Tito 3:8-10
Magandang Balita Biblia
8 Mapagkakatiwalaan ang aral na ito. Kaya't ang nais ko'y buong tiyaga mong ituro ito sa mga nananalig sa Diyos upang ilaan nila ang kanilang sarili sa paggawa ng mabuti, na siyang karapat-dapat at kapaki-pakinabang sa mga tao. 9 Iwasan mo ang mga walang kabuluhang pagtatalo, ang di matapus-tapos na talaan ng mga ninuno, at ang mga away at alitan tungkol sa Kautusan. Ang mga ito ay walang pakinabang
at walang halaga. 10 Pagkatapos mong sawaying minsan o makalawa, iwasan mo na ang taong lumilikha ng pagkakabaha-bahagi,
Read full chapter
Tito 3:8-10
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
8 Mapagkakatiwalaan ang salitang ito kaya't nais kong bigyang-diin mo ito sa iyong pagtuturo sa mga mananampalataya sa Diyos upang italaga nila ang kanilang sarili sa paggawa ng mabuti, na siya namang kapaki-pakinabang sa mga tao. 9 Iwasan mo ang mga walang-kabuluhang pagtatalo, ang mga talaan ng mga salinlahi, at ang mga pagtatalo't alitan tungkol sa Kautusan. Walang halaga at walang kabutihang maidudulot ang mga iyan. 10 Pagkatapos mong bigyan ng una at pangalawang babala, iwasan mo na ang sinumang lumilikha ng pagkakampi-kampi.
Read full chapter
Tito 3:8-10
Ang Biblia (1978)
8 Tapat ang pasabi, (A)at tungkol sa mga bagay na ito ay ninanasa kong patotohanan mong may pagkakatiwala, upang ang mga nagsisipanampalataya sa Dios ay maging maingat na papanatilihin ang mabubuting gawa. Ang mga bagay na ito ay pawang mabubuti at mapapakinabangan ng mga tao:
9 Nguni't ilagan mo (B)ang mga hangal na usapan, at ang mga pagsasalaysay ng lahi, at ang mga pagtatalo, at pagtataltalan tungkol sa kautusan; sapagka't ang mga ito ay di pinakikinabangan at walang kabuluhan.
10 Ang taong may maling pananampalataya (C)pagkatapos nang una at ikalawang pagsaway ay itakuwil mo;
Read full chapterMagandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
