Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Bible in 90 Days

An intensive Bible reading plan that walks through the entire Bible in 90 days.
Duration: 88 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Mga Awit 109-134

Sa Pangulong Manunugtog. Awit ni David.

109 Huwag kang mapayapa, (A)Oh Dios na aking kapurihan;
Sapagka't ang bibig ng masama at ang bibig ng magdaraya ay ibinuka nila laban sa akin:
Sila'y nangagsalita sa akin na may sinungaling na dila.
Kanilang kinulong ako sa palibot ng mga salitang pagtatanim,
At nagsilaban sa akin (B)ng walang kadahilanan.
Sa kabayaran ng aking pagibig ay mga kaaway ko sila:
Nguni't ako'y tumatalaga sa dalangin.
At iginanti nila sa akin ay kasamaan sa mabuti,
At pagtatanim sa pagibig ko.
(C)Lagyan mo ng masamang tao siya:
At tumayo nawa ang isang (D)kaaway sa kaniyang kanan.
(E)Pagka siya'y nahatulan, lumabas nawa siyang salarin;
At maging kasalanan nawa ang (F)kaniyang dalangin.
(G)Maging kaunti nawa ang kaniyang mga kaarawan;
At kunin nawa ng iba ang kaniyang katungkulan.
(H)Maulila nawa ang kaniyang mga anak,
At mabao ang kaniyang asawa.
10 (I)Magsilaboy nawa ang kaniyang mga anak, at mangagpalimos;
At hanapin nila ang kanilang pagkain sa kanilang mga dakong guho.
11 Kunin nawa ng manglulupig ang lahat niyang tinatangkilik;
At samsamin ng mga (J)taga ibang lupa ang kaniyang mga gawa.
12 Mawalan nawa ng maawa sa kaniya;
At mawalan din ng maawa sa kaniyang mga anak na ulila.
13 Mahiwalay nawa ang (K)kaniyang kaapuapuhan;
Sa lahing darating ay mapawi ang kaniyang pangalan.
14 (L)Maalaala nawa ng Panginoon ang kasamaan ng kaniyang mga magulang;
At huwag mapawi ang kasalanan ng kaniyang ina,
15 Mangalagay nawa silang lagi sa harap ng Panginoon,
Upang ihiwalay (M)niya ang alaala sa kanila sa lupa.
16 Sapagka't hindi niya naalaalang magpakita ng kaawaan,
Kundi hinabol ang (N)dukha at mapagkailangan,
At ang may bagbag na puso, upang patayin.
17 (O)Oo, kaniyang inibig ang sumpa, at dumating sa kaniya;
At hindi siya nalulugod sa pagpapala, at malayo sa kaniya.
18 (P)Nagsusuot naman siya ng sumpa na parang kaniyang damit,
At nasok sa kaniyang mga loob na bahagi na parang tubig,
At parang langis sa kaniyang mga buto.
19 Sa kaniya'y maging gaya nawa ng balabal na ibinabalabal,
At gaya ng bigkis na ibinibigkis na lagi.
20 Ito ang kagantihan sa aking mga kaaway na mula sa Panginoon,
At sa kanilang nangagsasalita ng kasamaan laban sa aking kaluluwa.
21 Nguni't gumawa kang kasama ko, Oh Dios na Panginoon, (Q)alang-alang sa iyong pangalan:
(R)Sapagka't ang iyong kagandahang-loob ay mabuti, iligtas mo ako,
22 Sapagka't ako'y dukha at mapagkailangan,
At ang aking puso ay nasaktan sa loob ko.
23 Ako'y yumayaong (S)gaya ng lilim pagka kumikiling:
Ako'y itinataas at ibinababa ng hangin na parang balang.
24 Ang aking mga (T)tuhod ay mahina sa pagaayuno,
At ang aking laman ay nagkukulang ng katabaan.
25 Ako nama'y naging (U)kadustaan sa kanila:
Pagka kanilang nakikita ako, kanilang (V)pinagagalawgalaw ang kanilang ulo.
26 (W)Tulungan mo ako, Oh Panginoon kong Dios;
Oh iligtas mo ako ayon sa iyong kagandahang-loob:
27 Upang kanilang maalaman na ito'y iyong kamay;
Na ikaw, Panginoon, ang may gawa.
28 Sumumpa sila, nguni't magpapala ka:
Pagka sila'y nagsibangon, sila'y mangapapahiya,
Nguni't ang iyong lingkod ay (X)magagalak.
29 (Y)Manamit ng kasiraang puri ang mga kaaway ko,
At matakpan sila ng kanilang sariling kahihiyan na parang balabal.
30 Ako'y magpapasalamat ng marami ng aking bibig sa Panginoon;
Oo, aking pupurihin (Z)siya sa gitna ng karamihan.
31 Sapagka't (AA)siya'y tatayo sa kanan ng mapagkailangan,
Upang iligtas sa kanilang nagsisihatol ng kaniyang kaluluwa.

Awit ni David.

110 (AB)Sinabi ng Panginoon sa aking panginoon,
Umupo ka (AC)sa aking kanan,
(AD)Hanggang sa aking gawing tungtungan mo ang iyong mga kaaway.
Pararatingin ng Panginoon (AE)ang setro ng iyong kalakasan (AF)mula sa Sion:
Magpuno ka sa gitna ng iyong mga kaaway.
Ang bayan mo'y naghahandog na kusa
Sa kaarawan ng iyong kapangyarihan, sa kagandahan ng kabanalan:
Mula sa bukang liwayway ng umaga,
Ikaw ay may hamog ng iyong kabinataan.
(AG)Sumumpa ang Panginoon, at hindi magsisisi,
(AH)Ikaw ay (AI)saserdote (AJ)magpakailan man
Ayon sa pagkasaserdote ni (AK)Melchisedech.
Ang Panginoon (AL)sa iyong kanan ay
Hahampas sa mga hari (AM)sa kaarawan ng kaniyang poot.
Siya'y hahatol sa gitna ng mga bansa,
Kaniyang pupunuin ng mga bangkay ang mga pook;
(AN)Siya'y manghahampas ng ulo sa maraming lupain.
Siya'y iinom (AO)sa batis sa daan:
Kaya't siya'y magtataas ng ulo.

Ang Panginoon ay pinuri dahil sa Kaniyang kagalingan.

111 Purihin ninyo ang Panginoon.
Ako'y magpapasalamat (AP)sa Panginoon ng aking buong puso,
Sa kapulungan ng matuwid, at sa kapisanan.
Ang mga gawa ng Panginoon ay dakila,
Siyasat ng lahat na nagtatamo ng kaligayahan diyan.
Ang kaniyang gawa ay (AQ)karangalan at kamahalan:
At ang (AR)kaniyang katuwiran ay nananatili magpakailan man.
Kaniyang ginawa ang kaniyang mga kababalaghang gawa upang alalahanin:
Ang Panginoon ay (AS)mapagbiyaya at puspos ng kahabagan.
Siya'y nagbigay ng (AT)pagkain sa nangatatakot sa kaniya:
Kaniyang aalalahaning lagi ang kaniyang tipan.
Kaniyang ipinakilala sa kaniyang bayan ang kapangyarihan ng kaniyang mga gawa,
Sa pagbibigay niya sa kanila ng mana ng mga bansa.
Ang mga gawa ng kaniyang mga kamay ay (AU)katotohanan at kahatulan:
Lahat niyang mga tuntunin ay (AV)tunay.
(AW)Nangatatatag magpakailankailan man,
Mga yari sa katotohanan at katuwiran.
Siya'y nagsugo ng (AX)katubusan sa kaniyang bayan;
Kaniyang iniutos ang kaniyang tipan magpakailan man:
(AY)Banal at kagalanggalang ang kaniyang pangalan.
10 (AZ)Ang pagkatakot sa Panginoon ay pasimula ng karunungan;
May mabuting pagkaunawa ang lahat na nagsisisunod ng kaniyang mga utos.
Ang kaniyang kapurihan ay nananatili magpakailan man.

