M’Cheyne Bible Reading Plan
Ang Gabaonita ay ipinaghiganti kay Saul.
21 At nagkaroon ng kagutom sa mga kaarawan ni David na taon taon, sa tatlong taon; at hinanap ni David ang mukha ng Panginoon. At sinabi ng Panginoon, Dahil kay Saul, at dahil sa kaniyang salaring sangbahayan, sapagka't kaniyang pinatay ang mga Gabaonita.
2 At tinawag ng hari ang mga Gabaonita at sinabi sa kanila; (ang mga Gabaonita nga ay hindi sa mga anak ni Israel, kundi sa (A)nalabi sa mga Amorrheo; at ang mga anak ni Israel ay nagsisumpa sa kanila: at pinagsikapan ni Saul na patayin sa kaniyang sikap dahil sa mga anak ni Israel at Juda:)
3 At sinabi ni David sa mga Gabaonita, Ano ang gagawin ko sa inyo? at ano ang itutubos ko, upang inyong basbasan ang (B)mana ng Panginoon?
4 At sinabi ng mga Gabaonita sa kaniya, Hindi kabagayan ng pilak o ginto sa amin at kay Saul, o sa kaniyang sangbahayan; kahit sa amin ang pumatay ng sinomang tao sa Israel. At kaniyang sinabi, Ano ang inyong sasabihin, na aking gagawin sa inyo?
5 At kanilang sinabi sa hari, Ang lalake na pumupugnaw sa amin, at yaong nagbabanta laban sa amin, na kami ay malipol sa pagtahan sa alinman sa mga hangganan ng Israel,
6 Ay ibigay sa amin ang pito sa kaniyang mga anak, at aming ibibitin sa Panginoon sa (C)Gabaa ni Saul na pinili ng Panginoon. At sinabi ng hari, Aking ibibigay sila.
7 Nguni't ang hari ay nanghinayang kay Mephiboseth na anak ni Jonathan na anak ni Saul, dahil sa (D)sumpa ng Panginoon na namamagitan sa kanila, kay David at kay Jonathan na anak ni Saul.
8 Nguni't kinuha ng hari ang dalawang anak ni Rispa, na (E)anak ni Aja, na kaniyang ipinanganak kay Saul, si Armoni at si Mephiboseth; at ang limang anak ni (F)Michal na anak na babae ni Saul na kaniyang ipinanganak kay Adriel na anak ni Barzillai, na Molathita:
9 At ibinigay niya sila sa mga kamay ng mga Gabaonita at mga ibinitin nila sa bundok sa harap ng Panginoon, at nangabuwal ang pito na magkakasama. At sila'y pinatay sa mga kaarawan ng pagaani, sa mga unang araw, sa (G)pasimula ng pagaani ng sebada.
10 At kumuha si Rispa na anak ni Aja ng isang magaspang na kayong damit, at inilatag niya sa ibabaw ng bato, mula sa (H)pasimula ng pagaani hanggang sa ang tubig ay nabuhos sa mga yaon na mula sa langit; at hindi niya tiniis sa araw na dapuan yaon ng mga ibon sa himpapawid, o lapitan man sa gabi ng mga hayop sa parang.
11 At nasaysay kay David ang ginawa ni Rispa na anak ni Aja, na babae ni Saul.
12 At yumaon at kinuha ni David ang mga buto ni Saul at ang mga buto ni Jonathan na kaniyang anak sa (I)mga lalake ng Jabes-galaad, (J)na siyang nagsipagnakaw ng mga yaon sa daan ng (K)Beth-san, na doon sila ibinitin ng mga Filisteo nang araw na patayin ng mga Filisteo si Saul sa Gilboa:
13 At kaniyang iniahon mula roon ang mga buto ni Saul at ang mga buto ni Jonathan na kaniyang anak; at kanilang pinisan ang mga buto ng mga ibinitin.
14 At kanilang ibinaon ang mga buto ni Saul at ni Jonathan na kaniyang anak sa lupain ng Benjamin sa (L)Sela sa libingan ni Cis na kaniyang ama: at kanilang tinupad yaong lahat na iniutos ng hari. (M)At pagkatapos ang Dios ay nadalanginan dahil sa lupain.
