Print Page Options Listen to Reading
Previous Prev Day Next DayNext

The Daily Audio Bible

This reading plan is provided by Brian Hardin from Daily Audio Bible.
Duration: 731 days

Today's audio is from the NET. Switch to the NET to read along with the audio.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Nehemias 11:1-12:26

Mga tala ng mga tumitira sa Jerusalem.

11 At ang mga prinsipe ng bayan ay nagsitahan sa Jerusalem: ang nalabi naman sa bayan ay (A)nangagsapalaran upang mangagdala ng isa sa bawa't sangpu na magsisitahan sa Jerusalem na (B)bayang banal, at siyam na bahagi sa ibang mga bayan.

At pinagpala ng bayan ang lahat na lalake na nagsihandog na kusa na magsisitahan sa Jerusalem.

Ang mga ito nga ang mga pinuno sa lalawigan na nagsitahan sa Jerusalem: nguni't sa bayan ng Juda ay tumahan bawa't isa sa kaniyang pagaari sa kanilang mga bayan, sa makatuwid baga'y ang Israel, ang mga saserdote, at ang mga Levita, at ang mga Nethineo, at ang mga (C)anak ng mga lingkod ni Salomon.

At sa Jerusalem ay nagsitahan ang ilan sa mga anak ni Juda, at sa mga anak ni Benjamin. Sa mga anak ni Juda: si Athaias na anak ni Uzzias, na anak ni Zacarias, na anak ni Amarias, na anak ni Sephatias na anak ni Mahalaleel, sa mga anak ni (D)Phares.

At si Maasias na anak ni Baruch, na anak ni Col-hoze, na anak ni Hazaias, na anak ni Adaias, na anak ni Joiarib, na anak ni Zacarias, na anak ng Silonita.

Ang lahat ng mga anak ni Phares na nagsitahan sa Jerusalem, ay apat na raan at anim na pu't walo na mga matapang na lalake.

At ang mga ito ang mga anak ni Benjamin: si Salu na anak ni Mesullam, na anak ni Joed, na anak ni Pedaias, na anak ni Colaias, na anak ni Maaseias, na anak ni Ithiel, na anak ni Jesaia.

At sumusunod sa kaniya, si Gabbai, si Sallai, na (E)siyam na raan at dalawang pu't walo.

At si Joel na anak ni Zichri ay kanilang tagapamahala: at si Jehudas na anak ni Senua ay ikalawa sa bayan.

10 (F)Sa mga saserdote: si Jedaias na anak ni Joiarib, si Jachin,

11 Si Seraias na anak ni Hilcias, na anak ni Mesullam, na anak ni Sadoc, na anak ni Meraioth, na anak ni Ahitub, na pinuno sa bahay ng Dios,

12 At ang kanilang mga kapatid na nagsigawa ng gawain sa bahay, walong daan at dalawang pu't dalawa: at si Adaias na anak ni Jeroham, na anak ni Pelalias, na anak ni Amsi, na anak ni Zacarias, na anak ni Pashur, na anak ni Malchias,

13 At ang kaniyang mga kapatid, na mga pinuno sa mga sangbahayan ng mga magulang, dalawang daan at apat na pu't dalawa: at si Amasai na anak ni Azarael, na anak ni Azai, na anak ni Mesillemoth, na anak ni Imer.

14 At ang kanilang mga kapatid, na mga makapangyarihang lalake na matatapang, isang daan at dalawang pu't walo: at ang kanilang tagapamahala ay si Zabdiel na anak ni Gedolim.

15 (G)At sa mga Levita; si Semaias na anak ni Hassub, na anak ni Azricam, na anak ni Hasabias, na anak ni Buni;

16 At si Sabethai at si Jozabad, sa mga pinuno ng mga Levita, na siyang nagsipamahala sa mga (H)gawain sa labas sa bahay ng Dios;

17 At si Mattanias, na anak ni Micha, na anak ni Zabdi, na anak ni Asaph, na siyang pinuno upang magpasimula na magpasalamat sa panalangin, at si Bacbucias, sa ikalawa sa kaniyang mga kapatid; at si Abda na anak ni Samua, na anak ni Galal, na anak ni Jeduthun.

