Bible in 90 Days
1 Si (A)Pablo, at si (B)Silvano, at si (C)Timoteo, sa (D)iglesia ng mga taga Tesalonica sa Dios Ama at sa Panginoong Jesucristo: (E)Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaan.
2 (F)Nangagpapasalamat kaming lagi sa Dios dahil sa inyong lahat, (G)na aming binabanggit kayo sa aming mga panalangin;
3 Na aming inaalaalang walang patid sa harapan ng ating Dios at Ama, (H)ang inyong gawa sa pananampalataya at pagpapagal sa pagibig at (I)pagtitiis sa pagasa sa ating (J)Panginoong Jesucristo;
4 Yamang aming nalalaman, mga kapatid na minamahal ng Dios, (K)ang pagkahirang sa inyo,
5 Kung paanong ang (L)aming evangelio ay hindi dumating sa inyo sa salita lamang, kundi sa kapangyarihan din naman, at sa Espiritu Santo, at (M)sa lubos na katiwasayan; na gaya ng (N)inyong nalalaman kung anong pagkatao namin ang aming ipinakita sa inyo dahil sa inyo.
6 At kayo'y nagsitulad sa amin, at sa Panginoon, (O)nang inyong tanggapin ang salita sa malaking kapighatian, (P)na may katuwaan sa Espiritu Santo;
7 Ano pa't kayo'y naging (Q)uliran ng lahat ng nangananampalatayang nangasa (R)Macedonia at nangasa Acaya.
8 Sapagka't mula sa inyo'y nabansag ang salita ng Panginoon, hindi lamang sa Macedonia at Acaya, kundi (S)sa lahat ng mga dako ay natanyag ang inyong pananampalataya sa Dios; ano pa't kami ay wala nang kailangang magsabi pa ng anoman.
9 Sapagka't sila rin ang nangagbalita tungkol sa amin (T)kung paanong nangakapasok kami sa inyo; at (U)kung paanong nangagbalik kayo sa Dios mula sa mga (V)diosdiosan, upang mangaglingkod sa (W)Dios na buhay at tunay,
10 (X)At upang hintayin ang kaniyang Anak na mula sa langit, na kaniyang ibinangon sa mga patay, si Jesus nga (Y)na nagligtas (Z)sa atin mula sa galit na darating.
2 Kaya nga nalalaman ninyo rin, (AA)mga kapatid, na ang aming pagkapasok sa inyo, ay hindi nawalan ng kabuluhan:
2 Kundi palibhasa'y nagsipagbata kami nang una at inalipusta, gaya ng inyong nalalaman, (AB)sa Filipos, ay nangagkaroon kami ng kalakasan ng loob dahil sa ating Dios (AC)upang salitain sa inyo ang evangelio ng Dios sa gitna ng maraming kaligaligan.
3 Sapagka't ang aming iniaaral ay hindi sa kamalian, ni sa (AD)karumihan, ni sa pagdaraya.
4 Kundi kung paanong kami'y minarapat ng Dios upang pagkatiwalaan kami ng evangelio, ay gayon namin sinasalita; (AE)hindi gaya ng nangagbibigay lugod sa mga tao, kundi sa Dios na sumusubok ng aming mga puso.
5 Sapagka't hindi kami nasusumpungang nagsisigamit kailan man ng mga salitang paimbabaw, gaya ng nalalaman ninyo, ni ng balabal man ng (AF)kasakiman, saksi ang Dios;
6 Ni nagsihanap man sa mga tao ng kapurihan, ni sa inyo man, ni sa mga iba man, nang maaaring magsigamit (AG)kami ng kapamahalaan (AH)gaya ng mga apostol ni Cristo.
7 Kundi kami ay nangagpapakalumanay sa gitna ninyo, na gaya ng isang sisiwa pagka inaamoamo ang kaniyang sariling mga anak:
8 Gayon din kami, palibhasa'y may magiliw na pagibig sa inyo, ay kinalugdan naming kayo'y bahaginan, hindi lamang ng evangelio ng Dios, kundi naman ng (AI)aming sariling mga kaluluwa, sapagka't kayo'y naging lalong mahal sa amin.
9 Sapagka't inaalaala ninyo, mga kapatid, ang aming (AJ)pagpapagal at pagdaramdam: amin ngang ipinangaral ang evangelio ng Dios na kami ay gumagawa gabi't araw, upang huwag kaming maging isang pasanin sa kanino man sa inyo.
10 Kayo'y mga saksi, at ang Dios man, kung gaanong pagkabanal at pagkamatuwid at pagkawalang kapintasan ang inugali namin sa inyong nagsisisampalataya:
11 Gaya ng inyong nalalaman kung ano ang inugali namin sa bawa't isa sa inyo, na (AK)gaya ng isang ama sa kaniyang sariling mga anak, na kayo'y inaaralan, at pinalalakas ang loob ninyo, at nagpapatotoo,
12 Upang kayo'y (AL)magsilakad ng nararapat sa Dios, (AM)na siyang tumawag sa inyo sa kaniyang sariling kaharian at kaluwalhatian.
13 At dahil naman dito kami ay nangagpapasalamat na walang patid sa Dios, na nang (AN)inyong tanggapin sa amin ang salita na ipinangaral, sa makatuwid baga'y ang salita ng Dios, ay inyong tinanggap na (AO)hindi gaya ng salita ng mga tao, kundi, ayon sa katotohanan, na salita ng Dios, na gumagawa naman sa inyo na nagsisisampalataya.
14 Sapagka't kayo, mga kapatid, ay nagsitulad (AP)sa mga iglesia ng Dios na nasa Judea kay Cristo Jesus: (AQ)sapagka't nagsipagbata naman kayo sa inyong sariling mga kababayan, (AR)gaya naman nila sa mga Judio;
15 Na nagsipatay sa Panginoong Jesus, at gayon din (AS)sa mga propeta, at kami ay kanilang pinalayas, at di nangagbibigay lugod sa Dios, at laban sa lahat ng mga tao;
16 Na pinagbabawalan kaming makipagusap (AT)sa mga Gentil upang mangaligtas ang mga ito; upang (AU)kanilang paramihing lagi ang kanilang mga kasalanan: nguni't dumating sa kanila ang kagalitan, hanggang sa katapusan.
17 Nguni't kami, mga kapatid, na nangahiwalay sa inyong sangdaling panahon, (AV)sa katawan hindi sa puso, ay (AW)nangagsisikap na lubha, upang makita ang inyong mukha na may dakilang pagnanais:
18 Sapagka't nangagnasa kaming pumariyan sa inyo, akong si Pablo, na minsan at muli; at hinadlangan kami ni Satanas.
19 Sapagka't (AX)ano ang aming pagasa, o katuwaan, o putong, (AY)na ipinagmamapuri? Hindi baga kayo rin sa harapan ng ating Panginoong Jesucristo (AZ)sa kaniyang pagparito?
20 Sapagka't kayo ang aming kaluwalhatian at aming katuwaan.
3 Kaya't nang hindi na kami mangakatiis, ay (BA)minagaling naming maiwang nangagiisa sa Atenas;
2 At aming sinugo si (BB)Timoteo, na aming kapatid at ministro ng Dios sa evangelio ni Cristo, (BC)upang kayo'y kaniyang patibayin at aliwin, tungkol sa inyong pananampalataya;
3 Upang ang sinoma'y huwag mabagabag sa pamamagitan ng mga kapighatiang ito; sapagka't kayo rin ang nangakaaalam (BD)na itinalaga kami sa bagay na ito.
4 Sapagka't sa katotohanan, nang kami ay kasama ninyo ay aming sinabi nang una sa inyo na kami ay mangagbabata ng kapighatian; gaya nga na (BE)nangyari, at nalalaman ninyo.
5 Dahil dito naman, nang hindi ko na matiis pa, ako'y nagsugo upang matalastas ko ang inyong pananampalataya, baka sa anomang paraan kayo'y nangatukso ng manunukso, at ang (BF)aming pagpapagal ay mawalan ng kabuluhan.
6 Datapuwa't nang si Timoteo ay (BG)dumating sa amin ngayon na buhat sa inyo, at nagdala sa amin ng mabubuting balita tungkol sa inyong pananampalataya at pagibig, at laging kami'y inaalaalang mabuti ninyo, na ninanasang makita kami na gaya naman namin sa inyo;
7 Dahil dito'y nangaaliw kami, mga kapatid, tungkol sa inyo sa pamamagitan ng inyong pananampalataya sa lahat naming kagipitan at kapighatian:
8 Sapagka't ngayon ay nangabubuhay kami, kung kayo'y (BH)nangamamalaging matibay sa Panginoon.
9 (BI)Sapagka't ano ngang pagpapasalamat ang aming muling maibibigay sa Dios dahil sa inyo, dahil sa buong kagalakan na aming ikinagalak dahil sa inyo sa harapan ng aming Dios;
10 Gabi't araw ay (BJ)idinadalangin naming buong ningas (BK)na aming makita ang inyong mukha, at (BL)aming malubos ang inyong pananampalataya.
11 Ngayo'y patnugutan nawa ng atin ding Dios at Ama, at ng ating Panginoong Jesus, ang aming paglalakbay sa inyo:
12 At (BM)kayo'y palaguin at pasaganain ng Panginoon sa pagibig sa isa't isa, at sa lahat ng mga tao, na gaya naman ng amin sa inyo;
13 Upang (BN)patibayin niya ang inyong mga puso, na walang maipipintas sa kabanalan sa harapan ng ating Dios at Ama, (BO)sa pagparito ng ating Panginoong Jesus na (BP)kasama ang kaniyang lahat na mga banal.
4 Katapustapusan nga, mga kapatid, kayo'y aming pinamamanhikan at inaaralan sa Panginoong Jesus, (BQ)na, ayon sa tinanggap ninyo sa amin, na kung paanong kayo'y dapat magsilakad at mangagbigay lugod sa Dios, (BR)na gaya ng inyong paglakad,—upang kayo'y magsipanagana ng higit at higit.
