Bible in 90 Days
Nagsisi si Job ng kaniyang kasalanan.
42 Nang magkagayo'y sumagot si Job sa Panginoon, at nagsabi,
2 (A)Nalalaman ko na magagawa mo ang lahat ng mga bagay,
At wala kang akala na mapipigil.
3 (B)Sino itong nagkukubli ng payo na walang kaalaman?
Kaya't aking sinambit na hindi ko nauuunawa,
(C)Mga bagay na totoong kagilagilalas sa akin na hindi ko nalalaman.
4 Dinggin mo, isinasamo ko sa iyo, at ako'y magsasalita;
Ako'y magtatanong sa iyo, at magpahayag ka sa akin.
5 Narinig kita sa pakikinig ng pakinig;
Nguni't ngayo'y nakikita ka ng aking mata,
6 Kaya't ako'y (D)nayayamot sa sarili, at nagsisisi ako
Sa alabok at mga abo.
Nagalab ang poot ng Panginoon sa tatlong kaibigan ni Job.
7 At nangyari, na pagkatapos na masalita ng Panginoon ang mga salitang ito kay Job, sinabi ng Panginoon kay (E)Eliphaz na Temanita, Ang aking poot ay nagaalab laban sa iyo, at laban sa iyong dalawang kaibigan: sapagka't hindi kayo nangagsalita tungkol sa akin ng bagay na matuwid, na gaya ng ginawa ng aking lingkod na si Job.
8 Kaya't magsikuha kayo sa inyo ngayon ng (F)pitong guyang baka, at pitong lalaking tupa, at magsiparoon kayo sa aking lingkod na kay Job, at ihandog ninyo sa ganang inyo na pinakahandog na susunugin: at (G)idadalangin kayo ng aking lingkod na si Job: sapagka't siya'y aking tatanggapin, baka kayo'y aking gawan ng ayon sa inyong kamangmangan; sapagka't hindi kayo nangagsasalita tungkol sa akin ng bagay na matuwid, na gaya ng aking lingkod na si Job.
9 Sa gayo'y nagsiyaon si Eliphaz na Temanita, at si Bildad na Suhita, at si Sophar na Naamatita, at ginawa ang ayon sa iniutos sa kanila ng Panginoon: at nilingap ng Panginoon si Job.
10 (H)At inalis ng Panginoon ang pagkabihag ni Job, nang kaniyang idalangin ang kaniyang mga kaibigan; at binigyan ng Panginoon si Job (I)na makalawa ang higit ng dami kay sa tinatangkilik niya ng dati.
11 Nang magkagayo'y nagsiparoon sa kaniya ang lahat (J)niyang mga kapatid na lalake at babae, at lahat na naging kakilala niya ng una, at nagsikain ng tinapay na kasalo niya sa kaniyang bahay; at nakipagdamdam sa kaniya, at inaliw siya tungkol sa lahat na kasamaan na pinasapit sa kaniya ng Panginoon: bawa't tao nama'y nagbigay sa kaniya ng isang putol na salapi, at bawa't isa'y ng isang singsing na ginto.
12 Sa gayo'y pinagpala ng Panginoon, (K)ang huling wakas ni Job na higit kay sa kaniyang pasimula: at siya'y (L)nagkaroon ng labing apat na libong tupa, at anim na libong kamelyo, at isang libong tuwang na baka, at isang libong asnong babae.
13 (M)Siya nama'y nagkaroon din ng pitong anak na lalake at tatlong anak na babae.
14 At tinawag niya ang pangalan ng una na Jemima; at ang pangalan ng ikalawa, Cesiah, at ang pangalan ng ikatlo, Keren-hapuch.
15 At sa buong lupain ay walang mga babaing masumpungan na totoong maganda na gaya ng mga anak na babae ni Job: (N)at binigyan sila ng kanilang ama ng mana sa kasamahan ng kanilang mga kapatid.
16 At pagkatapos nito'y nabuhay si Job na isang daan at apat na pung taon, at nakita niya ang kaniyang mga anak, at ang mga anak ng kaniyang mga anak, hanggang sa apat na saling lahi.
17 Gayon namatay si Job, na matanda at puspos ng mga kaarawan.
UNANG AKLAT
Ang matuwid at ang masama ay pinagparis.
1 Mapalad ang tao na hindi lumalakad sa payo ng masama,
Ni tumatayo man sa daan ng mga makasalanan,
Ni nauupo man sa (O)upuan ng mga (P)manglilibak.
2 Kundi ang kaniyang kasayahan ay nasa kautusan ng Panginoon;
At (Q)sa kautusan niya nagbubulaybulay siya araw at gabi.
3 At siya'y magiging (R)parang punong kahoy na itinanim sa siping ng mga agos ng tubig,
Na nagbubunga sa kaniyang kapanahunan,
Ang kaniyang dahon nama'y hindi malalanta;
At anomang kaniyang gawin ay (S)giginhawa.
4 Ang masama ay hindi gayon; Kundi (T)parang ipa na itinataboy ng hangin.
5 Kaya't ang masama ay hindi (U)tatayo sa paghatol,
Ni ang mga makasalanan man sa kapisanan ng mga matuwid.
6 Sapagka't nalalaman ng (V)Panginoon ang lakad ng mga matuwid:
Nguni't ang lakad ng masama ay mapapahamak.
Ang paghahari ng pinahiran ng Panginoon.
2 Bakit ang mga bansa ay (W)nangagugulo,
At ang mga bayan ay nangagaakala ng walang kabuluhang bagay?
2 Ang mga hari sa lupa ay nagsisihanda,
At ang mga pinuno ay nagsasanggunian,
Laban sa Panginoon at laban sa (X)kaniyang pinahiran ng langis, na sinasabi:
3 (Y)Lagutin natin ang kanilang tali,
At ating iwaksi ang kanilang mga panali sa atin.
4 Siyang nauupo sa kalangitan ay (Z)tatawa:
Ilalagay sila ng Panginoon sa kakutyaan.
5 Kung magkagayo'y magsasalita siya sa kanila sa kaniyang poot,
At babagabagin sila sa kaniyang malabis na sama ng loob:
6 Gayon ma'y inilagay ko ang aking hari
Sa aking banal na bundok ng Sion.
7 Aking sasaysayin ang tungkol sa pasiya:
Sinabi ng Panginoon sa akin, (AA)Ikaw ay aking anak;
Sa araw na ito ay ipinanganak kita.
8 Humingi ka sa akin, at ibibigay ko (AB)sa iyo ang mga bansa na iyong pinakamana,
At ang mga pinakadulong bahagi ng lupa ay iyong pinakaari.
9 (AC)Sila'y iyong babaliin ng isang pamalong bakal;
Iyong dudurugin sila na parang (AD)isang sisidlan ng magpapalyok.
10 Ngayon nga'y magpakapantas kayo, Oh kayong mga hari:
Mangatuto kayo, kayong mga hukom sa lupa.
11 (AE)Kayo'y mangaglingkod sa Panginoon na may takot,
At mangagalak na (AF)may panginginig.
12 Hagkan ninyo ang anak, baka magalit siya, at kayo'y mangapahamak sa daan,
Sapagka't ang kaniyang poot ay madaling magalab.
(AG)Mapapalad ang nanganganlong sa kaniya.
Panalangin sa umaga ng pagtitiwala sa Panginoon. (AH)Awit ni David nang siya'y tumakas kay Absalom na kaniyang anak.
3 Panginoon, (AI)ano't ang aking mga kaaway ay nagsisidami!
Marami sila na nagsisibangon laban sa akin.
2 Marami ang nagsasabi sa aking kaluluwa:
(AJ)Walang tulong sa kaniya ang Dios. (Selah)
3 Nguni't ikaw, Oh Panginoon (AK)ay isang kalasag sa palibot ko:
Aking kaluwalhatian; at (AL)siyang tagapagtaas ng aking ulo.