18 Lahat na Levita sa bayang banal, dalawang daan at walong pu't apat.

19 Bukod dito'y ang mga tagatanod-pinto, na si Accub, si Talmon, at ang kanilang mga kapatid, na nangagbabantay sa mga pintuang-bayan, ay isang daan at pitong pu't dalawa.

20 At ang nalabi sa Israel, sa mga saserdote, sa mga Levita, ay nangasa lahat na bayan ng Juda, (I)bawa't isa'y sa kaniyang mana.

21 (J)Nguni't ang mga Nethineo ay nagsitahan sa (K)Ophel: at si Siha at si Gispa ay nasa mga Nethineo.

22 Ang tagapamahala naman sa mga Levita sa Jerusalem ay si Uzzi na anak ni Bani, na anak ni Hasabias, na anak ni Mattanias, na anak ni Micha, sa mga anak ni Asaph, na mga mangaawit, na nasa mga gawain sa bahay ng Dios.

23 Sapagka't (L)may utos na mula sa hari tungkol sa kanila, at takdang pagkain na ukol sa mga mangaawit, ayon sa kailangan sa bawa't araw.

24 At si Pethahias na anak ni Mesezabel, sa mga anak ni (M)Zerah, na anak ni Juda, ay nasa kapangyarihan ng hari sa lahat ng bagay na tungkol sa bayan.

Mga ibang dako na pinanirahan.

25 At tungkol sa mga nayon, pati ng kanilang mga bukid, ang ilan sa mga anak ni Juda ay nagsitahan sa (N)Chiriat-arba at sa mga nayon niyaon, at sa Dibon at sa mga nayon niyaon, at sa Jecabzeel at sa mga nayon niyaon;

26 At sa Jesua, at sa Moladah, at sa Beth-pelet;

27 At sa Hasar-sual, at sa Beer-seba at sa mga nayon niyaon;

28 At sa Siclag, at sa Mechona at sa mga nayon niyaon;

29 At sa En-rimmon, at sa Soreah, at sa Jarmuth;

30 Sa Zanoah, sa Adullam, at sa mga nayon niyaon, sa Lachis, at sa mga parang niyaon, sa Azeca at sa mga nayon niyaon. Gayon sila nagsihantong mula sa Beer-seba hanggang sa libis ni Hinnom.

31 Ang mga anak ni Benjamin naman ay nagsitahan mula sa Geba, hanggang sa Michmas at sa Aia, at sa Beth-el at sa mga nayon niyaon;

32 At sa Anathoth, sa Nob, sa Ananiah;

33 Sa Hasor, sa Rama, sa Gitthaim;

34 Sa Hadid, sa Seboim, sa Neballath;

35 Sa Lod, at sa Ono, na (O)libis ng mga manggagawa.

36 At sa mga Levita ay ang ibang mga bahagi sa Juda na pumisan sa Benjamin.

Mga saserdote at Levita na dumating na kasama ni Zorobabel.

12 Ang mga ito nga ang mga (P)saserdote at ang mga Levita na nagsisampa na kasama ni Zorobabel na anak ni Sealthiel, at ni Jesua: si Seraias, si Jeremias, si Ezra;

Si Amarias; si Malluch, si Hartus;

Si Sechanias, si Rehum, si Meremoth;

Si Iddo, si (Q)Ginetho, si Abias;

Si Miamin, si Maadias, si Bilga;

Si Semaias, at si Joiarib, si Jedaias;

Si Sallum, si Amoc, si Hilcias, si Jedaias. Ang mga ito'y ang mga pinuno sa mga saserdote at sa kanilang mga kapatid sa mga kaarawan ni Jesua.

Bukod dito'y ang mga Levita: si Jesua, si Binnui, si Cadmiel, si Serebias, si Juda, at si Mathanias, na (R)namamahala sa pagpapasalamat, siya at ang kaniyang mga kapatid.

Si Bacbucias, naman at si Unni, na kanilang mga kapatid, ay nagkakaharapan sa kanikaniyang pulutong.