Mga pakikidigma laban sa Filisteo.
15 At ang mga Filisteo ay nagkaroon ng pakikidigma uli sa Israel; at si David ay lumusong, at ang kaniyang mga lingkod na kasama niya, at nangakipagbaka laban sa mga Filisteo. At si David ay napagod.
16 At si Isbi-benob, na sa mga anak ng higante; na ang bigat ng sibat (N)niya ay tatlong daang siklong tanso, na palibhasa'y nabibigkisan ng bagong tabak ay nagmunukalang patayin si David.
17 Nguni't sinaklolohan siya ni (O)Abisai na anak ni Sarvia, at sinaktan ang Filisteo, at pinatay niya. Nang magkagayo'y nagsisumpa sa kaniya ang mga lalake ni David, na nangagsasabi, (P)Hindi ka na lalabas pa na kasama namin sa pakikipagbaka, upang huwag mong patayin ang tanglaw ng Israel.
18 (Q)At nangyari, pagkatapos nito, na nagkaroon uli ng pakikidigma sa mga Filisteo sa Gob; nang magkagayo'y sinaktan ni (R)Sibechai na Husathita si Saph, na sa mga (S)anak ng higante.
19 At nagkaroon uli ng pakikidigma sa mga Filisteo sa Gob; at pinatay ni Elhanan na anak ni Jaare-oregim, na Bethlehemita, si Goliath na Getheo, (T)na ang puluhan ng kaniyang sibat ay gaya ng panghabi ng manghahabi.
20 At nagkaroon uli ng pakikipagbaka sa (U)Gath, na doo'y may isang lalaking lubhang mataas, na mayroon sa bawa't kamay na anim na daliri, at sa bawa't paa'y anim na daliri, na dalawang pu't apat sa bilang: at siya ay ipinanganak din sa higante.
21 At nang kaniyang hamunin[a] ang Israel, ay pinatay siya ni Jonathan na anak ni (V)Sima na kapatid ni David.
22 Ang apat na ito ay ipinanganak sa higante sa Gath; nangabuwal sa pamamagitan ng kamay ni David, at ng kamay ng kaniyang mga lingkod.
1 Si Pablo, na Apostol ((A)hindi mula sa mga tao, ni sa pamamagitan man ng tao, kundi (B)sa pamamagitan ni Jesucristo, at ng Dios Ama, (C)na siyang sa kaniya'y muling bumuhay),
2 At ang lahat ng mga kapatid (D)na mga kasama ko, sa mga iglesia ng (E)Galacia:
3 Sumainyo nawa ang biyaya (F)at kapayapaang mula sa Dios na Ama, at sa ating Panginoong Jesucristo,
4 Na siyang (G)nagbigay sa kaniyang sarili dahil sa ating mga kasalanan, upang tayo'y mailigtas (H)dito sa kasalukuyang masamang sanglibutan, ayon sa kalooban ng ating Dios at Ama:
5 Na sumakaniya ang kaluwalhatian magpakailan man. Siya nawa.
6 Ako'y namamangha na kay dali ninyong nagsilipat sa ibang evangelio (I)buhat sa tumawag sa inyo sa biyaya ni Cristo;
7 Na ito'y hindi ibang evangelio: (J)kundi mayroong ilan (K)na sa inyo'y nagsisiligalig, at nangagiibig na pasamain ang evangelio ni Cristo.
8 Datapuwa't kahima't kami, o (L)isang anghel na mula sa langit, ang mangaral sa inyo ng anomang evangelio na iba sa aming ipinangangaral sa inyo, ay matakuwil.
9 Ayon sa aming sinabi nang una, ay muling gayon ang aking sinasabi ngayon, Kung ang sinoman ay mangaral sa inyo ng anomang evangelio na iba kay sa inyong tinanggap na, ay (M)matakuwil.
10 Sapagka't (N)ako baga'y nanghihikayat ngayon sa mga tao o sa Dios? o ako baga'y nagsisikap na magbigay-lugod sa mga tao? kung ako'y magbibigay-lugod pa sa mga tao, ay hindi ako magiging alipin ni Cristo.
