Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Read the New Testament in 24 Weeks

A reading plan that walks through the entire New Testament in 24 weeks of daily readings.
Duration: 168 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Efeso 3-4

Dahil dito, akong si Pablo, na bilanggo ni Cristo Jesus dahil sa inyong mga Gentil,—

Kung tunay na inyong narinig (A)yaong pagiging katiwala sa biyaya ng Dios na sa akin ay ibinigay sa ikagagaling ninyo;

(B)Kung paanong sa pahayag ay ipinakilala (C)sa akin ang hiwaga, (D)gaya ng isinulat ko nang una sa ilang salita.

Sa pamamagitan niyaon, sa pagbasa ninyo, ay inyong mapagtatalastas ang aking pagkakilala (E)sa hiwaga ni Cristo;

Na nang ibang panahon ay hindi ipinakilala sa mga anak ng mga tao, na (F)gaya ngayon na ipinahayag sa kaniyang mga banal na apostol at propeta sa Espiritu;

Na ang mga Gentil (G)ay mga tagapagmana, at mga (H)kasangkap ng katawan, at mga may bahagi sa pangako na kay Cristo Jesus sa pamamagitan ng evangelio,

(I)Na dito'y ginawa akong ministro, ayon sa kaloob ng biyayang yaon ng Dios na sa akin ay ibinigay (J)ayon sa paggawa ng kaniyang kapangyarihan.

Sa akin, na ako (K)ang kababababaan sa lahat ng lalong mababa sa mga banal, ay ibinigay ang biyayang ito, upang ipangaral sa mga Gentil ang mga di malirip na mga (L)kayamanan ni Cristo;

At (M)maipakita sa lahat ng mga tao kung ano ang pagiging katiwala sa hiwaga na sa lahat ng panahon ay inilihim ng Dios (N)na lumalang ng lahat ng mga bagay;

10 Upang ngayo'y sa pamamagitan ng iglesia, ay maipakikilala sa mga pamunuan at sa (O)mga kapangyarihan (P)sa sangkalangitan ang kapuspusan ng karunungan ng Dios,

11 (Q)Ayon sa panukalang walang hanggan na ipinanukala kay Cristo Jesus na Panginoon natin:

12 Na sa kaniya'y mayroon tayong lakas ng loob at (R)pagpasok (S)na may pagasa sa pamamagitan (T)ng ating pananampalataya sa kaniya.

13 Kaya nga ipinamamanhik ko (U)na huwag kayong manglupaypay sa mga kapighatian ko dahil sa inyo, (V)na pawang kapurihan ninyo.

14 (W)Dahil dito (X)ay iniluluhod ko ang aking mga tuhod sa Ama,

15 Na sa kaniya'y kumukuha ng pangalan (Y)ang bawa't sangbahayan sa langit at sa lupa,

16 Upang sa inyo'y ipagkaloob niya, ayon sa mga (Z)kayamanan ng kaniyang kaluwalhatian, (AA)na kayo'y palakasin ng kapangyarihan sa pamamagitan ng kaniyang Espiritu sa pagkataong loob;

17 Na si Cristo ay manahan sa inyong mga puso (AB)sa pamamagitan ng pananampalataya; upang (AC)kung kayo'y magugat at magtumibay sa pagibig.

18 Ay lumakas upang matalastas pati ng lahat ng mga banal kung ano ang luwang at ang haba at ang taas at lalim,

19 At makilala ang pagibig ni Cristo na di masayod ng kaalaman, upang kayo'y (AD)mangapuspos hanggang sa buong kapuspusan ng Dios.

20 Ngayon sa makapangyarihang (AE)gumawa ng lubhang sagana ng higit sa lahat ng ating hinihingi o iniisip, (AF)ayon sa kapangyarihang gumagawa sa atin,

21 Ay sumakaniya nawa ang kaluwalhatian sa iglesia at kay Cristo Jesus sa buong panahon magpakailan man. Siya nawa.

Namamanhik nga (AG)sa inyo akong (AH)bilanggo sa Panginoon, na kayo'y magsilakad ng nararapat sa pagkatawag na sa inyo'y itinawag,

Ng buong kapakumbabaan (AI)at kaamuan, na may pagpapahinuhod, na mangagbatahan kayo-kayo sa pagibig;

Na pagsakitan ninyong ingatan ang pakikipagkaisa sa Espiritu (AJ)sa tali ng kapayapaan.

May (AK)isang katawan, at (AL)isang Espiritu, gaya naman ng pagkatawag sa inyo sa isang (AM)pagasa ng pagtawag sa inyo;

Isang (AN)Panginoon, (AO)isang pananampalataya, isang bautismo,

(AP)Isang Dios at Ama ng lahat, na siyang (AQ)sumasa ibabaw sa lahat, at sumasa lahat, at nasa lahat.

Datapuwa't (AR)ang bawa't isa sa atin ay binigyan ng biyaya ayon sa sukat na kaloob ni Cristo.

