainam sa Dios: oo, talikdan ng bawa't isa ang kaniyang masamang lakad, at ang pangdadahas na nasa kanilang mga kamay.
9 (BE)Sino ang nakaaalam kung manumbalik ang Dios at magsisisi, at hihiwalay sa kaniyang mabangis na galit, upang tayo'y huwag mangamatay.
10 At nakita ng Dios ang kanilang mga gawa, (BF)na sila'y nagsihiwalay sa kanilang masamang lakad; at nagsisi ang Dios sa kasamaan, na kaniyang sinabing kaniyang gagawin sa kanila; at hindi niya ginawa.
Ang pagdaing ni Jonas.
4 Nguni't naghinanakit na mainam si Jonas, at siya'y nagalit.
2 At siya'y nanalangin sa Panginoon, at nagsabi, Ako'y nakikipanayam sa iyo, Oh Panginoon, di baga ito ang aking sinabi, nang ako'y nasa aking lupain pa? Kaya't ako'y nagmadaling (BG)tumakas na patungo sa Tarsis; sapagka't talastas ko na ikaw ay (BH)Dios na mapagbiyaya, at puspos ng kahabagan, banayad sa pagkagalit, at sagana sa kagandahang-loob, at nagsisisi ka sa kasamaan.
3 Kaya nga, Oh Panginoon, isinasamo ko sa iyo, na kitlin mo ang aking buhay; sapagka't mabuti sa akin ang mamatay kay sa mabuhay.
4 At sinabi ng Panginoon, Mabuti baga ang iyong ginagawa na magalit?
5 Nang magkagayo'y lumabas si Jonas sa bayan, at naupo sa dakong silanganan ng bayan, at doo'y gumawa siya ng isang balag, at naupo siya sa ilalim niyaon sa lilim, hanggang sa kaniyang makita kung ano ang mangyayari sa bayan.
Ang leksion ng isang kikayon.
6 At naghanda ang Panginoong Dios ng isang halamang kikayon, at pinataas sa itaas ni Jonas, upang maging lilim sa kaniyang ulo, upang iligtas siya sa kaniyang masamang kalagayan. Sa gayo'y natuwang mainam si Jonas dahil sa kikayon.
7 Nguni't naghanda ang Dios ng isang uod nang magumaga nang kinabukasan at sinira ang halamang kikayon, na anopa't natuyo.
8 At nangyari, nang sumikat ang araw, na naghanda ang Dios ng mainit na hanging silanganan; at sinikatan ng araw ang ulo ni Jonas, na anopa't siya'y nanglupaypay, at hiniling niya tungkol sa kaniya na siya'y mamatay, at nagsasabi, Mabuti sa akin ang mamatay kay sa mabuhay.
9 At sinabi ng Dios kay Jonas, Mabuti baga ang ginagawa mo na magalit dahil sa kikayon? At kaniyang sinabi, Mabuti ang ginagawa ko na magalit hanggang sa kamatayan.
10 At sinabi ng Panginoon, Ikaw ay nanghinayang sa kikayon na hindi mo pinagpagalan o pinatubo man; na sumampa sa isang gabi, at nawala sa isang gabi:
11 At hindi baga ako manghihinayang sa Ninive, sa malaking bayang yaon, na mahigit sa isang daan at dalawang pung libong katao (BI)na hindi marunong magmunimuni ng kanilang kamay at ng kanilang kaliwang kamay; (BJ)at marami ring hayop?
Ang mga salitang laban sa Israel at Juda.
1 Ang Salita ng Panginoon na dumating kay (BK)Mikas na Morastita, (BL)nang mga kaarawan ni Jotham, ni Achaz, at ni Ezechias, na mga hari sa Juda, na nakakita ng tungkol sa (BM)Samaria at sa Jerusalem.
2 Dinggin ninyong mga bayan, ninyong lahat; dinggin mo, Oh lupa, at ng lahat na nasa iyo: at ang Panginoong Dios ay maging saksi laban sa iyo, ang Panginoon mula sa kaniyang banal na templo.
3 Sapagka't, narito, ang Panginoo'y lumalabas sa kaniyang dako, at bababa, at yayapak sa mga mataas na dako ng lupa.
4 At ang mga bundok (BN)ay mangatutunaw sa ilalim niya, at ang mga libis ay mauupos, na (BO)parang pagkit sa harap ng apoy, parang tubig na bumubuhos mula sa isang bundok.
5 Dahil sa pagsalansang ng Jacob ang lahat na ito, at dahil sa mga kasalanan ng sangbahayan ni Israel, Ano ang pagsalangsang ng Jacob? hindi baga ang (BP)Samaria? at ano ang mga (BQ)mataas na dako ng Juda? di baga ang Jerusalem?
6 Kaya't gagawin ko ang Samaria na parang bunton sa parang, at parang mga pananim sa ubasan; at aking ilalagpak ang mga bato niyaon sa libis, at aking (BR)ililitaw ang mga patibayan niyaon.
7 At lahat niyang larawang inanyuan ay pagpuputolputulin, at (BS)ang lahat niyang kaupahan ay susupukin sa apoy, at ang lahat niyang diosdiosan ay aking ihahandusay na sira; sapagka't sa kaupahan sa isang patutot ay kaniyang mga pinisan, at sa kaupahan sa isang patutot ay mangauuwi.
