Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

M’Cheyne Bible Reading Plan

The classic M'Cheyne plan--read the Old Testament, New Testament, and Psalms or Gospels every day.
Duration: 365 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Exodo 2

Si Moises ay ipinanganak at itinago.

At (A)isang lalake sa lipi ni Levi ay yumaon, at nagasawa sa isang anak na babae ng lipi ni Levi.

At (B)ang babae ay naglihi, at nanganak ng isang lalake: at nang kaniyang makita na maganda, ay kaniyang itinagong tatlong buwan.

At nang hindi na niya maitatagong malaon ay ikinuha niya ng isang takbang (C)yantok, at pinahiran niya ng betun at ng sahing; at kaniyang isinilid ang bata roon, at inilagay sa (D)katalahiban sa tabi ng ilog.

At tumayo sa malayo ang kaniyang (E)kapatid na babae, upang maalaman ang mangyayari sa bata.

At ang anak na babae ni Faraon ay lumusong upang maligo sa ilog; at nagsipaglakad ang kaniyang mga abay sa tabi ng ilog; at kaniyang nakita ang takba sa katalahiban, at ipinakuha sa kaniyang abay.

At kaniyang binuksan, at nakita niya ang bata: at narito, ang sanggol ay umiyak. At kaniyang kinaawaan at sinabi, Ito'y isa sa mga anak ng mga Hebreo.

Nang magkagayo'y sinabi ng kaniyang kapatid na babae sa anak ni Faraon, Yayaon ba ako at itatawag kita ng isang sisiwa sa mga babaing Hebrea, na makapagalaga sa iyo ng batang ito?

At sinabi sa kaniya ng anak ni Faraon, Yumaon ka. At ang dalaga ay yumaon, at tinawag ang ina ng bata.

At sinabi ng anak ni Faraon, sa kaniya, Dalhin mo ang batang ito, at alagaan mo sa akin, at bibigyan kita ng iyong kaupahan. At kinuha ng babae ang bata, at inalagaan.

10 At ang bata ay lumaki, at kaniyang dinala sa anak ni Faraon, at siya'y kaniyang (F)inaring anak. At kaniyang pinanganlang Moises,[a] at sinabi, Sapagka't aking sinagip siya sa tubig.

Pumatay ng taga Egipto at lumayas.

11 At nangyari nang mga araw na yaon, ng malaki na si Moises, na kaniyang (G)nilabas ang kaniyang mga kapatid, at minasdan ang atang sa kanila: at kaniyang (H)nakita ang isang Egipcio, na nananakit ng isang Hebreo, na isa sa kaniyang mga kapatid.

12 At siya'y nagmasid sa magkabikabilang dako, at nang siya'y walang makitang tao, ay kaniyang pinatay ang Egipcio at kaniyang tinabunan sa buhanginan.

13 (I)At siya'y lumabas ng ikalawang araw, at, narito, na may dalawang lalaking Hebreo, na nagbababag: at kaniyang sinabi roon sa umaapi, Bakit mo sinasaktan ang iyong kasama?

14 At sinabi niya, Sinong naglagay sa iyong pangulo at hukom sa amin? Iniisip mo bang patayin ako, na gaya ng pagpatay mo sa Egipcio? At natakot si Moises, at nagsabi, Tunay na ang bagay na yaon ay nahayag.

15 Nang mabalitaan nga ni Faraon ang bagay na ito, ay minithi niyang patayin si Moises. Datapuwa't si Moises ay tumakas sa harapan ni Faraon, at tumahan sa lupain ng Madian: (J)at siya'y umupo sa tabi ng isang balon.

16 (K)Ang saserdote[b] nga sa Madian ay may pitong anak na babae: at sila'y naparoon at umigib ng tubig, at kanilang pinuno ang mga inuman upang painumin ang kawan ng kanilang ama.

17 At ang mga pastor ay dumating, at sila'y pinalayas: datapuwa't si Moises ay tumayo, at sila'y tinulungan, (L)at pinainom ang kanilang kawan.

18 At nang sila'y dumating kay Raquel[c] na kanilang ama, ay sinabi niya, Bakit kayo tumindig na madali ngayon?

19 At kanilang sinabi, Ipinagsanggalang kami ng isang Egipcio sa kamay ng mga pastor, at saka iniigib pa niya kami ng tubig, at pinainom ang kawan.

20 At kaniyang sinabi sa mga anak niya, At saan naroon siya? bakit ninyo iniwan ang lalaking yaon? tawagin ninyo siya (M)upang makakain ng tinapay.