Ang pananagana niyaong natatakot sa Panginoon.

112 Purihin ninyo ang Panginoon.
Mapalad (BA)ang tao na natatakot sa Panginoon,
Na naliligayang mainam sa kaniyang mga utos.
(BB)Ang kaniyang binhi ay magiging makapangyarihan sa lupa;
Ang lahi ng matuwid ay magiging mapalad.
(BC)Kaginhawahan at kayamanan ay nasa kaniyang bahay:
At ang kaniyang katuwiran ay nananatili magpakailan man.
Sa matuwid ay (BD)bumabangon ang liwanag sa kadiliman:
(BE)Siya'y mapagbiyaya at puspos ng kahabagan, at matuwid.
(BF)Ang ikabubuti ng taong mapagbiyaya at nagpapahiram,
Kaniyang aalalayan ang kaniyang usap sa kahatulan.
Sapagka't siya'y hindi makikilos magpakailan man;
Ang matuwid ay maaalaalang walang hanggan.
Siya'y hindi matatakot (BG)sa mga masamang balita:
Ang kaniyang (BH)puso ay matatag, na tumitiwala sa Panginoon.
Ang kaniyang puso ay natatag, siya'y hindi matatakot,
Hanggang sa kaniyang (BI)makita ang nasa niya sa kaniyang mga kaaway.
Kaniyang pinanabog, kaniyang ibinigay sa mapagkailangan;
Ang kaniyang katuwiran ay nananatili magpakailan man,
Ang kaniyang (BJ)sungay ay matataas na may karangalan.
10 Makikita ng masama, at mamamanglaw;
Siya'y magngangalit ng kaniyang mga ngipin, at matutunaw:
Ang nasa ng masama ay (BK)mapaparam.

Ang Panginoon ay pinuri dahil sa pagpuri sa nagpapakababa.

113 Purihin ninyo ang Panginoon. Purihin ninyo, Oh ninyong mga lingkod ng Panginoon,
Purihin ninyo ang pangalan ng Panginoon.
(BL)Purihin ang pangalan ng Panginoon
Mula sa panahong ito at magpakailan man.
(BM)Mula sa pagsikat ng araw hanggang sa paglubog niyaon
Ang pangalan ng Panginoon ay pupurihin,
Ang Panginoon ay (BN)mataas na higit sa lahat ng mga bansa,
At ang kaniyang kaluwalhatian ay (BO)sa itaas ng mga langit.
(BP)Sino ang gaya ng Panginoon nating Dios,
Na may kaniyang upuan sa itaas,
(BQ)Na nagpapakababang tumitingin
Ng mga bagay na nangasa sa langit at sa lupa?
(BR)Kaniyang ibinabangon ang dukha mula sa alabok,
At itinataas ang mapagkailangan mula sa dumi;
Upang maupo siya na kasama ng mga pangulo,
Sa makatuwid baga'y ng mga pangulo ng kaniyang bayan.
(BS)Kaniyang pinapagiingat ng bahay ang baog na babae,
At maging masayang ina ng mga anak.
Purihin ninyo ang Panginoon.

Ang pagliligtas ng Panginoon sa Israel mula sa Egipto.

114 Nang (BT)lumabas ang Israel sa Egipto,
Ang sangbahayan ni Jacob (BU)mula sa bayang may ibang wika;
(BV)Ang Juda ay naging kaniyang santuario,
(BW)Ang Israel ay kaniyang sakop.
Nakita (BX)ng dagat, at tumakas;
Ang Jordan ay napaurong.
(BY)Ang mga bundok ay nagsiluksong parang mga lalaking tupa,
Ang mga munting gulod na parang mga batang tupa.
(BZ)Anong ipakikialam ko sa iyo, Oh dagat, na ikaw ay tumatakas?
Sa iyo Jordan, na ikaw ay umuurong?
Sa inyo mga bundok, na kayo'y nagsisiluksong parang mga lalaking tupa;
Sa inyong mga munting gulod, na parang mga batang tupa?
Mayanig ka, ikaw na lupa, sa harapan ng Panginoon,
Sa harapan ng Dios ni Jacob;
(CA)Na pinapagiging tipunan ng tubig ang malaking bato.
Na bukal ng tubig ang pingkiang bato.

Ang ibang mga Dios ay ipinaris sa Panginoon.

115 Huwag (CB)sa amin, Oh Panginoon, huwag sa amin,
Kundi sa iyong pangalan ay (CC)magbigay kang karangalan,
Dahil sa iyong kagandahang-loob, at dahil sa iyong katotohanan.
Bakit sasabihin ng mga bansa,
(CD)Saan nandoon ngayon ang kanilang Dios?
Ngunit ang aming Dios ay nasa mga langit:
Kaniyang ginagawa ang kaniyang ibigin.
(CE)Ang kanilang mga diosdiosan ay pilak at ginto,
(CF)Yari ng mga kamay ng mga tao.
Sila'y may mga bibig, (CG)nguni't sila'y hindi nangagsasalita;
Mga mata'y mayroon sila, nguni't hindi sila nangakakakita;
Sila'y may mga tainga, nguni't hindi sila nangakakarinig;
Mga ilong ay mayroon sila, nguni't hindi sila nangakakaamoy;
Mayroon silang mga kamay, nguni't hindi sila nangakatatangan;
Mga paa ay mayroon sila, nguni't hindi sila nangakalalakad;
Ni nangagsasalita man sila sa kanilang ngalangala.
(CH)Ang nagsisigawa sa kanila ay magiging gaya nila;
Oo, bawa't tumitiwala sa kanila.
(CI)Oh Israel, tumiwala ka sa Panginoon:
Siya'y kanilang saklolo at (CJ)kanilang kalasag.
10 Oh sangbahayan ni Aaron, magsitiwala kayo sa Panginoon:
Siya'y kanilang saklolo at kanilang kalasag.
11 Kayong nangatatakot sa Panginoon, magsitiwala kayo sa Panginoon;
Siya'y kanilang saklolo at kanilang kalasag.
12 Inalaala tayo ng Panginoon; kaniyang pagpapalain tayo:
Kaniyang pagpapalain ang (CK)sangbahayan ni Israel,
Kaniyang pagpapalain ang sangbahayan ni Aaron.
13 Kaniyang pagpapalain ang nangatatakot sa Panginoon,
Ang mababa at gayon ang mataas.
14 (CL)Palalaguin kayo ng Panginoon ng higit at higit,
Kayo at ang inyong mga anak.
15 Pinagpala kayo ng Panginoon,
Na gumawa ng langit at lupa.
16 (CM)Ang mga langit ay mga langit ng Panginoon;
Nguni't ang lupa ay kaniyang ibinigay sa mga anak ng mga tao.
17 Ang patay ay (CN)hindi pumupuri sa Panginoon,
Ni sinomang nabababa sa katahimikan;
18 (CO)Nguni't aming pupurihin ang Panginoon
Mula sa panahong ito hanggang sa walang hanggan.
Purihin ninyo ang Panginoon.

Pagpapasalamat sa pagliligtas mula sa kamatayan.