2 Sapagka't talastas ninyo kung anong mga tagubilin ang ibinigay namin sa inyo sa pamamagitan ng Panginoong Jesus.
3 Sapagka't ito (BS)ang kalooban ng Dios, sa makatuwid baga'y ang inyong (BT)pagpapakabanal, (BU)na kayo'y magsiilag sa pakikiapid;
4 Na ang bawa't isa sa inyo'y makaalam na maging mapagpigil sa (BV)kaniyang sariling katawan sa pagpapakabanal at kapurihan,
5 Hindi sa pita (BW)ng kahalayan, na (BX)gaya ng mga Gentil na hindi nangakakakilala sa Dios;
6 Na sinoma'y huwag lumapastangan at magdaya (BY)sa kaniyang kapatid sa bagay na ito: sapagka't ang Panginoon ay mapaghiganti sa lahat ng mga bagay na ito, na gaya naman ng aming ipinatalastas nang una na sa inyo at pinatotohanan.
7 Sapagka't tayo'y tinawag ng Dios hindi (BZ)sa ikarurumi, kundi sa pagpapakabanal.
8 Kaya't ang nagtatakuwil, hindi ang tao ang itinatakuwil, kundi ang Dios, (CA)na nagbibigay sa inyo ng kaniyang Espiritu Santo.
9 Datapuwa't tungkol sa (CB)pagiibigang kapatid ay (CC)hindi ninyo kailangan na kayo'y sulatan ng sinoman: sapagka't kayo rin ay tinuruan ng Dios na (CD)mangagibigan kayo sa isa't isa;
10 Sapagka't katotohanang (CE)ginagawa ninyo ang gayon sa lahat ng kapatid na nangasa buong Macedonia. Nguni't aming iniaaral sa inyo, mga kapatid, na kayo'y lalo't lalong magsipanagana.
11 At pagaralan ninyong maging (CF)matahimik, at (CG)gawin ang inyong sariling gawain, at (CH)kayo'y mangagpagal ng inyong sariling mga kamay, na gaya ng aming ipinagbilin sa inyo;
12 Upang kayo'y magsilakad ng nararapat (CI)sa nangasa labas, at huwag kayong maging mapagkailangan.
13 Nguni't hindi namin ibig na kayo'y di makaalam, mga kapatid, tungkol sa nangatutulog; upang kayo'y huwag mangalumbay, na gaya ng mga iba, (CJ)na walang pagasa.
14 Sapagka't kung tayo'y nagsisisampalatayang si Jesus ay namatay at nabuhay na maguli, ay gayon (CK)din naman ang nangatutulog kay Jesus ay dadalhin ng Dios na kasama niya.
15 Sapagka't ito'y sinasabi namin sa inyo sa salita ng Panginoon, na (CL)tayong nangabubuhay, na nangatitira hanggang sa pagparito ng Panginoon, ay hindi tayo mangauuna sa anomang paraan sa nangatutulog.
16 Sapagka't (CM)ang Panginoon din ang bababang mula sa langit, na may isang sigaw, may tinig ng (CN)arkanghel, at may (CO)pakakak ng Dios: at ang nangamatay kay Cristo ay (CP)unang mangabubuhay na maguli;
17 Kung magkagayon, tayong nangabubuhay, na nangatitira, ay aagawing kasama nila (CQ)sa mga alapaap, upang salubungin ang Panginoon sa hangin: at sa ganito'y (CR)sasa Panginoon tayo magpakailan man.
18 Kaya't mangagaliwan kayo sa isa't isa ng mga salitang ito.
5 Datapuwa't tungkol sa (CS)mga kapanahunan at mga bahagi ng panahon, mga kapatid, (CT)hindi ninyo kailangan na isulat ko pa sa inyo ang anoman.
2 Sapagka't kayo rin ang mga lubos na nangakakaalam, na ang pagdating (CU)ng kaarawan ng Panginoon ay (CV)gaya ng magnanakaw sa gabi.
3 Pagka sinasabi ng mga tao, Kapayapaan at katiwasayan, kung magkagayo'y (CW)darating sa kanila ang biglang pagkawasak, na gaya ng pagdaramdam, sa panganganak ng babaing nagdadalang-tao; at sila'y hindi mangakatatanan sa anomang paraan.
4 Nguni't kayo, (CX)mga kapatid, ay wala sa kadiliman, upang sa araw na yaon ay masubukan kayong gaya ng magnanakaw:
5 Sapagka't kayong lahat (CY)ay pawang mga anak ng kaliwanagan, at mga anak ng araw: tayo'y hindi ng gabi, ni ng kadiliman man;
6 (CZ)Huwag nga tayong mangatulog, gaya ng mga iba, kundi (DA)tayo'y mangagpuyat at mangagpigil.
7 Sapagka't ang nangatutulog ay nangatutulog sa gabi; (DB)at ang nangaglalasing ay nangaglalasing sa gabi.
8 Datapuwa't palibhasa'y mga anak tayo ng araw, mangagpigil tayo, (DC)na isuot ang baluti ng pananampalataya at ng pagibig; at ang maging turbante ay ang pagasa ng kaligtasan.
9 Sapagka't tayo'y (DD)hindi itinalaga ng Dios sa galit, kundi sa pagtatamo ng pagkaligtas sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesucristo,
10 Na (DE)namatay dahil sa atin, upang tayo, sa gising o tulog man, ay mangabuhay tayong kasama niya.
11 Dahil dito (DF)kayo'y mangagpangaralan, at mangagpatibayan sa isa't isa sa inyo, gaya ng inyong ginagawa.
12 Datapuwa't ipinamamanhik namin sa inyo, mga kapatid, (DG)na inyong kilalanin ang nangagpapagal sa inyo, at (DH)nangamumuno sa inyo sa Panginoon, at nangagpapaalaala sa inyo;
13 At inyong lubos na pakamahalin sila sa pagibig, dahil sa kanilang gawa. (DI)Magkaroon kayo-kayo ng kapayapaan.
14 At aming ipinamamanhik sa inyo, mga kapatid, na inyong paalalahanan ang mga manggugulo, palakasin ang mga mahihinang-loob, (DJ)alalayan ang mga mahihina, (DK)at maging mapagpahinuhod kayo sa lahat.
15 (DL)Tingnan nga ninyo na huwag gumanti ang sinoman ng masama sa masama; nguni't sundin ninyong lagi ang mabuti, ang isa'y sa iba, at sa lahat.
16 (DM)Mangagalak kayong lagi;
17 Magsipanalangin kayong (DN)walang patid;
18 Sa lahat ng mga bagay ay (DO)magpasalamat kayo; sapagka't ito (DP)ang kalooban ng Dios kay Cristo tungkol sa inyo.
19 Huwag ninyong patayin (DQ)ang ningas ng Espiritu;
20 Huwag ninyong hamakin (DR)ang mga panghuhula;
21 Subukin ninyo ang (DS)lahat ng mga bagay, ingatan ninyo ang mabuti;
22 Layuan ninyo ang (DT)bawa't anyo ng masama.
23 At pakabanalin (DU)kayong lubos ng Dios din ng kapayapaan; at ang inyong (DV)espiritu at kaluluwa at katawan ay ingatang buo, na walang kapintasan (DW)sa pagparito ng ating Panginoong Jesucristo.
24 (DX)Tapat yaong sa inyo'y tumatawag, na gagawa rin naman nito.
25 Mga kapatid, (DY)idalangin ninyo kami.
26 Batiin ninyo ang lahat ng mga kapatid ng (DZ)banal na halik.
27 Idinadaing ko sa inyo alangalang sa Panginoon na basahin sa lahat ng mga kapatid (EA)ang sulat na ito.
28 Ang biyaya ng ating Panginoong Jesucristo ay sumainyo nawa.
1 Si (EB)Pablo, at si Silvano, at si Timoteo, sa iglesia ng mga taga Tesalonica na nasa Dios na ating Ama at sa Panginoong Jesucristo;
2 Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaang mula sa Dios Ama at sa Panginoong Jesucristo.
3 Kami ay nararapat, mga kapatid, na (EC)mangagpasalamat na lagi sa Dios dahil sa inyo, gaya ng marapat, dahil sa ang inyong pananampalataya ay lumalaking lubha, at ang pagibig ng bawa't isa sa iba't iba sa inyong lahat ay sumasagana;
4 Ano pa't (ED)kami sa aming sarili ay nangagkakapuri sa inyo sa (EE)mga iglesia ng Dios dahil sa inyong pagtitiis at pananampalataya (EF)sa lahat ng mga paguusig sa inyo at sa mga kapighatiang inyong tinitiis;
5 Na isang tandang hayag (EG)ng matuwid na paghukom ng Dios; upang kayo'y ariing karapatdapat sa kaharian ng Dios, na dahil dito'y nangagbabata rin naman kayo:
6 Kung isang bagay na (EH)matuwid sa Dios na gantihin ng kapighatian ang mga pumipighati sa inyo,
7 At kayong mga pinighati ay (EI)bigyang kasama namin ng kapahingahan sa pagpapakahayag (EJ)ng Panginoong Jesus mula sa langit na kasama ang mga anghel ng kaniyang kapangyarihan na nasa nagniningas na apoy,
8 (EK)Na maghihiganti sa hindi nagsisikilala sa Dios, at sa kanila na hindi nagsisitalima sa evangelio ng ating Panginoong Jesus:
9 Na siyang (EL)tatangap ng kaparusahan, na walang hanggang kapahamakang mula (EM)sa harapan ng Panginoon at mula sa kaluwalhatian ng kaniyang kapangyarihan.
10 Pagka paririto siya (EN)upang luwalhatiin sa kaniyang mga banal, at upang siya'y maging kahangahanga (EO)sa lahat ng mga nagsisampalataya sa araw na yaon (sapagka't ang aming patotoo sa inyo ay pinaniwalaan).