4 Ako'y dumadaing ng aking tinig sa Panginoon,
At sinasagot (AM)niya ako mula sa (AN)kaniyang banal na bundok. (Selah)
5 Ako'y (AO)nahiga, at natulog;
Ako'y nagising; sapagka't inaalalayan ako ng Panginoon.
6 (AP)Ako'y hindi matatakot sa sangpung libo ng bayan,
Na nagsihanda laban sa akin sa buong palibot.
7 Bumangon ka, Oh Panginoon; iligtas mo ako, Oh aking Dios:
Sapagka't iyong sinampal ang lahat ng aking mga kaaway;
Iyong binungal ang mga ngipin ng masasama.
8 Pagliligtas ay ukol (AQ)sa Panginoon:
Sumaiyong bayan nawa ang iyong pagpapala. (Selah)
Panalangin sa hapon sa pagtitiwala sa Panginoon. Sa (AR)Pangulong manunugtog; sa mga panugtog na kawad. Awit ni David.
4 Sagutin mo ako, pagka tumatawag ako, Oh Dios ng aking katuwiran;
Inilagay mo ako sa kaluwagan, nang ako'y nasa kagipitan:
Maawa ka sa akin, at dinggin mo ang aking dalangin.
2 Oh kayong mga anak ng tao, hanggang kailan magiging kasiraang puri ang aking kaluwalhatian?
Gaano katagal iibigin ninyo ang walang kabuluhan, at hahanap sa kabulaanan? (Selah)
3 Nguni't talastasin ninyo na ibinukod ng Panginoon sa ganang kaniyang sarili ang banal:
Didinggin ng Panginoon pagka ako'y tumawag sa kaniya.
4 (AS)Kayo'y magsipanginig, at huwag mangagkasala:
(AT)Mangagbulaybulay kayo ng inyong puso sa inyong higaan, at kayo'y magsitahimik.
5 (AU)Mangaghandog kayo ng mga hain ng katuwiran,
At ilagak ninyo ang inyong tiwala sa Panginoon.
6 Marami ang mangagsasabi, Sinong magpapakita sa amin ng mabuti?
(AV)Panginoon, pasilangin mo ang liwanag ng iyong mukha sa amin.
7 Ikaw ay naglagay ng (AW)kasayahan sa aking puso,
Ng higit kay sa kanilang tinatangkilik nang ang kanilang butil, at kanilang alak ay magsidami.
8 (AX)Payapa akong hihiga at gayon din matutulog:
Sapagka't ikaw, Panginoon, pinatatahan mo akong mag-isa sa katiwasayan.
Panalangin upang ipag-adya sa masama. Sa Pangulong manunugtog; pati ng Nehiloth. Awit ni David.
5 Pakinggan mo ang aking mga salita, Oh Panginoon,
Pakundanganan mo ang aking pagbubulaybulay.
2 Dinggin mo ang tinig ng aking daing, (AY)Hari ko, at Dios ko;
Sapagka't (AZ)sa Iyo'y dumadalangin ako.
3 Oh Panginoon, (BA)sa kinaumagaha'y didinggin mo ang aking tinig;
Sa kinaumagahan ay aayusin ko ang aking dalangin sa iyo, at magbabantay ako.
4 Sapagka't ikaw ay di isang Dios na may kaluguran sa kasamaan:
Ang masama ay hindi tatahang kasama mo.
5 Ang hambog ay hindi tatayo sa iyong paningin:
Iyong kinapopootan ang lahat na mga manggagawa ng kalikuan.
6 Iyong lilipulin sila na nangagsasalita ng mga (BB)kabulaanan:
(BC)Kinayayamutan ng Panginoon ang taong mabangis at magdaraya,
7 Nguni't sa ganang akin, sa kasaganaan ng iyong kagandahang-loob ay papasok ako sa iyong bahay;
(BD)Sa takot sa iyo ay sasamba ako sa dako ng iyong banal na templo.
8 (BE)Patnubayan mo ako, Oh Panginoon, sa iyong katuwiran dahil sa aking mga kaaway;
Patagin mo ang iyong daan sa harapan ko.
9 Sapagka't walang pagtatapat sa kanilang bibig;
Ang kanilang kalooban ay tunay na kasamaan;
Ang kanilang lalamunan ay bukas na (BF)libingan;
Sila'y nanganunuya ng kanilang dila.
10 Bigyan mong sala sila, Oh Dios;
Ibuwal mo sila sa kanilang sariling mga payo:
Palayasin mo sila sa karamihan ng kanilang mga pagsalangsang;
Sapagka't sila'y nanganghimagsik laban sa iyo,
11 Nguni't iyong pagalakin ang lahat na nagsisipagkanlong sa iyo,
Pahiyawin mo nawa sila sa kagalakan magpakailan man, sapagka't iyong ipinagsasanggalang sila:
Mangagalak nawa rin sa iyo ang nagsisiibig ng iyong pangalan.
12 Sapagka't iyong pagpapalain ang matuwid;
Oh Panginoon, lilibirin mo siya ng paglingap (BG)na gaya ng isang kalasag.
Panalangin sa paghingi ng tulong sa panahon ng bagabag. Sa Pangulong manunugtog; sa mga panugtog na kawad, itinugma sa Seminoth. Awit ni David.
6 Oh Panginoon, (BH)huwag mo akong sawayin sa iyong galit,
(BI)Ni parusahan mo man ako sa iyong mahigpit na sama ng loob.
2 (BJ)Maawa ka sa akin, Oh Panginoon; sapagka't ako'y naluluoy, Oh Panginoon, pagalingin mo ako; sapagka't ang aking mga buto ay nagsisipangalog.
3 Ang akin ding kaluluwa ay nababagabag na mainam:
At ikaw, Oh Panginoon, (BK)hanggang kailan?
4 Bumalik ka, Oh Panginoon, palayain mo ang aking kaluluwa:
Iligtas mo ako alangalang sa iyong kagandahang-loob.
5 (BL)Sapagka't sa kamatayan ay walang alaala sa iyo;
Sa Sheol ay sinong mangagpapasalamat sa iyo?
6 Ako'y pagal ng aking pagdaing; Gabigabi ay aking pinalalangoy ang aking higaan;
Aking dinidilig ang aking hiligan ng aking mga luha.
7 (BM)Ang aking mga mata ay nangamumugto dahil sa kapanglawan;
Tumatanda ako dahil sa aking lahat na kaaway.
8 (BN)Magsilayo kayo sa akin, kayong lahat na manggagawa ng kasamaan:
Sapagka't narinig ng Panginoon ang tinig ng aking pagtangis.
9 Narinig ng Panginoon ang aking pananaing;
Tatanggapin ng Panginoon ang aking dalangin.
10 Lahat ng kaaway ko'y mapapahiya, at mababagabag na mainam:
Sila'y magsisibalik, sila'y mangapapahiyang kagyat.
Tinawagan ang Panginoon upang ipagtanggol ang mangaawit. Sigaion ni David na inawit niya sa Panginoon, ukol sa mga salita ni Cus na Benjamita.
7 Oh Panginoon kong Dios, (BO)sa iyo nanganganlong ako.
(BP)Iligtas mo ako sa lahat na nagsisihabol sa akin, at palayain mo ako:
2 Baka lurayin nila na gaya ng leon ang aking kaluluwa,
(BQ)Na lurayin ito, habang walang magligtas.
