Ang iyong leeg ay gaya ng moog na garing; Ang iyong mga mata ay gaya ng mga lawa sa Hesbon Sa siping ng pintuang-bayan ng Batrabbim; Ang iyong ilong ay gaya ng moog ng Libano Na nakaharap sa Damasco.
Ang iyong leeg ay gaya ng toreng garing. Ang iyong mga mata ay gaya ng mga tipunan ng tubig sa Hesbon, sa tabi ng pintuang-bayan ng Batrabbim. Ang iyong ilong ay gaya ng tore ng Lebanon na nakatanaw sa Damasco.
Ang iyong leeg ay gaya ng moog na garing; ang iyong mga mata ay gaya ng mga lawa sa Hesbon sa siping ng pintuang-bayan ng Batrabbim; ang iyong ilong ay gaya ng moog ng Libano na nakaharap sa Damasco.
Ang leeg moʼy parang toreng gawa sa pangil ng elepante. Ang mga mata moʼy kasinglinaw ng batis sa Heshbon, malapit sa pintuang bayan ng Bet Rabim. Ang ilong moʼy kasingganda ng tore ng Lebanon na nakaharap sa Damasco.
Ang leeg mo ay katulad ng toreng gawa sa marmol, mga mata'y nagniningning, parang bukal sa may Hesbon. Ilong mo ay ubod ganda, parang tore ng Lebanon, mataas na nakabantay sa may Lunsod ng Damasco.
Ang leeg mo ay katulad ng toreng gawa sa marmol, mga mata'y nagniningning, parang bukal sa may Hesbon. Ilong mo ay ubod ganda, parang tore ng Lebanon, mataas na nakabantay sa may Lunsod ng Damasco.