Zacarias 12:4-6
Ang Biblia (1978)
4 Sa araw na yaon, sabi ng Panginoon, aking (A)tutuligin ang bawa't kabayo, at ang kaniyang sakay ng pagkaulol; at aking ididilat ang aking mga mata sa sangbahayan ni Juda, at aking bubulagin ang bawa't kabayo ng mga bayan.
5 At ang mga pinakapuno sa Juda ay mangagsasabi sa sarili, Ang mga nananahan sa Jerusalem ay aking kalakasan sa Panginoon ng mga hukbo na kanilang Dios.
6 Sa araw na yao'y gagawin kong parang kawali ng apoy sa panggatong ang mga pinakapuno sa Juda at (B)parang sulo na apoy sa gitna ng mga bigkis; at kanilang sasakmalin ang buong bayan sa palibot, sa kanan at sa kaliwa; at ang (C)Jerusalem ay tatahan pa uli (D)sa kaniyang sariling dako, sa makatuwid baga'y sa Jerusalem.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978