Bible in 90 Days
Ang mga bulaang propeta sa Juda at Samaria ay inusig.
9 Tungkol sa mga propeta. Ang puso ko sa loob ko ay bagbag, (A)lahat kong buto ay nanginginig; ako'y parang langong tao, at parang taong dinaig ng alak, dahil sa Panginoon, at dahil sa kaniyang mga banal na salita.
10 Sapagka't (B)ang lupain ay puno ng mga mangangalunya; sapagka't (C)dahil sa sumpa ay tumatangis ang lupain; ang mga pastulan sa ilang ay natuyo. At ang kanilang lakad ay masama, at ang kanilang lakas ay hindi matuwid.
11 Sapagka't (D)ang propeta ay gayon din ang saserdote ay marumi; oo, (E)sa aking bahay ay nasumpungan ko ang kanilang kasamaan, sabi ng Panginoon.
12 Kaya't ang kanilang daan ay magiging sa kanila'y parang mga madulas na dako sa kadiliman: sila'y isusudlong, at mangabubuwal doon; sapagka't (F)ako'y magpaparating ng kasamaan sa kanila, sa makatuwid baga'y sa taon ng pagdalaw sa kanila, sabi ng Panginoon.
13 At nakita ko ang kamangmangan sa mga propeta ng (G)Samaria; (H)sila'y nanganghuhula sa pamamagitan ni Baal, at inililigaw ang aking bayang Israel.
14 Sa mga propeta ng Jerusalem naman ay nakita ko ang kakilakilabot na bagay: (I)sila'y nangangalunya, at nagsisilakad sa mga kasinungalingan; at (J)kanilang pinalalakas ang mga kamay ng mga manggagawa ng kasamaan, na anopa't walang humihiwalay sa kaniyang kasamaan: silang lahat ay naging (K)parang Sodoma sa akin, at ang mga nananahan dito ay parang Gomorra.
15 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo tungkol sa mga propeta, Narito, aking pakakanin sila ng ajenjo, at paiinumin ko sila ng inuming mapait, sapagka't mula sa mga propeta ng Jerusalem ay lumabas ang pagdudumi sa buong lupain.
16 Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Huwag ninyong dinggin ang mga salita ng mga propeta na nanganghuhula sa inyo: sila'y nangagtuturo sa inyo ng walang kabuluhan; (L)sila'y nangagsasalita ng pangitain ng kanilang sariling puso, at hindi mula sa bibig ng Panginoon.
17 Kanilang sinasabing lagi sa kanila na nagsisihamak sa akin, Sabi ng Panginoon, (M)Kayo'y mangagkakaroon ng kapayapaan; at sa bawa't isa na lumalakad sa katigasan ng kaniyang sariling puso ay sinasabi nila, (N)Walang kasamaang darating sa inyo.
18 Sapagka't (O)sinong tumayo sa payo ng Panginoon, upang makamalas at makarinig ng kaniyang salita? sinong nakinig ng aking salita, at nakarinig?
19 Narito, ang bagyo ng Panginoon, ang kaniyang kapusukan, ay lumabas, oo, ipoipong bagyo: babagsak sa ulo ng masama.
20 Ang galit ng Panginoon ay (P)hindi mapaparam, hanggang sa kaniyang magawa, at hanggang sa kaniyang maisagawa ang haka ng kaniyang puso: sa mga huling araw ay lubos ninyong mauunawa.
21 Hindi ko sinugo (Q)ang mga propetang ito, gayon ma'y nagsitakbo sila: ako'y hindi nagsalita sa kanila, gayon ma'y nanghula sila.
22 Nguni't kung sila'y nanayo sana sa aking payo, kanila ngang naiparinig ang aking mga salita sa aking bayan, at kanilang (R)naihiwalay sa kanilang masamang lakad, at sa kasamaan ng kanilang mga gawa.
Ang mangaalipusta sa tunay na propeta ay pinagwikaan.
23 Ako baga'y Dios lamang sa malapit, sabi ng Panginoon, at (S)hindi Dios sa malayo?
24 May makapagkukubli bagang sinoman sa mga lihim na dako na hindi ko makikita siya? (T)sabi ng Panginoon, (U)Hindi baga pinupuno ko ang langit at ang lupa? sabi ng Panginoon.
25 Aking narinig kung ano ang sinabi ng mga propeta, (V)na nanganghuhula ng mga kasinungalingan sa aking pangalan, na nangagsasabi, Ako'y nanaginip, ako'y nanaginip.
26 Hanggang kailan masusumpungan ito sa puso ng mga propeta na nanganghuhula ng mga kasinungalingan; sa makatuwid baga'y ng mga propeta na nanganghuhula ng daya ng kanilang sariling puso?
27 Na nagaakalang magpalimot sa aking bayan ng aking pangalan sa pamamagitan ng kanilang mga panaginip na sinasaysay ng bawa't isa sa kanila sa kaniyang kapuwa, gaya ng kanilang mga magulang (W)na nakalimot ng aking pangalan dahil kay Baal.
28 Ang propeta na nanaginip, ay magsaysay siya ng isang panaginip; at siyang nagtamo ng aking salita, salitain niya ang aking salita na may pagtatapat. Ano ang dayami sa trigo? sabi ng Panginoon.
29 Hindi baga ang aking salita ay parang apoy? sabi ng Panginoon; at parang pamukpok na dumudurog ng bato?
30 Kaya't narito, ako'y (X)laban sa mga propeta, sabi ng Panginoon, na ninanakaw ng bawa't isa ang aking mga salita sa kaniyang kapuwa.
31 Narito, ako'y laban sa mga propeta, sabi ng Panginoon, na nagsisipagsalita, at nangagsasabi, Kaniyang sinasabi.
32 Narito, ako'y laban sa kanila na nanghuhula ng mga sinungaling na panaginip, sabi ng Panginoon, at sinasaysay, at (Y)inililigaw ang aking bayan sa pamamagitan ng kanilang mga kasinungalingan, at (Z)sa pamamagitan ng kanilang walang kabuluhang kahambugan: gayon man ay hindi ko sinugo sila, o inutusan ko man sila; at hindi man pinakikinabangan nila ang bayang ito sa anomang paraan, sabi ng Panginoon.
Ang mangaalipusta sa tunay na propeta ay pinagwikaan.
33 At pagka ang bayang ito, o ang propeta, o ang saserdote ay magtatanong sa iyo, na magsasabi, Ano ang hula na mula sa Panginoon? (AA)iyo ngang sasabihin sa kanila, Anong hula! Aking itatakuwil kayo, sabi ng Panginoon.
34 At tungkol sa propeta, at sa saserdote, at sa bayan, na magsasabi, Ang hula na mula sa Panginoon, ay akin ngang parurusahan ang lalaking yaon at ang kaniyang sangbahayan.
35 Ganito ang sasabihin ng bawa't isa sa inyo sa kaniyang kapuwa, at ng bawa't isa sa kaniyang kapatid, Ano ang isinagot ng Panginoon? at, Ano ang sinalita ng Panginoon?
36 At ang hula na mula sa Panginoon ay hindi na ninyo babanggitin pa: sapagka't bawa't sariling salita ng tao ay magiging kaniyang hula; sapagka't inyong binago ang mga salita ng buhay na (AB)Dios, ng Panginoon ng mga hukbo na ating Dios.
37 Ganito ang iyong sasabihin sa propeta, Ano ang isinagot sa iyo ng Panginoon? at, Ano ang sinalita ng Panginoon?
38 Nguni't kung inyong sabihin, Ang hula na mula sa Panginoon; ganito nga ang sabi ng Panginoon: Sapagka't inyong sinasabi ang salitang ito, Ang hula na mula sa Panginoon, at ako'y nagsugo sa inyo, na sinabi ko, Huwag ninyong sasabihin, Ang hula na mula sa Panginoon;
39 Kaya't, narito, aking lubos na kalilimutan (AC)kayo, at aking itatakuwil kayo, at ang bayang ibinigay ko sa inyo at sa inyong mga magulang, mula sa aking harapan:
40 At ako'y magpaparating ng walang hanggang kakutyaan sa inyo, at walang hanggang kahihiyan, na hindi malilimutan.
Ang leksion ng dalawang bakol na igos.
24 (AD)Ang Panginoon ay nagpakita sa akin, at, narito, dalawang bakol na igos ay nakalagay sa harap ng templo ng Panginoon, pagkatapos na madalang bihag ni (AE)Nabucodonosor na hari sa Babilonia si (AF)Jechonias na anak ni Joacim, hari sa Juda, at (AG)ang mga prinsipe sa Juda, na kasama ng mga manggagawa at ng mga mangbabakal, mula sa Jerusalem, at mangadala sila sa Babilonia.
2 Ang isang bakol ay may totoong mga mabuting igos, na parang mga igos na mga unang hinog; at ang isang bakol ay may totoong masamang mga igos, na hindi makain, nangapakasama.
3 Nang magkagayo'y sinabi ng Panginoon sa akin, Anong iyong nakikita, Jeremias? At aking sinabi, Mga igos; ang mga mabuting igos, totoong mabuti; at ang masasama, totoong masama na hindi makakain, dahil sa nangapakasama.
4 At ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsabi,
5 Ganito ang sabi ng Panginoon, ng Dios ng Israel, Kung paano ang mga mabuting igos na ito, gayon ko kikilalanin ang mga bihag ng Juda, na aking pinayaon mula sa dakong ito na patungo sa lupain ng mga Caldeo, (AH)sa ikabubuti.
6 Sapagka't aking itititig ang aking mga mata sa kanila sa ikabubuti, at (AI)aking dadalhin sila uli sa lupaing ito: at aking itatayo sila, at hindi ko itutulak sila; at aking itatatag sila, at hindi ko paaalisin.
7 At aking bibigyan sila ng puso (AJ)upang makilala ako, na ako ang Panginoon: at (AK)sila'y magiging aking bayan, at ako'y magiging kanilang Dios; sapagka't sila'y manunumbalik sa akin ng kanilang buong puso.
