Font Size
Zacarias 3:2-4
Magandang Balita Biblia
Zacarias 3:2-4
Magandang Balita Biblia
2 Sinabi(A) ng anghel ni Yahweh kay Satanas,[a] “Hatulan ka nawa ni Yahweh, Satanas. Hatulan ka nawa ni Yahweh na pumili sa Jerusalem. Ang taong ito ay gaya ng isang patpat na inagaw sa apoy.”
3 Nakatayo si Josue sa harapan ng anghel at ang suot ay maruming damit. 4 Sinabi ng anghel sa mga naroon, “Hubarin ang gulanit niyang kasuotan.” Bumaling siya kay Josue at sinabi, “Nilinis na kita sa iyong kasamaan at ngayo'y bibihisan ng magarang kasuotan.”
Read full chapterFootnotes
- Zacarias 3:2 SATANAS: Sa wikang Hebreo, ang kahulugan ng salitang ito'y “Kaaway” o kaya'y “tagapagparatang”.
Magandang Balita Biblia (MBBTAG)
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.