Bible in 90 Days
Pagpuri sa mga kahangahangang gawa ng Panginoon sa Israel.
135 Purihin ninyo ang Panginoon.
Purihin ninyo ang pangalan ng Panginoon;
(A)Purihin ninyo siya, Oh ninyong mga lingkod ng Panginoon:
2 Ninyong nagsisitayo sa bahay ng Panginoon.
Sa (B)mga looban ng bahay ng ating Dios.
3 Purihin ninyo ang Panginoon; sapagka't ang Panginoon ay mabuti:
Magsiawit kayo ng mga pagpuri sa kaniyang pangalan; (C)sapagka't maligaya.
4 Sapagka't pinili ng (D)Panginoon para sa kaniya si Jacob,
At ang Israel na kaniyang pinakatanging (E)kayamanan.
5 Sapagka't nalalaman ko (F)na ang Panginoon ay dakila,
At ang ating Panginoon ay higit sa lahat na dios.
6 Anomang kinalugdan ng Panginoon, ay kaniyang ginawa,
Sa langit at sa lupa, sa mga dagat, at sa lahat ng mga kalaliman.
7 Kaniyang pinailanglang ang mga singaw na mula sa mga wakas ng lupa;
Kaniyang ginagawa ang mga kidlat na ukol sa ulan;
Kaniyang inilalabas ang hangin (G)mula sa kaniyang mga ingatang-yaman.
8 Na siyang sumakit sa mga panganay sa Egipto,
Sa tao at gayon din sa hayop.
9 (H)Siya'y nagsugo ng mga tanda at mga kababalaghan sa gitna mo, Oh Egipto,
Kay Faraon, at sa lahat niyang mga lingkod.
10 (I)Na siyang sumakit sa maraming bansa,
At pumatay sa mga makapangyarihang hari;
11 Kay (J)Sehon na hari ng mga Amorrheo,
At kay Og na hari sa Basan,
At (K)sa lahat ng mga kaharian ng Canaan:
12 At ibinigay ang kanilang lupain na pinakamana,
Isang pinakamana sa Israel sa kaniyang bayan.
13 Ang iyong pangalan, (L)Oh Panginoon, ay magpakailan man;
Ang alaala sa iyo, Oh Panginoon, ay sa lahat ng sali't saling lahi.
14 Sapagka't hahatulan ng Panginoon ang kaniyang bayan,
At (M)magsisisi tungkol sa kaniyang mga lingkod.
15 (N)Ang mga diosdiosan ng mga bansa ay pilak at ginto,
Na gawa ng mga kamay ng mga tao.
16 Sila'y may mga bibig, nguni't hindi sila nangagsasalita;
Mga mata ay mayroon sila, ngunit hindi sila nangakakakita;
17 Sila'y may mga tainga, nguni't hindi sila nangakakarinig;
At wala mang anomang hinga sa kanilang mga bibig.
18 Silang nagsisigawa sa kanila ay magiging gaya nila;
Oo, bawa't tumitiwala sa kanila.
19 (O)Oh sangbahayan ni Israel, purihin ninyo ang Panginoon:
Oh sangbahayan ni Aaron, purihin ninyo ang Panginoon:
20 Oh sangbahayan ni Levi, purihin ninyo ang Panginoon:
Ninyong nangatatakot sa Panginoon, purihin ninyo ang Panginoon.
21 Purihin ang Panginoon mula sa Sion,
(P)Na siyang tumatahan sa Jerusalem.
Purihin ninyo ang Panginoon.
Pasalamat dahil sa kagandahang-loob ng Panginoon sa Israel.
136 Oh mangagpasalamat kayo sa Panginoon; (Q)sapagka't siya'y mabuti:
Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
2 (R)Oh mangagpasalamat kayo sa Dios ng mga dios:
Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
3 Oh mangagpasalamat kayo sa Panginoon ng mga panginoon:
Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
4 Sa kaniya na (S)gumagawang magisa ng mga dakilang kababalaghan:
Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
5 (T)Sa kaniya na gumawa ng mga langit sa pamamagitan ng unawa:
Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
6 (U)Sa kaniya na naglalatag ng lupa sa ibabaw ng tubig:
Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
7 (V)Sa kaniya na gumawa ng mga dakilang tanglaw;
Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man:
8 Ng araw upang magpuno sa araw:
Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man:
9 Ng buwan at mga bituin upang magpuno sa gabi:
Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
10 (W)Sa kaniya na sumakit sa Egipto sa kanilang mga panganay:
Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man:
11 (X)At kinuha ang Israel sa kanila: Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man:
12 (Y)Sa pamamagitan ng malakas na kamay, at ng unat na bisig:
Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
13 (Z)Sa kaniya na humawi ng Dagat na Mapula:
Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man:
14 At nagparaan sa Israel sa gitna niyaon:
Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man:
15 (AA)Nguni't tinabunan si Faraon at ang kaniyang hukbo sa Dagat na Mapula:
Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
16 (AB)Sa kaniya na pumatnubay ng kaniyang bayan sa ilang:
Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
17 (AC)Sa kaniya na sumakit sa mga dakilang hari:
Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man:
18 (AD)At pumatay sa mga bantog na hari:
Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man:
19 (AE)Kay Sehon na hari ng mga Amorrheo;
Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man:
20 (AF)At kay Og na hari sa Basan:
Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man:
21 (AG)At ibinigay ang kanilang lupain na pinakamana.
Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man:
22 Sa makatuwid baga'y pinakamana sa Israel na (AH)kaniyang lingkod:
Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
23 (AI)Na siyang umalaala sa atin sa ating mababang kalagayan:
Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man:
24 At iniligtas tayo sa ating mga kaaway:
Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man:
25 (AJ)Siya'y nagbibigay ng pagkain sa lahat ng kinapal:
Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
26 Oh mangagpasalamat kayo sa Dios ng langit:
Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
Mga kalungkutan ng mga bihag sa Babilonia.
137 Sa tabi ng mga ilog ng Babilonia,
Doo'y nangaupo tayo, oo, nagiyak tayo,
Nang ating maalaala ang Sion.
2 Sa mga punong sauce sa gitna niyaon
Ating ibinitin ang ating mga alpa.
3 Sapagka't doo'y silang nagsibihag sa atin ay nagsihiling sa atin ng mga awit,
At silang magpapahamak sa atin ay nagsihiling sa atin ng kasayahan, na nangagsasabi:
Awitin ninyo sa amin ang sa mga awit ng Sion.
4 (AK)Paanong aawitin namin ang awit sa Panginoon
Sa ibang lupain?
5 Kung kalimutan kita, Oh Jerusalem,
Kalimutan nawa ng aking kanan ang kaniyang kasanayan.
6 Dumikit nawa ang (AL)aking dila sa ngalangala ng aking bibig,
Kung hindi kita alalahanin;
Kung hindi ko piliin ang Jerusalem
Ng higit sa aking pinakapangulong kagalakan.
7 Alalahanin mo Oh Panginoon, laban (AM)sa mga anak ni Edom
Ang kaarawan ng Jerusalem;
Na nagsabi, Sirain, sirain,
Pati ng patibayan niyaon.
8 Oh anak na babae ng Babilonia, na (AN)sira;
Magiging mapalad siya, (AO)na gumaganti sa iyo
Na gaya ng iyong ginawa sa amin.
9 Magiging mapalad siya, na kukuha at maghahagis sa iyong mga bata
Sa malaking bato.
Pagpapasalamat sa pagkatig ng Panginoon. Awit ni David.
138 Ako'y magpapasalamat sa iyo ng aking buong puso:
(AP)Sa harap ng mga dios ay aawit ako ng mga pagpuri sa iyo.
2 Ako'y sasamba sa dako ng iyong banal na templo,
At (AQ)magpapasalamat sa iyong pangalan, dahil sa iyong kagandahang-loob at dahil sa iyong katotohanan:
Sapagka't iyong pinadakila ang iyong salita sa iyong buong pangalan.
