Add parallel Print Page Options

10 At sa araw na yaon, sabi ng Panginoon, magkakaroon ng ingay ng hiyawan na mula sa pintuang-bayan ng mga isda, at ng pananambitan mula sa ikalawang bahagi, at malaking hugong na mula sa mga burol.

11 Manambitan kayo, kayong mga nananahan sa Mactes; sapagka't ang buong bayan ng Canaan ay nalansag; yaong napapasanan ng pilak ay nangahiwalay.

12 At mangyayari sa panahong yaon, na ang Jerusalem ay sisiyasatin kong may mga ilawan; at aking parurusahan ang mga tao na nagsisiupo sa kanilang mga latak, na nangagsasabi sa kanilang puso, Ang Panginoo'y hindi gagawa ng mabuti, ni gagawa man siya ng masama.

Read full chapter