Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Read the New Testament in 24 Weeks

A reading plan that walks through the entire New Testament in 24 weeks of daily readings.
Duration: 168 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
2 Corinto 7-9

(A)Yamang taglay natin ang mga pangakong ito, mga minamahal, (B)ay magsipaglinis tayo sa lahat ng karumihan ng laman at ng espiritu, na pakasakdalin ang kabanalan sa takot sa Dios.

Buksan ninyo sa amin ang inyong mga puso: (C)hindi namin inapi ang sinoman, hindi namin ipinasama ang sinoman, (D)hindi namin dinaya ang sinoman.

Hindi ko sinasabi ito upang kayo'y hatulan: sapagka't (E)sinabi ko na nang una, na kayo'y nasa aming mga puso upang magkasamang mamatay at magkasamang mabuhay.

Malaki ang (F)katapangan ko ng pagsasalita sa inyo, malaki ang aking kapurihan dahil sa inyo: (G)ako'y puspos ng kaaliwan, (H)nananagana sa katuwaan sa lahat ng aming kapighatian.

Sapagka't nagsidating (I)man kami sa Macedonia ang aming laman ay hindi nagkaroon ng katiwasayan, kundi (J)sa lahat kami ay pinipighati; sa labas ay mga pagbabaka, sa loob ay mga katakutan.

Gayon man ang (K)Dios na umaaliw sa mabababang-loob, ay kami'y inaliw (L)sa pamamagitan ng pagdating ni (M)Tito;

At hindi lamang sa kaniyang pagdating, kundi naman sa kaaliwan ng inialiw sa kaniya dahil sa inyo, nang sa amin ay ibalita niya ang inyong pananabik, ang inyong kalumbayan, ang inyong pagmamalasakit dahil sa akin; ano pa't ako'y lubha pang nagalak.

Sapagka't (N)bagaman ako'y nakapagpalumbay sa inyo sa aking sulat, ay hindi ko dinaramdam: bagama't aking dinamdam (sapagka't akin ngang natatalastas na ang sulat na yaon ay nakapagpalumbay sa inyo, bagama't sa maikling panahon lamang),

Ngayo'y nagagalak ako, hindi dahil sa inyong pagkalumbay, kundi dahil sa inyong mga pagkalumbay na ikapagsisisi; sapagka't kayo'y pinalumbay sa paraang ukol sa Dios, upang sa anoman ay huwag kayong mangagkaroon ng kalugihan dahil sa amin.

10 Sapagka't (O)ang kalumbayang mula sa Dios, ay gumagawa ng (P)pagsisisi sa ikaliligtas, (Q)na hindi ikalulungkot: datapuwa't ang kalumbayang ayon sa sanglibutan ay ikamamatay.

11 Narito nga, ito rin ang inyong ikinalulumbay na mula sa Dios, gaanong sikap na pagiingat ang sa inyo'y ginawa, oo't gaanong pagtatanggol ng inyong sarili, oo't gaanong pagkagalit, oo't (R)gaanong katakutan, oo't gaanong pananabik, oo't gaanong pagmamalasakit, oo't gaanong (S)paghihiganti! Sa lahat ay napakita kayong dalisay (T)sa bagay na ito.

12 Kaya nga, bagama't ako'y sumulat sa inyo, ay hindi dahil doon sa gumawa ng kamalian, ni (U)dahil doon sa nagbata ng kamalian, (V)kundi upang maihayag sa inyo ang inyong masikap na pagiingat sa amin sa harapan ng Dios.

13 Kaya't kami'y pawang nangaaliw: at sa aming pagkaaliw ay bagkus pang nangagalak kami dahil sa kagalakan ni (W)Tito, sapagka't ang kaniyang espiritu ay inaliw ninyong lahat.

14 Sapagka't (X)kung ako ay nagmapuri ng anoman sa kaniya dahil sa inyo, ay hindi ako nahiya; datapuwa't kung paanong sinabi namin ang lahat ng mga bagay sa inyo sa katotohanan, ay gayon din naman ang aming pagmamapuri na ginawa ko sa harap ni Tito ay nasumpungang totoo.

15 At ang kaniyang (Y)pagibig ay lubha pang nanagana sa inyo, samantalang naaalaala niya (Z)ang pagtalima ninyong lahat, kung paanong siya'y tinanggap ninyo na may takot at panginginig.

