Add parallel Print Page Options

Ang Pangitain tungkol sa Kasulatang Lumilipad

Muli akong tumingala at may nakita akong kasulatang lumilipad. Tinanong ako ng anghel, “Ano ang nakikita mo?” “Isa pong kasulatang lumilipad. Ang haba po nito ay siyam na metro at apat at kalahating metro naman ang lapad,” sagot ko.

Sinabi niya sa akin, “Diyan nakasulat ang mga sumpa sa daigdig. Sa kabila ay sinasabing aalisin sa lupain ang lahat ng magnanakaw; sa kabila naman ay sinasabing aalisin din ang lahat ng sinungaling. Ipadadala ko ito sa sambahayan ng mga magnanakaw at sa sambahayan ng mga sinungaling. Mananatili ito sa sambahayang iyon upang ubusin sila nang lubusan.”

Ang Babae sa Loob ng Malaking Basket

Lumapit sa akin ang anghel at sinabi, “Tumingala ka at tingnan mo kung ano itong dumarating.”

“Ano 'yan?” tanong ko sa kanya.

“Iyan ay isang malaking basket. Inilalarawan niyan ang kasalanan ng buong sanlibutan,” sagot niya. Bumukas ang tinggang takip nito at nakita kong may isang babaing nakaupo sa loob ng malaking basket.

Sinabi sa akin ng anghel, “Iyan si Kasamaan.” At itinulak niya ito pabalik sa loob ng kaing at muling sinarhan. Nang ako'y tumingala, may nakita akong dalawang babaing lumilipad papunta sa akin; malalapad ang kanilang pakpak. Pinagtulungan nilang ilipad na palayo ang malaking basket. 10 Tinanong ko ang anghel, “Saan nila iyon dadalhin?”

11 Sumagot siya, “Sa Babilonia. Gagawa sila ng templo roon upang paglagyan ng malaking basket. Pagkatapos, sasambahin nila ito.”

Ang lumilipad na balumbon; isang babae, at isang efa.

Nang magkagayo'y itinanaw ko uli ang aking mga mata, at aking nakita, at, narito, isang lumilipad na (A)balumbon.

At sinabi niya sa akin, Ano ang iyong nakikita? At ako'y sumagot, Aking nakikita'y isang lumilipad na balumbon; ang haba niyaon ay dalawang pung siko, at ang luwang niyaon ay sangpung siko.

Nang magkagayo'y sinabi niya sa akin, Ito ang (B)sumpa na lumalabas sa ibabaw ng buong lupain: sapagka't ang bawa't nagnanakaw ay mahihiwalay sa isang dako ayon doon; at bawa't manunumpa ay mahihiwalay sa kabilang dako ayon doon.

Aking ilalabas yaon, sabi ng Panginoon ng mga hukbo, at papasok sa bahay ng magnanakaw, at sa bahay niyaong nanunumpa ng kasinungalingan sa pangalan ko; at (C)tatahan sa gitna ng bahay niya, at (D)pupugnawin sangpu ng mga kahoy niyaon at mga bato niyaon.

Nang magkagayo'y (E)ang anghel na nakikipagusap sa akin ay lumabas, at nagsabi sa akin, itanaw mo ngayon ang iyong mga mata, at tingnan mo kung ano ito na lumalabas.

At aking sinabi, Ano yaon? At kaniyang sinabi, Ito ang (F)efa na lumalabas. Sinabi niya bukod dito, Ito ang kawangis nila sa buong lupain.

(At, narito, itinaas ang isang talentong tingga); at ito'y isang babae na nauupo sa gitna ng efa.

At kaniyang sinabi, Ito ang kasamaan; at kaniyang inihagis sa loob ng gitna ng efa: at kaniyang inihagis ang panimbang na tingga sa bunganga niyaon.

Nang magkagayo'y itinanaw ko ang aking mga mata, at aking nakita at, narito, lumabas ang dalawang babae, at may dalang hangin sa kanilang mga pakpak; sila nga'y may mga pakpak na gaya ng mga pakpak ng tagak: at kanilang itinaas ang efa sa pagitan ng lupa at ng langit.

10 Nang magkagayo'y sinabi ko sa anghel na nakikipagusap sa akin, Saan dinadala ng mga ito ang efa?

11 At sinabi niya sa akin, Upang ipagtayo siya ng bahay sa (G)lupain ng Shinar: at pagka nahanda na, siya'y malalagay roon sa kaniyang sariling dako.

Ang Pangitain ng Lumilipad na Balumbon

Muli kong itinaas ang aking mga paningin at aking nakita, at narito, isang lumilipad na balumbon!

Sinabi niya sa akin, “Ano ang iyong nakikita?” Ako'y sumagot, “Nakikita ko ang isang lumilipad na balumbon. Ang haba nito ay dalawampung siko at ang luwang nito ay sampung siko.”

Nang magkagayo'y sinabi niya sa akin, “Ito ang sumpa na lumalabas sa ibabaw ng buong lupain; tiyak na ang bawat nagnanakaw ay mahihiwalay sa isang dako ayon doon; at bawat manunumpa na may kasinungalingan ay mahihiwalay sa kabilang dako, ayon doon.

Aking isusugo iyon, sabi ng Panginoon ng mga hukbo, ito'y papasok sa bahay ng magnanakaw, at sa bahay ng nanunumpa ng kasinungalingan sa pangalan ko. Ito'y titira sa gitna ng kanyang bahay at uubusin ito, ang mga kahoy at mga bato.”

Ang anghel na nakipag-usap sa akin ay lumapit at sinabi sa akin, “Itaas mo ang iyong paningin, at tingnan mo kung ano itong dumarating.”

Aking sinabi, “Ano iyon?” Kanya namang sinabi, “Ito ang efa na dumarating.” At kanyang sinabi, “Ito ang kanilang anyo sa buong lupain.”

At narito, ang tinggang panakip ay itinaas at may isang babaing nakaupo sa gitna ng efa!

Kanyang sinabi, “Ito ang Kasamaan.” Kanyang itinulak itong pabalik sa gitna ng efa, at ipinatong ang pabigat na tingga sa bunganga niyon.

Itinaas ko ang aking paningin, aking nakita, at lumalapit ang dalawang babae! Ang hangin ay nasa kanilang mga pakpak; sila nga'y may mga pakpak na gaya ng mga pakpak ng tagak at kanilang itinaas ang efa sa pagitan ng lupa at langit.

10 Nang magkagayo'y sinabi ko sa anghel na nakikipag-usap sa akin, “Saan nila dadalhin ang efa?”

11 Sinabi niya sa akin, “Sa lupain ng Sinar upang ipagtayo ito ng bahay doon; at kapag ito'y naihanda na, ilalagay ito doon sa patungan nito.”

'Zacarias 5 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version.