116 Aking iniibig (CP)ang Panginoon, sapagka't (CQ)kaniyang dininig
Ang aking tinig at aking mga hiling.
Sapagka't kaniyang (CR)ikiniling ang kaniyang pakinig sa akin,
Kaya't ako'y tatawag sa kaniya habang ako'y nabubuhay.
Ang tali ng kamatayan ay (CS)pumulupot sa akin,
At ang mga sakit ng Sheol ay nagsihawak sa akin:
Aking nasumpungan ang kabagabagan at kapanglawan.
(CT)Nang magkagayo'y tumawag ako sa pangalan ng Panginoon;
Oh Panginoon, isinasamo ko sa iyo, iligtas mo ang aking kaluluwa.
(CU)Mapagbiyaya ang Panginoon, at matuwid;
Oo, ang Dios namin ay maawain.
Pinalalagi ng Panginoon ang mga tapat na loob:
(CV)Ako'y nababa, at kaniyang iniligtas ako.
Bumalik ka sa iyong kapahingahan, (CW)Oh kaluluwa ko;
Sapagka't ginawan ka ng mabuti ng Panginoon.
(CX)Sapagka't iyong iniligtas ang kaluluwa ko sa kamatayan,
At ang mga mata ko sa mga luha,
At ang mga paa ko sa pagkabuwal.
Ako'y lalakad sa harap ng Panginoon,
(CY)Sa lupain ng mga buháy.
10 (CZ)Ako'y sumasampalataya, sapagka't ako'y magsasalita:
Ako'y lubhang nagdalamhati:
11 (DA)Aking sinabi sa aking pagmamadali,
Lahat ng tao ay bulaan.
12 Ano ang aking ibabayad sa Panginoon
Dahil sa lahat niyang kabutihan sa akin?
13 Aking kukunin ang (DB)saro ng kaligtasan,
At tatawag ako sa pangalan ng Panginoon.
14 (DC)Aking babayaran ang mga panata ko sa Panginoon,
Oo, sa harapan ng buo niyang bayan.
15 (DD)Mahalaga sa paningin ng Panginoon
Ang kamatayan ng kaniyang mga banal.
16 Oh Panginoon, tunay na ako'y iyong lingkod;
Ako'y iyong lingkod, na (DE)anak ng iyong lingkod na babae;
Iyong kinalag ang aking mga tali.
17 Aking ihahandog sa iyo ang (DF)hain na pasalamat,
At tatawag ako sa pangalan ng Panginoon.
18 Aking babayaran ang mga panata ko (DG)sa Panginoon,
Oo, sa harapan ng buo niyang bayan;
19 Sa mga looban ng bahay ng Panginoon,
Sa gitna mo, Oh Jerusalem.
Purihin ninyo ang Panginoon.

Awit ng Pagpapasalamat.

117 (DH)Oh purihin ninyo ang Panginoon, ninyong lahat na mga bansa:
Purihin ninyo siya, ninyong lahat na mga bayan.
Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay dakila sa atin;
At (DI)ang katotohanan ng Panginoon ay magpakailan man.
Purihin ninyo ang Panginoon.

Pagpapasalamat sa pagliligtas ng Panginoon.

118 Oh mangagpasalamat kayo (DJ)sa Panginoon; sapagka't siya'y mabuti:
Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
(DK)Magsabi ngayon ang Israel,
Na ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
Magsabi ngayon ang sangbahayan ni Aaron,
Na ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
Mangagsabi ngayon ang nangatatakot sa Panginoon,
Na ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
(DL)Sa aking kapanglawan ay tumawag ako sa Panginoon:
Sinagot ako ng Panginoon, at inilagay ako (DM)sa maluwag na dako.
(DN)Ang Panginoon ay kakampi ko; (DO)hindi ako matatakot:
Anong magagawa ng tao sa akin?
(DP)Ang Panginoon ay kakampi ko sa gitna nila na nagsisitulong sa akin:
(DQ)Kaya't makikita ko ang nasa ko sa kanila na nangagtatanim sa akin.
(DR)Lalong mabuti ang manganlong sa Panginoon
Kay sa maglagak ng tiwala sa tao.
Lalong mabuti ang manganlong sa Panginoon
Kay sa maglagak ng tiwala sa mga pangulo.
10 Kinubkob ako ng lahat ng mga bansa sa palibot:
Sa pangalan ng Panginoon ay aking ihihiwalay sila.
11 Kanilang kinubkob ako sa palibot; oo, kanilang kinubkob ako sa palibot:
Sa pangalan ng Panginoon ay aking ihihiwalay sila.
12 Kanilang kinubkob ako sa palibot na parang mga pukyutan: sila'y (DS)nangamatay na parang (DT)apoy ng mga dawag:
Sa pangalan ng Panginoon ay aking ihihiwalay sila.
13 Itinulak mo akong bigla upang ako'y mabuwal:
Nguni't tulungan ako ng Panginoon.
14 Ang Panginoon ay (DU)aking kalakasan at awit;
At siya'y naging aking kaligtasan.
15 Ang tinig ng kagalakan at kaligtasan ay nasa mga tolda ng matuwid:
Ang kanan ng Panginoon ay gumagawang matapang.
16 (DV)Ang kanan ng Panginoon ay nabunyi;
Ang kanan ng Panginoon ay gumagawang matapang.
17 (DW)Hindi ako mamamatay, kundi mabubuhay,
At (DX)magpapahayag ng mga gawa ng Panginoon.
18 (DY)Pinarusahan akong mainam ng Panginoon;
Nguni't hindi niya ako ibinigay sa kamatayan.
19 (DZ)Buksan ninyo sa akin ang mga pintuan ng katuwiran;
Aking papasukan, ako'y magpapasalamat sa Panginoon.
20 Ito'y siyang pintuan ng Panginoon;
(EA)Papasukan ng matuwid.
21 Ako'y magpapasalamat sa iyo, sapagka't sinagot mo ako!
At ikaw ay naging aking kaligtasan.
22 (EB)Ang bato na itinakuwil ng nangagtayo ng bahay
Ay naging pangulo sa sulok.
23 Ito ang gawa ng Panginoon:
Kagilagilalas sa harap ng ating mga mata.
24 Ito ang araw na ginawa ng Panginoon;
Tayo'y mangagagalak at ating katutuwaan.
25 Magligtas ka ngayon, isinasamo namin sa iyo, Oh Panginoon:
Oh Panginoon, isinasamo namin sa iyo, magsugo ka ngayon ng kaginhawahan.
26 (EC)Mapalad siya na dumarating sa pangalan ng Panginoon:
Aming pinuri kayo mula sa bahay ng Panginoon.
27 Ang Panginoon ay Dios, at (ED)binigyan niya kami ng liwanag;
Talian ninyo ang hain ng mga panali, sa makatuwid baga'y sa mga tila (EE)sungay ng dambana.
28 Ikaw ay aking Dios, at magpapasalamat ako sa iyo:
Ikaw ay aking Dios, aking ibubunyi ka.
29 (EF)Oh mangagpasalamat kayo sa Panginoon, sapagka't siya'y mabuti:
Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.

Pagbubulaybulay at panalangin tungkol sa kautusan ng Dios.

ALEPH.

119 Mapalad silang (EG)sakdal sa lakad,
Na nagsisilakad sa kautusan ng Panginoon.
Mapalad silang nangagiingat ng kaniyang mga patotoo,
Na nagsisihanap sa kaniya ng buong puso.
(EH)Oo, silang hindi nagsisigawa ng kalikuan;
Sila'y nagsisilakad sa kaniyang mga daan.
Iyong iniutos sa amin ang mga tuntunin mo,
Upang aming sunding masikap.
Oh matatag nawa ang aking mga daan,
Upang sundin ang mga palatuntunan mo!
(EI)Hindi nga ako mapapahiya,
Pagka ako'y nagkaroon ng galang sa inyong lahat na mga utos.
Ako'y magpapasalamat sa iyo sa pamamagitan ng katuwiran ng puso,
Pagka aking natutuhan ang mga matuwid mong kahatulan.
Aking tutuparin ang mga palatuntunan mo:
Oh huwag mo akong pabayaang lubos.

BETH.

Sa paano lilinisin ng isang binata ang kaniyang daan?
Sa pagdinig doon ayon sa iyong salita.
10 Hinanap kita ng aking buong puso:
Oh huwag nawa akong malihis sa iyong mga utos.
11 Ang salita mo'y aking iningatan (EJ)sa aking puso:
Upang huwag akong magkasala laban sa iyo.
12 Mapalad ka, Oh Panginoon:
(EK)Ituro mo sa akin ang mga palatuntunan mo.
13 Aking ipinahayag ng aking mga labi
Ang lahat ng mga kahatulan ng iyong bibig.
14 (EL)Ako'y nagalak sa daan ng iyong mga patotoo,
Na gaya ng lahat na kayamanan.
15 Ako'y magbubulay sa iyong mga tuntunin,
At gagalang sa iyong mga daan.
16 (EM)Ako'y magaaliw sa iyong mga palatuntunan:
Hindi ko kalilimutan ang iyong salita.