Ang darating na kagibaan ay kalungkot-lungkot.
8 Dahil dito tataghoy ako, at mananambitan; ako'y yayaong hinubdan at hubad; ako'y uungal na parang chakal, at mananangis na gaya ng mga avestruz.
9 Sapagka't ang kaniyang mga sugat ay walang kagamutan; sapagka't dumarating hanggang sa Juda; (BT)umaabot hanggang sa pintuang-bayan ng aking bansa, hanggang sa Jerusalem.
10 Huwag ninyong saysayin sa (BU)Gath huwag kayong pakaiyak: sa Bethle-Aphra gumumon ako sa alabok.
11 Magdaan ka, Oh nananahan sa Saphir, sa kahubaran at kahihiyan: ang nananahan sa Haanan ay hindi lumalabas; ang taghoy ng Beth-esel ay magaalis sa iyo ng pangalalay niyaon.
12 Sapagka't ang nananahan sa Maroth ay naghihintay na mainam ng ikabubuti, sapagka't ang kasamaan ay bumaba mula sa Panginoon hanggang sa pintuang-bayan ng Jerusalem.
13 Isingkaw mo ang karo sa maliksing kabayo, Oh nananahan sa Lachis: siya ang pasimula ng kasalanan sa anak na babae ng Sion: sapagka't ang pagsalangsang ng Israel ay nasumpungan sa iyo.
14 Kaya't ikaw ay magbibigay ng kaloob sa pagpapaalam sa (BV)Moresethgath: ang mga bahay sa Achzib ay magiging karayaang bagay sa mga hari sa Israel.
15 Dadalhin ko pa sa iyo, Oh nananahan sa Maresah ang magaari sa iyo: ang kaluwalhatian ng Israel ay darating hanggang sa Adullam.
16 (BW)Magpakakalbo ka, at pagupit ka dahil sa mga anak ng iyong kalayawan: palakihin mo ang iyong pagkakalbo na gaya ng aguila; sapagka't sila'y nangapasa pagkabihag mula sa iyo.
Sa aba ng matatakaw na mapagpahirap.
2 Sa aba nila na humahaka ng kasamaan, at (BX)nagsisigawa ng kasamaan sa kanilang mga higaan! pagliliwanag sa umaga, ay kanilang isinasagawa, sapagka't nasa kapangyarihan ng kanilang kamay.
2 At sila'y nangagiimbot ng mga bukid, (BY)at kanilang inaangkin; at ng mga bahay, at inaalis: at kanilang pinipighati ang isang tao at ang kaniyang sangbahayan, ang tao, at ang kaniyang mana.
3 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon, Narito, laban sa angkang ito ay humahaka (BZ)ako ng isang kasamaan na doo'y hindi ninyo maaalis ang inyong mga leeg, ni makalalakad man ng kahambugan; sapagka't isang masamang panahon.
4 Sa araw na yaon (CA)ay magsisisambit sila ng (CB)talinhaga laban sa inyo, at mangananaghoy ng kakilakilabot na panaghoy, at mangagsasabi, Kami ay lubos na nasira: kaniyang binabago ang bahagi ng aking bayan; ano't inilalayo niya sa akin! sa mga manghihimagsik kaniyang binahagi ang aming mga bukid.
5 Kaya't mawawalan ka na ng maghahagis ng (CC)pisi na panukat sa pamamagitan ng sapalaran sa kapisanan ng Panginoon.
6 Huwag kayong manganghuhula, ganito sila nanganghuhula. Hindi sila manganghuhula sa mga ito: ang mga kakutyaan ay hindi mapapawi.
7 Sasabihin baga Oh sangbahayan ni Jacob, Ang Espiritu baga ng Panginoon ay nagipit? ang mga ito baga ang kaniyang mga gawa? Di baga ang aking mga salita ay nagsisigawa ng mabuti sa nagsisilakad ng matuwid?
8 Nguni't kamakailan na ang aking bayan ay bumangon na wari kaaway: inyong hinuhubad ang suot na kalakip ng balabal sa nagsisidaang tiwasay na parang mga lalaking nagsisipanggaling sa digma.
9 Ang mga babae ng aking bayan ay inyong pinalalayas sa kanilang mga masayang bahay; sa kanilang mga bata ay inyong inaalis ang aking kaluwalhatian magpakailan man.
10 Kayo'y magsibangon, at magsiyaon; sapagka't hindi ito (CD)ang inyong kapahingahan; dahil sa karumihan na lumilipol sa makatuwid baga'y sa mahigpit na paggiba.
11 Kung ang isang taong lumalakad sa espiritu ng kabulaanan ay nagsisinungaling, na nagsasabi, Ako'y manghuhula sa iyo tungkol sa alak at matapang na inumin; (CE)siya nga'y magiging propeta sa bayang ito.
12 Walang pagsalang aking pipisanin, Oh Jacob, ang lahat ng (CF)iyo; aking pipisaning walang pagsala ang nalabi sa Israel: akin silang ilalagay na magkakasama na (CG)parang mga tupa sa (CH)Bosra, na parang kawan sa gitna ng pastulan sa kanila; sila'y magkakaingay ng di kawasa dahil sa karamihan ng tao.
