Santiago 4:7-17
Ang Biblia (1978)
7 Pasakop nga kayo sa Dios; datapuwa't magsisalangsang kayo sa diablo, at tatakas siya sa inyo.
8 Magsilapit kayo sa Dios, at siya'y lalapit sa inyo. Mangaglinis kayo ng inyong mga kamay, kayong mga makasalanan; at (A)dalisayin ninyo ang inyong mga puso, kayong mga (B)may dalawang akala.
9 Kayo'y mangagpighati, at magsihibik, at magsitangis: inyong palitan ang inyong pagtawa ng paghibik, at ang inyong kagalakan ng kalumbayan.
10 Mangagpakababa kayo (C)sa paningin ng Panginoon, at kaniyang itataas kayo.
11 (D)Huwag kayong mangagsalita ng laban sa isa't isa, mga kapatid. Ang nagsasalita laban sa kapatid, (E)o humahatol sa kaniyang kapatid, ay (F)nagsasalita laban sa kautusan, at humahatol sa kautusan: datapuwa't kung ikaw ay humahatol sa kautusan, hindi ka na tagatupad ng kautusan, kundi hukom.
12 Iisa ang tagapagbigay ng kautusan at hukom, sa makatuwid baga'y ang makapagliligtas at (G)makapagwawasak: datapuwa't (H)sino ka na humahatol sa iyong kapuwa?
13 (I)Magsiparito ngayon, kayong nagsisipagsabi, (J)Ngayon o bukas ay magsisiparoon kami sa gayong bayan, at titira kami doong isang taon, at mangangalakal, at magtutubo:
14 Kayo ngang hindi nakaaalam ng mangyayari bukas. Ano ang inyong buhay? (K)Kayo nga'y isang singaw na sa sangdaling panahon ay lumilitaw, at pagdaka'y napapawi.
15 Sapagka't ang dapat ninyong sabihin ay, Kung loloobin ng Panginoon ay mangabubuhay kami, at gagawin namin ito o yaon.
16 Datapuwa't ngayon ay nagmamapuri kayo sa inyong mga pagpapalalo: (L)ang lahat ng ganitong pagmamapuri ay masama.
17 (M)Sa nakakaalam nga ng paggawa ng mabuti, at hindi ginagawa, ito'y kasalanan sa kaniya.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978