GIMEL.

17 (EN)Gawan ng mabuti ang iyong lingkod, upang ako'y mabuhay;
Sa gayo'y aking susundin ang iyong salita.
18 Idilat mo ang aking mga mata, upang ako'y makakita
Ng kagilagilalas na mga bagay sa iyong kautusan.
19 (EO)Ako'y nakikipamayan sa lupa:
Huwag mong ikubli ang mga utos mo sa akin.
20 (EP)Ang puso ko'y nadudurog sa pananabik.
Na tinatamo sa iyong mga kahatulan sa lahat ng panahon.
21 Iyong sinaway ang mga palalong sinumpa,
Na nagsisihiwalay sa iyong mga utos.
22 Alisin mo sa akin ang kadustaan at kakutyaan;
(EQ)Sapagka't iningatan ko ang iyong mga patotoo.
23 Mga pangulo naman ay nagsiupo, at naguusap ng laban sa akin;
Nguni't ang lingkod mo'y nagbulay sa iyong mga palatuntunan.
24 (ER)Ang mga patotoo mo naman ay aking mga kaluguran.
At aking mga tagapayo.

DALETH.

25 (ES)Ang kaluluwa ko'y dumidikit sa alabok:
(ET)Buhayin mo ako ayon sa iyong salita.
26 Aking ipinahayag ang mga lakad ko, at ikaw ay sumagot sa akin:
Ituro mo sa akin ang mga palatuntunan mo.
27 (EU)Ipaunawa mo sa akin ang daan ng iyong mga tuntunin:
Sa gayo'y aking bubulayin ang iyong kagilagilalas na mga gawa.
28 Ang kaluluwa ko'y natutunaw sa kabigatan ng loob:
Iyong palakasin ako ayon sa iyong salita.
29 Ilayo mo sa akin ang daan ng kasinungalingan:
At ipagkaloob mo sa aking may pagbibiyaya ang iyong kautusan.
30 Aking pinili ang daan ng pagtatapat:
Ang mga kahatulan mo'y inilagay ko sa harap ko.
31 Ako'y kumapit sa iyong mga patotoo:
Oh Panginoon, huwag mo akong ilagay sa kahihiyan.
32 Aking tatakbuhan ang daan ng iyong mga utos,
Pagka iyong (EV)pinalaki ang aking puso.

HE.

33 Ituro mo sa akin, Oh Panginoon, ang daan ng iyong mga palatuntunan;
At aking iingatan hanggang sa wakas.
34 Bigyan mo ako ng pagkaunawa at aking iingatan ang iyong kautusan;
Oo, aking susundin ng aking buong puso.
35 Payaunin mo ako sa landas ng iyong mga utos;
Sapagka't siya kong (EW)kinaaliwan.
36 Ikiling mo ang aking puso sa iyong mga patotoo,
At huwag sa (EX)kasakiman.
37 (EY)Alisin mo ang aking mga mata (EZ)sa pagtingin ng walang kabuluhan.
At buhayin mo ako sa iyong mga daan.
38 (FA)Papagtibayin mo ang iyong salita sa iyong lingkod,
Na ukol sa takot sa iyo.
39 Alisin mo ang aking kadustaan na aking kinatatakutan:
Sapagka't ang mga kahatulan mo'y mabuti.
40 Narito, ako'y (FB)nanabik sa iyong mga tuntunin;
Buhayin mo ako sa iyong katuwiran.

VAU.

41 (FC)Padatingin mo rin sa akin ang iyong mga kagandahang-loob, Oh Panginoon,
Sa makatuwid baga'y ang iyong kaligtasan, ayon sa iyong salita.
42 Sa gayo'y magkakaroon ako ng kasagutan sa kaniya na dumuduwahagi sa akin;
Sapagka't ako'y tumitiwala sa iyong salita.
43 At huwag mong lubos na kunin ang salita ng katotohanan sa aking bibig;
Sapagka't ako'y umasa sa iyong mga kahatulan.
44 Gayon ko susundin ang iyong kautusan na palagi
Magpakailan-kailan pa man.
45 At lalakad ako sa kalayaan;
Sapagka't aking hinanap ang iyong mga tuntunin.
46 (FD)Ako nama'y magsasalita ng iyong mga patotoo sa harap ng mga hari,
At hindi ako mapapahiya.
47 At ako'y maaaliw sa iyong mga utos,
Na aking iniibig.
48 (FE)Akin namang itataas ang aking mga kamay sa iyong mga utos, na aking inibig;
At ako'y magbubulay sa iyong mga palatuntunan.

ZAIN.

49 Iyong alalahanin ang salita sa iyong lingkod,
Na doo'y iyong pinaasa ako.
50 Ito'y aking (FF)kaaliwan sa aking pagkapighati:
Sapagka't binuhay ako ng (FG)iyong salita.
51 Ang palalo ay dumuwahaging mainam sa akin:
Gayon ma'y hindi ako hihiwalay sa iyong kautusan.
52 Aking inalaala ang mga kahatulan mo ng una, Oh Panginoon,
At ako'y nagaliw sa sarili.
53 (FH)Maalab na galit ang humawak sa akin,
Dahil sa masama na nagpabaya ng iyong kautusan.
54 Ang iyong mga palatuntunan ay naging aking mga awit
Sa (FI)bahay ng aking pangingibang bayan.
55 (FJ)Aking inalaala sa gabi ang pangalan mo, Oh Panginoon,
At sinunod ko ang iyong kautusan.
56 Ito ang tinamo ko,
Sapagka't aking iningatan ang mga tuntunin mo.

CHETH.

57 (FK)Ang Panginoon ay aking bahagi:
Aking sinabi na aking tutuparin ang iyong mga salita.
58 Aking hiniling ang iyong biyaya ng aking buong puso:
Magmahabagin ka sa akin ayon sa iyong salita.
59 (FL)Ako'y nagiisip sa aking mga lakad,
At ibinalik ko ang aking mga paa sa iyong mga patotoo.
60 Ako'y nagmadali, at hindi ako nagmakupad,
Na sundin ang iyong mga utos.
61 Pinuluputan ako ng mga panali ng masama;
Nguni't hindi ko nilimot ang iyong kautusan.
62 (FM)Sa hating gabi ay babangon ako upang magpasalamat sa iyo,
Dahil sa iyong mga matuwid na kahatulan.
63 Ako'y kasama ng lahat na nangatatakot sa iyo,
At ng nagsisitupad ng iyong mga tuntunin.
64 Ang lupa, Oh Panginoon, ay puno (FN)ng iyong kagandahang-loob:
(FO)Ituro mo sa akin ang iyong mga palatuntunan.

TETH.

65 Ginawan mo ng mabuti ang iyong lingkod,
Oh Panginoon, (FP)ayon sa iyong salita.
66 Turuan mo ako ng mabuting kahatulan at kaalaman;
Sapagka't ako'y sumampalataya sa iyong mga utos.
67 (FQ)Bago ako nagdalamhati ay naligaw ako;
Nguni't ngayo'y tinutupad ko ang iyong salita.
68 (FR)Ikaw ay mabuti, at gumagawa ng mabuti;
Ituro mo sa akin ang iyong mga palatuntunan.
69 Ang palalo ay (FS)kumatha ng kabulaanan laban sa akin:
Aking tutuparin ang iyong mga tuntunin ng buong puso ko.
70 (FT)Ang puso nila ay matabang gaya ng sebo;
Nguni't ako'y naaaliw sa iyong kautusan.
71 (FU)Mabuti sa akin na ako'y napighati;
Upang aking matutuhan ang mga palatuntunan mo.
72 Ang kautusan ng iyong bibig ay (FV)lalong mabuti sa akin
Kay sa libong ginto at pilak.