16 Ako'y nagagalak na sa lahat ng mga bagay ay mayroon akong lubos na pagtitiwala sa inyo.

Bukod dito, mga kapatid, ay ipinatatalastas namin sa inyo ang biyaya ng Dios na ipinagkaloob sa mga iglesia ng (AA)Macedonia;

Kung paanong sa maraming pagsubok sa kapighatian ang kasaganaan ng kanilang katuwaan at ang kanilang malabis na karukhaan ay sumagana sa kayamanan ng kanilang kagandahang-loob.

Sapagka't ayon sa kanilang kaya, ay nagpapatotoo ako at higit pa sa kanilang kaya, ay nagsiabuloy sila sa sariling kalooban,

Na lubhang ipinamamanhik sa amin ang tungkol sa biyayang ito at (AB)sa pakikisama (AC)sa pangangasiwa ng mga abuloy sa mga banal:

At ito, ay hindi ayon sa aming inaasahan, kundi ibinigay muna nila ang kanilang sarili sa Panginoon, at sa amin sa pamamagitan ng kalooban ng Dios.

Ano pa't (AD)namanhik kami kay (AE)Tito, na yamang siya'y nagpasimula nang una, ay siya na rin ang gumanap sa inyo ng biyayang ito.

Datapuwa't yamang kayo'y nagsisisagana (AF)sa lahat ng mga bagay, sa pananampalataya, at pananalita, at kaalaman, at sa buong kasipagan, at sa inyong pagibig sa amin ay magsisagana naman kayo sa biyayang ito.

Hindi ako nangungusap na tulad sa naguutos, (AG)kundi gaya ng sumusubok sa pamamagitan ng kasipagan ng iba ang katapatan naman ng inyong pagibig.

Sapagka't nalalaman ninyo ang biyaya ng ating Panginoong Jesucristo, (AH)na, bagaman siya'y mayaman, gayon ma'y nagpakadukha dahil sa inyo, upang sa pamamagitan ng kaniyang karukhaan (AI)ay magsiyaman kayo.

10 At sa ganito'y (AJ)ibinibigay ko ang aking pasiya: sapagka't ito'y nararapat sa inyo, na naunang (AK)nangagpasimula na (AL)may isang taon na, hindi lamang sa paggawa, kundi naman sa pagnanais.

11 Datapuwa't ngayo'y tapusin din naman ninyo ang paggawa; upang kung paanong nagkaroon ng sikap ng pagnanais, ay gayon din namang magkaroon ng pagkatapos ayon sa inyong kaya.

12 Sapagka't (AM)kung may sikap, ay tinatanggap ayon sa tinataglay, hindi ayon sa di tinataglay.

13 Sapagka't hindi ko sinasabi ito upang ang mga iba ay magaanan at kayo'y mabigatan;

14 Kundi ayon sa pagkakapantay-pantay: ang inyong kasaganaan ay naging abuloy sa panahong ito (AN)sa kanilang kakulangan, upang ang kanilang kasaganaan naman ay maging abuloy sa inyong kailangan; upang magkaroon ng pagkakapantaypantay.

15 Gaya ng nasusulat, (AO)Ang nagtipon ng marami ay hindi naglabis; at ang nagtipon ng kaunti ay hindi kinulang.

16 Datapuwa't salamat sa Dios, na naglalagay sa puso ni Tito niyaong masikap na pagiingat sa inyo.

17 Sapagka't tunay na tinanggap niya (AP)ang aming pamanhik, nguni't palibhasa'y lubha siyang masikap, ay napariyan sa inyo sa kaniyang sariling kalooban.

18 At sinugo naming kasama niya (AQ)ang kapatid na ang kaniyang kapurihan sa evangelio ay sa (AR)lahat ng mga iglesia;

19 At hindi lamang gayon, kundi siya naman ang (AS)inihalal ng mga iglesia na maglakbay na kasama namin tungkol sa biyayang ito, na pinangangasiwaan namin (AT)sa ikaluluwalhati ng Panginoon, at upang ipamalas ang aming sikap:

20 Na iniilagan ito, na sinoma'y huwag kaming sisihin tungkol sa abuloy na ito na aming pinangangasiwaan:

21 Sapagka't iniisip namin ang mga bagay na (AU)kapuripuri, hindi lamang sa paningin ng Panginoon, kundi naman sa paningin ng mga tao.