3 Nang araw na ako'y tumawag ay sinagot mo ako,
Iyong pinatapang ako ng kalakasan sa aking kaluluwa.
4 Lahat ng mga hari sa lupa (AR)ay mangagpapasalamat sa iyo, Oh Panginoon,
Sapagka't kanilang narinig ang mga salita ng iyong bibig.
5 Oo, sila'y magsisiawit tungkol sa mga daan ng Panginoon;
Sapagka't dakila ang kaluwalhatian ng Panginoon.
6 (AS)Sapagka't bagaman ang Panginoon ay mataas, (AT)gumagalang din sa mababa:
Nguni't ang hambog ay nakikilala niya mula sa malayo.
7 (AU)Bagaman ako'y lumakad sa gitna ng kabagabagan, iyong bubuhayin ako;
Iyong iuunat ang iyong kamay laban sa poot ng aking mga kaaway,
At ililigtas ako ng iyong kanan.
8 (AV)Pasasakdalin ng Panginoon ang tungkol sa akin:
Ang iyong kagandahang-loob, Oh Panginoon, ay magpakailan man;
(AW)Huwag mong pabayaan ang mga gawa ng iyong sariling mga kamay.
Ang Panginoon ay sumasa lahat at nakaaalam ng lahat. Sa Pangulong Manunugtog. Awit ni David.
139 Oh Panginoon, (AX)iyong siniyasat ako, at nakilala ako.
2 (AY)Iyong nakikilala ang aking pag-upo at ang aking pagtindig,
(AZ)Iyong nauunawa ang aking pagiisip sa malayo.
3 Iyong siniyasat ang aking landas at ang aking higaan,
At iyong kilala ang lahat kong mga lakad.
4 Sapagka't wala pa ang salita sa aking dila,
Nguni't, narito, Oh Panginoon, (BA)natatalastas mo nang buo.
5 (BB)Iyong kinulong ako sa likuran at sa harapan,
At inilapag mo ang iyong kamay sa akin.
6 Ang ganyang kaalaman (BC)ay totoong kagilagilalas sa akin;
Ito'y mataas, hindi ko maabot.
7 (BD)Saan ako paroroon na mula sa iyong Espiritu?
O saan ako tatakas na mula sa iyong harapan?
8 (BE)Kung sumampa ako sa langit, nandiyan ka:
(BF)Kung gawin ko ang aking higaan sa Sheol, narito, ikaw ay nandoon.
9 Kung aking kunin ang mga (BG)pakpak ng umaga,
At tumahan sa mga pinakadulong bahagi ng dagat;
10 Doon ma'y papatnubayan ako ng iyong kamay,
At ang iyong kanang kamay ay hahawak sa akin.
11 Kung aking sabihin, (BH)Tunay na tatakpan ako ng kadiliman,
At ang liwanag sa palibot ko ay magiging gabi;
12 (BI)Ang kadiliman man ay hindi nakakukubli sa iyo,
Kundi ang gabi ay sumisilang na parang araw:
Ang kadiliman at kaliwanagan ay magkaparis sa iyo
13 (BJ)Sapagka't iyong inanyo ang aking mga lamang loob:
(BK)Iyo akong tinakpan sa bahaybata ng aking ina.
14 Ako'y magpapasalamat sa iyo; sapagka't nilalang ako na kakilakilabot at kagilagilalas:
Kagilagilalas ang iyong mga gawa;
At nalalamang mabuti ng aking kaluluwa.
15 Ang katawan ko'y (BL)hindi nakubli sa iyo,
Nang ako'y gawin sa lihim,
At yariing mainam sa mga pinakamababang bahagi sa lupa.
16 Nakita ng iyong mga mata ang aking mga sangkap na di sakdal,
At sa iyong aklat ay pawang nangasulat,
Kahit na ang mga araw na itinakda sa akin,
Nang wala pang anoman sa kanila,
17 (BM)Pagka mahalaga rin ng iyong mga pagiisip sa akin, Oh Dios!
Pagka dakila ng kabuoan nila!
18 Kung aking bibilangin, higit sila sa bilang kay sa buhangin:
Pagka ako'y nagigising ay laging nasa iyo ako.
19 Walang pagsalang iyong (BN)papatayin ang masama, Oh Dios:
Hiwalayan nga ninyo ako, Oh mga mabagsik na tao.
20 Sapagka't sila'y nangagsasalita laban sa iyo ng kasamaan,
At (BO)ginagamit ng iyong mga kaaway ang iyong pangalan sa walang kabuluhan.
21 (BP)Hindi ko ba ipinagtatanim sila, Oh Panginoon, na nagtatanim sa iyo?
At hindi ba kinapapanglawan ko ang mga yaon na nagsisibangon laban sa iyo?
22 Aking ipinagtatanim sila ng lubos na kapootan:
Sila'y naging mga kaaway ko.
23 (BQ)Siyasatin mo ako, Oh Dios, at alamin mo ang aking puso;
Subukin mo ako, at alamin mo ang aking mga pagiisip:
24 At tingnan mo kung may anomang lakad ng kasamaan sa akin,
At (BR)patnubayan mo ako sa daang walang hanggan.
Panalangin upang ingatan laban sa manlulupig. Sa Pangulong Manunugtog. Awit ni David
140 Iligtas mo ako, Oh Panginoon, sa masamang tao;
Ingatan mo ako sa marahas na tao:
2 Na nagaakala ng kasamaan sa kanilang puso:
(BS)Laging nagpipipisan sila sa pagdidigma.
3 Kanilang inihasa ang kanilang dila na parang ahas;
(BT)Kamandag ng mga ahas ay nasa kanilang mga labi. (Selah)
4 (BU)Ingatan mo ako, Oh Panginoon, sa mga kamay ng masama;
Ingatan mo ako sa marahas na tao:
Na nagakalang iligaw ang aking mga hakbang.
5 (BV)Ipinagkubli ako ng palalo ng silo, at ng mga panali;
Kanilang ipinaglagay ako ng bating sa tabi ng daan;
Sila'y naglagay ng mga silo na ukol sa akin. (Selah)
6 Aking sinabi sa Panginoon. Ikaw ay Dios ko:
Pakinggan mo ang tinig ng aking mga dalangin, Oh Panginoon.
7 Oh Dios na Panginoon, na kalakasan ng aking kaligtasan,
Iyong tinakpan ang ulo ko sa kaarawan ng pagbabaka.
8 Huwag mong ipagkaloob, Oh Panginoon, ang mga nasa ng masama;
Huwag mong papangyarihin ang kaniyang masamang haka; baka (BW)sila'y mangagmalaki. (Selah)
9 Tungkol sa ulo niyaong nagsisikubkob sa aking palibot,
Takpan sila (BX)ng kasamaan ng kanilang sariling mga labi.
10 (BY)Mahulog sa kanila ang mga bagang nagniningas:
Mangahagis sila sa apoy;
Sa mga malalim na hukay, upang huwag na silang mangakabangon uli.
11 Ang mapagsalita ng masama ay hindi matatatag sa lupa:
Huhulihin ng kasamaan ang marahas na lalake upang ibuwal siya.
12 Nalalaman ko na (BZ)aalalayan ng Panginoon ang usap ng nagdadalamhati,
At ang matuwid ng mapagkailangan.
13 Walang pagsalang ang matuwid ay magpapasalamat sa iyong pangalan:
Ang matuwid ay tatahan sa iyong harapan.
Panalangin sa hapon sa pagtatalaga. Awit ni David
141 Panginoon, ako'y tumawag sa iyo: (CA)magmadali ka sa akin:
Pakinggan mo ang tinig ko, pagka ako'y tumatawag sa iyo.
2 (CB)Malagay ang aking dalangin na parang kamangyan sa harap mo;
(CC)Ang pagtataas ng aking mga kamay na (CD)parang hain sa kinahapunan.
3 (CE)Maglagay ka ng bantay, Oh Panginoon, sa harap ng aking bibig;
Ingatan mo ang pintuan ng aking mga labi.