13 Nangunguna sa kanila yaong nagbubukas ng daan: sila'y nagbukas ng daan at nagsidaan sa pintuang-bayan, at nagsilabas doon; at ang kanilang (CI)hari ay nagpauna sa kanila, at ang Panginoon (CJ)sa unahan nila.
Mga masasamang mga pinuno, saserdote, at mga propeta.
3 At aking sinabi, Isinasamo ko sa inyo, na inyong dinggin, ninyong mga pangulo ng Jacob, at mga pinuno ng sangbahayan ni Israel: (CK)hindi baga sa inyo ang pagalam ng katuwiran.
2 Kayong napopoot sa mabuti at umiibig sa kasamaan; (CL)na siyang umaagaw sa mga dukha ng balat nila, at ng kanilang laman sa kanilang mga buto;
3 Kayo ring kumakain (CM)ng laman ng aking bayan, at lumalapnos ng kanilang balat, at bumabali ng kanilang mga buto, at kanilang pinagputolputol yaon, na wari'y para sa palyok, at (CN)parang laman sa loob ng caldera.
4 Kung magkagayo'y (CO)magsisidaing sila sa Panginoon, nguni't hindi niya sasagutin sila; oo, kaniyang ikukubli ang kaniyang mukha sa kanila sa panahong yaon, ayon sa kanilang ginawang kasamaan sa kanilang mga gawa.
5 Ganito ang sabi ng Panginoon (CP)tungkol sa mga propeta na nagliligaw sa aking bayan; (CQ)na nagkakanggigitil ng kanilang mga ngipin at nagsisihiyaw, Kapayapaan; at yaong hindi naglalagay sa kanilang bibig, (CR)ay pinaghahandaan siya nila ng digma:
6 Kaya't (CS)magiging gabi sa inyo, na hindi kayo magkakaroon ng pangitain; at magkakaroon ng kadiliman, na hindi kayo makapanghuhula; (CT)at ang araw ay lulubog sa mga propeta, at ang araw ay mangungulimlim sa kanila.
7 At ang mga tagakita ay mangapapahiya, at ang mga manghuhula ay mangatutulig; oo, silang lahat ay (CU)mangagtatakip ng kanilang mga labi; sapagka't walang kasagutan ng Dios.
8 Nguni't sa ganang akin, ako'y puspos ng kapangyarihan sa pamamagitan ng Espiritu ng Panginoon, at ng kahatulan, at ng kapangyarihan, upang ipahayag sa Jacob ang kaniyang pagsalansang, at sa Israel ang kaniyang kasalanan.
9 Dinggin ninyo ito, isinasamo ko sa inyo, ninyong mga pangulo sa sangbahayan ni Jacob, at mga pinuno sa sangbahayan ni Israel, na nangapopoot sa kahatulan, at nangagbabaluktot ng matuwid.
10 (CV)Kanilang itinatayo ang Sion sa pamamagitan ng (CW)dugo, at ang Jerusalem sa pamamagitan ng kasamaan.
11 Ang mga pangulo niya'y nagsisihatol dahil sa (CX)suhol, at ang mga saserdote, (CY)niya'y nangagtuturo dahil sa upa, at ang mga propeta niya'y nanganghuhula dahil sa salapi: gayon ma'y sila'y (CZ)sasandal sa Panginoon, at mangagsasabi, Hindi baga ang Panginoon ay nasa gitna natin? walang kasamaang darating sa akin.
12 Kaya't ang Sion (DA)ay bubukirin na parang isang bukid dahil sa inyo, at ang Jerusalem ay magiging mga bunton, at ang mga bundok ng bahay ay parang mga mataas na dako sa isang gubat.
Ang matiwasay na arawo.
4 Nguni't (DB)sa mga huling araw ay mangyayari, na ang bundok ng bahay ng Panginoon ay matatatag sa taluktok ng mga bundok, at matataas sa mga burol; at mga tao'y paroroon sa kaniya.
2 At maraming bansa'y magsisiparoo't mangagsasabi, Magsiparito kayo, at tayo'y magsiahon sa bundok ng Panginoon, at sa bahay ng Dios ni Jacob; at siya'y magtuturo sa atin ng kaniyang mga daan, at tayo'y magsisilakad sa kaniyang mga landas. Sapagka't sa Sion ay lalabas ang kautusan, at ang salita ng Panginoon ay mula sa Jerusalem;
3 (DC)At siya'y hahatol sa gitna ng maraming bayan, at sasaway sa mga matibay na bansa sa malayo: at kanilang papandayin ang kanilang mga tabak upang maging sudsud, at ang kanilang mga sibat upang maging karit; ang bansa ay hindi magtataas ng tabak laban sa bansa, ni magaaral pa man ng pakikipagdigma.
4 Kundi sila'y uupo (DD)bawa't isa sa ilalim ng kaniyang punong ubas at sa ilalim ng kaniyang punong igos; at walang tatakot sa kanila: (DE)sapagka't sinalita ng bibig ng Panginoon ng mga hukbo.
5 Sapagka't ang lahat na bayan ay magsisilakad bawa't isa sa pangalan ng kanikaniyang dios: at (DF)tayo'y magsisilakad sa pangalan ng Panginoon nating Dios magpakailan kailan man.