11 Sapagka't aking ipinatatalastas sa inyo, mga kapatid, tungkol sa (O)evangelio na aking ipinangaral, na ito'y hindi ayon sa tao.
12 Sapagka't (P)hindi ko tinanggap ito sa tao, ni itinuro man sa akin, kundi aking tinanggap (Q)sa pamamagitan ng pahayag ni Jesucristo.
13 Sapagka't inyong nabalitaan ang (R)aking pamumuhay nang nakaraang panahon sa relihion ng mga Judio, kung paanong aking inuusig (S)na malabis, at nilipol ang iglesia ng Dios:
14 At ako'y nangunguna sa relihion ng mga Judio ng higit kay sa marami sa aking mga kasing gulang sa aking mga kababayan, (T)palibhasa'y totoong masikap ako (U)sa mga sali't-saling sabi ng aking mga magulang.
15 Nguni't nang magalingin ng Dios (V)na siyang sa akin ay nagbukod, buhat pa sa tiyan ng aking ina, at (W)ako'y tawagin sa pamamagitan ng kaniyang biyaya,
16 Na ihayag ang kaniyang Anak sa akin, (X)upang siya'y aking ipangaral sa gitna ng mga Gentil; pagkaraka'y hindi ako sumangguni sa laman at sa dugo:
17 Ni inahon ko man sa Jerusalem silang mga apostol na nangauna sa akin: kundi sa (Y)Arabia ako naparoon; at muling nagbalik ako sa Damasco.
18 Nang makaraan nga ang (Z)tatlong taon (AA)ay umahon ako sa Jerusalem upang dalawin si Cefas, at natira akong kasama niyang labing-limang araw.
19 Nguni't wala akong nakita sa mga ibang apostol, (AB)maliban na kay Santiago na kapatid ng Panginoon.
20 Tungkol nga sa mga bagay na isinusulat ko sa inyo, narito, sa harapan ng Dios, hindi ako nagsisinungaling.
21 Pagkatapos ay naparoon ako sa mga lupain ng (AC)Siria at (AD)Cilicia.
22 At hindi pa ako nakikilala sa mukha ng mga iglesia ng Judea na (AE)pawang kay Cristo.
23 Kundi ang kanila lamang naririnig na pinaguusapan ay, Yaong umuusig sa atin nang una, ngayo'y nangangaral ng pananampalataya na nang ibang panahon ay kaniyang sinisira;
24 At (AF)kanilang niluluwalhati ang Dios sa akin.
Ang pagkakaalis ng hari sa Tiro.
28 Ang salita ng Panginoon ay dumating uli sa akin, na nagsasabi,
2 Anak ng tao, sabihin mo sa prinsipe sa Tiro, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Sapagka't ang iyong puso ay nagmataas, at iyong sinabi, Ako'y dios, ako'y nauupo sa upuan ng Dios, (A)sa gitna ng mga dagat; gayon man (B)ikaw ay tao, at hindi Dios, bagaman iyong inilagak ang iyong puso na parang puso ng Dios;
3 Narito, (C)ikaw ay lalong marunong kay Daniel; walang lihim na malilihim sa iyo;
4 Sa pamamagitan ng iyong karunungan, at ng iyong unawa, nagkaroon ka ng mga kayamanan, at nagkaroon ka ng ginto at pilak sa iyong mga ingatang-yaman;
5 Sa pamamagitan ng iyong dakilang karunungan at ng iyong pangangalakal ay napalago mo ang iyong mga kayamanan, at ang iyong puso ay nagmataas dahil sa iyong kayamanan;
6 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Sapagka't iyong inilagak ang iyong puso na parang puso ng Dios,
7 Kaya't narito, ako'y magdadala ng mga (D)taga ibang lupa sa iyo, (E)na kakilakilabot sa mga bansa; at kanilang bubunutin ang kanilang mga tabak laban sa kagandahan ng iyong karunungan, at kanilang dudumhan ang iyong kaningningan.
