Pinangangalumata ng mga luha ang aking mga mata, namamanglaw ang aking puso, Ako'y lubhang nahahapis, dahil sa pagkapahamak ng anak na babae ng aking bayan, Dahil sa ang mga bata at ang mga pasusuhin ay nanganglulupaypay sa mga langsangan ng bayan.
Ang aking mga mata ay namumugto sa kaiiyak; ang aking kaluluwa ay naguguluhan; ang aking puso ay ibinuhos sa lupa dahil sa pagkapahamak ng anak na babae ng aking bayan, sapagkat ang mga bata at mga pasusuhin ay nanghihina sa mga lansangan ng lunsod.
Pinangangalumata ng mga luha ang aking mga mata, namamanglaw ang aking puso, ako'y lubhang nahahapis, dahil sa pagkapahamak ng anak na babae ng aking bayan, dahil sa ang mga bata at ang mga pasusuhin ay nanganglulupaypay sa mga lansangan ng bayan.
Namugto ang mga mata ko sa kaiiyak. Labis na nababagabag at parang sasabog na ang dibdib ko sa kapahamakang sinapit ng aking mga kalahi. Nawalan ng malay sa mga lansangan ang mga bata at mga sanggol.
Namumugto ang mga mata ko sa kaiiyak. Bagbag na bagbag ang aking kalooban. Matindi ang pagdadalamhati ko dahil sa kapahamakang sinapit ng aking bayan; nakahandusay sa mga lansangan ang mga bata at ang mga sanggol.