4 Huwag mong ikiling ang aking puso sa anomang masamang bagay,
Na gumawa sa mga gawa ng kasamaan
Na kasama ng mga taong nagsisigawa ng kasamaan:
At (CF)huwag mo akong pakanin ng kanilang mga masarap na pagkain.
5 (CG)Sugatan ako ng matuwid, magiging kagandahan pa ng loob;
At sawayin niya ako, magiging parang langis sa ulo;
Huwag tanggihan ng aking ulo:
Sapagka't sa kanilang kasamaan ay mamamalagi ang dalangin ko.
6 Ang kanilang mga hukom ay nangahagis sa mga tabi ng malaking bato;
At kanilang maririnig ang aking mga salita; sapagka't matatamis.
7 Gaya ng kung inaararo at nabubungkal ang lupa,
Gayon ang aming mga buto (CH)ay nangangalat sa bibig ng Sheol.
8 Sapagka't ang mga mata ko'y (CI)nangasa iyo, Oh Dios na Panginoon:
Sa iyo nanganganlong ako; huwag mong iwan ang aking kaluluwa sa walang magkandili.
9 Iligtas mo ako (CJ)sa silo na kanilang inilagay na ukol sa akin,
At sa mga silo ng mga manggagawa ng kasamaan.
10 (CK)Mahulog ang masama sa kanilang sariling mga bating.
Habang ako'y nakatatanan.
Panalangin upang tulungan sa panahon ng ligalig. (CL)Masquil ni David, nang siya'y nasa yungib; Dalangin.
142 Ako'y (CM)dumadaing ng aking tinig sa Panginoon;
Ako'y namamanhik ng aking tinig sa Panginoon.
2 (CN)Aking ibinubugso ang daing ko sa harap niya;
Aking ipinakilala sa harap niya ang kabagabagan ko.
3 Nang nanglupaypay ang diwa ko sa loob ko,
Nalaman mo ang aking landas.
(CO)Sa daan na aking nilalakaran
Ay pinagkukublihan nila ako ng silo.
4 (CP)Tumingin ka sa aking kanan, at tingnan mo:
Sapagka't (CQ)walang tao na nakakakilala sa akin:
Kanlungan ay kulang ako;
Walang taong lumilingap sa aking kaluluwa.
5 Ako'y dumaing sa iyo, Oh Panginoon;
Aking sinabi: Ikaw ay aking kanlungan,
(CR)Aking bahagi (CS)sa lupain ng may buhay.
6 Pakinggan mo ang aking daing;
Sapagka't (CT)ako'y totoong nababa:
Iligtas mo ako sa nagsisiusig sa akin;
Sapagka't sila'y malakas kay sa akin.
7 (CU)Ilabas mo ang aking kaluluwa sa bilangguan,
Upang ako'y makapagpasalamat sa iyong pangalan:
Kubkubin ako ng matuwid;
(CV)Sapagka't ikaw ay gagawang may kagandahang-loob sa akin.
Panalangin upang iligtas at akayin. Awit ni David.
143 Dinggin mo ang dalangin ko Oh Panginoon; pakinggan mo ang aking mga pamanhik:
Sa iyong pagtatapat ay (CW)sagutin mo ako, at sa iyong katuwiran.
2 (CX)At huwag kang masok sa kahatulan na kasama ng iyong lingkod;
Sapagka't sa iyong paningin ay (CY)walang taong may buhay na aariing ganap.
3 Sapagka't pinagusig ng kaaway ang kaluluwa ko;
Kaniyang sinaktan ang aking buhay ng lugmok sa lupa:
Kaniyang pinatahan ako (CZ)sa mga madilim na dako, gaya ng mga namatay nang malaon.
4 Kaya't ang aking diwa ay nanglulupaypay sa loob ko;
Ang puso ko sa loob ko ay bagbag.
5 (DA)Aking naaalaala ang mga araw ng una;
Aking ginugunita ang lahat mong mga gawa:
Aking binubulay ang gawa ng iyong mga kamay.
6 (DB)Iginawad ko ang aking mga kamay sa iyo:
(DC)Ang aking kaluluwa ay nananabik sa iyo, na parang uhaw na lupain. (Selah)
7 Magmadali kang sagutin mo ako, Oh Panginoon; ang diwa ko'y nanglulupaypay:
Huwag mong ikubli ang iyong mukha sa akin;
Baka ako'y maging gaya nila na nagsibaba sa hukay.
8 Iparinig mo sa akin ang iyong kagandahang-loob (DD)sa kinaumagahan;
Sapagka't sa iyo ako tumitiwala:
(DE)Ipabatid mo sa akin ang daan na aking dapat lakaran;
Sapagka't itinaas ko ang aking kaluluwa sa iyo.
9 Iligtas mo ako, Oh Panginoon, sa aking mga kaaway:
Tumatakas ako sa iyo upang ikubli mo ako.
10 (DF)Turuan mo akong gumawa ng iyong kalooban;
Sapagka't ikaw ay aking Dios:
(DG)Ang iyong Espiritu ay mabuti;
Patnubayan mo ako (DH)sa lupain ng katuwiran.
11 Buhayin mo ako, Oh Panginoon, (DI)dahil sa iyong pangalan:
Sa iyong katuwiran ay ilabas mo ang aking kaluluwa sa kabagabagan,
12 At sa iyong kagandahang-loob ay (DJ)ihiwalay mo ang aking mga kaaway,
At lipulin mo ang lahat na nagsisidalamhati sa aking kaluluwa;
Sapagka't (DK)ako'y iyong lingkod.
Panalangin sa pagsagip. Masayang bayan ay inilahad. Awit ni David.
144 Purihin ang Panginoon na (DL)aking malaking bato,
Na tinuturuan ang mga kamay ko na makipagdigma,
At ang mga daliri ko na magsilaban:
2 Aking kagandahang-loob, at (DM)aking katibayan,
Aking matayog na moog, at aking tagapagligtas;
Aking kalasag, at siya na doon ako nanganganlong;
(DN)Na siyang nagpapasuko ng aking bayan sa akin.
3 (DO)Panginoon, ano ang tao, upang iyong kilalanin siya?
O ang anak ng tao, upang iyong pahalagahan siya?
4 (DP)Ang tao ay parang walang kabuluhan:
Ang kaniyang mga kaarawan ay parang lilim na napaparam.
5 Ikiling mo ang iyong mga langit, (DQ)Oh Panginoon, at bumaba ka:
(DR)Hipuin mo ang mga bundok, at magsisiusok.
6 (DS)Maghagis ka ng kidlat, at pangalatin mo sila;
Suguin mo ang iyong mga pana, at lituhin mo sila,
7 (DT)Iunat mo ang iyong kamay mula sa itaas;
(DU)Sagipin mo ako, at iligtas mo ako sa malaking tubig,
Sa kamay ng (DV)mga taga ibang lupa;
8 Na ang bibig ay nagsasalita ng karayaan,
At ang kanilang kanang kamay ay kanang kamay ng kabulaanan.
9 Ako'y aawit ng bagong awit sa iyo, (DW)Oh Dios:
Sa salterio na may sangpung kawad ay aawit ako ng mga pagpuri sa iyo.
10 Siya ang nagbibigay ng kaligtasan sa mga hari:
Na siyang nagligtas kay David na kaniyang lingkod sa manunugat na tabak.
11 Sagipin mo ako, at iligtas mo ako sa kamay ng mga taga ibang lupa.
Na ang bibig ay nagsasalita ng karayaan,
At ang kanilang kanang kamay ay kanang kamay ng kabulaanan.
12 Pagka ang aming mga anak na lalake ay magiging (DX)parang mga pananim na lumaki sa kanilang kabataan;
At ang aming mga anak na babae ay parang mga panulok na bato na inanyuan ayon sa anyo ng isang palasio.