JOD.

73 (FW)Ginawa ako at inanyuan ako ng iyong mga kamay:
(FX)Bigyan mo ako ng unawa, upang matutuhan ko ang iyong mga utos.
74 (FY)Silang nangatatakot sa iyo ay makikita ako, at matutuwa;
Sapagka't ako'y umasa (FZ)sa iyong salita;
75 Talastas ko, Oh Panginoon na ang mga kahatulan mo ay matuwid,
At sa (GA)pagtatapat, iyo akong dinalamhati.
76 Isinasamo ko sa iyo na maging kaaliwan ko ang iyong kagandahang-loob,
Ayon sa iyong salita sa iyong lingkod.
77 Dumating nawa sa akin ang iyong malumanay na kaawaan upang ako'y mabuhay:
Sapagka't (GB)ang kautusan mo'y aking kaaliwan.
78 (GC)Mahiya ang palalo; sapagka't dinaig nila ako ng walang kadahilanan:
Nguni't (GD)ako'y magbubulay sa iyong mga tuntunin.
79 Bumalik nawa sa akin yaong nangatatakot sa iyo,
At silang nangakakakilala ng iyong mga patotoo.
80 Maging sakdal nawa ang aking puso sa iyong mga palatuntunan;
Upang huwag akong mapahiya.

CAPH.

81 Pinanglulupaypayan ng (GE)aking kaluluwa ang iyong pagliligtas:
Nguni't umaasa ako sa iyong salita.
82 (GF)Pinangangalumatahan ng aking mga mata ang iyong salita,
Samantalang aking sinasabi, Kailan mo ako aaliwin?
83 Sapagka't ako'y naging parang balat na lalagyan ng alak sa usok;
Gayon ma'y hindi (GG)ko kinalilimutan ang iyong mga palatuntunan.
84 (GH)Gaano karami ang mga kaarawan ng iyong lingkod?
(GI)Kailan ka gagawa ng kahatulan sa kanila na nagsisiusig sa akin?
85 Inihukay ako (GJ)ng palalo ng mga lungaw
Na hindi mga ayon sa iyong kautusan.
86 Lahat mong mga utos ay tapat.
Kanilang inuusig ako (GK)na may kamalian; (GL)tulungan mo ako.
87 Kanilang tinunaw ako halos sa ibabaw ng lupa;
Nguni't hindi ko pinabayaan ang mga tuntunin mo.
88 Buhayin mo ako ayon sa iyong kagandahang-loob;
Sa gayo'y aking iingatan ang patotoo ng iyong bibig.

LAMED.

89 (GM)Magpakailan man, Oh Panginoon,
Ang iyong salita ay natatag sa langit.
90 Ang iyong (GN)pagtatapat ay sa lahat ng sali't saling lahi:
Iyong itinatag ang lupa, (GO)at lumalagi.
91 (GP)Namamalagi sa araw na ito ayon sa iyong mga alituntunin;
Sapagka't lahat ng bagay ay mga lingkod mo.
92 Kundi ang kautusan mo'y naging aking kaaliwan,
Namatay nga sana ako sa aking kadalamhatian.
93 Hindi ko kalilimutan kailan man ang mga tuntunin mo;
Sapagka't sa pamamagitan ng mga yaon ay binuhay mo ako.
94 Ako'y iyo, iligtas mo ako,
Sapagka't aking hinanap ang mga tuntunin mo,
95 Inabatan ako ng masama upang ako'y patayin;
Nguni't aking gugunitain ang iyong mga patotoo.
96 Aking nakita ang wakas (GQ)ng buong kasakdalan;
Nguni't ang utos mo'y totoong malawak.

MEM.

97 (GR)Oh gaanong iniibig ko ang iyong kautusan!
Siya kong gunita buong araw.
98 Pinarunong ako kay sa aking mga kaaway (GS)ng iyong mga utos;
Sapagka't mga laging sumasa akin.
99 Ako'y may higit na unawa kay sa lahat ng tagapagturo sa akin;
(GT)Sapagka't ang iyong mga patotoo ay gunita ko.
100 Ako'y nakakaunawa na (GU)higit kay sa may katandaan,
Sapagka't aking iningatan ang mga tuntunin mo.
101 Aking pinigil ang mga paa ko sa lahat ng masamang lakad,
Upang aking masunod ang salita mo.
102 Ako'y hindi lumihis sa iyong mga kahatulan;
Sapagka't iyong tinuruan ako.
103 (GV)Pagkatamis ng iyong mga salita sa aking lasa!
Oo, matamis kay sa pulot sa aking bibig!
104 Sa iyong mga tuntunin ay nagkakamit ako ng unawa:
Kaya't aking (GW)ipinagtatanim ang bawa't lakad na sinungaling.

NUN.

105 (GX)Ang salita mo'y ilawan sa aking mga paa,
At liwanag sa aking landas.
106 (GY)Ako'y sumumpa, at pinagtibay ko,
Na aking tutuparin ang mga matuwid mong kahatulan.
107 Ako'y nagdadalamhating mainam:
(GZ)Buhayin mo ako, Oh Panginoon, ayon sa iyong salita.
108 Tanggapin mo, isinasamo ko sa iyo, (HA)ang mga kusang handog ng aking bibig, Oh Panginoon,
At ituro mo sa akin ang mga kahatulan mo.
109 Ang kaluluwa ko'y (HB)laging nasa aking kamay;
Gayon ma'y hindi ko kinalilimutan ang kautusan mo.
110 Ipinaglagay ako ng silo ng masama;
Gayon ma'y hindi ako lumihis sa iyong mga tuntunin.
111 Ang mga patotoo mo'y inari kong (HC)pinakamana magpakailan man;
Sapagka't (HD)sila ang kagalakan ng aking puso.
112 Ikiniling ko ang puso ko na ganapin ang mga palatuntunan mo,
Magpakailan man, sa makatuwid baga'y (HE)hanggang sa wakas.

SAMECH.

113 Ipinagtatanim ko sila na may salawahang pagiisip;
Nguni't ang iyong kautusan ay iniibig ko.
114 Ikaw ang (HF)kublihan kong dako at (HG)kalasag ko:
Ako'y umaasa (HH)sa iyong salita.
115 (HI)Magsihiwalay kayo sa akin, kayong mga manggagawa ng kasamaan;
Upang aking maingatan ang mga utos ng aking Dios.
116 Alalayan mo ako ayon sa iyong salita, upang ako'y mabuhay;
(HJ)At huwag mo akong hiyain (HK)sa aking pagasa.
117 Alalayan mo ako, at ako'y maliligtas,
At magkakaroon ako ng laging pitagan sa iyong mga palatuntunan.
118 (HL)Inilagay mo sa wala silang lahat na naliligaw sa iyong mga palatuntunan;
Sapagka't ang kanilang pagdaraya ay kasinungalingan.
119 Inaalis mo ang lahat ng masama sa lupa na gaya ng taing bakal;
(HM)Kaya't iniibig ko ang mga patotoo mo.
120 (HN)Ang laman ko'y nanginginig dahil sa takot sa iyo;
At ako'y takot sa iyong mga kahatulan.

AIN.

121 Ako'y gumawa ng kahatulan at kaganapan:
Huwag mo akong iwan sa mga mangaapi sa akin.
122 (HO)Maging tagapatnugot ka ng iyong lingkod sa ikabubuti:
Huwag mong ipapighati ako sa palalo.
123 Pinangangalumatahan (HP)ng aking mga mata ang iyong pagliligtas,
At ang iyong matuwid na salita.
124 Gawan mo ang lingkod mo ng ayon sa iyong kagandahang-loob,
At ituro mo sa akin ang mga palatuntunan mo.
125 (HQ)Ako'y lingkod mo; bigyan mo ako ng unawa;
Upang aking maalaman ang mga patotoo mo,
126 Kapanahunan sa Panginoon na gumawa;
Sapagka't kanilang niwalang kabuluhan ang kautusan mo.
127 (HR)Kaya't aking iniibig ang mga utos mo
Ng higit sa ginto, oo, higit sa dalisay na ginto.
128 Kaya't aking pinahahalagahan na matuwid ang lahat mong mga tuntunin tungkol sa lahat ng mga bagay;
At ipinagtatanim ko ang bawa't sinungaling na lakad.