10 At naging anak ni Jesua si Joiacim, at naging anak ni Joiacim si Eliasib, at naging anak ni Eliasib, si Joiada,

11 At naging anak ni Joiada si Jonathan at naging anak ni Jonathan si Jaddua.

12 At sa mga kaarawan ni Joiacim, ay mga saserdote, na mga pangulo ng mga sangbahayan ng mga magulang: kay Seraias, si Meraias; kay Jeremias, si Hananias;

13 Kay Ezra, si Mesullam; kay Amarias, si Johanan;

14 Kay Melicha si Jonathan; kay Sebanias, si Joseph;

15 Kay Harim, si Adna; kay Meraioth, si Helcai;

16 Kay Iddo, si Zacarias; kay Ginnethon, si Mesullam;

17 Kay Abias, si Zichri; kay Miniamin, kay Moadias, si Piltai;

18 Kay Bilga, si Sammua; kay Semaias, si Jonathan;

19 At kay Joiarib, si Mathenai; kay Jedaias, si Uzzi;

20 Kay Sallai, si Callai; kay Amoc, si Eber;

21 Kay Hilcias, si Hasabias; kay Jedaias, si Nathanael.

22 Ang mga Levita sa mga kaarawan ni Eliasib, ni Joiada, at ni (S)Johanan, at ni Jaddua, ay nangasulat sa mga pangulo ng mga sangbahayan ng mga magulang: gayon din ang mga saserdote sa paghahari ni Dario na taga Persia.

23 Ang mga anak ni Levi, na mga pangulo ng mga sangbahayan ng mga magulang, ay nangasulat sa aklat ng mga (T)alaala, hanggang sa mga kaarawan ni Johanan na anak ni Eliasib.

24 At ang mga pinuno ng mga Levita: si Hasabias, si Serabias, si Jesua na anak ni Cadmiel, na may mga kapatid na nangasa (U)tapat nila (V)upang magsipuri at nangagpasalamat, (W)ayon sa utos ni David na (X)lalake ng Dios, sa pulutong at pulutong.

25 Si Mathanias, at si Bucbucias, si Obadias, si Mesullam, si Talmon, si Accub, ay mga tagatanod-pinto, na nangagbabantay sa mga kamalig ng mga pintuang-bayan.

26 Ang mga ito'y sa mga kaarawan ni Joiacim, na anak ni Jesua, na anak ni Josadac, at sa mga kaarawan ni Nehemias na tagapamahala, at ng saserdoteng Ezra na (Y)kalihim.

1 Corinto 10:14-33

14 Kaya, mga minamahal ko, (A)magsitakas kayo sa pagsamba sa diosdiosan.

15 Ako'y nagsasalitang tulad (B)sa marurunong; hatulan ninyo ang sinasabi ko.

16 Ang saro ng pagpapala (C)na ating pinagpapala, hindi baga siyang pakikipagkaisa ng dugo ni Cristo? Ang tinapay na ating pinagpuputolputol, hindi baga siyang pakikipagkaisa ng katawan ni Cristo?

17 Bagaman tayo'y marami, ay iisa lamang tinapay, (D)iisang katawan: sapagka't tayong lahat ay nakikibahagi sa isa lamang tinapay.

18 Tingnan ninyo (E)ang Israel na ayon sa laman: (F)ang mga nagsisikain baga ng mga hain ay wala kayang pakikipagkaisa sa dambana?

19 Ano ang aking sinasabi? na ang hain baga sa mga diosdiosan ay may kabuluhan? (G)o ang diosdiosan ay may kabuluhan?

20 Subali't sinasabi ko, na ang mga bagay na inihahain (H)ng mga Gentil, ay kanilang inihahain sa mga demonio, at hindi sa Dios: at di ko ibig na kayo'y mangagkaroon ng pakikipagkaisa sa mga demonio.

21 Hindi ninyo maiinuman (I)ang saro ng Panginoon, at ang saro ng mga demonio: kayo'y hindi maaaring makisalo sa dulang ng Panginoon, at sa dulang ng mga demonio.

22 O (J)minumungkahi baga natin sa paninibugho ang Panginoon? tayo baga'y lalong malakas kay sa kaniya?

23 Lahat ng mga bagay ay matuwid; (K)nguni't hindi ang lahat ng mga bagay ay nararapat. Lahat ng mga bagay ay matuwid; nguni't hindi ang lahat ng mga bagay ay makapagpapatibay.

