Tito 1:13-15
Ang Salita ng Diyos
13 Ang sinabing itopatungkol sa kanila ay totoo. Dahil dito, mahigpit mo silang sawayin upang sila ay tumibay sa pananampalataya. 14 Ito ay upang huwag sila makinig sa mga katha ng mga Judio at ng mga utos ng taong tumatalikod sa katotohanan. 15 Sa taong malinis, ang lahat ng mga bagay ay malinis. Ngunit sa lahat ng nadungisan at hindi sumasampalataya ay walang bagay na malinis. Subalit ang kanilang pag-iisp at budhi ay nadungisan.
Read full chapter
Tito 1:13-15
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
13 Totoo ang salitang ito. Kaya't buong tapang mo silang sawayin upang maituwid sila sa pananampalataya 14 at huwag nang makinig sa mga kathang-isip ng mga Judio, at sa mga turo ng mga taong tumalikod na sa katotohanan. 15 Malinis ang lahat ng bagay sa taong malinis, ngunit sa marurumi at di sumasampalataya, walang bagay na malinis dahil marumi ang kanilang budhi at isipan.
Read full chapterCopyright © 1998 by Bibles International
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.