Add parallel Print Page Options

10 Sila'y aking ibabalik mula sa Egipto,
    at aking titipunin mula sa Asiria;
upang iuwi sa Gilead at Lebanon,
    hanggang ang lupain ay mapuno ng tao.
11 Tatawid sila sa dagat ng Egipto,
    at papayapain ko ang malalaking alon nito;
    aking tutuyuin ang Ilog Nilo.
Ibabagsak ko ang Asiria na palalo,
    maging setro ng Egipto'y tiyak na maglalaho.
12 Ang aking bayan ay aking palalakasin,
    susundin nila ako at sasambahin.”

Ako si Yahweh, ang nagsabi nito.

Read full chapter

10 Aking dadalhin uli sila mula sa lupain ng Egipto, at pipisanin sila (A)mula sa Asiria; at aking dadalhin sila sa lupain ng Galaad at Libano; at (B)walang dakong masusumpungan para sa kanila.

11 At siya'y (C)magdadaan ng dagat ng kadalamhatian, at hahawiin ang mga alon sa dagat, at ang lahat ng kalaliman sa Nilo ay matutuyo; at ang kapalaluan ng Asiria ay mababagsak, at ang cetro ng Egipto ay (D)mawawala.

12 At aking palalakasin sila sa Panginoon; at (E)sila'y magsisilakad na paitaas at paibaba sa kaniyang pangalan, sabi ng Panginoon.

Read full chapter

10 Ibabalik ko silang pauwi mula sa lupain ng Ehipto,
    at titipunin ko sila mula sa Asiria;
at dadalhin ko sila sa lupain ng Gilead at Lebanon,
    hanggang wala nang silid para sa kanila.
11 Sila'y[a] tatawid sa dagat ng kaguluhan,
    at ang mga alon ng dagat ay hahampasin,
    at ang lahat ng kalaliman sa Nilo ay matutuyo.
Ang pagmamataas ng Asiria ay ibababa,
    at ang setro ng Ehipto ay mawawala.
12 Palalakasin ko sila sa Panginoon;
    at sila'y lalakad sa kanyang pangalan,” sabi ng Panginoon.

Read full chapter

Footnotes

  1. Zacarias 10:11 Sa Septuaginta ay Siya'y .
'Zacarias 10:10-12' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version.