3 Oh Panginoon kong Dios, (BR)kung ginawa ko ito;
Kung may kasamaan (BS)sa aking mga kamay;
4 Kung ako'y gumanti ng kasamaan sa kaniya na may kapayapaan sa akin;
(Oo, (BT)aking pinawalan siya, na walang anomang kadahilanan ay naging aking kaaway:)
5 Habulin ng kaaway ang aking kaluluwa, at abutan;
Oo, yapakan niya ang aking kaluluwa sa lupa,
At ilagay ang aking kaluwalhatian sa alabok. (Selah)
6 Ikaw ay bumangon, Oh Panginoon, sa iyong galit,
(BU)Magpakataas ka laban sa poot ng aking mga kaaway;
At (BV)gumising ka dahil sa akin; ikaw ay nagutos ng kahatulan.
7 At ligirin ka ng kapisanan ng mga bayan sa palibot:
At sila'y pihitan mong nasa mataas ka.
8 Ang panginoo'y nangangasiwa ng kahatulan sa mga bayan:
(BW)Iyong hatulan ako, Oh Panginoon, ayon sa aking katuwiran, at sa aking pagtatapat na nasa akin.
9 Oh wakasan ang kasamaan ng masama, ngunit itatag mo ang matuwid;
(BX)Sapagka't sinubok ng matuwid na Dios (BY)ang mga pagiisip at ang mga puso.
10 Ang aking kalasag ay sa Dios.
Na nagliligtas ng matuwid sa puso.
11 Ang Dios ay matuwid na hukom,
Oo, Dios na may galit araw-araw.
12 Kung ang tao ay hindi magbalik-loob, kaniyang (BZ)ihahasa ang kaniyang tabak;
Kaniyang iniakma ang kaniyang busog, at inihanda.
13 Inihanda rin naman niya ang mga kasangkapan ng kamatayan;
Kaniyang pinapagniningas ang kaniyang mga pana.
14 (CA)Narito, siya'y nagdaramdam ng kasamaan;
Oo, siya'y naglihi ng kasamaan, at nanganak ng kabulaanan.
15 Siya'y gumawa ng balon, at hinukay,
(CB)At nahulog sa hukay na kaniyang ginawa.
16 (CC)Ang kaniyang gawang masama ay magbabalik sa kaniyang sariling ulo,
At ang kaniyang pangdadahas ay babagsak sa kaniyang sariling bunbunan.
17 Ako'y magpapasalamat sa Panginoon, ayon sa kaniyang katuwiran:
At aawit ng pagpupuri sa pangalan ng Panginoon na Kataastaasan.
Ang kaluwalhatian ng Panginoon at ang karangalan ng tao. Sa Pangulong Manunugtog; itinugma sa Gittith. Awit ni David.
8 Oh Panginoon, aming Panginoon,
(CD)Pagkarilag ng iyong pangalan sa buong lupa!
(CE)Na siyang naglagay ng inyong kaluwalhatian sa mga langit.
2 (CF)Mula sa bibig ng mga sanggol at ng mga sumususo ay iyong itinatag ang kalakasan,
Dahil sa iyong mga kaaway,
Upang iyong patahimikin ang kaaway at ang manghihiganti.
3 (CG)Pagka binubulay ko ang iyong mga langit, ang gawa ng iyong mga daliri,
Ang buwan at ang mga bituin na iyong inayos;
4 (CH)Ano ang tao upang iyong alalahanin siya?
At ang anak ng tao, upang iyong dalawin siya?
5 Sapagka't iyong ginawa siyang kaunting mababa lamang kay sa Dios,
At pinaputungan mo siya ng kaluwalhatian at karangalan.
6 (CI)Iyong pinapagtataglay siya ng kapangyarihan sa mga gawa ng iyong mga kamay;
(CJ)Iyong inilagay ang lahat ng mga bagay sa ilalim ng kaniyang mga paa:
7 Lahat na tupa at baka,
Oo, at ang mga hayop sa parang;
8 Ang mga ibon sa himpapawid, at ang mga isda sa dagat,
Anomang nagdaraan sa mga kalaliman ng mga dagat.
9 (CK)Oh Panginoon, aming Panginoon,
Pagkarilag ng iyong pangalan sa buong lupa!
Awit ng pagpapasalamat sa katarungan ng Panginoon. Sa Pangulong Manunugtog; itinugma sa Muth-labben. Awit ni David.
9 Ako'y magpapasalamat sa Panginoon ng aking buong puso;
Aking ipakikilala ang lahat na iyong kagilagilalas na mga gawa.
2 Ako'y magpapakasaya at (CL)magpapakagalak sa iyo:
Ako'y aawit ng pagpuri sa (CM)iyong pangalan, Oh ikaw na kataastaasan.
3 Pagka ang aking mga kaaway ay magsisibalik,
Sila'y matitisod at malilipol sa iyong harapan.
4 Sapagka't iyong inalalayan ang aking matuwid at ang aking usap;
Ikaw ay nauupo sa luklukan na humahatol na may katuwiran.
5 Iyong sinaway ang mga bansa, iyong nilipol ang masama,
(CN)Iyong pinawi ang kanilang pangalan magpakailan man.
6 Ang kaaway ay dumating sa wakas, sila'y lipol magpakailan man;
At ang mga siyudad na iyong dinaig,
Ang tanging alaala sa kanila ay napawi.
7 Nguni't ang (CO)Panginoon ay nauupong hari magpakailan man:
Inihanda niya ang kaniyang luklukan para sa kahatulan.
8 At (CP)hahatulan niya sa katuwiran ang sanglibutan,
Siya'y mangangasiwa ng karampatang kahatulan sa mga tao.
9 Ang Panginoon naman ay magiging matayog na moog sa napipighati,
Matayog na moog sa mga panahon ng kabagabagan;
10 At silang nangakakaalam ng iyong pangalan ay (CQ)maglalagak ng kanilang tiwala sa iyo;
Sapagka't ikaw, Panginoon, ay hindi mo pinabayaan sila na nagsisihanap sa iyo.
11 Magsiawit kayo ng mga pagpuri sa Panginoon, na nagsisitahan sa Sion:
(CR)Ipahayag ninyo sa gitna ng bayan ang kaniyang mga gawa.
12 Sapagka't siyang (CS)nagsisiyasat ng dugo ay umaalaala sa kanila:
Hindi niya kinalilimutan ang daing ng dukha.
13 Maawa ka sa akin, Oh Panginoon;
Masdan mo ang kadalamhatian na aking tinitiis sa kanila na mangagtatanim sa akin,
Ikaw na nagtataas sa akin mula sa mga (CT)pintuan ng kamatayan;
14 Upang aking maipakilala ang iyong buong kapurihan:
Sa mga pintuang-bayan ng anak na babae ng Sion,
(CU)Ako'y magagalak sa iyong pagliligtas.
15 Ang mga bansa ay (CV)nangahulog sa balon na kanilang ginawa:
Sa silo na kanilang ikinubli ay kanilang sariling paa ang nahuli.
16 Ang Panginoon (CW)ay napakilala, siya'y naglapat ng kahatulan:
Ang masama ay nasilo sa mga gawa ng kaniyang sariling mga kamay. (Higgaion. Selah)
17 Ang masama ay mauuwi sa Sheol,
Pati ng lahat ng mga bansa na (CX)nagsisilimot sa Dios.
18 Sapagka't ang mapagkailangan ay hindi laging malilimutan,
(CY)Ni ang pagasa (CZ)ng dukha ay mapapawi magpakailan man.
19 Bumangon ka, Oh Panginoon; huwag manaig ang tao:
Mahatulan ang mga bansa sa iyong paningin.
20 Ilagay mo sila sa katakutan Oh, Panginoon:
Ipakilala mo sa mga bansa na sila'y mga tao lamang. (Selah)
Panalangin upang mabuwal ang masama.
10 Bakit ka tumatayong malayo, Oh Panginoon?
Bakit ka nagtatago sa mga panahon ng kabagabagan?