11 Dahil din dito ay lagi naming idinadalangin kayo, upang kayo'y ariing karapatdapat ng ating Dios sa pagkatawag sa inyo, at ganaping may kapangyarihan ang bawa't nais sa kabutihan at (EP)gawa ng pananampalataya;
12 Upang ang pangalan (EQ)ng ating Panginoong Jesus ay luwalhatiin sa inyo, at kayo'y sa kaniya, ayon sa biyaya ng ating Dios at ng Panginoong Jesucristo.
2 Ngayon aming ipinamamanhik sa inyo, mga kapatid, (ER)tungkol sa pagparito ng ating Panginoong Jesucristo, (ES)at sa ating pagkakatipon sa kaniya:
2 Upang huwag kayong madaling makilos (ET)sa inyong pagiisip, at huwag din naman kayong mabagabag maging sa pamamagitan man ng espiritu, o (EU)sa pamamagitan ng salita, o sa pamamagitan ng sulat na waring mula sa amin, na wari bagang nalalapit na (EV)ang kaarawan ng Panginoon;
3 Huwag kayong padaya kanino man (EW)sa anomang paraan: sapagka't ito'y hindi darating, (EX)maliban nang dumating mula ang pagtaliwakas, at (EY)mahayag ang taong makasalanan, (EZ)ang anak ng kapahamakan,
4 Na sumasalangsang at nagmamataas (FA)laban sa lahat na tinatawag na Dios o sinasamba; ano pa't siya'y nauupo sa templo ng Dios, na siya'y nagtatanyag sa kaniyang sarili na tulad sa Dios.
5 Hindi baga ninyo naaalaala nang ako'y kasama ninyo pa, ay sinabi ko sa inyo ang mga bagay na ito?
6 At ngayo'y nalalaman ninyo ang nakapipigil, upang siya'y mahayag sa kaniyang talagang kapanahunan.
7 Sapagka't (FB)ang hiwaga ng kasamaan ay gumagawa na: lamang ay may pumipigil ngayon, hanggang sa alisin ito.
8 At kung magkagayo'y mahahayag ang tampalasan, (FC)na papatayin ng Panginoong Jesus (FD)ng hininga ng kaniyang bibig, at (FE)sa pamamagitan ng pagkahayag ng kaniyang pagparito ay lilipulin;
9 Siya, na ang kaniyang pagparito ay (FF)ayon sa paggawa ni Satanas na may buong kapangyarihan at (FG)mga tanda at mga kahangahangang kasinungalingan,
10 At may buong daya ng kalikuan sa (FH)nangapapahamak; sapagka't hindi nila tinanggap ang pagibig sa katotohanan, upang sila'y mangaligtas.
11 At dahil dito'y ipinadadala sa kanila ng Dios ang paggawa ng kamalian, (FI)upang magsipaniwala sila sa (FJ)kasinungalingan:
12 Upang mangahatulan silang lahat na (FK)hindi nagsisampalataya sa katotohanan, kundi (FL)nangalugod sa kalikuan.
13 Nguni't (FM)kami ay nararapat magpasalamat sa Dios dahil sa inyo, mga kapatid na minamahal ng Panginoon, sa pagkakahirang sa inyo ng Dios (FN)buhat nang pasimula sa ikaliligtas (FO)sa pagpapabanal ng Espiritu at pananampalataya sa katotohanan:
14 Sa kalagayang ito'y tinawag niya kayo sa pamamagitan ng aming evangelio, (FP)upang magkamit ng kaluwalhatian ng ating Panginoong Jesucristo.
15 Kaya nga, mga kapatid, kayo'y mangagpakatibay, at inyong panghawakan (FQ)ang mga aral na sa inyo'y itinuro, maging (FR)sa pamamagitan ng salita, o ng aming sulat.
16 Ngayon ang ating Panginoong Jesucristo rin, at ang Dios na ating Ama (FS)na sa amin ay umibig at sa amin ay nagbigay ng walang hanggang kaaliwan at (FT)mabuting pagasa sa pamamagitan ng biyaya,
17 (FU)Aliwin nawa ang inyong puso, (FV)at patibayin kayo sa bawa't mabuting gawa at salita.
3 Katapustapusan, mga kapatid, ay (FW)inyong idalangin kami, upang ang salita ng Panginoon ay lumaganap at luwalhatiin nawa na gaya rin naman sa inyo;
2 At upang kami ay mangaligtas sa mga taong walang katuwiran at masasama; (FX)sapagka't hindi lahat ay mayroong pananampalataya.
3 Nguni't (FY)tapat ang Panginoon na magpapatibay sa inyo, at sa inyo'y (FZ)magiingat sa masama.
4 At may pagkakatiwala kami sa Panginoon tungkol sa inyo, na inyong ginagawa at gagawin naman ang mga bagay na aming iniuutos.
5 At (GA)patnubayan nawa ng Panginoon ang inyong mga puso sa pagibig ng Dios, at sa (GB)pagtitiis ni Cristo.
6 Aming inuutos nga sa inyo, mga kapatid, sa pangalan ng ating Panginoong Jesucristo, (GC)na kayo'y magsihiwalay sa bawa't (GD)kapatid (GE)na lumalakad ng walang kaayusan, at hindi ayon (GF)sa aral na tinanggap nila sa amin.
7 Sapagka't kayo rin ang nangakakaalam kung paano kami ay inyong dapat tularan: sapagka't kami ay (GG)hindi nangagugali ng walang kaayusan sa inyo;
8 Ni nagsikain man kami ng walang bayad ng tinapay ng sinoman; kundi (GH)sa pagpapagal at sa pagdaramdam na gumagawa gabi't araw, upang kami ay huwag maging pasanin sa kanino man sa inyo:
9 (GI)Hindi dahil sa kami ay walang karapatan, kundi upang kami ay mangakapagbigay sa inyo ng isang uliran, upang kami ay inyong tularan.
10 Sapagka't noon pa mang kami ay kasama ninyo, ay aming iniutos ito sa inyo, (GJ)Kung ang sinoman ay ayaw gumawa, ay huwag din namang kumain.
11 Sapagka't aming nababalitaan ang ilan sa inyo na nagsisilakad ng walang kaayusan, na hindi man lamang nagsisigawa, kundi mga mapakialam sa mga bagay ng iba.
12 Sa mga gayon nga ay aming iniuutos at ipinamamanhik sa Panginoong Jesucristo, na (GK)sila'y magsigawang may katahimikan, at magsikain ng kanilang sariling tinapay.
13 Nguni't kayo, mga kapatid, huwag kayong mangapagod sa paggawa ng mabuti.
14 At kung ang sinoma'y hindi tumalima sa aming salita sa pamamagitan ng sulat na ito, inyong tandaan ang taong yaon, upang (GL)huwag kayong makisama sa kaniya, nang siya'y mahiya.
15 At gayon ma'y (GM)huwag ninyong ariin siyang kaaway, kundi inyo siyang paalalahanan tulad sa kapatid.
16 Ngayon ang (GN)Panginoon din ng kapayapaan ay magbigay nawa sa inyo ng kapayapaan sa buong panahon at sa lahat ng paraan. Ang Panginoon ay sumainyo nawang lahat.
17 (GO)Ang bati na sinulat ng aking sariling kamay, akong si Pablo, na siyang tanda sa bawa't sulat: gayon sumusulat ako.
18 Ang (GP)biyaya ng ating Panginoong Jesucristo ay sumainyo nawang lahat.
1 Si Pablo, na apostol ni Cristo Jesus (GQ)ayon sa utos ng (GR)Dios na ating Tagapagligtas, at ni Cristo Jesus na (GS)ating pagasa;
2 Kay (GT)Timoteo na aking (GU)tunay na anak sa pananampalataya: Biyaya, kahabagan, at kapayapaan nawang mula sa Dios na Ama at kay Jesucristo na Panginoon natin.
3 Kung paanong ipinamanhik ko sa iyo na ikaw ay matira sa Efeso, nang pumaparoon ako sa Macedonia, upang maipagbilin mo sa ilang tao (GV)na huwag magsipagturo ng ibang aral,
4 Ni huwag makinig (GW)sa mga katha at sa mga (GX)kasaysayan ng mga lahi na walang katapusan, na pinanggagalingan ng (GY)pagtatalo, at hindi ng pagkakatiwalang mula sa Dios na nasa pananampalataya; ay gayon din ang ipinamamanhik ko ngayon.
5 Nguni't (GZ)ang kinauuwian ng bilin ay ang pagibig na nagbubuhat sa malinis na (HA)puso at sa (HB)mabuting budhi at sa pananampalatayang hindi paimbabaw:
6 Na pagkasinsay ng iba sa mga bagay na ito ay nagsibaling sa walang kabuluhang pananalita;
7 Na nagsisipagnasang maging mga guro ng kautusan, bagaman di nila natatalastas kahit ang kanilang sinasabi, kahit ang kanilang buong tiwalang pinatutunayan.