6 Sa araw na yaon, sabi ng Panginoon, (DG)aking pipisanin siya na napipilay, at aking titipunin siya na natapon, at siya na aking pinagdalamhati;
7 At aking gagawin ang pilay na isang nalabi, at ang natapon sa malayo na isang matibay na bansa: at ang Panginoon ay (DH)maghahari sa kanila sa bundok ng Sion mula ngayon hanggang sa walang hanggan.
8 At ikaw, oh moog ng kawan, na burol ng anak na babae ng Sion, ito sa iyo'y darating, oo, ang dating kapangyarihan ay darating, ang kaharian ng anak na babae ng Jerusalem.
9 Ngayo'y bakit ka sumisigaw ng malakas? (DI)Wala ka bagang hari, ang iyo bagang kasangguni ay namatay, upang ang mga paghihirap ay suma (DJ)iyo na gaya ng babae sa pagdaramdam?
10 Magdamdam ka, at magtiis ka ng hirap, Oh anak na babae ng Sion, na gaya ng babae sa pagdaramdam: sapagka't ngayo'y lalabas ka sa bayan, at ikaw ay tatahan sa parang, at (DK)ikaw ay darating hanggang sa Babilonia: (DL)doon ka maliligtas; doon ka tutubusin ng Panginoon sa kamay ng iyong mga kaaway.
11 At ngayo'y maraming bansa (DM)ay nangagpupulong laban sa iyo, na nangagsasabi, Madumhan siya, at makita ng ating mata ang nasa natin (DN)sa Sion.
12 Nguni't hindi nila nalalaman ang mga pagiisip ng Panginoon, ni nauunawa man nila ang kaniyang payo; sapagka't kaniyang pinisan (DO)sila na parang mga bigkis sa giikan.
13 Ikaw ay bumangon, at gumiik, Oh anak na babae ng Sion; sapagka't aking gagawing bakal ang (DP)iyong sungay, at aking gagawing tanso ang iyong mga kuko; at iyong pagluluraylurayin ang maraming bayan: at (DQ)iyong itatalaga ang kanilang pakinabang sa Panginoon, at ang kanilang (DR)pagaari ay sa Panginoon ng buong lupa.
Ang paghahari ng tagapagligtas na magmumula sa Beth-lehem.
5 Ngayon ay mapipisan ka sa mga hukbo, Oh anak na babae ng mga hukbo: siya'y nangubkob laban sa atin; kanilang hahampasin sa pisngi ang hukom ng Israel (DS)ng isang tungkod.
2 Nguni't ikaw, (DT)Beth-lehem Ephrata, na maliit upang lumagay sa libolibo ng Juda, mula sa iyo ay lalabas sa akin ang isa na magpupuno sa Israel; na ang (DU)pinagbuhatan niya ay mula nang una, (DV)mula nang walang hanggan.
3 Kaya't kaniyang ibibigay sila hanggang sa panahon na siya na nagdaramdam ay manganak: kung magkagayon (DW)ang nalabi sa kaniyang mga kapatid ay babalik sa mga anak ni Israel.
4 At siya'y titindig, at magpapakain ng kaniyang kawan sa kalakasan ng Panginoon, sa kamahalan ng pangalan ng Panginoon niyang Dios: at sila'y mananatili; sapagka't (DX)ngayon siya'y magiging dakila hanggang sa mga wakas ng lupa.
5 At (DY) ang lalaking ito ay magiging kapayapaan natin. Pagka ang taga Asiria ay papasok sa ating lupain, at pagka siya'y tutungtong sa ating mga palacio, tayo nga'y mangagtitindig laban sa kaniya ng pitong pastor, at walong pinakapangulong tao.
6 At kanilang wawasakin ng tabak ang lupain ng Asiria, at ang lupain ng Nimrod sa mga pasukan niyaon: at kaniyang ililigtas tayo sa taga Asiria, pagka siya'y pumasok sa ating lupain, at pagka siya'y tumungtong sa loob ng ating hangganan.
7 At ang nalabi sa Jacob ay magiging parang hamog na mula sa Panginoon sa gitna ng maraming bayan, (DZ)parang ulan sa damo, na hindi naghihintay sa tao, ni naghihintay man sa mga anak ng tao.
8 At ang nalabi sa Jacob ay magiging sa gitna ng mga bansa, sa gitna ng maraming bayan, na parang leon sa mga hayop sa gubat, na parang batang leon sa mga kawan ng mga tupa; na kung siyay dumaraan ay yumayapak at lumalapa, at walang magligtas.
9 Mataas ang iyong kamay sa iyong mga kaaway, at mangahiwalay ang lahat ng iyong mga kaaway.
10 At mangyayari (EA)sa araw na yaon, sabi ng Panginoon, (EB)na aking ihihiwalay ang iyong mga kabayo sa gitna mo, at aking gigibain ang iyong mga karo:
11 At aking ihihiwalay ang mga bayan ng iyong lupain, at aking ibabagsak ang lahat ng iyong katibayan:
12 At aking ihihiwalay ang mga (EC)panghuhula sa iyong kamay; at hindi ka na magkakaroon ng mga (ED)manghuhula:
13 At aking ihihiwalay ang iyong mga inanyuang larawan at ang iyong mga haligi mula sa gitna mo; at hindi ka na sasamba sa gawa ng iyong mga kamay;
14 At aking bubunutin ang iyong mga (EE)Asera mula sa gitna mo; at aking sisirain ang iyong mga bayan.
15 At ako'y maguukol ng panghihiganti sa galit at kapusukan sa mga bansa na hindi nangakinig.
Ang pakikipagsalungatan ng Panginoon sa kaniyang bayan.