8 At kung paanong ang masasamang igos, na hindi makakain, dahil sa nangapakasama, tunay na ganito ang sabi ng Panginoon, Sa gayo'y pababayaan ko si (AL)Sedechias na hari sa Juda, at ang kaniyang mga prinsipe, at ang nalabi sa Jerusalem, na naiwan sa lupaing ito, at (AM)ang nagsisitahan sa lupain ng Egipto.
9 Akin silang pababayaan (AN)upang mapahapay na paroo't parito sa gitna ng lahat na kaharian sa lupa sa ikasasama; upang maging kakutyaan at kawikaan, kabiruan at sumpa, sa lahat ng dakong aking pagtatabuyan sa kanila.
10 At aking pararatingin ang tabak, ang kagutom, at ang salot, sa gitna nila, hanggang sa sila'y mangalipol sa lupain na ibinigay ko sa kanila at sa kanilang mga magulang.
Ang pagkabihag ng Juda at ang paglagpak ng Babilonia.
25 Ang salita na dumating kay Jeremias tungkol sa buong bayan ng Juda (AO)nang ikaapat na taon ni Joacim na anak ni Josias, na hari sa Juda (siya ring unang taon ni Nabucodonosor na hari sa Babilonia),
2 Na siyang sinalita ni Jeremias na propeta sa buong bayan ng Juda, at sa lahat ng nananahan sa Jerusalem, na sinasabi,
3 Mula nang ikalabing tatlong taon ni (AP)Josias na anak ni Ammon, na hari sa Juda, hanggang sa araw na ito, nitong dalawang pu't tatlong taon, ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, at aking sinalita sa inyo na ako'y bumangong maaga, at nagsalita; nguni't hindi ninyo dininig.
4 At sinugo ng Panginoon sa inyo ang lahat niyang lingkod na mga propeta na gumising na maaga, at sinugo sila (nguni't hindi ninyo dininig, o ikiniling man ninyo ang inyong pakinig upang mangakinig),
5 Na nangagsasabi, (AQ)Magsihiwalay bawa't isa sa inyo sa kanikaniyang masamang lakad, at sa kasamaan ng inyong mga gawa, at (AR)kayo'y magsitahan sa lupain na ibinigay ng Panginoon sa inyo at sa inyong mga magulang, mula nang una at hanggang sa magpakailan pa man;
6 At huwag kayong magsisunod sa ibang mga dios na mangaglingkod sa kanila, at magsisamba sa kanila, at huwag ninyo akong mungkahiin sa galit (AS)ng gawa ng inyong mga kamay, at hindi ko kayo sasaktan.
7 Gayon ma'y hindi kayo nangakinig sa akin, sabi ng Panginoon; upang mungkahiin ninyo ako sa galit, ng gawa ng inyong mga kamay sa inyong sariling ikapapahamak.
8 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Sapagka't hindi ninyo dininig ang aking mga salita,
9 Narito, ako'y magsusugo at kukunin ko ang lahat (AT)na angkan sa hilagaan, sabi ng Panginoon, at ako'y magsusugo kay Nabucodonosor na hari sa Babilonia, (AU)na aking lingkod, at aking dadalhin sila laban sa lupaing ito, at laban sa mga nananahan dito, at laban sa lahat ng bansang ito sa palibot; at aking lubos na lilipulin sila, at gagawin ko silang katigilan, at kasutsutan, at mga walang hanggang kagibaan.
10 Bukod dito'y aalisin ko sa kanila ang tinig ng kalayawan at ang tinig ng kasayahan, ang tinig ng kasintahang lalaki at ang tinig ng kasintahang babae, (AV)ang tunog ng mga (AW)batong gilingan, at ang liwanag ng ilawan.
11 At ang buong lupaing ito ay magiging sira, at katigilan; at (AX)ang mga bansang ito ay maglilingkod sa hari sa Babilonia na (AY)pitong pung taon.
12 At mangyayari, (AZ)pagkaganap ng pitong pung taon, na aking parurusahan ang hari sa Babilonia, at ang bansang yaon, sabi ng Panginoon, dahil sa kaniyang kasamaan, at ang lupain ng mga Caldeo; at aking gagawing sira magpakailan man.
13 At aking gaganapin sa lupaing yaon ang lahat na aking salita na aking sinalita laban doon, lahat ng nakasulat (BA)sa aklat na ito, na inihula ni Jeremias laban sa lahat na bansa.
14 Sapagka't (BB)maraming bansa at mga dakilang hari ay paglilingkuran nila, nila nga; at gagantihan ko sila ayon sa kanilang mga kilos, at ayon sa gawa ng kanilang mga kamay.
Ang saro ng alak ng kapusukan ay inihandog sa lahat ng bansa.
15 Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon, ng Dios ng Israel, sa akin, (BC)Abutin mo itong saro ng alak ng kapusukan sa aking kamay, at painumin mo ang lahat na bansa na pinagsuguan ko sa iyo.
16 At sila'y magsisiinom, at magsisihapay na paroo't parito, na mangauulol, dahil sa tabak na aking pasasapitin sa kanila.
17 Nang magkagayo'y inabot ko ang saro sa kamay ng Panginoon, at (BD)pinainom ko ang lahat na bansang pinagsuguan ng Panginoon:
18 Sa makatuwid, ang Jerusalem, at ang mga bayan ng Juda, at ang mga hari niyaon, at ang mga prinsipe niyaon, upang gawin silang kagibaan, katigilan, kasutsutan, at sumpa; gaya sa araw na ito;
19 Si Faraong (BE)hari sa Egipto, at ang kaniyang mga lingkod, at ang kaniyang mga prinsipe, at ang buong bayan niya;
20 At ang (BF)lahat ng halohalong bayan, at ang lahat ng hari (BG)sa lupain ng Hus, (BH)at ang lahat ng hari sa lupain ng mga Filisteo, at ang Ascalon, at ang Gaza, at ang Ecron, at ang nalabi sa Asdod;
21 Ang (BI)Edom, (BJ)at ang Moab, at ang mga anak ni (BK)Ammon;
22 At ang lahat ng hari sa (BL)Tiro, at ang lahat ng hari sa (BM)Sidon, at ang hari sa pulo na (BN)nasa dako roon ng dagat;
23 Ang Dedan, at ang Tema, at ang Buz, at ang lahat ng magsisiputol ng mga laylayan ng kanilang buhok;
24 At ang lahat ng hari sa Arabia, at ang lahat ng hari sa halohalong (BO)bayan na nagsisitahan sa ilang;
25 At ang lahat ng hari sa Zimri, at ang lahat ng hari sa Elam, at ang lahat ng hari ng mga Medo;
26 (BP)At ang lahat ng hari sa hilagaan, malayo't malapit na isa't isa; at ang lahat ng kaharian sa sanglibutan, na nangasa ibabaw ng lupa: at ang hari sa (BQ)Sesach ay magsisiinom pagkatapos nila.
27 At iyong sasabihin sa kanila, Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, ng Dios ng Israel, Kayo'y magsiinom, at kayo'y mangagpakalasing, at kayo'y magsisuka, at mangabuwal, at huwag na kayong magsibangon, dahil sa tabak na aking pasasapitin sa inyo.
28 At mangyayari, kung tanggihan nilang (BR)abutin ang saro sa iyong kamay upang inuman, sasabihin mo nga sa kanila, Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Kayo'y walang pagsalang magsisiinom.
29 Sapagka't, narito, ako'y nagpapasimulang gumawa ng kasamaan sa bayang tinawag sa aking pangalan, at kayo baga'y lubos na hindi mapaparusahan? Kayo'y walang pagsalang parurusahan; sapagka't aking tatawagin ang tabak laban sa lahat ng nananahan sa lupa, sabi ng Panginoon ng mga hukbo.
30 Kaya't ihula mo laban sa kanila ang lahat ng mga salitang ito, at sabihin mo sa kanila, Ang Panginoon (BS)ay uungol mula sa itaas, at ilalakas ang kaniyang tinig mula (BT)sa kaniyang banal na tahanan; siya'y uungol ng malakas laban sa kaniyang kulungan; siya'y hihiyaw, gaya nila na magsisiyapak ng ubas, laban sa lahat na nananahan sa lupa.
31 Ang ingay ay darating hanggang sa wakas ng lupa; (BU)sapagka't ang Panginoon ay may pakikipagpunyagi sa mga bansa, (BV)siya'y papasok sa paghatol sa lahat ng tao; tungkol sa masasama ay kaniyang ibibigay sila sa tabak, sabi ng Panginoon.
32 Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Narito, kasamaan ay mangyayari sa bansa at bansa, at malakas na bagyo ay ibabangon mula sa kahulihulihang bahagi ng lupa.
33 At ang mapapatay ng Panginoon sa araw na yao'y magiging mula sa isang dulo ng lupa hanggang sa kabilang dulo ng lupa: (BW)sila'y hindi tataghuyan, o dadamputin man, o ililibing man; sila'y magiging dumi sa ibabaw ng lupa.
34 Kayo'y (BX)magsiangal, kayong mga pastor, at kayo'y magsihiyaw; at kayo'y mangagsigumon sa abo, kayong pinakamainam sa kawan; sapagka't ang mga kaarawan ng pagpatay at ang pangangalat sa inyo ay lubos na dumating, at kayo'y mangababagsak na parang mainam na sisidlan.
35 At ang mga pastor ay walang daang tatakasan, o tatanan man ang pinakamainam sa kawan.
36 Tinig ng hiyaw ng mga pastor, at ng angal ng pinakamainam sa kawan! sapagka't inilalagay ng Panginoon na sira ang kanilang pastulan.