21 At si Moises ay natuwa na makisuno sa lalaking yaon: at kaniyang pinapag-asawa kay Moises si (N)Zephora na kaniyang anak.

22 At nanganak ng isang lalake, at kaniyang pinanganlan ng (O)Gersom; sapagka't kaniyang sinabi, Ako'y nakipamayan sa ibang bayan.

23 At nangyari pagkaraan ng maraming araw na ang hari sa Egipto ay namatay; at ang mga anak ni Israel ay nagbuntong hininga dahil sa pagkaalipin, at sila'y dumaing (P)at ang kanilang daing ay umabot sa Dios dahil sa pagkaalipin.

24 At dininig ng Dios ang kanilang hibik, at (Q)naalaala ng Dios ang kaniyang (R)tipan kay Abraham, kay Isaac, at kay Jacob,

25 At nilingap ng Dios ang mga anak ni Israel, at sila'y kinilala ng Dios.

Lucas 5

Nangyari nga, (A)na samantalang siya'y sinisiksik ng karamihan na pinakikinggan ang salita ng Dios, na siya'y nakatayo sa tabi ng dagatdagatan ng Genezaret;

(B)At nakakita siya ng dalawang daong na nasa tabi ng dagatdagatan: datapuwa't nagsilunsad sa mga yaon ang mga mamamalakaya, at hinuhugasan ang kanilang mga lambat.

At lumulan siya sa isa sa mga daong, na kay Simon, at ipinamanhik niya dito na ilayo ng kaunti sa lupa. At siya'y naupo at nagturo sa mga karamihan (C)buhat sa daong.

At pagtigil niya ng pagsasalita, ay sinabi niya kay Simon, (D)Pumaroon ka sa laot, at ihulog ninyo ang inyong mga lambat upang mamalakaya.

At sumagot si Simon at sinabi, Guro, sa buong magdamag ay (E)nagsipagpagal kami, at wala kaming nahuli: datapuwa't sa iyong salita ay ihuhulog ko ang mga lambat.

At nang magawa nila ito, ay nakahuli sila ng lubhang maraming isda; at nagkampupunit ang kanilang mga lambat;

At kinawayan nila ang mga (F)kasamahan (G)sa isang daong upang magsilapit at sila'y tulungan. At sila'y nagsilapit at nangapuno ang dalawang daong, ano pa't sila'y nagpasimulang lulubog.

Datapuwa't nang makita ni Simon Pedro, ay nagpatirapa sa mga tuhod ni Jesus, na nagsasabi, (H)Lumayo ka sa akin; sapagka't ako'y taong makasalanan, Oh Panginoon.

Sapagka't siya at ang lahat ng kasama niya ay nagsipanggilalas, dahil sa karamihan ng mga isdang kanilang nangahuli:

10 At gayon din si Santiago at si Juan, mga anak ni Zebedeo, na mga kasama ni Simon. At sinabi ni Jesus kay Simon, Huwag kang matakot; mula ngayon ay mamamalakaya ka ng mga tao.

11 At nang maisadsad na nila sa lupa ang kanilang mga daong, ay (I)iniwan nila ang lahat, at nagsisunod sa kaniya.

12 At nangyari, samantalang siya'y (J)nasa isa sa mga bayan, narito, may isang lalake na lipos ng ketong: at nang makita niya si Jesus, ay nagpatirapa siya, at namanhik sa kaniya, na sinasabi, Panginoon, kung ibig mo, ay maaaring linisin mo ako.

13 At iniunat niya ang kaniyang kamay at siya'y hinipo, na sinasabi, Ibig ko; luminis ka. At pagdaka'y nilisan siya ng ketong.

14 At ipinagbilin niya sa kaniya na huwag sabihin kanino man: (K)kundi yumaon ka ng iyong lakad, at pakita ka sa saserdote, at maghandog ka sa pagkalinis sa iyo, alinsunod sa iniutos ni Moises, na pinakapatotoo sa kanila.

15 (L)Datapuwa't lalo nang kumakalat ang balita tungkol sa kaniya: at nangagkatipon ang lubhang maraming tao upang makinig, at upang pagalingin sa kanilang mga sakit.

16 Datapuwa't siya'y lumigpit (M)sa mga ilang, at nananalangin.

17 At nangyari nang isa sa mga araw na yaon, na siya'y nagtuturo; at may nangakaupo doong mga Fariseo at (N)mga guro sa kautusan, na nagsipanggaling sa bawa't nayon ng Galilea at Judea at Jerusalem: at ang kapangyarihan ng Panginoon ay sumasa kaniya upang magpagaling.