2 Sa kapalaluan ng masama ang dukha ay hinahabol na mainam;
(DA)Mahuli nawa sila sa mga lalang na kanilang inakala.
3 Sapagka't ang masama ay nagmamalaki sa nais ng kaniyang puso,
At ang mapagimbot ay nagtatakuwil, oo, nagwawalang kabuluhan sa Panginoon.
4 Ang masama, sa kapalaluan ng kaniyang mukha, ay nagsasabi, Hindi niya sisiyasatin.
Lahat niyang pagiisip ay, (DB)Walang Dios.
5 Ang kaniyang mga lakad ay panatag sa lahat ng panahon;
(DC)Ang iyong mga kahatulan ay malayong totoo sa kaniyang paningin:
Tungkol sa lahat niyang mga kaaway, tinutuya niya sila.
6 Sinasabi niya sa kaniyang puso, (DD)Hindi ako makikilos:
Sa lahat ng sali't saling lahi ay hindi ako malalagay sa karalitaan.
7 (DE)Ang kaniyang bibig ay puno ng panunungayaw, at pagdaraya, at pang-aapi:
Sa ilalim ng kaniyang dila ay kalikuan at kasamaan.
8 Siya'y nauupo sa mga pinakasulok na dako ng mga nayon:
(DF)Sa mga kubling dako ay pinapatay niya ang walang sala;
Ang kaniyang mga mata ay natititig laban sa walang nagkakandili.
9 (DG)Siya'y bumabakay sa kubli, na parang leon sa kaniyang lungga:
Siya'y nagaabang upang hulihin ang dukha:
Hinuhuli niya ang dukha, pagka kaniyang dinadala siya sa silo niya.
10 Siya'y naninibasib, siya'y nagpapakaliit,
At ang mga walang nagkakandili ay nangahuhulog sa kaniyang mga malakas.
11 Sinasabi niya sa kaniyang puso: Ang Dios ay nakalimot:
(DH)Kaniyang ikinukubli ang kaniyang mukha, hindi na niya makikita kailan man.
12 Bumangon ka, Oh Panginoon, Oh Dios, (DI)itaas mo ang iyong kamay:
Huwag mong kalimutan ang dukha.
13 Bakit sinusumpa ng masama ang Dios,
At nagsasabi sa kaniyang puso: Hindi mo (DJ)sisiyasatin?
14 Iyong nakita; sapagka't iyong minamasdan ang pahirap at pangduduwahagi upang mapasa iyong kamay:
Ang walang nagkakandili ay napakukupkop (DK)sa iyo; (DL)Ikaw ay naging tagakandili sa ulila.
15 (DM)Baliin mo ang bisig ng masama:
At tungkol sa masamang tao, pag-usigin mo ang kaniyang kasamaan hanggang sa wala ka nang masumpungan.
16 Ang Panginoon ay (DN)Hari magpakailan-kailan man.
Ang mga bansa ay nalilipol sa kaniyang lupain.
17 Panginoon, iyong narinig ang nasa ng mga maamo:
Iyong ihahanda ang kanilang puso, iyong pakikinggan ng iyong pakinig:
18 Upang (DO)hatulan ang ulila at ang napipighati,
Upang huwag nang makapangilabot ang tao na taga lupa.
Ang Panginoon ay kanlungan. Sa Pangulong manunugtog. Awit ni David.
11 Sa Panginoon ay (DP)nanganganlong ako:
(DQ)Ano't inyong sinasabi sa aking kaluluwa,
Tumakas ka na gaya ng isang ibon sa iyong bundok?
2 Sapagka't, (DR)narito, binalantok ng masama ang busog,
Kanilang inihahanda ang kanilang palaso sa bagting, Upang kanilang mapahilagpusan sa kadiliman ang matuwid sa puso,
3 (DS)Kung ang mga patibayan ay masira,
Anong magagawa ng matuwid?
4 (DT)Ang panginoon ay nasa kaniyang banal na templo,
Ang Panginoon, ang kaniyang luklukan ay nasa langit;
Ang kaniyang mga mata ay nagmamalas, ang kaniyang mga talukap-mata ay nagmamasid, sa mga anak ng mga tao.
5 (DU)Sinusubok ng Panginoon ang matuwid;
Nguni't ang masama at ang umiibig ng pangdadahas ay kinapopootan ng kaniyang kaluluwa.
6 (DV)Sa masama ay magpapaulan siya ng mga silo;
Apoy at azufre at nagaalab na hangin ay (DW)magiging bahagi ng kanilang saro.
7 Sapagka't ang Panginoon ay matuwid; (DX)minamahal niya ang katuwiran:
(DY)Mamasdan ng matuwid ang kaniyang mukha.
Ang Panginoon ay tulong laban sa masama. Sa Pangulong manunugtog; itinugma sa Seminith. Awit ni David.
12 Tumulong ka, Panginoon, sapagka't ang banal na tao ay (DZ)nalilipol;
Sapagka't nagkukulang ng tapat sa gitna ng mga anak ng mga tao.
2 Sila'y nangagsasalitaan bawa't isa ng kabulaanan, sa kanikaniyang kapuwa:
(EA)Na may mapanuyang labi, at may giring pulang puso na nangagsasalita.
3 Ihihiwalay ng Panginoon, ang lahat na mapanuyang labi,
Ang dila na nagsasalita ng mga dakilang bagay:
4 Na nagsipagsabi, Sa pamamagitan ng aming dila ay magsisipanaig kami;
Ang aming mga labi ay aming sarili: sino ang panginoon sa amin?
5 Dahil sa pagsamsam sa dukha, dahil sa buntong hininga ng mapagkailangan,
(EB)Titindig nga ako, sabi ng Panginoon;
Ilalagay ko siya sa kaligtasang kaniyang pinagmimithian.
6 (EC)Ang mga salita ng Panginoon ay mga dalisay na salita;
Na gaya ng pilak na sinubok sa hurno sa lupa,
Na makapitong dinalisay.
7 Iyong iingatan sila, Oh Panginoon,
Iyong pakaingatan sila mula sa lahing ito magpakailan man.
8 Ang masama ay naggala saa't saan man.
Pagka ang kapariwaraan ay natataas sa gitna ng mga anak ng mga tao.
Panalangin ng pagdaing sa panahon ng bagabag. Sa Pangulong Manunugtog. Awit ni David.
13 Hanggang kailan, Oh Panginoon? iyong kalilimutan ako magpakailan man?
(ED)Hanggang kailan ikukubli mo ang iyong mukha sa akin?
2 Hanggang kailan kukuhang payo ako sa aking kaluluwa,
Na may kalumbayan sa aking puso buong araw?
Hanggang kailan magpapakataan ang aking kaaway sa akin?
3 Iyong bulayin, at sagutin mo ako, Oh Panginoon kong Dios:
(EE)Liwanagan mo ang aking mga mata, baka ako'y matulog ng tulog na kamatayan;
4 (EF)Baka sabihin ng aking kaaway,
Ako'y nanaig laban sa kaniya;
Baka ang aking mga kaaway ay mangagalak (EG)pagka ako'y nakilos.
5 Nguni't ako'y tumiwala sa iyong kagandahang-loob.
Magagalak ang aking puso sa iyong pagliligtas:
6 Ako'y aawit sa Panginoon,
(EH)Sapagka't ginawan niya ako ng sagana.
Ang kamangmangan at kasamaan ng tao. Sa Pangulong Manunugtog. Awit ni David.
14 (EI)Ang (EJ)mangmang ay nagsabi sa kaniyang puso, Walang Dios:
(EK)Sila'y nangapapahamak, sila'y nagsigawa ng kasuklamsuklam na mga gawa;
Walang gumagawa ng mabuti,
2 Tinutunghan ng Panginoon ang mga anak ng mga tao mula sa langit,
(EL)Upang tingnan, kung may sinomang nakakaunawa,
Na hinahanap ng Dios.