6 Dinggin ninyo ngayon kung ano ang sinasabi ng Panginoon: Bumangon ka, makipagkaalit ka sa harap ng mga bundok, at dinggin ng mga burol ang iyong tinig.
2 Dinggin ninyo, Oh ninyong mga bundok, (EF)ang usap ng Panginoon, at ninyo na mga matibay na patibayan ng lupa; sapagka't ang Panginoon ay (EG)may usap sa kaniyang bayan, at kaniyang ipakikipagtalo sa Israel.
3 Oh bayan ko, anong ginawa ko sa iyo? at sa ano kita pinagod? sumaksi ka laban sa akin.
4 Sapagka't ikaw ay aking iniahon (EH)mula sa lupain ng Egipto, at tinubos kita sa bahay ng pagkaalipin; at aking sinugo sa unahan mo si Moises, si Aaron, at si Miriam.
5 Oh bayan ko, alalahanin mo ngayon (EI)kung ano ang isinangguni ni Balac na hari sa Moab, at kung ano ang isinagot sa kaniya ni Balaam na anak ni Beor; alalahanin mo (EJ)mula sa Sittem hanggang sa Gilgal, upang iyong maalaman ang mga matuwid na gawa ng Panginoon.
6 (EK)Ano ang aking ilalapit sa harap ng Panginoon, at iyuyukod sa harap ng mataas na Dios? paroroon baga ako sa harap niya na may mga handog na susunugin, na may guyang isang taon ang gulang?
7 (EL)Kalulugdan baga ng Panginoon ang mga libolibong tupa, o ang mga sangpu-sangpung libong ilog na langis? (EM)ibibigay ko baga ang aking panganay dahil sa aking pagsalangsang, ang bunga ng aking katawan dahil sa kasalanan ng aking kaluluwa?
8 Kaniyang ipinakilala sa (EN)iyo, Oh tao, kung ano ang mabuti; at ano ang hinihingi ng Panginoon sa iyo, kundi gumawa na may kaganapan, at ibigin ang kaawaan, at lumakad na may kababaan na kasama ng iyong Dios.
Tinutulan ang kawalan ng katarungan.
9 Ang tinig ng Panginoon ay humihiyaw sa bayan, at ang taong may karunungan ay makakakita ng iyong pangalan: dinggin ninyo ang (EO)tungkod, at ang naghalal niyaon.
10 Mayroon pa baga kaya ng mga kayamanan ng kasamaan sa bahay ng masama, at ng kulang na panukat na kasuklamsuklam?
11 Magiging malinis baga ako na may masamang timbangan, at (EP)sa marayang supot na panimbang?
12 Sapagka't ang mga mayaman niyaon ay puno ng pangdadahas, at ang mga mananahan doo'y nangagsalita ng mga kabulaanan, at ang kanilang dila ay magdaraya sa kanilang bibig.
13 Kaya't sinugatan din naman kita ng mabigat na sugat; ginawa kitang kasiraan dahil sa iyong mga kasalanan.
14 Ikaw ay kakain, (EQ)nguni't hindi ka mabubusog; at ang iyong pagpapakumbaba ay sasa gitna mo: at ikaw ay magtatabi, nguni't wala kang dadalhing maitatabi; at ang iyong ilalabas ay aking iiwan sa tabak.
15 Ikaw ay maghahasik, nguni't hindi ka magaani: ikaw ay magpipisa ng mga olibo, nguni't hindi ka magpapahid ng langis; at ng ubas, (ER)nguni't hindi ka iinom ng alak.
16 Sapagka't naiingatan ang mga palatuntunan ni (ES)Omri, at ang lahat na gawa ng sangbahayan ni (ET)Achab, at kayo'y nagsisilakad ng ayon sa kanilang mga payo; upang gawin kitang kasiraan, at ang mga mananahan niya'y kasutsutan: at inyong dadalhin ang (EU)kakutyaan ng aking bayan.
Ang kasalanang moral ng bansa.
7 Sa aba ko! sapagka't ako'y gaya ng kanilang pisanin ang mga bunga sa (EV)taginit, gaya ng mga pamumulot ng ubas sa ubasan: walang kumpol na makain; (EW)ako'y nananabik sa unang bunga ng igos.
2 Ang mabuting tao ay namatay (EX)sa lupa, at wala nang matuwid sa mga tao: silang lahat ay nagsisibakay upang magbubo ng dugo; hinuhuli ng bawa't isa ang kaniyang kapatid sa pamamagitan ng silo.
3 Ang kanilang mga kamay ay nangasa kasamaan upang sikaping isagawa; (EY)ang prinsipe ay humihingi, at (EZ)ang hukom ay maagap sa suhol; at ang dakilang tao ay nangagsasalita ng masamang hangad ng kaniyang kaluluwa: ganito nila nilalala.