18 At narito, (O)dinala ng mga tao na nasa isang higaan ang isang lalaking lumpo: at pinagpipilitan niyang maipasok siya, at ilagay siya sa harap nila.

19 At sa hindi pagkasumpong ng mapagpapasukan, dahil sa karamihan, ay nagsiakyat sila (P)sa bubungan ng bahay, at siya'y inihugos mula sa butas ng bubungan pati ng kaniyang higaan, sa gitna, sa harapan ni Jesus.

20 At pagkakita sa kanilang pananampalataya, ay kaniyang sinabi, Lalake, ipinatatawad sa iyo ang iyong mga kasalanan.

21 At ang mga eskriba at mga Fariseo ay nangagpasimulang mangagkatuwiranan, na nangagsasabi, Sino ito na nagsasalita ng mga kapusungan? (Q)Sino ang makapagpapatawad ng mga kasalanan, kundi ang Dios lamang?

22 Datapuwa't si Jesus, na nakatatanto ng kanilang mga iniisip, ay sumagot at sinabi sa kanila, Bakit pinagbubulaybulay ninyo sa inyong mga puso?

23 Alin baga ang lalong magaang sabihin, Ipinatatawad sa iyo ang iyong mga kasalanan; o sabihin, Magtindig ka at lumakad ka?

24 Datapuwa't upang maalaman ninyo na ang Anak ng tao ay may kapamahalaan sa lupa na magpatawad ng mga kasalanan (sinabi niya sa lumpo), Sa iyo ko sinasabi, Magtindig ka, at buhatin mo ang iyong higaan, at umuwi ka sa bahay mo.

25 At pagdaka'y nagtindig siya sa harap nila, at binuhat (R)ang kaniyang hinigan, at napasa kaniyang bahay, (S)na niluluwalhati ang Dios.

26 At nagsipanggilalas ang lahat at niluwalhati nila ang Dios; at (T)nangapuspos sila ng takot, na nangagsasabi, Nakakita kami ngayon ng mga bagay na katakataka.

27 At pagkatapos ng mga bagay na ito, (U)siya'y umalis, at nakita ang isang maniningil ng buwis, na nagngangalang Levi, na nakaupo sa paningilan ng buwis, at sinabi sa kaniya, Sumunod ka sa akin.

28 At iniwan niya ang lahat at nagtindig at sumunod sa kaniya.

29 At siya'y ipinagpiging ng malaki ni Levi sa kaniyang bahay: at lubhang maraming (V)maniningil ng buwis at mga iba pa na nangakasalo nila sa dulang.

30 At nangagbulongbulungan ang mga Fariseo at ang kanilang mga eskriba laban sa kaniyang mga alagad, na nangagsasabi, Bakit kayo'y nagsisikain at nagsisiinom na kasalo ng mga maniningil ng buwis at ng mga makasalanan?

31 At pagsagot ni Jesus ay sinabi sa kanila, Ang mga walang sakit ay hindi nangangailangan ng manggagamot; kundi ang mga may sakit.

32 (W)Hindi ako pumarito upang tawagin ang mga matuwid, kundi ang mga makasalanan sa pagsisisi.

33 (X)At sinabi (Y)nila sa kaniya, Ang mga alagad ni Juan ay nangagaayunong madalas, at (Z)nagsisigawa ng mga pagdaing; gayon din ang mga alagad ng mga Fariseo; datapuwa't ang mga iyo'y nagsisikain at nagsisiinom.

34 At sinabi ni Jesus sa kanila, Mangyayari bagang papagayunuhin ninyo ang mga abay sa kasalan samantalang ang kasintahang lalake ay kasama nila?

35 (AA)Datapuwa't darating ang mga araw; at pagka inalis sa kanila ang kasintahang lalake, kung magkagayo'y mangagaayuno sila sa mga araw na yaon.

36 At sinalita rin naman niya sa kanila ang isang talinghaga: Walang taong pumilas sa bagong damit at itinagpi sa damit na luma; sa ibang paraa'y sisirain ang bago, at sa luma naman ay hindi bagay ang tagping mula sa bago.

37 At walang taong nagsisilid ng alak na bago sa mga balat na luma; sa ibang paraa'y papuputukin ng alak na bago ang mga balat, at mabububo, masisira ang mga balat.