8 (HC)Datapuwa't nalalaman natin na ang kautusan ay mabuti, kung ginagamit ng tao sa matuwid,
9 Yamang nalalaman ito, na ang kautusan ay hindi ginawa dahil sa taong matuwid, kundi sa mga walang kautusan at manggugulo, dahil sa masasama at mga makasalanan, dahil sa mga di banal at (HD)mapaglapastangan, dahil sa nagsisipatay sa ama at sa nagsisipatay sa ina, dahil sa mga mamamatay-tao,
10 Dahil sa (HE)mga nakikiapid, dahil sa mga mapakiapid sa kapuwa lalake, dahil sa mga (HF)nagnanakaw ng tao, dahil sa mga bulaan, dahil sa mga (HG)mapagsumpa ng kabulaanan, at kung mayroon pang ibang bagay laban (HH)sa mabuting aral;
11 Ayon sa evangelio ng kaluwalhatian ng mapagpalang Dios, (HI)na ipinagkatiwala sa akin.
12 Nagpapasalamat (HJ)ako sa kaniya na nagpapalakas sa akin, kay Cristo Jesus na Panginoon natin, sapagka't ako'y inari niyang tapat, na ako'y inilagay sa paglilingkod sa kaniya;
13 Bagaman nang una ako'y naging mamumusong, at (HK)manguusig; at mangaalipusta: gayon ma'y (HL)kinahabagan ako, sapagka't yao'y (HM)ginawa ko sa di pagkaalam sa kawalan ng pananampalataya;
14 At totoong sumagana (HN)ang biyaya ng ating Panginoon na nasa pananampalataya at pagibig na pawang kay Cristo Jesus.
15 Tapat ang pasabi, at nararapat tanggapin ng lahat, (HO)na si (HP)Cristo Jesus ay naparito sa sanglibutan upang iligtas ang mga makasalanan; na ako ang pangulo (HQ)sa mga ito;
16 Gayon ma'y dahil dito, kinahabagan ako, upang sa akin na pangulong makasalanan, ay maipahayag ni Jesucristo ang buong pagpapahinuhod niya, na halimbawa sa mga magsisisampalataya sa kaniya, sa ikabubuhay na walang hanggan.
17 Ngayon (HR)sa Haring walang hanggan, walang kamatayan, di nakikita, (HS)sa iisang Dios, ay ang kapurihan at kaluwalhatian magpakailan kailan man. Siya nawa.
18 Ang biling ito ay ipinagtatagubilin ko sa iyo, Timoteo na aking (HT)anak, ayon sa mga (HU)hula na nangauna tungkol sa iyo, upang sa pamamagitan ng mga ito ay (HV)makipagbaka ka ng mabuting pakikipagbaka;
19 (HW)Na ingatan mo ang pananampalataya (HX)at ang mabuting budhi; na nang ito'y itakuwil ng iba sa kanila (HY)ay nangabagbag tungkol sa pananampalataya:
20 Na sa mga ito'y si (HZ)Himeneo at si (IA)Alejandro; (IB)na sila'y aking ibinigay kay Satanas, upang sila'y maturuang huwag mamusong.
2 Una-una nga sa lahat ng mga bagay, ay iniaaral ko na (IC)manaing, manalangin, mamagitan, at magpasalamat na patungkol sa lahat ng mga tao;
2 Ang mga hari at (ID)ang lahat ng nangasa mataas na kalagayan; upang tayo'y mangabuhay na tahimik at payapa sa buong kabanalan at kahusayan.
3 Ito'y (IE)mabuti at nakalulugod sa paningin (IF)ng Dios na ating Tagapagligtas;
4 Na siyang (IG)may ibig na ang lahat ng mga tao'y mangaligtas, at (IH)mangakaalam ng katotohanan.
5 Sapagka't may isang Dios at (II)may (IJ)isang Tagapamagitan sa Dios at sa mga tao, ang taong si Cristo Jesus,
6 Na ibinigay (IK)ang kaniyang sarili na pangtubos sa lahat; na pagpapatotoong mahahayag (IL)sa sariling kapanahunan;
7 Na dito'y itinalaga ako na tagapangaral at (IM)apostol (sinasabi ko ang katotohanan, hindi ako nagsisinungaling), (IN)guro sa mga Gentil sa pananampalataya at katotohanan.
8 Ibig ko ngang ang mga tao'y magsipanalangin (IO)sa bawa't dako, na iunat ang mga (IP)kamay na banal, na walang galit at pakikipagtalo.
9 Gayon din naman, na (IQ)ang mga babae ay magsigayak ng mahinhing damit na may katimtiman at hinahon; hindi ng mahalagang hiyas ng buhok, at ginto o perlas o damit na mahalaga;
10 Kundi (IR)(siyang nararapat sa mga babae na magpakabanal) sa pamamagitan ng mabubuting gawa.
11 Ang babae'y magaral na tumahimik na may buong pagkapasakop.
12 Nguni't hindi ko ipinahihintulot na (IS)ang babae ay magturo, ni magkaroon ng pamumuno sa lalake, kundi tumahimik.
13 Sapagka't si Adam ay siyang unang (IT)nilalang, saka si Eva;
14 At si Adam ay hindi nadaya, kundi (IU)ang babae nang madaya ay nahulog sa pagsalangsang;
15 Nguni't ililigtas siya sa pamamagitan ng panganganak, kung sila'y magsisipamalagi sa pananampalataya at pagibig at sa pagpapakabanal na may hinahon.
3 Tapat ang pasabi, (IV)Kung ang sinoman ay magsisikap na maging obispo, ay mabuting gawa ang ninanasa.
2 (IW)Dapat nga na ang (IX)obispo ay (IY)walang kapintasan, asawa ng isa lamang babae, mapagpigil, mahinahon ang pagiisip, mahusay, (IZ)mapagpatuloy, (JA)sapat na makapagturo;
3 Hindi magulo, hindi palaaway, kundi malumanay, hindi mapakipagtalo, hindi maibigin sa salapi;
4 Namamahalang mabuti ng kaniyang sariling sangbahayan, (JB)na sinusupil ang kaniyang mga anak na may buong (JC)kahusayan;
5 (Nguni't kung ang sinoman nga ay hindi marunong mamahala sa kaniyang sariling sangbahayan paanong makapamamahala sa (JD)iglesia ng Dios?)
6 Hindi baguhan, baka siya kung magpalalo ay mahulog sa (JE)kaparusahan ng diablo.
7 Bukod dito'y dapat din namang siya'y (JF)magkaroon ng mabuting patotoo ng (JG)nangasa labas, baka mahulog sa kapintasan (JH)at silo ng diablo.
8 Gayon din naman (JI)ang mga diakono dapat ay (JJ)mahuhusay, hindi dalawang dila, hindi mahilig sa maraming alak, hindi mga sakim sa mahahalay na kapakinabangan;
9 Na iniingatan (JK)ang hiwaga ng pananampalataya ng malinis na budhi.
10 (JL)At ang mga ito rin naman ay subukin muna; kung magkagayo'y mamahalang may pagka diakono, kung walang kapintasan.
11 (JM)Gayon din naman ang mga babae dapat ay mahuhusay, hindi palabintangin, mapagpigil, tapat sa lahat ng mga bagay.
12 Maging asawa ang mga diakono ng tigiisa lamang na babae, na pamahalaang mabuti ang kanilang mga anak at ang kanilang sariling mga sangbahayan.
13 Sapagka't ang nangamamahalang mabuti sa pagka diakono, ay nangagtatamo sa kanilang sarili ng isang mabuting kalagayan, at malaking katapangan sa pananampalataya na kay Cristo Jesus.
14 Ang mga bagay na ito ay aking isinusulat sa iyo, na inaasahang makararating sa iyong madali;
15 Nguni't kung ako'y magluwat ng mahabang panahon, ay upang maalaman mo kung paano ang dapat sa mga tao na ugaliin nila (JN)sa bahay ng Dios, na siyang iglesia ng Dios na buhay, at haligi at suhay ng katotohanan.
16 At walang pagtatalo, dakila (JO)ang hiwaga ng kabanalan;
Yaong nahayag (JP)sa laman,
(JQ)Pinapaging-banal sa espiritu,
(JR)Nakita ng mga anghel,
Ipinangaral sa mga bansa,
(JS)Sinampalatayanan sa sanglibutan,
(JT)Tinanggap sa itaas sa kaluwalhatian.
4 Nguni't hayag na (JU)sinasabi ng Espiritu, na (JV)sa mga huling panahon ang iba'y magsisitalikod sa pananampalataya, at mangakikinig sa mga (JW)espiritung mapanghikayat at sa mga aral ng mga demonio,
2 Sa pamamagitan ng pagpapaimbabaw ng mga tao na nagsisipagsalita ng mga kasinungalingan, (JX)na hinerohan ang kanilang mga sariling budhi ng waring bakal na nagbabaga;
3 (JY)Na ipinagbabawal ang pagaasawa, at ipinaguutos na lumayo sa mga lamangkati, na nilalang ng Dios upang tanggapin na (JZ)may pagpapasalamat ng mga nagsisisampalataya at nangakakaalam ng katotohanan.
4 Sapagka't ang (KA)bawa't nilalang ng Dios ay mabuti, at walang anomang nararapat na itakuwil, kung tinatanggap na may pagpapasalamat:
5 Sapagka't pinakababanal sa pamamagitan ng salita ng Dios at ng pananalangin.
6 Kung ipaalaala mo sa mga kapatid ang mga bagay na ito, ikaw ay magiging isang mabuting ministro ni Cristo Jesus, na kinandili sa mga salita ng pananampalataya at ng (KB)mabuting aral na (KC)sinusunod mo hanggang ngayon:
7 Datapuwa't (KD)itakuwil mo ang mga (KE)kathang masasama at walang kabuluhan. At magsanay ka sa kabanalan:
8 Sapagka't sa pagsasanay ng katawan ay may kaunting pakinabang, nguni't ang kabanalang sa lahat ng mga bagay ay pinakikinabangan, (KF)na may pangako sa buhay na ito, at sa darating.
9 Tapat ang pasabi, (KG)at nararapat tanggapin ng lahat.
10 Sapagka't dahil dito ay nagsisipagpagal kami at nagsisipagsikap, sapagka't (KH)may pagasa kami sa Dios na buhay, na siyang (KI)Tagapagligtas sa lahat ng mga tao, lalong lalo na sa mga nagsisisampalataya.
11 Ang mga bagay na ito'y iyong iutos at ituro.
12 Huwag (KJ)hamakin ng sinoman ang iyong kabataan; kundi ikaw ay maging uliran ng mga nagsisisampalataya, sa pananalita, sa (KK)pamumuhay, sa pagibig, sa pananampalataya, (KL)sa kalinisan.