4 Ang pinakamahusay sa kanila (FA)ay parang dawag; ang pinakamatuwid ay masama kay sa isang bakod na tinikan: ang araw ng inihula sa iyo ng mga (FB)bantay, sa makatuwid baga'y ang araw ng pagdalaw sa iyo, ay dumating; ngayo'y mangatitigilan sila.
5 Huwag kayong magsitiwala sa kalapit bahay; (FC)huwag kayong magkatiwala sa kaibigan; ingatan mo ang mga pinto ng inyong bibig sa kaniya na humihiga sa inyong sinapupunan.
6 Sapagka't sinisiraang puri ng anak na lalake (FD)ang ama, ang anak na babae ay tumitindig laban sa kaniyang ina, ang manugang na babae ay laban sa kaniyang biyanang babae; ang mga kaaway ng tao ay ang kaniyang sariling kasangbahay.
Ang mga unang kaawaan ng Panginoon ay muling ibibigay.
7 Nguni't sa ganang akin, ako'y titingin sa Panginoon; ako'y maghihintay sa Dios ng aking kaligtasan: didinggin ako ng aking Dios.
8 Huwag kang magalak laban sa akin, Oh aking kaaway: pagka ako'y nabuwal, ako'y babangon; (FE)pagka ako'y naupo sa kadiliman, (FF)ang Panginoo'y magiging ilaw sa akin.
9 Aking babatahin ang kagalitan ng Panginoon, (FG)sapagka't ako'y nagkasala laban sa kaniya, hanggang sa kaniyang ipagsanggalang ang aking usap, at lapatan ako ng kahatulan: (FH)kaniyang ilalabas ako sa liwanag, at aking mamasdan ang kaniyang katuwiran.
10 Kung magkagayo'y makikita ng aking kaaway, at kahihiyan ang tatakip sa kaniya, na nagsabi sa akin, (FI)Saan nandoon ang Panginoon mong Dios? Makikita ng aking mga mata ang nais ko sa kaniya; siya nga'y yayapakan na parang putik sa mga lansangan.
11 Kaarawan ng pagtatayo ng (FJ)iyong mga kuta! sa kaarawang yaon ay malalayo ang pasiya.
12 Sa kaarawang yaon ay magsisiparoon sila sa iyo mula sa Asiria at sa mga bayan ng Egipto, at mula sa Egipto hanggang sa ilog, at mula sa dagat at dagat, at sa bundok at bundok.
13 Gayon ma'y masisira ang lupain dahil sa kanila na nagsisitahan doon, dahil sa bunga ng kanilang mga gawa.
14 Pakanin mo ang iyong bayan sa pamamagitan ng iyong tungkod, (FK)ang kawan na iyong mana, (FL)na tumatahang magisa, sa (FM)gubat sa gitna ng Carmelo: pakanin mo sila sa Basan at sa Galaad, gaya ng mga araw nang una.
15 Gaya ng mga araw ng iyong paglabas sa lupain ng Egipto ay aking pagpapakitaan (FN)sila ng mga kagilagilalas na bagay.
16 Makikita ng mga bansa, at mangapapahiya sa buo nilang kapangyarihan; kanilang ilalagay ang kanilang kamay sa kanilang bibig, ang kanilang mga pakinig ay mabibingi.
17 Sila'y magsisihimod sa (FO)alabok na parang ahas; parang nagsisiusad na hayop sa lupa sila'y magsisilabas na nagsisipanginig mula sa kanilang mga kulungan; sila'y magsisilapit na may takot sa Panginoon nating Dios, at mangatatakot dahil sa iyo.
18 (FP)Sino ang Dios na gaya mo, (FQ)na nagpapatawad ng kasamaan, at pinalalagpas ang pagsalansang ng nalabi sa kaniyang mana? hindi niya pinipigil ang kaniyang galit ng magpakailan man, sapagka't siya'y nalulugod sa kagandahang-loob.
19 Siya'y muling magtataglay ng habag sa atin; (FR)kaniyang yayapakan ang ating kasamaan: at kaniyang ihahagis ang lahat nilang kasalanan sa mga kalaliman ng dagat.
20 Iyong isasagawa (FS)ang katotohanan kay Jacob, at ang kagandahang-loob kay Abraham, na iyong isinumpa sa aming mga magulang mula sa mga araw nang una.
Ang kabutihan at kabagsikan ng Panginoon.
1 (FT)Ang hula tungkol sa (FU)Ninive. Ang aklat tungkol sa pangitain ni Nahum na Elkoshita.
2 Ang Panginoon ay (FV)mapanibughuing Dios at nanghihiganti; ang Panginoon ay nanghihiganti at puspos ng kapootan; ang Panginoon ay nanghihiganti sa kaniyang mga kaaway, at siya'y nagtataan ng kapootan sa kaniyang mga kaaway.
3 Ang Panginoon ay (FW)banayad sa pagkagalit, at dakila sa kapangyarihan, at sa anomang paraan ay hindi aariing walang sala ang salarin: ang daan ng Panginoon ay sa ipoipo at sa bagyo, at ang mga ulap ay siyang alabok ng kaniyang mga paa.