13 Pagka ang mga kamalig namin ay puno, na may sarisaring bagay;
At ang mga tupa namin ay nanganganak ng mga libo at mga sangpung libo sa aming mga parang;
14 Pagka ang mga baka namin ay napapasanang mabuti;
Pagka walang salot, at sakuna,
At walang panaghoy sa aming mga lansangan;
15 (DY)Maginhawa ang bayan, na nasa gayong kalagayan:
(DZ)Maginhawa ang bayan na ang Dios ay ang Panginoon.
Ang Panginoon ay pinarangalan sa kaniyang kagalingan at kapangyarihan. (EA)Awit na pagpuri; ni David.
145 Ibubunyi kita, Dios ko, Oh Hari;
At aking pupurihin ang pangalan mo magpakailan-kailan pa man.
2 Araw-araw ay pupurihin kita;
At aking pupurihin ang pangalan mo magpakailan-kailan pa man.
3 (EB)Dakila ang Panginoon, at marapat na purihin;
At ang (EC)kaniyang kadakilaan ay hindi masayod.
4 (ED)Ang isang lahi ay pupuri ng iyong mga gawa sa isa.
At ipahahayag ang iyong mga makapangyarihang gawa.
5 Sa maluwalhating kamahalan ng iyong karangalan,
At sa iyong mga kagilagilalas na mga gawa, magbubulay ako.
6 At ang mga tao ay mangagsasalita ng kapangyarihan ng iyong kakilakilabot na mga gawa;
At aking ipahahayag ang iyong kadakilaan.
7 Kanilang sasambitin ang alaala sa iyong dakilang kabutihan,
At aawitin nila ang iyong katuwiran.
8 (EE)Ang Panginoon ay mapagbiyaya, at puspos ng kahabagan;
Banayad sa pagkagalit, at dakila sa kagandahang-loob.
9 (EF)Ang Panginoon ay mabuti sa lahat;
At ang kaniyang mga malumanay na kaawaan ay nasa lahat niyang mga gawa.
10 (EG)Lahat mong mga gawa ay mangagpapasalamat sa iyo Oh Panginoon;
(EH)At pupurihin ka ng iyong mga banal.
11 Sila'y mangagsasalita ng kaluwalhatian ng iyong kaharian,
At mangungusap ng iyong kapangyarihan;
12 (EI)Upang ipabatid sa mga anak ng mga tao ang kaniyang mga makapangyarihang gawa,
At ang kaluwalhatian ng kamahalan ng kaniyang kaharian.
13 (EJ)Ang kaharian mo'y walang hanggang kaharian,
At ang kapangyarihan mo'y sa lahat ng sali't saling lahi.
14 (EK)Inaalalayan ng Panginoon ang lahat na nangabubuwal,
At itinatayo yaong nangasusubasob.
15 (EL)Ang mga mata ng lahat ay nangaghihintay sa iyo;
At iyong ibinigay sa kanila ang kanilang pagkain sa ukol na panahon.
16 Iyong binubuksan ang iyong kamay,
At sinasapatan mo ang nasa ng bawa't bagay na may buhay.
17 (EM)Ang Panginoon ay matuwid sa lahat niyang daan,
At mapagbiyaya sa lahat niyang mga gawa.
18 (EN)Ang Panginoon ay malapit sa lahat na nagsisitawag sa kaniya,
Sa lahat na nagsisitawag sa kaniya (EO)sa katotohanan.
19 Kaniyang tutuparin ang nasa nila na nangatatakot sa kaniya;
Kaniya ring didinggin ang kanilang daing, at ililigtas sila.
20 (EP)Iniingatan ng Panginoon ang lahat na nagsisiibig sa kaniya;
Nguni't lahat ng masama ay lilipulin niya.
21 Ang aking bibig ay magsasalita ng kapurihan ng Panginoon;
(EQ)At purihin ng lahat na laman ang kaniyang banal na pangalan magpakailan-kailan pa man.
Papuri sa Panginoon, na masaganang tagatulong.
146 Purihin ninyo ang Panginoon.
Purihin mo ang Panginoon, (ER)Oh kaluluwa ko.
2 Samantalang ako'y nabubuhay ay (ES)pupurihin ko ang Panginoon:
Ako'y aawit ng mga pagpuri sa aking Dios, samantalang ako'y may buhay.
3 (ET)Huwag ninyong ilagak ang inyong tiwala sa mga pangulo,
Ni sa anak man ng tao, na walang pagsaklolo.
4 (EU)Ang hininga niya ay pumapanaw, siya'y nanunumbalik sa kaniyang pagkalupa;
Sa araw ding yaon ay mawawala ang kaniyang pagiisip.
5 (EV)Maginhawa ang may pinaka saklolo sa Dios ni Jacob,
Na ang pagasa ay nasa Panginoon niyang Dios:
6 (EW)Na gumawa ng langit at lupa,
Ng dagat, at ng lahat na nandoon;
Na nagiingat ng katotohanan magpakailan man:
7 (EX)Na nagsasagawa ng kahatulan sa napipighati;
(EY)Na nagbibigay ng pagkain sa gutom:
(EZ)Pinawawalan ng Panginoon ang mga bilanggo;
8 (FA)Idinidilat ng Panginoon ang mga mata ng bulag;
(FB)Ibinabangon ng Panginoon ang mga nasusubasob;
Iniibig ng Panginoon ang matuwid;
9 (FC)Iniingatan ng Panginoon ang mga taga ibang lupa;
Kaniyang inaalalayan ang ulila at babaing bao;
Nguni't (FD)ang lakad ng masama ay kaniyang ibinabaligtad.
10 (FE)Maghahari ang Panginoon magpakailan man.
Ang iyong Dios, Oh Sion, sa lahat ng sali't saling lahi.
Purihin ninyo ang Panginoon.
Pagpupuri dahil sa muling pagkakatayo ng Jerusalem at kasaganaan.
147 Purihin ninyo ang Panginoon; Sapagka't (FF)mabuting umawit ng mga pagpuri sa ating Dios;
(FG)Sapagka't maligaya, at ang pagpuri (FH)ay nakalulugod.
2 (FI)Itinatayo ng Panginoon ang Jerusalem;
Kaniyang pinipisan ang mga (FJ)natapon na Israel.
3 (FK)Kaniyang pinagagaling ang mga may bagbag na puso,
At tinatalian niya ang kanilang mga sugat.
4 (FL)Kaniyang sinasaysay ang bilang ng mga bituin;
Siya ang nagbibigay sa kanila ng lahat nilang pangalan.
5 Dakila ang ating Panginoon, at makapangyarihan sa kapangyarihan;
Ang kaniyang unawa ay walang hanggan,
6 (FM)Inaalalayan ng Panginoon ang maamo:
Kaniyang inilulugmok sa lupa ang masama.
7 Magsiawit kayo sa Panginoon ng pagpapasalamat;
Magsiawit kayo sa alpa ng mga pagpuri sa ating Dios:
8 (FN)Na nagtatakip sa mga langit ng mga alapaap.
Na siyang naghahanda ng ulan sa lupa,
na nagpapatubo ng damo sa mga bundok.
9 (FO)Siya'y nagbibigay sa hayop ng kaniyang pagkain.
At sa mga inakay na uwak na nagsisidaing.
10 (FP)Siya'y hindi nalulugod sa lakas ng kabayo:
Siya'y hindi nasasayahan sa mga paa ng tao.
11 Ang Panginoon ay naliligaya sa kanila na nangatatakot sa kaniya,
Sa nagsisiasa sa kaniyang kagandahang-loob.
12 Purihin mo ang Panginoon, Oh Jerusalem;
Purihin mo ang iyong Dios, Oh Sion.
13 Sapagka't kaniyang pinatibay ang mga halang ng iyong mga pintuang-bayan;
Kaniyang pinagpala ang iyong mga anak sa loob mo.
14 (FQ)Siya'y gumagawa ng kapayapaan sa iyong mga hangganan;
(FR)Kaniyang binubusog ka ng pinakamainam na trigo.