13 Hanggang ako'y pumariyan ay magsikap ka sa pagbasa, sa (KM)pangangaral, sa (KN)pagtuturo.
14 Huwag mong pabayaan ang kaloob (KO)na nasa iyo, na sa iyo'y ibinigay (KP)sa pamamagitan ng hula, (KQ)na may pagpapatong ng mga kamay ng kapulungan ng (KR)mga presbitero.
15 Magsipag ka sa mga bagay na ito; tumalaga kang lubos sa mga ito; upang ang iyong pagkasulong ay mahayag sa lahat.
16 Magingat ka sa iyong sarili, at sa iyong turo. Manatili ka sa mga bagay na ito; sapagka't sa paggawa nito ay ang iyo ring sarili ang ililigtas mo at pati ng mga nagsisipakinig sa iyo.
5 Huwag mong pagwikaan ang matanda, kundi pangaralan mo siyang tulad sa ama; ang mga kabataang lalake na tulad sa mga kapatid:
2 Ang mga babaing matatanda na tulad sa mga ina; at ang mga kabataang babae na tulad sa mga kapatid na babae sa buong kalinisan.
3 Papurihan mo ang mga babaing bao (KS)na tunay na bao.
4 Nguni't kung ang sinomang babaing bao ay may mga anak o mga apo, magsipagaral ang mga ito muna (KT)ng pamamahalang may kabanalan sa kanilang sariling sangbahayan, at magsiganti sa kanilang mga magulang: (KU)sapagka't ito'y nakalulugod sa paningin ng Dios.
5 Kaya't ang tunay na babaing bao at walang nagaampon, ay may pagasa sa Dios, at (KV)nananatili sa mga pagdaing at mga panalangin (KW)gabi't araw.
6 Datapuwa't ang nangagpapakabuyo sa mga kalayawan, (KX)bagama't buháy ay patay.
7 Ang mga bagay na ito'y iutos mo rin naman, upang sila'y mawalan ng kapintasan.
8 Datapuwa't kung ang sinoman ay hindi nagkakandili sa mga sariling kaniya, lalong lalo na sa kaniyang sariling sangbahayan, ay tumanggi siya (KY)sa pananampalataya at lalong masama kay sa (KZ)hindi sumasampalataya.
9 Huwag itala na gaya ng babaing bao samantalang walang anim na pung taon, (LA)na naging asawa ng isang lalake,
10 Na may (LB)mabuting patotoo tungkol sa mabubuting gawa; kung siya'y nagalaga sa mga anak, (LC)kung siya'y nagpatuloy sa mga taga ibang bayan, kung siya'y (LD)naghugas ng mga paa ng mga banal, kung siya'y umabuloy sa mga napipighati, kung ginanap niya na may kasipagan ang bawa't mabuting gawa.
11 Nguni't tanggihan mo ang mga batang babaing bao: sapagka't pagkakaroon nila ng masamang pita na hiwalay kay Cristo, ay nagsisipagnasang magasawa;
12 Na nagkakaroon ng kahatulan, sapagka't itinakuwil nila ang unang pananampalataya.
13 At bukod dito ay nangagaaral din naman na maging mga tamad, na nagpapalipatlipat sa bahay-bahay; at hindi lamang mga tamad, kundi (LE)matatabil din naman (LF)at mga mapakialam, na nagsisipagsalita ng mga bagay na di nararapat.
14 Ibig ko ngang magsipagasawa ang mga batang babaing bao, magsipanganak, (LG)magsipamahala ng sangbahayan, huwag magbigay sa kaaway ng anomang pagkadahilanan ng ikalilibak:
15 Sapagka't ang mga iba'y nagsibaling na sa hulihan ni Satanas.
16 Kung ang sinomang babaing nanampalataya ay may inaampong mga babaing bao, ay umabuloy sa kanila, at huwag pabigatan ang iglesia, (LH)upang maabuluyan nito ang mga tunay na bao.
17 (LI)Ang mga matanda na (LJ)nagsisipamahalang mabuti (LK)ay ariing may karapatan sa ibayong (LL)kapurihan, lalong lalo na ang mga nangagpapagal sa salita at sa pagtuturo.
18 Sapagka't sinasabi ng kasulatan, (LM)Huwag mong lalagyan ng busal ang baka pagka gumigiik. (LN)At, ang nagpapagal ay karapatdapat sa kaupahan sa kaniya.
19 Laban sa matanda ay huwag kang tatanggap ng sumbong, maliban (LO)sa dalawa o tatlong saksi.
20 Sila na mga nagkakasala ay paalalahanan mo sa harapan ng lahat upang ang iba nama'y mangatakot.
21 Pinagbibilinan kita sa paningin ng (LP)Dios, at ni Cristo Jesus, at ng mga anghel na hinirang, na iyong ganapin ang mga bagay na ito na walang pagtatangi na huwag mong gagawin ang anomang pagayo.
22 (LQ)Huwag mong ipatong (LR)na madalian ang iyong mga kamay sa kanino man, (LS)ni huwag kang makaramay sa mga kasalanan ng iba: ingatan mong malinis ang iyong sarili.
23 Huwag kang iinom pa ng tubig lamang, kundi gumamit ka ng (LT)kaunting alak dahil sa iyong sikmura at sa iyong madalas na pagkakasakit.
24 Ang mga kasalanan ng ilang tao ay hayag na, (LU)na nagsisipanguna sa paghukom: at ang ilang mga tao naman ay kanilang sinusundan.
25 Gayon din naman ang mabubuting gawa ay hayag: at ang mga di gayo'y hindi maaaring ilihim.
6 Ang lahat ng mga alipin (LV)na nangasa ilalim ng pamatok ay ariin ang kanilang mga panginoon na karapatdapat sa buong kapurihan, upang (LW)ang pangalan ng Dios at ang aral ay huwag (LX)malapastangan.
2 At ang mga may panginoong nagsisisampalataya, ay huwag mayamot sa kanila, sapagka't sila'y pawang (LY)magkakapatid; kundi bagkus paglingkuran nila silang mabuti, sapagka't nagsisipanampalataya at mga minamahal ang mga nagsisitanggap ng kapakinabangan. Iyong ituro at iaral ang mga bagay na ito.
3 Kung ang sinoma'y nagtuturo ng ibang aral, at (LZ)hindi sumasangayon sa mga salitang nakagagaling, sa makatuwid ay sa mga salita ng ating Panginoong Jesucristo, (MA)at sa aral na ayon sa kabanalan;
4 Ang gayon ay palalo, walang nalalamang anoman, (MB)kundi may-sakit sa mga usapan at (MC)mga pagtatalo, sa mga salitang pinagbubuhatan ng kapanaghilian, mga pagkakaalit, mga (MD)pagalipusta, mga masasamang akala.
5 Pagtataltalan ng mga taong (ME)masasama ang pagiisip at salat sa katotohanan, na nagsisipagakala na ang kabanalan ay paraan ng pakinabang.
6 Datapuwa't ang kabanalan na (MF)may kasiyahan ay (MG)malaking kapakinabangan:
7 Sapagka't (MH)wala tayong dinalang anoman sa sanglibutan, at wala rin naman tayong mailalabas na anoman;
8 Nguni't kung tayo'y may pagkain at pananamit ay masisiyahan na tayo doon.
9 Datapuwa't (MI)ang mga nagsisipagnasang yumaman, ay nangahuhulog sa tukso at sa silo at sa maraming mga pitang hangal at nakasasama, (MJ)na siyang naglulubog sa mga tao sa kapahamakan at kamatayan.
10 Sapagka't (MK)ang pagibig sa salapi ay ugat ng lahat ng uri ng kasamaan; na sa pagnanasa ng iba ay nangasinsay sa pananampalataya, at tinuhog ang kanilang sarili ng maraming mga kalumbayan.
11 Datapuwa't ikaw, (ML)Oh tao, ng Dios, tumakas ka sa mga bagay na ito, at sumunod ka sa katuwiran, sa kabanalan, sa pananampalataya, sa pagibig, sa pagtitiis, sa kaamuan.
12 Makipagbaka ka (MM)ng mabuting pakikipagbaka ng pananampalataya, (MN)manangan ka sa buhay na walang hanggan, na dito'y tinawag ka, at ipinahayag mo ang mabuting pagpapahayag sa harapan ng maraming mga saksi.
13 (MO)Ipinagbibilin ko sa iyo (MP)sa paningin ng Dios (MQ)na bumubuhay sa lahat ng mga bagay, at ni Cristo Jesus, (MR)na sa harapan ni Poncio Pilato ay sumaksi ng mabuting pagpapahayag;
14 Na tuparin mo ang utos, na walang dungis, walang kapintasan (MS)hanggang sa pagpapakita ng ating Panginoong Jesucristo:
15 Na (MT)sa kaniyang kapanahunan ay ipahahayag siya, (MU)na mapalad at tanging Makapangyarihan (MV)Hari ng mga hari, at Panginoon ng mga panginoon;
16 (MW)Na siya lamang ang walang kamatayan, na nananahan sa liwanag na di malapitan; na di nakita ng (MX)sinomang tao, o makikita man: sumakaniya nawa ang kapurihan at paghaharing walang hanggan. Siya nawa.
17 Ang mayayaman sa sanglibutang (MY)ito, ay pagbilinan mo na (MZ)huwag magsipagmataas ng pagiisip, at huwag umasa sa mga kayamanang di nananatili, kundi sa Dios na siyang nagbibigay sa ating sagana ng lahat ng mga bagay upang ating ikagalak;
18 Na sila'y magsigawa ng mabuti, na sila'y magsiyaman sa mabuting gawa, na sila'y maging handa sa pamimigay, maibigin sa pamamahagi;
19 (NA)Na mangagtipon sa kanilang sarili ng isang mabuting kinasasaligan para sa panahong darating, upang (NB)sila'y makapanangan sa buhay na tunay na buhay.
