Add parallel Print Page Options

Ginawa niya ito upang sa pagpapaging-matuwid sa atin, sa pamamagitan ng biyaya at ayon sa pag-asa, tayo ay maging tagapagmana ng buhay na walang hanggan. Ito ay mapagkakatiwalaang salita. Ibig kong palagi mong bigyan ng diin ang mga bagay na ito upang ang mga mananampalataya sa Diyos ay maging maingat sa pagpapanatili ng mabuting gawa. Ang mga bagay na ito ay mabuti at kapakipakinabang sa mga tao.

Iwasan mo ang hangal na pagtatanungan, ang walang katapusang pagsasalaysay ng mga angkan, ang pag-aaway-away at pagtatalo patungkol sa kautusan sapagkat wala itong kapakinabangan at walang itong kabuluhan.

Read full chapter