24 Huwag (L)hanapin ninoman ang sa kaniyang sarili, kundi ang ikabubuti ng kapuwa.

25 Lahat ng ipinagbibili sa pamilihan ay kanin ninyo, at huwag kayong magsipagtanong ng anoman (M)dahilan sa budhi;

26 Sapagka't ang lupa ay (N)sa Panginoon, at ang kabuuan ng naririto.

27 Kung kayo'y aanyayahan ng isang hindi sumasampalataya, at ibig ninyong pumaroon; ang anomang ihain sa inyo ay kanin ninyo, at huwag kayong magsipagtanong ng anoman dahilan sa budhi.

28 Datapuwa't kung sa inyo'y may magsabi, Ito'y inihandog na hain, ay huwag ninyong kanin, (O)dahilan doon sa nagpahayag at dahilan sa budhi;

29 Budhi, sinasabi ko, hindi ang inyong sarili, kundi ang sa iba; sapagka't bakit (P)hahatulan ang kalayaan ng budhi ng iba?

30 Kung nakikisalo ako na may pagpapasalamat,(Q)bakit ako'y aalipustain ng dahil sa aking ipinagpapasalamat?

31 Kaya kung kayo'y nagsisikain man, o nagsisiinom man o anoman ang inyong ginagawa, (R)gawin ninyo ang lahat sa ikaluluwalhati ng Dios.

32 Huwag kayong magbigay ng dahilang ikatitisod, (S)sa mga Judio man, sa mga Griego man, o sa (T)iglesia man ng Dios:

33 Na gaya ko (U)din naman, na sa lahat ng mga bagay ay nagbibigay lugod ako sa lahat ng mga tao, na hindi ko hinahanap ang aking sariling kapakinabangan, kundi ang sa marami, upang sila'y (V)mangaligtas.

Mga Awit 34:11-22

11 Magsiparito kayo, kayong mga anak, dinggin ninyo ako:
Aking tuturuan kayo ng pagkatakot sa Panginoon.
12 (A)Sinong tao ang nagnanasa ng buhay,
At umiibig sa maraming kaarawan upang makakita siya ng mabuti?
13 Ingatan mo ang iyong dila mula sa masama.
At ang iyong mga labi (B)sa pagsasalita ng karayaan.
14 (C)Lumayo ka sa kasamaan, at gumawa ka ng mabuti;
(D)Hanapin mo ang kapayapaan at habulin mo.
15 (E)Ang mga mata ng Panginoon ay nakatitig sa mga matuwid,
At ang kaniyang mga pakinig ay nakabukas sa kanilang daing.
16 (F)Ang mukha ng Panginoon ay laban sa kanila na nagsisigawa ng kasamaan,
(G)Upang ihiwalay ang alaala sa kanila sa lupa.
17 Ang matuwid ay nagsidaing, at dininig ng Panginoon,
At iniligtas sila sa lahat nilang mga kabagabagan.
18 Ang Panginoon ay malapit (H)sa kanila na may bagbag na puso,
At inililigtas ang mga may pagsisising diwa.
19 (I)Marami ang kadalamhatian ng matuwid;
Nguni't inililigtas ng Panginoon sa lahat.
20 Kaniyang iniingatan ang lahat niyang mga buto:
(J)Wala isa man sa mga yaon na nababali.
21 Papatayin ng kasamaan ang masama:
At silang nangagagalit sa matuwid na tao ay kikilanling may sala.
22 (K)Tinutubos ng Panginoon ang kaluluwa ng kaniyang mga lingkod:
At wala sa nagsisipagkanlong sa kaniya ay kikilanling may sala.

Mga Kawikaan 21:14-16

14 Ang (A)kaloob na lihim ay nagpapatahimik ng galit,
At ang alay sa sinapupunan, ay ng malaking poot.
15 Kagalakan sa matuwid ang gumawa ng kahatulan;
Nguni't kapahamakan sa mga manggagawa ng kasamaan.
16 Ang tao na gumagala sa labas ng daan ng kaunawaan,
(B)Magpapahinga sa kapisanan ng patay.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978