8 Kanilang ibababa ka sa hukay; at ikaw ay mamamatay ng kamatayan niyaong nangapatay sa kalagitnaan ng mga dagat.
9 Sabihin mo pa kaya sa harap niya na pumapatay sa iyo, Ako'y Dios? nguni't ikaw ay tao, at hindi Dios, sa kamay niya na sumusugat sa iyo.
10 Ikaw ay mamamatay ng pagkamatay (F)ng mga hindi tuli sa pamamagitan ng kamay ng mga taga ibang lupa: sapagka't ako ang nagsalita, sabi ng Panginoong Dios.
Ang panaghoy sa hari sa Tiro.
11 Bukod dito'y ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsasabi,
12 Anak ng tao, (G)panaghuyan mo ang hari sa Tiro, at sabihin mo sa kaniya, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios, (H)iyong tinatatakan ang kabuoan, na puno ng karunungan, at sakdal sa kagandahan.
13 Ikaw ay nasa Eden, (I)na halamanan ng Dios; lahat na mahalagang bato ay iyong kasuutan, ang sardio, ang topacio, at ang diamante, ang berilo, ang onix, at ang jaspe, ang zafiro, ang esmeralda, at ang karbungko, at ang ginto: ang pagkayari ng iyong pandereta at iyong mga plauta ay napasa iyo; sa kaarawan na ikaw ay lalangin ay nangahanda.
14 Ikaw ang pinahirang (J)kerubin na tumatakip: at itinatag kita, na anopa't ikaw ay nasa ibabaw ng (K)banal na bundok ng Dios; ikaw ay nagpanhik manaog sa gitna ng mga (L)batong mahalaga.
15 Ikaw ay sakdal sa iyong mga lakad mula sa araw na ikaw ay lalangin, hanggang sa ang kalikuan ay nasumpungan sa iyo.
16 Dahil sa karamihan ng iyong kalakal ay kanilang pinuno ang gitna mo ng pangdadahas, at ikaw ay nagkasala: kaya't inihagis kitang parang dumi mula sa bundok ng Dios; at ipinahamak kita, Oh tumatakip na kerubin, mula sa gitna ng mga batong mahalaga.
17 Ang iyong puso ay nagmataas dahil sa iyong kagandahan; iyong ipinahamak ang iyong karunungan dahil sa iyong kaningningan: aking inihagis ka sa lupa; aking inilagay ka sa harap ng mga hari, upang kanilang masdan ka.
18 Sa pamamagitan ng karamihan ng iyong mga kasamaan, sa kalikuan ng iyong pangangalakal, iyong nilapastangan ang iyong mga santuario: kaya't (M)ako'y naglabas ng apoy sa gitna mo; sinupok ka, at pinapaging abo ka sa ibabaw ng lupa sa paningin ng lahat na nanganonood sa iyo.
19 Silang lahat na nangakakakilala sa iyo sa gitna ng mga bayan, mangatitigilan dahil sa iyo: ikaw ay naging kakilakilabot, at ikaw ay hindi na mabubuhay pa.
Ang hula laban sa Sidon.
20 At ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsasabi,
21 Anak ng tao, ititig mo ang iyong mukha (N)sa Sidon, at manghula ka laban doon,
22 At iyong sabihin, ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Narito, ako'y laban sa iyo, Oh Sidon; at ako'y luluwalhati sa gitna mo; at kanilang malalaman na ako ang Panginoon, pagka ako'y naglapat ng kahatulan sa kaniya, at (O)aariing banal sa kaniya.
23 Sapagka't ako'y magpaparating sa kaniya ng salot (P)at dugo sa kaniyang mga lansangan; at ang mga may sugat ay mangabubuwal sa gitna niya, sa pamamagitan ng tabak, na nakaumang sa kaniya sa lahat ng dako; at kanilang malalaman na ako ang Panginoon.
24 At (Q)hindi na magkakaroon pa ng dawag na nakakasalubsob sa sangbahayan ni Israel, o ng tinik mang mapangpahirap sa alin man sa nangasa palibot niya, na nagwalang kabuluhan sa kanila; at kanilang malalaman na ako ang Panginoong Dios.