15 Kaniyang sinusugo ang kaniyang utos sa lupa;
Ang kaniyang salita ay tumatakbong maliksi.
16 (FS)Siya'y nagbibigay ng nieve na parang balahibo ng tupa;
Siya'y nagkakalat ng eskarcha na parang abo.
17 Kaniyang inihahagis na parang putol na maliit ang kaniyang hielo:
Sinong makatatagal sa harap ng lamig niyaon?
18 (FT)Kaniyang pinahahatdan ng salita, at tinutunaw:
Kaniyang pinahihihip ang kaniyang hangin, at ang tubig ay pinaagos.
19 (FU)Kaniyang ipinabatid ang kaniyang salita sa Jacob,
(FV)Ang kaniyang mga palatuntunan at mga kahatulan sa Israel.
20 (FW)Siya'y hindi gumawa ng gayon sa alin mang bansa:
At tungkol sa kaniyang mga kahatulan, hindi nila nalaman.
Purihin ninyo ang Panginoon.
Ang buong nilalang ay pinapagpupuri sa Panginoon.
148 Purihin ninyo ang Panginoon.
Purihin ninyo ang Panginoon mula sa mga langit:
Purihin ninyo siya sa mga kaitaasan.
2 (FX)Purihin ninyo siya, ninyong lahat niyang mga anghel:
Purihin ninyo siya, buo niyang hukbo.
3 Purihin ninyo siya, araw at buwan:
Purihin ninyo siya, ninyong lahat na mga bituing maliwanag.
4 Purihin ninyo siya, ninyong mga langit ng mga langit,
(FY)At ninyong tubig na nasa itaas ng mga langit.
5 Purihin nila ang pangalan ng Panginoon:
Sapagka't (FZ)siya'y nagutos, at sila'y nangalikha.
6 (GA)Kaniya rin namang ipinagtatatag magpakailan-kailan man:
Siya'y gumawa ng pasiya na hindi mapapawi.
7 Purihin ninyo ang Panginoon mula sa lupa,
Ninyong mga buwaya, at lahat ng mga kalaliman:
8 Apoy at granizo, nieve at singaw;
Unos na hangin, na (GB)gumaganap ng kaniyang salita:
9 (GC)Mga bundok at lahat ng mga gulod;
Mga mabungang kahoy at lahat ng mga cedro:
10 Mga hayop at buong kawan;
Nagsisiusad na bagay at ibong lumilipad:
11 Mga hari sa lupa at lahat ng mga bayan;
Mga pangulo at lahat ng mga hukom sa lupa:
12 Mga binata at gayon din ng mga dalaga;
Mga matanda at mga bata:
13 Purihin nila ang pangalan ng Panginoon;
Sapagka't ang kaniyang pangalang magisa ay nabunyi:
Ang kaniyang kaluwalhatian ay nasa itaas ng lupa at mga langit.
14 At itinaas niya ang sungay ng kaniyang bayan,
Ang papuri ng lahat niyang mga banal;
Sa makatuwid baga'y ng mga anak ni Israel, (GD)na bayang malapit sa kaniya.
Purihin ninyo ang Panginoon.
Ang Israel ay pinapagpupuri sa Panginoon.
149 Purihin ninyo ang Panginoon.
Magsiawit kayo sa Panginoon ng bagong awit,
At ng kaniyang kapurihan (GE)sa kapisanan ng mga banal.
2 (GF)Magalak nawa ang Israel sa kaniya na lumalang sa kaniya:
Magalak nawa ang mga anak ng Sion sa kanilang Hari.
3 (GG)Purihin nila ang kaniyang pangalan sa sayaw:
Magsiawit sila ng mga pagpuri sa kaniya na may pandereta at alpa.
4 Sapagka't ang Panginoon ay nalulugod sa kaniyang bayan:
(GH)Kaniyang pagagandahin ng kaligtasan ang maamo.
5 Pumuri nawa ang mga banal sa kaluwalhatian:
(GI)Magsiawit sila sa kagalakan sa kanilang mga higaan.
6 Malagay nawa sa kanilang bibig ang pinakamataas na pagpuri sa Dios,
At (GJ)tabak na may dalawang talim sa kanilang kamay;
7 Upang magsagawa ng panghihiganti sa mga bansa,
At mga parusa sa mga bayan;
8 Upang talian ang kanilang mga hari ng mga tanikala,
At ang kanilang mga mahal na tao ng mga panaling bakal;
9 Upang magsagawa sa kanila ng hatol na (GK)nasusulat:
Mayroon ng karangalang ito ang lahat niyang mga banal.
Purihin ninyo ang Panginoon.
Tawag upang purihin ang Panginoon sa pamamagitan ng mga panugtog.
150 Purihin ninyo ang Panginoon.
Purihin ninyo ang Dios (GL)sa kaniyang santuario:
Purihin ninyo siya sa langit ng kaniyang kapangyarihan.
2 Purihin ninyo siya dahil sa kaniyang mga makapangyarihang gawa:
Purihin ninyo siya ayon sa kaniyang marilag na kadakilaan.
3 Purihin ninyo siya ng tunog ng pakakak:
(GM)Purihin ninyo siya ng salterio at alpa.
4 Purihin ninyo siya (GN)ng pandereta at sayaw:
Purihin ninyo siya (GO)ng mga panugtog na kawad at ng (GP)flauta.
5 Purihin ninyo siya ng mga (GQ)matunog na simbalo.
Purihin ninyo siya sa pinaka matunog na mga simbalo.
6 (GR)Purihin ng bawa't bagay na may hininga ang Panginoon.
Purihin ninyo ang Panginoon.
Ang kagamitan ng mga kawikaan. Pagiingat laban sa hibo ng makasalanan.
1 Ang mga (GS)kawikaan ni Salomon na anak ni David na hari sa Israel:
2 Upang umalam ng karunungan at turo;
Upang bulayin ang mga salita ng pagkaunawa;
3 Upang (GT)tumanggap ng turo sa pantas na paguugali,
Sa katuwiran, at kahatulan, at karampatan;
4 Upang magbigay ng (GU)katalinuhan sa (GV)musmos.
Kaalaman at pagbubulay sa kabataan:
5 Upang marinig ng pantas, at lumago sa ikatututo:
At upang tamuhin ng taong may unawa ang magagaling na payo:
6 Upang umunawa ng kawikaan at ng kahulugan;
Ng mga salita ng pantas, at ng kanilang malalabong sabi.
7 (GW)Ang takot sa Panginoon ay pasimula ng kaalaman:
Nguni't ang mangmang ay humahamak sa karunungan at turo.
8 Anak ko, dinggin mo ang turo ng iyong ama,
At huwag mong pabayaan ang kautusan ng iyong ina:
9 Sapagka't sila'y magiging tali ng biyaya sa iyong ulo,
At mga kuwintas sa ligid ng iyong leeg.
10 Anak ko, kung ikaw ay hikayatin ng mga makasalanan,
(GX)Huwag mong tulutan.
11 Kung kanilang sabihin, Sumama ka sa amin,
Tayo'y (GY)magsibakay sa pagbububo ng dugo,
Tayo'y mangagkubli ng silo na walang anomang kadahilanan sa walang sala;
12 Sila'y (GZ)lamunin nating buháy na gaya ng Sheol.
At buo, (HA)na gaya ng nagsibaba sa lungaw;
13 Tayo'y makakasumpong ng lahat na mahalagang pagaari,
Ating pupunuin ang ating mga bahay ng samsam;
14 Ikaw ay makikipagsapalaran sa gitna namin;
Magkakaroon tayong lahat ng isang supot:
15 (HB)Anak ko, huwag kang lumakad sa daan na kasama nila;
(HC)Pigilin mo ang iyong paa sa kanilang landas:
16 (HD)Sapagka't ang kanilang mga paa ay nagsisitakbo sa kasamaan,
At sila'y nangagmamadali sa pagbububo ng dugo.