PE.

129 Ang mga patotoo mo'y kagilagilalas;
Kayat sila'y iniingatan ng aking kaluluwa.
130 (HS)Ang bukas ng iyong mga salita ay nagbibigay ng liwanag;
(HT)Nagbibigay ng unawa sa walang muwang.
131 Aking binuka ng maluwang ang bibig ko, at ako'y nagbuntong-hininga;
Sapagka't aking pinanabikan ang mga utos mo.
132 Manumbalik ka sa akin, at maawa ka sa akin,
Gaya ng iyong kinauugaliang gawin sa nagsisiibig ng iyong pangalan.
133 (HU)Itatag mo ang mga hakbang ko sa iyong salita;
At huwag magkaroon ng kapangyarihan sa akin ang (HV)anomang kasamaan.
134 Tubusin mo ako sa pagpighati ng tao:
Sa gayo'y aking tutuparin ang mga tuntunin mo.
135 (HW)Pasilangin mo ang mukha mo sa iyong lingkod;
At ituro mo sa akin ang mga palatuntunan mo.
136 Ang mga mata ko'y nagsisiagos ng mga (HX)ilog ng tubig;
Sapagka't hindi nila tinutupad ang kautusan mo.

TZADDI.

137 (HY)Matuwid ka, Oh Panginoon,
At matuwid ang mga kahatulan mo.
138 Iniutos mo ang (HZ)mga patotoo mo sa katuwiran
At totoong may pagtatapat.
139 Tinunaw ako ng (IA)aking sikap,
Sapagka't kinalimutan ng aking mga kaaway ang mga salita mo.
140 Ang salita mo'y (IB)totoong malinis;
Kaya't iniibig ito ng iyong lingkod.
141 Ako'y maliit at hinahamak:
Gayon ma'y hindi ko kinalilimutan ang mga tuntunin mo.
142 Ang katuwiran mo ay walang hanggang katuwiran,
At ang kautusan mo'y (IC)katotohanan.
143 Kabagabagan at kahirapan ay humawak sa akin:
Gayon ma'y ang mga utos mo'y aking kaaliwan.
144 Ang mga patotoo mo'y matuwid magpakailan man:
(ID)Bigyan mo ako ng unawa at mabubuhay ako.

COPH.

145 Ako'y tumawag ng aking buong puso; sagutin mo ako, Oh Panginoon:
Iingatan ko ang iyong mga palatuntunan.
146 Ako'y tumawag sa iyo; iligtas mo ako,
At aking tutuparin ang mga patotoo mo.
147 (IE)Ako'y nagpauna sa bukang-liwayway ng umaga, at dumaing ako:
Ako'y umasa sa iyong mga salita.
148 (IF)Ang mga mata ko'y nanguna sa mga pagpupuyat sa gabi,
Upang aking magunita ang salita mo.
149 Dinggin mo ang tinig ko ayon sa iyong kagandahang-loob:
(IG)Buhayin mo ako, Oh Panginoon, ayon sa iyong mga kahatulan.
150 Silang nagsisisunod sa kasamaan ay nagsisilapit;
Sila'y malayo sa iyong kautusan.
151 (IH)Ikaw ay malapit, Oh Panginoon; At (II)lahat mong utos ay katotohanan.
152 Nang una'y nakaunawa ako sa iyong mga patotoo,
Na iyong (IJ)pinamalagi magpakailan man.

RESH.

153 (IK)Pakundanganan mo ang aking kadalamhatian at iligtas mo ako;
Sapagka't hindi ko kinalilimutan (IL)ang iyong kautusan.
154 (IM)Ipaglaban mo ang aking usap, at iligtas mo ako:
Buhayin mo ako ayon sa iyong salita.
155 Kaligtasan ay (IN)malayo sa masama;
Sapagka't hindi nila hinahanap ang mga palatuntunan mo.
156 Dakila ang mga malumanay mong kaawaan, Oh Panginoon:
(IO)Buhayin mo ako ayon sa iyong mga kahatulan.
157 Marami ang mga manguusig sa akin at mga kaaway ko;
Gayon ma'y hindi ako humiwalay sa iyong mga patotoo.
158 Aking namasdan ang mga magdarayang manggagawa at (IP)ako'y namanglaw;
Sapagka't hindi nila sinusunod ang salita mo.
159 Dilidilihin mo kung gaano iniibig ko ang mga utos mo:
Buhayin mo ako, Oh Panginoon, ayon sa iyong kagandahang-loob.
160 Ang kabuoan ng iyong salita ay katotohanan;
At bawa't isa ng iyong matutuwid na kahatulan ay magpakailan man.

SIN.

161 Inusig ako (IQ)ng mga pangulo ng walang kadahilanan;
Nguni't ang puso ko'y nanginginig sa iyong mga salita.
162 Ako'y nagagalak sa iyong salita,
(IR)Na parang nakakasumpong ng malaking samsam.
163 Aking pinagtataniman at kinasusuklaman ang pagsisinungaling;
Nguni't ang kautusan mo'y aking iniibig.
164 Makapito sa isang araw na pumupuri ako sa iyo,
Dahil sa iyong matutuwid na kahatulan.
165 (IS)Dakilang kapayapaan ang tinatamo nila na nagsisiibig ng iyong kautusan.
At sila'y walang kadahilanang ikatitisod.
166 Ako'y umasa sa (IT)iyong pagliligtas, Oh Panginoon.
At ginawa ko ang mga utos mo.
167 Sinunod ng aking kaluluwa ang mga patotoo mo;
At iniibig kong mainam,
168 Aking tinupad ang iyong mga tuntunin at ang iyong mga patotoo;
(IU)Sapagka't lahat ng aking lakad ay nasa harap mo.

TAU.

169 Dumating nawa sa harap mo ang aking daing, Oh Panginoon:
Bigyan mo ako ng unawa ayon sa iyong salita.
170 Dumating nawa sa harap mo ang aking pamanhik:
Iligtas mo ako ayon sa iyong salita.
171 Tulutang magbadya ng pagpuri ang (IV)aking mga labi;
Sapagka't itinuturo mo sa akin ang iyong mga palatuntunan.
172 Awitin ng aking dila ang iyong salita;
Sapagka't lahat ng mga utos mo ay katuwiran.
173 Magsihanda nawa ang iyong kamay na tulungan ako;
Sapagka't aking pinili ang (IW)iyong mga tuntunin.
174 Aking pinanabikan ang iyong pagliligtas, Oh Panginoon:
At ang (IX)iyong kautusan ay aking kaaliwan.
175 Mabuhay nawa ang aking kaluluwa, at pupuri sa iyo;
At tulungan nawa ako ng iyong mga kahatulan.
176 (IY)Ako'y naligaw na parang tupang nawala; hanapin mo ang iyong lingkod;
Sapagka't hindi ko kinalilimutan ang iyong mga utos.

Panalangin sa pagliligtas mula sa mga sucab. (IZ)Awit sa mga Pagsampa.

120 Sa aking kahirapan ay (JA)dumaing ako sa Panginoon,
At sinagot niya ako.
Iligtas mo ang aking kaluluwa, Oh Panginoon, sa mga sinungaling na labi,
At mula sa magdarayang dila.
Anong maibibigay sa iyo, at anong magagawa pa sa iyo,
Ikaw na magdarayang dila?
Mga hasang pana ng makapangyarihan,
At mga baga ng enebro.
Sa aba ko, na nakikipamayan sa (JB)Mesech,
Na (JC)tumatahan ako sa mga tolda sa Kedar!
Malaon ng tinatahanan ng aking kaluluwa
Na kasama niyang nagtatanim sa kapayapaan.
Ako'y sa kapayapaan:
Nguni't pagka ako'y nagsasalita, sila'y sa pakikidigma.