20 Oh Timoteo, (NC)ingatan mo ang ipinagkatiwala sa iyo, (ND)na ilagan mo ang mga usapan na walang kabuluhan at (NE)ang mga pagsalungat ng maling tawag na kaalaman;
21 Na palibhasa'y pinaniwalaan ng ilan ay nangasinsay tungkol sa pananampalataya. Ang biyaya ay sumainyo nawa.
1 Si Pablo, na apostol ni Cristo Jesus (NF)sa pamamagitan ng kalooban ng Dios, ayon sa (NG)pangako ng buhay na nasa kay Cristo Jesus,
2 (NH)Kay Timoteo na (NI)aking minamahal na anak: Biyaya, kaawaan, kapayapaan nawang mula sa Dios Ama at kay Cristo Jesus na Panginoon natin.
3 Nagpapasalamat ako sa Dios, na (NJ)mula sa aking kanunununuan ay aking pinaglilingkuran sa budhing (NK)malinis, (NL)na walang patid na inaalaala kita sa aking mga daing, gabi't araw
4 Na kinasasabikan kong makita kita, (NM)na inaalaala ang iyong mga pagluha, upang ako'y mapuspos ng kagalakan;
5 Na inaalaala ko (NN)ang pananampalatayang hindi pakunwari na nasa iyo; na namalagi muna kay Loida na iyong lelang, at kay (NO)Eunice na iyong ina; at, ako'y naniniwalang lubos, na nasa iyo rin naman.
6 Dahil dito ay ipinaaalaala ko sa iyo (NP)na paningasin mo ang kaloob ng Dios, (NQ)na nasa iyo sa pamamagitan ng pagpapatong ng aking mga kamay.
7 Sapagka't hindi tayo binigyan ng Dios ng espiritu ng katakutan; (NR)kundi ng kapangyarihan at ng pagibig at ng (NS)kahusayan.
8 (NT)Huwag mo ngang ikahiya (NU)ang pagpapatotoo sa ating Panginoon, ni ako na bilanggo niya: (NV)kundi magtiis ka ng mga kahirapan dahil sa evangelio ayon sa kapangyarihan ng Dios;
9 Na siyang sa atin ay nagligtas, at sa atin ay (NW)tumawag ng isang banal na (NX)pagtawag, (NY)hindi ayon sa ating mga gawa, kundi (NZ)ayon sa kaniyang sariling akala at (OA)biyaya, na ibinigay sa atin kay Cristo Jesus (OB)buhat pa ng mga panahong walang hanggan.
10 Nguni't (OC)ngayon ay nahayag sa pamamagitan ng pagpapakita ng ating Tagapagligtas na si Cristo Jesus, (OD)na siyang nagalis ng kamatayan, at nagdala sa liwanag ng buhay at ng walang pagkasira sa pamamagitan ng evangelio,
11 Na sa bagay na ito ay ako'y itinalaga na (OE)tagapangaral, at apostol at guro.
12 Dahil dito'y nagtiis (OF)din ako ng mga bagay na ito: gayon ma'y (OG)hindi ako nahihiya; (OH)sapagka't nakikilala ko yaong aking sinampalatayanan, at lubos akong naniniwalang siya'y makapagiingat ng aking ipinagkatiwala sa kaniya (OI)hanggang sa araw na yaon.
13 Ingatan mo (OJ)ang mga ulirang mga salitang (OK)magagaling (OL)na narinig mo sa akin, (OM)sa pananampalataya at pagibig na nasa kay Cristo Jesus.
14 Yaong mabuting bagay na ipinagkatiwala sa iyo ay ingatan mo sa pamamagitan ng Espiritu Santo (ON)na nananahan sa atin.
15 Ito'y nalalaman mo, na (OO)nagsihiwalay sa akin ang lahat ng nangasa Asia; na sa mga yaon ay si Figello at si Hermogenes.
16 Pagkalooban nawa ng Panginoon ng habag ang sangbahayan (OP)ni Onesiforo: sapagka't madalas niya akong pinaginhawa, at hindi ikinahiya ang (OQ)aking tanikala;
17 Kundi, nang siya'y nasa Roma, ay hinanap niya ako ng buong sikap, at ako'y nasumpungan niya.
18 (Pagkalooban nawa siya ng Panginoon na masumpungan niya ang kahabagan ng Panginoon (OR)sa araw na yaon); at totoong alam mo kung gaano karaming mga bagay ang ipinaglingkod niya sa Efeso.
2 Ikaw nga, (OS)anak ko, (OT)magpakalakas ka sa biyayang nasa kay Cristo Jesus.
2 At (OU)ang mga bagay na iyong narinig sa akin sa gitna ng maraming saksi, (OV)ay siya mo ring ipagkatiwala sa mga taong tapat, na makapagtuturo naman sa mga iba.
3 (OW)Makipagtiis ka sa akin ng mga kahirapan, na (OX)gaya ng mabuting kawal ni Cristo Jesus.
4 Sinomang kawal na nasa pagkakawal ay hindi nahalubilo sa mga bagay ng buhay na ito; upang siya'y kalugdan niyaong nagtala sa pagkakawal.
5 At kung ang sinoman ay (OY)makikipaglaban naman sa mga laro, ay hindi (OZ)pinuputungan maliban na kung makipaglabang matuwid.
6 Ang magsasaka na nagpapagal (PA)ay siyang kailangang unang makabahagi sa mga bunga.
7 Isipin mo ang sinasabi ko; sapagka't bibigyan ka ng Panginoon ng pagkaunawa sa lahat ng mga bagay.
8 Alalahanin mo si Jesucristo na (PB)muling nabuhay sa mga patay, sa binhi ni David, ayon sa aking evangelio:
9 Na siyang pinagtitiisan ko ng kahirapan (PC)sa mga tanikala, na tulad sa tampalasan; (PD)nguni't ang salita ng Dios ay hindi natatanikalaan.
10 Kaya aking tinitiis ang lahat ng mga bagay (PE)dahil sa (PF)mga hinirang, upang kamtan naman nila ang pagkaligtas na nasa kay Cristo Jesus na may kaluwalhatiang walang hanggan.
11 (PG)Tapat ang pasabi: (PH)Sapagka't kung tayo'y nangamatay na kalakip niya, ay mangabubuhay naman tayong kasama niya:
12 (PI)Kung tayo'y mangagtiis, ay (PJ)mangaghahari naman tayong kasama niya: (PK)kung ating ikaila siya, ay ikakaila naman niya tayo:
13 Kung tayo'y hindi mga tapat, (PL)siya'y nananatiling tapat; sapagka't (PM)hindi makapagkakaila sa kaniyang sarili.
14 Ipaalaala mo sa kanila ang mga bagay na ito, na sila'y pagbilinan sa paningin ng Panginoon, (PN)na sila'y huwag makipagtalo tungkol sa mga salitaan na hindi mapapakinabangan, sa ikapapahamak ng mga nakikinig.
15 Pagsikapan mong humarap na subok sa Dios, manggagawang walang anomang ikahihiya, na gumagamit na matuwid ng salita ng katotohanan.
16 Datapuwa't (PO)ilagan mo ang mga usapang walang kabuluhan: sapagka't sila'y lalong magpapatuloy sa kasamaan,
17 At ang kanilang salita ay kakalat na gaya ng ganggrena: na sa mga ito ay si (PP)Himeneo at si Fileto;
18 Na mga taong tungkol sa katotohanan ay nangasinsay, na sinasabing ang pagkabuhay na maguli ay nakaraan na, at ginugulo ang pananampalataya ng iba.
19 Gayon ma'y ang matibay na pinagsasaligan ng Dios ay nananatili na may tatak nito, Nakikilala ng Panginoon ang mga kaniya: at, (PQ)Lumayo sa kalikuan ang bawa't isa na sumasambitla ng pangalan ng Panginoon.
20 Datapuwa't sa isang malaking bahay ay (PR)hindi lamang may mga sisidlang ginto at pilak, kundi mayroon din namang kahoy at (PS)lupa; (PT)at ang iba'y sa ikapupuri, at ang iba'y sa ikasisirang-puri.
21 Kung ang sinoman nga ay malinis sa alin man sa mga ito, ay magiging sisidlang ikapupuri, pinakabanal, marapat gamitin ng mayari, nahahanda sa lahat ng gawang mabuti.
22 Datapuwa't layuan mo ang masasamang pita ng kabinataan, at (PU)sundin mo ang kabanalan, ang pananampalataya, ang pagibig, ang kapayapaan, kasama ng mga (PV)nagsisitawag sa Panginoon mula sa pusong malinis.
23 Nguni't tanggihan mo ang mga usapang (PW)walang kabuluhan at hangal, yamang nalalaman mo na namumunga ng mga pagtatalo.
24 At (PX)ang alipin ng Panginoon ay hindi nararapat na makipagtalo, kundi maamo sa lahat, (PY)sapat na makapagturo, matiisin,
25 Na sawaying may kaamuan ang mga nagsisisalangsang; baka sakaling sila'y pagkalooban ng Dios ng pagsisisi (PZ)sa ikaaalam ng katotohanan,
26 At (QA)sila'y makawala sa silo ng diablo, na bumihag sa kanila ayon sa kaniyang kalooban.
3 Datapuwa't alamin mo ito, (QB)na sa mga huling araw ay darating ang mga panahong mapanganib.
2 Sapagka't ang mga tao'y magiging maibigin sa kanilang sarili, maibigin sa salapi, mayayabang, mga mapagmalaki, mapagtungayaw, masuwayin sa mga magulang, mga walang turing, mga walang kabanalan,
3 Walang katutubong pagibig, mga walang paglulubag, mga palabintangin, mga walang pagpipigil sa sarili, mga mabangis, hindi mga maibigin sa mabuti,
4 Mga lilo, mga matitigas ang ulo, mga palalo, mga maibigin sa kalayawan kay sa mga maibigin sa Dios;
5 (QC)Na may (QD)anyo ng kabanalan, datapuwa't (QE)tinanggihan ang kapangyarihan nito: lumayo ka rin naman sa mga ito.