38 Kundi dapat isilid ang alak na bago sa mga bagong balat.

39 At walang taong nakainom ng alak na laon, ay iibig sa alak na bago; sapagka't sasabihin niya, Mabuti ang laon.

Job 19

Si Job ay tumutol sa pagkamuhi ng kaniyang mga kaibigan, at tumawag sa kanilang pagkahabag.

19 Nang magkagayo'y sumagot si Job, at nagsabi,

Hanggang kailan pahihirapan ninyo ang aking kaluluwa,
At babagabagin ako ng mga salita?
Ng makasangpung ito ay pinulaan ninyo ako:
Kayo'y hindi nangapapahiya na nangagpapahirap sa akin.
At kahima't ako'y magkamali,
Ang aking kamalian ay maiwan sa aking sarili.
Kung tunay na (A)kayo'y magpapakalaki laban sa akin,
At ipakikipagtalo laban sa akin ang kakutyaan ko:
Talastasin ninyo ngayon na inilugmok ako ng Dios,
At inikid ako ng kaniyang silo.
Narito, ako'y humihiyaw dahil sa kamalian, nguni't hindi ako dinidinig;
Ako'y humihiyaw ng tulong, nguni't walang kahatulan.
Kaniyang pinadiran ang aking daan upang huwag akong makaraan,
At naglagay ng kadiliman sa aking mga landas.
(B)Hinubaran niya ako ng aking kaluwalhatian,
At inalis ang (C)putong sa aking ulo.
10 Kaniyang inilugmok ako sa bawa't dako, at ako'y nananaw:
At ang aking pagasa ay binunot niyang parang punong kahoy.
11 Kaniya rin namang pinapagalab ang kaniyang pagiinit laban sa akin,
At ibinilang niya ako sa kaniya na gaya ng isa sa kaniyang mga kaaway,
12 Ang kaniyang mga (D)hukbo ay dumarating na magkakasama,
At ipinagpatuloy ang kanilang lakad laban sa akin,
At kinubkob ang palibot ng aking tolda.
13 (E)Inilayo niya ang aking mga kapatid sa akin,
At ang aking mga kakilala ay pawang nangiba sa akin.
14 Ang aking mga kamaganak ay nangagsilayo,
At nilimot ako ng aking mga (F)kasamasamang kaibigan.
15 Silang nagsisitahan sa aking bahay, at ang aking mga lingkod na babae, ay ibinibilang akong manunuluyan;
Ako'y naging kaiba sa kanilang paningin.
16 Aking tinatawag ang aking lingkod, at hindi ako sinasagot,
Bagaman sinasamo ko siya ng aking bibig.
17 Ang aking hininga ay iba sa aking asawa,
At ang aking pamanhik sa mga anak ng tunay kong ina.
18 Pati ng mga bata ay humahamak sa akin;
Kung ako'y bumangon, sila'y nangagsasalita ng laban sa akin:
19 Lahat ng aking mahal na kaibigan ay nangayayamot sa akin:
At ang aking minamahal ay nagsipihit ng laban sa akin,
20 Ang aking buto ay dumidikit (G)sa aking balat at sa aking laman,
At ako'y nakatanan ng sukat sa balat ng aking mga ngipin.
21 Mahabag kayo sa akin, mahabag kayo sa akin, Oh kayong mga kaibigan ko;
Sapagka't kinilos ako ng kamay ng Dios,
22 Bakit ninyo (H)ako inuusig na gaya ng Dios.
At hindi pa kayo nasisiyahan sa akin laman?

Siya ay nananalig na siya ay matutubos din.

23 Oh mangasulat nawa ngayon ang aking mga salita!
Oh mangalagda nawa sa isang aklat!
24 Ng isa nawang panulat na bakal at tingga,
Na mangaukit nawa sa bato magpakailan man!
25 Nguni't talastas ko na (I)manunubos sa akin ay buháy,
At siya'y tatayo sa lupa sa kahulihulihan:
26 At pagkatapos na magibang ganito ang aking balat,
Gayon ma'y (J)makikita ko ang Dios sa aking laman:
27 Siyang makikita ko ng sarili,
At mamamasdan ng aking mga mata, at hindi ng iba.
Ang aking puso ay natutunaw sa loob ko.
28 Kung inyong sabihin: Paanong aming pag-uusigin siya?
Dangang ang kadahilanan ay nasusumpungan sa akin;
29 Mangatakot kayo sa tabak:
Sapagka't ang kapootan ang nagdadala ng mga parusa ng tabak,
Upang inyong malaman na may kahatulan.

