Add parallel Print Page Options

Sapagka't tayo rin naman nang unang panahon ay mga mangmang, mga suwail, mga nadaya, na nagsisipaglingkod sa sarisaring masamang pita at kalayawan, na nangamumuhay sa masasamang akala at kapanaghilian, mga napopoot, at tayo'y nangagkakapootan.

Nguni't nang mahayag na ang kagandahang-loob ng Dios na ating Tagapagligtas, at ang kaniyang pagibig sa tao,

Na hindi dahil sa mga gawa sa katuwiran na ginawa nating sarili, kundi ayon sa kaniyang kaawaan ay kaniyang iniligtas tayo, sa pamamagitan ng paghuhugas sa muling kapanganakan at ng pagbabago sa Espiritu Santo,

Read full chapter

Tayo rin noong una ay mga hangal, mga suwail, naliligaw, at naging alipin ng sari-saring pagnanasa at layaw. Namuhay tayo sa kasamaan at inggit. Kinapootan tayo ng iba at sila nama'y kinapootan natin. Ngunit nang mahayag ang kabutihan at pag-ibig ng Diyos na ating Tagapagligtas, iniligtas niya tayo, hindi dahil sa ating mabubuting gawa kundi dahil sa kanyang habag. Iniligtas niya tayo sa pamamagitan ng paglilinis ng muling kapanganakan at pagbabagong buhay na dulot ng Banal na Espiritu,

Read full chapter