6 Sapagka't sa mga ito ang nanganggagapang sa mga bahay, at binibihag ang babaing haling na lipos ng mga kasalanan, hinihila ng mga iba't ibang pita,
7 Na laging nagsisipagaral, at kailan pa man ay hindi nakararating (QF)sa pagkaalam ng katotohanan.
8 At kung paanong (QG)si Janes at si Jambres ay nagsilaban kay Moises, ay gayon din naman ang mga ito'y nagsisilaban sa katotohanan; mga taong masasama ang pagiisip, (QH)mga itinakuwil tungkol sa pananampalataya.
9 Nguni't sila'y hindi mangagpapatuloy: sapagka't mangahahayag sa lahat ng mga tao ang kanilang kamangmangan, (QI)gaya naman ng pagkahayag ng sa mga yaon.
10 Nguni't sinunod mo (QJ)ang aking aral, ugali, (QK)akala, (QL)pananampalataya, pagpapahinuhod, pagibig, pagtitiis,
11 Mga paguusig, mga pagbabata; anomang mga bagay ang nangyari sa akin (QM)sa Antioquia, sa (QN)Iconio, sa (QO)Listra; anomang mga paguusig ang tiniis ko: at sa lahat ay iniligtas ako ng Panginoon.
12 Oo, at (QP)lahat na ibig mabuhay na may kabanalan kay Cristo Jesus ay mangagbabata ng paguusig.
13 Datapuwa't ang masasamang tao at mga magdaraya ay lalong sasama ng sasama, na mangagdadaya, at sila rin ang mangadadaya.
14 Datapuwa't (QQ)manatili ka sa mga bagay na iyong pinagaralan at sa pinagkaroonan mo ng katunayan, yamang nalalaman mo kung kanino mo nangatutuhan;
15 At mula sa pagkasanggol ay iyong nalalaman (QR)ang mga banal na kasulatan (QS)na makapagpadunong sa iyo sa ikaliligtas sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo Jesus.
16 Ang lahat ng mga kasulatan (QT)na kinasihan ng Dios ay (QU)mapapakinabangan din naman sa pagtuturo, sa pagsansala, sa pagsaway, sa ikatututo na nasa katuwiran:
17 Upang ang tao (QV)ng Dios ay maging sakdal, tinuruang lubos sa lahat ng mga gawang mabuti.
4 (QW)Ipinagbibilin ko sa iyo sa paningin ng Dios, at ni Cristo Jesus, na siyang huhukom sa mga buhay at sa mga patay, sa pamamagitan ng (QX)kaniyang pagpapakita at sa kaniyang kaharian:
2 Ipangaral mo ang salita; magsikap ka sa kapanahunan, at sa di kapanahunan, sumawata ka, (QY)sumaway ka, (QZ)mangaral ka na may buong pagpapahinuhod at pagtuturo.
3 Sapagka't darating ang panahon (RA)na hindi nila titiisin ang (RB)magaling na aral; (RC)kundi, pagkakaroon nila ng kati ng tainga, ay magsisipagbunton sila sa kanilang sarili ng mga gurong ayon sa kanilang sariling mga masasamang pita;
4 At ihihiwalay sa katotohanan ang kanilang mga tainga, at mga (RD)ibabaling sa katha.
5 Nguni't ikaw ay (RE)magpigil sa lahat ng mga bagay, (RF)magtiis ka ng mga kahirapan, gawin mo ang gawa (RG)ng evangelista, ganapin mo ang iyong ministerio.
6 Sapagka't (RH)ako'y iniaalay na, at ang panahon ng (RI)aking pagpanaw ay dumating na.
7 (RJ)Nakipagbaka ako ng mabuting pakikipagbaka, (RK)natapos ko na ang aking takbo, iningatan ko ang pananampalataya:
8 Buhat ngayon ay natataan (RL)sa akin (RM)ang putong na katuwiran, na ibibigay sa akin ng Panginoon na tapat na hukom (RN)sa araw na yaon; at hindi lamang sa akin, kundi sa lahat din naman ng mga naghahangad sa kaniyang pagpapakita.
9 Magsikap kang pumarini na madali sa akin:
10 Sapagka't ako'y pinabayaan ni (RO)Demas, palibhasa'y iniibig niya ang sanglibutang ito, at napasa Tesalonica; si Crescente ay napasa Galacia, at si (RP)Tito ay sa Dalmacia.
11 Si Lucas (RQ)lamang ang kasama ko. (RR)Kaunin mo si Marcos, at ipagsama mo; sapagka't siya'y napapakinabangan ko sa ministerio.
12 Datapuwa't si (RS)Tiquico ay sinugo ko sa Efeso.
13 Ang balabal na aking iniwan sa Troas kay Carpo ay iyong dalhin pagparini mo, at ang mga aklat, lalong lalo na ang mga pergamino.
14 Si Alejandro na panday-tanso ay ginawan (RT)ako ng lubhang masama: gagantihan siya ng Panginoon ayon sa kaniyang mga gawa:
15 Magingat ka rin naman sa kaniya; sapagka't totoong kaniyang sinalangsang ang aming mga salita.
16 Sa aking unang (RU)pagsasanggalang sinoman ay walang kumampi sa akin, bagkus pinabayaan ako ng lahat: huwag nawang ibilang sa kanila ito.
17 Datapuwa't (RV)ang Panginoon ay sumaakin, at ako'y pinalakas; upang sa pamamagitan ko ang mabuting balita ay maitanyag ng ganap, at upang mapakinggan ng lahat ng mga Gentil: at (RW)ako'y iniligtas sa bibig ng leon.
18 Ako'y ililigtas ng Panginoon sa bawa't gawa ng masama, at ako'y kaniyang iingatan sa kaniyang kaharian sa langit: na sumakaniya nawa ang kaluwalhatian magpakailan man. Siya nawa.
19 Batiin mo (RX)si Prisca at si Aquila, at ang sangbahayan (RY)ni Onesiforo.
20 Si (RZ)Erasto ay natira sa Corinto; datapuwa't si (SA)Trofimo ay iniwan kong may-sakit sa (SB)Mileto.
21 (SC)Magsikap kang pumarini bago magtaginaw. Binabati ka ni Eubulo, at ni Pudente, at ni Lino, at ni Claudia, at ng lahat ng mga kapatid.
22 Ang Panginoon nawa'y (SD)sumainyong espiritu. Ang biyaya nawa'y sumainyo.
1 Si Pablo, na alipin ng Dios, at apostol ni Jesucristo, ayon sa pananampalataya ng (SE)mga hinirang ng Dios, at (SF)sa pagkaalam ng katotohanan na ayon sa kabanalan,
2 Sa pagasa sa buhay na walang hanggan, na (SG)ipinangako ng Dios (SH)na di makapagsisinungaling buhat pa ng mga panahong walang hanggan;
3 (SI)Nguni't sa kaniyang mga panahon ay ipinahayag ang kaniyang salita sa pangangaral, na sa akin ay ipinagkatiwala (SJ)ayon sa utos ng Dios na (SK)ating Tagapagligtas;
4 Kay (SL)Tito na aking (SM)tunay na anak ayon sa pananampalataya ng lahat: Biyaya at kapayapaan nawang mula sa Dios Ama at kay Cristo Jesus na Tagapagligtas natin.
5 (SN)Dahil dito'y iniwan kita sa Creta, upang husayin mo ang mga bagay na nagkukulang, at (SO)maghalal ng (SP)mga matanda sa bawa't bayan, na gaya ng ipinagbilin ko sa iyo;
6 (SQ)Kung ang sinoman ay walang kapintasan, asawa ng isang babae lamang, na may mga anak na nagsisisampalataya, na hindi maisusumbong sa pangliligalig o suwail.
7 Sapagka't dapat na ang obispo ay walang kapintasan, palibhasa siya'y (SR)katiwala ng Dios; hindi mapagsariling kalooban, hindi magagalitin, hindi manggugulo, hindi palaaway, hindi masakim sa mahalay na kapakinabangan;
8 Kundi mapagpatuloy, maibigin sa mabuti, mahinahon ang pagiisip, matuwid, banal, mapagpigil;
9 Na (SS)nananangan sa (ST)tapat na salita na ayon sa turo, upang umaral ng magaling na aral, at papaniwalain ang nagsisisalangsang.
10 Sapagka't may maraming mga suwail, na mapagsalita ng walang kabuluhan at mga magdaraya, (SU)lalong lalo na yaong mga sa pagtutuli,
11 Na ang kanilang mga bibig ay nararapat matikom; mga taong nagsisipanggulo sa buong mga sangbahayan, na nangagtuturo ng mga bagay na di nararapat, (SV)dahil sa mahalay na kapakinabangan.
12 Sinabi ng isa sa kanila rin, ng isang propetang sarili nila,
Ang mga taga Creta kailan pa man ay mga sinungaling, masasamang hayop, matatakaw na mga tamad.
13 Ang patotoong ito ay tunay. Dahil dito'y (SW)sawayin mong may kabagsikan sila, upang (SX)mangapakagaling sa pananampalataya,
14 Na (SY)huwag mangakinig sa mga (SZ)katha ng mga Judio, at sa mga utos ng mga tao na nangagsisisinsay sa katotohanan.
15 (TA)Sa malinis ang lahat ng mga bagay ay malinis: datapuwa't sa nangahawa at di nagsisisampalataya ay walang anomang malinis; kundi pati ng kanilang (TB)pagiisip at kanilang budhi ay pawang nangahawa.
16 Sila'y nangagpapanggap na nakikilala nila ang Dios; nguni't ikinakaila (TC)sa pamamagitan ng kanilang mga gawa, palibhasa'y mga malulupit, at mga masuwayin, at mga itinakuwil sa bawa't gawang mabuti.