37 At ang mga payapang (BY)tahanan ay nangadala sa katahimikan dahil sa mabangis na galit ng Panginoon.
38 Kaniyang pinabayaan ang kaniyang kublihan na gaya ng leon; sapagka't ang kanilang lupain ay naging katigilan dahil sa kabangisan ng mamimighating tabak, at dahil sa kaniyang mabangis na kagalitan.
Binigyan ng babala ang lahat ng bayan ng Juda.
26 Nang (BZ)pasimula ng paghahari ni Joacim na anak ni Josias, na hari sa Juda, dumating ang salitang ito na mula sa Panginoon, na nagsasabi,
2 Ganito ang sabi ng Panginoon, (CA)Tumayo ka sa looban ng bahay ng Panginoon at salitain mo sa lahat ng bayan ng Juda, na nagsisiparoon upang magsisamba sa bahay ng Panginoon, ang lahat na salita na iniutos ko sa iyo upang salitain sa kanila; (CB)huwag kang magbawas ng kahit isang salita.
3 Marahil ay kanilang didinggin, at hihiwalay ang bawa't tao sa kanikaniyang masamang lakad; (CC)upang aking mapagsisihan ang kasamaan na aking pinanukalang gawin sa kanila dahil sa kasamaan ng kanilang mga gawa.
4 At iyong sasabihin sa kanila, Ganito ang sabi ng Panginoon, (CD)Kung hindi ninyo didinggin ako, na magsilakad sa aking kautusan, na aking inilagay sa harap ninyo,
5 Na makinig sa mga salita ng aking mga lingkod na mga propeta, (CE)na aking sinusugo sa inyo, na bumabangon akong maaga at sinusugo ko sila, nguni't hindi ninyo pinakinggan;
6 Ay akin ngang gagawin ang bahay na ito na gaya ng (CF)Silo, at gagawin ko ang bayang ito na (CG)sumpa (CH)sa lahat ng mga bansa sa lupa.
7 At narinig (CI)ng mga saserdote at ng mga propeta at ng buong bayan si Jeremias na nagsasalita ng mga salitang ito sa bahay ng Panginoon.
Ang lalang laban kay Jeremias.
8 At nangyari, nang si Jeremias ay makatapos sa pagsasalita ng lahat na iniutos ng Panginoon sa kaniya na salitain sa buong bayan, na hinuli siya ng mga saserdote at ng mga propeta at ng buong bayan, na sinasabi: Ikaw ay walang pagsalang mamamatay.
9 Bakit ka nanghula sa pangalan ng Panginoon, na iyong sinasabi, Ang bahay na ito ay magiging gaya ng Silo, at ang bayang ito ay magiging sira, na (CJ)mawawalan ng mananahan? At ang bayan ay nagpipisan kay Jeremias sa bahay ng Panginoon.
10 At nang mabalitaan ng mga prinsipe sa Juda ang mga bagay na ito, sila'y nagsisampa sa bahay ng Panginoon na mula sa bahay ng hari; at sila'y nangaupo sa pasukan ng bagong (CK)pintuang-daan ng bahay ng Panginoon.
11 Nang magkagayo'y nagsalita ang mga saserdote at ang mga propeta sa mga prinsipe at sa buong bayan, na sinasabi, Ang lalaking ito ay marapat patayin; (CL)sapagka't siya'y nanghula laban sa bayang ito, gaya ng inyong narinig ng inyong mga pakinig.
12 Nang magkagayo'y nagsalita si Jeremias sa lahat ng prinsipe at sa buong bayan, na sinasabi, Sinugo ako ng Panginoon upang manghula laban sa bahay na ito at laban sa bayang ito ng lahat na salita na inyong narinig.
13 Kaya't (CM)ngayo'y pabutihin ninyo ang inyong mga lakad at ang inyong mga gawa, at inyong talimahin ang tinig ng Panginoon ninyong Dios; at pagsisisihan ng Panginoon ang kasamaan na kaniyang sinalita laban sa inyo.
14 Nguni't tungkol sa akin, narito, ako'y nasa inyong kamay: inyong gawin sa akin ang minamabuti at minamatuwid sa harap ng inyong mga mata.
15 Talastasin lamang ninyong mabuti na kung ako'y inyong ipapatay, kayo'y magdadala ng walang salang dugo sa inyo at sa bayang ito, at sa mga nananahan dito: sapagka't katotohanang sinugo ako ng Panginoon sa inyo upang magsalita ng lahat ng mga salitang ito sa inyong mga pakinig.
Ang lalang ay nawalang bisa.
16 Nang magkagayo'y sinabi ng mga pangulo at ng buong bayan sa mga saserdote at sa mga propeta: Ang lalaking ito ay hindi marapat patayin; sapagka't siya'y nagsalita sa atin sa pangalan ng Panginoon nating Dios.
17 Nang magkagayo'y nagsitindig ang ilan sa (CN)mga matanda sa lupain, at nangagsalita sa buong kapulungan ng bayan, na nangagsasabi,
18 Si Miqueas na Morastita ay (CO)nanghula sa mga kaarawan ni Ezechias na hari sa Juda: at siya'y nagsalita sa buong bayan ng Juda, na nagsasabi, Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Ang Sion ay aararuhing parang bukid, at ang Jerusalem ay magiging mga bunton, at ang bundok ng bahay ay parang mga mataas na dako sa gugubat.
19 Si Ezechias bagang hari sa Juda at ang buong Juda ay nagpapatay sa kaniya? (CP)hindi baga siya natakot sa Panginoon, at dumalangin ng lingap ng Panginoon, at ang Panginoon ay nagsisi sa kasamaan na kaniyang sinalita laban sa kanila? Ganito gagawa tayo ng malaking kasamaan laban sa ating sariling mga kaluluwa.
20 At may lalake naman na nanghula sa pangalan ng Panginoon, si Urias na anak ni Semaias na taga Chiriath-jearim: at siya'y nanghula laban sa lupaing ito ayon sa lahat ng mga salita ni Jeremias:
21 (CQ)At nang marinig ni Joacim na hari sangpu ng lahat niyang mga makapangyarihang lalake, at ng lahat na prinsipe, ang kaniyang mga salita, pinagsikapan ng hari na ipapatay siya; nguni't nang marinig ni Urias, siya'y natakot, at tumakas, at pumasok sa Egipto:
22 At si Joacim na hari ay nagsugo ng mga lalake sa (CR)Egipto, ang mga ito nga, si Elnathan na anak ni Acbor, at ilang mga lalake na kasama niya, sa Egipto:
23 At kaniyang inilabas si Urias sa Egipto, at dinala niya siya kay Joacim na hari; (CS)na pumatay sa kaniya ng tabak, at naghagis ng kaniyang bangkay sa mga libingan ng karaniwang tao.
24 Nguni't ang kamay (CT)ni Ahicam na anak (CU)ni Zaphan ay sumasa kay Jeremias upang huwag siyang ibigay nila sa kamay ng bayan at ipapatay siya.
Ang mga bansa ay pinagsabihan na sumuko kay Nabucodonosor.
27 (CV)Nang pasimula ng paghahari ni Joacim na anak ni Josias, na (CW)hari sa Juda, dumating ang salitang ito kay Jeremias na mula sa Panginoon, na nagsasabi,
2 Ganito ang sabi ng Panginoon sa akin, Gumawa ka para sa iyo ng mga panali at mga pamatok, at (CX)ilagay mo sa iyong batok,
3 At iyong mga ipadala sa hari sa (CY)Edom, at sa hari sa Moab, at sa hari ng mga anak ni Ammon, at sa hari sa Tiro, at sa hari sa Sidon, sa pamamagitan ng kamay ng mga sugo na nagsisiparoon sa Jerusalem kay Sedechias na hari sa Juda,
4 At ipagbilin mo sa kanilang mga panginoon, na iyong sabihin, Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, ng Dios ng Israel, Ganito ang inyong sasabihin sa inyong mga panginoon.
5 (CZ)Aking ginawa ang lupa, ang tao at ang hayop na nasa ibabaw ng lupa, sa pamamagitan ng aking dakilang kapangyarihan, at sa pamamagitan ng aking unat na bisig; at (DA)aking ibinigay doon sa minamarapat ko.
6 At ngayon ay ibinigay ko ang lahat ng lupaing ito sa kamay ni Nabucodonosor na hari sa Babilonia, na (DB)aking lingkod at ang mga hayop sa parang ay ibinigay ko rin naman sa kaniya upang mangaglingkod sa kaniya.
7 At lahat ng mga bansa ay mangaglilingkod sa kaniya, at (DC)sa kaniyang anak at sa (DD)anak ng kaniyang anak, (DE)hanggang dumating ang panahon ng kaniyang sariling lupain: at kung magkagayo'y maraming bansa at mga dakilang hari ay paglilingkuran siya.
8 At mangyayari, na ang bansa at ang kaharian na hindi maglilingkod kay Nabucodonosor na hari sa Babilonia, at yaong hindi yuyukod ng kanilang ulo sa pamatok ng hari sa Babilonia, ang bansang yaon, sabi ng Panginoon, ay parurusahan ko ng tabak, at ng kagutom, at ng salot, hanggang sa aking malipol sila sa pamamagitan ng kaniyang kamay.
9 Nguni't tungkol sa inyo, huwag ninyong dinggin ang inyong mga propeta, o ang (DF)inyong mga manghuhula man, o ang inyong mga panaginip man, o ang inyong mga mapamahiin man, o ang inyong mga manggagaway man, na nangagsasalita sa inyo, na nagsasabi, Kayo'y hindi mangaglilingkod sa hari sa Babilonia:
10 Sapagka't sila'y nanganghuhula ng kasinungalingan (DG)sa inyo, upang ilayo kayo sa inyong lupain; at aking palalayasin kayo at kayo'y mangalilipol.
11 Nguni't ang bansa na iyukod ang kaniyang ulo sa pamatok ng hari sa Babilonia, at maglilingkod sa kaniya, ang bansang yaon ay aking ilalabi sa kaniyang sariling lupain, sabi ng Panginoon; at kanilang bubukirin, at tatahanan.
