Add parallel Print Page Options

Makinig(A) ka, Josue na pinakapunong pari! Ikaw at ang iyong mga kasamahang pari ay mabuting palatandaan ng mga mangyayari sa hinaharap. Palilitawin ko ang Sanga na aking lingkod. At ang batong ibibigay ko sa iyo, na may pitong tapyas ay uukitan ko ng aking mga salita, at sa loob ng isang araw ay aalisin ko ang kasamaan sa buong lupain. 10 Sa(B) araw na iyon, sabi ni Yahweh na Makapangyarihan sa lahat, aanyayahan ng bawat isa sa inyo ang kanyang kaibigan upang magsama-sama sa ubasan ninyo at sa ilalim ng inyong mga punong igos.”

Read full chapter

Dinggin mo ngayon, Oh Josue, na pangulong saserdote, dinggin mo, at ng iyong mga kasama na nangakaupo sa harap mo; sapagka't sila'y mga taong (A)pinaka tanda: sapagka't narito, aking ilalabas ang (B)aking lingkod (C)na Sanga.

Sapagka't, narito, ang bato na aking inilagay sa harap ni (D)Josue; sa ibabaw ng isang bato ay may (E)pitong mata: narito, aking (F)iuukit ang ukit niyaon, sabi ng Panginoon ng mga hukbo, at aking aalisin ang kasamaan ng lupaing yaon (G)sa isang araw.

10 Sa araw na yaon, (H)sabi ng Panginoon ng mga hukbo, tatawagin ng bawa't isa sa inyo ang kaniyang kapuwa sa lilim ng puno ng ubas, at sa lilim ng puno ng igos.

Read full chapter
'Zacarias 3:8-10' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version.