2 Nguni't magsalita ka ng mga bagay na nauukol sa aral na (TD)magaling:
2 Na ang matatandang lalake ay maging mapagpigil, (TE)mahusay, mahinahon ang pagiisip, (TF)magagaling sa (TG)pananampalataya, sa pagibig, sa pagtitiis:
3 Na gayon din ang matatandang babae (TH)ay maging magalang sa kanilang kilos, hindi palabintangin ni paalipin man sa maraming alak, mga guro ng kabutihan;
4 Upang kanilang maturuan ang mga babaing may kabataan na (TI)magsiibig sa kanikaniyang asawa, magsiibig sa kanilang mga anak, mangagpakahinahon,
5 Mangagpakahinahon, mangagpakalinis, mangagpakasipag sa bahay, magagandang-loob, pasakop sa kanikaniyang asawa, upang huwag lapastanganin ang (TJ)salita ng Dios:
6 Iaral mo rin naman sa mga bagong tao na sila'y mangagpakahinahon ng pagiisip:
7 Sa lahat ng mga bagay ay magpakilala kang ikaw ay isang uliran sa mabubuting gawa; at sa iyong aral ay ipakilala mo ang walang kamalian ang kahusayan,
8 Pangungusap na magaling, (TK)na di mahahatulan; (TL)upang sila na nasa kabilang panig ay mahiya, nang walang anomang masamang masabi tungkol sa atin.
9 Iaral mo sa mga (TM)alipin na sila'y pasakop sa kanikaniyang Panginoon, at kanilang kalugdan sa lahat ng mga bagay; at huwag mga masagutin;
10 Huwag mangagdaya, kundi mangagpakita ng buong buting pagtatapat; upang pamutihan sa lahat ng mga bagay (TN)ang aral ng Dios na (TO)ating Tagapagligtas.
11 Sapagka't napakita ang biyaya ng Dios, na may dalang kaligtasan sa lahat ng mga tao,
12 Na nagtuturo sa atin, upang, pagtanggi natin sa kalikuan (TP)at sa mga kahalayan ng sanglibutan, ay marapat mabuhay tayong may pagpipigil at matuwid at banal sa panahong kasalukuyan ng sanglibutan ito;
13 Na hintayin yaong (TQ)mapalad na pagasa at ang pagpapakita ng (TR)kaluwalhatian ng ating dakilang Dios at Tagapagligtas na si Jesucristo;
14 Na siyang (TS)nagbigay ng kaniyang sarili dahil sa atin, (TT)upang tayo'y matubos niya sa lahat ng mga kasamaan, at malinis niya sa kaniyang sarili (TU)ang bayang masikap sa mabubuting gawa, upang maging kaniyang sariling pagaari.
15 Ang mga bagay na ito ay iyong salitain at iaral at isaway ng buong kapangyarihan. (TV)Sinoman ay huwag humamak sa iyo.
3 Ipaalala mo sa kanilang (TW)pasakop sa mga pinuno, sa mga may kapangyarihan, na mangagmasunurin, na humanda sa bawa't gawang mabuti,
2 Na huwag magsalita ng masama tungkol (TX)sa kanino man, na (TY)huwag makipagtalo, kundi mapakahinhin, at magpakahinahon sa lahat ng mga tao.
3 Sapagka't tayo rin naman nang unang panahon (TZ)ay mga mangmang, mga suwail, mga nadaya, na nagsisipaglingkod sa sarisaring masamang pita at kalayawan, na nangamumuhay sa masasamang akala at kapanaghilian, mga napopoot, at tayo'y nangagkakapootan.
4 Nguni't nang mahayag na (UA)ang kagandahang-loob ng (UB)Dios na ating Tagapagligtas, at ang kaniyang pagibig sa tao,
5 Na (UC)hindi dahil sa mga gawa sa katuwiran na ginawa nating sarili, kundi (UD)ayon sa kaniyang kaawaan ay kaniyang iniligtas tayo, sa pamamagitan (UE)ng paghuhugas sa (UF)muling kapanganakan at ng (UG)pagbabago sa Espiritu Santo,
6 Na kaniyang ibinuhos ng sagana (UH)sa atin, sa pamamagitan ni Jesucristo na ating Tagapagligtas;
7 Upang, sa (UI)pagkaaring-ganap sa atin sa pamamagitan ng kaniyang biyaya, (UJ)ay maging tagapagmana tayo (UK)ayon sa pagasa sa buhay na walang hanggan.
8 Tapat ang pasabi, (UL)at tungkol sa mga bagay na ito ay ninanasa kong patotohanan mong may pagkakatiwala, upang ang mga nagsisipanampalataya sa Dios ay maging maingat na papanatilihin ang mabubuting gawa. Ang mga bagay na ito ay pawang mabubuti at mapapakinabangan ng mga tao:
9 Nguni't ilagan mo (UM)ang mga hangal na usapan, at ang mga pagsasalaysay ng lahi, at ang mga pagtatalo, at pagtataltalan tungkol sa kautusan; sapagka't ang mga ito ay di pinakikinabangan at walang kabuluhan.
10 Ang taong may maling pananampalataya (UN)pagkatapos nang una at ikalawang pagsaway ay itakuwil mo;
11 Yamang nalalaman mo na ang gayon ay napahamak, at nagkakasala (UO)at siya'y hinahatulan ng kaniyang sarili.
12 Pagka susuguin ko sa iyo si Artemas, o si (UP)Tiquico, ay magsikap kang pumarini sa akin sa Nicopolis: sapagka't pinasiyahan kong doon matira sa taginaw.
13 Suguin mong may sikap si Zenas na (UQ)tagapagtanggol ng kautusan at si (UR)Apolos sa kanilang paglalakbay, upang sila'y huwag kulangin ng ano man.
14 At pagaralan din naman ng ating mga tao na manatili sa mabubuting gawa (US)sa kagamitang kailangan, upang huwag mawalan ng bunga.
15 Binabati ka ng lahat ng mga kasama ko. Batiin mo ang mga nagsisiibig sa atin sa pananampalataya. Biyaya ang sumainyo nawang lahat.
1 Si Pablo, na (UT)bilanggo ni Cristo Jesus, at si (UU)Timoteo na ating kapatid kay Filemon na aming minamahal (UV)at kamanggagawa,
2 At kay Apia na ating kapatid na babae, at kay (UW)Arquipo na kapuwa kawal namin, at sa (UX)iglesia sa iyong bahay:
3 Sumainyo nawa ang (UY)biyaya at kapayapaang mula sa Dios na ating Ama at sa Panginoong Jesucristo.
4 (UZ)Nagpapasalamat akong lagi sa aking Dios, na ikaw ay binabanggit ko sa aking mga panalangin,
5 Sa pagkabalita ko ng iyong pagibig, (VA)at ng pananampalataya mo sa Panginoong Jesus, at sa lahat ng mga banal;
6 Upang ang pakikipagkaisa ng iyong pananampalataya, ay maging mabisa (VB)sa pagkaalam ng bawa't mabuting bagay na nasa iyo, sa kay Cristo.
7 (VC)Sapagka't ako'y totoong nagalak at naaliw sa iyong pagibig, sapagka't (VD)ang mga puso ng mga banal ay (VE)naginhawahan sa pamamagitan mo, kapatid.
8 Kaya, (VF)bagama't kay Cristo ay mayroon akong buong pagkakatiwala upang ipagtagubilin ko sa iyo ang nauukol,
9 Gayon ma'y alangalang sa pagibig ay bagkus akong namamanhik, kung sa bagay akong si Pablo ay matanda na, at ngayon nama'y (VG)bilanggo ni Cristo Jesus:
10 Ipinamamanhik ko sa iyo ang aking anak, (VH)na aking ipinanganak sa aking mga tanikala, si (VI)Onesimo,
11 Na nang unang panahon ay hindi mo pinakinabangan, datapuwa't ngayon ay may pakikinabangin ka at ako man:
12 Na siya'y aking pinabalik sa iyo sa kaniyang sariling katawan, sa makatuwid baga'y, ang aking sariling puso:
13 Na ibig ko sanang pigilin siya sa aking piling, upang sa iyong pangalan ay paglingkuran ako sa (VJ)mga tanikala ng evangelio:
14 Datapuwa't kung wala kang pasiya ay wala akong magagawang anoman; upang ang iyong kabutihang-loob ay huwag maging tila sa pagkakailangan, kundi sa sariling kalooban.
15 Sapagka't marahil sa ganito siya'y nahiwalay sa iyo sa sangdaling panahon, upang siya'y mapasa iyo magpakailan man;
16 Na (VK)hindi na alipin, kundi higit sa alipin, (VL)isang kapatid na minamahal, lalong lalo na sa akin, nguni't gaano pa kaya sa iyo, na siya'y minamahal mo maging sa (VM)laman at gayon din sa Panginoon.
17 (VN)Kung ako nga ay inaari mong kasama, ay tanggapin mo siyang tila ako rin.
18 Nguni't kung siya'y nagkasala sa iyo ng anoman, o may utang sa iyong anoman, ay ibilang mo sa akin;
19 Akong si Pablo na sumusulat nito ng aking sariling kamay, ay siyang magbabayad sa iyo: hindi sa sinasabi ko sa iyo na ikaw man ay utang mo pa sa akin.
20 Oo, kapatid, magkaroon nawa ako ng katuwaan sa iyo sa Panginoon: (VO)panariwain mo ang aking puso kay Cristo.
21 Kita'y sinulatan sa pagkakatiwala sa iyong pagtalima, palibhasa'y aking nalalaman na gagawin mo ang higit pa kay sa aking sinasabi.
22 Datapuwa't bago ang lahat ay ipaghanda mo ako ng matutuluyan: sapagka't inaasahan kong (VP)sa pamamagitan ng inyong mga panalangin ay ipagkakaloob ako sa inyo.
23 Binabati (VQ)ka ni (VR)Epafras, na aking kasama sa pagkabilanggo kay Cristo Jesus;
24 At gayon din ni (VS)Marcos, ni (VT)Aristarco, ni (VU)Demas, at ni Lucas na aking mga kamanggagawa.
25 (VV)Ang biyaya ng ating Panginoong Jesucristo ay sumainyo nawang espiritu. Siya nawa.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978