Muling pagkatatag ng Israel.
25 Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Pagka (R)aking napisan ang sangbahayan ni Israel mula sa mga bayan na kanilang pinangalatan, at ako'y aariing banal sa kanila sa paningin ng mga bansa, (S)sila nga'y magsisitahan sa kanilang sariling lupain na aking ibinigay sa aking lingkod na kay Jacob.
26 At sila'y magsisitahang tiwasay roon, (T)oo, sila'y mangagtatayo ng mga bahay, at mag-uubasan, at tatahang tiwasay, pagka ako'y nakapaglapat ng mga kahatulan sa lahat na nangagwawalang kabuluhan sa palibot nila: at kanilang malalaman na ako ang Panginoon nilang Dios.
Sa Pangulong Manunugtog; ayon sa paraan ni Jeduthun. Awit ni Asaph.
77 Ako'y dadaing ng aking tinig sa Dios;
Sa Dios ng aking tinig; at kaniyang didinggin ako.
2 (A)Sa kaarawan ng aking kabagabagan ay hinahanap ko ang Panginoon:
Ang kamay ko'y nakaunat sa gabi, at hindi nangangalay;
(B)Tumatangging maaliw ang kaluluwa ko.
3 Naaalaala ko ang Dios, at ako'y nababalisa:
Ako'y (C)nagdaramdam, at ang diwa ko'y nanglulupaypay. (Selah)
4 Iyong pinupuyat ang mga mata ko:
Ako'y totoong nababagabag na hindi ako makapagsalita.
5 (D)Aking ginunita ang mga araw ng una,
Ang mga taon ng dating mga panahon.
6 Aking inaalaala ang awit ko (E)sa gabi:
Sumasangguni ako sa aking sariling puso;
At ang diwa ko'y masikap na nagsiyasat.
7 (F)Magtatakuwil ba ang Panginoon magpakailan man?
At (G)hindi na baga siya lilingap pa?
8 Ang kaniya bang kagandahangloob ay lubos na nawala magpakailan man?
Natapos na bang walang hanggan (H)ang kaniyang pangako?
9 Nakalimot na ba ang Dios na (I)magmaawain?
Kaniya bang tinakpan ng kagalitan ang kaniyang malumanay na mga kaawaan? (Selah)
10 At aking sinabi, (J)Ito ang sakit ko;
Nguni't aalalahanin ko ang mga taon ng kanan ng Kataastaasan.
11 (K)Babanggitin ko ang mga gawa ng Panginoon;
Sapagka't aalalahanin ko ang mga kabagabagan mo ng una.
12 Bubulayin ko ang lahat ng iyong gawa,
At magmumuni tungkol sa iyong mga gawa.
13 Ang iyong daan, Oh Dios, ay (L)nasa santuario:
(M)Sino ang dakilang dios na gaya ng Dios?
14 Ikaw ay Dios na gumagawa ng mga kagilagilalas:
Iyong ipinakilala ang kalakasan mo sa gitna ng mga tao.
15 Iyong tinubos (N)ng kamay mo ang iyong bayan,
Ang mga anak ng Jacob (O)at ng Jose. (Selah)
16 (P)Nakita ka ng tubig, Oh Dios;
Nakita ka ng tubig, sila'y nangatakot:
Ang mga kalaliman din naman ay nanginig.
17 Ang mga alapaap ay nangaglagpak ng tubig;
(Q)Ang langit ay humugong:
Ang mga (R)pana mo naman ay nagsihilagpos.
18 Ang (S)tinig ng iyong kulog, ay nasa ipoipo;
Tinanglawan (T)ng mga kidlat ang sanglibutan:
Ang lupa ay nayanig at umuga.
19 Ang daan mo'y (U)nasa dagat,
At ang mga landas mo'y nasa malalawak na tubig,
At ang bakas mo'y hindi nakilala.
20 (V)Iyong pinapatnubayan ang iyong bayan na (W)parang kawan,
Sa pamamagitan ng kamay ni Moises at ni Aaron.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978