Kaya't sinasabi niya,

(AS)Nang umakyat siya sa itaas ay dinala niyang bihag ang pagkabihag,
At nagbigay ng mga kaloob sa mga tao.

(Ngayon ito, Umakyat Siya, ano ito, kundi siya'y bumaba rin naman sa (AT)mga dakong kalaliman ng lupa?

10 Ang bumaba ay siya rin namang (AU)umakyat (AV)sa kaitaasan ng buong sangkalangitan, (AW)upang kaniyang mapuspos ang lahat ng mga bagay.)

11 At pinagkalooban niya ang mga iba na maging (AX)mga apostol; at ang mga iba'y propeta; at ang mga iba'y (AY)evangelista; at ang mga iba'y (AZ)pastor at (BA)mga guro;

12 Sa ikasasakdal ng mga banal, sa gawaing paglilingkod sa ikatitibay (BB)ng katawan ni Cristo:

13 Hanggang sa abutin nating lahat ang pagkakaisa ng pananampalataya, at ang pagkakilala sa Anak ng Dios, hanggang sa lubos na paglaki ng tao, hanggang sa sukat ng pangangatawan ng (BC)kapuspusan ni Cristo:

14 Upang tayo'y huwag nang maging (BD)mga bata pa, (BE)na napapahapay dito't doon at dinadala sa magkabikabila ng lahat na hangin ng aral, sa pamamagitan ng mga daya ng mga tao, sa katusuhan, ayon sa mga lalang ng kamalian;

15 Kundi sa pagsasalita ng katotohanan na may pagibig, (BF)ay mangagsilaki sa lahat ng mga bagay sa kaniya, na siyang pangulo, sa makatuwid baga'y si Cristo;

16 Na dahil sa kaniya'y ang buong katawan (BG)na nakalapat na mabuti at nagkakalakip sa pamamagitan ng tulong ng bawa't kasukasuan, ayon sa paggawang nauukol sa bawa't iba't ibang sangkap, ay nagpapalaki sa katawan sa ikatitibay ng kaniyang sarili sa pagibig.

17 Ito nga ang sinasabi ko, at sinasaksihan sa Panginoon, (BH)na kayo'y hindi na nagsisilakad pa na gaya naman ng lakad ng mga Gentil, (BI)sa pagpapalalo sa kanilang pagiisip,

18 Na sa kadiliman ng kanilang pagiisip, (BJ)ay nangahiwalay sa buhay ng Dios, dahil sa (BK)kahangalang nasa kanila, dahil sa pagmamatigas ng kanilang puso;

19 Na sila (BL)sa (BM)di pagkaramdam ng kahihiyan ay napahikayat sa kalibugan, upang kalakalin ang lahat ng karumihan ng buong kasakiman.

20 Nguni't kayo'y hindi nangatuto ng ganito kay Cristo;

21 Kung tunay na siya'y inyong pinakinggan, (BN)at kayo'y tinuruan sa kaniya, gaya ng katotohanan na kay Jesus.

22 At (BO)inyong iwan, (BP)tungkol sa (BQ)paraan ng inyong pamumuhay na nakaraan, (BR)ang dating pagkatao, na sumama ng sumama ayon sa mga kahalayan ng pagdaraya;

23 At (BS)kayo'y mangagbago sa espiritu ng inyong pagiisip,

24 At kayo'y mangagbihis (BT)ng bagong pagkatao, na ayon sa Dios ay nilalang sa katuwiran at sa kabanalan ng katotohanan.

25 Kaya nga, pagkatakuwil ng kasinungalingan, (BU)ay magsasalita ang bawa't isa sa inyo ng katotohanan sa kaniyang kapuwa: sapagka't tayo'y (BV)mga sangkap na isa't isa sa atin.

26 Kayo'y mangagalit (BW)at huwag kayong mangakasala: huwag lumubog ang araw sa inyong galit:

27 Ni bigyan daan man ang diablo.

28 Ang nagnanakaw ay huwag nang magnakaw pa: bagkus magpagal, (BX)na igawa ang kaniyang mga kamay ng mabuting bagay, (BY)upang siya'y may maibigay sa nangangailangan.

29 (BZ)Anomang salitang mahalay ay huwag lumabas sa inyong bibig, kundi ang mabuting ikatitibay ayon sa pangangailangan, upang makinabang ng (CA)biyaya ang mga nagsisipakinig.

30 At (CB)huwag ninyong pighatiin ang Espiritu Santo ng Dios, (CC)na sa kaniya kayo'y tinatakan hanggang sa kaarawan ng (CD)pagkatubos.

31 Ang lahat ng kapaitan, (CE)at kagalitan, at pagkakaalit, at kadaldalan, at panglilibak, ay mangaalis nawa sa inyo, pati ng lahat ng masasamang akala:

32 At (CF)magmagandang-loob kayo sa isa't isa, mga mahabagin, (CG)na mangagpatawaran kayo sa isa't isa, gaya naman ng pagpapatawad sa inyo ng Dios kay Cristo.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978