3 Silang lahat ay nagsihiwalay; sila'y magkakasama na naging kahalayhalay;
Walang gumagawa ng mabuti, wala, wala kahit isa.
4 (EM)Wala bang kaalaman ang lahat na manggagawa ng kasamaan?
(EN)Na siyang nagsisikain sa aking bayan na tila nagsisikain ng tinapay,
(EO)At hindi nagsisitawag sa Panginoon.
5 Doo'y nangapasa malaking katakutan sila:
Sapagka't ang Dios ay nasa lahi ng matuwid.
6 Inyong inilalagay sa kahihiyan ang payo ng dukha,
Sapagka't ang Panginoon ang kaniyang (EP)kanlungan.
7 Oh kung ang kaligtasan ng Israel ay nanggagaling (EQ)sa Sion!
Kung (ER)ibabalik ng Panginoon ang nangabihag ng kaniyang bayan,
Magagalak nga ang Jacob, at masasayahan ang Israel.
Ang mamamayan sa banal na Bundok. Awit ni David.
15 Panginoon, sinong makapanunuluyan sa iyong tabernakulo?
(ES)Sinong tatahan sa iyong banal na (ET)bundok?
2 Siyang lumalakad na matuwid, at gumagawa ng katuwiran,
At (EU)nagsasalita ng katotohanan sa kaniyang puso.
3 (EV)Siyang hindi naninirang puri ng kaniyang dila,
Ni gumagawa man ng kasamaan sa kaniyang kaibigan,
Ni dumudusta man sa kaniyang kapuwa.
4 Na sa mga mata niya ay nasisiphayo ang masama;
Kundi siyang nagbibigay puri sa mga natatakot sa Panginoon,
(EW)Siyang sumusumpa sa kaniyang sariling ikasasama at hindi nagbabago,
5 (EX)Siyang hindi naglalabas ng kaniyang salapi sa patubo, (EY)Ni kumukuha man ng suhol laban sa walang sala.
Siyang gumagawa ng mga bagay na ito ay hindi makikilos kailan man.
Ang Panginoon ay bahagi ng buhay ng mangaawit at tagapagligtas sa kamatayan. Awit ni David.
16 Ingatan mo ako, Oh Dios; sapagka't sa iyo nanganganlong ako.
2 Oh kaluluwa ko, iyong sinabi sa Panginoon, Ikaw ay aking Panginoon:
Ako'y walang kabutihan liban sa iyo.
3 Tungkol sa mga banal na nangasa lupa,
Sila ang maririlag na mga kinalulugdan kong lubos.
4 Ang mga kalumbayan nila ay dadami, na nangaghahandog sa ibang dios:
Ang kanilang inuming handog na dugo ay hindi ko ihahandog,
Ni sasambitin man ang kanilang mga pangalan (EZ)sa aking mga labi.
5 (FA)Ang Panginoon ay siyang bahagi ng aking mana at ng (FB)aking saro:
Iyong inaalalayan ang aking kapalaran.
6 Ang pising panukat ay nangahulog sa akin sa mga maligayang dako;
Oo, ako'y may mainam na mana.
7 Aking pupurihin ang Panginoon na nagbibigay sa akin ng payo:
(FC)Oo, tinuturuan ako sa gabi ng (FD)aking puso.
8 (FE)Aking inilagay na lagi ang Panginoon sa harap ko:
Sapagka't kung siya ay (FF)nasa aking kanan, hindi ako makikilos.
9 Kaya't ang aking puso ay masaya, at ang aking kaluwalhatian ay nagagalak:
Ang akin namang katawan ay tatahang tiwasay.
10 (FG)Sapagka't hindi mo iiwan ang aking kaluluwa sa (FH)Sheol;
Ni hindi mo man titiisin ang iyong (FI)banal ay makakita ng kabulukan.
11 Iyong ituturo sa akin (FJ)ang landas ng buhay:
Nasa iyong harapan (FK)ang kapuspusan ng kagalakan;
Sa iyong kanan ay may mga (FL)kasayahan magpakailan man.
Panalangin laban sa mga manlulupig. Panalangin ni David.
17 Dinggin mo ang matuwid, Oh Panginoon, pakinggan mo ang aking daing;
Ulinigin mo ang aking panalangin, na hindi lumalabas sa mga magdarayang labi.
2 Manggaling sa iyong harapan ang aking kahatulan;
Masdan ng iyong mga mata (FM)ang karampatan.
3 Iyong sinubok ang aking puso; (FN)iyong dinalaw ako sa kinagabihan;
(FO)Iyong nilitis ako, at wala kang nasumpungan;
Ako'y nagpasiya na ang aking bibig ay hindi sasalangsang.
4 Tungkol sa mga gawa ng mga tao, sa pamamagitan ng salita ng iyong mga labi.
Ako'y nagingat sa mga daan ng pangdadahas.
5 Ang aking mga hakbang ay (FP)nagsipanatili sa iyong mga landas,
Ang aking mga paa ay hindi nangadulas.
6 (FQ)Ako'y tumawag sa iyo, sapagka't ikaw ay sasagot sa akin, Oh Dios:
Ikiling mo ang iyong pakinig sa akin, at dinggin mo ang aking pananalita.
7 (FR)Ipakita mo ang iyong mga kagilagilalas na kagandahang-loob,
Oh ikaw na nagliligtas sa kanila na nagsisipagkanlong sa iyo.
Sa nagsisibangon laban sa kanila, sa pamamagitan ng iyong kanan.
8 (FS)Ingatan mo ako na gaya ng itim ng mata,
(FT)Ikubli mo ako sa lilim ng iyong mga pakpak,
9 Sa masama na sumasamsam sa akin,
Sa aking mga kaaway na nagsisipatay, na nagsisikubkub sa akin.
10 (FU)Sila'y nangabalot sa kanilang sariling taba:
Sila'y nangagsasalita ng kanilang bibig na (FV)may kapalaluan.
11 (FW)Kanilang kinubkob nga kami sa aming mga hakbang:
Itinititig nila ang kanilang mga mata upang ibuwal kami sa lupa.
12 Sila'y parang leon na masiba sa kaniyang huli,
At parang batang leon na nanunubok sa mga lihim na dako.
13 Bumangon ka, Oh Panginoon,
Harapin mo siya, ilugmok mo siya:
Iligtas mo ang aking kaluluwa sa masama sa pamamagitan ng iyong tabak;
14 Sa mga tao, sa pamamagitan ng iyong kamay, Oh Panginoon,
Sa mga tao ng sanglibutan, (FX)na ang bahagi nila ay nasa buhay na ito,
At ang tiyan nila'y pinupuno mo ng iyong kayamanan:
Kanilang binubusog ang kanilang mga anak,
At iniiwan nila ang natira sa kanilang pagaari sa kanilang sanggol.
15 (FY)Tungkol sa akin, aking mamasdan ang iyong mukha sa katuwiran:
(FZ)Ako'y masisiyahan (GA)pagka bumangon sa iyong wangis.
Ang Panginoon ay pinuri dahil sa pagbibigay ng tagumpay at kapangyarihan. Sa Pangulong Manunugtog. Awit (GB)ni David na lingkod ng Panginoon, na siyang nagsalita sa Panginoon ng mga salita ng awit na ito sa kaarawan na iniligtas siya ng (GC)Panginoon sa kamay ng lahat niyang kaaway, at sa kamay ni Saul; at kaniyang sinabi,
18 (GD)Iniibig kita, Oh Panginoon, na aking (GE)kalakasan.
2 Ang Panginoon ay aking (GF)malaking bato, at aking kuta, at aking tagapagligtas;
Aking Dios, aking malaking bato na sa kaniya'y manganganlong ako;
Aking kalasag, at siyang sungay ng aking kaligtasan, aking matayog na moog.