4 Kaniyang sinasaway (FX)ang dagat, at tinutuyo, at tinutuyo ang lahat na ilog: ang Basan ay nanlalata, at ang Carmelo; at ang bulaklak ng Libano ay nalalanta.
5 Ang mga bundok ay nanginginig dahil sa kaniya, at ang mga burol ay nangatutunaw; at ang lupa'y lumilindol sa kaniyang harapan, oo, ang sanglibutan, at ang lahat na nagsisitahan dito.
6 Sino ang makatatayo sa harap ng kaniyang pagkagalit? at sino ang makatatahan sa kabangisan ng kaniyang galit? ang kaniyang kapusukan ay sumisigalbong parang apoy, at ang mga malaking bato ay nangatitibag niya.
7 Ang Panginoo'y mabuti, (FY)katibayan sa kaarawan ng kabagabagan; at (FZ)nakikilala niya yaong nangaglalagak ng kanilang tiwala sa kaniya.
8 Nguni't sa pamamagitan ng manggugunaw na baha ay kaniyang lubos na wawakasan ang kaniyang dako, at hahabulin ang kaniyang mga kaaway sa kadiliman.
9 Ano ang inyong kinakatha laban sa Panginoon? siya'y gagawa ng lubos na kawakasan; ang pagdadalamhati ay hindi titindig na ikalawa.
10 Sapagka't yamang sila'y maging gaya ng mga salasalabat na tinik, at maging napakalasing na parang manglalasing, sila'y lubos na masusupok na (GA)parang tuyong dayami.
11 May lumabas na isa sa iyo, na nagiisip ng kasamaan laban sa Panginoon, na pumapayo ng masama.
12 Ganito ang sabi ng Panginoon: Bagaman sila'y nangasa lubos na kalakasan, at totoong marami, gayon may sila'y nangalulugmok, at daraan siya. Bagaman pinagdalamhati kita, hindi na kita pagdadalamhatiin pa.
13 At ngayo'y (GB)aking babaliin ang kaniyang pamatok na nasa iyo, at aking sisirain ang iyong mga paningkaw.
14 At ang Panginoon ay nagbigay utos tungkol sa iyo, na hindi na matatatag ang iyong pangalan: sa bahay ng iyong mga dios ay aking ihihiwalay ang larawang inanyuan at ang larawang binubo; aking gagawin ang iyong libingan; sapagka't ikaw ay hamak.
15 Narito, (GC)nasa ibabaw ng mga bundok ang mga paa niyang nangagdadala ng mga mabuting balita, na nangaghahayag ng kapayapaan! Ipagdiwang mo ang iyong mga kapistahan, Oh Juda, tuparin mo ang iyong mga panata; sapagka't ang masama ay hindi na dadaan pa sa iyo; siya'y lubos na nahiwalay.
Ang pagkaguho ng Ninive ay itinakda.
2 Siyang bumabasag ay sumampa sa harapan mo: ingatan mo ang katibayan, bantayan mo ang daan, palakasin mo ang iyong mga balakang, patibayin mo ang iyong kapangyarihan na mainam,
2 Sapagka't ibinabalik ng Panginoon ang (GD)karilagan ng Jacob na gaya ng karilagan ng Israel: sapagka't ang mga tagatuyo ay nagsituyo sa kanila, at sinira ang mga sanga ng kanilang mga puno ng ubas.
3 Ang kalasag ng kaniyang mga makapangyarihang lalake ay pumula, ang matapang na lalake ay nakapanamit ng matingkad na pula: ang mga karo ay nagsisikislap ng patalim sa kaarawan ng kaniyang paghahanda, at ang mga sibat na abeto ay nagsisigalaw ng kakilakilabot.
4 Ang mga karo ay nagsisihagibis sa mga lansangan; nangagkakabanggang isa't isa sa mga daan: ang anyo ng mga yaon ay gaya ng mga sulo; nagsisitakbong parang mga kidlat.
5 Naaalaala niya ang kaniyang mga bayani: sila'y nangatitisod sa kanilang paglakad; sila'y nangagmamadali sa kuta niyaon, at ang panakip ay handa.
6 Ang mga pintuan ng mga ilog ay bukas, at ang palacio ay nalansag.
7 At si Huzab ay nahubdan; siya'y dinala; at ang kaniyang mga alilang babae ay nananaghoy na parang huni ng mga kalapati, na nagsisidagok sa kanilang mga dibdib.
8 Datapuwa't ang Ninive mula nang una ay naging parang lawa ng tubig: gayon ma'y nagsisitakas. Tigil kayo, tigil kayo, isinisigaw nila; nguni't walang lumilingon.
9 Kunin ninyo ang samsam na pilak, kunin ninyo ang samsam na ginto; sapagka't walang katapusang kayamanan, na kaluwalhatian sa lahat ng maligayang kasangkapan.
10 Siya'y tuyo, at walang laman, at wasak; at ang puso ay natutunaw, at ang mga tuhod ay nagkakaumpugan, at ang pagdaramdam ay nasa lahat ng mga balakang, at (GE)ang mga mukha nilang lahat ay nangamumutla.