17 Sapagka't walang kabuluhang naladlad ang silo,
Sa paningin ng alin mang ibon:
18 At (HE)binabakayan ng mga ito ang kanilang sariling dugo,
Kanilang ipinagkukubli ng silo ang kanilang sariling mga buhay.
19 (HF)Ganyan ang mga lakad ng bawa't sakim sa pakinabang;
Na nagaalis ng buhay ng mga may-ari niyaon.
20 Karunungan ay humihiyaw na malakas sa lansangan;
Kaniyang inilalakas ang kaniyang tinig sa mga luwal na dako;
21 Siya'y humihiyaw sa mga pangulong dako na pinaglilipunan;
Sa pasukan ng mga pintuang-bayan,
Sa bayan, kaniyang binibigkas ang kaniyang mga salita:
22 Hanggang kailan kayong mga musmos, magsisiibig sa inyong kamusmusan?
At ang mga nanunuya ay maliligaya sa panunuya,
At ang mga mangmang ay (HG)mangagtatanim sa kaalaman?
23 Magsibalik kayo sa aking saway:
Narito, (HH)aking ibubuhos ang aking espiritu sa inyo.
24 (HI)Sapagka't ako'y tumawag, at kayo'y tumanggi:
Aking iniunat ang aking kamay, at walang makinig;
25 Kundi inyong iniuwi sa wala ang buo kong payo,
At hindi ninyo inibig ang aking saway:
26 (HJ)Ako naman ay tatawa sa kaarawan ng inyong kasakunaan:
Ako'y manunuya pagka ang inyong takot ay dumarating;
27 (HK)Pagka ang iyong takot ay dumarating na parang bagyo.
At ang inyong kasakunaan ay dumarating na parang ipoipo;
Pagka ang hirap at hapis ay dumating sa inyo.
28 (HL)Kung magkagayo'y tatawag sila sa akin, nguni't hindi ako sasagot;
Hahanapin nila akong masikap, nguni't hindi nila ako masusumpungan:
29 Sapagka't kanilang ipinagtanim ang kaalaman,
At hindi (HM)pinili ang takot sa Panginoon.
30 Ayaw sila ng aking payo;
Kanilang hinamak ang buo kong pagsaway:
31 (HN)Kaya't sila'y magsisikain ng bunga ng kanilang sariling lakad,
At mabubusog ng kanilang sariling mga kagagawan.
32 Sapagka't papatayin sila ng pagtalikod ng musmos,
At ang pagkawalang balisa ng mga mangmang ay ang sisira sa kanila.
33 Nguni't (HO)ang nakikinig sa akin ay tatahang tiwasay.
At (HP)tatahimik na walang takot sa kasamaan.
Ang babala ng karunungan laban sa mga napopoot sa kaniya.
2 Anak ko, kung iyong tatanggapin ang aking mga salita,
(HQ)At tataglayin mo ang aking mga utos;
2 Na anopa't iyong ikikiling ang iyong pakinig sa karunungan,
At ihihilig mo ang iyong puso sa pagunawa;
3 Oo, kung ikaw ay dadaing ng pagbubulay,
At itataas mo ang iyong tinig sa pagunawa;
4 (HR)Kung iyong hahanapin siya na parang pilak,
At sasaliksikin mo siyang parang kayamanang natatago.
5 Kung magkagayo'y iyong mauunawa ang pagkatakot sa Panginoon,
At masusumpungan mo ang kaalaman ng Dios.
6 Sapagka't ang Panginoon ay nagbibigay ng karunungan,
Sa kaniyang bibig nanggagaling ang kaalaman at kaunawaan:
7 Kaniyang pinapagtataglay ang matuwid ng magaling na karunungan,
(HS)Siya'y kalasag sa nagsisilakad sa pagtatapat;
8 Upang kaniyang mabantayan ang mga landas ng kahatulan,
At (HT)maingatan ang daan ng kaniyang mga banal.
9 Kung magkagayo'y mauunawa mo ang katuwiran at ang kahatulan,
At ang karampatan, oo, bawa't mabuting landas.
10 Sapagka't karunungan ay papasok sa iyong puso,
At kaalaman ay magiging ligaya sa iyong kaluluwa;
11 Kabaitan ay magbabantay sa iyo,
Pagkaunawa ay magiingat sa iyo:
12 Upang iligtas ka sa daan ng kasamaan,
Sa mga taong nagsisipagsalita ng mga masamang bagay;
13 Na nagpapabaya ng mga landas ng katuwiran,
(HU)Upang magsilakad sa mga daan ng kadiliman;
14 Na (HV)nangagagalak na magsigawa ng kasamaan,
At (HW)nangaaaliw sa mga karayaan ng kasamaan,
15 Na mga liko sa kanilang mga lakad,
At mga suwail sa kanilang mga landas:
16 (HX)Upang iligtas ka sa masamang babae,
Sa makatuwid baga'y sa di kilala na nanghahalina ng kaniyang mga salita;
17 (HY)Na nagpapabaya sa kaibigan ng kaniyang kabataan,
At lumilimot ng tipan ng kaniyang Dios:
18 Sapagka't ang (HZ)kaniyang bahay ay kumikiling sa kamatayan,
At ang kaniyang mga landas na sa patay:
19 Walang naparoroon sa kaniya na bumabalik uli,
Ni kanila mang tinatamo ang mga landas ng buhay:
20 Upang ikaw ay makalakad ng lakad ng mabubuting tao,
At maingatan ang mga landas ng matuwid.
21 (IA)Sapagka't ang matuwid ay tatahan sa lupain,
At ang sakdal ay mamamalagi roon.
22 (IB)Nguni't ang masama ay mahihiwalay sa lupain,
At silang nagsisigawang may karayaan ay mangabubunot.
Payo upang matakot, magtiwala, at sumunod sa Panginoon. Ang ganting pala ng karunungan.
3 Anak ko, huwag mong kalimutan ang aking kautusan;
(IC)Kundi ingatan ng iyong puso ang aking mga utos:
2 Sapagka't (ID)karamihan ng mga araw, at mga taon ng buhay,
At kapayapaan, ay madadagdag sa iyo.
3 Huwag kang pabayaan ng kaawaan at katotohanan:
(IE)Itali mo sa palibot ng iyong leeg;
(IF)Ikintal mo sa iyong puso:
4 (IG)Sa gayo'y makakasumpong ka ng lingap at mabuting kaunawaan,
Sa paningin ng Dios at ng tao.
5 (IH)Tumiwala ka sa Panginoon ng buong puso mo,
(II)At huwag kang manalig sa iyong sariling kaunawaan:
6 Kilalanin mo siya sa lahat ng iyong mga lakad,
At kaniyang (IJ)ituturo ang iyong mga landas.
7 (IK)Huwag kang magpakapantas sa iyong sariling mga mata;
Matakot ka sa Panginoon, at humiwalay ka sa kasamaan:
8 Magiging kagalingan sa iyong pusod,
At utak sa iyong mga buto.
9 (IL)Parangalin mo ang Panginoon ng iyong tinatangkilik,
At ng mga unang bunga ng lahat mong ani:
10 Sa gayo'y mapupuno ang iyong mga kamalig ng sagana,
At ang iyong mga alilisan ay aapawan ng bagong alak.
11 Anak ko,(IM)huwag mong hamakin ang parusa ng Panginoon;
Ni mayamot man sa kaniyang saway:
12 Sapagka't sinasaway ng Panginoon ang kaniyang iniibig:
(IN)Gaya ng ama sa anak na kaniyang kinaluluguran.
13 Mapalad ang tao na nakakasumpong ng karunungan,
At ang tao na nagtatamo ng kaunawaan.
14 (IO)Sapagka't ang kalakal niya ay maigi kay sa kalakal na pilak,
At ang pakinabang niyaon kay sa dalisay na ginto.