12 At ako'y nagsalita kay (DH)Sedechias na hari sa Juda ayon sa lahat ng mga salitang ito na aking sinabi, Inyong iyukod ang inyong ulo sa pamatok ng hari sa Babilonia, at mangaglilingkod kayo sa kaniya at sa kaniyang bayan, at kayo'y mangabuhay:
13 Bakit kayo'y (DI)mangamamatay, ikaw, at ang iyong bayan, sa pamamagitan ng tabak, ng kagutom, at ng salot, gaya ng sinalita ng Panginoon tungkol sa bansa na hindi maglilingkod sa hari sa Babilonia?
14 At huwag kayong mangakinig ng salita ng mga propeta na nangagsasalita sa inyo, na nangagsasabi, Kayo'y hindi mangaglilingkod sa hari sa Babilonia: sapagka't sila'y nanganghuhula ng kabulaanan (DJ)sa inyo.
15 Sapagka't hindi ko sinugo sila, sabi ng Panginoon; kundi sila'y nanganghuhulang may kasinungalingan sa aking pangalan; upang aking mapalayas kayo, at kayo'y mangalipol, kayo, at ang mga propeta na nanganghuhula sa inyo.
16 Ako naman ay nagsalita rin sa mga saserdote at sa lahat ng bayang ito, na nagsasabi, Ganito ang sabi ng Panginoon: Huwag kayong mangakinig ng mga salita ng inyong mga propeta, na nanganghuhula sa inyo, na nangagsasabi, Narito, (DK)ang mga sisidlan ng bahay ng Panginoon ay madaling madadala uli na mula sa Babilonia: sapagka't sila'y nanganghuhula ng kasinungalingan sa inyo.
17 Huwag ninyong dinggin sila, mangaglingkod kayo sa hari sa Babilonia, at kayo'y mangabuhay: bakit nga ang bayang ito ay magiging sira?
18 Nguni't kung sila'y mga propeta, at ang mga salita ng Panginoon ay sumasakanila, (DL)mamagitan sila ngayon sa Panginoon ng mga hukbo, upang ang mga (DM)sisidlan na naiwan sa bahay ng Panginoon at sa bahay ng hari sa Juda, at ng Jerusalem, ay huwag mangaparoon sa Babilonia.
19 Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo (DN)tungkol sa mga haligi, at tungkol sa dagatdagatan, at tungkol sa mga tungtungan, at tungkol sa nalabi sa mga sisidlan na nangaiwan sa bayang ito,
20 Na hindi kinuha ni Nabucodonosor na hari sa Babilonia, (DO)nang kaniyang dalhing bihag si Jechonias na anak ni Joacim na hari sa Juda, mula sa Jerusalem hanggang sa Babilonia, at ang lahat ng mahal na tao ng Juda at ng Jerusalem;
21 Oo, ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, ng Dios ng Israel, tungkol sa mga sisidlan na naiwan sa bahay ng Panginoon, at sa bahay ng hari sa Juda, at ng Jerusalem:
22 (DP)Mangadadala sa Babilonia, at mangapaparoon, hanggang sa araw na dalawin ko sila, sabi ng Panginoon; kung magkagayo'y isasampa ko (DQ)sila, at isasauli ko sa dakong ito.
Si Hananias ay nanghula ng kabulaanan.
28 At nangyari, nang taon ding yaon sa pasimula ng paghahari ni Sedechias na hari sa Juda, sa ikaapat na taon, sa ikalimang buwan, na si Hananias na anak ni Azur na propeta, na taga Gabaon, ay nagsalita sa akin sa bahay ng Panginoon, sa harapan ng mga saserdote, at ng buong bayan, na nagsasabi,
2 Ganito ang sinasalita ng Panginoon ng mga hukbo, ng Dios ng Israel, na nagsasabi, Aking inalis ang pamatok ng hari sa Babilonia.
3 Sa loob ng dalawang buong taon ay dadalhin ko uli sa dakong ito, ang lahat na sisidlan ng bahay ng Panginoon, na dinala ni Nabucodonosor na hari sa Babilonia mula sa dakong ito, at mga dinala sa Babilonia:
4 At aking dadalhin uli sa dakong ito si Jechonias na anak ni Joacim, na hari sa Juda, sangpu ng lahat na bihag sa Juda, na nangaparoon sa Babilonia, sabi ng Panginoon: sapagka't aking aalisin ang pamatok ng hari sa Babilonia.
5 Nang magkagayo'y nagsabi ang propeta Jeremias sa propeta Hananias sa harapan ng mga saserdote, at sa harapan ng buong bayan, na nakatayo sa bahay ng Panginoon,
6 Sinabi nga ng propeta Jeremias, (DR)Siya nawa: gawing gayon ng Panginoon: isagawa ng Panginoon ang iyong mga salita na iyong ipinanghula, na ibalik uli ang mga sisidlan ng bahay ng Panginoon, at silang lahat na bihag, mula sa Babilonia hanggang sa dakong ito.
7 Gayon ma'y dinggin mo ang mga salitang ito na sinasalita ko sa iyong mga pakinig, at sa mga pakinig ng buong bayan:
8 Ang mga naging propeta bago ako at bago ikaw nang una ay nanghula laban sa maraming lupain, at laban sa mga malaking kaharian, tungkol sa digma, at tungkol sa kasamaan, at tungkol sa salot.
9 Ang propeta, na nanghuhula (DS)ng tungkol sa kapayapaan, ay makikilala nga siyang propeta, na tunay na sinugo ng Panginoon siya, pagka ang salita ng propeta ay mangyayari.
10 Nang magkagayo'y kinuha ng propeta Hananias (DT)ang pamatok sa batok ng propeta Jeremias, at binali.
11 At si Hananias ay nagsalita sa harapan ng buong bayan, na nagsasabi: Ganito ang sabi ng Panginoon, Gayon ko rin babaliin ang pamatok ni Nabucodonosor na hari sa Babilonia sa loob ng dalawang taong ganap (DU)sa batok ng lahat na bansa. At ang propeta Jeremias ay yumaon ng kaniyang lakad.
Ang kamatayan ni Hananias.
12 Nang magkagayo'y dumating ang salita ng Panginoon kay Jeremias, pagkatapos na mabali ni Hananias ang pamatok sa batok ng propeta Jeremias, na nagsasabi,
13 Ikaw ay yumaon, at saysayin mo kay Hananias na iyong sabihin, Ganito ang sabi ng Panginoon: Iyong binali ang mga pamatok na kahoy, nguni't ginawa mo na kahalili ng mga yaon ay mga pamatok na bakal.
14 Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, ng Dios ng Israel, (DV)Ako'y naglagay ng pamatok na bakal sa batok ng lahat na bansang ito, upang sila'y makapaglingkod (DW)kay Nabucodonosor na hari sa Babilonia; at sila'y mangaglilingkod sa kaniya: at ibinigay ko (DX)rin sa kaniya ang mga hayop sa parang.
15 Nang magkagayo'y sinabi ng propeta Jeremias kay Hananias na propeta, Dinggin mo ngayon, Hananias; hindi ka sinugo ng Panginoon; kundi (DY)iyong pinaasa ang bayang ito sa kasinungalingan.
16 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon, Narito, ikaw ay aking palalayasin mula sa ibabaw ng lupa: mamamatay ka sa taong ito sapagka't ikaw ay nagsalita ng panghihimagsik laban sa Panginoon.
17 Sa gayo'y namatay si Hananias na propeta ng taon ding yaon sa ikapitong buwan.
Pinayuhan na mamanatag ang mga nadalang bihag.
29 Ito nga ang mga salita ng sulat na ipinadala ni Jeremias na propeta mula sa Jerusalem sa nalabi sa (DZ)mga matanda sa pagkabihag, at sa (EA)mga saserdote, at sa mga propeta, at sa buong bayan, na dinalang bihag ni Nabucodonosor sa Babilonia mula sa Jerusalem:
2 (Pagkatapos na makaalis sa Jerusalem si (EB)Jechonias na hari, at ang ina ng hari, at ang mga bating, at ang mga (EC)prinsipe sa Juda at sa Jerusalem, at ang mga manggagawa at ang mga mangbabakal;)
3 Sa pamamagitan ng kamay ni Elasa na anak ni (ED)Saphan, at ni Gemarias na anak ni (EE)Hilcias, (na siyang sinugo sa Babilonia ni Sedechias na hari sa Juda kay Nabucodonosor na hari sa Babilonia,) na nagsasabi,
4 Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, ng Dios ng Israel, sa lahat ng bihag na aking ipinadalang bihag sa Babilonia mula sa Jerusalem,
5 Kayo'y mangagtayo ng mga bahay, (EF)at inyong tahanan; at kayo'y maghalamanan, at kanin ninyo ang bunga ng mga yaon.
6 Magsipagasawa kayo, at kayo'y mangagkaanak ng mga lalake at mga babae; at ikuha ninyo ng mga asawa ang inyong mga anak na lalake, at inyong ibigay na asawa ang inyong mga anak na babae, upang sila'y mangagkaanak ng mga lalake at mga babae: at kayo'y magsidami roon, at huwag kayong magpakaunti.
7 At inyong hanapin ang kapayapaan sa bayan na aking pinagdalhan sa inyong bihag, (EG)at inyong idalangin sa Panginoon: sapagka't sa kapayapaan niyaon ay magkakaroon naman kayo ng kapayapaan.
8 Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, ng Dios ng Israel, Huwag kayong dayain ng mga propeta na nangasa gitna ninyo, at ng (EH)inyong mga manghuhula, o mangakinig man kayo sa inyong mga panaginip na inyong napapanaginip.
9 Sapagka't sila'y nanganghuhulang may kasinungalingan sa inyo sa aking pangalan: hindi ko sinugo sila, sabi ng Panginoon.