22 At aming sinugong kasama nila ang aming kapatid, na aming nasubok na madalas na masikap sa maraming bagay, datapuwa't ngayon ay lalo nang masikap, (AV)dahil sa malaking pagkakatiwala niya sa inyo.

23 Kung may magsiyasat tungkol kay Tito, siya'y aking kasama at kamanggagawa sa pagpapagal sa inyo; o sa (AW)aming mga kapatid, sila'y mga sugo ng mga iglesia, at kaluwalhatian ni Cristo.

24 Inyo ngang ipakita sa kanila (AX)sa harapan ng mga iglesia ang katunayan ng (AY)inyong pagibig, at ng (AZ)aming pagmamapuri dahil sa inyo.

Sapagka't (BA)tungkol sa pangangasiwa ng mga abuloy sa (BB)mga banal, ay kalabisan na sa akin ang isulat ko pa.

Sapagka't nakikilala ko ang (BC)inyong sikap, (BD)na aking ipinagmamapuri tungkol sa inyo sa mga taga Macedonia, na ang (BE)Acaya ay nahahandang (BF)isang taon na; at ang inyong pagsisikap ay nakapagudyok sa lubhang marami sa kanila.

Datapuwa't sinugo ko (BG)ang mga kapatid, upang ang aming pagmamapuri dahil sa inyo ay huwag mawalan ng kabuluhan sa bagay na ito; na, ayon sa aking sinabi, kayo'y mangakapaghanda:

Baka sakaling sa anomang paraan (BH)kung magsirating na kasama ko ang ilang taga Macedonia at kayo'y maratnang hindi nangahahanda, kami (upang huwag sabihing kayo) ay mangapahiya sa pagkakatiwalang (BI)ito.

Iniisip ko ngang kailangang ipamanhik sa mga kapatid, na mangaunang pumariyan sa inyo, at ihanda agad ang inyong abuloy na ipinangako nang una, upang ito'y maihanda na gaya ng abuloy, at hindi gaya ng sapilitan.

Datapuwa't sinasabi ko, (BJ)Ang naghahasik ng bahagya na ay magaani namang bahagya na; at ang naghahasik na sagana ay magaani namang sagana.

Magbigay ang bawa't isa ayon sa ipinasiya ng kaniyang puso: huwag (BK)mabigat sa loob, o dahil sa kailangan: sapagka't iniibig ng Dios ang nagbibigay na masaya.

At maaaring (BL)gawin ng Dios na ang lahat ng biyaya ay magsisagana sa inyo; upang kayo, na mayroong laging buong kaya sa lahat ay magsipanagana sa bawa't mabuting gawa:

Gaya ng nasusulat,

(BM)Siyang nagsabog, siyang nagbigay sa mga dukha;
Ang kaniyang katuwiran ay nananatili magpakailan man.

10 At ang (BN)nagbibigay ng binhi sa naghahasik at ng tinapay na pinakapagkain, ay magbibigay at magpaparami ng inyong binhi upang ihasik, at magdaragdag ng mga bunga ng inyong katuwiran:

11 Yamang kayo'y pinayaman sa lahat ng mga bagay na ukol sa lahat ng kagandahang-loob, (BO)na nagsisigawa sa pamamagitan namin ng pagpapasalamat sa Dios.

12 Sapagka't ang pangangasiwa sa paglilingkod na ito ay hindi lamang (BP)tumatakip sa pangangailangan ng mga banal, kundi naman umaapaw sa pamamagitan ng maraming pagpapasalamat sa Dios;

13 Palibhasa'y sa pagsubok sa inyo sa pamamagitan ng ministeriong ito ay niluluwalhati nila ang Dios dahil sa pagtalima ng inyong pagkilala sa evangelio ni Cristo, at dahil sa kagandahang-loob ng inyong ambag sa kanila at sa lahat;

14 Samantalang sila rin naman, sa panalanging patungkol sa inyo, ay nananabik sa inyo (BQ)dahil sa saganang biyaya ng Dios sa inyo.

15 Salamat sa Dios dahil sa kaniyang kaloob na di masayod.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978