11 Saan nandoon ang yungib ng (GF)mga leon, at ang dakong sabsaban ng mga batang leon, na nililibutan ng leon at ng babaeng leon, ng batang leon, at walang tumatakot sa kanila?
12 Ang leon ay kumakatay ng sagana para sa kaniyang mga anak, at lumalapa para sa kaniyang mga babaeng leon, at pinupuno ng huli ang kaniyang mga cueba, at ng tangay ang kaniyang mga yungib.
13 Narito, ako'y laban sa iyo, (GG)sabi ng Panginoon ng mga hukbo, at (GH)aking susunugin ang kaniyang mga karo sa usok, at lalamunin ng tabak ang iyong mga batang leon; at aking ihihiwalay ang iyong huli sa lupa, at ang tinig ng iyong mga (GI)sugo ay hindi na maririnig.
Ang pagkaguho ng Ninive ay itinakda.
3 Sa aba ng mabagsik na bayan! siya'y puspos na lubos ng kabulaanan at mga agaw; (GJ)ang panghuhuli ay hindi tumitigil.
2 Ang higing ng panghagupit, at ang (GK)hugong ng pihit ng mga gulong, at ng mga madambang kabayo, at ng lukso ng mga karo,
3 Ang sakay ng mga mangangabayo, at ang kinang ng tabak; at ang kislap ng sibat, at isang karamihan na patay, ay malaking bunton ng mga bangkay, at walang katapusang mga bangkay; sila'y nangatitisod sa kanilang mga bangkay;—
4 Dahil sa karamihan ng pagpapatutot ng minagandang patutot, na (GL)panguna ng pangeenkanto, na nagbibili ng mga bansa sa pamamagitan ng kaniyang pagpapatutot, at ng mga angkan sa pamamagitan ng kaniyang mga pangeenkanto.
5 (GM)Narito, ako'y laban sa iyo, sabi ng Panginoon ng mga hukbo, at aking ilililis ang iyong laylayan sa harap mo; at (GN)aking ipakikita sa mga bansa ang iyong kahubaran, at sa mga kaharian ang iyong kahihiyan.
6 At aking ihahagis sa iyo ang kasuklamsuklam na karumihan, at gagawin kitang hamak, at ilalagay kitang pinakakutya.
7 At mangyayari, na ang lahat na mangakakakita sa iyo, ay iilag sa iyo, at mangagsasabi, Ang Ninive ay nahahandusay na sira: sinong mananaghoy sa kaniya? saan ako hahanap ng mga mangaaliw sa iyo?
8 Ikaw baga'y mabuti pa sa Noamon, (GO)na natatayo sa gitna ng mga ilog, na may tubig sa palibot niya; na ang katibaya'y ang dagat, at ang kaniyang kuta ay nasa dagat?
9 Etiopia at Egipto ang kaniyang mga naging katibayan, at walang hanggan; (GP)Phut at (GQ)Lubim ang iyong mga naging katulong.
10 Gayon ma'y siya'y nadala, siya'y pumasok sa pagkabihag; ang kaniyang mga anak naman ay pinagputolputol sa dulo ng lahat ng mga lansangan; at pinagsapalaran ang kaniyang mga marangal na tao, at ang lahat niyang mahal na tao ay nangasabiran ng mga tanikala.
11 Ikaw naman ay malalango; ikaw ay matatago; ikaw rin naman ay hahanap ng katibayan dahil sa kaaway.
12 Lahat ng iyong kuta ay magiging parang puno ng igos, na may unang hinog na mga igos: kung mga ugugin, nangalalaglag sa bibig ng kumakain.
13 Narito, ang (GR)iyong mga tao sa gitna mo ay mga babae; ang mga pintuang-bayan ng iyong lupain ay nangabubukas ng maluwang sa iyong mga kaaway: nilamon ng apoy ang iyong mga halang.
14 (GS)Umigib ka ng tubig sa pagkakubkob; (GT)tibayan mo ang iyong mga katibayan; pumasok ka sa putikan, at yapakan mo ang argamasa, tibayan mo ang hurno ng ladrillo.
15 Doon ka sasakmalin ng apoy; ihihiwalay ka ng tabak; sasakmalin kang parang uod: magpakarami kang gaya ng uod: magpakarami kang gaya ng balang.
16 Iyong pinarami ang iyong mga (GU)mangangalakal kay sa mga bituin sa langit: ang uod ay sumasamsam, at lumilipad.
17 Ang iyong mga prinsipe ay parang mga balang, at ang iyong mga pinuno ay parang kawan ng lukton, na nagsisihimpil sa mga bakod sa araw na malamig, nguni't pagka ang araw ay sumikat sila'y nagsisilipad, at ang kanilang dako ay hindi alam kung saan sila nangandoon.
18 Ang iyong mga pastor ay (GV)nangatutulog, Oh (GW)hari sa Asiria; ang iyong mga bayani ay nangagpapahinga; ang iyong bayan ay nangangalat sa mga bundok, at walang magpisan sa kanila.
19 Walang kagamutan sa iyong sakit: ang iyong sugat ay malubha: lahat na (GX)makabalita sa iyo ay (GY)nagsisipakpak ng kamay dahil sa iyo; sapagka't (GZ)sinong hindi nadaanan ng iyong kasamaan?
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978