10 Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon, (EI)Pagkatapos na maganap ang pitong pung taon sa Babilonia, aking dadalawin kayo, (EJ)at aking tutuparin ang aking mabuting salita sa inyo, sa pagpapabalik sa inyo sa dakong ito.
11 Sapagka't nalalaman ko ang mga pagiisip na aking iniisip sa inyo, sabi ng Panginoon, mga pagiisip tungkol sa kapayapaan, at hindi tungkol sa kasamaan, (EK)upang bigyan kayo ng pagasa sa inyong huling wakas.
12 At kayo'y magsisitawag sa akin, at kayo'y magsisiyaon at magsisidalangin sa akin, at aking didinggin kayo.
13 At inyong hahanapin ako, at masusumpungan ako, pagka inyong sisiyasatin ako ng inyong buong puso.
14 At (EL)ako'y masusumpungan sa inyo, sabi ng Panginoon, at aking ibabalik uli kayo na mula sa inyong pagkabihag, at aking pipisanin (EM)kayo mula sa lahat ng bansa, at mula sa lahat ng dako na aking pinagtabuyan sa inyo, sabi ng Panginoon; at aking ibabalik kayo uli sa dakong mula sa aking pinagdalhang bihag sa inyo.
15 Sapagka't inyong sinabi, Ang Panginoon ay nagbangon sa amin ng mga propeta sa Babilonia.
16 Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon tungkol sa hari na (EN)nauupo sa luklukan ni David, at tungkol sa buong bayan na tumatahan sa bayang ito, sa inyo ngang mga kapatid na hindi nagsilabas na kasama ninyo sa pagkabihag;
17 Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Narito, aking susuguin sa kanila ang (EO)tabak, ang kagutom at ang salot, at gagawin ko silang parang (EP)masamang igos, na hindi makakain, dahil sa nangapakasama.
18 At aking hahabulin sila ng tabak, at kagutom, at ng salot, at (EQ)aking ibibigay sila sa kakutyaan na paroo't parito sa gitna ng lahat na kaharian sa lupa, (ER)upang maging kasumpaan, at katigilan, at kasutsutan, at katuyaan, sa gitna ng lahat na bansa na aking pinagtabuyan sa kanila;
19 Sapagka't hindi sila nangakinig sa aking mga salita, sabi ng Panginoon, na aking mga ipinasugo sa aking mga propeta, na ako'y bumangong maaga at sinugo ko sila; nguni't hindi ninyo dininig sila, sabi ng Panginoon.
20 Inyo ngang dinggin ang salita ng Panginoon, ninyong lahat na nasa pagkabihag, (ES)na aking itinaboy sa Babilonia mula sa Jerusalem.
Ang mga bulaang propeta ay tinutulan ni Jeremias.
21 Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, ng Dios ng Israel, tungkol kay Achab na anak ni Colias, at tungkol kay Sedechias na anak ni Maasias na nanghuhula ng kasinungalingan (ET)sa inyo sa aking pangalan, Narito, aking ibibigay sila sa kamay ni Nabucodonosor na hari sa Babilonia; at papatayin niya sila sa harap ng inyong mga mata;
22 At sa kanila kukuha ng (EU)kasumpaan sa lahat ng bihag (EV)sa Juda na nangasa Babilonia, na magsasabi, Gawin ka ng Panginoon na gaya ni Sedechias at gaya ni Achab, na (EW)iniihaw sa apoy ng hari sa Babilonia.
23 Sapagka't sila'y gumawang may kamangmangan sa Israel, at nangalunya sa mga asawa ng kanilang mga kapuwa, at nangagsalita ng mga salita sa aking pangalan na may kasinungalingan, na hindi ko iniutos sa kanila; at ako ang siyang nakakakilala, at (EX)ako'y saksi, sabi ng Panginoon.
24 At tungkol kay Semaias na Nehelamita ay iyong sasalitain, na sasabihin,
25 Ganito ang sinasalita ng Panginoon ng mga hukbo, ng Dios ng Israel, na sinasabi, Sapagka't ikaw ay nagpadala ng mga sulat sa iyong sariling pangalan sa buong bayan na nasa Jerusalem, at (EY)kay Sophonias na anak ni (EZ)Maasias na saserdote, at sa lahat na saserdote, na iyong sinasabi,
26 Ginawa kang saserdote ng Panginoon na kahalili ni Joiada na saserdote, upang kayo'y (FA)maging mga lingkod sa bahay ng Panginoon, sa bawa't tao na (FB)ulol, at (FC)nagpapanggap na propeta, upang iyong mailagay sa pangawan at (FD)sa mga tanikala.
27 Ngayon nga, bakit hindi mo sinaway si (FE)Jeremias na taga Anathoth, na nagpapanggap na propeta sa inyo,
28 Yamang siya'y nagsugo sa Babilonia, na nagsasabi, Ang pagkabihag ay malaon: (FF)kayo'y mangagtayo ng mga bahay at inyong tahanan; at kayo'y mangaghalaman, at inyong kanin ang bunga ng mga yaon?
29 At binasa ni Sophonia na saserdote ang sulat na ito sa mga pakinig ni Jeremias na propeta.
30 Nang magkagayo'y dumating ang salita ng Panginoon kay Jeremias, na nagsasabi,
31 Ikaw ay magsugo sa kanilang lahat na nasa pagkabihag, na iyong sabihin, Ganito ang sabi ng Panginoon tungkol kay Semaias na Nehelamita. Yamang nanghula si Semaias sa inyo, (FG)at hindi ko sinugo siya, at kaniyang pinatiwala kayo sa kasinungalingan.
32 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon, Narito, aking parurusahan si Semaias na Nehelamita, at ang kaniyang binhi; siya'y hindi magkakaroon ng lalake na tatahan sa gitna ng bayang ito, (FH)o mamamasdan man niya ang mabuti na gagawin ko sa aking bayan, sabi ng Panginoon, sapagka't siya'y nagsalita ng panghihimagsik laban sa Panginoon.
Pagliligtas mula sa pagkabihag ay ipinangako.
30 Ang salita na dumating kay Jeremias na mula sa Panginoon, na nagsasabi,
2 Ganito ang sinasalita ng Panginoon, ng Dios ng Israel, na nagsasabi, (FI)Iyong isulat sa isang aklat ang lahat ng mga salita na aking sinalita sa iyo.
3 Sapagka't, narito, ang mga araw ay (FJ)dumarating, sabi ng Panginoon na (FK)aking ibabalik na mula sa pagkabihag ang aking bayang (FL)Israel at Juda, sabi ng Panginoon, (FM)at aking pababalikin sila sa lupain na aking ibinigay sa kanilang mga magulang, at kanilang aariin.
4 At ang mga ito ang mga salita na sinalita ng Panginoon tungkol sa Israel at tungkol sa Juda.
5 Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon; Kami ay nangakarinig ng tinig ng panginginig, ng takot, at hindi ng kapayapaan.
6 Kayo'y magtanong ngayon, at inyong tingnan kung ang lalake ay nagdaramdam ng panganganak: bakit aking nakikita ang lahat na lalake na ang mga kamay ay nangasa kaniyang mga balakang na parang babae sa pagdaramdam, at (FN)ang lahat na mukha ay naging maputla?
7 (FO)Ay! sapagka't ang araw na yaon ay dakila, na anopa't walang gaya niyaon: siya ngang panahon ng kabagabagan ng Jacob; nguni't siya'y maliligtas doon.
8 At mangyayari (FP)sa araw na yaon, sabi ng Panginoon ng mga hukbo na aking aalisin ang kaniyang pamatok sa iyo, at (FQ)aking papatirin ang iyong mga tali at hindi na siya maglilingkod pa sa mga (FR)taga ibang lupa:
9 Kundi kanilang paglilingkuran ang Panginoong (FS)kanilang Dios, at si David na kanilang hari, na aking ibabangon sa kanila.
10 Kaya't huwag kang masindak, Oh (FT)Jacob na aking lingkod, sabi ng Panginoon; huwag ka mang manglupaypay, Oh Israel: sapagka't narito, ililigtas kita mula sa malayo, at ang iyong binhi mula sa lupain ng kanilang pagkabihag; at ang Jacob ay babalik, at magiging tahimik at tiwasay, at walang tatakot sa kaniya.
11 Sapagka't ako'y sumasaiyo sabi ng Panginoon upang iligtas kita: sapagka't (FU)gagawa ako ng lubos na kawakasan sa lahat na bansa na aking pinapangalatan sa iyo, nguni't hindi ako gagawa ng lubos na kawakasan (FV)sa iyo; kundi sasawayin kita (FW)ng kahatulan, at walang pagsalang hindi kita iiwan na walang parusa.
12 Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon, Ang iyong sakit ay (FX)walang kagamutan, at ang iyong sugat ay mabigat.
13 Walang makipaglaban ng iyong usapin upang ikaw ay mapagaling: ikaw ay walang mga panggamot na nakagagaling.
14 (FY)Nilimot ka ng lahat na mangingibig sa iyo; hindi ka nila hinahanap: sapagka't sinugatan kita ng sugat (FZ)ng kaaway, ng parusa ng mabagsik; dahil sa kalakhan ng iyong kasamaan, sapagka't ang iyong mga kasalanan ay dumami.
15 Bakit ka humihiyaw ng dahil sa iyong sakit? ang iyong hirap ay walang kagamutan: dahil sa kalakhan ng iyong kasamaan, sapagka't ang iyong mga kasalanan ay dumami, aking ginawa ang mga bagay na ito sa iyo.
16 Kaya't silang lahat na nagsisilamon sa iyo ay (GA)mangalalamon; at lahat ng iyong kaaway, bawa't isa sa kanila'y magsisipasok sa pagkabihag; at silang nagsisisamsam sa iyo ay magiging samsam, at lahat ng nagsisihuli sa iyo ay aking ibibigay na huli.
17 Sapagka't (GB)pagiginhawahin kita, at pagagalingin kita sa iyong mga sugat, sabi ng Panginoon; kanilang tinawag ka na (GC)tapon, na sinasabi, Ito ang Sion, na hindi hinahanap ng sinoman.
