Add parallel Print Page Options

Pangungusap na magaling, (A)na di mahahatulan; (B)upang sila na nasa kabilang panig ay mahiya, nang walang anomang masamang masabi tungkol sa atin.

Iaral mo sa mga (C)alipin na sila'y pasakop sa kanikaniyang Panginoon, at kanilang kalugdan sa lahat ng mga bagay; at huwag mga masagutin;

10 Huwag mangagdaya, kundi mangagpakita ng buong buting pagtatapat; upang pamutihan sa lahat ng mga bagay (D)ang aral ng Dios na (E)ating Tagapagligtas.

Read full chapter

Angkop na salita ang dapat mong gamitin upang hindi mapintasan ang itinuturo mo. Sa gayo'y mapapahiya ang mga kumakalaban sapagkat wala silang masasabing masama laban sa atin. Turuan mo ang mga alipin na magpasakop at maging kalugud-lugod sa kanilang mga panginoon. Hindi rin sila dapat nakikipagtalo sa mga ito, 10 at hindi dapat pagnakawan. Sa halip, ipakita nilang mapagkakatiwalaan sila sa lahat ng pagkakataon upang maipakita nila sa kanilang ginagawa na kaakit-akit ang turo tungkol sa Diyos na ating Tagapagligtas.

Read full chapter