Ang Panginoon ang tagapagingat ng kaniyang bayan. Awit sa mga Pagsampa.

121 Ititingin ko ang aking mga mata sa (JD)mga bundok;
Saan baga manggagaling ang aking saklolo?
(JE)Ang saklolo sa akin ay nanggagaling sa Panginoon,
Na gumawa ng langit at lupa.
(JF)Hindi niya titiising ang paa mo'y makilos:
Siyang nagiingat sa iyo, ay (JG)hindi iidlip.
Narito, siyang nagiingat ng Israel
Hindi iidlip ni matutulog man.
Ang Panginoon ay tagapagingat sa iyo:
Ang Panginoon ay (JH)lilim mo sa iyong kanan.
Hindi ka sasaktan (JI)ng araw sa araw,
Ni ng buwan man sa gabi.
Iingatan ka ng Panginoon sa lahat ng kasamaan;
Kaniyang (JJ)iingatan ang iyong kaluluwa.
(JK)Iingatan ng Panginoon ang iyong paglabas at ang iyong pagpasok,
Mula sa panahong ito at sa magpakailan pa man.

Panalangin para sa katiwasayan ng Jerusalem. Awit sa mga Pagsampa; ni David.

122 Ako'y natutuwa nang kanilang sabihin sa akin,
Tayo'y magsiparoon (JL)sa bahay ng Panginoon.
Ang mga paa natin ay nagsisitayo
Sa loob ng iyong mga pintuang-bayan, Oh Jerusalem;
Jerusalem, na natayo
Na parang bayang (JM)siksikan:
(JN)Na inaahon ng mga lipi, sa makatuwid baga'y ng mga lipi ng Panginoon,
(JO)Na pinaka patotoo sa Israel,
Upang magpasalamat sa pangalan ng Panginoon.
(JP)Sapagka't doo'y nalagay ang mga luklukan na ukol sa kahatulan,
Ang mga luklukan ng sangbahayan ni David.
(JQ)Idalangin ninyo ang kapayapaan ng Jerusalem:
Sila'y magsisiginhawa na nagsisiibig sa iyo.
Kapayapaan nawa ang sumaloob ng inyong mga kuta,
At kaginhawahan sa loob ng iyong mga palasio.
Dahil sa aking mga kapatid at aking mga kasama,
Aking sasabihin ngayon,
(JR)Kapayapaan ang sumaiyong loob.
Dahil sa bahay ng Panginoon nating Dios.
(JS)Hahanapin ko ang iyong buti.

Ang panalangin na umaasa sa tulong ng Panginoon. Awit sa mga Pagsampa.

123 Sa iyo'y (JT)aking itinitingin ang mga mata ko,
Oh sa iyo (JU)na nauupo sa mga langit.
Narito, kung paanong tumitingin ang mga mata ng mga alipin sa kamay ng kanilang panginoon,
Kung paano ang mga mata ng alilang babae sa kamay ng kaniyang panginoong babae;
Gayon tumitingin ang mga mata namin sa Panginoon naming Dios,
Hanggang sa siya'y maawa sa amin.
Maawa ka sa amin, Oh Panginoon, maawa ka sa amin:
Sapagka't kami ay lubhang lipos ng (JV)kadustaan.
Ang aming kaluluwa'y lubhang lipos
(JW)Ng duwahagi ng mga (JX)tiwasay.
At ng paghamak ng palalo.

Pagpuri dahil sa pagliligtas laban sa kaaway. Awit sa mga Pagsampa; ni David.

124 (JY)Kung hindi ang Panginoon ay naging kakampi natin,
(JZ)Sabihin ng Israel ngayon,
Kung hindi ang Panginoon ay naging kakampi natin,
Nang ang mga tao ay magsibangon laban sa atin:
Nilamon nga nila sana (KA)tayong buháy,
Nang ang kanilang poot ay mangagalab laban sa atin:
Tinabunan nga sana tayo (KB)ng tubig,
Dinaanan nga sana ang ating kaluluwa ng agos:
Dinaanan nga sana ang ating kaluluwa ng mga palalong tubig.
Purihin ang Panginoon,
Na hindi tayo ibinigay na pinaka huli sa kanilang mga ngipin.
(KC)Ang kaluluwa natin ay nakatanan na parang ibon sa silo ng mga manghuhuli:
Ang silo ay nasira, at tayo ay nakatanan.
(KD)Ang saklolo natin ay nasa pangalan ng Panginoon,
Na siyang gumawa ng langit at lupa.

Ang Panginoon ay laging sumasa kaniyang bayan. Awit sa mga Pagsampa.

125 Silang nagsisitiwala sa Panginoon
Ay parang bundok ng Sion, na hindi maaaring makilos, kundi nananatili magpakailan man.
Kung paanong ang mga bundok na nangasa palibot ng Jerusalem,
Gayon ang Panginoon sa palibot ng kaniyang bayan,
Mula sa panahong ito at sa magpakailan man.
Sapagka't ang cetro ng kasamaan ay (KE)hindi bubuhatin sa (KF)mga matuwid;
Upang huwag iunat ng mga matuwid ang kanilang mga kamay sa kasamaan.
Gawan mo ng mabuti, Oh Panginoon, yaong mabubuti,
At yaong matutuwid sa kanilang mga puso.
Nguni't sa (KG)nagsisiliko sa kanilang mga likong lakad,
Ilalabas ng Panginoon na kasama ng mga manggagawa ng kasamaan.
(KH)Kapayapaan nawa ay suma Israel.

Pagpapasalamat dahil sa pagkakabalik mula sa pagkabihag. Awit sa mga Pagsampa

126 Nang dalhin muli ng Panginoon yaong nangagbalik sa Sion,
(KI)Tayo ay gaya niyaong nangananaginip.
(KJ)Nang magkagayo'y napuno ang bibig natin ng pagtawa,
At ang dila natin ng awit:
Nang magkagayo'y sinabi nila sa gitna ng mga bansa,
Ginawan sila ng Panginoon ng mga (KK)dakilang bagay.
Ginawan tayo ng Panginoon ng mga dakilang bagay;
Na siyang ating ikinatutuwa.
Papanumbalikin mo uli ang aming nangabihag, Oh Panginoon,
Na gaya ng mga batis sa Timugan.
(KL)Sila na nagsisipaghasik na may luha ay magsisiani na may kagalakan.
Siyang lumalabas at umiiyak, na nagdadala ng binhing itatanim;
Siya'y di sasalang babalik na may kagalakan, na dala ang kaniyang mga tangkas.

Ang pananagana ay nagmumula sa Panginoon. Awit sa mga Pagsampa; ni Salomon.

127 Malibang itayo ng Panginoon ang bahay,
Walang kabuluhang nagsisigawa ang nagtatayo:
(KM)Malibang ingatan ng Panginoon ang bayan,
Walang kabuluhang gumigising ang bantay.
Walang kabuluhan sa inyo na kayo'y magsibangong maaga,
At magpahingang tanghali,
(KN)At magsikain ng tinapay ng kapagalan:
Sapagka't binibigyan niyang gayon ng pagkakatulog ang kaniyang minamahal.
(KO)Narito, ang mga anak ay mana na mula sa Panginoon:
At ang bunga ng bahay-bata ay kaniyang ganting-pala.
Kung paano ang mga pana sa kamay ng makapangyarihang lalake,
Gayon ang mga anak ng kabataan.
Maginhawa ang lalake na pumuno ng kaniyang lalagyan ng pana ng mga yaon:
Sila'y hindi mapapahiya,
Pagka sila'y (KP)nakikipagsalitaan sa kanilang mga kaaway sa (KQ)pintuang-bayan.

Ang kapalaran ng katakutan sa Panginoon. Awit sa mga Pagsampa.