18 Ganito ang sabi ng Panginoon: Narito, (GD)aking ibabalik uli mula sa pagkabihag ang mga tolda ng Jacob, at pakukundanganan ko ang (GE)kaniyang mga tahanang dako; at ang bayan ay matatayo sa kaniyang sariling bunton, at ang bahay-hari ay tatahanan ng ayon sa ayos niyaon.
19 At mula sa kanila (GF)magmumula ang pagpapasalamat, at ang tinig ng nangagsasaya: (GG)at aking pararamihin sila, at sila'y hindi magiging kaunti; akin ding luluwalhatiin sila, at sila'y hindi magiging maliit.
20 Ang kanilang mga anak naman ay magiging (GH)gaya nang una, at ang kanilang kapisanan ay matatatag sa harap ko, at aking parurusahan yaong lahat na nagsisipighati sa kanila.
21 At ang kanilang prinsipe ay magiging isa sa kanila, at ang kanilang (GI)puno ay magmumula sa gitna nila: at aking palalapitin siya, at siya'y lalapit sa akin: sapagka't sino yaong nangahas upang lumapit sa akin? sabi ng Panginoon.
22 At kayo'y (GJ)magiging aking bayan, at ako'y magiging inyong Dios.
23 Narito, ang unos ng Panginoon, ang kaniyang kapusukan, ay bumulalas na parang buhawi: hahampas sa ulo ng masama.
24 Ang mabangis na galit ng Panginoon ay (GK)hindi mapaparam hanggang sa maisagawa, at hanggang sa kaniyang maisagawa ang haka ng kaniyang puso; (GL)sa mga huling araw ay iyong mauunawa.
Ang mapagligtas na pagibig ng Panginoon at ang muling pagkakatayo ng Israel.
31 Sa panahong yaon, (GM)sabi ng Panginoon, (GN)magiging Dios ako ng lahat na angkan ni Israel, at sila'y magiging aking bayan.
2 Ganito ang sabi ng Panginoon, Ang bayan na naiwan ng tabak ay nakasumpong ng biyaya sa ilang; oo, ang Israel, (GO)nang aking papagpahingahin.
3 Ang Panginoon ay napakita nang una sa akin, na nagsasabi, Oo, inibig (GP)kita (GQ)ng walang hanggang pagibig: kaya't ako'y lumapit (GR)sa iyo na may kagandahang-loob.
4 (GS)Muling itatayo kita, at ikaw ay matatayo, Oh dalaga ng Israel: muli na ikaw ay magagayakan ng iyong mga pandereta, at lalabas ka sa mga sayawan nila na nasasayahan.
5 Muli kang magtatanim ng mga ubasan (GT)sa mga bundok ng Samaria: ang mga manananim ay mangagtatanim, at mangagagalak sa bunga niyaon.
6 Sapagka't magkakaroon ng araw, na ang mga bantay sa mga burol ng Ephraim ay magsisihiyaw. (GU)Kayo'y magsibangon, at tayo'y magsisampa sa Sion na pumaroon sa Panginoon nating Dios.
7 Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon, Kayo'y magsiawit ng kasayahan dahil sa Jacob, at magsihiyaw kayo dahil sa puno ng mga bansa: mangagtanyag kayo, magsipuri kayo, at mangagsabi, Oh Panginoon, iligtas mo ang iyong bayan, ang nalabi sa Israel.
8 Narito, aking dadalhin sila (GV)mula sa lupaing hilagaan, at pipisanin ko sila mula sa mga kahulihulihang bahagi ng lupa, at kasama nila (GW)ang bulag at ang pilay, at ang buntis at ang nagdadamdam na magkakasama: malaking pulutong na magsisibalik sila rito.
9 Sila'y magsisiparitong (GX)may iyakan, at may mga pamanhik na aking papatnubayan sila; akin silang palalakarin sa (GY)tabi ng mga ilog ng tubig, sa matuwid na daan na hindi nila katitisuran; sapagka't ako'y (GZ)pinakaama sa Israel, at ang (HA)Ephraim ang aking (HB)panganay.
10 Inyong dinggin ang salita ng Panginoon, Oh ninyong mga bansa, at inyong ipahayag sa mga pulo sa malayo; at inyong sabihin, Ang nagpangalat sa Israel, (HC)siyang magpipisan sa kaniya, at magiingat sa kaniya, gaya ng ginagawa ng pastor sa kaniyang kawan.
11 Sapagka't tinubos ng (HD)Panginoon ang Jacob, at tinubos niya siya sa kamay ng lalong malakas kay sa kaniya.
12 At sila'y magsisiparito at magsisiawit (HE)sa kaitaasan ng Sion, at magsisihugos na magkakasama (HF)sa kabutihan ng Panginoon, sa trigo, at sa alak, at sa langis, at sa guya ng kawan at ng bakahan: at ang kanilang kaluluwa ay magiging (HG)parang dinilig na halamanan; (HH)at hindi na sila mangamamanglaw pa sa anoman.
13 Kung magkagayo'y magagalak ang dalaga sa sayawan, at ang mga binata, at ang matanda na magkakasama: sapagka't aking gagawing kagalakan ang kanilang pagluluksa, at aking aaliwin sila at aking pagagalakin sila sa kanilang kapanglawan.
14 At (HI)aking sisiyahin ang loob ng mga saserdote sa kaginhawahan, at ang aking bayan ay masisiyahan sa aking kabutihan, sabi ng Panginoon.
Inaliw si Raquel.
15 Ganito ang sabi ng Panginoon, (HJ)Isang tinig ay narinig sa (HK)Rama, panaghoy, at kalagimlagim na iyak, iniiyakan ni Raquel ang kaniyang mga anak; siya'y tumatangging maaliw dahil sa kaniyang mga anak, sapagka't sila'y wala na.
16 Ganito ang sabi ng Panginoon, Iyong pigilin ang iyong tinig sa pagiyak, at ang iyong mga mata sa mga luha: sapagka't gagantihin ang iyong mga gawa, sabi ng Panginoon; at (HL)sila'y magsisibalik na mula sa lupain ng kaaway.
17 At may pagasa sa iyong huling wakas, sabi ng Panginoon; (HM)at ang iyong mga anak ay magsisiparoon uli sa kanilang sariling hangganan.
18 Tunay na aking narinig ang Ephraim na nananaghoy sa kaniyang sarili ng ganito, Inyong pinarusahan ako, at ako'y naparusahan na parang guya na hindi hirati sa pamatok: (HN)papanumbalikin mo ako, at ako'y manunumbalik sa iyo; sapagka't ikaw ang Panginoon kong Dios.
19 Tunay na (HO)pagkapanumbalik ko sa iyo ay nagsisi ako; at pagkatapos na ako'y maturuan ay (HP)nagsugat ako ng hita: ako'y napahiya, oo, lito, sapagka't aking dinala ang kakutyaan (HQ)ng aking kabataan.
20 Ang Ephraim baga'y aking minamahal na anak? siya baga'y iniibig na anak? sapagka't kung gaano kadalas nagsasalita ako laban sa kaniya, ay gayon ko inaalaala siya ng di kawasa: (HR)kaya't nananabik ang aking puso sa kaniya; ako'y tunay na maaawa sa kaniya, sabi ng Panginoon.
Ang darating na pananagana ng Israel.
21 Maglagay ka ng mga patotoo, gumawa ka ng mga haliging tanda: (HS)ilagak mo ang iyong puso sa dakong lansangan, sa daan na iyong pinaroonan: ikaw ay magbalik uli, Oh dalaga ng Israel, ikaw ay bumalik uli rito sa mga bayang ito.
22 Hanggang kailan (HT)magpaparoo't parito ka, Oh ikaw na tumatalikod na anak na babae? sapagka't ang Panginoon ay lumikha ng bagong bagay sa lupa, Ang babae ay siyang mananaig (HU)sa lalake.
23 Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, ng Dios ng Israel, Kanilang gagamitin uli ang pananalitang ito sa lupain ng Juda at sa mga bayan niyaon, pagka aking dadalhin uli mula sa kanilang pagkabihag: (HV)Pagpalain ka ng Panginoon. Oh tahanan ng (HW)kaganapan, Oh bundok ng kabanalan.
24 At ang Juda at ang (HX)lahat na bayan niya ay tatahan doon na magkakasama; ang mga mangbubukid at ang mga lumilibot na may mga kawan.
25 Sapagka't aking bibigyang kasiyahan ang pagod na tao, at lahat na mapanglaw na tao ay aking pinasasaya.
26 Dito'y nagising ako, at ako'y lumingap; at ang aking pagkakatulog ay masarap.
27 Narito, ang mga araw ay dumarating, sabi ng Panginoon, na (HY)aking hahasikan ang sangbahayan ni Israel at ang sangbahayan ni Juda ng (HZ)binhi ng tao at ng binhi ng hayop.
28 At mangyayari, na kung paanong (IA)binantayan ko sila upang alisin, at upang ibuwal, at upang madaig at upang ipahamak, at upang pagdalamhatiin, gayon babantayan ko sila upang itayo at upang itatag sabi ng Panginoon.
29 Sa mga (IB)araw na yaon ay hindi na sila mangagsasabi. Ang mga magulang ay nagsikain ng mga maasim na ubas, at ang mga ngipin ng mga bata ay nagsisipangilo.
30 Nguni't bawa't isa ay mamamatay ng dahil sa kaniyang sariling kasamaan: lahat na nagsisikain ng mga maasim na ubas ay magsisipangilo ang mga ngipin.
Ang bagong tipan ay gagawin.