3 Ako'y tatawag sa Panginoon, na marapat na purihin:
Sa gayo'y maliligtas ako sa aking mga kaaway.
4 Pinamuluputan ako ng mga tali ng kamatayan,
At tinakot ako ng mga baha ng kasamaan.
5 Ang mga tali ng Sheol ay nasa buong palibot ko:
Ang mga silo ng kamatayan ay dumating sa akin.
6 Sa aking kapanglawan ay tumawag ako sa Panginoon,
At dumaing ako sa aking Dios:
Dininig niya ang aking tinig mula sa kaniyang templo,
At ang aking daing sa harap niya ay dumating sa loob ng kaniyang mga pakinig.
7 Nang magkagayo'y nauga at nayanig ang lupa,
Ang mga patibayan naman (GG)ng mga bundok ay nakilos,
At nauga, sapagka't siya'y napoot.
8 Napailanglang ang usok mula sa kaniyang mga butas ng ilong,
At (GH)apoy na mula sa kaniyang bibig ay sumupok:
Mga baga ay nangagalab sa pamamagitan niyaon.
9 Kaniya namang iniyuko ang mga langit, at ibinaba;
At salimuot na kadiliman ay nasa ilalim ng kaniyang mga paa.
10 At siya'y sumakay sa isang querubin, at lumipad:
(GI)Oo, siya'y lumipad na maliksi sa mga pakpak ng hangin.
11 Ginawa niya ang kadiliman na kaniyang kublihang dako, (GJ)ang kaniyang kulandong sa buong palibot niya;
Mga kadiliman ng tubig, masinsing mga alapaap sa langit.
12 Sa kakinangan sa harap niya ay dumaan ang kaniyang mga masinsing alapaap,
(GK)Mga granizo at mga bagang apoy.
13 Ang Panginoon naman ay kumulog sa mga langit,
(GL)At pinatunog ng Kataastaasan ang kaniyang tinig;
Mga granizo, at mga bagang apoy.
14 (GM)At kaniyang inihilagpos ang kaniyang mga pana, at pinapangalat sila;
Oo, mga kidlat na di masayod at ginulo sila.
15 (GN)Nang magkagayo'y nagsilitaw ang mga lagusan ng tubig,
At ang mga patibayan ng sanglibutan ay nangahubdan,
Sa iyong pagsaway, Oh Panginoon,
Sa hihip ng hinga ng iyong mga butas ng ilong.
16 Siya'y nagsugo mula sa itaas, kinuha niya ako;
Sinagip niya ako sa maraming tubig.
17 Iniligtas niya ako sa aking malakas na kaaway,
At sa mga nangagtatanim sa akin, sapagka't sila'y totoong makapangyarihan sa ganang akin.
18 Sila'y nagsidating sa akin sa kaarawan ng aking kasakunaan,
Nguni't ang Panginoon ay siyang aking gabay.
19 (GO)Inilabas naman niya ako sa maluwag na dako;
Iniligtas niya ako, sapagka't siya'y nalulugod sa akin.
20 (GP)Ginanting-pala ako ng Panginoon ayon sa aking katuwiran;
Ayon sa kalinisan ng aking mga kamay ay ginanting-pala niya ako.
21 Sapagka't aking iningatan ang mga daan ng Panginoon,
At hindi ako humiwalay ng masama sa aking Dios.
22 Sapagka't lahat niyang mga kahatulan ay nangasa harap ko,
At (GQ)hindi ko inihiwalay ang kaniyang mga palatuntunan sa akin.
23 Ako rin nama'y sakdal sa kaniya,
At ako'y nagingat ng aking sarili sa aking kasamaan.
24 (GR)Kaya't ginanting-pala ako ng Panginoon ayon sa aking katuwiran,
Ayon sa kalinisan ng aking mga kamay sa kaniyang paningin.
25 (GS)Sa mahabagin ay pakikilala kang mahabagin;
Sa sakdal na tao ay pakikilala kang sakdal;
26 Sa dalisay ay pakikilala kang dalisay;
At sa matigas na loob ay pakikilala kang (GT)mapagmatigas.
27 Sapagka't iyong ililigtas ang napipighating bayan:
Nguni't ang mga (GU)mapagmataas na mata ay iyong ibababa.
28 (GV)Sapagka't iyong papagniningasin ang aking ilawan;
Liliwanagan ng Panginoon kong Dios ang aking kadiliman.
29 Sapagka't sa pamamagitan mo ay dadaluhungin ko ang isang hukbo;
At sa pamamagitan ng aking Dios ay lulukso ako sa kuta.
30 Tungkol sa Dios ang kaniyang lakad ay sakdal:
(GW)Ang salita ng Panginoon ay subok;
Siya'y kalasag ng lahat na nanganganlong sa kaniya,
31 (GX)Sapagka't sino ang Dios, liban sa Panginoon?
At sino ang malaking bato maliban sa ating Dios?
32 Ang Dios na nagbibigkis sa akin ng kalakasan,
At nagpapasakdal sa aking lakad.
33 (GY)Kaniyang ginagawa ang aking mga paa na gaya ng mga paa ng mga usa:
At (GZ)inilalagay niya ako sa aking mga mataas na dako.
34 (HA)Kaniyang tinuturuan ang aking mga kamay na makipagdigma,
Na anopa't ang aking mga kamay ay bumabali ng busog na tanso.
35 Iyo namang ibinigay sa akin ang kalasag na iyong pangligtas:
At inalalayan ako ng iyong kanan,
At pinadakila ako ng iyong kahinahunan.
36 Iyong pinalaki ang aking mga hakbang sa ilalim ko,
At ang aking mga paa ay hindi nangadulas.
37 Aking hahabulin ang aking mga kaaway, at aabutan ko sila:
Hindi man ako babalik hanggang sa sila'y malipol.
38 Aking sasaktan sila, na anopa't sila'y huwag makatayo:
Sila'y mangalulugmok sa ilalim ng aking mga paa.
39 Sapagka't iyong binigkisan ako ng kalakasan sa pagbabaka:
Iyong pinasuko sa akin yaong nagsisibangon laban sa akin.
40 Iyo rin namang pinatatalikod sa akin ang aking mga kaaway,
Upang aking maihiwalay silang nangagtatanim sa akin.
41 Sila'y nagsihiyaw, nguni't walang magligtas:
(HB)Pati sa Panginoon, nguni't hindi niya sinagot sila.
42 Nang magkagayo'y aking dinurog sila na gaya ng alabok sa harap ng hangin:
(HC)Aking inihagis sila na gaya ng putik sa mga lansangan.
43 (HD)Iniligtas mo ako sa mga pakikipagtalo sa bayan;
(HE)Iyong ginawa ako na pangulo ng mga bansa:
(HF)Isang bayan na hindi ko nakilala ay maglilingkod sa akin.
44 (HG)Pagkarinig nila sa akin ay tatalimahin nila ako;
Ang mga taga ibang lupa ay magsisisuko sa akin.
45 Ang mga taga ibang lupa ay manganghihiluka,
At sila'y magsisilabas na nanganginginig mula sa kanilang mga taguang dako.
46 Mabuhay nawa ang Panginoon at maging mapalad nawa ang aking malaking bato;
At dakilain ang Dios ng aking kaligtasan:
47 Sa makatuwid baga'y ang Dios na ipinanghihiganti ako,
At (HH)nagpapasuko ng mga bayan sa akin.
48 Kaniyang inililigtas ako sa aking mga kaaway:
Oo, itinataas mo ako sa nagsisibangon laban sa akin:
Iyong inililigtas ako sa mangdadahas na tao.