15 Mahalaga nga kay sa mga rubi;
At wala (IP)sa mga bagay na mananasa mo sa maihahalintulad sa kaniya,
16 Karamihan ng mga araw ay nasa kanang kamay niya,
Sa kaniyang kaliwang kamay ay (IQ)mga kayamanan at karangalan.
17 (IR)Ang kaniyang mga daan ay mga daan ng kaligayahan,
At lahat niyang mga landas ay kapayapaan.
18 Siya ay (IS)punong kahoy ng buhay sa mga nanghahawak sa kaniya:
At mapalad ang bawa't isa na nangamamalagi sa kaniya.
19 Nilikha ng (IT)Panginoon ang lupa sa pamamagitan ng karunungan;
Itinatag niya ang langit sa pamamagitan ng kaunawaan.
20 (IU)Sa kaniyang kaalaman ay nabahagi ang mga kalaliman,
At ang mga alapaap ay nagsipatak ng (IV)hamog.
21 Anak ko, huwag silang mangahiwalay sa iyong mga mata;
Ingatan mo ang magaling na karunungan at ang kabaitan;
22 Sa gayo'y magiging buhay sila sa iyong kaluluwa,
At (IW)biyaya sa iyong leeg.
23 (IX)Kung magkagayo'y lalakad ka ng iyong lakad na tiwasay,
At ang iyong paa ay hindi matitisod.
24 (IY)Pagka ikaw ay nahihiga, hindi ka matatakot:
Oo, ikaw ay mahihiga at ang iyong tulog ay magiging mahimbing.
25 (IZ)Huwag kang matakot ng biglang pagkatakot,
Ni sa pagkabuwal man ng masama, pagka dumarating:
26 Sapagka't ang Panginoon ay magiging iyong pagtitiwala,
At iingatan ang iyong paa sa pagkahuli.
27 (JA)Huwag mong ikait ang mabuti sa kinauukulan,
Pagka nasa kapangyarihan ng iyong kamay na ito'y gawin.
28 (JB)Huwag mong sabihin sa iyong kapuwa, Yumaon ka, at bumalik uli,
At bukas ay magbibigay ako;
Pagka ikaw ay mayroon.
29 Huwag kang kumatha ng kasamaan laban sa iyong kapuwa,
Na palibhasa't tumatahang tiwasay sa siping mo.
30 (JC)Huwag kang makipagusapin sa kanino man ng walang kadahilanan,
Kung hindi siya gumawa ng kasamaan sa iyo.
31 (JD)Huwag kang managhili sa taong marahas,
At huwag kang pumili ng anoman sa kaniyang mga lakad.
32 Sapagka't ang suwail ay kasuklamsuklam sa Panginoon:
(JE)Nguni't ang kaniyang payo ay kasama ng matuwid.
33 (JF)Ang sumpa ng Panginoon ay nasa bahay ng masama;
Nguni't pinagpapala niya ang tahanan ng matuwid.
34 Tunay na kaniyang dinuduwahagi ang mga mangduduwahagi,
(JG)Nguni't binibigyan niya ng biyaya ang mababa.
35 Ang pantas ay magmamana ng kaluwalhatian;
Nguni't kahihiyan ay magiging ganti sa mga mangmang.
Ang pangmagulang na payo upang lumakad sa karunungan.
4 Dinggin ninyo, (JH)mga anak ko, ang turo ng ama,
At makinig kayo upang matuto ng kaunawaan:
2 Sapagka't bibigyan ko kayo ng mabuting aral;
Huwag ninyong bayaan ang aking kautusan.
3 Sapagka't ako'y anak sa aking ama,
(JI)Malumanay at bugtong sa paningin ng aking ina.
4 (JJ)At tinuruan niya ako, at nagsabi sa akin:
Pigilan ng iyong puso ang aking mga salita;
(JK)Ingatan mo ang aking mga utos, at mabuhay ka:
5 (JL)Magtamo ka ng karunungan, magtamo ka ng kaunawaan;
Huwag mong kalimutan, ni humiwalay man sa mga salita ng aking bibig:
6 Huwag mo siyang pabayaan at iingatan ka niya;
(JM)Ibigin mo siya at iingatan ka niya.
7 Karunungan ay pinaka pangulong bagay; kaya't kunin mo ang karunungan:
Oo, sa lahat mong kukunin ay kunin mo ang unawa.
8 (JN)Iyong ibunyi siya, at kaniyang itataas ka:
Kaniyang dadalhin ka sa karangalan, pagka iyong niyakap siya.
9 Siya'y magbibigay sa iyong ulo ng (JO)pugong na biyaya:
Isang putong ng kagandahan ay kaniyang ibibigay sa iyo.
10 Dinggin mo, Oh anak ko, at iyong tanggapin ang aking mga sinasabi;
(JP)At ang mga taon ng iyong buhay ay magiging marami.
11 Aking itinuro ka sa daan ng karunungan;
Aking pinatnubayan ka sa landas ng katuwiran.
12 Pagka ikaw ay yumayaon (JQ)hindi magigipit ang iyong mga hakbang;
At kung ikaw ay tumatakbo, hindi ka matitisod.
13 Hawakan mong mahigpit ang turo; huwag mong bitawan:
Iyong ingatan: sapagka't siya'y iyong buhay.
14 (JR)Huwag kang pumasok sa landas ng masama,
At huwag kang lumakad ng lakad ng mga masasamang tao.
15 Ilagan mo, huwag mong daanan;
Likuan mo, at magpatuloy ka.
16 (JS)Sapagka't hindi sila nangatutulog, malibang sila'y nakagawa ng kasamaan;
At ang kanilang tulog ay napapawi, malibang sila'y makapagpabuwal.
17 Sapagka't sila'y nagsisikain ng tinapay ng kasamaan,
At nagsisiinom ng alak ng karahasan.
18 (JT)Nguni't ang landas ng matuwid (JU)ay parang maliyab na liwanag,
Na sumisilang ng higit at higit sa sakdal na araw.
19 (JV)Ang lakad ng masama ay parang kadiliman:
Hindi nila nalalaman kung ano ang kanilang kinatitisuran.
20 Anak ko, makinig ka sa aking mga salita;
Ikiling mo ang iyong pakinig sa aking mga sabi.
21 (JW)Huwag mangahiwalay sa iyong mga mata;
(JX)Ingatan mo sa kaibuturan ng iyong puso.
22 Sapagka't (JY)buhay sa nangakakasumpong,
At kagalingan sa buo nilang katawan.
23 Ingatan mo ang iyong puso ng buong sikap;
(JZ)Sapagka't dinadaluyan ng buhay,
24 Ihiwalay mo sa iyo ang masamang bibig,
At ang mga suwail na labi ay ilayo mo sa iyo.
25 Tuminging matuwid ang iyong mga mata,
At ang iyong mga talukap-mata ay tuminging matuwid sa harap mo.
26 Papanatagin mo ang landas ng iyong mga paa,
At mangatatag ang lahat ng iyong lakad.
27 (KA)Huwag kang lumiko sa kanan o sa kaliwa man:
Ihiwalay mo ang iyong paa sa kasamaan.
Ang kapanganiban ng pagibig na marumi.
5 Anak ko, pakinggan mo ang aking karunungan;
Ikiling mo ang iyong pakinig sa aking unawa:
2 Upang makapagingat ka ng kabaitan,
At upang ang iyong mga labi ay (KB)makapagingat ng kaalaman.
3 (KC)Sapagka't ang mga labi ng masamang babae ay tumutulo ng pulot,
At ang kaniyang bibig ay madulas kay sa langis:
4 Nguni't ang kaniyang huling wakas ay (KD)mapait kay sa ahenho,
Matalas na parang tabak na may talim sa magkabila.
5 (KE)Ang kaniyang mga paa ay nagsisibaba sa kamatayan;
Ang kaniyang mga hakbang ay nagsisihawak sa Sheol;
6 Na anopa't hindi niya nasusumpungan ang kapanatagan ng landas ng buhay;
Ang kaniyang mga lakad ay hindi panatag, at hindi niya nalalaman.