1 Corinto 6

Nangangahas baga ang sinoman sa inyo, kung mayroong anomang bagay laban sa iba, na siya'y magsakdal sa harapan ng mga liko, at (A)hindi sa harapan ng mga banal?

O hindi baga ninyo nalalaman na (B)ang mga banal ay magsisihatol sa sanglibutan? at kung ang sanglibutan ay hahatulan ninyo, hindi kaya baga dapat magsihatol kayo sa mga bagay na pinakamaliit?

Hindi baga ninyo nalalaman na ating (C)hahatulan ang mga anghel? gaano pa kaya ang mga bagay na nauukol (D)sa buhay na ito?

Kung kayo nga'y mayroong usapin na mga bagay na nauukol sa buhay na ito, ilalagay baga ninyo upang magsihatol ang mga taong walang halaga sa iglesia?

Sinasabi ko ito (E)upang mangahiya kayo. Ano, diyata't wala baga sa inyo na isa mang marunong na makapagpapayo sa kaniyang mga kapatid,

Kundi ang kapatid ay nakikipagusapin laban sa kapatid, at ito'y sa harapan ng mga hindi nagsisipanampalataya?

Ngayon nga, tunay na isang pagkukulang sa inyo ang kayo-kayo'y magkaroon ng mga usapin. Bakit hindi bagkus ninyong tiisin ang mga kalikuan? (F)bakit hindi bagkus kayo'y padaya?

Nguni't kayo rin ang mga nagsisigawa ng kalikuan, at nangagdaraya, at ito'y sa mga kapatid ninyo.

O hindi baga ninyo nalalaman na ang mga liko ay (G)hindi magsisipagmana ng kaharian ng Dios? (H)Huwag kayong padaya: (I)kahit ang mga mapakiapid, ni ang mga mananamba sa diosdiosan, ni ang mga mangangalunya, ni ang mga nangbababae, ni (J)ang mga mapakiapid sa kapuwa lalake.

10 Ni ang mga magnanakaw, ni ang mga masasakim, ni ang mga manglalasing, ni ang mga mapagtungayaw, ni ang mga manglulupig, ay hindi mangagmamana ng kaharian ng Dios.

11 At ganyan (K)ang mga ilan sa inyo: (L)nguni't nangahugasan na kayo, nguni't binanal (M)na kayo, nguni't inaring-ganap (N)na kayo (O)sa pangalan ng Panginoong Jesucristo, at sa Espiritu ng ating Dios.

12 Ang lahat ng mga bagay (P)sa akin ay matuwid; nguni't hindi ang lahat ay nararapat. Ang lahat ng mga bagay sa akin ay matuwid; nguni't hindi ako pasasakop sa kapangyarihan ng anoman.

13 Ang mga pagkain ay sa tiyan, at ang tiyan ay sa mga pagkain: nguni't kapuwa iwawasak ng Dios yaon at ang mga ito. Datapuwa't ang katawan ay hindi sa pakikiapid, kundi (Q)sa Panginoon; (R)at ang Panginoon ay sa katawan:

14 At muling binuhay ng (S)Dios ang Panginoon, at muling bubuhayin naman tayo sa pamamagitan ng kaniyang kapangyarihan.

15 Hindi baga ninyo nalalaman na ang (T)inyong mga katawan ay mga sangkap ni Cristo? kukunin ko nga baga ang mga sangkap ni Cristo, at gagawin kong mga sangkap ng isang patutot? Huwag nawang mangyari.

16 O hindi baga ninyo nalalaman na ang nakikisama sa patutot, ay kaisang katawan niya? sapagka't sinasabi niya, (U)Ang dalawa ay magiging isang laman.

17 Nguni't (V)ang nakikisama sa Panginoon, ay kaisang espiritu niya.

18 Magsitakas kayo sa (W)pakikiapid. Lahat ng kasalanang gawin ng mga tao ay nangasa labas ng katawan; nguni't ang gumagawa ng pakikiapid ay nagkakasala (X)laban sa kaniyang sariling katawan.

19 O hindi baga ninyo nalalaman na (Y)ang inyong katawan ay templo ng Espiritu Santo na nasa inyo, na tinanggap ninyo sa Dios? at (Z)hindi kayo sa inyong sarili;

20 Sapagka't (AA)kayo'y binili sa halaga: luwalhatiin nga ninyo ng inyong katawan ang Dios.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978