49 (HI)Kaya't ako'y magpapasalamat sa iyo, Oh Panginoon, sa gitna ng mga bansa,
At aawit ako ng mga pagpupuri sa iyong pangalan.
50 (HJ)Dakilang kaligtasan ay ibinibigay niya sa kaniyang hari;
At nagpapakita ng kagandahang-loob sa (HK)kaniyang pinahiran ng langis.
Kay David at sa kaniyang binhi (HL)magpakailan man.
Ang gawa at salita ng Panginoon. Sa Pangulong Manunugtog. Awit ni David.
19 Ang (HM)kalangitan ay nagpapahayag ng kaluwalhatian ng Dios;
(HN)At ipinakikilala ng kalawakan ang gawa ng kaniyang kamay.
2 Sa araw-araw ay nagbabadya ng pananalita,
At sa gabi-gabi ay nagpapakilala ng kaalaman.
3 Walang pananalita o wika man;
Ang kanilang tinig ay hindi marinig.
4 (HO)Ang kanilang pangungusap ay lumaganap sa buong lupa,
At ang kanilang mga salita ay hanggang sa wakas ng sanglibutan.
Sa kanila inilagay niya ang tabernakulo na ukol sa araw,
5 Na gaya ng kasintahang lalake na lumalabas mula sa kaniyang silid.
(HP)At nagagalak na gaya ng malakas na tao na tatakbo ng kaniyang takbo.
6 Ang kaniyang labasan ay mula sa wakas ng mga langit,
At ang kaniyang ligid ay sa mga wakas niyaon:
At walang bagay na nakukubli sa pagiinit niyaon.
7 Ang kautusan ng Panginoon ay sakdal, na nagsasauli ng kaluluwa:
Ang (HQ)patotoo ng Panginoon ay tunay, (HR)na nagpapapantas sa hangal.
8 Ang mga tuntunin ng Panginoon ay matuwid, na nagpapagalak sa puso:
(HS)Ang utos ng Panginoon ay dalisay, (HT)na nagpapaliwanag ng mga mata.
9 Ang takot sa Panginoon ay malinis, na nananatili magpakailan man:
Ang mga kahatulan ng Panginoon ay katotohanan, at lubos na matuwid.
10 (HU)Mga pinipitang higit kay sa ginto, oo, higit kay sa maraming dalisay na ginto:
(HV)Lalong mainam kay sa pulot, at sa pulot-pukyutan.
11 Higit dito'y sa pamamagitan ng mga iyo'y mapagpapaunahan ang iyong lingkod:
(HW)Sa pagiingat ng mga yaon ay may dakilang ganting-pala.
12 Sinong makasisiyasat (HX)ng kaniyang mga kamalian?
(HY)Paliwanagan mo ako (HZ)sa mga kubling kamalian.
13 (IA)Italikod mo rin ang iyong lingkod sa mga kapalaluang sala:
(IB)Huwag mong papagtaglayin ang mga yaon ng kapangyarihan sa akin: kung magkagayo'y magiging matuwid ako,
At magiging malinis ako sa malaking pagsalangsang.
14 (IC)Maging kalugodlugod nawa ang mga salita ng aking bibig, at ang pagbubulay ng aking puso sa iyong paningin,
Oh Panginoon, na aking malaking bato, at aking (ID)manunubos.
Panalangin upang magtagumpay sa kaaway. Sa Pangulong Manunugtog. Awit ni David.
20 Ang Panginoon ay sumasagot sa iyo sa araw ng kabagabagan;
(IE)Itaas ka sa mataas ng pangalan ng Dios ni Jacob;
2 Saklolohan ka mula sa (IF)santuario,
At palakasin ka mula sa (IG)Sion;
3 Alalahanin nawa ang lahat ng iyong mga handog,
At tanggapin niya ang iyong mga haing sinunog; (Selah)
4 (IH)Pagkalooban ka nawa ng nais ng iyong puso,
At tuparin ang lahat ng iyong payo.
5 Kami ay (II)magtatagumpay sa iyong pagliligtas,
At (IJ)sa pangalan ng aming Dios ay aming itataas ang aming mga watawat:
Ganapin nawa ng Panginoon ang lahat ng iyong mga hingi.
6 Talastas ko ngayon na inililigtas ng Panginoon ang (IK)kaniyang pinahiran ng langis;
Sasagutin niya siya mula sa kaniyang banal na langit
Ng pangligtas na kalakasan ng kaniyang kanang kamay.
7 (IL)Ang iba ay tumitiwala sa mga karo, at ang iba ay sa mga kabayo:
(IM)Nguni't babanggitin namin ang pangalan ng Panginoon naming Dios.
8 Sila'y nangakasubsob at buwal:
Nguni't kami ay nakatindig at nakatayo na matuwid.
9 Magligtas ka, Panginoon:
Sagutin nawa kami ng Hari pagka kami ay nagsisitawag.
Pagpapasalamat sa pagliligtas. Sa Pangulong Manunugtog. Awit ni David.
21 Ang hari ay magagalak sa iyong kalakasan, Oh Panginoon;
At (IN)sa iyong pagliligtas gaano kalaki ang ikagagalak niya!
2 Ibinigay mo sa kaniya (IO)ang nais ng kaniyang puso,
At hindi mo ikinait ang hiling ng kaniyang mga labi. (Selah)
3 (IP)Sapagka't iyong sinalubong siya ng mga kapalaran na kabutihan:
Iyong pinuputungan ng isang (IQ)putong na dalisay na ginto ang kaniyang ulo.
4 Siya'y humingi ng (IR)buhay sa iyo, iyong binigyan siya;
(IS)Pati ng kahabaan ng mga kaarawan magpakailan pa man.
5 Ang kaniyang kaluwalhatian ay (IT)dakila sa iyong pagliligtas:
Karangalan at kamahalan ay inilalagay mo sa kaniya.
6 Sapagka't ginagawa mo siyang pinakamapalad magpakailan man:
(IU)Iyong pinasasaya siya ng kagalakan sa iyong harapan.
7 Sapagka't ang hari ay tumitiwala sa Panginoon,
At sa kagandahang-loob ng Kataastaasan ay (IV)hindi siya makikilos.
8 Masusumpungan ng iyong kamay ang lahat ng iyong mga kaaway:
Masusumpungan ng iyong kanan yaong mga nangagtatanim sa iyo.
9 (IW)Iyong gagawin sila na gaya ng mainit na hurno sa panahon ng iyong galit.
Sasakmalin sila ng Panginoon sa kaniyang poot,
At susupukin sila ng (IX)apoy.
10 (IY)Ang kanilang bunga ay iyong lilipulin mula sa lupa,
At ang kanilang binhi ay mula sa gitna ng mga anak ng mga tao.
11 Sapagka't sila'y nagakala ng kasamaan laban sa iyo:
Sila'y nagpanukala ng lalang na hindi nila maisasagawa.
12 Sapagka't iyong patatalikurin sila,
(IZ)Ikaw ay maghahanda ng iyong mga bagting ng busog laban sa mukha nila.
13 Mataas ka, Oh Panginoon, sa iyong kalakasan:
Sa gayo'y aming aawitin at pupurihin ang iyong kapangyarihan.
Iyak sa pagkahapis at Awit sa pagluwalhati. Sa Pangulong Manunugtog; itinugma sa Aijeleth-hash-Shahar. Awit ni David.
22 Dios ko, Dios ko, (JA)bakit mo ako pinabayaan?
Bakit ka napaka layo sa pagtulong sa akin, at sa mga salita ng (JB)aking pagangal?
2 Oh Dios ko, ako'y humihiyaw sa araw, nguni't hindi ka sumasagot:
At sa gabi, at hindi ako tahimik.
3 Nguni't ikaw ay banal, Oh ikaw na tumatahan sa mga (JC)pagpuri ng Israel.
4 Ang aming mga magulang ay nagsitiwala sa iyo:
Sila'y nagsitiwala, at iyong iniligtas sila.