128 Mapalad ang (KR)bawa't isa na natatakot sa Panginoon,
Na lumalakad sa kaniyang mga daan.
(KS)Sapagka't iyong kakanin ang gawa ng iyong mga kamay:
Magiging maginhawa ka, at ikabubuti mo.
Ang asawa mo'y magiging (KT)parang mabungang puno ng ubas,
Sa mga pinaka-loob ng iyong bahay:
Ang mga anak mo'y (KU)parang mga puno ng olibo, Sa palibot ng iyong dulang.
Narito, na ganito nawa pagpalain ang tao,
Na natatakot sa Panginoon.
(KV)Pagpapalain ka ng Panginoon mula sa Sion:
At iyong makikita ang buti ng Jerusalem sa lahat na kaarawan ng iyong buhay.
Oo, iyong (KW)makikita ang mga (KX)anak ng iyong mga anak.
Kapayapaan nawa'y suma Israel.

Panalangin upang malupig ang kaaway ng Sion. Awit sa mga Pagsampa.

129 Madalas na ako'y dinalamhati nila mula sa (KY)aking kabataan,
(KZ)Sabihin ngayon ng Israel,
Madalas na ako'y dinalamhati nila mula sa aking kabataan:
(LA)Gayon ma'y hindi sila nanganaig laban sa akin.
Ang mga mangaararo ay nagsiararo (LB)sa aking likod;
Kanilang pinahaba ang kanilang bungkal.
Ang Panginoon ay matuwid:
Kaniyang pinutol ang mga (LC)panali ng masama.
Mapahiya sila at magsitalikod,
Silang lahat na nangagtatanim ng loob sa Sion.
Sila'y maging (LD)parang damo sa mga bubungan,
Na natutuyo bago lumaki:
Na hindi pinupuno ng manggagapas ang kaniyang kamay niyaon,
Ni siyang nagtatali man ng mga bigkis, ang kaniyang sinapupunan.
Hindi man sinasabi ng nagsisipagdaan,
(LE)Ang pagpapala ng Panginoon, ay sumainyo nawa;
Binabasbasan namin kayo sa pangalan ng Panginoon.

Pagasa sa pagpapatawad ng Panginoon. Awit sa mga Pagsampa.

130 Mula sa (LF)mga kalaliman ay dumaing ako sa iyo, Oh Panginoon.
Panginoon, dinggin mo ang aking tinig:
Pakinggan ng iyong mga pakinig
Ang tinig ng aking mga pamanhik.
Kung ikaw, Panginoon, (LG)magtatanda ng mga kasamaan,
Oh Panginoon, sinong (LH)tatayo?
Nguni't may (LI)kapatawarang taglay ka,
(LJ)Upang ikaw ay katakutan.
(LK)Aking hinihintay ang Panginoon, hinihintay ng aking kaluluwa,
At (LL)sa kaniyang salita ay umaasa ako.
Hinihintay ng (LM)aking kaluluwa ang Panginoon,
Ng higit kay sa paghihintay ng bantay sa umaga;
Oo, higit kay sa bantay sa umaga.
Oh Israel, (LN)umasa ka sa Panginoon;
Sapagka't sa Panginoon ay may kagandahang-loob.
(LO)At kaniyang tutubusin ang Israel
Sa lahat niyang kasamaan.

Wagas na pagtitiwala sa Panginoon. Awit sa mga Pagsampa; ni David.

131 Panginoon, hindi hambog ang (LP)aking puso, ni mayabang man ang aking mga mata;
(LQ)Ni nagsasanay man ako sa mga dakilang bagay,
O sa mga bagay na totoong kagilagilalas sa akin.
Tunay na aking itiniwasay at itinahimik ang aking kaluluwa;
(LR)Parang batang inihiwalay sa suso sa kaniyang ina,
Ang kaluluwa ko ay parang inihiwalay na bata sa suso.
(LS)Oh Israel, umasa ka sa Panginoon
Mula sa panahong ito at sa magpakailan pa man.

Panalangin upang basbasan ng Panginoon ang Santuario. Awit sa mga Pagsampa.

132 Panginoon, alalahanin mo para kay David
Ang lahat niyang kadalamhatian;
Kung paanong (LT)sumumpa siya sa Panginoon,
At nanata sa (LU)Makapangyarihan ni Jacob:
Tunay na hindi ako papasok sa tabernakulo ng aking bahay,
Ni sasampa man sa aking higaan,
(LV)Hindi ako magbibigay ng pagkakatulog sa aking mga mata,
O magpapaidlip man sa aking mga talukap-mata;
(LW)Hanggang sa ako'y makasumpong ng dakong ukol sa Panginoon,
Ng tabernakulo ukol sa Makapangyarihan ni Jacob.
Narito, (LX)narinig namin (LY)sa Ephrata:
Aming nasumpungan sa mga parang ng gubat.
Kami ay magsisipasok sa kaniyang tabernakulo;
Kami ay magsisisamba sa harap ng kaniyang tungtungan.
(LZ)Bumangon ka, Oh Panginoon, sa iyong pahingahang dako:
Ikaw, at ang kaban ng iyong kalakasan.
(MA)Magsipagsuot ang iyong mga saserdote ng katuwiran;
At magsihiyaw ang iyong mga banal dahil sa kagalakan.
10 Dahil sa iyong lingkod na kay David
Huwag mong ipihit ang mukha ng (MB)iyong pinahiran ng langis.
11 Ang Panginoon ay sumumpa kay David sa katotohanan;
Hindi niya babaligtarin:
(MC)Ang bunga ng iyong katawan ay aking ilalagay sa iyong luklukan.
12 Kung iingatan ng iyong mga anak ang aking tipan.
At ang aking patotoo na aking ituturo,
Magsisiupo naman ang kanilang mga anak sa iyong luklukan magpakailan man.
13 Sapagka't pinili ng Panginoon ang Sion;
Kaniyang ninasa na pinaka tahanan niya.
14 Ito'y aking pahingahang dako magpakailan man.
Dito ako (MD)tatahan; sapagka't aking ninasa.
15 Aking pagpapalain siyang sagana sa pagkain;
Aking bubusugin ng pagkain ang kaniyang dukha.
16 (ME)Ang kaniya namang mga saserdote ay susuutan ko ng kaligtasan:
At ang kaniyang mga banal ay magsisihiyaw ng malakas sa kagalakan.
17 (MF)Doo'y aking pamumukuhin ang sungay ni David:
Aking ipinaghanda ng ilawan ang aking (MG)pinahiran ng langis.
18 Ang kaniyang mga kaaway ay susuutan ko ng kahihiyan:
Nguni't sa kaniya'y mamumulaklak ang kaniyang putong.

Ang kabutihan ng pagkakaisang parang magkakapatid. Awit sa mga Pagsampa; ni David.

133 Masdan ninyo, na pagkabuti at pagkaligaya
Sa mga magkakapatid na (MH)magsitahang magkakasama sa pagkakaisa!
Parang (MI)mahalagang langis (MJ)sa ulo,
Na tumutulo sa balbas,
Sa makatuwid baga'y sa balbas ni Aaron.
Na tumulo sa laylayan ng kaniyang mga suot;
Gaya ng hamog sa (MK)Hermon,
Na tumutulo sa mga (ML)bundok ng Sion:
Sapagka't (MM)doon pinarating ng Panginoon ang pagpapala,
Sa makatuwid baga'y ang buhay na magpakailan pa man.

Pagbabatian ng mga bantay sa gabi. Awit sa mga Pagsampa.

134 Narito, purihin ninyo ang Panginoon, ninyong lahat na lingkod ng Panginoon.
(MN)Ninyong (MO)nagsisitayo sa kinagabihan sa bahay ng Panginoon.
(MP)Itaas ninyo ang inyong mga kamay sa dakong santuario,
At purihin ninyo ang Panginoon.
(MQ)Pagpalain ka nawa ng Panginoon mula sa Sion;
Sa makatuwid baga'y niyaong gumawa ng langit at lupa.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978