31 Narito, (IC)ang mga araw ay dumarating, sabi ng Panginoon, na ako'y makikipagtipan ng panibago sa sangbahayan ni Israel, at sa sangbahayan ni Juda:
32 Hindi ayon sa tipan na ipinakipagtipan ko sa kanilang mga magulang sa araw na (ID)aking kinuha sila sa pamamagitan ng kamay upang ilabas sila sa lupain ng Egipto; na ang aking tipan ay kanilang sinira, bagaman (IE)ako'y asawa nila, sabi ng Panginoon.
33 (IF)Kundi ito ang tipan na aking ipakikipagtipan sa sangbahayan ni Israel pagkatapos ng mga araw na yaon, sabi ng Panginoon, (IG)Aking itatala ang aking kautusan sa kanilang kalooban, at aking isusulat sa kanilang puso; at ako'y magiging kanilang Dios, at sila'y magiging aking bayan;
34 At hindi na magtuturo bawa't isa sa kanila sa kaniyang kapuwa, at bawa't tao sa kaniyang kapatid, na magsasabi, Iyong kilalanin ang Panginoon; sapagka't makikilala nilang (IH)lahat ako, (II)mula sa kaliitliitan sa kanila hanggang sa kadakidakilaan sa kanila, sabi ng Panginoon: sapagka't (IJ)aking ipatatawad ang kanilang kasamaan, at ang kanilang kasalanan ay hindi ko na aalalahanin.
35 Ganito ang sabi ng Panginoon, na nagbibigay (IK)ng araw na sumisikat na pinakaliwanag sa araw, at ng (IL)mga ayos ng buwan at ng mga bituin na pinakaliwanag sa gabi, (IM)na nagpapakilos sa dagat, na humugong ang mga alon niyaon; ang (IN)Panginoon ng mga hukbo ay siyang kaniyang pangalan:
36 Kung ang mga ayos na ito ay humiwalay (IO)sa harap ko, sabi ng Panginoon, ang binhi nga ng Israel ay maglilikat sa pagkabansa sa harap ko magpakailan man.
37 Ganito ang sabi ng Panginoon, (IP)Kung ang langit sa itaas ay masusukat, at ang mga patibayan ng lupa ay masisiyasat sa ilalim, akin ngang ihahagis ang buong lahi ng Israel dahil sa lahat nilang nagawa, sabi ng Panginoon.
38 Narito, ang mga araw ay dumarating, sabi ng Panginoon, na ang bayan ay matatayo sa Panginoon (IQ)mula sa moog ni Hananeel hanggang sa (IR)pintuang-bayan sa sulok.
39 At ang panukat na pisi ay magpapatuloy (IS)na matuwid sa burol ng Gareb, at pipihit hanggang sa Goa.
40 At (IT)ang buong libis ng mga katawang patay, at ng mga abo, at ang lahat na parang hanggang sa batis ng Cedron, (IU)hanggang sa sulok ng pintuang-bayan ng kabayo sa dakong silanganan, (IV)magiging banal sa Panginoon; hindi mabubunot o mahahagis ang sinoman magpakailan pa man.
Si Jeremias ay ibinilanggo.
32 Ang salita na dumating kay Jeremias na mula sa Panginoon (IW)nang ikasangpung taon ni Sedechias na hari sa Juda (IX)na siyang ikalabing walong taon ni Nabucodonosor.
2 Nang panahon ngang yao'y ang hukbo ng hari sa Babilonia ay kumubkob sa Jerusalem, at si Jeremias na propeta ay nakulong (IY)sa looban ng bantayan, na nasa bahay ng hari sa Juda.
3 Sapagka't kinulong siya ni Sedechias na hari sa Juda, na sinasabi, Bakit ka nanghuhula, at nagsasabi, Ganito ang sabi ng Panginoon, (IZ)Narito, ibibigay ko ang bayang ito sa kamay ng hari sa Babilonia, at kaniyang sasakupin:
4 At si (JA)Sedechias na hari sa Juda ay (JB)hindi makatatanan sa kamay ng mga Caldeo, kundi tunay na mabibigay sa kamay ng hari sa Babilonia, at makikipagusap sa kaniya ng bibig, at ang kaniyang mga mata ay titingin sa kaniyang mga mata;
5 At kaniyang dadalhin si Sedechias sa Babilonia, at siya'y doroon hanggang sa dalawin ko siya, sabi ng Panginoon: bagaman kayo'y magsilaban sa mga Caldeo, hindi kayo magsisiginhawa?
Ipinabili kay Jeremias ang lupain sa Anathoth.
6 At sinabi ni Jeremias, Ang salita ng Panginoon, ay dumating sa akin, na nagsasabi:
7 Narito, si Hanamel na anak ni Sallum na iyong amain ay paroroon sa iyo, na magsasabi, Bilhin mo ang parang ko na nasa Anathoth: (JC)sapagka't ang matuwid ng pagtubos ay ukol sa iyo upang bilhin.
8 Sa gayo'y si Hanamel na anak ng aking amain ay naparoon sa akin sa looban ng bantayan ayon sa salita ng Panginoon, at sinabi sa akin, Bilhin mo ang aking parang, isinasamo ko sa iyo, na nasa Anathoth, na nasa lupain ng Benjamin; sapagka't ang matuwid ng pagmamana ay ukol sa iyo, at ang pagtubos ay ukol sa iyo; bilhin mo para sa iyong sarili. Nang magkagayo'y nakilala ko na ito'y salita ng Panginoon.
9 At binili ko ang parang na nasa Anathoth kay Hanamel na anak ng aking amain, at (JD)tinimbang ko sa kaniya ang salapi, na labing pitong siklong pilak.
10 At ako'y naglagda ng pangalan sa katibayan, at (JE)aking tinatakan, at tumawag ako ng mga saksi, at tinimbang ko sa kaniya ang salapi sa timbangan.
11 Sa gayo'y kinuha ko ang katibayan ng pagkabili, ang natatatakan, yaong ayon sa kautusan at kaugalian, at ang bukas:
12 At ibinigay ko ang katibayan ng pagkabili kay (JF)Baruch na anak ni Nerias, na anak ni Maasias, sa harapan ni Hanamel na anak ng aking amain, at sa harap ng mga saksi na naglagda ng pangalan sa katibayan ng pagkabili, sa harap ng lahat na Judio na nakaupo sa looban ng bantayan.
13 At ibinilin ko kay Baruch sa harap nila, na aking sinasabi,
14 Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, ng Dios ng Israel, Iyong kunin ang mga katibayang ito, ang katibayang ito ng pagkabili, ang natatatakan, at gayon din itong katibayang bukas, at iyong isilid sa sisidlang lupa; upang tumagal ng maraming araw.
15 Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, ng Dios ng Israel, Mga bahay, at mga parang, at mga ubasan (JG)ay mangabibili pa uli sa lupaing ito.
Si Jeremias ay nanalangin upang maliwanagan.
16 Pagkatapos nga na aking maibigay (JH)ang katibayan ng pagkabili kay Baruch na anak ni Nerias, dumalangin ako sa Panginoon, na aking sinabi,
17 Ah Panginoong Dios! narito, iyong ginawa ang langit at ang lupa sa pamamagitan ng iyong malaking kapangyarihan, at sa pamamagitan ng iyong unat na kamay; (JI)walang bagay na totoong napakahirap sa iyo:
18 Na (JJ)ikaw ay nagpapakita ng kagandahang-loob sa mga libolibo, at iyong ginaganti ang kasamaan ng mga magulang sa sinapupunan ng kanilang mga anak pagkamatay nila; ang dakila, na makapangyarihang (JK)Dios, ang (JL)Panginoon ng mga hukbo ay kaniyang pangalan.
19 (JM)Dakila sa payo at makapangyarihan sa gawa; na ang mga mata ay dilat sa lahat ng mga lakad ng mga anak ng tao, upang bigyan ang bawa't isa ng ayon sa kaniyang mga lakad, at ayon sa bunga ng kaniyang mga gawa,
20 Na naglagay ng mga tanda at mga kababalaghan sa lupain ng Egipto, hanggang sa araw na ito, sa Israel at gayon din sa gitna ng ibang mga tao; at magtaglay ka ng pangalan, gaya sa araw na ito;
21 At iyong inilabas ang iyong bayang Israel sa lupain ng Egipto sa pamamagitan ng mga tanda at ng mga kababalaghan, at ng malakas na kamay, at ng unat na kamay, at (JN)ng malaking kakilabutan,
22 At ibinigay mo sa kanila ang lupaing ito (JO)na iyong isinumpa sa kanilang mga magulang na ibibigay sa kanila, (JP)lupain na binubukalan ng gatas at pulot,
23 At sila'y pumasok, at kanilang inari; nguni't (JQ)hindi dininig ang itong tinig, o lumakad man sa iyong kautusan; sila'y hindi nagsigawa ng anoman sa lahat na iyong iniutos sa kanila na gawin: kaya't iyong pinapangyari ang buong kasamaang ito sa kanila.
24 Narito, ang mga bunton, nagsisidating sa bayan upang sakupin; at ang bayan ay nabigay sa kamay ng mga taga Caldea na nagsisilaban doon, dahil sa tabak, at sa kagutom, at sa salot: at kung ano ang iyong sinalita ay nangyayari; at, narito, iyong nakikita.
25 At iyong sinabi sa akin, Oh Panginoong Dios, (JR)iyong bilhin ng salapi ang parang, at (JS)ikaw ay tumawag ng mga saksi; yamang ang bayan ay ibinibigay sa kamay ng mga Caldeo.
Itinadhana ang pagkabihag dahil sa pagsuway ng Israel.
26 Nang magkagayo'y dumating ang salita ng Panginoon kay Jeremias, na nagsasabi,
27 Narito, ako ang Panginoon, ang (JT)Dios ng lahat na tao; may anomang bagay baga na totoong mahirap sa akin?
28 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon, Narito, aking ibibigay ang bayang ito sa kamay ng mga Caldeo, at sa kamay ni Nabucodonosor na hari sa Babilonia, at kaniyang sasakupin,
29 At ang mga Caldeo, na nagsisilaban sa bayang ito, magsisiparito at susulsulan ang bayang ito, at susunugin, sangpu ng mga bahay (JU)na ang mga bubungan ay kanilang pinaghandugan ng kamangyan kay Baal, at pinagbuhusan ng mga inuming handog sa mga ibang dios, upang mungkahiin ako sa galit.