5 Sila'y nagsidaing sa iyo at nangaligtas:
(JD)Sila'y nagsitiwala sa iyo, at hindi nangapahiya.
6 Nguni't (JE)ako'y uod at hindi tao; Duwahagi sa mga tao, at (JF)hinamak ng bayan.
7 (JG)Silang lahat na nangakakita sa akin ay tinatawanang mainam ako:
Inilalawit nila ang labi, iginagalaw nila ang ulo, na sinasabi,
8 (JH)Magpakatiwala ka sa Panginoon; iligtas niya siya:
Iligtas niya siya yamang kinaluluguran niya siya:
9 (JI)Nguni't ikaw ang naglabas sa akin sa bahay-bata:
Pinatiwala mo ako nang ako'y nasa mga suso ng aking ina.
10 Ako'y nahagis sa iyo mula sa bahay-bata:
Ikaw ay aking Dios (JJ)mulang dalhin ako sa tiyan ng aking ina.
11 Huwag mo akong layuan; sapagka't kabagabagan ay malapit;
Sapagka't walang tumulong.
12 (JK)Niligid ako ng maraming toro;
Mga malakas na toro ng Basan ay kumulong sa akin.
13 (JL)Sila'y magbubuka sa akin ng kanilang bibig,
Na gaya ng sumasakmal at umuungal na leon.
14 Ako'y nabuhos na parang tubig, At lahat ng aking mga buto ay nangapapalinsad:
(JM)Ang aking puso ay parang pagkit;
Natutunaw ito sa loob ko.
15 Ang aking kalakasan ay natuyo na parang bibinga;
(JN)At ang aking dila ay dumidikit sa aking ngalangala;
At dinala mo ako sa alabok ng kamatayan.
16 Sapagka't niligid ako ng mga aso:
Kinulong ako ng pulutong ng mga manggagawa ng masama;
(JO)Binutasan nila ang aking mga kamay at ang aking mga paa.
17 Aking maisasaysay ang lahat ng aking mga buto;
Kanilang minamasdan, at pinapansin ako:
18 (JP)Hinapak nila ang aking mga kasuutan sa gitna nila,
At kanilang pinagsapalaran ang aking kasuutan.
19 Nguni't huwag kang lumayo, Oh Panginoon:
Oh ikaw na aking saklolo, magmadali kang tulungan mo ako.
20 Iligtas mo ang aking kaluluwa sa tabak;
Ang aking minamahal sa kapangyarihan ng aso.
21 (JQ)Iligtas mo ako sa bibig ng leon;
Oo, mula sa mga sungay ng torong gubat ay sinagot mo ako.
22 (JR)Aking ipahahayag ang iyong pangalan sa aking mga kapatid:
Sa gitna ng kapulungan ay pupurihin kita.
23 (JS)Kayong nangatatakot sa Panginoon ay magsipuri sa kaniya:
Kayong lahat na binhi ni Jacob ay lumuwalhati sa kaniya;
At magsitayong may takot sa kaniya, kayong lahat na binhi ni Israel.
24 Sapagka't hindi niya hinamak o pinagtaniman man ang kadalamhatian ng nagdadalamhati;
Ni ikinubli man niya ang kaniyang mukha sa kaniya;
Kundi (JT)nang siya'y dumaing sa kaniya, ay kaniyang dininig.
25 (JU)Sa iyo nanggagaling ang pagpuri sa akin sa dakilang kapisanan:
Aking tutuparin ang (JV)aking mga panata sa harap nila na nangatatakot sa kaniya.
26 (JW)Ang maamo ay kakain at mabubusog:
Kanilang pupurihin ang Panginoon na humanap sa kaniya;
Mabuhay nawa ang iyong puso magpakailan man.
27 Lahat ng mga wakas ng lupa ay makakaalaala, at (JX)magsisipanumbalik sa Panginoon:
At lahat ng mga angkan ng mga bansa ay magsisisamba sa harap mo.
28 (JY)Sapagka't ang kaharian ay sa Panginoon:
At siya ang puno sa mga bansa.
29 Lahat na matataba sa lupa ay magsisikain, at magsisisamba:
Silang lahat na nagsisibaba sa alabok ay magsisiyukod sa harap niya,
Sa makatuwid baga'y ang hindi makapagingat na buhay ng kaniyang kaluluwa.
30 Isang binhi ay maglilingkod sa kaniya,
Sasaysayin ang Panginoon sa susunod na salin ng lahi,
31 (JZ)Sila'y magsisiparoon at mangaghahayag ng kaniyang katuwiran,
Sa bayan na ipanganganak ay ibabalita, yaong kaniyang ginawa.
Ang Panginoon ay pastol ng mangaawit. Awit ni David.
23 Ang Panginoon ay (KA)aking pastor; hindi ako mangangailangan.
2 Kaniyang pinahihiga ako (KB)sa sariwang pastulan:
Pinapatnubayan niya ako (KC)sa siping ng mga tubig na pahingahan,
3 Kaniyang pinapananauli ang aking kaluluwa:
(KD)Pinapatnubayan niya ako sa mga landas ng katuwiran (KE)alangalang sa kaniyang pangalan.
4 Oo, bagaman ako'y lumalakad sa libis ng lilim ng kamatayan,
(KF)Wala akong katatakutang kasamaan; sapagka't ikaw ay sumasa akin:
Ang iyong pamalo at ang iyong tungkod, ay nagsisialiw sa akin.
5 (KG)Iyong pinaghahandaan ako ng dulang sa harap ko sa harapan ng aking mga kaaway:
(KH)Iyong pinahiran ang aking ulo ng langis;
(KI)Ang aking saro ay inaapawan.
6 Tunay na ang kabutihan at kaawaan ay susunod sa akin sa lahat ng mga kaarawan ng aking buhay:
At ako'y tatahan sa bahay ng Panginoon magpakailan man.
Ang hari ng kaluwalhatian ay pumasok sa banal na bundok. Awit ni David.
24 (KJ)Ang lupa ay sa Panginoon at ang buong narito;
Ang sanglibutan, at silang nagsisitahan dito.
2 (KK)Sapagka't itinatag niya sa ibabaw ng mga dagat,
At itinatayo sa ibabaw ng mga baha.
3 (KL)Sinong aahon sa bundok ng Panginoon?
At sinong tatayo sa kaniyang (KM)dakong banal?
4 (KN)Siyang may malinis na mga kamay at (KO)may dalisay na puso;
Na hindi nagmataas ang kaniyang kaluluwa sa walang kabuluhan,
At hindi sumumpa na may kabulaanan.
5 Siya'y tatanggap ng pagpapala sa Panginoon,
At ng katuwiran sa (KP)Dios ng kaniyang kaligtasan.
6 Ito ang lahi ng mga nagsisihanap sa kaniya,
Na nagsisihanap ng iyong mukha, sa makatuwid baga'y Jacob. (Selah)
7 Itaas ninyo ang inyong mga ulo,
Oh kayong mga pintuang-bayan;
At kayo'y mangataas, kayong mga walang hanggang pintuan:
At ang hari ng kaluwalhatian ay (KQ)papasok.
8 Sino ang Hari ng kaluwalhatian?
Ang Panginoong malakas at makapangyarihan,
Ang Panginoong makapangyarihan sa pagbabaka.
9 Itaas ninyo ang inyong mga ulo, Oh kayong mga pintuang-bayan;
Oo, magsitaas kayo, kayong mga walang hanggang pintuan:
At ang hari ng kaluwalhatian ay papasok.
10 Sino itong Hari ng kaluwalhatian?
Ang Panginoon ng mga hukbo,
Siya ang Hari ng kaluwalhatian. (Selah)
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978