Add parallel Print Page Options

Ipaala-ala mo rin sa kanila na huwag silang manlait sa kaninuman. Dapat din silang maging mapayapa, mahinahon at nagpapakita ng kababaang-loob sa lahat ng mga tao.

Ito ay sapagkat sa nakaraang panahon, tayo rin naman ay mga mangmang, mga masuwayin at mga iniligaw. Naging alipin tayo sa iba’t ibang masasamang pita at kalayawan. Namuhay tayo sa masamang hangarin at inggitan. Kinapootan tayo ng mga tao at napoot tayo sa isa’t isa. Ngunit nahayag ang kabutihan ng Diyos, na ating Tagapagligtas at ang kaniyang pag-ibig samga tao.

Read full chapter