Zacarias 12
Ang Biblia (1978)
Ang darating na kalakasan ng Juda.
12 (A)Ang hula na salita ng Panginoon tungkol sa Israel. Ganito ang sabi ng Panginoon, na naguunat ng langit, at naglalagay ng mga patibayan ng lupa, at (B)naglalang ng diwa sa loob ng tao:
2 Narito, (C)aking gagawin ang Jerusalem na isang tazang panglito sa lahat ng bayan sa palibot, at sa Juda man ay magiging gayon sa pagkubkob laban sa Jerusalem.
3 At mangyayari sa araw na yaon, na aking gagawin ang Jerusalem na isang batong mabigat sa lahat ng bayan; lahat ng magsipasan sa kaniya ay mangasusugatang mainam; at ang lahat na bansa sa lupa ay magpipisan laban sa kaniya.
4 Sa araw na yaon, sabi ng Panginoon, aking (D)tutuligin ang bawa't kabayo, at ang kaniyang sakay ng pagkaulol; at aking ididilat ang aking mga mata sa sangbahayan ni Juda, at aking bubulagin ang bawa't kabayo ng mga bayan.
5 At ang mga pinakapuno sa Juda ay mangagsasabi sa sarili, Ang mga nananahan sa Jerusalem ay aking kalakasan sa Panginoon ng mga hukbo na kanilang Dios.
6 Sa araw na yao'y gagawin kong parang kawali ng apoy sa panggatong ang mga pinakapuno sa Juda at (E)parang sulo na apoy sa gitna ng mga bigkis; at kanilang sasakmalin ang buong bayan sa palibot, sa kanan at sa kaliwa; at ang (F)Jerusalem ay tatahan pa uli (G)sa kaniyang sariling dako, sa makatuwid baga'y sa Jerusalem.
7 Ililigtas naman na una ng Panginoon ang mga tolda ng Juda, upang ang kaluwalhatian ng sangbahayan ni David at ang kaluwalhatian ng mga mananahan sa Jerusalem ay huwag magmalaki sa Juda.
8 Sa araw na yaon ay ipagsasanggalang ng Panginoon ang mga mananahan sa Jerusalem, at (H)siyang mahina sa kanila sa araw na yaon ay magiging gaya ni David; at ang sangbahayan ni David ay magiging parang Dios, parang (I)anghel ng Panginoon sa harap nila.
9 At mangyayari sa araw na yaon, na aking pagsisikapang gibain ang lahat na bansa na naparoroon laban sa Jerusalem.
10 (J)At aking bubuhusan ang sangbahayan ni David, at ang mga mananahan sa Jerusalem, ng espiritu ng biyaya at ng daing; (K)at sila'y magsisitingin sa akin na kanilang pinalagpasan: at kanilang tatangisan siya, na (L)gaya ng pagtangis sa bugtong na anak, at magiging kapanglawan sa kaniya, na parang kapanglawan sa kaniyang panganay.
11 (M)Sa araw na yaon ay magkakaroon ng malaking (N)pagtangis sa Jerusalem, na gaya (O)ng pagtangis kay Adad-rimon sa libis ng Megiddo.
12 At ang lupain ay tatangis, bawa't angkan ay bukod; ang angkan ng sangbahayan ni David ay bukod, at ang (P)kanilang mga asawa ay bukod; ang angkan ng sangbahayan ni (Q)Nathan ay bukod, at ang kanilang mga asawa ay bukod;
13 Ang angkan ng sangbahayan ni Levi ay bukod, at ang kanilang mga asawa ay bukod; ang angkan ni (R)Simei ay bukod, at ang kanilang mga asawa ay bukod;
14 Ang lahat na angkang nalabi, bawa't angkan ay bukod, at ang kanilang mga asawa ay bukod.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978