30 Sapagka't ang ginawa (JV)lamang ng mga anak ni Israel, at ng mga anak ni Juda ay ang masama sa aking paningin mula sa kanilang kabataan, sapagka't minungkahi lamang ako ng mga anak ni Israel sa galit (JW)ng gawa ng kanilang mga kamay, sabi ng Panginoon.
31 Sapagka't ang bayang ito ay naging kamungkahian sa aking galit at sa aking pagaalab ng loob mula sa araw na kanilang itinayo hanggang sa araw na ito; upang aking mailayo sa aking mukha.
32 Dahil sa lahat ng kasamaan ng mga anak ni Israel at ng mga anak ni Juda, na kanilang ginawa upang mungkahiin ako sa galit, (JX)sila, ng kanilang mga hari, ng kanilang mga prinsipe, ng kanilang mga saserdote, at ng kanilang mga propeta, at ng mga tao ng Juda, at ng mga nananahan sa Jerusalem.
33 At (JY)kanilang tinalikdan ako, at hindi ako hinarap: bagaman aking tinuruan sila, (JZ)na bumabangon ako ng maaga at tinuturuan ko sila, gayon ma'y hindi sila nangakinig na magsitanggap ng turo.
34 Kundi (KA)kanilang inilagay ang kanilang mga kasuklamsuklam sa bahay na tinawag sa aking pangalan, upang lapastanganin.
35 At kanilang itinayo ang mga mataas na dako ni Baal, na nasa libis ng anak ni Hinnom, upang paraanin (KB)sa apoy ang kanilang mga anak na lalake at babae (KC)kay Moloch; na hindi ko iniutos sa kanila o nasok man sa aking pagiisip, na kanilang gawin ang kasuklamsuklam na ito; (KD)na pinapagkasala ang Juda.
Pagbabalik mula sa pagkabihag ay ipinangako.
36 At ngayon ganito ang sabi ng Panginoon, ng Dios ng Israel, tungkol sa bayang ito, na inyong sinasabi, Nabigay sa kamay ng hari sa Babilonia sa pamamagitan ng tabak, at ng kagutom, at ng salot:
37 Narito, (KE)aking pipisanin sila mula sa lahat ng lupain, na aking pinagtabuyan sa kanila sa aking galit, at sa aking kapusukan at sa malaking poot, at dadalhin ko sila uli sa dakong ito, at akin silang patatahaning tiwasay.
38 At sila'y magiging aking bayan, (KF)at ako'y magiging kanilang Dios:
39 At bibigyan ko sila ng isang puso (KG)at ng isang daan, (KH)upang sila'y matakot sa akin magpakailan man; sa ikabubuti nila, at ng kanilang mga anak pagkamatay nila:
40 At (KI)ako'y makikipagtipan ng walang hanggan sa kanila, na hindi ako hihiwalay sa kanila, upang gawan ko sila ng mabuti: (KJ)at sisidlan ko sa puso ng takot sa akin, upang huwag silang magsihiwalay sa akin.
41 Oo, ako'y magagalak sa kanila upang gawan ko sila ng mabuti, at aking tunay na itatatag (KK)sila sa lupaing ito ng aking buong puso at ng aking buong kaluluwa.
42 Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon, (KL)Kung paanong aking dinala ang lahat na malaking kasamaang ito sa bayang ito, gayon dadalhin ko sa kanila ang lahat na mabuti na aking ipinangako sa kanila.
43 At mga parang ay (KM)mabibili sa lupaing ito, (KN)na iyong sinasabi, Sira, na walang tao o hayop man; nabigay sa kamay ng mga Caldeo.
44 Bibilhin nga ng mga tao ng salapi ang mga parang at (KO)mangaglalagda ng pangalan sa mga katibayan, at mga tatatakan, at magsisitawag ng mga saksi, (KP)sa lupain ng Benjamin, at sa mga dako na palibot ng Jerusalem, at sa mga bayan ng Juda, at sa mga bayan ng lupaing maburol, at sa mga bayan ng mababang lupain, at sa mga bayan ng Timugan: sapagka't aking ibabalik sila mula sa kanilang pagkabihag, sabi ng Panginoon.
Ang kapayapaan at kaligayahan ay babalik sa Jerusalem.
33 Bukod dito'y dumating na ikalawa ang salita ng Panginoon kay Jeremias, samantalang (KQ)nakukulong pa siya sa looban ng bantayan, na nagsasabi,
2 Ganito ang sabi ng Panginoon na gumagawa niyaon, ng Panginoon na umaanyo niyaon upang itatag; Panginoon ay siyang kaniyang pangalan:
3 Tumawag ka sa akin, at ako'y sasagot sa iyo, at ako'y magpapakita sa iyo ng mga dakilang bagay, at mahihirap na hindi mo nangalalaman.
4 Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon, ng Dios ng Israel, tungkol sa mga bahay ng bayang ito, at tungkol sa mga bahay ng mga hari sa Juda na nangabagsak upang gawing sanggalangan laban (KR)sa mga bunton at laban sa tabak;
5 Sila'y nagsisidating upang magsilaban sa mga Caldeo, nguni't upang sila'y mangapuno ng mga bangkay ng mga tao, na aking pinatay sa aking galit at sa aking kapusukan, at dahil sa lahat ng kasamaang yaon ay (KS)ikinubli ko ang aking mukha sa bayang ito:
6 Narito, (KT)ako'y magdadala ng kagalingan at kagamutan, aking gagamutin sila; at ako'y maghahayag sa kanila ng di kawasang kapayapaan at katotohanan.
7 At aking pababalikin ang nangabihag sa Juda, at ang nangabihag sa Israel, at (KU)aking itatayo sila na gaya nang una.
8 At aking (KV)lilinisin sila sa lahat nilang kasamaan, na kanilang pinagkasalahan laban sa akin; at aking ipatatawad ang lahat nilang kasamaan na kanilang ipinagkasala laban sa akin, at kanilang ikinasalangsang laban sa akin.
9 At ang bayang ito ay magiging (KW)pinakapangalan ng kagalakan sa akin, pinaka kapurihan at pinaka kaluwalhatian, sa harap ng lahat na bansa sa lupa na makakarinig ng lahat na mabuti na gagawin ko sa kanila, at (KX)mangatatakot at magsisipanginig dahil sa lahat na buti at dahil sa lahat na kapayapaan na aking pinagsikapan sa kaniya.
10 Ganito ang sabi ng Panginoon, Maririnig pa uli (KY)sa dakong ito, na inyong sinasabi, Sira, na walang tao at walang hayop, sa mga bayan ng Juda, at sa mga lansangan ng Jerusalem, na sira, na walang tao at walang mananahan, at walang hayop.
11 Ang tinig ng kagalakan (KZ)at ang tinig ng kasayahan, ang tinig ng kasintahang lalake at ang tinig ng kasintahang babae, ang tinig nilang nangagsasabi, (LA)Kayo'y mangagpasalamat sa Panginoon ng mga hukbo, sapagka't ang Panginoon ay mabuti, sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan pa man; at ng nangagdadala ng hain ng pagpapasalamat sa bahay ng Panginoon. Sapagka't aking ibabalik ang nangabihag sa lupain gaya ng una, sabi ng Panginoon.
12 Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Magkakaroon pa uli (LB)sa dakong ito, na sira, na walang tao at walang hayop, at sa lahat ng bayan nito, ng tahanan ng mga pastor na nagpapahiga ng kanilang kawan.
13 Sa mga bayan ng maburol na lupain, sa mga bayan ng mababang lupain, at sa mga bayan ng Timugan, at sa lupain ng Benjamin, at sa mga dako na palibot ng Jerusalem, at sa mga bayan ng Juda, magdaraan uli ang mga kawan (LC)sa mga kamay ng bibilang sa kanila, sabi ng Panginoon.
14 Narito, ang mga araw ay dumarating, (LD)sabi ng Panginoon, na aking isasagawa ang mabuting salita na aking sinalita tungkol sa sangbahayan ni Israel, at tungkol sa sangbahayan ni Juda.
15 Sa mga araw na yaon, at sa panahong yaon, aking pasusuplingin kay David ang isang Sanga ng katuwiran; at siya'y magsasagawa ng kahatulan at katuwiran sa lupain.
16 Sa mga araw na yaon ay maliligtas ang Juda, at ang Jerusalem ay tatahang tiwasay; at ito ang pangalan na itatawag sa kaniya: Ang Panginoon ay ating katuwiran.
17 Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon, Si David ay hindi kukulangin kailan man (LE)ng lalake na mauupo sa luklukan ng bahay ng Israel;
18 Ni hindi kukulangin (LF)ang mga saserdote na mga Levita ng lalake sa harap ko na (LG)maghahandog ng mga handog na susunugin, at upang magsunog ng mga alay, at upang maghaing palagi.
19 At ang salita ng Panginoon ay dumating kay Jeremias, na nagsasabi,
20 Ganito ang sabi ng Panginoon, (LH)Kung inyong masisira ang aking tipan sa araw, at ang aking tipan sa gabi, na anopa't hindi magkakaroon ng araw at ng gabi sa kanilang kapanahunan;
21 Ang akin ngang tipan ay masisira kay David na aking lingkod, na siya'y hindi magkakaroon ng anak upang maghari sa kaniyang luklukan; at sa mga Levita na mga saserdote na aking mga tagapangasiwa.
22 Kung paanong ang lahat na natatanaw sa langit ay hindi (LI)mabibilang, o matatakal man ang buhangin sa dagat; gayon ko pararamihin ang binhi ni David na aking lingkod, at ang mga Levita na nagsisipangasiwa sa akin.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978