7 Ngayon nga, mga anak ko, dinggin ninyo ako,
At huwag kayong magsihiwalay sa mga salita ng aking bibig.
8 Ilayo mo ang iyong lakad sa kaniya,
At huwag kang lumapit sa pintuan ng kaniyang bahay:
9 Baka mo ibigay ang iyong karangalan sa iba,
At ang iyong mga taon sa mga mabagsik:
10 Baka ang mga di kilalang babae ay mapuno ng iyong kalakasan;
At ang iyong mga pinagpagalan ay mapasa bahay ng kaapid;
11 At ikaw ay manangis sa iyong huling wakas,
Pagka ang iyong laman at ang iyong katawan ay natunaw,
12 At iyong sabihin,
Bakit ko kinayamutan ang turo,
At (KF)hinamak ng aking puso ang saway:
13 Ni hindi ko man sinunod ang tinig ng aking mga tagapagturo,
O ikiling ko man ang aking pakinig sa kanila na mga nagturo sa akin!
14 Ako'y malapit sa lahat ng kasamaan
Sa gitna ng kapisanan at ng kapulungan.
15 Uminom ka ng tubig sa iyong sariling tipunan ng tubig,
At sa nagsisiagos na tubig sa iyong sariling balon.
16 Mananabog ba ang iyong mga bukal sa kaluwangan,
At mga agos ng tubig sa mga lansangan?
17 Maging iyong magisa,
At huwag sa di kilala na kasama mo.
18 Pagpalain ang iyong bukal;
At magalak ka sa (KG)asawa ng iyong kabataan.
19 (KH)Gaya ng maibiging usa at ng masayang usang babae,
Bigyan kang katiwasayan ng kaniyang dibdib sa buong panahon;
At laging malugod ka sa kaniyang pagibig.
20 Sapagka't bakit ka malulugod, anak ko, sa ibang babae,
At yayakap sa sinapupunan ng di kilala?
21 Sapagka't ang mga lakad ng tao ay nasa (KI)harap ng mga mata ng Panginoon,
At kaniyang pinapatag ang lahat niyang mga landas.
22 Ang sarili niyang mga kasamaan ay (KJ)kukuha sa masama.
At siya'y matatalian ng mga panali ng kaniyang kasalanan.
23 (KK)Siya'y mamamatay sa kakulangan ng turo;
At sa kadahilanan ng kaniyang pagkaulol ay maliligaw siya.
Babala laban sa pagmamataas, katamaran, kalikutan, at pakikiapid.
6 Anak ko, (KL)kung ikaw ay naging mananagot sa iyong kapuwa,
Kung iyong ikinamay ang iyong kamay sa di kilala,
2 Ikaw ay nasilo ng mga salita ng iyong bibig,
Ikaw ay nahuli ng mga salita ng iyong bibig.
3 Gawin mo ito ngayon, anak ko, at lumigtas ka,
Yamang ikaw ay nahulog sa kamay ng iyong kapuwa:
Yumaon ka, magpakababa ka, at mangayupapa ka sa iyong kapuwa.
4 (KM)Huwag mong bigyan ng tulog ang iyong mga mata.
O magpaidlip man sa iyong mga talukap-mata.
5 Lumigtas ka na parang usa sa kamay ng mangangaso,
At (KN)parang ibon sa kamay ng mamimitag.
6 (KO)Pumaroon ka sa langgam, ikaw na tamad;
Masdan mo ang kaniyang mga lakad at magpakapantas ka:
7 Na bagaman walang pangulo,
Tagapamahala, o pinuno,
8 (KP)Naghahanda ng kaniyang pagkain sa taginit,
At pinipisan ang kaniyang pagkain sa pagaani.
9 Hanggang kailan matutulog ka, Oh (KQ)tamad?
Kailan ka babangon sa iyong pagkakatulog?
10 Kaunti pang pagkakatulog, kaunti pang pagkaidlip,
Kaunti pang paghahalukipkip ng mga kamay upang matulog:
11 Sa gayo'y ang iyong karalitaan ay (KR)darating na parang magnanakaw,
At ang iyong kasalatan na parang lalaking may sandata.
12 Taong walang kabuluhan, taong masama,
Ay siya na lumalakad na may masamang bibig;
13 (KS)Na kumikindat ng kaniyang mga mata, na nagsasalita ng kaniyang mga paa,
Na nagsasalita ng kaniyang mga daliri;
14 Pagdaraya ay nasa kaniyang puso, (KT)siya'y laging kumakatha ng kasamaan;
Siya'y naghahasik ng pagtatalo.
15 Kaya't darating na bigla ang kaniyang kasakunaan;
Sa kabiglaanan (KU)ay mababasag siya, at (KV)walang kagamutan.
16 May anim na bagay na ipinagtatanim ng Panginoon;
Oo, pito na mga kasuklamsuklam sa kaniya:
17 (KW)Mga palalong mata, (KX)sinungaling na dila,
(KY)At mga kamay na nagbububo ng walang salang dugo;
18 (KZ)Puso na kumakatha ng mga masamang akala,
(LA)Mga paa na matulin sa pagtakbo sa kasamaan;
19 (LB)Sinungaling na saksi na nagsasalita ng kabulaanan,
At ang (LC)naghahasik ng pagtatalo sa gitna ng magkakapatid.
Ang kamangmangan ng pakikitungo sa nais ng masamang babae.
20 Anak ko, (LD)ingatan mo ang utos ng iyong ama,
At huwag mong kalimutan ang kautusan ng iyong ina:
21 (LE)Ikintal mong lagi sa iyong puso,
Itali mo sa iyong (LF)leeg.
22 Pagka ikaw ay lumalakad, papatnubay sa iyo;
Pagka ikaw ay natutulog, babantay sa iyo;
At pagka ikaw ay gumigising, makikipagusap sa iyo.
23 (LG)Sapagka't ang utos ay tanglaw; at ang kautusan ay liwanag;
At ang mga saway na turo ay daan ng buhay:
24 (LH)Upang ingatan ka sa masamang babae,
Sa tabil ng dila ng di kilala.
25 (LI)Huwag mong pitahin ang kaniyang kagandahan sa iyong puso;
At huwag ka mang hulihin niya ng kaniyang mga talukap-mata.
26 Sapagka't (LJ)dahil sa isang masamang babae ay walang naiiwan sa lalake kundi isang putol na tinapay:
At (LK)hinuhuli (LL)ng mangangalunya ang mahalagang buhay.
27 Makakukuha ba ng apoy ang tao sa kaniyang sinapupunan,
At hindi masusunog ang kaniyang mga suot?
28 O makalalakad ba ang sinoman sa mga mainit na baga,
At ang kaniyang mga paa ay hindi mapapaso?
29 Gayon ang sumisiping sa asawa ng kaniyang kapuwa;
Sinomang humipo ay hindi maaaring di parusahan.
30 Hindi hinahamak ng mga tao ang magnanakaw kung siya'y nagnanakaw,
Upang busugin siya pagka siya'y gutom:
31 Nguni't kung siya'y masumpungan, (LM)isasauli niyang makapito;
Kaniyang ibibigay ang lahat na laman ng kaniyang bahay.
32 Siyang nagkakamit ng pangangalunya sa isang babae ay (LN)walang bait:
Ang gumagawa niyaon ay nagpapahamak sa kaniyang sariling kaluluwa.
33 Mga sugat at kasiraang puri ang tatamuhin niya;
At ang kaniyang kapintasan ay hindi mapapawi.
34 Sapagka't ang paninibugho ay pagiinit ng tao;
At hindi siya magpapatawad sa kaarawan ng panghihiganti.
35 Hindi niya pakukundanganan ang anomang tubos;
Ni magpapahinga man siyang tuwa, bagaman ikaw ay magbigay ng maraming suhol.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978